Special Chapter
Arakiel.
Before the ceremony...
"Tapos ka ng kumain Kuya? Marami pa tong binigay ni Reyna Lara na karne ah?" Tumango ako sa kapatid ko at hinanda na ang espada sa balikat ko.
"Wala akong gana kumain, Seraphim. Mamaya na ako kakain ng marami." Nilapitan ko siya at binigyan ng halik sa pisngi, hinalikan ko rin sa noo si Vellihal na siyang dahilan sa pagngiti nito. Napangiti nalang ako ng matamis at hinaplos ang kaniyang buhok. Unti-unti ng lumalaki ang pamangkin ko.
"You're too serious about guarding the sky, Kuya. You have to rest sometimes." Huminga ako ng malalim at tinignan sa mga mata si Seraphim.
"Kailangan kong bantayan ang buong lugar, Seraphim. Ayokong maulit muli ang nangyari noon." Malumanay kong turan at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng kapatid ko pero hindi nalang ako nagpaapekto.
Alam kong ilang buwan na mula nangyari ang kasamaang 'yon at hanggang ngayon ay hindi ko parin napapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari. Pinupukaw pa rin ako ng konsensiya ko dahil sa mga imaheng pilit gustong pumasok sa utak ko. Hindi ko kayang manatili lang, hindi ko kayang dinadaan lang ang mga bagay-bagay sa madaling pamamaraan.
Ang sigaw ng mga nilalang, ang iyak ng mga matatanda at palahaw ng mga bata.
May tiwala sa akin si Reyna Lara at ayokong abusuhin ang tiwalang 'yon ulit. Pangalawang beses na 'to kaya hindi maaaring mangyari na naman ang nakaraan nang dahil sa akin.
"Aalis na ako, Seraphim. Ipagpaalam mo nalang ako kay Chirubim kapag umuwi na siya dito. Lalabas lang muna ako ng lupain para bantayan kung may mga kakaiba bang nangyayari sa labas." Saad ko, hindi na siya nagsalita sapagkat tumango nalang siya at ngumiti. Tumango rin ako sa kaniya bago lumabas habang bitbit ang espada ko sa likuran.
Masaya ako dahil bumalik na sa dati si Reyna Lara dahil sa pagbalik ni Ruthven pero alam kong isa ako sa dahilan kung bakit naranasan niya ang sakit na 'yon. Pinatawad man niya ako pero hindi naging sapat 'yon para hindi ako mabahala. Mabait si Reyna Lara, mabait na mabait na kaya niyang ibuwis ang sarili niya para lang ibalik ang buhay naming lahat. Nakokonsensiya ako, nakokonsensiya ako dahil sa nagawa kong mali noon.
Agad kong nilabas ang dalawa kong pakpak at walang anuma'y lumipad na sa ere.
Hindi gaano maganda ang panahon ngayon dahil sa itim na mga ulap habang unti-unti na nitong tinatakpan ang nakangiting araw. Kanina pa umuulan ng hindi gaano kalakas kasabay ng hindi ganoon kainit ng araw.
Ilang minuto na akong lumilipad pero natigilan lamang ako nang may makitang pamilyar na imahe. Nanliit ang mga mata kong mapagtanto na si Kyogra ang nakikita ko na may kausap na isang babae. Akmang bababa na sana ako nang matigilan dahil sa pamilyar na presensiya ng babae.
P-Paanong?
Nagsimulang bumalik ang lahat ng mga alaala na siyang matagal ko ng gustong kalimutan. Ang nakaraan na gustong-gusto ko ng bumaon sa lupa dahil hindi ko nakakayanan pang makita ang sarili ko na kasama siya sa hinaharap dahil sa kasakiman na nagawa niya. Alam kong naging masama siya, alam kong kinontrol lang din siya pero hindi ko pa rin maiwasang magalit dahil sa nangyari kay Reyna Lara!
Nandoon pa rin ng hinagpis!
Kahit kinakabahan at nasasaktan, unti-unti akong bumaba. Hindi nila nararamdaman ang presensiya ko kaya hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon! A-Ano pang kinalaman ni Kyogra kay Heraphim? I-Isa siyang traydor?
"Kyogra, traydor ka?" Gulat silang dalawang napalingon sa akin. Ngayon ko lang nakitang nagulat si Kyogra na para bang may masama siyang nagawa at ayaw niyang ipaalam sa aming lahat. Napalunok siya sa pagtawag ko sa pangalan niya pero kalaunay naging malamig na ang tungo niya sa'kin.
"Kung traydor ako, bakit hinayaan ko pa kayong mabuhay Arakiel? Anong pag-iisip 'yan?" Turan niya sa akin na siyang nagpainis sa akin lalo.
"A-Arakiel." Pinilit kong hindi siya lingunin nang tawagin niya ang pangalan ko. Pinipigilan kong hindi makita ang mukha niya dahil alam kong hindi ko kakayanin.
Pero paano? Nandoon ako noong pinatay ko siya! Nandoon ako no'ng sinaksak ko siya para kitilin! B-Bakit siya nabuhay? Bakit siya nandito? Bakit siya bumalik? Kunwari na naman ba ang lahat? Palabas na naman ba?
O panaginip lang 'to?
"Arakiel, you are overthinking too much! Heraphim here is calling your name!" Sigaw ni Kyogra pero napapikit lang ako.
Sa pagdilat ng mga mata ko ay ang siyang pagtatag ko sa aking puso. Nilabanan ko ang kaba at takot na nararamdaman ngayon at buong tapang na marahas na hinarap si Heraphim. Ang babaeng na siyang minahal ko noon.
"P-Paanong buhay ka pa?" Seryoso kong tanong, nakita ko ang malungkot niyang mga mata na siyang ikinalito ko. Hinding-hindi 'yan ang mga ekspresiyon na nasilayan ko noon nang magkaharap kami! Hindi 'yan!
"Arakiel, she is a Demon God! She casted a forbidden spell to turn her life into a immortal one! She did that to find and apologize to you! And you knew that she was controlled right? It is not her fault!" Inis kong nilingon si Kyogra dahil sa sigaw niya na naman.
"Hindi kita kinakausap kaya tumahimik ka!" Doon na siya natigilan sa pagsigaw ko. Hinarap ko ulit si Heraphim na ngayo'y nangungusap na ang mga mata.
"A-Arakiel."
"Huwag mo akong tinatawag sa pangalan ko, Heraphim. Simula no'ng magtaksil ka, hindi na ako ang lalaking habol ng habol sa'yo!" Natigilan siya do'n sa sinabi ko pero ngumiti lang siya sa akin ng malungkot na siyang ikinatigil ko rin.
G-Gano'n parin ang wangis niya, kung ano ang itsura niya noon na nasa Elysium pa kami ay ganoon pa rin ngayon. Walang masiyadong nagbago sa kaniya maliban sa mas naging maliwanag ang mukha at balat niya. M-Mas naging maganda siya.
Kahit anong inis na nararamdaman ko, kahit anong pagbabawal ko sa sarili na hindi na ako mahuhulog sa kaniya ay hindi ko pa rin talaga magawa! Hindi ko alam paano at bakit pero kahit napakalaki ng kasalanan niya sa akin ay nagawa niya pa rin akong ganituhin! Nagagawa niya pa ring hulihin ang damdamin ko at ikulong sa kaniya ng ganoon kadali! Hindi makatuwiran! Hindi patas!
"I w-won't explain further, Arakiel. You already knew why I did those crimes." Umiling lang ako sa sinabi niya.
"Hindi, hindi ko alam Heraphim. Hindi ko alam kung bakit mo 'yon ginawa kung alam mong may karapatan kang huminde!"
"I can't!" Sigaw niya pabalik na siyang ikinaatras ko. Ito ang unang kita ko sa kaniya na sumigaw, ito ang una kong kita sa itsura niya ang sobrang lungkot. A-Anong nangyari? Anong pagkukunyari na naman ito?
"Arakiel I suffered! I sacrificed because I love you!" Natuod ako sa kinakatayuan ko nang sumigaw siya ulit, hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Anong sabi niya? Dahil mahal niya ako?
"A-Anong ibig mong sabihin? Huh? Heraphim! Anong ibig mong sabihin! Huwag kang magsinungaling ulit! Hindi mo na'ko maloloko!" Sigaw ko pabalik pagkatapos kong idiin ang mga salitang galing sa bibig niya.
Yumuko siya at mukhang pinipigilan ang pag-iyak pero hindi pa rin nakawala sa akin ang mga luhang pumapatak na ngayon nang iangat niya ang kaniyang ulo. Nakatingin na siya sa akin ulit at halos durugin ang puso ko dahil sa itsura niya ngayon. Nag-igting ang mga panga ko dahil naalala ko bigla na hinding-hindi ko siya papaiyakin. Na hinding-hindi ko siya magagawang saktan dahil alam kong importante siya sa akin.
Pero anong ginawa ko? Pinaiyak ko siya, pinaiyak ko siya ngayon.
"That God threatened me, Arakiel! If I won't follow his commands, he'll kill you and your sisters at 'yon ang hindi ko hahayaang mangyari! Arakiel, you gave me lot of butterflies when we are still in that place and to repay you ay kailangan kong iligtas ka at ang mga kapatid mo!" Litaniya niya. Kinuyum ko ang mga kamao ko lalo at pinigilan ang sariling yakapin siya dahil sa umiiyak niya ngayong kalagayan.
"Pero hindi kita i-inutusan na bayaran ako pabalik, Heraphim. Lahat 'yon ay taos-puso kong g-ginawa at walang ni anong kapalit!"
"Alam ko pero kahit labag sa kalooban ko, ginawa ko ang lahat nang 'yon para maging ligtas ka! H-Hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan nang makitang kinitil kayo ng mga kasamahan ko noon! Dinurog! Winasak! Ang puso ko, Arakiel. Ang puso na iniingat-ingatan ko ay halos hindi na tumibok dahil sa pagkamatay niyo!" Sigaw niya ulit na siyang nagpahina sa akin.
"Not until that day came, you appeared and everyone from that bloody war. And I was beyond thankful hearing the news that you were all alive because of your Queen!" Dagdag niya.
Gusto ko siyang lapitan pero kapag ginawa ko 'yon, mabibigo ko na naman ang Reyna. Mabibigo ko na naman si Reyna Lara dahil sa magiging desisyon ko!
"That's why after you died, I-I casted a spell to turn myself into an immortal para pagbayaran ko ang kasalanan ko sa'yo. Na dadalhin ko hanggang sa dulo ng mundo ang kasalanan ko pero dumating ka, ulit. And I decided to execute a plan, let you think that you killed me so that I can already pay my sins. Kuntento na ako na iisipin mong pinatay mo ako para sa kaligtasan ng mga kasamahan mo, kaysa sisisihin mo ang sarili mo dahil sa buong madugong pangyayari dahil lang sa dinala mo ako sa lugar na 'yon." Dagdag na litaniya niya.
Wala akong nagawa at napaluhod nalang. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ulit, hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat na ito ngayon. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko pa ulit ang boses niya, na makikita ko ulit ang maganda niyang itsura.
Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa mga rebelesasiyon na narinig ko. Napakasobra! Sobrang-sobra!
"Arakiel, she was the one who helped me no'ng nasa puder pa kami ni Contro. Sa masamang guild na 'yon." Dinig kong malumanay na sabi ni Kyogra pero hindi na ako nakapagsalita. Biglang nawala ang boses at lakas ko dahil sa pangyayari. Kung totoo man ang lahat na'to, ayoko ng magising pa sa panaginip.
"Arakiel, m-mahal kita kaya ginawa ko ang lahat ng 'yon kahit isipin mong masama ako. H-Hindi ko kayang maparusahan ka ulit ng m-mga Diyos." Turan ni Heraphim na siyang mas lalong ikinatulo ng mga luha galing sa mga mata ko.
B-Bahala na! Patawad Reyna Lara pero mahal ko parin si Heraphim! Nabigo ko na naman kayo!
"Bakit? B-Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tanong ko, ngumiti siya sa akin ng malungkot at lumapit. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at kasabay no'n ay ang pagtibok ng mabilis ng puso ko. Sa hawak niyang 'yon ay para akong nakuryente kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng kaunti.
Mahal ko pa rin talaga siya. Kahit na ang katawan ko ay naaalala siya.
"Nakulong ako sa isang katawan, Arakiel. After you killed my physical body, nasa proseso na sana ang katawan ko para mabuhay ulit but a Demon God Slayer appeared and devoured my soul. Nakatakas ako dahil sa lakas ng enerhiya ko sa pisikal kong anyo, lumaban ako hanggang sa natagpuan ko sina Kyogra sa bansa ng Villador." Paliwanag niya kaya napatingin ako kay Kyogra.
"Bakit ngayon lang?"
"I don't want to tell you dahil ayokong pangunahan si Heraphim. She gave me strength and made me realize that I can still be me after all the excruciating happenings before. I chose to keep it to respect my friend's decision, gano'n din ang ginawa nina Stheno, Euryale at Zora." Paliwanag nito na siyang ikinatigil ko. Alam ni Zora? At nina Stheno at Euryale?
"Oo alam nila kaya huwag mo silang sisihin, we chose to keep our mouth shut so that Heraphim can execute her plans well. But unexpectedly, you found us." Dagdag nito na siyang ikinatango ko nalang at tumingin ulit kay Heraphim.
"Sasabihin ko kay Reyna Lara na patawarin ka. Magmamakaawa ako." Turan ko pero umiling lang ito na siyang ipinagtaka ko. Itinayo niya ako mula sa pagkakaluhod, napapikit ng sandali nang haplusin niya ang pisngi ko.
Ganoon pa rin ang palad niya, napakalambot at napakabango.
"No, I still have errands to deal with. Don't worry Arakiel, I'll be back. At sa pagbalik ko, sa atin naman ang aayusin ko." Taranta ko siyang niyakap nang marinig ko 'yon, kasabay no'n ay ang paglaho ng mga pakpak ko.
"H-Hindi! Hindi! Huwag ka na umalis, Heraphim! Huwag mo na ako iwan ulit!" Turan ko, naramdaman ko ang dalawa nitong palad na humahaplos na ngayon sa likuran ko na may espada na siyang ikinatahan ko.
"It is so selfish of me letting you think that you killed me, sorry Arakiel. Sorry for being scared, sorry for being coward. Sorry for everything." Bulong niya pero umiling lang ako.
"H-Hindi!
"Arakiel, I'll be back. I still have to pay my sins. I Promise, I'll be back. Magkikita rin tayo, at magiging masaya ulit."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro