Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Things got even busier as the days went by. Ever since that day when we both celebrated his birthday at his condo, our relationship got... more intense. Mas naging clingy si Asrow sa'kin, yung tipong hindi lang ako nakapagreply ng isang minuto, mag-iisip na siya agad ng kung anu-ano. 


There was this one time when I put my phone on silent because I was discussing a presentation in front of my classmates. Pumunta agad siya sa room namin ni Shaira. He clearly interrupted the class and asked for my whereabouts. Nung nakita niya akong nagdidiscuss, hiyang-hiya siyang umalis ng room habang pinagtatawanan nung iba naming mga kaklase.


It was a cute of side of him. Napapangiti ako tuwing naaalala ko na meron akong clingy boyfriend. 


Maliban doon, araw-araw siyang tumatambay sa bahay namin para tumulong sa carinderia. Sa mga araw na may trabaho ako sa cafe, siya ang tumutulong kina mama sa bahay, kahit na wala ako roon. Gusto nga siyang swelduhan ni mama pero palagi niya siyang tinatanggihan kasi gusto niya tumulong ng walang kapalit sa kanila.


Hindi na nga siya masyadong sumasama kina Drew 'pag inaaya siya kasi mas gusto niya raw unahin yung girlfriend niya, kaya ako na yung palagi niyang kasama.


"Why are you spacing out?" Tanong niya habang tinitirintasan yung buhok ko.


"Huh? Ako?" I asked back. "Hindi ah. Tapos ka na ba? 30 minutes na tayong nagtitirintas dito."


"S-Sorry naman! It's my first time doing this," Nahihiyang sambit nito bago nagpout sa'kin. 


He wanted to try braiding my hair for so long and today, I let him do it. Nakakailang mali siya pero okay lang. Nanginginig ang kamay niya habang isinusuot yung pang-ipit sa buhok ko. He was treating my hair as if it was fragile.


"Okay na," Abot mata ang kanyang mga ngiti habang nakatitig sa buhok ko.


Tinignan ko yung sarili ko sa salamin at napansin na may ilang buhok na hindi nakasali sa ipit. Halata rin na may nabuhol siyang parte ng buhok ko sa tirintas. Imbis na mairita ako, napangiti ako sa kanya habang hawak-hawak yung buhok ko.


"You did a good job on this,"


"Ako pa!" He confidently smirked at me. "Ah, natapos ko na pala yung PowerPoint layout mo para sa defense niyo nina Shaira. Wanna see it?"


Kinunutan ko siya ng noo. "Huh? Kelan mo 'yan ginawa?"


"I called you two days ago and saw that you were struggling about designing your presentation, so I secretly did it for you. I don't want to see you having a hard time." He sweetly confessed before showing me the PowerPoint layout he did for me.


It was organized and looked formal. Nailagay niya na rin yung mga nakalagay sa ppt namin nung isang araw. Minimal lang yung designs at hindi masyadong bright yung mga colors na ginamit niya.


"Luhh, nakakahiya naman." Napakagat ako sa ibaba 'kong labi habang nakatitig doon.


"Huh? Why are you shy? Isang taon na tayo, ano pa kinakahiya mo?" Nagtatakang tanong nito sa'kin.


"Wala ka bang pending requirements sa school?" I asked back.


"Meron! Puro plates," Kinamot niya ang kanyang batok bago siya pumunta sa kanyang lamesa sa kwarto. "Isang Linggo na 'tong nakatengga dito kasi nakakailang mali ako. You know our professors, isang maling measurement or kahit makakita lang sila ng isang patak na dumi sa papel, minus na agad."


"Nakailang ulit ka?"


"24 and counting,"


I chuckled at him. "Gusto mo tulungan kita?"


He suddenly looked scared and immediately hugged his plates in his chest. "N-No, k-kahit 'wag na."


"Oh, bakit ka biglang naging ganyan?"


"The last time you helped me... You spilled a cup of coffee on a plate that I worked for two weeks..."


"D-Dati lang 'yun!" Pagdedepensa ko sa sarili ko. Naalala ko 'yun! Last year, I went over to his condo to help him with his plates but instead, I ended up ruining his masterpiece. Nakakainis nga eh kasi hindi siya nagalit sa'kin. Nagtataka pa siya kung bakit daw ako panay sorry eh okay lang naman daw.


"W-Wag muna ngayon, alam mo naman na kapag hindi ko ito naipasa ngayong Linggo, hindi ako makakasama sa OJT namin." He reminded me.


Doon napawi ang ngiti ko.


Mag-OOJT sina Asrow at mga kablock niya sa Laguna. Halos tatlong buwan sila magstastay doon. Kailangan nila mag-OJT kung gusto nilang makagraduate ngayong taon, kaya wala ring choice si Asrow. Kasama rin niya si Niana, pero hindi niya raw siya papansinin para hindi ako mag-alala.


Tatlong buwan kami hindi magkikita.


Napansin niya yung pagkalungkot ko kaya agad niya akong niyakap. "Uy, nakasimangot nanaman yung baby ko. 'Wag ka na malungkot,"


"H-Hindi ako nalulungkot," I denied.


"Your face says otherwise,"


"M-Masama ba?" 


"I won't promise anything when I get there," He said before planting a kiss on my forehead. "OJT training requires me to work everyday to receive my grades, which means that I'll be busy and might forget to call or message you."


"But I can promise that I'll be back here, to your arms."


"Weh?" I asked.


"Oo naman, when did I ever break a promise?"


"Sabi mo papakilala mo na ako sa mga magulang mo, pero hindi naman natutuloy." I pouted at him. Maraming beses na niya akong sinubukan na ipakilala sa kanila ngunit palagi itong nauudlot, dahil wala raw oras mga magulang niya.


"This and that are different," He chuckled. "I'll let you meet them... At the right time."


"Promise?"


"I promise, babe."


Tinitigan niya ako ng matagal bago niya ako binigyan ulit ng halik sa noo. "Damn, why are you so cute? Girlfriend ba talaga kita?"


"Ayaw mo?"


"Hehe, sayo lang po marupok."


"Asrow,"


"Hmm?"


"Y-You can go all the way today," Mabilisan 'kong sinabi bago ako tumingin sa ibang direksyon para matago yung namumula 'kong mukha. 


He looked stunned for a second. "But I thought that you don't want to show your body to anyone, including me?"


"I-I'm ready," I confessed.


"Are you sure? I don't want to pressure you on something you don't want to do." He bluntly said.


"You're not forcing me against my will; I'm giving you my consent to... touch me." Napalunok ako nung nakita ko ang unti-unting pagdilim ng mga mata ni Asrow.


"..."


"... You, hindi 'to biro diba?"


"Bakit naman ako magbibiro tungkol sa ganitong baga-"


He cut me off by kissing me abruptly on my lips, silencing me on the process. I responded to his kisses quickly as he led me towards his bed. May ilan siya natumbang mga libro pero hindi niya ito pinansin. Masyado kasi siya naging focused sa ginagawa namin. 


I found ourselves undressing each other as we made love that night. It was amazing and overwhelming for me. If I were to describe it in one word, it was... awe-inspiring. I never thought that I would give my everything to a man before marriage, but it was all worth it, because it's him, it's Asrow we're talking about.


Sa sumunod na Linggo ay sa condo niya ako natulog dahil kinabukasan ay aalis na siya. Naipasa niya na ang mga plates niya para sigurado na makakasama siya sa kanilang OJT bukas. Tinulungan ko siya sa pag-iimpake at pag-aayos ng condo para hindi magulo pag-alis niya.


"Extra t-shirt?" Tanong ko sa kanya.


"Meron na po ma'am,"


"Towel?"


"Check,"


"Architecture kit?"


"Check po,"


"Shampoo, soap, toothbrush, toothpaste?"


"Check, check, check, and check. Pwede na ba tayo matulog?" Nakasimangot na tanong niya, halatang inip na inip na dahil sa'kin.


"Kailangan natin idouble check lahat, baka mamaya may nakalimutan ka pa eh," I defended my stand.


"Oh, I did forget something."


"Ano?" 


"You," Nakangising sagot niya. "Dadalhin din kita. Ilalagay kita sa bag, mahal ko."


"Ikaw lang ata magkakasya diyan," I said before putting down my pen and paper. "... kasi maliit..."


He looked at me with disbelief. "A-Anong maliit? What's small?!"


"Maliit," Inulit ko ulit, dahilan para mas lalo siyang mainis. 


"WOW! I'm proud of my junior, it isn't small!" Pagmamalaki nito sa kanyang ano. "You even gave it a nickname when we did it!"


"Yeah, maliit nga."


"Maliit pala pero nag-aya ng second round," Pabulong na reklamo nito.


"Ano?!"


"Just stating facts," He shrugged at me before pouting.


Tinawanan ko siya bago ko siya nilambing. I rest my head on his shoulder as I intertwined my hand with his. Nagpapabebe pa nga siya nung una! Ayaw niyang hawakan kamay ko dahil sa tampo pero hindi niya naman ako matitiis eh.


"We've come so far, 'no?" I started to reminisce about our times with each other. "Parang dati lang, binabayaran mo mga teachers at mga kaibigan mo para mataas grades at magkaroon ng scholarship."


"Cringe," Napangiwi siya sa'kin. "Why do you have to bring that up? I already forgot about that stupid phase of mine, yet you made me remember it again."


I giggled at his reaction. "Stupid nga pero nag-iba ka na ngayon, diba? You seemed... more matured now, compared before. Well oo, makulit ka pa rin at mahilig mang-asar, pero nagbago ka, for the better."


"You too, you know."


Kinunutan ko siya ng noo. "Ano nagbago sa'kin?"


"Before, you wouldn't let anyone talk to you. You were like a diary, full of secrets that you don't want to let others know. You don't want to open up to others, besides from the friends you already have. You always roll your eyes and have a sassy-like attitude. Palagi mo nga akong iniirapan dati eh! Ngayon, masungit pa rin pero mas naging confident and approachable ka sa lahat ng bagay. Ang cute, para kang aggressive na aso na umamo." 


"Wew, kakabasa mo 'yan ng Wattpad inday." Pang-aasar ko sa kanya. 


He was right though. Before, I kept my circle of friends small, sinusungitan ko lahat ng mga tao, at ayoko sa atensyon. Pero ngayon, dumadag ang mga kaibigan ko at mas naging confident ako sa sarili ko. He was a part of my change because during that phase of mine, he was there; he was present with me. 


I don't know if this change is good or not because I, myself, know that as one of my flaws disappears, another one rises. I know nobody's perfect but it's also up to us to decide whether this will truly be for the better or not. Even so, I decided to go with the flow.  


"Do you want to stay at my condo while I'm away?" Tanong niya sa'kin.


"Hindi pwede eh, gusto 'kong mabantayan sina mama at papa sa bahay."


"But if you want to visit, just use your key, okay? I'll let the receptionist know about you entering my room." Sabi niya sa'kin. "I'll also lend my headphones and iPad to you, just in case you need it at school."


"Ay tamang-tama, sumasakit na yung kamay ko kakasulat ng notes eh." Natatawang sambit ko sa kanya. "Can I really borrow your things?"


"Of course! What's mine is yours, babe."


"Para kang sugar daddy, Asrow."


"Yeah, I'm your daddy."


Inirapan ko siya bago niya ako tinawanan. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago niya ito binigyan ng isang halik. Inilapit niya dito sa dibdib niya, malapit sa kanyang puso. 


"Sa tingin mo, magtatagal tayo?"


Kinunutan niya agad ako ng noo. "Huh? What kind of question is that?"


"Tinatanong ko lang," I shrugged. "Gusto ko lang naman malaman intensyon mo."


"People date to marry because they see that person as their potential partner in life. Ano pa ba ibang rason?"


I pursed my lips together upon hearing his answer to my question. At least, we're on the same page. At least, we're both thinking the same thing. 


"G-Gusto ko ha, na ikaw yung magdidisenyo ng... m-magiging bahay natin," Pabulong na sabi ko sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero nagpatuloy lang ako sa sinasabi ko. "Gusto ko sana ng isang aso, isang hamster, tapos kahit i-isang anak lang kasi mahirap daw magbuntis 'no. Tapos, ayoko ng masyadong malaki yung bahay, gusto ko yung simple lang, yung babagay sa'tin."


"Kung pupwede, bibisitahin natin mga magulang natin buwan-buwan, o kaya kahit isang beses sa dalawang buwan para masigurado lang natin na healthy pa rin sila. Tapos tuwing Christmas, sana sa bahay lang tayo mag-celebrate kasi mas ramdam mo yung pasko kapag yung mga kasama mo ay yung mga mahal mo sa buhay."


He still didn't say anything but all of his attention were on me now.


"Uy, ba't ba ayaw mo magsalita?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"..."


"Asrow??"


"... Bakit mo ba ako nagustuhan?" He asked in a husky voice.


Naguguluhan ako sa kanya. "Huh? Kailangan ko ba ng rason para magmahal?"


"It depends."


"Para sa'kin kasi, kapag may rason ka kung bakit mo mahal yung isang tao, parang... excuse lang." I honestly answered. "Mahal kita kasi ganito ganyan ka, mahal kita kasi mabait at gwapo ka. These words sound like excuses, rather than pure confessions. Pero kung ang sinabi mo lang ay mahal kita, the words themselves already meant everything, everything about you. Your flaws, your insecurities, your dreams, your attitude, your whole self."


"You have a point though," He chuckled. "... But what if, along our relationship, you find something displeasing about me?"


"It's just a flaw, mamahalin pa rin kita." I answered bluntly.


"Really?"


"Oo nga,"


"Talagang talaga?"


"Oo Asrow,"


"What if... may nagawa ako sa pamilya mo, mamahalin mo pa rin ako?"


Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "... Anong ibig mong sabihin?"


"Nothing, random thoughts lang." Nakangiting saad niya. "Hey, do you want to take a bath together? Let's conserve water."


"Huh?"


He chuckled before letting go of my hand. Tumayo siya at pumunta sa loob ng banyo habang nakanta ng isa sa mga na-cover niya dati. Gulong-gulo pa rin akong nakatitig sa kanya dahil hindi ko mawari kung anong ibig niyang sabihin kanina. If he was pertaining to the way he's helping my mom with the shop, then duh! The answer's already obvious!


But if he wasn't pertaining to that, then what else?


***


Kinabukasan ng umaga, hinatid ko siya sa bus kung saan sila magkikita-kita ng mga blockmates niya. They were asked to meet up there by five o'clock in the morning. Asrow and I arrived at just the right time. I told him to stay safe and to message me whenever he has free time on his schedule. He said the same thing to me before leaving off to Laguna. 


Nandoon din si Wyatt at Niana. Nasulyapan ko lang sila saglit pero nakita ko na parang malungkot yung binata sa hindi malamang rason. 


It honestly felt empty not having Asrow around because during our relationship phase, we became inseparable. Siya na yung palagi 'kong nakakasama araw-araw. Siya na yung napaglalabasan ko ng saya at sama ng loob. He became a part of me that I never want to lose in my life.


"Ba't ganun?" Malungkot na panimula ni Shaira. "Ikaw yung nawalan ng jowa pero bakit ako yung malungkot dito?"


"Tanga, hindi ako nawalan. Umalis lang," I corrected her statement.


"Weh? Paano kung 'di na bumalik?"


"Susungalngalin ko 'yang bibig mo kapag nagpatuloy ka pa," Pabirong pagbabanta ko sa kanya.


"Ay mars! Napaka-harsh mo naman! Ito na nga po, tatahimik na po!" She pouted at me. "Hoy babaita! Meron ka na bang corporate attire para sa defense?"


Tinanguan niya ako. "Yeah, binilhan ako ni Asrow."


Napaawang ang bibig niya bago nagpatuloy, "Nang-iinggit ka ba o nang-iinggit?"


"Hulaan mo,"


"Hay nako! Ewan ko sayo!"


Tinawanan ko siya bago kami pumunta ng cafeteria. Pumunta kami sa isang lamesa sa dulo bago kami umorder ng pwedeng makain. Sa tapat ng lamesa namin ay yung babaeng nangangalang Kimora, yung dating kaklase nina Wyatt at Asrow. I know her because she's quite well-known at school.


"Ganda ni Kimora 'no?" Sabi ni Shaira. "Kaso mas maganda nga lang ako,"


"Oo nalang," Sagot ko naman. 


Nginitian niya agad ako na parang may masama siyang binabalak. "Uy, uy Cally. May nakakalimutan ka atang ikwento?"


Kinunutan ko siya ng noo. "Huh?"


"Kamusta first time mo?"


Halos mabulunan ako sa kinakain 'kong salad dahil sa tanong niya. How did she even know?! Ay teka, tinanong ko pala siya nung nakaraang Linggo kung paano gamitin yung birth control pills! Sinagot niya naman ako pero nahalata niya agad kung anong nangyayari dahil sa tanong ko.


"W-Wala!" I quickly answered. 


"Sus, pero grabe mga tanong mo sa'kin last week ah. Shaira paano ba'to gagamitin? Shaira tama ba 'tong ginagawa ko? Shaira gan'to, ganyan? 'Tas sasabihin mo wala lang? Ulol!"


"Eh wala ngaaa! MAsama bang macurious?!"


"Hindi ka naman macucurious kung walang nangyari eh, ayieee!"


"M-May practice ka ba mamaya? Samahan mo ako sa cafe kung wala." Pagbabago ko ng topic. 


Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano naman gagawin ko doon?"


"Ehh dali naaa," Nag-ngawa ako ng parang bata sa harapan niya. "Nalulungkot ako eh! Huwag kang mag-alala, wala naman doon si Silas!"


"H-Hindi naman ako nag-aalala sa kanya!" 


"Hindi raw pero nautal naman!"


"Gosh, Cally! Oo na, oo na! Basta kwentuhan mo ako kung paano ka diniligan para may makuha naman akong bagong chismis ngayong araw 'no," Hinampas ko siya agad tapos tumawa siya. "Aray naman! Ganyan ba epekto ng dilig season?!"


"Manahimik mga tagtuyo," Nakangising pang-aasar ko.


"ANO BA!"


Humalakhak ako bago ako nagpatuloy sa pagkain. Castriel later on joined us to eat. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin kung anong awra ang meron sa kanilang dalawa kaya umalis kaagad ako pagkaubos ko ng pagkain.


Shaira did go with me to the cafe after school. Tamang kain lang siya ng cake doon habang nakikipagdaldalan kung kani-kanino sa loob. Nakipag-agawan pa nga siya ng bola sa isang bata doon, jusko nakakahiya! Parang nagdala tuloy ako ng feeling bata dito, ugh. 


Habang tumutulong ako sa paghugas ng pinggan, nakita ko yung chat ni Asrow sa phone ko.


Asrow Ventura
I'm already here, mahal. I'll sleep for a moment because there'll be an all night orientation later.

Cally Suarez
Sure, mahal ko! Sleep well! Message me agad if may need kaaa, I love you!

*seen*


Baka nakatulog na siya kaya naseen niya nalang. Hinayaan ko na kasi malamang sa malamang ay pagod siya sa biyahe. Kailangan niya rin ng pahinga. He doesn't need to reply to me for now. He'll reply once he's up and has free time.


...  Or so I thought.


Sa mga nagdaang araw, isang beses sa isang araw lang kami nakakapag-usap. Minsan, wala talaga. He would only message me one sentence like hey baby! I'm at a meeting rn but I'll message you later, ILYSM! Pagkatapos no'n, wala na. 


I tried calling him to check on how he's doing but unfortunately, his phone was either turned off or in silent mode. Kahit na ganun, hindi ako nagalit kasi parte 'to ng pangarap niya sa pagiging architect. Inintindi ko nalang siya, kahit na gusto 'kong ibalita sa kanya na ako yung may pinakamataas na grado sa law.


There were a lot of times when I wanted to go to Laguna just to see him, just to look at him from afar but I couldn't. I was also preparing for my defense so I didn't have the time to go to his whereabouts.


"Ang haba ng nguso mo, ate Cally!" Bunyag ni Drew pagkapasok niya ng cafe. Siya ay nakasuot ng itim na polo at puting slacks, tapos nakaayos yung hati ng buhok niya. Halatang nag-gel pa siya dahil kita yung pagkintab nito 'pag tumatapat sa ilaw. It wasn't his usual attire whenever he's coming here and his other friends weren't with him.


"Ikaw lang mag-isa?" Tanong ko bago ko siya sinundan sa lamesa kung saan siya uupo.


"Yeah, kakagaling ko lang sa isang blind date." Suminghap siya bago umupo. "Ang ganda niya ate Cally! Kaso hindi niya ako type!"


"Bakit daw?"


"... Masyado raw akong gwapo," Seryosong sagot niya sa'kin. Nung nakita niya yung pagtaas ko ng kilay, tinawanan niya ako bago ulit nagsalita, " Joke lang naman ate Cally! Gusto lang naman kita tumawa haha!"


"Sige lang, usual order ba gusto mo?" Tanong ko sa kanya.


"Ahh, kahit kape lang, black coffee po please." Nakangiting saad niya. 


I wrote his order on my notepad before going over to the kitchen to process his coffee. Doon ko nakita si Suzy na nakangiti sa kanyang phone habang may kausap. May boyfriend na rin siya ngayon. Siya raw yung matagal nang nanliligaw sa kanya 'tas ayun, marupok eh.


Pumunta ulit ako sa lamesa ni Drew habang dala-dala yung kanyang kape sa kamay. I saw him casually looking at his phone while watching a video.


"Here's your order," I told him before putting his coffee down. 


"Ate Cally, tamang-tama! Tignan mo 'to oh!" Lumapit siya ng kaunti sa'kin para ipakita kung ano yung nasa phone niya.


It was a video of him, Aragon, Silas, Milo, and Asrow. They were all drinking at someone's house. He played the video and I saw the video's focused on Asrow. Uminom siya ng isang bote ng isang diretsuhan habang nag-iingayan yung apat sa background. Nung naubos niya yung inumin, bigla niyang sinigaw, "Oo, crush ko si Cally guys! Gusto ko siya!".


Bahagyang namula ang dalawa 'kong pisngi sa bidyo na pinakita niya. He saw my reaction so he flashed a smirk before turning his phone off.


"Alam mo ba ate Cally, nangyari 'to nung nung pasko, bago pa siya manligaw sayo. Lahat kami ay iinom ng isang bote ng alak tapos isisigaw namin yung bagay na hindi pa alam nung iba. Dito palang eh, alam mo na agad na gustong-gusto ka talaga ni Asrow matagal na." Panimula nito sa pagkukwento.


"Matagal ko nang kaibigan 'yang si Asrow at ngayon ko lang siya nakitang na-fall ulit. Loko-loko 'yan eh, hindi masyadong nagseseryoso sa lahat katulad nalang sa academics o kaya sa volleyball pero simula nung dumating ka, nagtino siya. Alam mo ba, tuwing kami-kami yung magkakasama, ikaw pa rin yung bukambibig niyan! Grabe epekto mo sa kanya, you were able to tame the wild beast." Sabi niya bago tinignan ako.


"P-Para saan 'tong sinasabi mo sa'kin ngayon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.


"May tito ako sa Laguna 'no!" He suddenly said, which piqued my interest. "Nakita niya si Asrow na halatang ilang gabi na raw walang tulog. Pinapasabi niya na kamustahin daw kita at good luck daw sa defense! Jusmiyo, ako pa yung ginawa niyong messenger!"


I pursed my lips together to stop myself from laughing. "Ahh, kaya ka pala nandito..."


"Yeah. Busy lang talaga yung mokong na boyfriend mo, kaya 'wag ka na malungkot, ha? Magrereply din 'yon, tiwala lang!" Masayahing pag-aadvise niya sa'kin.


"Uy, salamat ha? Nawala yung lungkot ko dahil sa kinuwento mo,"


"Ito naman kasi talaga yung role ko rito, ang maging tulay sa dalawang bituin." Nag-iinarteng sinabi niya bago humalakhak. "De bale na! Magkakajowa rin ako balang araw!"


I giggled at him. Tama nga yung hinala ko. Ano kaya yung pinapagawa nila sa kanila doon? sana lang nakakakain pa siya ng maayos. Sana nakakatulog pa rin siya sa tamang oras. Hindi ko maiwasan kun'di mag-alala para sa kanya.


But after hearing out Drew's words, my faith in Asrow strengthened even more than before. Yung pagod at lungkot ko kanina, nawala lang na parang bula. I'm at ease, knowing that my baby hasn't forgotten about me; he's just walking the path to his dream and I shouldn't be a road block to him.


Umuwi ako sa bahay no'n habang nakangiti. Gusto ko na ikwento kina mama agad yung nalaman ko kay Drew kasi matagal nila na rin kinakamusta si Asrow. Napalapit na rin kasi siya sa kanila, parang anak na nga rin ang turing nila sa kanya eh.


"Ma! Nakauwi na po ako!" Sigaw ko sa loob ng bahay bago ako naghubad ng sapatos. 


Nasa'n kaya si mama? Wala nanamang sumagot nung tinawag ko ulit siya mula sa baba. Tinignan ko kung nasa likod siya ng bahay, pero wala. Tinignan ko rin sa kitchen, banyo, labahan, pero wala si mama doon. Napag-isipan ko nalang na umakyat ng bahay para hanapin kung nasa'n siya.


Binuksan ko yung pinto ng kwarto nila mama at tama nga ako! Nasa loob nga siya!


Tatawagin ko na sana kaso nakita ko na nagsusulat si mama sa isang papel, puro mga numero ito. Marami ring nakakalat na iba pang papel sa paligid niya at lahat sila ay mukhang... mga resibo.


"10k pa ang kulang ko kay Tony, 'tas kay Gabby naman mga... 12k?" Mahinang saad ni mama habang nagsusulat sa papel.


Nakumpleto na namin yung bayad namin kay Donna nung nakaraang taon pero...


Bakit parang meron pang ibang bayarin?


***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro