
Chapter 11
Shower
Hindi mawala sa isip ko ang nalaman ko tungkol sa pinagdadaanan ni Ahtisia sa Mommy niya. Hindi ko napigilang marahang haplusin ang buhok niya habang mahimbing ang tulog niya.
Narinig ko pa ang pagtikhim ni Kuya Wil pero hindi ko na lang pinansin. Hindi ko inakala na kaya siyang pagbuhatan ng Mommy niya sa tuwing hindi niya sinusunod ang mga utos nito. She's too soft for this.
Nanatili ako sa clinic para bantayan siya. Ni hindi ko na inisip pa kung absent ako para sa susunod kong klase. Babawi na lang ako sa next meeting. Kailan ako ngayong ng girlfriend ko.
Nagpaalam na din si Kuya Wil na lalabas na muna dahil isa lang ang pwedeng kasama sa clinic. Dahan dahang kumunot ang noo ni Ahtisia tanda na gigising na siya kaya naman napaayos ako ng tayo.
Napangiwi kaagad siya ng subukan niyang igalaw ang paa niya. Hindi nagtagal ay muli nanamang namuo ang luha sa kanyang mga mata hanggang sa nahaluan 'yon ng takot.
"Ang sabi ng nurse...hindi maganda ang nangyari sa paa mo," sagot ko sa kanya ng magtanong siya.
I want to comfort her with words but it's not really comforting to tell her lies. She needs to know and it's better kung wag na muna siyang tumuloy sa audition niya dahil siguradong maapasama lalo ang pilay sa paa niya.
"Magagalit si Mommy. Hindi pwede," umiiyak na sabi niya sa akin. Mas mahinahon na siya ngayon kesa kanina pero ramdam kong may dumoble ang lungkot at takot sa boses niya.
"Baby...mas lalong delikado," sabi ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita pa pero nakita kong mas lumalim ang iniisip niya.
"Ahtisia..." tawag ko sa kanya ng mapansin kong masyado na siyang nagpapalunod sa iniisip niya.
Marahan kong pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya.
"Magiging ayos lang ang paa ko. Makakapag-audition pa din ako...kailangan lang ng pahinga," sabi niya sa akin. Pilit na pinapasigla ang sarili.
Hindi na ako sumagot pa at hinalikan na lang siya sa noo. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
Matapos makapagpahinga ni Ahtisia ay napagpasyahan siya bigyan ng excuse letter ng nurse para may ipakita siya sa mga professor niya para sa mga klase na hindi niya mapapasukan. Mas minabuti nitong pauwin na muna si Ahtisia para makapagpahinga.
Yumakap ang kanang kamay niya sa leeg ko nang kargahin ko siya kahit may wheelchair naman.
"Pumasok ka sa susunod mong klase. Umabsent ka pa tuloy dahil sa akin," sabi niya sa akin habang naglalakad ako sa hallway habang karga siya.
Wala masyadong estudyante sa labas dahil class hours. Ramdam ko ang tingin ni Ahtisia sa akin habang buhat ko siya kaya naman bumaba ang tingin ko sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
Tipid siyang ngumiti sa akin. "Mabuti na lang nandito ka,' she said kaya naman mas lalo kong naramdaman na I need to be with her all the time.
Na sa mga oras na pakiramdam niya mag-isa lang siya ay mas lalo kong dapat iparamdam sa kanya ang presencya ko.
"I'll always gonna be here for you," pangako ko sa kanya.
Matamis siyang ngumiti sa akin bago siya nag-iwas ng tingin. Bumaba kaagad ng sasakyan si Kuya Will para buksan ang pintuan ng passenger seat. Ma-ingat kong inalapag si Ahtisia sa may backseat.
"Take a rest. Text me kung may kailangan ka...text me pag naka-uwi na kayo," paalala ko sa kanya na kaagad niyang tinanguan.
Marahan kong hinaplos ang pisngi niya bago ko siya siniil ng halik. Matapos sa labi niya ay isang halik ulit sa noo bago ako umayos ng tayo.
"Pag may gusto kang kainin text me...dadalhan kita," sabi ko sa kanya kahit hindi ako sigurado kung ayos lang sa kanya na pumunta ako sa kanila.
Muli siyang tumango sa akin at ngumiti. Kumaway pa siya sa akin bago ko tuluyang isinara ang pintuan para maka-alis na sila.
Bumusina si Kuya Wil sa akin bago tuluyang umandar ang sasakyan palayo. Napabuntong hininga ako bago ako naglakad papunta sa susunod kong klase. Hindi na tama ang nangyayari, kailangan kong kausapin sina Isabela tungkol dito.
Matapos ang sumunod kong klase ay kaagad ko siyang sinadya sa court kasama ang mga kaibigan niya.
"Yung spike..." natatawang sabi niya sa mga ito.
Naputol ang pag-uusap nila nang makita nila ang paglapit ko.
"Let's talk," sabi ko sa kanya.
Sumimangot siya at umirap pa.
"Hindi ako magso-sorry sa katangahan ng girlfriend mo," sabi niya kaya naman na-ikuyom ko ang kamao ko.
"Isabela," madiing tawag ko sa kanya kaya naman napa-ayos siya ng upo.
Mas lalong natahimik ang mga kasama niya bago sila nag-paalam na iiwan kaming dalawa.
"What? Aawayin mo ako dahil sa nangyari? Kasalanan ko bang lampa siya?"
"You did that on purpose. Aminin mo na, wag na tayong maglokohan dito," sabi ko sa kanya.
"Purpose? Siya ang humabol sa bola. Ni wala nga siyang katabi nung natumba siya," giit ni Isabela sa akin.
"She's your target."
Mapanuyang ngumisi ito. "Hindi na ako mag-e-explaine, Hunter. Wala ka namang ibang paniniwalaan kundi ang babaeng 'yon," sabi pa niya at tangkang tatalikuran ako ng hawakan ko siya sa braso.
Hindi mahigpit 'yon. Sapat lang para hindi siya maka-alis sa harapan ko.
"Nagkakaganyan ka dahil sa babae?" gulat na tanong niya sa akin at padabog na binawi ang kamay niya sa pagkakahawak ko.
Mariin akong napapikit. "Sorry..." sambit ko para sa paghawak ko sa braso niya.
But I'm not sorry dahil galit ako sa kanya at sa ginawa niya sa girlfriend ko.
"Mas kilala mo kami kesa sa kanya. Tapos ganyan ka?" giit pa niya sa akin.
Gusto kong sabihin na tama siya, mas kilala ko siya kaya naman sigurado ako sa sinasabi ko. She wants to get even kay Ahtisia. Hindi ko alam kung anong problema, hindi naman siya ganito sa mga nagustuhan ko dati o sa mga na-link sa akin.
Maybe because she saw how serious I am kay Ahtisia.
"Hindi ako masaya sa nangyayari. Sa tingin mo ba gusto ko to take sides? Pareho kayong importante sa akin, kaibigan ko kayo ni Sov...Girlfriend ko si Ahtisia," pag-papaintindi ko sa kanya.
Ngumisi si Isabela. "You know what...it's better kung magkanya-kanya na tayo. Just don't crawl back to us saying na tama kami sa accussations namin sa girlfriend mong sugar baby..." sabi pa niya kaya naman mariin akong napamura.
"We're done protecting you, Hunter. You did this to yourself...bahala ka na," she said bago marahas na inayos ang mga gamit niya para tuluyang maka-alis sa harapan ko.
"Hindi ganyan si Ahtisia. You'll see..." sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
Pagod akong napa-upo sa bleacher at napahilamos sa mukha ko. Mariin akong napa-iling at halos mapamura. Sumama ang tingin ko sa kung saan hanggang sa makita ko si Sov. Papunta sana siya sa gawi namin hanggang sa tumalikod na lang siya at umalis.
"Sovannah!" tawag ko sa kanya pero hindi na niya ako pinakinggan pa.
Hindi ako naka-received ng messages mula kay Ahtisia simula ng maghiwalay kami kanina. Nag send ako ng message to asked her if kamusta na ang pakiramdam niya pero wala akong natanggap na reply.
Mas lalo akong nag-alala ng hindi siya pumasok ng sumunod na araw hanggang sa sinubukan kong sadyain siya sa bahay nila.
Palapit pa lang ang sasakyan ko ng makita ko ang pagbaba ni Kuya Wil sa sasakyan na palagi niang ginagamit para ihatid sunod si Ahtisia.
Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ko nang lumapit siya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nag-aalala ako kay Ahtisia. Hindi siya sumasagot sa tawag at messages ko," sagot ko sa kanya.
"Confiscated ang phone niya. Hindi din siya pwedeng lumabas...at tumanggap ng bisita," sabi niya sa akin.
Halos malaglag ang panga ko dahil sa narinig. Confiscated ang phone? May gumagawa pa ng ganoon ngayon? And she's already at age para gawin pang bata ng Mommy niya sa tuwing nagkakamali siya.
"Kamusta siya? Sinaktan ba?" tanong ko.
Umiwas ng tingin si Kuya Wil sa akin.
"Sinaktan siya?" tanong ko. Dahil sa hindi niya pagsagot ay nagkaroon na kaagad ako ng konklusyon.
"Umalis ka na. Lalo lang magugulo kung may makakita sa'yo dito,"
"Nag-aalala ako kay Ahtisia," giit ko. Hindi ko kayang umalis hangga't hindi ko siya nakikita.
"Ayos lang siya. Papasok din siya sa susunod na araw," sabi niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang sumuko at umalis na doon. Hindi siya nawala sa isip ko, wala din naman akong magawa dahil hindi ko naman kilala kung paano magalit ang Mommy niya at kung anong gulo ang pwedeng mangyari sa oras na bigla na lang akong sumulpot sa kanila at magpakilala na boyfriend niya.
Thursday at Friday siyang hindi pumasok kaya naman kahit nung weekends ay wala akong balita sa kanya.
Nagkaroon ng company party ng opisyal na buksan ang Herrer Estate under Herrer Empire. Kahit may kanya kanya sanang lakad ang mga pinsan ko ay wala kaming nagawa kundi ang pumunta doon.
"At bakit nakabusangot ang mga mukha niyo? Sino ba ang magmamana ng lhata ng 'to? Hindi ba't kayo..." si Tito Marcus.
Sumimangot na kaagad sina Kuya Hob at Piero nang mabusog na sila. Masaya pa sila kanila dahil sa mga pagkain pero ng matapos kumain ay nagreklamo na dahil bored na daw sila.
"Magsusundalo po ako," sabi ni Tadeo dito.
"Ako tambay lang sa bahay," segunda ni Piero kaya naman napangisi ako at napa-iling.
Kaagad na nakipag-apir si Tito Marcus dito. "Yan gusto ko sa'yo...makapal ang mukha mo," sabi niya dito na kaagad na ikinatawa ni Piero pero alam kong seryoso siya sa gusto niyang mangyari.
Nagkayayaan sina Kuya na kumuha ng wine kaya naman nang mawala sila sa lamesa namin ay iginala ko ang paningin ko sa buong paligid. Nandoon din ang ilang mga business partners ng companya namin.
Kumunot ang noo ko nang may makita akong pamilyar na mukha.
"Cairo, kilala mo 'yon?" tanong ko sa kanya.
Sa pagkakaalam ko ay kasam-kasama siya palagi ni Tito Alec sa mga business meeting. Tinignan niya ang itinuro kong lalaki, hindi ako nagkakamali dahil 'yon ang lalaking palagi kong nakikitang nagbibigay ng mga regalo kay Ahtisia.
"Sir Everette Medrano," sagot ni Cairo sa akin.
Sumama ang tingin ko sa may-edad na lalaki. Looks like nasa mid-30's na siya.
"May asawa?" tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo ni Cairo nang lingonin niya ako.
"Bakit ka interisado?" tanong niya sa akin.
"May asawa o wala?" tanong ko pa din.
"Wala...bachelor. Nasa magazine siya last month," sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalong uminit ang ulo ko.
"May girlfrined?" tanong ko pa.
Ngumisi na 'to. "Hindi ko alam, Hunter. Hindi ako chismoso," sabi pa niya sa akin bago nagpaalam para lumayo sa akin.
Masyadong iritado sa sunod-sunod kong tanong.
Dahil hindi ako mapalagay ay ako na mismo ang naghanap ng paraan para malaman kung anong meron sa Everette Medrano na 'yon.
"Tito Marcus," tawag ko sa kanya.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at kaagad siyang tinanong tungkol dito.
"Wala pa, pero may anak na lalaki na. Kasing edad mo siguro," sabi nito sa akin.
Ang kapal ng mukha niyang magustuhan si Ahtisia gayong may anak na siya na halos kasing edad lang nito?.
"Maraming nagkakagusto diyan. Minsan mas bata pa sa kanya...ganyan talaga pag gwapo," sabi pa ni Tito kaya naman sumama ang tingin ko sa kung saan.
Hindi naman mapagkakaila na sa edad niyang 'yan ay kaya pa niyang makipagsabayan sa mga mas bata sa kanya ngayon. Walang problema sa akin pero wag ang girlfriend ko.
Dahil sa mga nalaman ay nagkaroon ako ng konklusyon na may posibilidad talaga na kaya niyang binibigyan ng regalo si Ahtisia dahil nanliligaw siya dito? Pero kilala ko si Ahtisia, boyfriend na niya ako kaya naman alam kong kung sakaling may manligaw sa kanya ay hindi niya tatanggapin dahil kami na.
"Hindi ko na nakikita sina Sov at Isabela. Hindi ka na din nagpapalam na aalis kasama sila," puna ni Mommy sa akin lunes ng umaga.
I told her about my problem with them. Baka kasi may suggestions si Mommy, pero pakiramdam ko ay mali na sinabi ko pa sa kanya.
"Is it worth it na mawala sayo ang mga kaibigan mo for years para lang sa..."
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang mukhang nag-alangan din siya.
"Ma, si Ahtisia po ang girlfriend ko. Kung totoong suportado ako ng mga kaibigan ko...they should atleast be happy for me," laban ko sa kanya na kaagad niyang tinanguan.
"Hindi ko lang inaasahan na magkakasira kayong tatlo dahil sa babae," she said kaya naman natahimik ako.
"Pero kung talagang masaya ka with Ahtisia. There's no problem with me. Dalhin mo siya dito para naman makilala ko,' sabi niya sa akin na kaagad kong tinanguan.
Maaga akong pumasok para hintayin ang pagdating nila sa may parking lot. Hindi naman ako nabigo dahil hindi nagtagal ay dumating na din ang sasakyan nila. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan siya ni Kuya Wil dahil ako na ang gumawa non.
"Anong ginagawa mo dito sa parking lot?" tanong niya sa akin.
Nginitian ko siya. "Hinihintay ang girlfriend ko," sabi ko sa kanya bago ako naghanda para buhatin siya.
May dala siyang saklay pero sinabi kong hindi na niya kailangan 'yon. Kaya ko naman siyang ihatid papunta sa mga klase niya.
"Pinagtitinginan nanaman tayo," mahinang sabi niya.
"Wala akong pakialam sa kanila," sabi ko sa kanya.
Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita kong parang hindi siya comportable sa atensyon na nakukuha namin.
Inihatid ko siya sa una niyang klase. Tahimik pa din siya sa nang iupo ko siya sa upuan niya.
"May problema?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang paglalapag ng bag niya sa kanyang tabi.
"Uhm...mag-usap tayo mamayang lunch," sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang labi ko.
Makikipag-hiwalay ba siya sa akin?
"S-sure," sabi ko na lang bago nagpaalam sa kanya para pumunta din sa unang klase ko.
Wala tuloy ako sa focus dahil sa pag-iisip kung anong pag-uusapan namin ni Ahtisia. Desidido akong ipakita sa kanya na ako ang dapat niyang piliin kesa Medrano na 'yon.
Ilang minuto akong naghintay sa labas ng room nila bago ako pumasok para buhatin siya. Ramdam ko ang tingin ng ibang estudyante sa amin pero wala talaga akong pakialam sa kanila.
Hindi din ako umimik habang papunta kami ni Ahtisia sa cafeteria, ramdam kong ilang beses siyang tumingin sa akin. Nagtataka siguro sa pananahimik ko.
"May gusto kang kainin?" tanong ko nang ibaba ko siya sa upuan para pumila sa may counter.
"Baka may meatballs sila," sabi niya sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. Pumunta ako sa counter para pumila at bumili ng lunch naming dalawa. Hindi pa din maalis sa isip ko kung anong pag-uusapan namin ngayon.
"Ang swerte naman ng girlfriend niya..." rinig kong pag-uusap ng ibang estudyante na kasama ko sa pila. Iba ang course nila kaya naman hindi sila pamilyar sa akin.
Matapos kong umorder ay bumalik kaagad ako sa pwesto namin ni Ahtisia. Nakita ko pa ang grupo nila Isabela sa malayong gawi ng cafeteria pero hindi ko man lang nakita na tumingin siya sa gawi namin.
Tahimik kami nang mag-umpisang kumain hanggang siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.
"Ang tahimik mo," puna niya sa akin.
"May iniisip lang," sagot ko sa kanya.
"Hindi ako makikipag-break sa'yo, Hunter," sabi niya sa akin kaya naman mariin akong napapikit at tsaka lang nakahinga nang maayos.
"Fuck," sambit ko dahil sa relief na naramdaman ko.
Mahinang tumawa si Ahtisia.
"Sabi ko na mali yung delivery ko ng words. Kinabahan ka tuloy...hindi ka nakapag-focus sa klase mo? Sorry..." sabi niya sa akin.
Gustuhin ko man siyang yakapi ay hindi ko na nagawa pang tumayo para lumipat sa tabi niya. Mahigpit ko na lang hinawakan ang kamay niyang nasa itaas ng lamesa.
"Wag mo na ulit akong tatakutin ng ganon," sabi ko sa kanya.
Gusto ni Ahtisia na bawasan ang pagiging showy naming dalawa lalo na pag nandito kami sa school.
"Mas lalong dumadami ang may ayaw sa akin kasi ako ang gusto mo," sabi pa niya sa akin bago ko nakita ang pagpula ng pisngi niya.
Pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Naiintindihan ko din naman, ayokong masaktan pa ulit siya dahil lang sa akin.
"Pero hindi muna ngayon. Kailangan pa din kitang alalayan dahil sa pilay mo," sabi ko na tinanguan din naman niya.
Ganoon ang naging set up namin habang hindi pa niya kayang mag-lakad ng maayos. Hindi din niya pinipwersa ang paa niya lalo na't tutuloy pa din siya sa audition bilang Odette.
"Alam ng Mommy mo na pwedeng mas lumala ang pilay sa paa mo kung tutuloy ka?" tanong ko.
Tipid siyang tumango. Nagtagal ang tingin ko sa gilid ng labi niya nang makita kong may pasa doon, hindi na gaanong halata dahil pa wala na pero kung sa malapitan ay makikita mo talaga.
"Mommy mo ang gumawa nito?" tanong ko sa kanya.
Hindi niya kinumpirma pero alam ko na kaagad ang sagot.
Habang mas lalong tumatagal ang araw na hindi ko nakakausap ang mga kaibigan ko ay mas lalo kong na-re-realize na hindi basta tampuhan lang ang meron sa amin ngayon.
"Sov," tawag ko sa kanya nang magkasalubong kami sa may hallway.
"Hunter..." nakangiting bati niya sa akin pabalik.
"I miss you," sabi ko. Sanay ako sa presencya nilang dalawa ni Isabela kaya naman normal lang na mamiss ko ang mga kaibigan ko.
Nakita ko ang pagpula ng pisngi niya. "Miss ka na din namin," sabi niya sa akin.
Malungkot akong ngumiti sa kanya. Alam kong hindi pa namin mababalik ang kung anong meron kami dati dahil sa pagmamatigas ni Isabela.
"If ever may bagong coffee shop ka na gustong puntahan...text me," sabi ko sa kanya.
Tumulis ang nguso ni Sov kaya naman napangiti ako.
"I'll text you," paninigurado niya sa akin bago siya nagpaalam na pupunta na sa klase niya.
Bukod sa klase ko ay naging abala din ako to support Ahtisia sa last minute practice niya para sa audition. Medyo maayos na ang paa niya kaya naman nakakasayaw na ulit siya kahit kita ko minsan ang pag ngiwi niya dahil nnararamdaman pa din niya ang sakit doon.
Pumalakpak ako nang matapos ang kanta. Lumapit ako sa kanya kaya naman hinarap niya ako.
"Picture tayo," yaya niya sa akin.
Dalawa lang kami sa loob ng studio type practice room niya kaya naman nag set na lang kami ng timer para makapagpicture na dalawa.
Matapos kong ayusin ang camera ay muli akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang bewang nang humarap siya sa akin. Ikinawit niya ang kaliwa niyang kamay sa leeg ko bago siya nag tip-toe para magpantay ang tingin naming dalawa.
Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa posisyon namin hanggang sa dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko.
"I love you, Hunter..." sabi niya sa akin between our kisses.
I deepen our kiss. "I love you too..."
Nandoon ako nung araw ng audition ni Ahtisia. Inaasahan kong makikita ko ang Mommy niya pero hindi man lang ito pumunta kagaya nung mga magulang ng mga makakalaban niya.
"Hindi pupunta ang Mommy mo?" tanong ko sa kanya.
Marahan siyang umiling. "Busy si Mommy. Tatawag lang siya mamaya para itabnong kung nakuha ko yung role," sabi niya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya nang makita kong kinakabahan siya.
"Kinakabahan ako lalo kasi nandito ka," sabi niya sa akin.
"You can do it," sabi ko at hinalikan siya sa noo.
Nginitian niya ako hanggang sa magulat kaming dalawa nang tumugtog ang music para sa una niyang kalaban.
"Uhm...sa akin 'yan," sabi niya at tangkang sasabihin 'yon sa nagaayos ng sounds nang mag-umpisang sumayaw ang nasa harapan.
Akala namin ay nagkamali lang nang pinatugtog hanggang sa mas lalong natahimik si Ahtisia nang makita niyang kaparehong kapareho ng mga galaw niya ang ginawa nung nauna sa kanya.
"Paanong..." sambit niya.
Hindi ko alam kung paano siya icocomfort lalo na't hindi ko din naman alam ang rules nang competition nila.
"Hey...mas magaling ka," sabi ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti sa akin pero alam kong hindi nawala ang kabang naramdaman niya.
Nasa focus siya nung pumunta siya sa harapan. Pero nung magsimulang tumugtog ang music na gagamitin niya ay nagkaroon nang bulungan kaya naman na-distract siya.
Isang beses siyang tumingin sa akin. I told her to focus pero masyadong nakaka-distract ang bulungan hanggang sa namali ang apak niya dahilan para matumba siya nang muling indahin ang sakit.
Sa huli, hindi niya nakuha ang role bilang odette. Tahimik siya pagkatapos nang announcement. Looks like tanggap naman niya pero muling namuo ang takot sa mukha niya nang mag-ring ang phone niya dahil sa tawag ng Mommy niya.
"Uhm..." she started to rattle and panic.
"Wag mo munang sagutin kung hindi ka pa ready," sabi ko sa kanya pero hindi din siya tinigilan nito.
Nakita ko kung paano manginig ang kamay niya nang sagutin niya na ang tawag.
"Mommy..." tawag niya dito.
Nagsimula nang tumulo ang luha mula sa mga mata niya.
"I-I'm sorry po. Hindi ko po nakuha ang role," sabi niya dito.
Mariin siyang napapikit at halos ilayo ang phone sa tenga niya.
"Babawi po ako next time...promise," pakiusap niya dito pero binabaan na siya nang tawag.
Kaagad ko siyang hinila para yakapin. Umiyak siya sa bisig ko.
"Wag ka na munang umuwi sa inyo," sabi ko. Ayokong maging bad influence sa kanya pero kung sasaktan siya sa kanila pag-uwi niya ay hindi din naman ako papayag.
Kinausap ko si Kuya Wil tungkol sa nangyari. Wala pa ding imik si Ahtisia kaya naman kami na lang dalawa ang nagkasundo.
"Mapapagalitan nanaman si Kuya Wil pag hindi ako umuwi," sabi niya.
"Ako na ang bahala. Palamigin mo muna ang ulo ng Mommy mo," sabi niya kay Ahtisia.
I booked a hotel room para sa aming dalawa under my name. Kung sa kanya kasi ay siguradong malalaman ng Mommy niya kung nasaan siya.
Pwede naman kaming mag-stay sa sasakyan ko just like before pero I want her to rest.
"Wala naman akong bisyo, wala akong barkada, school bahay lang ako pero...ganito si Mommy sa akin. Minsan gusto ko na lang mag-rebelde sa kanya," sabi niya sa akin.
Ni hindi siya kumain. Nanatili lang siyang tahimik kahit pa halos isang oras na kami sa loob ng hotel room.
"Gusto mong kausapin ko ang Mommy mo?" tanong ko sa kanya kahit ang totoo ay hindi ko din naman alam kung paano kakausapin ang Mommy niya.
Marahan siyang umiling sa akin. Tahimik ulit siyang umiyak hanggang sa nakatulog siya. Nang masigurado kong maayos na ang tulog niya ay kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makapag-shower.
Ilang minuto pa lang akong nasa loob ng shower ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Nagulat ako nang sa paglingon ko ay nasa loob na ng banyo si Ahtisia.
"Ahtisia..." gulat na tawag ko sa kanya.
Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa pumasok siya sa shower room at siniil ako nang halik.
"Ahtisia," tawag ko ulit sa kanya.
Basa na ang suot niyang pantulog, and damn it wala akong suot na kahit ano.
"Hunter...l-let's do it," sabi niya sa akin na para bang hindi pa siya sigurado.
"No. Marami ka lang iniisip...let's go," yaya ko sa kanya at sinubukang kuhanin ang tuwalya para takpan ang basa niyang katawan pero nagmatigas siya.
Siya na mismo ang naghubad ng basa niyang damit. Fuck.
Malamig ang tubig sa shower pero damn, naramdaman ko kaagad ang init.
"Ikaw lang yung nagbigay sa akin ng ganitong klase ng atensyon. I want to feel more of you, Hunter..." sabi niya sa akin.
I don't want to take advantage sa situation niya ngayon, sinubukan kong pigilan pero wala na talaga akong nagawa nang muli siyang lumapit sa akin para halikan ako.
"I love you..." she said kaya naman iyon na ang pumutol sa pagpipigil ko.
I love her too. At kung ano man ang mangyayari sa amin ngayon...pananagutan ko siya.
Mas lalo kong naramdaman ang init nang maramdaman ko ang hubad niyang katawan sa akin. Kaagad ko siyang binuhat para yumakap sa akin, hindi naman ako nahirapan dahil para bang alam na niya ang gagawin niya.
Kahit basa pa ang mga katawan namin ay dinala ko siya at inihiga sa kama. I kissed every part of her.
"Oh...hunter," tawag niya sa akin nang hawakan ko siya down there so that hindi siya mabigla mamaya.
I tried to please here, she's too turned on, she's fucking wet already kaya naman muli ko siyang inayos nang higa sa kama.
"I love you,' sambit ko bago ko siya halikan sa noo.
Matamis siya ngumiti sa akin habang nakatitig. Ipinwesto ko ang sarili ko sa gitna nang mga hita niya. Napaawang ang bibig niya sa dahan dahan kong pagpasok.
"Aw. Hunter!" daing niya.
Fuck. It's her first.
Nasa tamang edad na kami to do this. Kung ano man ang mangyari pagkatapos nito...pananagutan ko si Ahtisia.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro