Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Sumakay kami sa jeep papunta sa bahay nila. Nakipag-away pa ako kay Asrow kasi pwede namang dumiretso nalang ako sa cafe habang nakajeep, eh pinilit niya ako na siya na daw maghahatid sa'kin gamit bike niya.


Hindi ko talaga magets kasi nasa jeep na nga kami eh! Isang sakay lang yung cafe 'tas papahirapan niya pa ako.


In the end, nagbato bato picks kami. Siya yung nanalo kaya heto, nasa jeep kami papunta sa lugar nila. Grabe talaga yung kamalasan ko ngayong araw.


I ended up sitting next to him in the jeep and I just looked at the window for some air. He was at the entrance of the jeep 'tas may isa pa akong lalaking katabi sa kaliwa ko. For some reason, kanina pa siya usog ng usog papalapit sa'kin, to the point na dumikit ng saglit ang dibdib ko sa kanyang braso.


Napaabante naman ako kaagad kay Asrow. Mukhang napansin niya 'yun kasi bigla niya akong tinanong, "What's wrong? Are you okay?"


"W-Wala," Sagot ko naman. Baka imahinasyon ko lang naman yung ginawa nung lalaki kanina.


Tumigil saglit yung jeep sa may gasolinahan. Nagtakip ako agad ng bibig at ilong kasi ayoko yung amoy ng gasoline, parang hihikain ata ako doon anytime. Suminghap ako nung dumikit ulit yung lalaki sa'kin tas parang nananadya na! Dinikitan niya ang dibdib ko ulit gamit yung braso at likod niya.


Bago pa ako makagawa ng eksena doon, biglang tumayo si Asrow 'tas nakipagpalitan ng pwesto sa'kin. "Tumabi ka nga diyan, ako na uupo diyan." 


Sinunod ko naman siya agad kasi hindi na ako komportableng katabi yung lalaki na 'yan. Yung lalaking minamanyak ako ay biglang napausog ng kaunti palayo sa'min. Madami naman kasing espasyo doon sa dulo, bakit niya pa kailangang makipagsiksikan sa'min?


"Hoy tangina mo, minamanyak mo kaibigan ko ha," Hinampas ni Asrow ang braso nung lalaki, dahilan para mapatingin yung ibang tao sa'min. 


"H-Hindi po," Pagdedepensa nung lalaki pero wala, tinitignan na siya ng masama ng ibang tao.


"Anong hindi hindi? Kanina ka pa dumidikit sa kaibigan ko, nakita ko 'yon tangina mo talaga. People like you should rot in hell," Asrow scowled him, kaya napahawak ako sa balikat niya. 


"T-Tama na," Pagsasaway ko sa kanya.


"Hindi 'to tama Cally," He said with a serious face. "If I ignored this, then that would also mean that I'm ignoring the cries of the women who were mistreated and played as if they're dolls."


Tamang-tama, nakaparke kami sa gasolinahan. Nagtawag si Asrow ng pulis na nandoon 'tas pinaaresto yung lalaking nang-manyak sa'kin. He tried to defend himself that he didn't do anything wrong but no one believed him, because I told them my side of the story. May passenger din na nag-agree sa story ko kasi nasa harapan ko lang siya nakaupo, nakita niya daw 'yon. The other passengers looked relieved when they saw him arrested. 


Napakalma ako doon. Natatakot kasi ako kanina sa bawat pagyapos niya sa dibdib ko gamit yung braso niya. Ang creepy shit. Ngayon lang ako nakaranas no'n at ayoko na ulit makaranas. 'Buti nalang at nasa tabi ko si Asrow no'n.


Nang makababa kami sa harapan ng bahay nina Asrow, hinawakan ko siya sa kanyang braso agad, dahilan para mapatingin siya sa'kin.


"Bakit?" 


"S-Salamat," Pagpapasalamat ko sa kanya. He just rescued me from a horny guy after all.


"Wala 'yun," Nakangiti nitong sambit sa'kin. "Pero next time, magsabi ka kaagad kung may ganun. Hindi dapat pinapalampas yung mga taong ganun eh. Kailangan nilang makulong para hindi na nila 'yun maulit sa ibang babae."


"S-Sorry, akala ko kasi guni-guni 'yun nung una." I explained it to him. 


"Guni-guni," He scoffed. Inayos niya ang kanyang buhok bago ulit tumingin sa'kin, "You should stay alert at all times. They'll make you think that it's only your imagination even though it's not."


"Right, right. Got it," Sabi ko sa kanya tapos napahalumbaba. "T-Thank you,"


"Oh, baka mafall ka na sa'kin niyan ha?"


I immediately glared at him and hit him on his arm. Tinawanan niya naman ako agad, akala niya naman clown ako amp! Pumasok siya sa loob ng bahay 'tas pinag-antay niya lang ako sa labas. Pinahawak pa nga niya sa'kin yung teddy bear na nakuha niya as prize sa arcade kanina. Mukhang inaasar at iniinggit talaga ako nito porke't ballpen lang ang nakuha 'kong premyo doon ah.


Lumabas siya kasabay yung bike niya na may tatak na Forever. It was a combination of black, red, and gray. 'Tas naka-gold yung letters ng Forever. Ang ganda niya tsaka mukhang nasa 29 yung size ng wheel nito. Nagsuot na din siya ng usual niyang bikers' clothes 'tas may dalawa siyang helmet na dala.


"Pinacustomize mo ba 'yan?" Tanong ko habang namamangha dito. I've never owned a bike before but I used to borrow it from my cousins when I was younger.


"Ah oo, ganda 'noh? Mas maganda pa sayo," Pang-aasar nito at tumawa ulit.


Hinampas ko siya gamit yung teddy bear pero hindi talaga siya tumigil sa pagtatawa! Ba't pa nga ba ako nagtanong sa lalaking ito? Hindi niya naman seseryosohin yung sagot niya eh, napakakulit talaga! Parang bata amp.


"Oh," Inabot ko sa kanya yung teddy bear na pinahawak niya sa'kin kanina.


Tinaasan niya ako ng kilay. Tinignan niya ako 'tas yung teddy bear, 'tas sa'kin ulit. "Anong ginagawa mo?"


"Malamang binabalik sayo 'to." Inirapan ko siya at inabot ulit yung teddy bear. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay habang nakatingin sa'kin, hindi niya mawari ang dahilan ko kung bakit ko ito binabalik sa kanya.


"I didn't know that you were this slow," He bluntly said.


"Huh?!"


"Cal, anong gagawin ko naman sa teddy bear, ha? Hindi ko lang naman 'yan pinahawak sayo para ibalik mo sa'kin eh," Siya naman yung umirap sa'kin ngayon, aba! "Common sense naman diyan, kahit minsan lang."


"Huh?? Binibigay mo ba sa'kin 'to??" Itinuro ko yung teddy bear at inalog-alog ito sa harapan niya.


"Yeah, pero ang slow mo,"


"Malay ko ba! Ayoko naman maging assumera dito 'noh! Wala ka namang sinabi kanina na ibinibigay mo na pala 'to sa'kin," I defended my side. Ang pagkakasabi niya pa nga kanina is, 'Cal, pahawak muna', 'yun lang naman! Wala siyang sinabi na, 'Cal, sayo na 'to.'


"Eh basta slow ka," He snickered.


Sinamaan ko siya ng tingin pero nawala 'yun nung bigla niya sinuot sa'kin yung isa sa helmets na dala niya. He casually put it over my head and made sure that my hair won't get messy. Nagsitaasan ang mga balahibo ko nung nahawakan niya ang pisngi ko ng saglit ugh. He gently tied the knot at my chin and then he readjusted it because I have a small head.


"Ang liit-liit ng ulo mo, mukhang maliit din ang utak mo. Kaya pala hindi mo ito ginagamit sa tama Cally," He teasingly sung this in front of me! Gumawa pa talaga siya ng sariling kanta at lyrics!


"Ikaw nga dalawa na ulo pero 'di pa din makapag-isip ng tama," Inismiran ko siya.


"Luh! Anong dalawa ka diyan!"


"Oh bakit? Isa lang ba? Kawawa ka naman," I snickered. Mukhang pinag-iisipan niya kung paano naging dalawa yung ulo niya ah.


"Oo, ito lang ah?" Tinuro niya ang kanyang ulo, yung may mukha. Bumuntong-hininga ako at napailing-iling sa kanya. May inosente pa palang lalaki ngayon.


"Uyyyy, ano yung isa??" Pangungulit niya.


"Ewan ko, check mo bayag mo." I directly told him and rolled my eyes.


"Bakit? Gusto mong makita?" 


Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya kaya hinampas ko ulit siya ng madaming beses sa braso habang tumatawa siya sa'kin. I can't believe this guy! Kukurutin niya pa dapat ang pisngi ko pero mas inunahan ko siya. Hinampas ko agad ang kamay niya para 'di ito makalapit. 


Pagkatapos ng maliit na pag-aaway namin ay 'saka kami sumakay ng bike at nagride papunta doon sa cafe. Hindi naman ako natakot kasi nakakapit ako sa bewang niya. Dahan-dahan ang kanyang pagbabike 'tas palagi niya akong iniinform kung kakaliwa siya o kakanan, para hindi ako mabigla sa pagbwelo.


Hindi ko maiwasan kun'di mapangiti habang inaalala yung mga ginawa namin kanina. I had fun, lots of fun. It was fun teasing Asrow, playing against him in the arcade games, and I enjoyed the meal we ate together. 


Today unexpectedly became... Entertaining for me, pero syempre hindi ko 'yun inamin sa kanya. He just showed me his side of a fun life, that's all.


***


Nabalitaan ko kay Shaira na mataas naman yung nakuha 'kong marka sa essay na 'yon kaya at ease naman na ako. 'Tas nagtaka siya kung ba't daw ako biglang umabsent ng walang pasa-pasabi. She told me to tell all of the details I did the next time we see each other. Mukhang hindi ako makakalusot sa kanya kasi kilalang-kilala niya na talaga ako.


Kinagabihan, naabutan ko si papa na kakatapos lang mamaneho sa labas. Mukhang pagod na pagod siya tapos basang-basa nanaman siya ng pawis. Maaga naman ako nakauwi ngayon kaya natulungan ko si mama agad sa carinderia. 


"Pa mano po," Nagmano ako kay papa bago ko siya binigyan ng tsinelas at maligamgam na tubig.


"Salamat anak," Binigyan ako ng isang ngiti ni papa bago siya uminom ng tubig. "Ang mama mo, nasa'n siya?"


"Nagliligpit ng mga lutuin papa, may mga natira kasi eh." Ani ko at nginitian din naman siya. Hindi gaano karami yung mga kumain kanina sa carinderia. Mukhang nawala yung ibang mga suki ni mama, pero baka busy lang naman.


"Ahh ganun ba? Eh yung pag-aaral mo 'nak, okay pa ba?" Pagtatanong ulit ni papa bago niya hinubad ang kanyang sapatos at sinuot yung tsinelas na dinala ko.


"Okay naman po," Sagot ko naman sa kanya.


"Ayan goods 'yan 'nak! Pagbutihin mo pa lalo pag-aaral mo, ha? Malapit na ako magkaroon ng extra na pera, ibibigay ko 'yun sayo para may pambili ka naman ng mga damit o kahit anong gusto mo," Nakangiti nitong saad sa'kin. His smile is the most genuine one I've seen today.


"Pa, wala naman akong kailangan eh. Dapat kayo ni mama yung magpakasaya," Sagot ko naman sa kanya. Totoo, wala pa naman akong kailangan sa ngayon. Nahihiram ko naman yung laptop ni Shaira tapos may trabaho naman ako sa cafe.


"Ikaw ang priority namin ng mama mo, Cal. Lahat ng pagod worth it, mapasaya ka lang."


Hindi ko mapigilan kun'di mapangiti ng sobra sa kanya. Ang sipag talaga nila ni mama. They're doing everything they can so that they can get me into a good school and into a good future, lalo na't law yung kursong pinasukan ko. Matagal-tagal yung pag-aaral ko pihado. 


Pumunta si papa kay mama doon sa kusina habang ako naman ay nagwalis doon sa labas at nag-ayos ng mga upuan at mga lamesa para hindi na mahirapan si mama bukas. Ang 'daming kalat ng mga bisita. May mga nagtapon ng balat ng kendi, mga niluwang ulam sa ibabaw ng lamesa, at kung anu-ano pa. Hindi sila marunong magtapon eh may basurahan naman kami dito sa loob ng carinderia.


Habang nagwawalis, naririnig ko yung mahinang pag-uusap nina mama sa kusina. Malapit lang kasi ako sa kanila kaya rinig na rinig ko sila.


"Colene, si Loida... Nanghihingi na siya ng utang natin eh kulang pa 'to sa ngayon. Gusto niya daw buo agad." Ani ni papa kay mama. Halata sa boses niya na problemadong-problemado na siya.


"Nako naman... Napaka-ano niya naman eh, pwede namang monthly nalang." Sabi ni mama.


"Eh kesyo pambayad daw niya ito ng tuition fee ng anak niya. Anong gagawin natin? Hindi pa natin nababayaran yung tuition fee ni Cally. May kulang pa tayo doon sa school. Tapos yung kuryente, tubig, at yung mga supplies para sa carinderia natin pa."


Napakagat ako sa ibaba 'kong labi. Agad ko namang tinapos yung pagwawalis ko at tumaas ako ng bahay. Humiga ako agad sa kama at napatitig sa kisame namin na malapit nang masira dahil sa yero. Mukhang kailangan na namin 'yan ipaayos din.


Hindi pa nga talaga ako bayad sa school. Kalahati nalang naman na ang ibabayad namin doon kaso nakukulangan pa din kami, dahil maliit lang talaga yung nakukuhang pera nina mama sa pagtritricycle at sa pag-cacarinderia. Bukod pa sa pagod nila, kailangan pa nilang intindihin yung mga kasangkapan na kailangan nila at yung pang-gas sa tricycle.


Hindi naman kalakihan din yung sweldo ko sa cafe kasi hindi naman ganun karami yung nabisita doon. Napabuntong-hininga ako at tumayo saglit mula sa pagkakahiga.


Pumunta ako sa drawer ko at nakita ko yung alkansya ko doon na puro piso, limang piso, at sampung piso. Palagi kasi akong naglalagay doon sa alkansya ko tuwing may barya akong natira mula sa school o sa cafe. Iniipon ko lang sila para kung sakaling may emergency, hindi kami gaanong mahihirapan.


Sa totoo lang, pang-laptop ko talaga dapat ito kasi kahit na nandiyan naman si Shaira, ay dapat hindi ako nakaasa palagi sa kanya. Hindi sa lahat ng oras ay nandiyan siya kaya dapat meron din akong sarili.


Pero wala eh, mas kailangan 'to nina mama kaysa sa'kin. Nasa limang-libong piso palang ito pero sana makatulong ito sa kanila kahit papaano. 


I did what's right and I gave the money to them the next morning. Ayaw pa nilang tanggapin 'yun nung una but I insisted. I don't want these two to have a hard time earning money because of their debts. Ayoko din na isipin nilang wala silang kwentang magulang porke't hindi sila nakapagtapos ng kolehiyo at walang tumatanggap sa kanila, dahil hanggang high school lang ang natapos nila. Judgemental freaks.


I love them a lot and they deserve all the good things in this world. Magtatapos ako ng kolehiyo at bibigyan ko sila ng magandang buhay. 'Yan ang una 'kong ipinangako sa sarili nung makatungtong ako ng kolehiyo sa U.P Diliman.


Kasi alam ko na kung pagod ako, mas pagod na sila. 'Yun yung palagi 'kong sinasabi sa sarili ko para magpatuloy sa pagtratrabaho at sa pag-aaral ng sabay.


***


"Uy, tara MOA!" Pag-aaya sa'min ni Shaira.


Naglunch kami ng sabay-sabay nina Castriel, Wyatt, at siya. Nasa random fast food restaurant lang kami 'tas bigla nalang nag-ayang gumala 'tong si Shaira. 


Speaking of her, kinwento ko sa kanya yung ginawa namin ni Asrow kahapon. She was shocked to hear that Asrow and I literally spent the whole day together, kahit na hindi naman kami ganun ka-close. Inasar-asar niya ako dito 'tas puro sana all yung bukambibig niya sa'kin.


"Mag-aral ka na nga muna!" Singhal ni Castriel sa kanya bago siya uminom ng coke. "Gala ng gala, akala mo naman pasado grades."


"Luh, pasado ka din ba?"


"Kaya nga hindi ako nagala eh, boba!"


"Eh tanga ka talaga! Kaya tayo gagala ngayon para makalimutan natin saglit yung acads shits na 'yan!"


"Gumala ka mag-isa, 'wag kang mandamay ng kabagsakan mo!"


Inirapan ko yung dalawa bago ako nagpatuloy sa pagkain. Ayan, puro bangayan nanaman sila. Parang kami ni Wyatt yung magulang ng dalawang ito. Kami ang nahihiya sa kanila dahil sa tuloy-tuloy na kaingayan nila.


"H-How are you?" Tanong ko kay Wyatt, para kahit papaano ay mabaling ang atensyon namin sa dalawa.


"Ang random mo," Komento nito habang napapa-iling sa tanong ko. Grabe naman 'yon!


"Ah, halata ba? Ang ingay kasi nung dalawa, ayaw nila tayong isali sa pinag-uusapan nila eh." I told him and rolled my eyes at the two of them. 


"Parang magjowa na nga sila eh," Komento ulit niya bago siya uminom mula sa inumin niya.


"How's your plates? Magkaklase ba kayo ni Asrow?" Natanong ko nalang bigla kasi last week, nakita ko si Asrow na nagawa ng plates niya sa ilalim ng puno.


"Uh... Yeah," He said. He looked like he's not comfortable talking about Asrow for some reason. "He's... a good classmate, I guess. The plates that I have been doing for the past week are all done."


"Pwede ko ba makita?" Tanong ko ulit 'tas kuminang yung mata ko sa kanya. I love checking Wyatt's works because his drawings are super realistic! Pwede niya nga 'to pagkakitaan through online eh.


He hesitated for a moment before getting his envelope from his bag again. Nung nakita ko yung mga plates niya, mas namangha ako sa kanya. These were even better than the ones he showed me before. I could see that he improved a lot with aligning the lines and circles perfectly without using any guides.


Ang isa sa mga plates niya ay may drawing ng oval ng U.P. This looked very detailed because he made sure to apply more details on the grasses and trees. Ultimo pati yung basurahan na nandoon ay may malinaw na detalye, pati balat ng candies amp!


"W-Woah, ang galing mo talaga." I was in awe as I skimmed through his plates again.


"Thanks," He chuckled and looked at his plates too. Umusog siya papalapit sa'kin, to the point na naririnig at naaamoy ko na ang hininga niya. It smelled minty, as if he just brushed his teeth. 


"I didn't like how some of these turned out though, because I rushed them." He shrugged and pointed at some of the plates he's not satisfied with.


"Luh, rushed pala ang tawag diyan? Mukhang perfect pa din eh!" Pagrereklamo ko sa kanya. I'm not even exaggerating! I like the way he puts emphasis, shadows, and other details on each of his plates.


"I-It's not, you're just exaggerating." Nahihiyang sambit nito.


"I'm not!"


"You haven't seen the plates of my other classmates, that's why you're saying that." He chuckled again. Napailing ulit 'to sakin dahil sa todong pagkokompliment ko sa gawa niya.


"Eh kahit naman ganun, mukhang mas okay pa din sayo. I love them a lot!"


"Ano yung mahal mo?"


Napatingin kami kina Castriel at Shaira. They were staring at us with their squinted eyes. Doon ko lang napagtanto na yung isang braso ni Wyatt ay  nakapalupot na sa upuan ko tas ang lapit na pala ng katawan niya sa'kin.


Mukhang napansi niya din 'yon kasi bigla niyang kinuha yung mga plates niya at binalik sa envelope. After that, he lied down on the table and hid his face from all of us.


"Yiee, kayong dalawa ha, may sarili nang mundo." Pang-aasar ni Shaira bago siya tumawa sa'min.


"Luh, kayo nga 'yun eh." Sabi ko sa kanya at inirapan siya. Attitude ako eh.


"Oh siya, tuloy ba tayo sa MOA? Kahit manood lang tayo ng movie doon 'tas window shopping. Wala naman masyadong gagastusin doon hehe." Pagtatanong ulit ni Shaira sa'min. Mukhang excited siyang pumunta doon sa lugar.


I bit my lower lip and looked at another place. Hindi ko masabi kay Shaira na may financial problems ako ngayon. Alam 'kong mapapapamahal kami sa pamasahe doon, 'tas bukod pa yung pagkain at tickets sa movie. I know Shaira kasi, baka ilibre niya nanaman ako 'tas hindi ko nanaman mababayaran.


"H-Hindi ako sasama," Sabi ko sa kanila. "Busy ako no'n eh,"


"Ulol! Alam 'kong free ka sa araw na 'yon, wala kang trabaho soooo hindi gagana yung excuse mo sa'kin," Nakangiting sambit nito. Kilalang-kilala na talaga ako ng hinayupak na 'to.


" 'Di Shaira, kasi ano-"


"Hi, can I sit here?"


Napatingala ako sa lalaking kakadating lang. Naka puting long sleeves button down shirt ito at nakarolyo ito hanggang sa elbows niya. Tapos naka-black slacks siya at black tie. His hair was pushed back, giving him a cleaner view of his face. Maaliwalas siyang tignan.


"Wew Asrow?" Nagtatakang tanong ni Shaira eh 'tas napatingin siya sa'kin. Oh, I know that look. She's trying to tease me when she suddenly smiled from ear to ear. "Welcome na welcome ka, Asrow! Tabi kayo ni Cal oh!"


Itinuro niya yung bakanteng upuan sa tabi ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata kasi nang-aasar pa din siya sa'kin hanggang ngayon.


"Hoy, ang creepy mo! Mahiya ka naman sa batang may laban, para kang batang may topak! Kamukha mo si Koro-sensei sa kakangiti mo!" Kinurot ni Castriel ang magkabilang pisngi ni Shaira at pinisil ito ng mariin.


"ARAAAY! Tangina mo, bitawan mo ako!"


I heard Asrow chuckling at the two of them. Bakit ba siya nandito? Nakita ko yung mga ka-teammates niya, nasa kabilang table. Napapatingin nga sila dito banda sa'min eh, mukhang nagtataka kung bakit siya dito nakiupo eh may table na sila doon.


 "Oh basta mag-MOMOA tayo sa Sunday! Final na 'yon!" Sigaw ni Shaira nang maialis niya ang dalawang kamay ni Castriel sa kanya.


Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Asrow. "Kasama ako?"


"Ay pwede naman kung gusto mo," Masayang sabi ni Shaira bago siya tumingin sa'kin at kininditan. "Pero mukhang ayaw sumama ni Cally eh, busy daw sus!"


Mas lalo ko siyang pinanlakihan ng mata, tinalo ko na yung mga owls dahil sa 'laki ng mga mata ko ngayon. Pero nung biglang binaling ni Asrow ang tingin niya sa'kin, bumalik sa normal yung mga mata ko.


"Tara MOA," PAg-aaya nito habang nakangisi. 


"At bakit ako sasama?"


"I told you that I want to show you my fun life, right?" He reminded me. Ah oo, may sinabi siya sa'kin na ganun nung araw na umabsent ako sa school.


"Huh? Napakita mo na ah," Pagsusungit ko dito.


"MOA's part of it, kaya tara na." Pagpupumilit nito, hindi pa din nawawala ang ngisi niya sa mukha. "Lilibre kita kung gusto mo,"


Inirapan ko siya. Ano bang problema ng mga ito, eh sinabi ko na ngang ayaw ko? Shaira looked at me with pleading eyes. Napa-compute tuloy ako sa utak ko kung magkano ang maaari 'kong magastos sa araw na 'yon. Nasa anim na daan or higit pa, depende sa bibilhin 'kong pagkain doon. 


"Ayoko," Sabi ko sa kanila. Yung anim na daan na 'yon, idadagdag ko nalang sa mga gastusin nina mama. "Tsaka bakit MOA pa talaga? May malapit na malls naman diyan oh,"


"I miss my favorite shop kasi eh," Shaira pouted at me. Jusko, nagpapacute eh mukha naman siyang tungek. 


"Jusko, para lang sa isang shop, luluwas ka pa?"


"Tara na kasi, it'll be fun." Halos mapatalon ang puso ko nung biglang hinawakan ni Asrow ang kamay ko, mukhang nagulat din sina Castriel at Shaira sa kanya. Wyatt didn't get shock because he was sound asleep beside me.


"Hindi ka ba nagsaya nung nagdate tayo?" He asked me. Namula ako doon 'tas nakita 'kong nabulunan si Castriel kaya inabut- binuhusan siya ng tubig ni Shaira agad.


"N-N-Nagdate kayo??" Gulat na gulat na tanong ni Castriel.


"It's not a date!" I told him, to clear the misunderstanding then I looked at Asrow, who's still smirking at me. Nang-aasar nanaman pala siya.


"It's a date, I included it as one," He chuckled. "Oh ano na, tara na?"


"Bakit mo ba ako pinipilit??" Inis na saad ko sa kanya at nilakihan ko siya ng mga mata. Napapa-dalawang isip tuloy ako dahil sa dalawa! Dumagdag pa'tong kumag na 'to!


"Because the day's not fun... if you're not there, Cal." He said before winking at me playfully.


***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro