Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Terminal





Nanatili ang pananahimik ni Ahtisia habang lumilipad naman ang isip ko sa kung saan. Alam kong biglaan ang nagging desisyon ko para sa aming dalawa, pero ngayon pa lang ay iniisip ko na ang mga bagay bagay.

Isang beses ko ulit siyang nilingon at nakitang tahimik pa din siyang nakatingin sa may bintana. Mukhang malalim din ang iniisip niya, pero mas umaliwalas na ang mukha niya ngayon kesa kanina.

"Baby..." pagkuha ko sa atensyon niya.

Kaagad niya akong nilingon at tipid na nginitian. Muntik na akong makaramdam ng kaba. I'm worried na natakot siya sa mga biglaang desisyon ko para sa aming dalawa. I maybe inconsistent in some of my decisions pero kay Ahtisia...seryoso ako sa kanya. Seryoso ako sa kung anong meron sa aming dalawa.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko sa kanya.

"Anywhere...basta kasama ka," she said at tipid akong nginitian bago ko nakita kung paano nanaman namula ang magkabilang pisngi niya.

Damn, this girl is driving me insane.

"Do you want us to book a hotel to...uhm, so we can rest?" tanong ko sa kanya.

Damn, malinis ang intension ko na mag-book ng hotel so we can rest. Pero sa tingin ko ay pagnanggagaling sa akin ay bigla na lang nagiging may ibang pakay.

Tipid na ngumisi si Ahtisia sa akin na para bang naramdaman din niya ang pagdududa ko sa aking sarili.

Marahan siyang tumango sa akin at itinuon na lang ang atensyon sa daan. I booked a hotel room malapit sa seaside so we can have a good view. Walang reklamo si Ahtisia, tahimik lang siya kagaya pa din kanina.

Kung hindi lang siya ngumingiti sa akin sa tuwing tinitingnan ko siya ay iisipin kong baka hindi na siya kumportable sa pinaggagagawa namin.

"Don't worry...we'll just rest," sabi ko sa kanya habang nasa elevator kamin.

Hindi ko din ma-intindihan kung bakit kanina pa ako nagpapaliwanag sa kanya, wala naman siyang sinasabi.

"Masyado kang...defensive" sita niya sa akin habang naka-ngisi.

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya kaya naman napakamot ako sa aking batok.

Damn, My naughty Odette.

Kumapit siya sa braso ko bago pa man tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami.

Pagbukas ng hotel room at tumakbo kaagad si Ahtisia sa malaking glass wall kung saan kita naming ang malawak na karagatan at ang mga ganap sa may seaside.

Inihagis ko kaagad ang keycard sa may center table at lumapit sa kanya para yakapin siya mula sa likuran.

"You like it here?" malambing na tanong ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa kanyang tenga.

Tango lang ang isinagot niya sa akin kaya naman mas lalo ko na lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Ilang beses na nanatili ang halik ko sa ulo niya, halos hindi din ako magsawa sa pag-amoy sa buhok niya. Her hair smells like heaven.

Nagpaalam ako sandal sa kanya na tatawag para umorder ng lunch naming. Nanatili si Ahtisia sa may bintana at inilabas pa ang phone niya para kuhanan ng litrato ang buong view.

I even ask her kung may gusto ba siyang kainin pero she keeps on saying na ako na daw ang bahala.

I even received a message from my friends, hinahanap nila ako dahil halos ito na ata ang unang beses na umabsent ako sa tanang buhay ko. Masyado akong seryoso sa pag-aaral kaya naman ni minsan ay hindi ko naisip na liliban ako sa klase.

Pagod kong binitawan ang phone ko, nilingon ko si Ahtisia...nang makita ko kung gaano siya nag-eenjoy sa view na mayroon kami ngayon ay nawala ang pagod ko. Fuck, aabsent ako araw-araw para dito.

"Magtanan tayo...sa beach tayo pumunta, gusto mo?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. Kaagad siyang naglakad palapit sa akin, buong akala ko ay uupo siya sa tabi ko. Hindi na ako nakagalaw nang siya mismo ang kumandong sa akin.

"Hindi pa ako nakakapunta ng beach..." kwento niya na ikinagulat ko.

"As in?" gulat na tanong ko sa kanya.

Ngumisi ito. Imbes na sagutin ako ay itinapat pa niya ang phone niya sa mukha ko habang tumatawa.

"Ang funny ng shock face mo," pang-aasar niya sa akin.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Kaagad ko siyang hinawakan sa magkabilang bewang niya para ihiga siya sa may kama.

"At nang-aasar ka na din ngayon," sita ko sa kanya kaya naman tawa sya ng tawa.

"Hunter..." tawag niya sa akin.

Muli ko siyang kinilti sa tagiliran niya dahilan para mas lalo siyang matawa.

Hanggang ang pag-aasaran na 'yon ay na-uwi nanaman sa mainit na askyon naming dalawa sa kama.

"Ahh...Oh my..." daing niya. I think she was about to meet her third climax again.

Hindi ako magsasawang panuorin ang mukha niya sa kung paano siya nasisiyahan at nasa-satisfied sa ginagawa ko sa kanya.

Ang kanyang kaliwang kamay ay nakahawak sa leeg ko samantalagang ang isa naman ay malayang niyang pinapanghawak sa hubad kong katawan.

"Fuck..."daing ko bago ko ibinaon ang sarili ko sa kanya nang marating ko na din ang dapat kong marating.

Kapwa naming habol ni Ahtisia ang aming mga hininga. Pinagdikit ko ang noo naming dalawa habang ramdam ko ang pagsasalin ko sa kanya nang kung anong mang pinaghirapan naming dalawa.

"Don't worry...I'm safe. J-just...pour it in," sabi niya sa akin kaya naman halos mag-init nanaman ako.

Kung hindi lang niya sinabi sa akin na gutom na siya ay mukhang hindi ko nanaman mapipigilan ang sarili ko. I just can't get enough of her.

"Nasaan na yung...magpapahinga lang tayo?" tanong niya sa akin habang naghahanda kami para kumain.

Tinatawanan niya ako sa tuwing hindi ako makasagot sa mga hirit niya. Mamaya 'to sa akin. Siguradong hindi na siya makakatawa at tatawagin na lang niya ang pangalan ko sa gagawin ko sa kanya.

I've been with girls before. I'm not a saint para sabihing si Ahtisia ang unang karanasan ko sa sex. Ngayon lang ako na-conscious ng ganito. Her satisfaction over anything else.

Nakatulog siya ilang oras after we ate our lunch. Habang natutulog siya ay nakatapat na ako sa harapan ng laptop ko at nagpa-plano nanaman kung paanong tanan ang gagawin naming.

Ako ang nagyaya sa kanya, ako din ang lalaki kaya naman responsibilidad kong ihanda ang lahat para sa gagawin naming. Hindi naman pwedeng kuhanin ko na lang basta si Ahtisia na wala akong concrete plan for us.

"Kailangan kong ipakita kay Mommy na susunod ako sa kanya. Mas lalo kasi siyang humihigpit sa akin sa tuwing tumatanggi ako."

Naghahanda na kaming dalawa dahil madilim na sa labas. Lumabas lang kami kaninang hapon para pumunta sa mall malapit dito at kumain ng mirienda.

"I understand...it's better na sundin mo muna siya for now para hindi ka nanaman saktan," marahang sabi ko sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sa akin. Tumingkayad pa para halikan ako sa labi bago siya yumakap.

"Ang swerte ko sa'yo..." sabi niya.

Fuck. Kikiligin nanaman tayo para sa araw na'to.

"Mas swerte ako sa'yo," sabi ko sa kanya.

Damn, para akong may kasamang anghel sa tuwing kasama ko siya. She maybe aloof sa ibang estudyante sa university pero hindi naman ako tanga para hindi makita na may mga schoolmates din kami na may gusto sa kanya.

Muli kaming bumalik ng campus, saktong wala pa si Kuya Wil kaya naman para wala lang nangyari. Wala nanamang emosyon ito nang tumingin sa akin pagkadating niya para sunduin si Ahtisia.

Napagdesisyonan na din muna naming wag sabihin dito. Ayaw ni Ahtisia na madamay si Kuya Wil dahil siguradong pag nagalit ang Mommy niya, baka mawalan pa ito ng trabaho.

Inayos ko kaagad ang mga finances ko pagka-uwi sa bahay. Bukod kasi sa allowance na ibinibigay ng parents ko sa akin ay may part time job naman kami sa companya kaya naman may sarili din akong pera. Hindi ako mag-aaya ng tanan if  manghihingi pa ako sa parents ko.

"Are you sure about it?" seryosong tanong ni Eroz sa akin nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa plano.

Isa siya sa gusto kong maka-usap tungkol sa gagawin ko. Masyado kasing abala sina Tadeo, Kenzo, at Cairo.

Kaagad akong tumango bago ako tumungga ng beer. Pumunta ako sa bahay nila nang malaman kong magkasama sila ni Piero. Nagdalawang isip pa ako nung una...knowing Piero Herrer.

"Mag-aalala si Tita. Hunter masyado pa kayong bata for this..." si Eroz pa din.

"Bakit? May age requirement ba sa pagtatanan? And si Hunter na din ang nagsabi...he's loaded, kayang kaya na nilang mabuhay na sila lang." Si Piero.

Sumama ang tingin ni Eroz sa kanya. "Kung ako...sasabihin ko sa'yo you should find another option. Hindi sagot ang pagtatanan para sa problema niyo. Lalo niyo lang paguguluhin ang lahat," si Eroz.

"Tsk. Sobrang pang Lolo naman 'yang advice mo," pag-singit ni Piero.

"Kung ako makikipagtanan...magpapaalam ako," he said proudly kaya naman halos bumagsak na ang balikat ni Eroz.

Mukhang nawalan na din siya ng pag-asa na makakakuha pa ng seryosong suggestion mula sa bestfriend niya.

"Aba syempre. Paano malalaman ng lahat na nagtanan kami kung wala akong pinagsabihan. Magpaalam ka kay Tita...para naman pag nawala ka hindi siya mag-alala, like...Ah ang tarantado kong anak na si Hundson...nakipagtanan lang 'yon," sabi pa niya sa amin kaya naman pareho na kaming hindi nakapagsalita ni Eroz sa mga pinagsasabi niya.

"Aatakihin pa si Tita sa'yo...paano kung isipin nun na may nangyaring masama na sa'yo at patay na?" tanong niya sa akin.

Tinapik ni Erox ang braso nito. "Pinatay mo naman kaagad..." sita niya kay Piero na may tinatagong ngisi.

Mukhang hindi talaga tama na sa kanilang dalawa ako nagsabi.

"Basta ang sa akin lang...hindi tanan ang sagot," si Eroz.

"Basta ang sa akin...magpaalam kayo. Tanan with consent," si Piero bago tumawa.

Maaga akong bumaba sa dinning kinaumagahan para kumain at pumasok na. Boses kaagad ni Mommy ang narinig ko.

"Good morning, Mom..." bati ko sa kanya at humalik pa sa ulo niya.

"Good morning. Kumain ka na," yaya niya sa akin.

Just like some normas days, pinagsisilbihan pa din kami ni Mommy na para bang grade schooler pa ni Kuya kung ipaghanda ng pagkain. It's fine with me, habang pabor na pabor naman kay Kuya Hob na hindi ko alam kung bakit parang bawat minute ay gutom siya.

"Can't imagine na may ibang babaeng mag-aalaga na sa inyo the moment you both decide to marry and start your own family," pagda-drama nanaman ni Mommy.

"Mom, nag-aaral pa kami. That's...matagal pa," sabi ni Kuya Hob na halos mamuwalan dahil sa pagkain.

Hindi pinansin 'yon ni Mommy. Nakanguso siyang lumapit kay Kuya at yumakap mula sa likuran nito.

"Mukhang magiging pihikan ako when it comes to my daughter in law..." she said kaya naman natawa si Daddy.

Wala siyang magiging problema kay Ahtisia, I bet that.

Mamaya pa ang klase ni Ahtisia kaya naman pagdating ko sa campus ay dumiretso kaagad ako papunta sa building kung saan ang unang klase ko. Habang naglalakad ay iniisip ko ding kailangan ko munang iwanan ang lahat ng 'to. Mukhang hindi ako makaka-graduate sa oras dahil pag-alis.

"Bitch!"

Umaalingawngaw ang sigaw ng kung sinong babae sa may dulong hallway. Masyado pang maaga pero may kumpulan na kaagad ng mga estudyante.

"Hunter, yung bestfriend mong si Isabela," humahangos na sabi ng ilang kakilala sa akin.

Wala na akong sinayang na panahon at kaagad na tumakbo papunta sa kanila. Nagulat ako nang makitang may kaaway ito at hawak hawak niya ang buhok ng kawawang babae.

"Bitawan mo ako! Ikaw ang bitch! Wala na kayo ni Hobbes," rinig kong mangiyak-ngiyak na sigaw ng babaeng hawak niya ang buhok.

Lumapit na kaagad ako sa kanila para awatin sila. Maraming estudyante na nakiki-usyoso pero wala ni isang nagbalak na awatin ang mga ito.

"Isabela, tam ana 'yan," suway ko sa kanya.

Bago pa man ako tuluyang makalapit at nilingon na niya ako at pinanlisikan ng mata.

"Wag kang mange-alam dito, Jimenez," sita niya sa akin.

Na-ikuyom ko ang aking kamao. Matigas talaga ang ulo ng babaeng 'to.

Imbes na sundin siya ay pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ng babae.

"Tama na 'yan," suway ko.

"No. uubusin ko ang buhok ng malanding 'to," she said at mas lalong pinag-igihan ang pagkakasabunot. Mas lalong sumigaw ang kawawang babae dahil sa sakit.

Namukaan ko siya, siya yung kasama ni Kuya sa The Vega's noong isang gabi.

"Isabela!" sigaw na tawag ng kararating lang na si Sovannah.

Kasabay niyang dumating ang mukhang kaibigan ng babaeng sinasaktan ng pinsan niya.

"Bel, let her go..." sit ani Ahtisia sa kanya.

Ni hindi niya din ito pinakinggan. Tumingin siya sandal sa akin bago tumulong na tanggaling ang mahigpit na pagkakahawak ni Isabela sa  buhok ng kaaway.

"Let her go, Bel...this is  not you," sabi niya sa pinsan.

Sov was about to step in para sana tumulong nang sugurin din siya ng dalawa sa mga kaibigan nito.

"Pinagtulungan niyo pa," sabi ng mga ito at tinangkang susugurin si Sovannah.

"Tangina," madiing mura ko.

Binitawan ko ang kamay ni Isabela para lapitan si Sovannah.

"Hindi 'to lalaban. Hindi 'to lalaban," sabi ko sa mga babae at pilit siyang itinatago sa kanila.

Halos yakapin ko na si Sov para lang hindi siya masaktan ng mga babaeng 'yon. Hindi naman siya kagaya ni Isabela na kayang kayang ipagtanggol ang sarili niya.

Natigil lang ang kaguluhan nang dumating na ang mga school guard at mukhang nakarating na din sa admin ang nangyayari.

"Guidance office...now!" madiing sabi ng admin sa mga ito.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko kay Sov na hanggang ngayon ay parang shock pa din sa mga nangyayari.

Hindi siya naka-imik hanggang sa hilahin na din siya ni Isabela palayo sa akin.

"Let's go, Sov..." yaya nito sa pinsan.

Lalakad na din sana ako para samahan sila nang pigilan ako ni Isabela.

"Kaya na naming 'to. We don't need you, Jimenez," she said bago nila ako tuluyang tinalikuran na dalawa.

Nilingon pa ako ni Sov para humingi ng pasencya. Nirespeto ko ang gusto ni Isabela. Hindi ako sumunod sa kanila. She's right, kaya na nila 'yon. I should stop being the knight in shinning armor ng mga kaibigan ko dahil hindi naman ako palaging nandito para sa kanila, I also have a girlfriend kung nasaan dapat ang focus ko.

At aalis ako para makipagtanan.

"Bala hindi maayos ang break up," sabi ni Ahtisia sa akin ng mukhang umabot din sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina.

Nagkibit balikat ako. Ni wala na din talaga akong balita sa relasyon nil ani Kuya Hob. Ang sa akin lang ay may sarili akong relasyon, wala akong oras na pakialaman pa ang relasyon ng iba.

"Kailangan kong sabihin kay Kuya Will. He needs to know since siya naman ang maghahatid sa akin sa'yo," sabi niya sa akin.

"Nagalit ba siya...sa akin?" tanong ko.

Mukhang mainit na ang dugo ni Kuya Wil sa akin, at mukhang mas lalo pang uminit ngayon.

Ngumisi siya. "Konti lang," sagot niya kaya naman napapikit na lang ako ng mariin.

Kahit anong pilit kong paghahanda sa gagawin naming ay wala naman talaga sigurong nagtanan na handing handa sa gagawin niya. Basta sinigurado ko lang na may pera kaming gagamitin sa oras na iwanan na naming ang lahat ng 'to.

I even searched sa mga pwedeng tuluyan na malapit sa dagat. Nag karoon ako ng maraming plan b, options over options. Hindi pwedeng pag nagkamali sa una ay susuko kaagad, dapat ay may bagong plano.

Ahtisia is busy with her requirements. Ni hindi din niya ako masagot kung gaano katagal silang mawawala kung sakaling matuloy ang plano nila na pag-alis patungo sa ibang bansa.

"Maraming koneksyon si Mommy sa admin kaya naman kahit bigla na lang akong umalis, walang magiging problema sa mga records ko," sabi niya sa akin.

Kung hindi pala niya sinabi sa akin ang tungkol dito ay mukhang gigising ako isang araw na bigla na lang siyang nawala.

"Handa ako...pero aaminin ko sa'yong takot ako na baka umatras ka anytime," pag-amin ko sa kanya.

Hindi na siya papasok simula bukas kaya naman hindi na kami magkikita, ang next na pagkikita naming ay sa araw nan ang pag-alis nila. Sa araw din na magtatanan na kami.

Hinawakan ng malambot niyang kamay ang pisngi ko. "Hindi ako aatras, Hunter. Aaminin ko din sa'yong takot ako...pero may tiwala ako sa'yo kaya excited din ako," sabi niya sa akin.

Siya na din mismo ang nagdikit ng noo naming dalawa.

"Trust me, sisiputin kita," paninigurado niya sa akin.

Fuck. I invested so much in this. I already accept the worst scenarios na pwedeng mangyari. The bottomline is, aalis kami at walang makakapagpigil sa amin.

I received some of my test lately. My grade is failing. Hindi ko na kinayang isalba dahil sa pagiging seryoso ko sa bagay na 'to.

"Not because maganda ang records mo nong prelims ay pababayaan mo ang midterms at finals...gusto mong balikan ang subject ko, Mr. Jimenez?" tanong ng professor ko.

Kita ko ang disappointment sa mukha niya habang nakatingin sa pulang marka sa testpaper ko.

"Anong nangyayari sa'yo?" tanong niya sa akin.

Anong nangyayari sa akin? Hindi ko din alam.

I withraw half of my money sa bank account ko. Hindi naman kasi pwedeng maya't maya kami nagwi-withraw sa atm machine. Sabi ng ani Ahtisia, maraming koneksyon ang Mommy niya.

"Umuwi ka ng maaga, Hundson...it's my birthday," paalala ni Mommy sa akin.

Fuck, na taon pa na birthday ni Mommy ang pagtatanan naming ni Ahtisia. She wants an intimate family dinner with us kesa ang magarbong birthday party.

"Wag mo akong paasahin...kayo ng Kuya mo. Lagot kayong dalawa sa akin," banta niya.

Niyakap ko si Mommy at hinalikan sa ulo. Paano ko kaya sasabihin sa kanya na ang birthday gift ko ay ang balitang makikipagtanan ako?

"I love you, Mommy...I hope, I always makes you proud," sabi ko sa kanya.

"Kahit siraulo kayong dalawa ng Kuya Hob mo...sobrang proud ako sa inyong dalawa," she said.

And I love her for that. Ito ata ang unang beses na hindi ko siya mapagbibigayn sa request niya.

Handa na ang mga gamit ko sa backseat ng rover. Inilagay ko 'yon doon kagabi habang tulog ang lahat. Mamayang gabi ang supposed flight nila Ahtisia.

Ang plano ay ihahatid siya ni Kuya Wil sa airport since hindi sila sabay ng parents niya papunta doon. Nasa Tagaytay ang parents niya for business, magkikita-kita na lang sila sa airport.

"Iiwan ko ang sasakyan sa parking space ng malapit na mall...I'll ride a taxi papunta sa may terminal. Hihintayin ko kayo doon," sabi ko kay Ahtisia.

"Naghihintay na lang kami ng cue ni Mommy para bumyahe...Darating ako...h-hunter," paninigurado niya sa akin bago niya ibinaba ang tawag.

Matapos kong iwanan ang sasakyan ko sa parking space ay umalis na kaagad ako dala ang dalawang travelling bag. Pumara ako ng taxi para magpahatid sa terminal kung saan may bus papunta sa subic.

Tahimik akong naka-upo sa waiting area. Hindi ako sanay sa dami ng tao, hindi ako sanay to ride a bus. Iisipin ko pa lang na makikipagsiksikan kami ni Ahtisia at maghihintay sa mahahabang pila ay parang pagod na kaagad ako.

Nasa byahe na sila base sa huling text niya sa akin. Kasabay noon ay ang message mula kay Mommy. Nasa bahay na daw si Kuya Hob, ako na lang ang hinihintay nila dahil sabay sabay kaming aalis para sa family dinner.

Hindi ko magawang sumagot sa message niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ako uuwi ngayon to celebrate with them for her birthday.

Halos mag-agaw na ang liwanag at dilim. Dumating na din ang bus na sasakyan naming.

"Sumakay na kayo. Pabagsak na ang ulan," sabi nung lalaking konduktor daw.

Mahaba at nag-uunahan nanaman sa pila para makasakay sa nasabing  bus. Muli akong tumingin sa orasan ko, wala pa din sila.

"Ilang oras pa maghihintay ang bus?" tanong ko dito.

"Pag napuno na...aalis na," sagot niya sa akin.

Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong ticket.

"Parating na yung kasama ko," sabi ko.

Nginisian niya ako, lumagpas ang tingin niya sa akin at sa mga gamit na dala ko.

"Ipasok mo na ang mga gamit mo sa gilid, mapupuno na 'yon," turo niya sa akin.

Hindi ako nakasagot, nanatili ang tingin ko sa gilid na compartment ng bus na halos mapuno na.

"Hindi eroplano ang sasakyan niyo, Senyorito," sabi pa niya sa akin.

"I'll buy another two seats para sa mga gamit naming," sabi ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. "Pwede naman...akong bahala," sabi niya sa akin. Naglahad siya ng kamay kaya naman alam ko na kaagad kung anong balak niya.

Binigyan ko siya ng tip kagaya ng gusto niya. Pinili niya kami ng dalawa pang upuan para sa mga gamit naming ni Ahtisia. Is two seats enough? Gaano kaya kadami ang dala niyang gamit?

"Ano na? Sisiputin ka pa ba?" tanong niya sa akin ilang minute pa ang lumipas.

Halos hindi ko na magawang umupo, kanina pa ako nagpabalik balik ng lakad habang naghihintay sa kanya. Ilang beses akong nagtext at tumawag pero cannot be reached na siya.

From: Mom

Hunter where are you? Please don't ruin our family dinner. It's my birthday.

Fuck.

Maka-ilang beses ko ulit sinubukang tawagan si Ahtisia. Panay pa ang pangungulit sa akin ng konduktor na aalis na ang bus. Kita ko din mula sa bintana ang masamang tingin  ng ibang pasahero sa akin.

"Kanina pa dapat naka-alis 'to! Ano bay an, siya ba ang may-ari ng bus?" sigaw ng isang lalaki mula sa loob, hindi na nakapagpigil.

Mas lalo na ding lumakas ang buhos ng ulan.

Tangina.

From: Kuya Hob

Nasaan ka? It's Mom's birthday. Gago ka ba?

Halos mawalan na ako ng pagasa hanggang sa makita ko ang pagdating ng sasakyan nina Ahtisia.

"Damn," I sighed in relief at kaagad na kinuha ang mga gamit ko.

"Congrats, sinupot ka. Ang dami ko nang nakitang ganitong eksena..." nakangising sabi ng konduktor sa akin bago niya kinuha ang mga gamit ko para isakay na sa bus.

Hindi ko siya pinansin. Nanatili ang tingin ko sa sasakyan nilang huminto sa aking harapan. Bumaba si Kuya Wil habang nakapayong dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

Nanatili ang tingin niya sa akin. Halos gusto kong agawin sa kanya ang payong para ako na mismo ang magbukas ng pintuan kay Ahtisia.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng imbes na sa may back seat siya pumunta ay dumiretso siya sa akin.

"Umuwi ka na sa inyo," seryosong sabi niya sa akin.

"Ano?"

May kinuha siyang sulat mula sa bulsa niya.

"Ipapahamak mo lang si Ahtisia sa gagawin niyo. Hindi  mo kilala ang Mommy niya," sabi ni Kuya Wil sa akin.

Kaagad kong tinabig ang kamay niyang may hawak ng sulat.

Lumapit ako sa kanilang sasakyan kahit malakas ang ulan. Binuksan ko ang backseat pero tangina...wala siya.

"Nasaan siya?" tanong ko kay Kuya Wil.

"Umalis na kasama ang parents niya," sagot niya sa akin na kaagad kong inilingan.

"Hindi," giit ko. Hindi gagawin ni Ahtisia sa akin 'to.

"Umuwi ka na, Hunter."

Tangina.

"Sabihin mo sa kanya, hindi ako aalis dito hangga't hindi siya dumadating," madding sabi ko kay Kuya Will.

Halos manlabo ang paningin ko habang masama ang tingin sa pagbagsak ng ulan. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa bus habang paalis na 'to. Sa aking tabi ay ang mga gamit ko.

"Hindi ako aalis dito," sabi ko kay Kuya Wil. Ni hindi din niya ako iniwan.

"Hindi na siya darating...Hindi siya darating," madiing sabi niya sa akin.

Na-ikuyom ko ang aking kamao.

"Tangina...wag na kamo siyang bumalik," frustrated na sabi ko.

Hindi naka-imik si Kuya Wil.

"Wag na siyang bumalik. Wag na din siyang magpapakita sa akin," galit na sabi ko habang binubuhat ang mga gamit ko.

Halos maghalo ang luha at tubig ng ulan sa mukha ko.

I so fucking hate her to death. And all this fucking bullshits. Tangina.





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro