Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

"You want... validation from other people?"


"You could say that yeah," He chuckled before taking a glimpse at me and looking at the sky again. "I'm not expecting you to understand, you know."


Kinunutan ko siya ng noo at tinaasan ng kilay. "Huh?"


"Matalino ka, diba? I heard from Shaira that you're included in the Dean's Lister always," Napakagat ako ng ibabang labi habang pinapakinggan siya. "And that you can ace a quiz without even studying for it because you have a good memory from the lectures."


"Luh! Ang exaggerated naman niyan! 'Di kaya ako nakakapasa ng hindi nag-aaral," Pagrereklamo ko pero tinawanan niya lang ako.


"Still," Binasa niya ang kanyang ibabang labi. "Unlike you, I'm not a smartass. Bobo at tamad ako."


"What does that have to do with validation? Kailangan bang matalino ka para lang makakuha ng approval sa iba? Tsaka kailangan ba talaga no'n..." Napaisip ako kung itutuloy ko mga sinasabi ko kasi ayokong magjudge. May kanya-kanya naman kaming mga problema at magkakaiba kami ng pananaw.


"You wouldn't understand because you're not like me," He gave me another sad smile before drinking from his bottle again. 


Napatingin ako sa kanya at bahagyang napasimangot. Hindi ko alam kung ano ba dapat yung maramdaman ko do'n. Matuwa? Maoffend? Ugh, he's confusing me! 


"I-I'm willing to listen if you need someone,"


Agad siyang napatingin sa'kin ng gulat na gulat. Mas lalo ko lang siya sinimangutan. Ang weird ba ng pagkakasabi ko? Feeling close ba ako?? Eh halata kasing problemadong-problemado 'tong kausap ko. 'Tas nakapagsabi na siya ng ibang detalye. I might give off a bad impression if I didn't tell him that. 


Inilagay niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko at hinimas 'yon, dahilan para magulo yung buhok ko ng kaunti. Sumilay sa kanyang mukha ang isang ngiti habang nakatuon ang atensyon nito sa'kin.


"Thanks, I appreciate that, Cally."


For the first time, I gave him one of my genuine smiles I could ever make out from my face. Pagkatapos no'n ay nagkaroon kami ng kwentuhan. Hindi siya sumagot kanina kasi tinatamad daw siya pero since willing to listen naman ako, sinabi niya sa'kin yung mga sagot niya sa mga tanong kanina.


He and Wyatt were classmates so they mostly have the same feelings when it comes to their subjects or assessments. Nakwento niya na iritang-irita daw siya sa isa nilang prof na walang ginawang iba kun'di harutin siya! Na-creepihan ako doon kasi nasa trenta anyos na yung prof nila 'tas masungit ito sa iba nilang mga kaklase, maliban sa kanya. Nako, halatang patay na patay ito sa kanya. 


"Ugh, she even bought me lunch one time. I think it's from... McDo." Nanliit ang mata niya habang inaalala 'yon.


I laughed at his misery while he pouted. "Ayaw mo ng McDo? Ang thoughtful naman ng secret admirer mo."


"Secret ka diyan, eh kilala ko nga kung sino!"


"Ayaw mo bang ireport siya sa guidance or something?" Tanong ko. Dati kasi, may nagkagusto na din kay Shaira na professor 'tas sinumbong niya agad ito sa guidance counselor nung pinilit siyang makipagdate sa kanya.


"Nah," He snorted. "Panibagong problema lang naman 'yan. She hasn't done any physical touch to me yet so it's all good."


"Ah so aantayin mo pa?"


"Guidance counselors call the student's parents when they have problems like this, right?"


"O-Oo?" Kinunutan ko siya ng noo. Sa bagay, tinawagan din sina tito and tita dati nung kay Shaira.


"I doubt my parents would even take a leave from work just to fix my issue with that prof!" He grunted before letting out another laugh. "So, it'll be pointless pa din."


"Shaira had the same problem before, 'tas nireport niya agad. The next day, the professor was fired." Pagkukwento ko sa kanya. Hindi naman na 'to sikreto sa iba, kasi kumalat sa school yung pagkaadik nung prof na 'yun sa kaibigan ko.


"Sana all,"


"Anong sana all, eh hindi mo pa nga natatry??"


Tinawanan niya ulit ako kaya nginusuan ko ulit siya. Puro siya tawa ng tawa, mukhang tinamaan na talaga siya ng alak ah. Tinitigan ko lang siya dahil hindi pa din siya tumitigil sa paghahalakhak.


"Baka main-love ka sa'kin sa kakatitig mo diyan ah,"


"You wish," I rolled my eyes and looked at the stars again. 


"Yeah, I wish."


Hays, mga linyahan ng mga pa-fall. Mabuti nalang at hindi ako marupok kaya hindi ako mabilis nahuhulog sa mga ganyan na salita. My relationship with Clark taught me that I shouldn't let my walls down, even if I'm in a relationship, because I should be open to the fact that the love that we have can vanish into mere bubbles without a warning. 


Kaya nasasaktan yung mga marurupok eh. Onting sweet words lang sa lalaki ay hulog na hulog na agad.


"Pwede ba tayo mag-hang out paminsan-minsan?" Natanong niya bigla.


"B-Bakit?" Nagtatakang tanong ko. That was unexpected, especially it's from him!


"You're... cool." Nginitian niya ako ng kaunti bago ulit uminom ng alak. "I thought at first that you're a boring, killjoy, dull, and a nerdy type of girl."


Sinamaan ko agad siya ng tingin dahil doon. "Huh?! That was offensive, you kn-"


"Kaya nga akala eh, chill ka lang diyan!" He raised both of his palms, letting me know that he's surrendering. "Galit na galit si ate Cally, 'ustong manakit ahuhu!"


"Ate Cally ampota, ampanget kapag galing sayo," Inirapan ko ulit siya. Ginagaya niya sina Drew eh.


"So ano nga?"


"Ano?"


Napasinghap ako nung bigla niyang hinawakan yung kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko doon. That made me look into his colorless eyes again. May maliit siyang ngiti sa kanyang labi habang nakatitig sa'kin.


"Let's do this... again someday?" 


Napakagat ako ng ibabang labi. Wala naman akong problema 'pag ganun... But the way he stares at me, just made me stop for a moment and appreciate his face's structure. I mentally slapped myself there, oh my Cally! Ano ba 'yang mga pinag-iisip-isip mo??


"D-Do what you want,"


Our conversation was cut short when it was finally time for us to leave. Hinatid kami ni Wyatt sa kani-kanilang mga bahay habang sina Drew ay doon nakitulog sa condo ni Asrow. Silang apat kasi ay knocked out na talaga, lahat ay napasobra sa alak. Hindi naman gaano katraffic doon sa dinaanan namin kaya nakauwi kami kaagad.


Pagkababa ko ng kotse ay nadatnan 'kong nando'n na ang tricycle ni papa. Mukhang nakauwi na siya agad. Naglakad ako papunta sa entrance ng bahay namin habang tinatawag sina mama at papa mula sa pinto.


"Mama? Papa? Nakauwi na po ako!" 


Walang sumagot ni isa sa kanila. Palagi namang nasagot si mama pagkakasabi ko ng ganun eh. Maybe they're taking a bath?


Tumingin-tingin ako sa paligid ng bahay. Compared to the other days, I noticed how the things inside the house seemed messy. Pagkakauwi ko kadalasan ay malinis na ito o maaayos yung mga sofa, mga upuan, at kung anu-ano pa. 


"Eh kulang pa nga kasi tayo ng pera!"


"Ginagawa ko naman ang lahat ng pwedeng gawin diba??"


Napatigil ako sa paglalakad nung narinig ko ang pagtatalo nina mama at papa sa may bandang kusina. Nagsisigawan pala sila, hindi ko narinig sa pintuan kanina. My parents don't usually fight so this was new to me.


"Jusko naman kasi! Kung sana hindi mo ininvest yung pera antin noon, edi sana hindi tayo nabaon sa mga utang!" Singhal ni mama habang pinipigilang umiyak.


Ininvest? Pera?


"Oo na! Kasalanan ko na ang lahat! Isisi mo pa, sige!" Dad looked frustrated and hurt by mom's words.


"Kasalanan mo naman talaga! Perwisyo ka sa buhay kahit kailan!"


"M-Ma? Pa?" Mahinang tawag ko sa kanila.


Kumagat ako sa ibaba 'kong labi nung nalipat ang atensyon nila sa'kin. Bahid sa mukha nila ang pagkagulat kasi nadatnan ko silang nag-aaway. Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood sina mama at papa. 


Nakita ko sa lamesa na madaming papel na nakakalat doon. Hindi ko mabasa kung ano ang nakalagay sa mga 'yon dahil malayo ako doon. 


"A-Anak! Nandito ka na pala, h-hindi ka man lang nagtext!" Halatang pilit yung ngiti ni mama. She walked towards me, leaving dad behind. Nakahawak ito sa magkabilang dulo ng upuan na malapit doon habang nakababa ang ulo, tila may malalim na iniisip.


"Naubusan... ako ng load," I muttered quietly.


"Ay ganun ba? S-Sige loloadan kita bukas na bukas! Magpahinga ka na muna sa kwarto mo 'nak. Nandoon na din yung allowance mo para sa susunod na Linggo 'tas naitupi ko na yung mga damit mo na bagong plantsa, nakapatong 'yon sa kama mo." Mom lightly pushed me on my back, urging me to go upstairs.


"Ma, bakit kayo nag-aaway?" Lakas-loob na tanong ko.


"Wala lang 'yon, 'nak! Basta mag-aral ka ng mabuti ha? Ingatan mo yung scholarship mo, wala tayong proproblemahin." Her smile got wider, which made me worried.


"S-Si papa...?"


"Tumaas ka nalang anak, okay lang kami ng papa mo dito. 'Wag kang mag-alala."


Sinulyapan ko si papa, na nakababa pa din yung ulo. He didn't even bother to greet me. He just stayed still, maybe he's contemplating about his argument with mom.


Tumaas ako ng stairs at agad naman pumunta sa kwarto ko. Tinawag ko sila kanina kasi baka mas lalo pa silang magkasakitan sa mga salita nila. Simula nung bata palang ako ay ni minsan, hindi ko sila nakitang mag-away o magtalo ng malala. Hindi ko sila naririnig na magsalita ng masasakit na salita, tulad ng kanina. 


It never crossed my mind on how my parents wanted me to live... a good environment, I guess. Ayaw siguro nilang nakikita ko na nag-aaway sila.


But I'm already 20 years old! Bente anyos na ako pero may mga bagay pa din silang tinatago sa'kin, na ayaw nilang ipaalam kahit kailan. They're always careful with their words so that I wouldn't suspect anything. Alam 'kong madami kaming utang sa mga tao... Pero base sa narinig ko kanina, ay may mas higit pa doon na problema. 


Tinignan ko yung allowance ko sa table. Iniisip ko kung ibabalik ko nalang ba 'yon kina mama at papa. Wala din naman ako masyadong binibili lately sa school.


"Magkakasweldo naman na ako next week sa cafe, ibibigay ko lahat ng pera ko kina mama." I reminded myself when I saw what date it was already.


I don't know why but ever since I witnessed their argument, I feel like there's a fire burning inside me, making me more inspired to work hard and do great at school for my mother and father. Gusto 'kong mapabuti ang kanilang buhay, gusto ko wala kaming problema.


Sila ang priority ko, kahit 'wag muna ako.


***


Lumipas ng ilang weeks pagkatapos nung awayan nina mama at papa. I gave them all of my income from the cafe, para makadagdag 'yon sa babayaran nilang mga utang. Sinubukan 'kong kausapin sila tungkol doon pero sinabihan lang nila ako na mag-aral nalang. As much as I wanted to get involved in their problems, I couldn't because they wouldn't let me in. It's like they put a wall between me and their talks, ugh.


I tried to occupy my thoughts with something else. Nagkwekwentuhan kami ngayon ni Suzy, na mukhang nakahanap na ng jojowain pero hindi pa daw siya napapansin nung lalaking ito.


"Baka nahihiyang ligawan ako sis, nako! Ganun na ata ako kaganda hays," She sighed dreamily as I rearranged the things on the counter. 


"Sige sabi mo eh," I lightly chuckled.


"Unahan ko na kaya siya? Ako nalang manliligaw sa kanya? Ah! Mas madali pa 'yon! Ang bagal niya kasi kumilos, jusko po! Puro kami sulyapan," Nakita ko kung paano siya kiligin sa tabi ko. 


"Bago 'yun ah, babae nanliligaw sa lalaki." 


"Wala namang masama! The society just set a standard that boys should be the ones courting girls! Hindi naman kailangan sundin 'yun palagi 'noh!" Pagdedepense nito sa sarili. 


Tama naman siya. Pare-pareho lang naman tayong mga tao pero lalaki ang 'laging nagpapakahirap para makuha yung gusto nilang babae.


"Do what you want jeez," Tinawanan ko siya.


Napatigil ako ng saglit. The line just reminded me of someone. Ang sabi niya, maghangout kami minsan. Kapag nagkikita kami sa school ay binabati niya na ako palagi. He'd usually say, 'Hi Cally! Ganda mo ah, yung kasama mo I mean.' or 'Oh nakasimangot nanaman ang bebe Cally!', jusko ang harot. We talk sometimes about school and sometimes, he'd irritate me with his usual cheesy lines. 


Speaking of him, wala sila ng mga kaibigan niya dito sa cafe. Tuesday kasi ngayon eh tuwing Wednesdays and Sundays lang sila napunta. Nakakapanibago kasi walang maiingay o nagtatawanan dito.


"Cal, nandito na kami! Oh, hi Suzy!"


Gulat na gulat akong tumingin sa entrance ng cafe. Shaira was here with Castriel and Wyatt, what the heck! Paminsan-minsan ay dumadalaw sila dito tuwing wala silang gagawin sa school pero hindi man lang nila ako ininform ngayon na pupunta sila amp!


"Wala kang practice?" Nagtatakang tanong ko. Ang alam ko kasi, next week na laro ng volleyball team. Ang kalaban nila ay yung DLSU.


"I ditched it! Ang sakit na ng likod ko jusko, gusto ko ng pahinga." Reklamo ni Shaira. Tumigil silang tatlo doon sa counter.


"Ang sabihin mo, tamad ka lang bakulaw ka!" Pang-aasar ni Castriel dito.


"Wow, nagsalita yung nagpapagawa ng homework niya sa'kin ah!" Tinaasan ni Shaira ito ng kilay.


"Luh! Natalo ka no'n sa pustahan ah, impakta ka talaga Shaira!"


"Bobo! Pustahan eh ikaw lang umagree doon?!"


"NAG-IIMAGINE KA NANAMAN BA???"


Hindi ko mapigilan kun'di matawa sa kanila. Suzy laughed with me. Kilala ng mga kaibigan ko si Suzy kasi matagal naman na akong nagtratrabaho dito. We're all good friends here, I guess.


Nabaling yung atensyon ko sa kanila nung tumikhim ng lalamunan si Wyatt. He was wearing black slacks and a blue shirt with minimal designs. Napansin ko na bago yung gupit nito dahil medyo umikli ang dati niyang mahabang buhok.


"Nag-aaway nanaman 'noh? Jusko, mga bata talaga." I snorted at him.


"Y-Yeah," Napaiwas siya ng tingin bago niya kinamot ang kanyang batok. Oh, an'yare naman diyan?


"May problema ba? May 'dumi ba sa mukha ko?" Nakataas kilay 'kong tanong. Nag-cr naman ako kanina, wala naman akong nakitang kakaiba. Ang ayos pa nga ng light makeup ko eh.


"M-May gusto sana akong sabihin..." He muttered in a low voice.


"Ah, aalis na muna ako sis! May nag-order hehe, babush!" Naramdaman 'kong pinalo pa ni Suzy ang pwet ko bago siya kumaripas ng takbo papunta sa mga customers na bagong dating. Luh, nang-aasar ba 'yan??


"Ano 'yun?" Tanong ko, ignoring Suzy's stares.


"... Are you free this weekend?" Tanong nito habang 'di makatingin sa mga mata ko. He was just looking at his fingers while talking. "M-May extra akong ticket sa movie, baka gusto mong sumama?"


Bahagya akong napanganga doon. Mukhang hindi narinig nina Shaira yung sinabi ni Wyatt kasi nagbabangayan pa din silang dalawa sa tabi.


Extra movie ticket? Kung may ganun siya, bakit ako inaaya niya? Nandiyan naman si Castriel eh mas close pa silang dalawa kaysa sa'kin. Tsaka, may nabili ba talaga ng extrang ticket?? Unless may gusto silang kasama?? I saw how his cheeks turned red when he noticed me looking at him. Nakanguso itong tumingin ulit sa ibang lugar para maiwasan ang pagtingin ko. 


Oh dear, legit ba? Hindi naman ako manhid para 'di mapansin 'yon!


"I-Is this a date?" Oh gosh, nautal pa ako!


"Y-You can call it that if you want," 


That was unanticipated! Hindi ko inaakala na magkakagusto siya sa'kin, like what?! We just talked a couple of times and that was only during our lunch breaks. 


"P-Pag-isipan ko muna, ha?" Nginitian ko siya, hoping that I wouldn't offend him.


"Okay lang, sige lang. I don't mind." Nginitian niya din naman ako pabalik, lumabas ang dimple nito habang namumula ang pisngi. Parang munchkins! "I'll wait for your reply then."


Nag-order silang tatlo ng kani-kanilang mga orders bago sila nagsettle down sa isang pwesto. I don't know why but my heart raced after that! Nagkaboyfriend na ako dati pero ngayon lang ako nagkaroon ng admirer na sa ganung paraan umamin sa'kin. 


"Hoy ang pogi no'n 'teh! Ano sinabi niya sayo?" Pakikichismis ni Suzy pagkatapos niya doon sa table.


"May extra movie ticket daw ewan," Umiling-iling ako sa kanya.


"WOW HA! 'Teh may gusto 'yan sayo ayieee! Sana all nalang!" Pagtititili nito kaya tinakpan ko agad ang kanyang bibig, nakakarindi sa tenga!


"Luh, may liligawan ka pa diba?? Sana all ka diyan!" Paninita ko sa kanya.


"Joke lang 'yon jusmiyo ka! Ano sinagot mo doon sa lalaki?"


"Pag-iisipan ko..."


"Pag-iisipan amp! Chance mo na 'yan para madiligan 'teh, tama na dry season!" Panghihikayat nito sa'kin pero kinurot ko lang siya sa kanyang bewang. "Aray naman!"


"Dry season dry season ka diyan, mag-aral muna." Reklamo ko dito at inirapan siya.


Papayag ba ako doon o hindi?


Jusme naman! Iniisip ko pa nga ang kalagayan nina mama at papa tapos ito pa. Wala naman akong pending na gawain pero gusto ko sanang tulungan sina mama sa carinderia sa weekends para makapahinga si mama sa gawain niya.


Napasulyap ako sa table nila at napansin na nakatingin na pala sa'kin si Wyatt! He waved at me before eating the dessert he ordered. 


Ugh, this is making my head hurt!


***


"Oh sa kaka-dry season mo, ayan! Umuulan tuloy!" Reklamo ni Shaira sa'kin.


Our shift just ended but we couldn't go out of the cafe because it was raining hard outside. Nauna nang umalis sina Chef Luiz at Manager kanina pa kaya kami nalang ni Suzy ang natira dito. Yung sinasakyan namin na jeep ay sa kabilang kanto pa kaya 'di kami makaalis.


"Wala pa naman akong payong," Kagat labi 'kong sinabi sa kanya.


Sinimangutan niya ako. "Cally, pang-isahang tao lang 'tong dala ko... Kung alam ko lang sana na uulan, edi sana yung pinakamalking payong yung dinala ko! Yung tipong sampung tao yung kasya, jusko!"


"Boang! Walang ganon! Tsaka, umuna ka na! Mahihirapan ka pang maghanap ng sasakyan niyan!" I reminded her. Pahirapan talagang sumakay ngayon, madaming nauwi eh.


"Eh pa'no ka??" Tinaasan niya ako ng kilay.


"Titila din 'yan, 'wag kang mag-alala. Unahin mo sarili mo," I lightly pushed her from her back. Ayoko siyang paghintayin, magiging pabigat pa ako sa kanya.


"O-Okay lang ba talaga?" Nagdadalawang isip na tanong niya.


"Malamang," 


"S-Sige, chat mo ako kaagad kapag nakauwi ka na, ha? Baka kasi hinahanap na ako nina papa dahil birthday ng bunso." Mas lumawak ang pagkasimangot nito sa'kin. She did mention earlier that it was her sibling's birthday today.


"Oo sige, magchachat ako." Tumango-tango ako sa kanya.


"Mauuna na ako, ha? Babawi nalang ako sayo!"


At ayun, binuksan niya ang kanyang payong at naglakad na sa ulanan. Actually, may dala naman talaga akong payong palagi pero hindi ko 'to naisipan na dalhin kanina kasi palagi namang maaraw yung panahon. Tsk, isang malaking pagkakamali pala 'yon.


It was getting chilly so I rubbed my two hands together and put it on my shoulders, hoping to get some warmth. Gumawa kaya muna ako ng kape sa loob? Nasa'kin kasi yung susi ng cafe, sa'kin ibinilin ng manager namin kasi umalis siya ngayong araw. Pero baka pagkagawa ko ng kape ay tumila na agad yung ulan.


I texted mom about my situation. Susubukan daw akong daanan ni papa pero matatagalan pa siya, dahil may hinahatid pa siyang ibang pasahero. 


Bumuntong-hininga ako. Gusto ko pa naman sana mag-advance review ng mga lessons ko ngayon para makasagot ako sa mga recitations. Extra credit din 'yon at ayokong manghinayang sa grades ko. Maliit lang yung magiging dagdag but every small credits count.


Naka-isang oras na ata akong nakatayo doon habang hinihintay na tumila yung ulan. Nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa lamig. Kanina pa ako nakakaramdam ng antok. Naka-shorts pa man din ako ngayon. Sakto, may nakita akong naka-hoodie na lalaki sa tapat. Kakalabas lang nito sa convenience store at napansin ko na nakatingin ito sa'kin.


"Cally??" 


Tumakbo ito papunta sa'kin, habang hawak-hawak ang paper bag na galing doon sa store. I was surprised to see that it was Asrow! Naka-slacks lang ito pati yung hoodie. I could smell his cologne even though we weren't that close with each other!


"A-Asrow??" Gulat na gulat 'kong tanong.


He took off his hoodie, revealing his plain white shirt inside. "Maghoodie ka! Ang lamig-lamig 'tas nakashirt ka lang?? 'Tas shorts??"


Hindi na ako nakapagreact nung tinulungan niya akong suotin yung kanyang hoodie. He dropped his paper bag on the floor first. Para akong batang binibihisan dahil sa kanya. He was guiding me where to put my hands in and where my head should go out. The hoodie was a little wet from the rain drops but I didn't mind.


"Ayan! Oh diba, ang warm??"


Napayakap agad ako sa hoodie. Yung mga balahibo ko na nagsitaasan kanina ay nagsibabaan na. Nakatulong din yung bango ng hoodie niya sa'kin, mas lalong nagpawarm. 


"T-Thanks, you didn't really have to though." Sabi ko sa kanya habang nakayakap pa din. 


"Kanina ka pa ba nakatayo dito? Nasa'n mga kasama mo? Wala ka bang payong?" Sunod na sunod na tanong niya sa'kin, ni hindi ako makasagot agad kasi ang bilis niya magsalita.


"Sa tingin mo?" Pagsusungit ko dito.


"Oo na! Ang tanga ko naman, tinanong ko pa 'yon! Nagagalit tuloy si ate Cally huhu," Even with this cold weather, he never failed to tease me.


"Ikaw, ba't ka nasa labas? Naulan ah," I asked him. 


"Sa tingin mo?" He mocked me before showing the paper bag from the convenience store!


"Luh! Gaya-gaya ka na, ha??"


"Luh! Gaya-gaya ka na, ha??" He made his voice a little squeaky so he could match mine.


Huhubarin ko na dapat yung hoodie niya dahil sa inis pero pinatigil niya ako habang tumatawa! Trip na trip talaga ako ng lalaking ito na inisin! 


"Joke lang eh, 'to naman!" He chuckled after stopping me. 


"Nakabike ka ba?"


"Tange! Ano, gusto mo bang madisgrasya ako sa ulan??" Natatawang sambit nito pero sinamaan ko siya ng tingin, kaya umayos ang kanyang sagot. "... A-Ah! Namasahe lang ako sa jeep! Ano, tara? Sabay na tayo, delikado na."


"Pa'no ka?" Nakataas kilay 'kong tinanong sa kanya. 


"Okay lang kung mabasa ako, basta ikaw hindi mababasa." Nakangisi nitong tugon sa'kin. His eyebrows even went up and down.


"Oh, but I'm so wet already." I smirked back. Ginagaya ko lang naman siya.


"Do you want to get... wetter?"


Hinampas-hampas ko siya pagkatapos no'n! Ayan, tinatawanan niya nanaman ako jusme! I could never calm down with this guy around. I can't let my guard down.


"Alis na tayo at baka mas lumakas pa yung ulan niyan. Baka mahirapan pa tayong makasakay," He said in between of his laughs.


"Oo na," Inismiran ko siya. Ipinalagay niya sa bag ko yung paper bag na dala niya.


My lips parted when he wrapped his arm around me and pulled me close to him. He put on the hood on top of my head. Yung isa niyang kamay ay nakapatong doon sa hood bago kami tumakbo sa ulanan. Yakap-yakap ko lang yung bag ko habang natakbo.


We would stop for a whileevery time there's a car on the streets, then we'll run again. He never let me stay away from him as we ran. Kahit yung isang saglit lang na humiwalay ako sa kanya, ay hinila niya ako agad pabalik. Parang sinasabi niya sa'kin na dapat magkadikit lang kaming dalawa para safe.


Napansin ko na sobrang basa na siya ng ulan nung makalagpas kami ng isang kanto. It's unfair for me to stay dry, especially when it's his hoodie! 


"A-Asrow, sayo nalang 'to-"


"Shh, it's fine. Just stay dry." He whispered on top of my head.


Namula ako sa sinabi niya. Clark never did this to me before. Asrow was the first guy who stayed in the rain for me. He sacrificed his hoodie just to make sure that I wouldn't get wet by the rain. He made sure that I'm safe all throughout our running time. He made me feel secured and protected beneath this rain.


I bit my lower lip to stop myself from smiling from his actions. Kahit sino naman siguro mata-touch kung ganito yung ginawa sa inyo. We're not that close but still, he did all of these for me.


I looked up to him and I think he noticed that from his peripheral vision because he also looked at me. For a moment, everything slowed down, just like that time from the racing. Nakita ko yung unti-unti niyang pagngiti sa'kin. Namumula ang kanyang tenga habang nakatingin sa'kin. Ang ulan ay patuloy pa ding pumapatak sa kanyang katawan.


Ang 'daming nangyari ngayong araw ah. Wyatt asked me on a date and Asrow let me borrow his hoodie so that I wouldn't get wet.


This day just made me feel confused... but at the end of it, it made me feel warm.


***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro