Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Asrow's courting me...


He's actually courting me?


Weh, nanliligaw talaga siya?


Pinayagan ko siya na ligawan ako simula nung araw na 'yon. I could still remember the way he hugged me after I gave him permission to do so. Kitang-kita ko yung labis ng saya niya sa mukha no'n.


Nakikita ko naman yung mga efforts niya araw-araw. Susunduin niya ako dito habang naka-bike siya 'tas tuturuan niya ako magbike papuntang school, habang nakasunod siya sa likod ko. Palagi niya akong hinahatid at sundo sa classroom ko, kahit na may oras siya ng klase tapos nagsusulat siya palagi ng mga inspirational quotes sa memo pad 'tas nilalagay niya sa bag ko o sa lamesa ko sa classroom.


AsrowOfficial just tweeted:

Can't wait to see her :)

119 comments || 167 retweets || 3,945 likes


AsrowOfficial just tweeted:

Ikaw yung kapeng ayokong mawala sa umagahan.

252 comments || 450 retweets || 5,641 likes


AsrowOfficial just tweeted:

You're the best thing I've waited for.

202 comments || 801 retweets || 6, 520 likes


Grabe! Sumabog yung notifications ko dahil sa kakatweet ni Asrow sa kanyang Twitter! His fans are speculating that Asrow's in love and he's courting someone, gosh! Ang kalat din naman kasi talaga ni Asrow sa kanyang account, sinong hindi makakahalata na hindi siya in love??


AsrowOfficial just tweeted:

Ikaw yung tutuling ayokong tanggalin sa loob ko.

1,025 comments || 3,829 retweets || 10,294 likes


Hindi ko alam kung kikiligin ba dapat ako doon??


Sinarado ko na yung phone ko at napailing-iling. Nasa klase ako ngayon, dapat doon ako mag-focus at hindi sa kumag na 'to, jusko. I haven't told my parents and friends yet about Asrow's courtship. Humahanap pa ako ng tiyempo eh at knowing Shaira, baka asar-asarin pa ako no'n ng parang walang bukas!


"Miss Suarez, is my teaching that boring to you?" The professor asked me sternly. "Kanina ka pa umiiling-iling diyan. Are you implying that you're right and I'm wrong?"


"Opo," Bangag na sagot ko.


"What?!"


Doon ako natauhan, sa singhal nito. Agad naman ako umiling sa sinabi niya. "N-No ma'am! I'm sorry, m-may family problem lang po kasi kaya napapatulala..." Pagsisinungaling ko.


"Don't bring your family problems here, you're at school, not at home."


Ah, siya pala yung teacher na pinahiya ako dati. Ugh, I hate her a lot. Bakit pa ba siya dito nagtratrabaho jusko.


Nung dumating yung break time, dali-dali akong lumabas ng classroom dahil sa napaka-boring na klase na 'yon. Hindi ko na nga siya binati pagkalabas ng classroom eh, kahit na binati siya nung iba. Hinila ko si Shaira at napadpad kami sa cafeteria para kumain ng merienda. Bumili lang ako ng fries 'tas si Shaira naman ay bumili ng isang slice ng strawberry shortcake. 


"Sis, ang init-init talaga nung dugo no'n sayo 'no." Panimula ni Shaira bago siya kumain ng cake.


"Ewan ko ba do'n," I rolled my eyes upon hearing that.


"Baka inggit siya sayo, sis! Hays, ikaw kasi may puso 'tas siya wala haha!" She said enthusiastically. "Eh pero, bakit ka nga ba nakatulala kanina? That's very unusual of you."


Napatigil ako sa pagkain. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata 'tas mukhang curious na curious talaga siyang malaman! 


Nahihiya akong umamin sa kanya na nanliligaw na si Asrow! Shuta, ang panget din ng timing. This is not the mood and place I had in mind! Kumain ulit ako ng fries 'tas nag-isip ng pwedeng palusot sa kanya.


"... N-Natatae ako kanina," I lied. "Ramdam ko na sa... d-dulo eh..."


"Ay sus, 'yun lang pala!" Natatawang sambit ni Shaira. "Jusko ka dai! Oh ano? Mag-ccr ka na ba? Ako watch out mo, 'wag kan na mahiya!"


"N-Nagback out na eh," I lied again.


"Ay wow, urong-sulong pala 'yang tae mo."


"Tangina, nakain tayo." I hissed at her.


"Sino ba nagsimula ng topic na tungkol sa tae??"


"HINDI MO KAILANGANG PALAGUIN!"


I snorted as she laughed! Ugh, kumain nalang ulit ako jusko. Mas naurat ako kasi ubos ko na pala yung fries ko, hindi ko namalayan kanina na nangalahati na pala ako. Ang bilis ko palang kumain. Wala naman na akong pambili ng isa pa kaya uminom nalang ako ng tubig, kahit gutom pa ako.


With that being said, there's suddenly a new batch of fries in front of me. Sour and cream yung flavor. Hindi na ako nagulat kung sino yung nagbigay no'n.


"Oh, para sayo. Mukhang gutom ka pa eh."


It was Asrow, along with Wyatt and... C-Castriel?! Nakita ko yung pagkagat ng labi ni Shaira, halatang pinipigilan yung excitement niya dahil nagpakita yung crush niya. Umupo si Wyatt sa tabi ko 'tas si Castriel naman sa tabi ni Shaira. Asrow sat on my other side kasi inagawan siya ng pwesto ni Wyatt.


"Hindi ako gutom," I denied.


"You can't fool me,"


"Oh himala, nandito ka?" Mataray na sambit ni Shaira kay Castriel.


"Luh, ayaw mo?? Oh sige, aalis na ako." Pabirong tumayo si Castriel 'tas hindi siya pinigilan ni Shaira. "Pota, ba't 'di mo ako pinipigilan? Gusto mo talagang umalis ako?"


"Luh, baliw ka!"


I laughed at the two of them. I missed seeing them together. Kita ko yung tuwa ni Shaira dahil sumabay sa'min yung crush niya pero hindi niya ito pinapahalata sa kanya kasi ayaw niyang ipaalam.


I was cut off from watching them when Asrow suddenly put a can of coke in front of me, cheese burger and two brownies. Nakita 'kong ganun din yung inorder niya para sa kanya.


"Kumain ka pa, pumapayat ka na eh. Gusto ko butsog ka pa din," Asrow commented.


Sinamaan ko siya ng tingin. "Excuse me?!"


"Pwede mo naman ako apakan, nag-excuse ka pa."


"Aapakan talaga kita sige,"


"Yes baby, punish me."


Nag-init yung dalawang pisngi ko nung sinabi 'yun ni Asrow, kaya pinaghahampas-hampas ko siya gamit yung can of coke! Ugh, Cally! 'Wag kang maging green minded jusko! It's all this guy's fault, ugh!


"May nangyari ba sa inyong dalawa?" Castriel bluntly asked.


"What do you mean?" Asrow asked, recomposing himself after I hit him earlier.


"You two seemed... closer, compared from before.


"Ah, nililigawan ko kasi siya." Dire-diretsong sabi nito.


.

.

.


"H-Huh?!" Gulat na gulat na singhal nina Castriel at Shaira.


Wyatt, on the other hand, stopped eating and looked bothered about Asrow's statement. Halos lahat ata ng dugo ko nasa mukha ko na dahil sa pag-amin ni Asrow sa mga kaibigan ko tungkol sa panliligaw niya.


"K-Kelan pa?!" Singhal ni Shaira. She glared at me but I ignored her.


"One week na," Nakangiting sagot ni Asrow. "Why? Didn't Cally tell you guys about it?"


"Hindi eh, may malaking sikreto pala yung prinsesa kaya pala tulala kanina sa klase," Shaira exposed me.


"Hindi ko kasi alam kung pa'no ko sasabihin sayo," I pouted at her. 


"Sus, mga linyahan nako!"


"Ahh, so ikaw pala yung pinagpopost ni Asrow sa Twitter lately," Castriel pointed out while nodding at him. "Jusko, ang lalandi."


"Manglandi ka na din kasi!" Shaira hissed at him.


"Sino naman lalandiin ko? Ikaw?"


"Y-Yuck, no!" Pagsisinungaling ng kaibigan ko bago siya kumain ulit ng cake. 


"You're only saying that because you're embarrassed. But when Castriel was away, you were all-" Napatigil si Asrow sa pagsasalita kasi pinagduduro-duro siya ni Shaira gamit yung tinidor niya.


"H-HOY! Grabe talaga 'to mag-imbento, jusko! Yung kaibigan ko na nga lang atupagin mo, fles lang! 'Wag mandamay!"


Asrow chuckled in response as he raised both of his hands up, a signal that he's giving up. I laughed quietly at them before eating the burger Asrow bought for me. Hanggang ngayon, hindi pa din ako sanay na may nanliligaw na sa'kin. It's been so long since someone courted me and I'm grateful because he's different from my cheater ex.


Biglang tumayo si Wyatt habang hawak-hawak yung pagkain niya. "Aalis muna ako, may pupuntahan lang."


"Sure bro," Nakangising sagot ni Asrow. Halata sa tono niya na nang-aasar siya dito.


Wyatt gave me a quick gaze and a glare at Asrow before walking out from the table. What was that all about? There was a small hint of pain in his eyes.


"Oops, nagseselos ata." Sambit ni Shaira.


"Hayaan niyo na siya, torpe din kasi eh." Ani ni Castriel bago bumuntong-hininga.


"Well, if you truly want something to be yours..." Panimula ni Asrow bago siya tumingin sa'kin. "Then you should work hard for it, aren't I right?"


"Tangina niyo, 'sarap niyong buhusan ng malamig na tubig 'tas ilagay sa sunog!" Nanggigil na saad ni Shaira. "Pero sige, sana all."


"Inggit ka lang kasi," Kinurot ni Castriel yung ilong ni Shaira.


"Masakit! Masyado nang masakit, Castriel!" Ano 'yon, double meaning?


"Mas masakit pa yung ginawa mo!" Castriel rolled his eyes.


"Bro, pwede ba ako makiupo?"


All of our attention went to the familiar low voice. It was Archi! He was wearing a long sleeves white polo shirt and slacks. May hawak-hawak itong tray na may laman na salad at fries. Mukhang kakatapos lang ng klase nito ah.


"Oo naman bro," Asrow said. "Pero doon ka sa kabila, gusto ko masolo si Cally."


Namula ng bahagya yung pisngi ko doon habang sinapak naman ni Shaira si Castriel dahil sa kilig. He's too straightforward, I couldn't help but get embarrassed! Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa labi ni Archi dahil sa sinabi nito.


"Tangina, ang landi bro." Umiiling na sagot nito bago siya nakitabi kina Shaira.


"Magkakilala kayo?" Tanong ni Shaira dito.


"Yeah, kaibigan ko siya." Sagot ni Archi.


"Oh, kaya pala nakilala mo si Cally?"


"Ah oo," Archi chuckled upon hearing my name. "Palagi kasing kinukwento ni Asrow sa'kin 'yang si Cally. He would always tell me how pretty she looked today, how she made his day 100 times better than usual, mga ganun. Tangina ang checheesy, sino bang hindi makakalimutan 'yon?"


"Bro..." Asrow said before blushing. "That was unnecessary,"


"Unnecessary ka diyan eh kahit may practice ka sa volleyball, bukambibig mo si Cally pa din haha!" Archi teased.


Naaliw ako doon ah! Asrow never told me anything about this so I was eager to learn more about what Asrow's been telling his other friends about his feelings for me.


"Tanda ko no'n, nagtatanong lang yung coach kung g ba yung mga players sa weekends. May balak kasi silang mag-Nuvali, eh 'tas 'tong tangang 'to, nasabi niya: 'Ha? Cally? Coach, akin lang siya hoy!' Haha, grabe yung pagtaas ng balahibo ko no'n eh!"


"Hala ang cute!" Kinilig si Shaira.


Namula na yung dalawang tenga ni Asrow dahil sa pag-expose sa kanya nung kaibigan niya. "S-Stop..."


"Nuvali pala ha," Pang-aasar ko din dito.


"They sounded the same, ugh." Asrow ruffled his hair in frustration. "Masisisi mo din ba ako?"


I giggled at his cute actions before continuing on my food. Archi kept on exposing his friend after a while. May isang beses din daw na habang tulog si Asrow, nabanggit niya pangalan ko eh kasama niya pamilya niya no'n! Haha, nagkulong daw siya maghapon sa kwarto no'n dahil sa kahihiyan, lalo na't hindi naman siya komportable sa mga kadugo nito.


Wala akong shift ngayon kaya dumiretso agad ako sa pag-uwi. At syempre, kasama ko din si Asrow pauwi kasi gusto niyang makasigurado na ligtas ako at walang mangbabastos sa'kin. Dapat nga kasama pa sina Shaira at Castriel, kaso mag-aaral pa daw si Castriel 'tas may cheerleading practice pa si Shaira.


"Pwede ba ako kumanta ulit sa carinderia niyo?" Biglaang tanong ni Asrow. " 'Wag kang mag-alala sa karaoke, it's on me."


"Sure ka? Wala ka bang tasks, requirements, ganun?" Tanong ko dito.


Paminsan-minsan ay nadalaw sa'min si Asrow para kumanta sa carinderia. Marami na ngang nag-eexpect sa kanya doon eh, masyado din kasi sila nainlove sa boses nito. Ayan tuloy, mas dumami yung mga taong humahanga sa kagalingan niya.


"Wala naman," He said. "And besides, I... just like singing and I want to help your family with my voice."


I giggled at his answer. "Magkaiba kayo ng tatay mo 'no? Si Senador Ventura?"


"Yeah, he listens to his own voice, not the people's voices." Sabi nito. "He taught me to be selfish but this time, I won't. I'll aid those who needs help, for as long as I can."


" 'Laki ng pinagbago mo,"


"Dumating ka eh,"


" 'Pag ba 'di ako dumating, 'di ka magbabago?" Tanong ko pabalik.


He shrugged and seemed speechless about my question. "I don't know, maybe or maybe not. Depende din. Nakakatakot naman yung tanong mo, pinagsisisihan mo bang nakilala mo ako?"


"Tanga," Inirapan ko siya. "Hindi naman sa ganun."


"So you don't regret it?"


"..."


He puffed his cheeks out and pouted at me. "Ah ganon,"


"Inaasar ka lang eh, 'wag kang mapikon." Sabi ko dito 'tas tsaka ko siya kinurot sa kanyang pisngi.


" 'De wala, tampo ako." Pagpapatuloy nito. He folded his arms on his chest and pouted even more.


"Sige, wala namang manunuyo."


Nakipagtitigan session ito sa'kin. Hindi naman ako nagpapatalo kaya tinitigan ko lang din siya. Makalipas ng ilang segundo, biglang namula yung dalawang pisngi nito at tumingin sa ibang direksyon para hindi ko siya makita ng maigi.


"F*ck... Why can't I stay mad at her?"  Bulong nito sa sarili pero ang hina, kaya hindi ko ito narinig ng ayos.


"May sinasabi ka?" Tanong ko.


"Wala, sabi ko sakay na tayong jeep. Pinapaayos pa yung bike ko eh." Sabi nito at hinikayat niya akong pumunta sa labas para makasakay ng jeep.


"Ahh, sige." Sabi ko dito at patagong napangiti sa kanya.


Sumakay kami ng jeep na papunta sa'min. Nakipagpalit pa nga sa'kin si Asrow ng pwesto kasi may katabi akong lalaki na mukhang nakakatakot o manyak, basta iba yung feeling. I let Asrow pay for our fee, because he's courting me. I think these kind of things are fine. I was taught that guys should pay for these when I was little.


We arrived at my house a few minutes later. Marami-rami pa din yung mga tao sa carinderia, mga nag-eenjoy sa pagkain ni mama, nakikipagtawanan sa ibang customers, at syempre, hinihintay nila yung kanta ni Asrow ngayon.


"Oh ang aga mo nakarating 'nak," Bati ni mama nung nakita niya akong pumasok sa loob ng bahay.


"Ma... Nandito po ulit si Asrow," Tinuro ko yung binata.


"Good afternoon po tita," Magalang na pagbati nito kay mama.


Bahagyang nanlaki ang mga mata ni mama kay Asrow. Hindi ko kasi naipaalam sa kanya agad na kasama ko si Asrow sa pag-uwi ngayon. Plus, she doesn't know... that Asrow's courting me at the moment.


"Oh hijo, napapadalas ang dalaw mo ah." Masayang sinabi ni mama.


"Yes po tita, gustong-gusto ko po dito..." Ani ni Asrow bago niya ako sinulyapan. "... At yung anak niyo po." Hininaan ni Asrow yung huli niyang sinabi.


"Ha? Ano ulit hijo?" Tanong ni mama.


"Wala po tita, maghahanda na po ako para sa mga kakantahin ko po mamaya." Nakangiting saad nito at nag-akto na parang walang nangyari.


Iniwan ko muna saglit sina Asrow at mama doon, at tumaas ako papunta ng kwarto para magbihis saglit at mag-ayos ng mukha. Syempre, gusto ko magmukhang presentable sa harapan ng manliligaw ko. Mukha kasi akong basang sisiw kanina, gawa nung maghapon kaming nasa school at mainit sa jeep.


Pagkababa ko, nakita 'kong nag-uusap sina mama at Asrow. Tumatango-tango lang yung binata kay mama, pero hindi ko alam yung pinag-uusapan nilang dalawa.


"Asrow," Tawag ko dito, kaya napatigil sila sa pag-uusap ni mama. "Nakatawag ka na sa bilihan ng karaoke?"


"Ah, oo naman." Nginitian ako nito. "Are you that excited in hearing me sing? I can sing to you now, if you want me to."


Inirapan ko siya. "Ulol, asa."


Tinawanan kami ni mama. "Oh siya siya, maiiwan ko na muna kayo hijo at 'nak ha? Kung gusto niyo ng pagkain, kuha nalang kayo sa kusina. Aasikasuhin ko lang yung mga customers sa labas, lalo na't wala tayong ibang katulong eh."


I bitterly smiled. May nagtratrabaho dati dito kasama si mama 'tas nawala kasi manganganak na daw, eh nakalipas na ng ilang buwan at taon, hindi pa din nakakabalik kaya inassume na namin na baka nakahanap na siya ng iba pang pagkikitaan. 


"Ako po tita, willing ako. Uuwi ako agad dito, promise tita." Asrow proudly suggested.


"Nuks, parang tahanan mo na talaga ito, hijo ah."


"Opo, nandito yung tahanan ko eh." He said before gazing at me.


Mom took Asrow's words as a joke so she laughed before leaving us alone in the living room. Pinaupo ko si Asrow sa sofa namin 'tas inilapag niya ang kanyang mga gamit sa maliit na lamesa namin. Tumabi ako sa kanya, kasi isa lang naman yung sofa namin dito sa bahay.


"Thirty minutes left and the karaoke's going to arrive here soon." He said while looking at his phone.


"Mag-gigitara ka pa ba?" Tanong ko dito.


"Yeah, papahinga muna ako 'tas kakanta na ako. Can I borrow your guitar again?"


"Malamang, wala ka namang dala eh. Tsaka, hindi ka naman tulad ni Levi Celerio na marunong tumugtog gamit dahon."


Kinunutan niya ako ng noo. "Who said that I can't do that?"


"Weh?"


"Laway nga lang lumalabas, hehe."


Hinampas-hampas ko ulit siya bago siya tumawa ng malakas. I pouted but watched him as he laughed. His dimple showed visibly as the curve on his lips got wider. His sharp but hot jawline was something to drool at. Nagmukha siyang singkit dahil sa pagtatawa.


"Salamat ha," I suddenly said, which made him stop from laughing for a while.


"For what?" Nagtatakang tanong nito.


"For doing this for my family," Sabi ko at bahagyang ngumiti. "Pakiramdam ko, ang swerte swerte ko eh kasi may.. kaibigan ako na tulad mo."


"Kaibigan lang?" Nakapout na tanong nito.


"Duh,"


"But honestly speaking, I'm the lucky one here." 


"Why?"


"Kasi nakakilala ako ng kulangot na ayokong tanggalin kahit kelan."


Namula ako doon at hinampas ko ulit siya. "Tangina, kadiri! Naalala ko tuloy yung tinweet ko kanina! Hindi ko alam kung kikiligin ba ako dapat or ano??"


"Haha! Bakit ba, it's a uniqure pick-up line. Tanggapin mo na." Nakangising saad nito.


"Eh, kadiri kasi!"


"Oh heto, may isa pa akong pick-up line." 


"Ano?"


"Ikaw yung burnek na ayokong hilahin,"


"Pota ka, Asrow!" Singhal ko bago ko ulit siya hinampas. Jusko, ang baboy what the hell??


"At least unique!" He defended himself ugh.


Hinawakan niya bigla yung kamay ko, na ginamit ko kanina panghampas sa kanya. In a matter of seconds, he suddenly planted a small kiss on it before looking at me with interesting eyes and cherry blossoms cheeks.


"Kadiri man sila pakinggan, pero alam mo naman yung mensahe diba?"


"O-Oo na," I pouted. Ang cheesy pero kadiri, sheesh!


"I like your family, Cally. They're so warm and friendly. Though, I haven't met your dad yet. Where is he working?" Tanong nito habang hawak-hawak pa din yung kamay ko.


"Ahh, tricycle driver si papa. Usually, sa gabi siya umuuwi kasi namamasada pa siya ng ganitong oras. Ang hirap nga makahanap ng customers ngayon eh, kasi may mga jeep 'tas shuttle services." Sagot ko naman. Namimiss ko tuloy si papa, matagal-tagal ko na siyang hindi naabutan umuwi eh.


"Ohh," Sabi nito habang tumatango-tango. "Can I formally introduce myself to your parents as your suitor? I want them to know about us."


"Kelan?" Tanong ko.


"Kahit kelan, gusto ko na nga sabihin kay tita ngayon eh." Asrow bravely confessed.


"S-Sige," Sabi ko. "Yung kay papa, sa ibang araw nalang? Or sabay nalang kaya silang dalawa para 'di mahirap?"


Asrow shook his head. "At the very least, I want tita to know about us now because I've been coming here too much lately. It's better for her to know earlier since she's always the one who's welcoming us both."


I smiled. I like this side of Asrow. Kitang-kita ko yung determinasyon sa kanyang mukha tapos ang sweet sweet pa, maliban nalang sa mga kadiring pick-up lines nito. He's very ardent in getting to know me better, including my family and our business. I never experienced this kind of thing before.


"Sige Asrow, ipapakilala kita." Sabi ko sa kanya.


"At sakto, dumating na din yung karaoke." Nakangiting saad nito at marahan na pinisil ang aking kamay, na hawak-hawak niya pa din ngayon. "Tara na, gusto kitang haranahin."


This side of Asrow... just made me fall for him even more.


***


Kinabukasan, mag-isa lang ako pumasok papuntang school. Asrow went to school earlier than me because he had to practice for his upcoming match. Syempre, manonood ako! Gusto ko siyang suportahan sa mga bagay na gusto niyang gawin. 


Galawang girlfriend, pero ano bang magagawa ko? Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang tao na katulad ni Asrow?


May mga kaibigan akong binati habang papunta ako sa classroom. May ilan akong mga kaklase na mukhang magcucutting classes pa hays. May nag-aya na sa'kin na magcutting dati pero mabuti nalang at malakas yung kapit ko sa Diyos.


Papasok palang ako ng classroom pero biglang may tumawag sa pangalan ko sa likod. Nung lumingon ako, nakita ko si Wyatt na mukhang bagong ligo palang at may hawak-hawak itong isang brown envelope.


"Oh, Wyatt. Good morning," Bati ko sa kanya habang nakangiti.


"G-Good morning," Bati nito pabalik. "Uh... Ano kasi... Well..."


"Ano 'yun?" I asked him.


Kinamot nito yung gilid ng mukha bago nagpatuloy sa pagsasalita. "You and Asrow... aren't going out yet, right?"


"Ahh oo, hindi ko pa siya sinasagot." I honestly said.


Bigla niya binigay sa'kin yung hawak-hawak niyang envelope. He made me hold it and then, he stared deeply into my eyes, the way Asrow did before. But there was a difference, I didn't feel the same intensity as I felt with Asrow back then.


"I know the my chances are slim but I want you to let me court you too, Cally... You two don't have a relationship yet... So that means that, I'm still up for the challenge."


"H-Huh?" Gulat na sabi ko dito.


He gave me a small smile. "Look forward to it, Cally. I'll steal you from him."


And with that, he suddenly turned his back on me and ran towards downstairs. Masyadong mabilis yung mga pangyayari, hindi na ako naka-react agad! May dalawang lalaking nanliligaw sa'kin ngayon? Pero gusto ko sanang ireject na si Wyatt kasi...


Alam ko naman sa sarili ko na gusto ko na talaga si Asrow eh.


I opened the brown envelope he left for me and saw a white paper inside. Curiously, I pulled it out and was astonished to see a beautiful drawing on it...


It was a drawing of me, smiling and laughing wholeheartedly.


***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro