Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

"M-Mama?"


Napatigil si mama sa pagsusulat at gulat na gulat akong tinignan. Agad niyang hinawi yung mga papel na nakakalat sa floor at tinulak ang mga ito papunta sa ilalim ng kama.


"O-Oh, a-anak! Nandito ka na pala, h-hindi ko napansin!" Pilit na ngiti ni mama. "Nagugutom ka na ba? Ano gusto mo? Ipagluluto kita, 'nak."


"Mama, ano po yung mga 'yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang nakaturo sa mga papel na tinago niya.


"W-Wala lang 'yan anak, problema 'yan namin ng tatay mo. Huwag ka na mag-alala at magpokus ka nalang sa pag-aaral." Nakangiting saad niya.


"Ma, malapit ko na matapos pre-law course ko. Nasa tamang edad din naman ako para malaman yung sitwasyon ng pamilya natin. Hindi naman na ako bata para pagtaguan niyo pa, ma." Nalulungkot na pagtatanggol ko sa kanya.


Mom and dad have always kept me in the dark, ever since I was a kid. Gusto kasi nilang mabuhay ako ng walang pinoproblemang iba kun'di pag-aaral lang. Gusto nilang isarili yung mga problema nila, kaysa na ipaalam nila sa'kin. Gusto nilang ilihim sa'kin ang lahat kasi alam nilang mangingielam ako.


But I also have the right naman, diba? Anak nila ako, matagal na akong naninirahan sa bahay na 'to pero palagi nalang ako walang alam.


"Hindi niyo po ba ako pinagkakatiwalaan, ma?"


"A-Anak, hindi naman sa ganun. Mahal ka namin ng papa mo, kaya ayaw namin na nakikita kang nahihirapan. Problema namin 'to ng papa mo, sarili naming katangahan 'to kaya dapat lang na hindi ka na madamay."


"Anak niyo ako diba? Parte ako ng pailya diba?" Nasasaktang tanong ko kay mama. "Ang pamilya ay dapat magkapit-bisig at dapat walang tinatago sa isa't-isa kasi kahit anong mangyari, tanggap ko kayo at tanggap niyo ako, pero ano 'to mama?"


Si mama ay napakagat sa ibabang labi bago humigpit ang hawak niya sa kanyang pajamas na suot. "P-Pasensya na anak, pasensya na..."


May gusto pa sana akong sabihin kaso natigilan ako nung may tumawag na numero kay mama. Unknown ito pero sinagot it agad ni mama.


"H-Hello? Sino po sila?"


Hindi ko naririnig yung sinasabi nung nasa kabilang linya pero base palang sa itsura ni mama, mukhang masamang balita ito. Halata sa kanyang mga mata na gusto niya nang magwala, magpanic pero pinipigilan niya lang kasi gusto niya maging kalmado lang.


"M-May proof ba talaga kayo n-na ospital kayo? Hindi po magandang biro 'yan ha," Mom said while forcing a smile on her face. "... M-Mang Tony, ikaw po 'yan?... Pasensya na po, akala ko kasi prank lang... M-Mang Tony, please. Pakiantay po kami ng anak ko, p-papunta na po kami diyan..."


Nanghihinang ibinaba ni mama ang tawag bago niya ako tinignan habang tulala. "A-Anak... Y-Yung t-tatay mo... i-inatake sa puso..."


Parang binagsakan ako ng langit nung narinig ko yung mga salitang 'yon. Hindi ko maprocess sa'king utak yung mga nangyayari ngayon. Marami pa akong tanong kay mama kaso kailangan na rin namin puntahan si papa para tignan yung kalagayan niya.


Late ko nalang napagtanto na nasa loob na pala kami ng tricycle ni mama at papunta na doon sa ospital kung nasa'n si papa ngayon. Kanina pa ako kinakausap ni mama pero hindi ako makapagsalita.


I feel lost.


Pagkababa namin ng tricycle, tumakbo agad kami papasok ng ospital at papunta sa room number ni papa. Nasa second floor siya kaya umakyat pa kami ni mama gamit hagdanan.


Bumungad sa'min yung nakapanlulumong itsura ni papa. There were nurses around him, checking his blood pressure and giving him air ventilation. There was a monitor beside him, indicating dad's heartbeat and status.


"Kayo po ba ang pamilya ni Mr. Suarez?" Lumapit sa'min ang isang doktor na nakasalamin.


"Opo, kami nga po." Sagot naman agad ni mama. "A-Ano po kalagayan ng a-asawa ko, d-doc?"


"For now, he's fine. Mabuti nalang at naidala siya agad dito. If he was late by 3 minutes or so, he wouldn't have make it out alive." Sabi ni doc bago inayos ang kanyang salamin.


"Nako, salamat po doc! Maraming salamat po, salamat po." Mangiyak-giyak na sabi ni mama sa doktor.


"I'm just doing my job, ma'am. I'd suggest to let Mr. Suarez stay here for a while for some tests. We'll let you know if there are still any complications with him before you leave the hospital."


"S-Sige po doc, salamat po talaga."


The doctor bidded us farewell as he let us inside the room. Sa tabi ni papa, may isang matandang lalaki na may twalya na nakapaikot sa leeg. Siya siguro si Mang Tony, yung nagdala kay papa dito at yung... inutangan nina mama.


"Oh Colene, nandito na pala kayo." Nginitian kami ni Mang Tony.


"Mang Tony, maraming salamat po sa pagtulong muli sa asawa ko." Masaya ngunit may bahid ng lungkot yung pagkakasabi ni mama no'n.


"Ganyan talaga kapag magkakaibigan, dapat nagtutulungan." Mang Tony replied before laughing a little. Tinignan niya ako pagkatapos, "Siya ba si Cally? Yung palagi kinukwento ni David?"


"Opo, anak po namin siya. Anak, halika at magmano ka kay Mang Tony. Kaibigan namin siya ng papa mo nung college palang kami." Pagpapakilala ni mama sa'kin.


"Hello po," Mahinang pagbati ko sa kanya. Nagmano rin ako 'tas bumalik agad kay mama.


"Kay ganda mo naman, ineng. Kamukhang-kamukha mo si Colene nung bata-bata pa. Palagi kang ipinagmamalaki ng papa mo sa'min dahil future lawyer ka raw at nag-aaral sa U.P." Pagkukwento niya.


"S-Salamat po," Sabi ko nalang.


"Oh siya sige, may gagawin pa ako. Iiwan ko muna kayong mag-ina rito at kailangan ko pa mamasada para may pagkain yung asawa ko mamaya," Masayang pamamaalam niya sa'min.


"Huwag na kayo mag-alala masyado kay David, malakas 'yan. Nag-defribillation yung doktor sa kanya kanina at 'buti nakabalik siya. Okay na siya ngayon, ako na mismo nagsasabi."


"Sige po, maraming salamat po ulit sa pagtulong, Mang Tony." Pilit na ngiti ni mama sa kanya.


I also thanked the man before we bidded him farewell. Pagkaalis niya palang ng kwarto, humagulgol na agad si mama habang hawak-hawak yung kamay ni papa.


Nanghihina yung mga tuhod ko kaya napaupo nalang ako sa sahig habang pinapanood sina mama at papa.


"David, huwag mo kaming iiwan please." Pagmamakaawa ni mama habang paulit-ulit niyang hinahalikan yung kamay ni papa. "Mahal ka namin, mahal na mahal ka namin..."


"Papa..." Mahinang bulong ko habang nakatitig pa rin sa kanila.


I have a lot of questions that I want them to answer but I can' ask them, not in this kind of situation. We almost lost dad today. We almost lost a beloved family member today. I don't know how I should act at the moment. I couldn't speak because I couldn't bear the thought of... losing a parent.


Tinignan ko yung phone ko at napansin na alas-otso na pala ng gabi. Hindi pa kami nakakakain ni mama. Malamang sa malamang ay gutom na si mama, kasi mabilis siyang magutom.


Pinilit ko ang sarili ko na tumayo habang sinasabi, "M-Mama, bibili lang ako ng pagkain sa baba..."


"H-Huwag na 'nak, dagdag gastusin pa 'yan." Umiling-iling siya sa'kin habang may luha na nadaloy sa kanyang mata. "U-Uuwi muna ako saglit, kukuha ako ng mga damit at snacks dahil mukhang magtatagal pa tayo dito."


"Sasama po ako sa inyo," I offered.


Umiling siya ulit. "No need na, anak. Bantayan mo nalang ang papa mo at sundin mo yung mga sinasabi ng doktor. Ako na bahala, 'nak."


Wala talaga akong lakas ngayon kaya tumango nalang ako. Umupo ako sa isa sa bakanteng upuan na malapit kay papa at tinignan siya. Halata sa kanyang mukha na pagod na pagod siya. Ang dating matatabang pisngi ni papa ay nawala na. Marami siyang salonpas sa kanyang likod dahil sa pagkakayod niya araw-araw sa tricycle.


Ginagawa niya ang lahat para magkaroon kami ni mama ng magandang at maayos na buhay.


Kinabukasan, dala-dala na ni mama yung mga gamit na inimpake niya mula sa bahay. Mabuti nalang at Sabado ngayon, wala akong klase tuwing ganitong araw kaya wala akong mamimiss. Tinawagan ko agad si Shaira para ipaalam kung anong nangyari.


"... What?! Si tito?!" Gulat na gulat na tanong niya sa'kin. "Omaygad?!"


"Yeah," Walang ganang sagot ko sa kanya.


"Okay, I got you! Pupunta ako diyan ngayon! Do you want anything? Gusto mo ba ng pagkain? Si tita? May gusto ba siyang kainin? Just tell me anything you want and like, Cal!"


I pursed my lips together and whispered on the phone, "J-Just come here, please..."


"Malamang! Ito na! Papunta na ako, antayin mo ako diyan! Shaira to the rescue!" Binabaan niya ako kaagad ng tawag pagkatapos niya sabihin 'yun.


I scrolled on my phone and went to Asrow's chat head. Naka-sampung chats ako sa kanya kagabi pero ni isa ay wala siyg nireplyan. Sinendan ko na rin siya ng text pero wala rin siyang reply.


I bit my lower lip as I pressed the voice call button. Ring lang siya ng ring, pero nawala rin agad dahil mukhang hindi niya pa rin hawak phone niya. Nakailang subok ako sa pagtawag sa kanya pero wala talaga eh.


"Answer me please..." Nanghihinang bulong ko sa sarili.


These recent events became draining to me. Una, nawalan kami ng komunikasyon ng mahal ko. Pangalawa, may tinatago pa rin sina mama na ayaw nilang ipaalam sa'kin. At pangatlo, yung heart attack ni papa.


Hindi ko alam kung saan at paano ako lulugar sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung ano yung uunahin ko kasi lahat sila importante sa'kin.


Maya-maya ay dumating na si Shaira. May dala-dala siyang Chowking  para sa'min 'tas dalawang tupperware ng ulam, na mukhang bagong luto lang ng mommy niya.


"Bestie, I'm here! You don't need to fret anymore!" Masayang sinabi ni Shaira bago niya inilibot ang tingin sa room. "Si tita nasaan? Nagbanyo?"


Without even thinking, tumakbo ako papunta sa kanya at agad siyang niyakap. Hindi ako umiyak kasi hindi naman ako iyaking tao, pero gusto ko lang maramdaman... na may tao pa ring nandiyan para sa'kin.


She pats my back twice before saying, "Do you want to talk?"


Umiling naman ako kaagad.


"Oh sige sige, I won't force you, but I'll be here, okay?"


Gusto 'kong sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari pero miski ako, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. My mind's too crowded, I kept on overthinking about papa's condition because I've heard that some people die from heart attacks. Pinapangunahan ako ng takot ko.


Bumalik din agad si mama at masayang binati yung kaibigan ko. Nagulat din siya na may nag-abala pa si Shaira sa pagkain pero hindi naman kami makakatanggi galing 'yon sa mga magulang niya, kaya buong-puso namin 'yon tinanggap.


Dad hasn't woken up yet, but the doctor said that it's normal and he should be able to wake up in the next following days. Araw-araw siyang ginagawan ng tests nung doktor para malaman kung may tinatago siyang sakit.


And it turns out, meron nga. My dad suffers from Coronary Artery Disease. The plaque in his heart caused a blockage, that resulted into his heart attack. Marami sinuhestiyon yung doktor na treatments para kay papa pero...


They were costly.


" 'Nak, gising na papa mo!" Masayang sabi ni mama habang nakahawak sa kamay ni papa.


Agad naman akong tumakbo papunta sa side ni papa. Tumabi sa'kin si Shaira, tila nag-aalala rin. Unti-unting minulat ni papa ang kanyang mga mata at halata sa kanyang paghinga ang panghihina. Hinawakan namin ni mama ang kanyang kamay habang natingin-tingin siya sa kanyang paligid.


"N-Nasa'n ako?" Naguguluhang tanong niya bago siya tumingin sa kanyang kamay na may suwero. "A-Anong nangyari...?"


"Inatake ka sa puso, mahal." Mangiyak-ngiyak na tugon ni mama. "Dinala ka agad dito ni Mang Tony."


"Naaalala ko na... nahihirapan akong huminga no'n... Pakiramdam ko, may heart burn ako no'n..." Nalulungkot na sabi ni papa bago tumingin sa kisame, tila parang malalim ang iniisip. "Sobrang natakot ako kasi akala ko... oras ko na."


Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni papa at mariin na sinabi, "Papa, 'wag naman po kayo ganyan. Ang mabuti ay ang makapagpagaling ka na po."


Dahan-dahan siyang tumingin sa'kin, "Oh anak... nandito ka pala... Sana hindi ako naging abala sayo..."


"You were never a burden, papa."


Pinatawag namin yung doktor at nurses para ibalita na gising na si papa. agad naman silang kumaripas ng takbo dito at chineck yung blood pressure niya. Pagkatapos no'n, ipinaliwanag namin sa kanya yung sakit niya. Blangko lang ang mukha niya habang nakikinig sa'min pero marami siya naging tanong, katulad nalang nung mga bagay na ginawa sa kanya habang nakaconfine.


Mapait na ngumiti sa'min si papa, "May sakit pala talaga ako sa puso,"


"Hindi talaga maayos yung unang doktor mo," Umiling-iling si mama. "napaka-paasa..."


Tinaasan ko sila ng kilay. "Anong unang doktor?"


"Nagpacheck up na yung papa mo dati dahil palagi nga siya nakakaramdam ng bigat sa dibdib. Ang sabi lang no'n ay wala lang daw 'yon kaya dapat wala na tayong gawin na iba pa." Malungkot na paliwanag ni mama. "Ayun pala... Hindi siya napatignan ng maayos."


Naalala ko tuloy yung huling luwas nina mama. Nagsabi sila sa'kin na may pupuntahan lang daw sila. Baka ayun yung araw na pinacheck up nila si papa.


They didn't inform me because they didn't want me to get worried.


They didn't say anything because seeing me live my life without worrying about anything is their happiness itself.


But still, I didn't like the fact that they have always kept me in the dark.


"Mr. Suarez needs to stay at the hospital for now so that we can monitor him better. He needs to get plenty of rest and should avoid overworking." Pagpapaliwanag nung doktor namin. 


"Doc, magkano po kaya aabutin nung hospital fees po namin?" Curious na tanong ni mama.


"... Let's talk about that later, ma'am. Our tests on him aren't done yet and I haven't prepared the list of medicines that he'll need to take in order to get stronger." 


"Ahh sige po, maraming salamat po ulit."


After that short talk, pinakain namin si papa ng hospital food na maraming gulay. Nung parating  na yung gabi, umuwi na rin si Shaira kasi hinahanap na siya sa kanila. She said that her parents will come by to visit in the next following days so we'll see each other again soon. Sinabihan niya rin ako na huwag ko raw pilitin ang sarili 'kong pumasok if hindi ko kaya.


Sa totoo lang, ayoko sanang umalis siya pero malamang sa malamang, may mga bagay pa siyang kailangan gawin sa bahay, katulad nalang nung sa padating na defense namin. 


Cally Suarez
Baby, hmu if you're awake na. Ily.

Babe, my dad was rushed to the hospital. What should I do now? Natatakot ako.

Babe pelase... Reply to me, kahit isang reply mo lang, okay na 'yun sa'kin.

You must've a lot on your plate right now, I'm sorry for bothering you. Please let yourself rest from time to time. I love you, my architect.

*delivered*


My messages were delivered to him but he didn't even take a look at it. 


Pero okay lang. He's living his dream after all. I can't get in his way now when he's very close in grabbing a hold of it.


Pero... Iba rin talaga kapag magsiseen man lang siya eh, kahit  isang minuto lang ang ibigay niya sa'kin, kahit isang salita lang ang ireply niya sa'kin.


Agad akong umiling sa sarili ko. "No... I should be understanding, yes..."


"Be understanding, Cally."


***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro