Chapter 19
Warning: Medyo 18+, medyo lang ha.
I gasped for air as Asrow moved his tongue deeper inside my mouth.
Naririnig ko yung kaunting pag-usa ng kama ko dahil sa bigat at paggalaw naming dalawa. Bumaba yung mga halik niya papunta sa leeg ko 'tas may naramdaman akong nakakakiliti sa parteng 'yon.
I kept on saying sensual things that I've never heard before. Narinig ko yung paghigop nin Asrow sa may bandang collarbone ko habang nakahawak ako sa buhok niya. His hands are trying to explore my body as he ran his hands from my face to tummy.
"A-Asrow," Pigil na ungol ko sa kanya. "B-Baka maabutan tayo nina mama..."
"Malay mo traffic," He whispered between his kisses.
"Manila 'yon, ang lapit lapit lang kaya,"
"Pagdasal mo nalang na natraffic sila,"
I slightly pulled his hair and heard him groan. Pero naghiganti siya sa'kin nung hinawakan niya bigla yung nananahimik na dibdib ko at pinisil ng bahagya. May kumawala na ungol sa'kin pero tinakpan ko agad yung bibig ko para hindi ito lumakas.
He suddenly held my hand and took it away from my mouth. "Don't cover it, it's music to my ears." He said in a low, hoarse voice which sent shivers down to my spine.
Napahawak ako ng mahigpit sa kanya nang makaramdam ako ng halik sa ibabaw ng breasts ko. Parang isiniksik niya yung bibig niya sa shirt ko para magkaroon ng access sa dibdib ko.
"Small, but delicate," I heard him whispered and chuckled.
Sinabunutan ko ulit siya, pero mas mahigpit ngayon. "Ouch, calm down. That's turning me on."
I gaped at him. "Siraulo ka ba?"
"Siraulo para sayo, ayiee."
Inirapan ko siya pero napatigil ako kasi bigla niya nalang ako hinalikan ulit sa bibig. Our mouths danced in a rhythm that only the two of us knows. He continued on touching my breasts as our tongues clashed against each other once more.
Naramdaman ko pumasok ang kanyang mainit na palad sa loob ng shirt ko. Natauhan ako nung nahawakan niya ang bra ko sa loob at mukhang nagplaplano siyang tanggalin ito.
Without thinking, I slightly pushed him away from me. Bakas sa kanyang mukha na nagulat siya sa ginawa ko pero... Hindi pa kasi ako handa.
"I-I'm sorry," Yun agad yung salitang binitaw ni Asrow matapos ko siyang itulak ng marahan.
"N-No, you didn't do anything wrong." Kinagat ko ang ibaba 'kong labi. Sumandal ako sa sandalan ng kama habang nakaupo siya sa tapat ko.. "H-Hindi pa kasi ako handa... mag-ano, you know?"
"Huh? Hindi naman ako nakikipag-sex sayo kanina, Cal."
"Ha? Eh ano 'yun?"
His tongue pushed the side of his cheek as he tried to stifle a laugh. "... Is this your first time making out with someone?"
Tumango ako sa kanya 'tas narinig ko yung pagbuntong hininga niya. "Kaya pala eh, pero 'wag kang mag-alala kasi hindi ko gagawin yung mga bagay na ayaw mo. I prioritize consent over lust, you know?"
I smiled at him. "Thank you,"
"But can I still kiss you?" He asked before pouting at me.
Pinanliitan ko siya ng mata bago tumawa at tumango rito. Halata sa kanya na masaya siya kasi pinayagan ko siya. Okay lang sa'kin ang halikan pero 'wag lang ang pagbubukaka sa isang matalas na sandata.
He leaned in over to me and saw in his eyes that he's longing for me but we stopped when we both heard a tricycle outside. Kasunod no'n ay yung mga boses nina mama at papa.
"Shit, malalagot ako kina mama 'pag nalaman nilang nandito ka!" Natataranta 'kong saad kanya. "Hindi ka pwedeng lumabas sa baba! Hays, kanina ko pa naman sayo sinasabi na baka maabutan tayo eh,"
"Hindi ka siguro nagdasal kaya hindi sila natraffic," Asrow said before pouting again.
"Tanga ka?" Inirapan ko siya. "Wala kang choice, sa bintana ka nalang dumaan!"
Bahid sa kanyang mukha ang gulat at takot sa sinuhestiyon ko. May namuong pawis sa kanyang noo kahit hindi naman mainit. "Do you want me to die early?"
"Hoy ang OA mo naman, nakakababa nga si Clark diyan dati ng walang hirap." Nung mga bata pa kasi kami, paminsan-minsan ay dito kami sa kwarto ko naglalaro ng patago, 'tas sa bintana ko lang siya tatakas.
He squinted his eyes at me. "What were you two doing here?"
Sasagot pa sana ako pero pinangunahan ako ng kaba nang marinig na papalapit na mga boses nina mama. Hindi na ako nagdalawang isip na hilahin si Asrow at tinapat siya sa bintana ko. Hindi naman gaanong nakakalula yung taas nito dahil may puno at garbage dump kung sa'n siya pwedeng tumapak.
"Pagdasal mo nalang na sana buhay pa ako pagkatapos nito," Bulong nito habang nakatingin sa baba.
"Sige na, umalis ka na. Malalagot tayo nito!"
Pasimple niya akong binigyan ng halik bago siya lumabas doon sa bintana. Sinarado ko naman ito agad kasi narinig ko nang kumatok sina mama sa pinto ko.
"Cally 'nak, nandiyan ka na ba?" Tawag ni mama.
"Ah, yes ma! Kanina pa po ako nandito sa bahay," Sagot ko naman bago ako tumakbo papunta sa pinto para mabuksan ito. "Ano po ba ginawa niyo sa Maynila?"
Nagkatinginan sina mama at papa sa isa't-isa bago ulit tumingin sa'kin habang nakangiti. May nakita akong kayumangging envelope na nakatago sa likod ni mama pero hindi na ako nagtanong kung tungkol sa'n 'yon.
"Wala 'nak, may inasikaso lang kami." Mariin na sagot ni papa. "Kain na tayo 'nak, minsan lang tayo magkasabay-sabay sa hapagkainan."
Nginitian ko ng bahagya si papa at sumama ako sa kanila pababa. Hindi ko na muna sinabi kina mama at papa na sinagot ko na talaga si Asrow. Gusto kasi niya na pormal yung pagpapaalam namin sa kanila. Nagsuhestiyon din siya na dapat magkasama kaming dalawa habang pinapaalam 'yon sa mga magulang ko. I find his actions super cute.
Kinabukasan, kakaligo ko palang ay nasa baba na agad si Asrow. Jusko, masyado siyang excited sa pagpunta talaga sa'min, huh?
"Magandang araw po, tita," Abot-matang pagbati nito kina mama at papa.
"Oh hijo, ang aga mo naman masyado. Nakakain ka na ba?" Tanong ni mama sa kanya.
"Ahh opo tita, may dala nga din po ako para sa inyo."
Habang nagsusuklay ako ng buhok ay may inilatag siya sa lamesa namin. Ito ay paper bag na may tatak na McDonald's! Talagang dumaan pa muna siya ng fast food restaurant bago pumunta dito.
"Nako hijo, nag-abala ka pa!" Gulat na gulat na sinabi ni mama.
"Nako tita, wala po 'yan, basta mapasaya lang po kayo." Nakangiting sambit nito. "I also bought something for tito there and he can eat it later after his work po."
"Maraming salamat hijo, ha?"
Tumigil ako sa pagsusuklay at tinignan siya. Napatingin din siya sa'kin and I mouthed, 'thank you' to him. Kinindatan niya naman ako at nagpacute pagkatapos no'n.
Kumain lang kami ng mabilisan, kasalo si Asrow, bago kami umalis ng bahay at sumakay ng jeep papunta sa school. Maraming taong tumititig sa'min doon dahil magkahawak-kamay kaming dalawa at nakasandal sa balikat ko yung binata. Paminsan-minsan ay pinaglalaruan nito yung dulo ng buhok ko. Oo, nagpapa-baby 'yan eh.
Pagkapasok namin ng eskuwelahan ay hinatid muna ako ni Asrow sa klase ko. Wala naman ako balak magpakita ng P.D.A sa iba pero hinila niya muna ako at binigyan ng halik sa noo bago ako pinapasok sa room, jusko! Ang bilis ng pangyayari, hindi ako agad naka-react.
"Hoy bruha ka, ano 'yon?" Bungad na tanong sa'kin ni Shaira. "Manliligaw pero may pahalik sa noo? Iba na ata yung panliligaw ngayon ah!"
" 'Di ko na siya manliligaw," I bluntly said before taking a seat next to her.
"Huh?! Eh ano na?!"
I smirked at her. "Boyfriend ko na,"
Her jaws literally dropped the moment she heard my statement. "W-What?! Kelan pa? Ngayong umaga mo lang ba sinagot? O matagal na pero 'di niyo lang agad sinabi? May tinatago ka bang kabalbalan sa'kin?"
"Tange, kagabi ko lang sinagot." Sabi ko, habang naaalala yung nangyari kahapon.
"Hays, sa wakas at nagka-label na din kayo! Halatang-halata naman na mahal niyo talaga ang isa't-isa eh, sarap niyong batukan minsan!" Nakangiting sambit nito sa'kin.
"Uy, ang harot Cally ha,"
Biglaang sumulpot sa harapan namin sina Kailey at Mossy, na mga cheerleaders din sa school namin. Sa pagkakaalala ko, si Kailey yung nakahalikan noon ni Asrow sa may mga puno sa labas ng school. Nahuli ko silang dalawa dati nung nasa labas ako.
"Oh, pa'no kayo nakapasok dito?" Mataray na tanong ni Shaira sa kanila.
"Totoo ba na kayo na ni Asrow?"
Lumapit sa pwesto namin yung presidente ng klase namin, si Romina. Nakakausap namin siya paminsan-minsan sa klase pero hindi kami totally close, pero magka-vibes naman. May pinakita siya sa'min na mukhang story sa Instagram.
"Ahh oo," Sabi ko.
"Sana all oh,"
Pinakita niya sa'kin yung story, na mukhang galing kay Asrow. Dalawang my-day stories 'yon. Yung una, piktyur namin 'yun ng naka-holding hands habang nasa biyahe. Yung pangalawa naman, picture ko na natutulog sa kanyang balikat, 'tas may caption pa na: Miloves.
"Ay, jusko ang haharot!" Hinampas ako ni Shaira sa braso habang nakatitig sa My day ni Asrow.
"Ang 'dami ngang nagrereact ngayon eh, pinapaconfirm nga sa kanya kung totoo ba 'to or ano," Pagkukwento ni Romina.
"Syempre totoo 'yan! Shet, best friend ko 'yan oh!"
Hindi ko maiwasan kun'di mapangiti habang nakatingin sa my day niya. Hindi niya ako kinakahiya, I am glad. I actually prefer having a lowkey type of relationship because I didn't want anyone to interfere or have a say about us, but when it's with Asrow, I feel like I can be open and be expressive about him.
No'ng dumating yung break time, agad naman kami nagsasalo magkakaibigan sa labas. Halatang curious na curious sila kung paano nga ba naging kami ni Asrow. They were all interested to know, except for one person.
"Sana all, when kaya?" Pasimpleng pagpaparinig ni Shaira
"Ha! Asa kang magkakajowa ka pa," Nakangising pang-aasar ni Castriel dito.
"Luh, at least 'di ako duwag!"
"Saan nanaman ba ako naduwag, ha??"
"Napaka-slow mo kasi lagi!"
At ayan na nga, nagsisimula nanaman silang dalawa mag-bangayan. Habang nanonood ako sa kanila, biglang hinawakan ni Asrow yung kamay ko at inilapit ito sa bibig niya para bigyan ito ng isang halik.
"How's my princess doing?" He casually asked.
I snorted. "Dami mong alam,"
"Ay, 'di ka kinilig?" He immediately pouted, upon seeing my reaction.
"Hulaan mo,"
"Hehe, kinilig 'yan syempre,"
Inirapan ko naman siya. "Ang cringy,"
"Really? But nothing's cringy when it's about you, Cally." Nakangiting tugon nito sa'kin.
"Everything's cringy when it's about you, Asrow," Pagsisinungaling ko habang nakangisi.
Mukhang umepekto naman yung pang-aasar ko kasi sumimangot siya ng sobra 'tas napapisil ng mahigpit sa kamay ko, parang naghahanap ng assurance ganun. Tinawanan ko nalang siya. Hindi ko inaakala na siya yung tipo ng jowa na parang nagpapababy o nagpapacute ganun, it's adorable of him. I like it.
May narinig akong bumuntong-hininga sa'ming apat. Pagod na pagod itong nakatitig sa'min habang hawak-hawak yung mga plates niya, na mukhang kakatapos lang kanina.
"I'll go now," Mahinang saad nito bago niya kami tinalikuran.
"Uy bro," Pagtawag ni Castriel dito pero hindi niya nilingunan nito.
Kumagat ako sa ibaba 'kong labi bago ako tumingin kay Asrow. Sinulyapan niya din ako at binigyan ako ng isang ngiti at pagtango ng ulo. I smiled at him back, it was as if he already knew what I was trying to tell him without having the words come out from my mouth.
Binitawan ko siya at hinabol ko si Wyatt. Sabay silang nanligaw ni Asrow sa'kin. I've already tried to reject him but he insisted on proving himself to me. Naramdaman ko talaga yung pagkakagusto nito sa'kin, sa paraan palang ng pagguhit niya ng larawan ko at yung paggawa niya ng flyers para sa carinderia namin.
He proved himself but the heart wants what it wants.
"Wyatt!" Tawag ko sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon. Hindi din siya umimik kaya ako nalang yung nagsalita.
"Look, about Asrow and I..." Panimula ko.
"I know, I already knew from the start that you were going to choose him." Sagot nito, hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin. "If you came here to apologize, you don't have to because I already told you, right? That I-"
"Nandito ako para magpasalamat sayo, hindi para humingi ng tawad" Depensa ko. "I want to say thank you for everything you did because I know that those things were genuine. I appreciate you, because you liked me even though I don't have any outstanding qualities. Salamat Wyatt at nagbabaka sakali ako na sana magkaibigan pa rin tayo pagkatapos nito?"
Lumingon siya sa'kin. With a sad smile and pair of eyes, he said, "Of course, that's our label from the very start, right?"
"Yeah," I sadly agreed.
"Ang swerte niya, sa totoo lang," Sabi nito bago humalakhak. "I hope he'll take care of you, more than I planned to."
"He will," I hoped.
Nagpaalam na siya sa'kin pagkatapos no'n na may kailangan na siyang puntahan. Hindi na siya sumabay sa'min sa pagkain no'n. Mukhang kailangan niya ng oras para sa sarili niya eh. Castriel tried to talk to him but he shrugged him off.
Kinabukasan, dumiretso kami ni Asrow sa kanyang condo. Siya daw ay magrerecord na cover ng kanta para sa YouTube channel niya. Sakto, day-off ko naman sa trabaho no'n kaya okay lang sa'kin na tumambay doon. The furniture and color scheme of his overall condo stayed the same, just like when I first came here. It's still aesthetically pleasing to look at.
Umupo ako sa kama niya habang nagseset up siya ng camera. "Ang gulo ng condo mo, kelan ka huling naglinis?"
"Last month?" Patanong na sagot nito.
"Gago ka ba?" Tinaasan ko siya ng kilay. Kaya pala eh, ang daming kalat sa kwarto! Parang napabayaan ng ilang araw.
"I was busy, okay?" He chuckled before putting his camera on the top of his table and readjusted it.
"Umuuwi ka pa ba sa bahay niyo?" Natanong ko nalang bigla. Matagal-tagal na rin kasi naninirahan si Asrow sa condo at binibigyan lang siya ng pera ng mommy niya para sa pang-araw araw na gastusin.
"No," Diretsong sagot nito. "But I do come home during Christmas, but that's it."
"Why?"
Tumigil siya sa pag-aayos ng camera bago tumingin sa'kin. "Alam mo yung feeling na, bawat kilos o gawa mo, may nasasabi yung mga tao sa paligid mo? You know that feeling? It's suffocating. I don't feel free at my own home."
Napakagat ako sa ibaba 'kong labi habang inaalala kung pa'no siya tinrato ng ate niya dati. Sinampal lang niya si Asrow ng hindi nagdadalawang isip tungkol sa kapakanan ng kapatid niya. Parang wala siyang kakampi sa sarili niyang tahanan. Tapos, yung mga gawain pa ni Asrow dati, yung nagbabayad siya para sa scholarship, sa grades, sa lahat.
Come to think of it, why does he need a scholarship when he's rich?
"Hey," Tawag ko dito bago ko hinawakan ang kamay niya. "I'm here, you're not alone anymore."
Bigla niya nalang ako niyakap, kaya napahiga kami ng tuluyan sa kama niya dahil sa bigat namin. He nestled his head on my shoulder as he whispered, "Ang sarap talaga umuwi sa tahanan ko."
"Dami mong alam," I snorted.
"Alam mo talaga kung paano pumatay ng mood 'no?"
I giggled at his statement. Binigyan niya ako ng isang halik bago niya kami hinila para tumayo. Kinuha na din niya ang kanyang gitara at microphone para makapagsimula na din sa recording. May pinatugtog siyang kanta, na na-recognized ko agad. It was 'I Knew I Loved You' by Savage Garden, mukhang ito yung kakantahin niya ngayon.
"Hoy seryoso ako, ha? Nandito lang ako 'pag kailangan mo ng kasama, masasandalan, lahat." Pagpapaalala ko ulit sa kanya.
"Kinikilig ako, yung baby ko sobrang nag-aalala sa'kin," Nginisi ako nito, halatang nang-aasar pa!
"Edi 'wag!"
"But you know, one thing's for sure," Binigyan niya ako ng isang malawak na ngiti bago niya tinignan ang kanyang gitara. "I'm tired of living someone else's dream."
"This song is for you, Cally."
With the first strum of his guitar, I find myself getting hooked up as he filmed himself singing with so much passion and love. His confidence and looks radiated as he sung in a very endearing voice.
Naaalala ko pa yung unang beses ko siyang narinig na kumanta. Hindi siya yung tipo ng artist na mawawalan ka agad ng ganang pakinggan o ano. Because whenever you hear his first word from the lyrics, you're suddenly captivated for love. He immediately got you on his palms, as your heart dances to his rhythm and husky voice.
"I knew I loved you before I met you. I think I dreamed you into life." He sung as he looked straight into my eyes, full of love and care. "I knew I loved you before I met you. I have been waiting all my life."
Ah, wala na talaga. Sobrang hulog na hulog na ako sa lalaking 'to.
If I were to enter a relationship again, then I'd be glad if it's him. He's the kind of gem I want to cherish all my life. He shines the brightest whenever he's singing. He always managed to clear my darkest clouds and thoughts. Yes, this is Asrow, the guy I never thought I'd fall for, the guy who made me believe in loving someone again.
I am his soldier of love and I'm willing to fight for this, to fight for him.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro