Chapter 11
Hinatid ako ni Asrow hanggang sa bahay namin nung araw na 'yon, kahit na sinabi ko na sa kanya na kaya 'kong mag-isa. He told me that it was for my own safety so he insisted. Bumanat pa siya sa'kin no'n kaya nabatukan ko pa siya. Hindi ko na siya naaya na pumasok muna saglit sa bahay namin kasi umalis siya kaagad.
Tumila naman na yung ulan no'n. Naibalik ko na kay Asrow yung hoodie niya bago siya umalis. The fresh feeling of the butterflies in my stomach still stayed. My heart still kept on beating fast, so fast that it could burst out from my rib cage any moment now.
I found myself smiling before opening the entrance door of our house. At the same time, I still felt unease because of Wyatt. There's definitely something wrong with this day.
"C-Cal?"
Nanigas ako nung narinig ko yung boses na 'yon. I turned to my left and my hunch was correct. Nakasuot ito ng basketball jersey at may puting t-shirt siya sa loob. Suot niya din yung basketball shorts and shoes niya, tila mukhang nagpractice pa ito sa labas kahit na naulan.
Nakaramdam agad ako ng panggagalaiti. Ang 'lakas ng loob niya na sumimangot sa harapan ko ha? After everything he did?
"S-Si Asrow ba 'yon?" Naguguluhan niyang tanong.
"Wala kang pake,"
Inirapan ko siya bago ako pumasok sa loob ng bahay at binagsakan siya ng pinto. He has no right to ask me about that. It's been months since I last spoke to him and that was the time when I slapped his face in front of the people.
Nagsorry sa'kin si papa pagkauwi ko 'tas nagtaka sila kung paano aong nakauwi nang hindi nabasa masyado. Hindi ko na sinabi sa kanila yung ginawa ni Asrow kanina dahil hindi naman nila kilala yung lalaki. Wala din naman akong balak ipakilala kasi baka isipin pa nila na may manliligaw nanaman ako.
The next day, I went to school like nothing just happened. Puyat nanaman ako dahil nagmemorize ulit ako ng mga law terms kagabi. Ka-call ko pa si Shaira no'n 'tas sabay kaming nagmemorize, himala nga't may naalala siya mula sa mga binasa namin kagabi. Gusto niya daw mag-ayos-ayos na dahil malapit na kami magfinals.
Pagkapasok ko ng building ko, 'saka ko naalala na hindi pa pala ako nagpapasalamat kay Asrow sa ginawa niya kahapon. He deserves my gratitude because he stayed with me under the rain.
"Calliope Nelly,"
Ang aga-aga, ang panget agad ng bungad sa'kin! Hinarangan ako ni Clark sa stairs. He was wearing a red polo shirt and slacks, partnered up with his usual black sneakers. Nasa kanang balikat niya ang kanyang bag tapos halatang hindi ito nagsuklay dahil gulo-gulo pa ang buhok.
"Tangina, ano nanaman bang problema mo??" Naiirita 'kong saad sa kanya.
Ang sabi ng ibang mga estudyante ay iniwan ko si Clark kaya kinaawaan nila ito. Little did they know, he cheated. I doubt that he told his friends about what he did because I know that they were all rooting him for that stupid girl.
"Pwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang," Pakikiusap nito at lumambot ang kanyang mata.
"Ano pa bang pag-uusapan?" Inirapan ko siya at niyakap ko ang mga libro ko.
Tumingin muna siya sa kaliwa't-kanan namin. Doon ko lang napagtanto na nasa gitna kami ng danaan. Baka akalain ng ibang tao na magkakabalikan na kami, kahit hindi naman.
To my surprise, he held me by my arm and pulled me into the closest empty room by the stairs. Hinigit ko naman agad yung braso ko mula sa kanya at tinignan siya ng masama. He was emotionless but I could see that there was pain beneath those eyes.
"Ano ba 'yon?? May kailangan pa akong aralin 'teh!"
"May something ba sa inyo ni Asrow?" Nanggagalaiting tanong nito sa'kin.
"Huh??" Tinaasan ko siya ng boses. "At ano namang pake mo doon kung meron man? May magagawa ka ba??"
" 'W-Wag ka doon, Cally! Iwasan mo si Asrow!"
I don't get him! I don't know his motives and why he's doing this to me. Halata sa mukha niya na nag-aalala na siya tapos nasasaktan din. Wow, siya pa talaga yung may ganang masaktan ha? Babaliktarin niya nanaman ba yung sitwasyon? Will he manipulate me again??
"Bakit ako makikinig sayo??"
"Hindi naging maganda yung samahan natin," Kinagat niya ang ibabang labi niya bago siya nagpatuloy. "But we were once best friends... As a friend, I'm telling you to avoid Asrow! He's not what you think he is, Cally!"
"Stop playing the friend card on me. The moment that you cheated on me, meant that our friendship got lost too." Nandilim ang mga mata ko sa kanya. Just the sight of him irritates me a lot!
"Hindi mo ba alam na binabayaran niya yung mga tao dito para maganda grades niya?? Hindi mo ba alam na may scholarship lang siya sa volleyball team kasi binabayaran niya yung coach nila?? He's a fraud! He's a fake! Wala siyang pake sa iba, puro sarili niya lang yung iniisip niya!"
"Wala siyang kwentang tao, Cally! Pumili ka nalang ng iba, basta 'wag si Asrow!"
My lips parted at the nonsense words he just said. Para siyang batang nagsusumbong tungkol sa kaibigan. Sa pagkakaalam ko, halos tropahan na din ang turing nina Asrow at Clark sa isa't-isa, dahil pareho silang varsities. But the thing Clark is doing right now...
Is not an action of a true friend...
"Sa paninira ka nalang talaga magaling 'noh?" I snapped at him and that made him stop talking. "Wala kang pinipiling tao, kahit girlfriend mo siya o 'di kaya kaibigan, ay talagang hahanap at hahanap ka ng baho para lang magmukha silang masama sa paningin ng ibang tao."
"H-Huh?? I don't know what you're talking about, Cally! I just want to be honest here!" Clark defended himself but I had enough.
"Kaibigan mo si Asrow, Clark. Nagkakaayaan kayong uminom, maglakwatiya, o tumambay kung saan-saan! 'Tas ganito pala yung totoong iniisip mo sa kanya? You kept on degrading others based on your own perception! You never even considered to know their true feelings or the reason behind their actions! Ang paninira mo ay yung tanging paraan mo lang para sumaya! That's selfish, Clark Braun! You're the true selfish guy here!"
"I know Asrow's real worth! 'Tas sinasabi mong peke si Asrow, na fraud siya, na wala siyang kwentang tao pero... 'di kaya, naiinggit ka lang sa kanya? Sa mga bagay na meron siya na ni minsan ay 'di ka nagkaroon?"
His eyes were the ones that got darkened next. Buong buhay niya, puro basketball yung sports niya. He worked hard everyday but he never received a scholarship or a recommendation from a school. I know that because I've been with him through his ups and downs, especially when we were in high school. I was there when his coach told him that his skills... weren't enough.
"Let me rephrase your words Clark," Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "You're a fraud, you're a fake, you don't care about others because you only care for yourself. That sounds much better, doesn't it?"
"Lahat na nga nakuha niya, pati ba naman ikaw..." Bulong nito pero hindi ko naintindihan yung buo niyang sinabi.
"Ano??" Naiinis 'kong tanong sa kanya.
"Sa tingin mo ba, nilapitan ka niya ng walang rason? Sa tingin mo ba, nilapitan ka niya kasi gusto niya talaga makipagkaibigan sayo?"
Doon ako natahimik at bahagyang nanlambot ang mukha ko. He looked down on the floor while his eyebrows were creased. Noon palang ay hindi naman talaga ako nagkakaroon ng mga kaibigan na sikat. Hindi ko magets kung ano yung ibig sabihin ni Clark doon.
For all I know, he was trying to manipulate me again into thinking that Asrow is a bad guy.
Before I could speak again, I heard the door opened and next, I felt someone's arm was wrapped around my waist. The person pulled me closer to him, so that I wouldn't get close to Clark again. Tumingala ako ng bahagya at nakita si Asrow na nakangiti sa'kin.
"Asrow! Tangina mo, ano 'yang ginagawa mo ha??" Clark grunted while looking at Asrow's arm.
"You don't have a say in this, Clark. I know that you've been a fake friend to me after all this time, so I'm not surprised at what you're trying to do right now." Asrow smirked at the guy. Mas humigpit ang pagkakakapit niya sa'kin. "Alam mo kung anong kayang 'kong gawin, Clark. Kapag ginulo mo ulit si Cally ay pasensyahan nalang."
"My woman and I still have some things to do and we don't want our time to get wasted by a trash like you,"
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa tinawag niya sa'kin! He just called me his woman, what the hell?!
"Ako ba talaga yung pekeng kaibigan dito, Asrow?! Ako ba talaga, ha??"
"Oo ikaw. Oh, 'wag ka iyak."
Bago pa ulit magsalita si Clark ay hinila na ako agad ni Asrow palabas ng room na 'yon. Hindi niya tinanggal ang braso niya sa bewang ko habang naglalakad paalis sa lugar na 'yon. I could hear Clark screaming out my name but I never looked back; I don't want to see him ever again.
Tumigil kami saglit sa tabi-tabi na walang tao. We were both panting because we both really ran fast. Ang hirap huminga ng maayos. I had to breathe in and out in order to get my heartbeat race normal again.
"H-How did you know we were there?" Nagtatakang tanong ko kay Asrow nung huminahon na ako.
"Ang 'lakas kaya ng boses niyong dalawa, rinig na rinig kayo sa daanan." Kinunutan niya ako ng noo. "Then I heard your voice... So I came in."
"N-Narinig mo ba lahat?"
"Yeah..."
Nasasaktan siguro siya dahil kay Clark. His words were just audacious and ill-mannered! That cheeky little bastard. Kung alam ko lang sana na ganito pala siya sa mga kaibigan niya, edi sana hindi ako um-oo nung niligawan niya ako noon.
"Thanks... for standing up for me," Nginitian niya ako bigla. "Narinig ko yung salita mo doon, I know Asrow's real worth! Aaah, so may kwenta pala ako?"
I felt my cheeks getting burned by the sensation he's making me feeling. "E-Eh kasi... Ayoko sa mga taong katulad niya! Manipulative, sinisisi yung ibang tao, nagpapavictim ugh! Gusto niya palagi maganda image niya, nakakaurat siyang pakinggan kanina!"
"... It's the first time someone stood up for me like that,"
I pursed my lips when he held right hand and put it near his mouth. He gave a light kiss on it before looking at me again. Nginitian niya ako ng malaki at medyo namumula pa ang dalawang pisngi niya.
"Thank you Cally, thank you." Masayang sambit niya sa'kin.
Binawi ko agad yung kamay ko sa kanya at iniwasan ko tingin niya. "... T-Thank you din... sa kahapon... Oh ayan, quits na tayo!"
The whole day at school, I tried to forget about Asrow's smile on my mind. There must be something wrong with this week. Sunod-sunod yung mga nakakabiglang pangyayari. Halos hindi ako makafocus sa klase at sa mga binabasa ko. Nagpasampal pa nga ako kay Shaira para magising ako kahit papaano pero wala pa ding effect! Namumulang pisngi lang ang natanggap ko.
Naikwento ko na din sa kaibigan ko yung pag-aya sa'kin ni Wyatt. I want to ask for her advice because I should not leave him hanging for too long, wondering about my answer. Hindi na siya nagulat kasi alam niya daw yung feelings ni Wyatt sa'kin.
"Tanga ka, halatang-halata kaya!" Giit nito bago ako binatukan.
"Anong halata eh wala naman siyang ginagawa??" I defended myself and slightly glared at her. Ang sakit ng pagkakabatok niya!
"Ang sabihin mo manhid ka!" Inirapan niya ako. "Kung nakita mo lang kung gaano siya katagal tumititig sayo bes, nako!"
Tumititig?
"Eh ano, ano isasagot mo sa kanya? Nagawa pa naman 'yun ng plates ngayon. Ichat mo nalang sa kanya yung sagot mo. Diba friends naman na kayo sa Facebook?"
"O-Oo ba ako?" Tanong ko.
"Aba! Ba't ako tinatanong mo, ako ba si Cally?" Siya naman ang nabatukan ko pagkatapos niya sabihin 'yon. "Hoy masakit, bruha ka!"
"Kaya nga ako nagtatanong kasi nalilito ako!"
"Sis, date lang 'yon! Hindi niya naman sinabi na magiging kayo na agad, grabe! Getting to know each other phase palang naman. Pero ikaw bahala, kasi baka may natatypan kang... iba." Nakita ko ang onting pagngisi nito sa'kin.
"Tanga," Inismiran ko siya.
Nagklase na ulit kami pagkatapos ng daldalan. Ugh, mas pinagulo lang ni Shaira isip ko! Hindi pa naman ako open for relationshits ngayon 'tas ayoko din na may manligaw pa, nakakairita kasi yung nangyari sa'min ni Clark.
I need to take a breathe first.
Nakinig na ako this time sa klase kasi favorite subject ko 'to. Inalis ko muna sa isip ko si Wyatt at Asrow. I thought my luck for this week would just go on, pero minsan talaga panira yung buhay 'noh? Yung tipong, puro good things ang sunod-sunod na nangyayari sayo 'tas biglang may dumating na delubyo.
There's a storm after every rainbow.
'Yan ang pinaramdam sa'kin ngayon.
"Ms. Suarez, bumagsak ka sa last exam natin tapos may mali ka pang nailagay sa paper natin, nagdeduct pa ako ng grade mo dahil doon." Pagsita sa'kin ni Professor Lulia. Siya yung nagtuturo ng favorite subject ko.
Pero wait, bumagsak ako sa favorite subject ko? Ako??
"What happened to you, Ms. Suarez? Of all students, you're the least student I never expected to experience this kind of downfall. If this keeps up, you might lose your scholarship! Do you want that?"
"A-Ayaw po," Sagot ko habang nakatungo ang ulo. Pinatawag niya ako sa faculty kanina. I didn't expect that I'd receive bad news from her.
"I'm telling you this as early as now because I'm concerned about you! You used to ace my subject without any problems! Ngayon ka lang bumagsak sa'kin, nagulat din yung ibang profs dito. Isa ka sa top candidates ng law school natin! If you're having any problems right now, tell me, consult me, I'll help you! I don't want your potential to get wasted just because of life, Ms. Suarez!"
"O-Opo, noted po. Babawi po ako sa susunod na exams." I apologized.
Pumunta ako sa trabaho ng nakasimangot. Halata sa mukha ko ang lungkot pero hindi ko pinahalata sa customers na ganun ang nararamdaman ko at baka masabihan pa kami ng bad customer service. Inayos ko naman yung pagtake ko nung last exams pero ayun nga, pagod din ako nung araw na 'yon kasi ako naghugas ng mga pinggan maghapon at ako din naglinis ng tricycle ni papa.
Surprisingly, Drew and the others weren't here. Baka busy na sila sa kanya-kanyang exams.
Wala din si Asrow.
Sa pagkakaalam ko, may practice ang volleyball team ulit. Nalaman ko lang 'yon kay Shaira kasi pati siya ay may practice ngayon. This weekend na ata yung laro nila. Gusto ko sana manood kaso gusto 'kong tulungan sina mama, para makapagpahinga ulit sila. My parents re getting weaker each day because of overwork.
Teka, ba't ako manonood?! Si Shaira lang naman ang dapat 'kong pupuntahan doon.
Umuwi ako agad pagkatapos ng shift ko. Nagulat ako sa bumungad sa'kin. May limang matatanda doon sa tapat namin, mukhang mga nagrereklamo sila dahil sigaw sila ng sigaw.
"HOY MGA SUAREZ! Magbayad na kayo ng utang niyo ah!" Pagreklamo nung babaeng mala-donya yung suot. Siya siguro yung leader. She looked familiar to me though.
"Lumabas naman kayo diyan, Colene! David!"
"Alam naming nandiyan kayo, 'wag na kayo magtago!"
"LABAS NA ABA! KANINA PA KAYO NAGBIBINGI-BINGIHAN DIYAN AH!"
I froze at where I was standing. Sila ata yung mga taong may utang pa sina mama. Nanlumo ako nung patuloy pa din sila sa pagsisisigaw sa tapat. Ni isa sa mga kapitbahay namin ay hindi lumabas dahil sa komosyon na ito.
Nakita 'kong lumabas si mama mula sa bahay tapos basa pa siya ng pawis, halata mo sa likod niya eh. Her sweat was visible from the shirt she was wearing. May tuwalya pa siya na nakapalibot sa leeg 'tas magulo ang pagkakapuyod ng buhok. My mom looked very tired.
"A-Ate Donna, n-nakakahiya po sa mga kapitbahay please po." Nakikiusap si mama doon sa leader.
"Anong nakakahiya?! May hiya pala kayo?! Eh sa'min nga, wala kayong hiya! Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa din kayo nakakapagbayad ng mga renta niyo!" Tuloy-tuloy na pagdadadada ni ate Donna.
"Nagsabi naman po kami ng asawa ko na k-kulang pa po ang ipon namin, diba po? A-Ayaw niyo po kasi ng hulugan, gusto niyo buo agad. H-Hindi naman po namin 'yun kaya." Mangiyak-ngiyak na tugon ni mama sa babae.
"Aba, eh malamang! Nag-invest ako sa carinderia mo diba?? 'Tas pinangupa ko pa sa inyo itong bahay! Pero ni isang piso ay walang naibalik sa'kin, wala! Dalawang taon akong naghintay no'n 'tas wala talaga! Ngayon, magsasampung taon na 'tong utang niyo! Wala pa din kayong 75,000 pesos, Colene?!"
Napalunok ako ng malakas at nahirapan huminga. 75,000 pesos ang... utang nina mama? S-Saan naman kami kukuha ng gano'ng pera?
"P-Pasensya na po, may anak din po kasi kami. Sana po payagan niyo na kami na maghulog buwan-buwan, ate Donna. Kagabi pa ako nakikiusap sa inyo, sige na." Pakikusap ulit ni mama bago siya tuluyang umiyak.
"Nako, nako! Ayan ka nanaman sa kaiiyak mo ha! Ganyan na ganyan ka din noon sa'kin, palagi ka nalang nagpapaawa, Colene! Pinagsisisihan ko na naawa ako sa inyong dalawa noon, ay jusko po! Kung alam ko lang na ganito kayong klase ng tao, ay edi sana hindi ko na kayo pinahiram noon!"
"S-Sorry po talaga, ate Donna. Please po... Please." I don't want to see my mom crying.
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinapanood sina ate Donna na sigawan si mama. Hindi nila ako napansin dito. Sa lahat ng masasakit na bagay, ang makitang naiyak si mama ang pinakamasakit para sa'kin. Ganun na din kay papa. Ayokong nakikita silang nalulungkot o nahihirapan. Ang 'bigat no'n sobra sa damdamin.
Naglakas-loob akong nagmartsa papunta sa bahay. Seryoso ang mukha ko habang naglalakad. Doon lang ako napansin ni mama at kita ko ang gulat nito sa mukha. They've always excluded me from their problems.
Now that I know the truth, I won't let them prohibit me from getting myself involved in it.
Tumigil ako sa harapan ni mama at ako na yung humarap kina ate Donna. Nagulat din sila sa ginawa ko pero hindi ako natibag sa posisyon ko.
"Oh, sino naman 'to??" Nagtatakang tanong ni ate Donna.
"Mawalang galang na po, ate Donna. Anak po ako ng mag-asawang sinisigawan niyo ngayon." Seryoso ang tono ko nung sinabi ko 'yon.
"Anak? Ah, kasingpanget mo mga magulang mo." Ngumisi ito na kaunti bago tinapik-tapik ang mukha ko. "Alam mo bang may utang mga magulang mo sa'kin? Tangina, ang 'laki no'n. Anak ka ng mga taong hindi marunong magbayad ng utang, hija! Malamang sa malamang, ay ganun ka din! Hindi na ako magugulat!"
I was controlling myself from attacking her physically. Naramdaman ko yung palad ni mama sa'kin, tila pinipigilan ako. Nagsasabi siya sa'kin na tama na daw, pumasok nalang ako sa loob pero ayoko. Hindi ko hahayaan na ginaganito lang ang mga magulang ko.
"Wala pa daw kayong 75,000 pesos! Halos labindalawang taon na akong nag-aantay! Ang mga magulang mo, puro salita lang, hija! Hindi sila marunong magbigay ng kahit ano! Mga wala silang utang na loob. Nakakaawa ka naman!"
" 'Nak, pumasok ka na please... Please..." Pakikiusap ni mama sa'kin.
"Eh kung tulungan mo kaya sila mag-ipon, hija? Madami pa namang taong uhaw na uhaw sa mga dalaga ngayon! Hindi ka kagandahan pero malamang sa malamang ay may pagkakakitaan ka doon, malaki din 'yon. May boobs at pwet ka naman, makakasatisfy ka ng customer sa larangan na 'yon." Nakangisi nitong sinambit bago nagsitawanan mga kasamahan niya. "Easy money lang sayo 'yon, hija!"
"Tanginang gurang 'to," Bulong ko sa sarili.
"Ano kamo?!"
My face darkened as my eyes stared at her intensely. "Tigilan niyo na ang panggugulo sa pamilya ko, Donna. Punyeta kang tao." I didn't bother calling her with ate because she doesn't deserve to be respected.
"Oh tamo! Manang-mana talaga sa mga magulang, walang respeto sa nakakatanda!"
"Ikaw ba, nirerespeto mo yung iba?" I let out a chuckle before I crossed my arms across my chest. "Nakiusap naman na pala kami na buwan-buwan nalang kami magbabayad. Bakit kailangan pang dumating sa ganito? Willing kami magbayad ng buwan-buwan dahil hindi namin kakayanin yung isang bagsakan lang." I stayed calm because I want to manipulate things perfectly.
Doon ko lang napagtanto na pamilyar yung mukha niya. I have seen and heard her name before but I couldn't remember where.
"Eh ayoko nga ng ganon! Jusko po, ilang taon na ang nakalipas pero kulang pa din pera niyo, mga hampaslupa?! Nilagyan ko na nga ng tubo 'yang 75k dahil sa tagal niyong magbayad! Mga wala kayong kwenta talaga, kahit kailan!"
I let out a sigh. "Ganito ka ba maningil sa lahat ng nakakausap mo, ha?"
"Ano?!"
"Malamang sa malamang ay hindi naman talaga sayo 'tong pera. Diba mistress ka ng kapitan namin? Doon ka siguro nakakakuha ng pera dahil madaling akitin yung kapitan, lalo na't mas bata ka kaysa sa kanya. Bali-Balita ko, nanghihingi ka ng pera sa kanya palagi 'tas nakikita ka nung mga iba na pumupunta ka sa bahay nila habang wala yung asawa. Easy money pala ha?" I turned the tables on her.
Sobrang nanlaki ang mga mata nito, pati yung iba niyang mga kasamahan. Narinig ko lang yung pangalan nito kay Shaira, kasi kaibigan niya yung anak nung Donna na ito. Inakit niya daw yung kapitan pagkatapos awayin ang kanyang asawa dahil nakukulangan siya sa pera nito.
"You bitch!" Nanlilisik ang tingin nito sa'kin. "Saan mo naman 'yan nalaman, huh?! Chismosa ka din pala katulad ng nanay mo! Ipapakulong ko kayong mga Suarez, mga salot sa lipunan!"
I smirked as I took out my phone. Nakarecord kasi yung buong usapan namin. Nagsimula ang pagrerecord ko nung pumunta ako sa harapan nila. I played the recording in front of her ugly fucking face.
"Madami pa namang taong uhaw na uhaw sa mga dalaga ngayon! Hindi ka kagandahan pero malamang sa malamang ay may pagkakakitaan ka doon, malaki din 'yon. May boobs at pwet ka naman, makakasatisfy ka ng customer sa larangan na 'yon." Halata sa recording na siya yung nagsasalita doon. Pinlay ko lang ito hanggang sa marinig yung pagiging kabit niya.
Nakaramdam ako ng saya nung napansin ko na mas nanlumo ang tingin nito. "Talaga? Ipapakulong mo kami, sure ka diyan? You just disrespected my body, telling me to go and feed myself to hungry wolves in order to earn more money. Rinig din sa recording na ito yung pangmamaliit mo sa'min at yung pagiging kabit mo sa kapitan. Sa tingin mo, sino mananalo sa'tin kung mapunta man tayo sa korte ngayon?"
"According to Article 333 of the Revised Penal Code of the Philippines, any married woman who had sexual intercourse with another man, who is also aware of her marriage status, shall be punished by prison correccional in its medium and maximum periods."
"Saktong-sakto yung law na 'to para sayo, Donna. Excluded pa doon yung pambabastos mo sa katawan ko. Tangina mo, nanay ka pa man din 'tas kung magsalita ka sa'kin ay parang wala lang?? Rot in hell, bitch! Ahas ka ng lipunan, Donna!"
"Binablackmail mo ba ako?!" Naiinis na sigaw nito, pinipigilan siya ng mga kasamahan niya.
"Ano mas pipiliin mo? Makulong o hayaan kaming magbayad buwan-buwan?" I played my cards perfectly. Sa larangan ng batas ay dapat may matibay na ebidensya palagi, kaya hindi na ako nagdalawang-isip na irecord yung usapan namin.
Tumingin siya sa'kin ng mariin, bago siya tumingin kay mama. Pinipigilan niyang sumabog sa galit dahil sa pagbulgar ko ng mga bagay tungkol sa kanya.
"Ugh, tangina! Basta magbayad kayo, mga hampaslupa! Tangina niyo!"
I sighed in relief when I saw them leaving, finally. I put my phone back into my bag again. Naramdaman 'kong niyakap ako ni mama ng mahigpit pagkatapos no'n. She was crying hard, nabasa na din ang damit ko.
"Sorry anak, ha? Sorry talaga, sorry..." Paulit-ulit na bulong nito sa'kin.
Niyakap ko din siya, 'tas doon din ako naiyak. Doon lang nagsink in sa'kin na may utang kaming 75,000 pesos. Hindi ko alam kung ilang taon kami makakapagbayad para lang makumpleto 'yon. Hindi naman malaki ang nakukuha naming tatlo sa pagtratrabaho, kung tutuusin nga, kulang yung mga sweldo namin para doon.
We have a lot to consider before paying up. Syempre nandoon pa din yung mga kasangkapan na kailangan ni mama sa pagluluto. Nandun din yung pagpapaaral nila sa'kin, halos walong taon o higit pa yung kinuha 'kong kurso. Si papa, kailangan din ng pang-gas at pang-maintenance ng tricycle niya para makabiyahe araw-araw.
I broke down on my bed that day.
Kung ano ang kinasaya ko kahapon, ay 'yun naman yung kinalungkot ko ngayon. I kept on crying while hugging myself on my bed. Tangina, bumagsak pa nga ako sa exam ko kanina 'tas ito pa, dumagdag pa 'tong utang. Tapos binastos pa ako nung matandang babae na 'yon, tangina. Nandidiri ako sa sarili ko. Feeling ko, hindi ako karespe-respetong babae dahil sa mga sinabi niya kanina.
Sabay-sabay yung mga problema ko ngayong araw ah. Hindi ko pa nasasabi kina mama na bumagsak ako kasi baka mag-alala pa sila, magiging pabigat lang ako. Ayokong dumagdag sa mga iniisip nila ngayon.
Sinubukan 'kong tawagan si Shaira kasi gusto 'kong may makausap, pero oo nga pala... May practice siya. Sinubukan ko ding tawagan sina Castriel at Wyatt, pero wala din. Nagawa pa siguro sila ng kanilang mga projects. I tried to call Suzy pero wala din siya eh, baka nakikipagdate siya doon sa pinupusuan niya.
At my last resort, I tried calling Asrow...
But he didn't answer... May volleyball practice nga pala ngayon...
"Haha, tangina ano ba naman 'to." Binato ko ang phone ko sa kama 'tas niyakap ulit ang sarili. Gusto ko ng kausap, pero lahat sila ay busy. Hindi ko rin naman sila masisisi kasi hindi ko naman pwedeng akuin ang time nila, kasi may buhay din naman sila na sarili.
I tried so hard to stop thinking about the bad things that happened today. Nastrestress na ako, tapos may quiz pa ako bukas shit haha. Hindi ako makaconcentrate sa pag-aaral ngayon kasi tuloy-tuloy pa din ang pag-agos ng mga luha ko. I held on my chest as I tried to breathe, ang hirap huminga. Shit, ang bigat sa dibdib.
"K-Kaya mo 'to, Cally... K-Kaya mo 'to... ng ikaw lang." I whispered to myself as I tried to comfort my sorrows.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro