Exams week came by.
I wasn't able to review much because I helped my parents again. Pumasok naman na si ate Donna no'n, yung taong katulong talaga ni mama sa carinderia pero ang 'dami lang kasing tao kaya napatulong na din ako, kahit na may exams ako kinabukasan. Kaunting sakripisyo lang naman 'yun para kina mama at papa.
Si papa naman, maghapong nasa labas. Palagi siyang basa dahil sa pawis at init sa labas. Malapit naman na mag-ber months kaya sana kahit papaano, hindi na siya magpawis masyado at masama din kasi 'yun para sa kanya.
"Republic Act 9851 is the Philippine Act on Crimes against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity..." Binigkas ko ito habang inaalala sa utak.
"Yung R.A 3720 alam mo na?" Tanong sa'kin ni Shaira. Kasabay ko siyang nag-aaral kasi mukhang hindi din siya nakapag-aral ng ayos. 'Pag nag-aral 'yan, malamang gumuho na yung mundo no'n.
"Food, Drug, and Cosmetic Act?" Sagot ko naman sa knaya. Binigyan niya ako ng thumbs up. Napabuntong-hininga naman ako.
Kanina pa kaming alas-singko ng umaga nag-aaral dito sa loob ng campus. Wala masyadong tao nung mga oras na 'yon kaya peaceful. Nakapag-aral namin kami ng maayos. Er, ewan ko lang sa kaibigan ko kasi nag-brebreak siya ng ten minutes pagkatapos magbasa ng isang page sa libro, jusko naman.
Kesyo kailangan daw ng pahinga yung mga utak namin kaya ayan. Um-oo nalang ako.
Nag-exam naman kami agad sa first class. Hindi naman siya ganun kahirap apra sa'kin kasi nabasa ko naman kaninang umaga yung mga terms 'tas mga readings. May stock knowledge naman din ako kahit papaano kasi palagi akong nakikinig sa mga professors ko. The room was quiet so I had my focus on the exam only. I could only hear people writing and turning their exam papers to the next page.
My best friend, on the other hand, kept on giving me help signs during the examination. Eh pa'no ko siya mabibigyan kung nakatingin yung prof? 'Yan siguro napapala ng may tig-ten minutes break.
"Isinusumpa ko yung taong nagpauso ng exams..." Bulong ni Shaira habang tinutusok-tusok yung pork chop na inorder niya.
"Hoy maawa ka sa pork chop," I told her.
"Sa pork chop naaawa ka pero sa'kin hindi?"
I laughed at her. Pinagkumpara niya pa sarili niya sa pagkain amp! She was that depressed about her exams. Medyo confident naman ako kahit papaano sa exams ko kanina kasi multiple choices naman siya 'tas my opinionated essay pa.
"May work ka ba ulit mamaya?" Tanong niya habang pinapanood akong ngumuya ng burger ko.
"Ah oo," Tinanguan ko naman siya. Kailangan 'kong bumawi nung Biyernes kaya papasok ako ngayong araw kahit wala naman ako shift tuwing Lunes.
Napa-pout siya. "Sayaaang! Papapanood ko sana sayo yung bagong routine namin. 'Tas magsplisplit pala ako sa dulo, gosh! Masyado nilang tinake advantage yung pagkaballerina ko dati ah!"
"Kaya mo naman 'yun eh," I giggled at her. Naiimagine ko na siyang nag-splisplit pero shit, parang ang sakit no'n... down there.
"Magaling at maganda kasi ako," She confidently said before flipping her hair and smiling at me. Inirapan ko naman siya agad, pati ulo niya lumalaki na din eh. "Oo nga pala... Kamusta na kayo ng boyfriend mo?"
I stopped eating for a while. After the party, he didn't even try to talk to me about what happened. May laro nga dapat siya nung kinabukasan pero mukhang minove ng coach ng kabilang school kasi may injured player sila. Bale, ngayong Sabado nalang daw.
I don't know if I wanna watch him do his... thing.
"Ewan ko do'n," I casually answered before eating again.
"Alam mo, parang hindi kayo magjowa." Shaira pointed out as she stares at me eating. "Hindi kayo sabay pumasok ng school, hindi ka niya hinahatid-sundo, madalang nalang kayo mag-usap, hindi kayo mahilig lumabas ng kayong dalawa lang, nasa kanya-kanyang tropahan lang kayo natambay, ano na 'teh?"
"Alam ko..." I whispered but she didn't hear it. Ayoko naman na marinig yung katotohanan kasi alam ko naman na 'yun...
Dati palang.
***
After passing some paper works to the faculty, I found myself walking by the academic oval jog. Ang 'lawak nito 'tas kaunting tao lang yung nadaan ngayon dahil karamihan sa mga estudyante ay nag-eexam pa din ngayon. Lucky for me, it's a break time because we just finished three exams in a consecutive order.
It was peaceful walking around by yourself at this time. The sun was not even that hot today so I didn't get tired immediately. I was just admiring our school's premises as I walk. Ang 'laki pala talaga ng U.P. Dati, naligaw pa ako dito nung unang araw ko pero 'buti nalang at nandun si Shaira. Tinulungan niya ako tapos siya din yung una 'kong naging kaibigan, may pagka-gaga nga lang siya.
In the middle of my walking, I saw a guy under one of the trees and had earphones on his ears. He was drawing on a piece of paper using a T-Ruler. Parang mahabang ruler siya na may maikling ruler din sa pinakadulo. 'Yun yung kalimitang ginagamit ng mga architects.
I looked over to see what he was drawing. My mouth went hanging when I realized that he was drawing the front of U.P Diliman! Ang 'dami niyang pinaggagagawa sa paper, ang 'daming lines 'tas may mga light shadings pa ewan ko, wala naman akong alam sa pagdradrawing.
"I know you're watching me," The guy suddenly said as he stopped drawing for a while.
Tinalikuran ko agad siya. Okay, paano niya nalaman na nanonood ako? Tagong-tago naman ako ah! Hindi din naman ako nag-ingay habang pinapanood ko siya. Baka may telepathic powers siya.
"Tange ka talaga, nakita na kita 'tas magtatago ka pa ulit."
Nagulat ako na si Asrow pala yung lalaking nagdradrawing doon. Oo nga pala, architecture ang kinuha niyang kurso. Narinig ko lang 'yon kay Shaira pero bakit dito siya nagdradrawing?
"Well well well, if it isn't Cally." He smirked at me. Tiningala niya ako pero iniwasan ko ang tingin niya.
"May demonyo pala dito. Aalis na ako." Sabi ko nalang bago ako nag-attempt na magwalk out na pero bigla niya akong tinawag sa buong pangalan ko.
"Calliope Nelly Suarez!"
Pinanlakihan ko agad siya ng mga mata. "Huh? Paano mo nalaman??" I was indeed confused because I have never told him my full name. Ang tanging sinabi ko lang sa kanya ay yung nickname ko lang. Hindi naman si Shaira ang nagsabi nito kasi alam niyang ayokong malaman nung iba yung second name ko. Nelly ampota ang corny.
"I have my sources." Nakangising sambit nito bago siya tumayo at inilapag muna ang kanyang mga gamit.
"Ah, yung mga binabayaran mo—"Before I could finish my sentence, he quickly covered my mouth using his hand and checked the surroundings to see if there's anyone looking. Inismiran ko siya bago ko tinanggal yung kamay niya. It smelled good though, ang duga.
"Quiet, baka may ibang makarinig sa'tin." He shushed me and even put his finger in front of his mouth. Tinapik ko siya sa ilong, kaya napaatras siya sa'kin dahil sa gulat.
"Ulol."
"Aray naman! Grabe ka naman Calliope!"
"It's Cally, stop calling me that or else," Inirapan ko siya. Ayoko talagang tinatawag ako sa pangalan 'kong 'yon. Hindi ko alam kung bakit pero nababaduyan kasi ako, parang 'di bagay yung name sa'kin.
" 'To naman, 'di mabiro. Hindi ako makikipaglokohan sayo ngayon kasi may tinatapos akong plates." Sabi nito at itinaas ang dalawa niyang kamay, as a sign that he was giving up. Umupo ulit siya at nagsimula ulit na ituloy ang kanyang drawing.
"Ano 'yan exams?" Tanong ko habang pinapanood siyang magdrawing.
"Sa tingin mo?"
"Tanga ka talaga, kaya nga ako nagtatanong eh." Inismiran ko siya. I wouldn't even ask him if I know the answer to my question.
"It's a project," Sinagot niya naman bago siya tumingin sa school. He was roaming his eyes around it as he was making his drawing more detailed. "Ba't ka ba nanonood? Wala ka bang exams, 'teh?"
I stared at him in shock. Curious lang naman ako! Naamaze talaga ako sa gawa ni Wyatt nung isang araw 'tas ngayon, may nagdradrawing sa harapan ko. I'm actually curious on how they sketch it first before finalizing it as their plates.
He stopped drawing for a while because he suddenly looked at me in my eyes. Napaatras naman ako kasi ang creepy niya! Tinitignan ko lang naman yung drawing.
"W-What?" Tanong ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Crush mo 'ko?"
"Huh?!"
"Kaya pala eh, tingin ka kasi ng tingin sa'kin. I know I'm hot," Sabi nito habang nakangisi. He even ran his fingers through his hair to show me his silky black hair! "Pero wala akong planong maging kabit lang so no thanks,"
"You're such a feeler! Bahala ka na nga diyan, sana bumagsak ka diyan!" I scowled at him before I walked away from that spot.
"Never akong babagsak!" He fired back.
Unbelievable! Nag-assume pa talaga siya na may gusto ako sa kanya ha? Ang kapal talaga ng mukha no'n! Kay Wyatt na nga lang ako manonood. Masama bang maging curious sa talento nila sa pagguguhit? Hays. Feeler lang talaga siya, that's all.
Just then, I received a message from Shaira sa Instagram ko. Naka-data naman ako kaya nakita ko 'to agad.
-----
'Bes! May chika ako sayo! Ito yung dapat 'kong
sasabihin sayo noon kaso wala naman ako ebidensya.
Pero nakakuha ako ngayon, tignan mo ASAP!
-----
She sent me a photo, na tinignan ko naman agad. I stared at the photo with an upset face. Nagsitaasan ang mga balahibo ko habang tinititigan ito. Nanginig saglit yung kamay ko tapos sinampal ko pa ang sarili ko para tignan kung totoo nga ba talaga 'tong nakikita ko.
It was a picture of Clark kissing a girl from Asrow's house. Mukhang isa ito sa mga kumag na cheerleaders dahil suot niya yung palda ng pang-cheerleader lang.
Kaya naman pala hindi na nagrereply, busy pala siya makipaglandian.
Sinave ko yung picture at sinend ko naman ito agad kay Clark sa Messenger. His entire team was aware of our relationship but they didn't even controlled their friend from doing such things. They were tolerating him! Baka nga sila pa ang nag-encourage kay Clark na gawin 'yun eh. Totoo nga yung mga sinasabi ng iba: Your boyfriend's friends are not your friends.
This relationship is full bullshit naman na anyways.
***
"Lasing ako niyan," Pagpapaliwanag ni Clark.
"So porke't lasing, kakalimutan mo na, na may karelasyon ka? Ganun ba?" I was interrogating him outside the campus. Dapat may practice siya pero kinonfront ko siya. Sineen niya nga lang ako sa Messenger eh, wala man lang reaksyon o pake sa sinend ko.
" 'Dami mo namang problema, kiss lang naman 'yan. Pasalamat ka nga hindi kami nag-sex eh." He scoffed and looked at his teammates who were waiting for him the at the court. "Kailangan ko na magpractice, pwede ba? Nakakahiya na oh,"
My jaws literally dropped at him. He was making me think that what he did was okay, when in fact it's not! Dapat magpasalamat ako kasi kiss lang 'yon?? Para siyang nasiraan ng utak dahil sa mga pinagsasabi niya. He was too much, really TOO MUCH!
Without even thinking, I slapped him at his right cheek. Lahat ng galit ko sa kanya ay naibuhos ko doon sa sampal. Napatingin yung ibang tao namin kasi nakagawa na kami ng eksena dito. A lot of them were watching but I didn't care. My slap left a very red mark on his face but I didn't care. Hindi niya na muli ako tinignan.
"Tangina mo, sinunod kita sa lahat ng gusto mo 'tas ganto yung igaganti mo sa'kin? Rot in hell, you loser!" I glared at him once more before leaving him alone there.
Naririnig 'kong pinag-uusapan ako ng iba dahil doon pero wala naman akong pake. I'm done with him, I'm done with Clark.
The funny thing was, I felt hurt but at the same time, I felt relieved? Parang may mabigat na natanggal sa loob at puso ko. All this time, I considered him as an excess baggage in my life but I never broke up with him. I was just used to him being by my side all these years, especially he's my childhood friend.
Nawala na yung dati 'kong nararamdaman sa kanya. My feelings faded because of the bull shits he kept on giving me. I tried to fix it naman, I really tried but it was just not fixable anymore. Mukhang nagstay lang siya sa'kin kasi nasanay lang din siya sa presensya ko pero mali kami pareho doon eh. We should've told each other that our feelings for each other are long gone so that we wouldn't have to waste our time for each other.
Either way, I felt free for the first time in many months.
***
Nung dumating yung Sabado, nabalitaan ko na hindi daw naglaro si Clark. He ended up injuring his arm but I didn't care. Naikwento ko kina mama at papa yung kagaguhan ni Clark and they applauded me for being a brave girl. Tama lang daw yung ginawa ko kay Clark kasi wala daw siyang respeto sa'kin at walang hiya daw siya.
Hindi ko siya iniyakan, yes. He's not worth crying for after all. I won't waste my nights thinking and crying about him, swerte niya naman ata 'pag naging ganun ako.
Nagpasalamat ako kay Shaira kasi sinabihan niya ako kaagad tungkol doon. Dapat nga reresbakan niya pa si Clark pero pinigilan ko siya, kasi nasampal ko naman na 'yon. That's enough and okay for me.
"Okay ka lang ate Cal?" Silas suddenly asked me while I was giving them their order. Doon ko lang napagtanto na nasa cafe nga pala ako. I was spacing out too much.
"Y-Yeah," I told them and gave them a small smile. "Sorry, ano ulit yung pinag-uusapan niyo?"
"Nag-racing kami kahapon! Ako ang nanalo, MWAHAHA!" Drew proudly announced. Mukhang nagbike sila magkakaibigan pagkatapos ng school kahapon.
"Nanalo ka lang kasi wala si Asrow no'n," Aragon rolled his eyes at him. Masungit as always.
"Luh! Oh sige, rematch tayo!"
"Mapapahiya ka lang doon dude," Pang-aasar ni Milo habang kumakain ng red velvet cake. "Tignan mo ako, pa-chill chillax lang! Gayahin mo 'ko, pri!"
"Last place ka naman kaya okay lang," Nginisian ni Drew si Milo bilang pang-asar dito.
"Nanghahamon ka ba, ha?!"
"Sa tingin mo?!"
"Ahh, 'wag po kayong mag-away dito. Baka mapagalitan tayo ni Manager," Pagpapaalala ko sa kanila. Mas lalong nagsusungit si Manager 'pag may naririnig siyang nag-aaway hays, matataranta ka nalang din. "Aalis na ulit ako, baka mahuli niya akong nakatambay lang dito eh."
"Sige lang ate Cal," They told me before giving me a small smile.
Nung umalis ako sa table nila, narinig ko pa din yung pagbabangayan nila pero I didn't mind. Pumunta ulit ako sa cashier 'tas nag-ayos ng mga gamit doon kasi nagulo ito kanina. Absent si Suzy kaya mag-isa lang akong nagseserve ng mga order sa mga customers. 'Buti nalang at hindi ganun karami yung mga taong pumunta ngayon.
Bigla ko nalang naalala yung ginawa ni Clark sa'kin. Ni minsan nga, hindi niya ako hinahalikan habang nagdedate kami kasi hindi daw siya ready amp pero ready na ready siya 'pag ibang tao makikipaghalikan sa kanya. Nakakatakot yung feeling na ganito: your partner cheated on you.
As I was cleaning some cups, I heard a customer entering the cafe.
"Paorder po miss,"
"Ano po order nila?" I stopped for a while when I saw him but I continued again. Wala naman ako sa mood makipagbangayan sa kanya eh.
"Ano po best seller niyo?" Tanong ni Asrow habang nakatingin sa menu. Baka-biker clothes din siya galing Nike 'tas pawisan yung noo at leeg niya. Mukhang kakabike lang nito papunta dito.
"Iced White Chocholate Mocha," Sagot ko naman sa kanya habang naglilinis ng mga cups. Hindi ko na siya tinignan habang namimili ng bibilhin.
"Sige 'yun nalang, grande size ha?" Binigyan niya ako ng 500 pesos 'tas sinuklian ko naman siya agad.
Inilista ko ang kanyang order sa memo pad 'tas tsaka ko binigay kay Chef Luiz doon sa likod. Asrow didn't go to his friends' table and instead, he stood up in front of the cashier while smiling at me. Hindi ko alam kung nang-aasar nanaman siya pero hindi ko na siya pinansin.
Hindi ko alam kung narinig niya yung nangyari sa'min ni Clark, pero siguro naman kasi parte siya ng volleyball team. Kalat nga yung eksena namin no'n sa mga varsity players dahil ang 'sama ko daw haha. Sinampal ko daw siya ng walang rason 'tas inaaccuse ng kung anu-ano. They didn't even know the full story yet, they kept on judging me as if I'm the bad guy here.
Mukhang hindi sinabi ni Clark yung totoo sa kanila. As usual, nagmamalinis siya para hindi masira ang image niya. Wala na akong pake anyways.
"Order up!" Chef Luiz called me and gave me the mocha.
Kinuha ko naman 'yon at binigay kay Asrow. Nginitian ko siya ng pilit, "Ito na po order niyo sir."
"Stop that, it's creeping me out." Sabi niya habang nakangisi, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ako na ngang nagmamagandang loob dito 'tas ganyan pa ang attitude niya.
May sasabihin pa dapat ako pero kinuha niya yung memo pad na nasa kamay ko, pati na din yung ballpen ko. Our fingers touched for a while and it scared me for a sec. Hindi pa din nawawala ang kanyang ngiti habang may sinusulat sa kanyang Mocha. Baka ibibigay niya 'to sa jowa niya or someone else.
"For you,"
Nanlaki ang mga mata ko nung binigay niya sa'kin yung mocha. He gave me one more smile before he went to his friends, who were waiting for him at the table. I was confused at his sudden actions but I couldn't just call him from there and ask him what this is about.
"Wow, para sa'kin daw? Big word ah," Sabi ko sa sarili ko. Hinarap ko yung mocha sa'kin at binasa yung note na sinulat niya sa memo pad ko.
-----
Para sayo 'to, tungek. Cheer up.
Take care :)
-----
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro