Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter

Zora.

Before the ceremony..









"Lumalaki na ang tiyan mo, Madame Zora. Mukhang iilang buwan nalang at magluluwal ka na ni panganay!" Napangiti nalang ako sa isa naming matandang duwendeng tagaluto rito sa kainan.

"Oo nga Kuya Heror, mukha kasi sabik na rin lumabas ang anak kong 'to. Nararamdaman ko na kasi ang mga sipa at suntok." Natatawa kong sagot, natawa na rin ang matanda sa sinabi ko. Anak niya si Henny, ang isa kong serbidora.

"Kailangan mo ng magpahinga, Madame. Hindi ka na dapat napapagod sa mga gawain dito, kaya naman namin. Baka kasi mapaano ang bata kapag gumalaw ka ng gumalaw." Dagdag nito pero ngumiti lang ako ng matamis.

"Ilang beses ko ng pinagsabihan 'yang asawa ko, Kuya Heror. Ayaw makinig sa akin." Napalingon kaming dalawa sa bagong pasok na si Nyctimus. Nakangiti itong nakatingin sa akin habang may hawak na plato sa kaniyamg kaliwang palad. Napansin ko agad ang usok na nagmumula sa bagong lutong pagkain na siguro ay dala ng kung sino.

"Ay nako Sir, dapat pinagsasabihan niyo si Madame." Kunyari kunong iling ni Kuya Heror kaya napangiti nalang ako. Hinalikan ako ni Nyctimus sa pisngi bago niya nilapag sa harapan ko ang pagkain, isa itong pritong karne na binudburan ng keso sa ibabaw.

Noong nagsimulang maranasan ko na ang paghahanap ng kakaibang lutong pagkain ay hindi na ako iniwan ni Nyctimus. Lage na siyang nasa tabi ko kahit dito sa pinagtatrabahuan namin. Hindi siya naiilang pero minsan ako ang naiilang dahil kapag wala siyang ginagawa ay buong magdamag lang siyang nakatingin sa akin. Pinagsasabihan ko nga na ayaw kong makita ang mukha niyang walang emosyon kaya simula noon ay nag-ensayo siya na ngumiti ng ngumiti na siyang ikinatuwa ko talaga.

Parang hinaplos ang puso ko nang makitang pinipilit niyang ngumiti, para kasing ayaw niya akong biguin sa mga bagay na kaya niya naman talagang gawin sa una palang. Minsan naiiyak ako kapag napagtatanto na ginagawa niya ang lahat para lang mapasaya ako. Ayaw niya akong nakikitang umiyak dahil baka mapaano ang bata, ayaw niya rin ako minsan pinapalakad dahil baka mapagod daw ako. Kaya gabi-gabi ay dito nalang kami natutulog ng asawa ko, may kwarto naman dito para sa aming dalawa inkaso kung ayaw o pagod na kaming umuwi.

"Ayaw makinig ng asawa ko, Kuya Heror. Pero ayos lang, nakaalalay naman ako sa kaniya." Nagiging mahaba na rin siya kung magsalita pero dito lang siya ganiyan. Ayaw ko kasing laging nakasimangot ang mukha niya kapag nagluluto siya o nakakasalubong niya ang mga trabahante namin. Nag-ensayo talaga siya ng mabuti para lang sa kagustuhan ko, sinabi ko naman sa kaniya kung hirap siya ay puwede niya namang hindi na gawin. Pero dahil sa matigas ang ulo niya, ginawa niya at pinilit ang sarili na magbago. Kaya mas lalo ko siyang minahal dahil sa kakaiba niyang pag-iisip bilang isang asawa.

Walang oras na hindi niya binibigay ang oras niya para sa akin.

"Mahal, bigay pala ito ni Reyna Lara. Nagluto kasi si Ruthven, tinikman ko muna bago hinatid dito. Baka kasi ayaw ng panglasa mo. Masarap naman pala magluto ang lokong 'yon." Natawa nalang ako dahil sa tinuran ni Nyctimus, tinignan ko ang karne at nakitang may kagat nga sa bandang gilid. Natuwa nalang ako dahil sa sitwasiyon ngayon ni Reyna Lara, masayang-masaya ako dahil masaya na siya ulit. Nakuha niya ng ngumiti ulit ng totoo, tumawa ng malakas at makihalubilo. Noon kasing wala pa si Ruthven, hirap kaming lapitin siya dahil parang lumamig ang postura at galaw niya sa lahat.

Kukuhanin ko na sana ang kutsilyo nang kinuha 'yon ni Nyctimus.

"Ako na, baka masugatan ka pa." Napangiti nalang akong tumango, hinay-hinay niyang hiniwa ang karne at kitang-kita doon ang pamamasa habang hinihiwa niya ito. Nilagyan niya ng keso at bago niya ibigay sa akin ang tinidor na may karne na sa ibaba, hinipan niya muna ng maigi bago inabot.

Kinuha ko 'yong tinidor sa kaniya at agad kinain ang karne.

"Masarap nga." Turan ko habang tumatango-tango.

"Sinong mas masarap sa amin magluto, mahal?" Agad akong napahagikhik nang magtanong si Nyctimus. Tsk! Kahit alam niya na ang sagot ay nagtatanong pa rin. Ito talagang lalaking 'to kahit kailan!

"Ay nako Madame, ayusin niyo ang pagsagot." Natawa nalang ang iba pa dahil sa sinabi ni Kuya Heror na pati si Nyctimus ay hindi na rin naiwasang hindi matawa. Tuwa ko siyang tinignan sa mga mata at kita kong hindi peke ang tawa niya, hindi pagkukunyari. Nasasanay na siya!

"Kuya Heror naman eh! Siyempre itong asawa ko ang magaling magluto!" Natatawa ko nalang na sagot.

"Ayown!" Sigawan ng lahat kaya napailing nalang ako.

*********


"Madame, aalis na kami! Kayo na po ba ang magsisirado o kami na?"

"Nako Kuya Heror, ang asawa ko nalang ang magsasara. Babalik na rin 'yon, hihintayin ko nalang muna siya dito sa labas." Turan ko, tumango naman si Kuya Heror sa sinabi ko habang ang anak niyang si Henny ay nakangiti lang na nakikinig. Mahiyain kasi siya minsan pero sinasanay ko naman na maging maingay.

"Ay sige po, ingat po kayo dito sa labas. Hindi pa naman po masiyadong gabi, marami pa namang tao. Alis na kami Madame! Mukhang naghihintay na ang Nanay nitong si Henny." Pamamaalam nito kaya tumango nalang ako hanggang sa hindi ko na sila makita pa.

Papasok na sana ako nang biglang may kumalabit sa akin mula sa likuran kaya agad akong humarap. Nagulat ako nang may humalik sa akin na siyang ikinaatras ko pero naginhawaan nalang nang makitang si Nyctimus pala ito. Nakangisi na siya ngayon kaya hinampas ko siya ng malakas sa braso.

"Aray, mahal!" Reklamo niya pero nakikita ko pa rin ang ngisi niya sa kaniyang labi na siyang mas lalo ko pang ikinainis! Ano bang plano nito at ginugulat ako sa gitna ng daan?

"Alam mo namang magugulatin ako diba? Ikaw talagang lalaki ka!" Hampas ko pa sa kaniya kalauna'y sinalo niya na ang mga kamay ko gamit lang ng isang malaki niyang palad. Nagtaka naman ako nang lumuhod ito sa harapan ko at may inilabas na bulaklak mula sa kaniyang likuran. Natigilan ako doon at parang hindi makagalaw, natawa nalang ako.

"Bulaklak para sa mahal kong maganda, ang lalaking nagpatibok ng malamig kong puso at ang dahilan kung bakit hindi matahimik ang isip ko. Ang mahal kong siyang mamahalin ko hanggang kamatayan, ang mahal kong siya lang ang magiging Ina ng mga anak ko. Ang mahal kong Zora." Litaniya niya, kasabay no'n ay ang parang pagbara ng lalamunan ko. Hindi ko na napigilan kaya naiyak na ako sa harapan niya habang tinanggap ang mga bulaklak na nakalagay pa sa mabangong manipis na plastic.

Hinay-hinay siyang tumayo at agad akong hinalikan sa pisngi, pinawi niya ang mga luha ko gamit ang kaniyang mga labi na siyang nagparamdam sa akin ng kaginhawaan. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan sa mga mata, kitang-kita ko ang mga tingin niyang parang nagsusumamo.

"Huwag ka na umiyak mahal, baka mapano ang bata. Ayokong maramdaman niya na umiiyak ang kaniyang Ina dahil pinaiyak ng Tatay niya." Napahagikhik ako birong hinampas ang braso ni Nyctimus.

"I-Ikaw talaga, lagi mo nalang akong pinapaiyak! Bakit m-mo ako binigyan ng mga bulaklak? Para saan?" Tanong ko sa kaniya, ngayon ay ang isa ko namang kamay ang hinawakan ng dalawa niyang kamay at ramdam ko doon ang init ng kaniyang mga palad.

Rinig na rinig ko ang sariling tibok ng puso ko at hindi ako nagkakamali dahil parang sumasabay din sa pag-awit ng puso ko ang tibok ng kaniyang puso. Parehas kaming masaya, parehas naming mahal ang isa't-isa at parehas naming nararamdaman na mahalaga kami sa isa't-isa.

"Kung tutuusin, dapat araw-araw kitang binibigyan ng bulaklak. Pero patawad kung hindi man kita mabigyan ng mga bulaklak araw-araw, minsan kasi ay wala ng napipitas ang mga nagbebenta." At doon na ako sumabog sa tawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam pero nag-eensayo ba siya na magpatawa? Dahil kung ganoon, mabisa ang ensayo niya! Natawa ako do'n sobra!

"Mahal naman!" Natatawa kong sambit na siyang ikinakamot niya sa kaniyang batok habang nakangiti. Kita ko ang pamumula ng mukha niya kaya alam kong nahihiya siya ngayon.

"Tsk, 'yon kasi turo sa akin ni Sol. Upakan ko nga 'yong duwende na 'yon."

"Huwag ka ng mahiya, napatawa mo ako sa biro mo. At tiyaka hindi mo naman kailangan magbigay ng magbigay ng bulaklak. Alam mo naman na kapag nasa tabi lang kita ay ayos na." Turan ko na siyang ikinatigil niya sa pagkamot niya sa kaniyang batok. Unti-unti siyang tumingin sa akin habang unti-unting nagiging ngisi ang kaniyang mga labi. Bago pa ako makapagsalita ay sinakop niya na ang pagitan naming dalawa at walang anumalyang hinalikan sa mga labi.

Napakalambot ng labi niya na kahit halos isang taon na ang relasiyon naming dalawa ay hindi parin ako nagsasawa sa mga maiinit niyang halik. Hindi ako magsasawang halikan ang mga mapupusok niyang halik. Matagal na kami pero hanggang ngayon ay pinaparamdam niya parin sa akin na para bang baguhan lang kami sa relasiyong 'to. Lagi niyang pinaparamdam sa akin ang hindi maipaliwanag na kilig na kahit makita ko lang siya sa pagkagising ko ay para akong isang batang nagngingisay sa tuwa.

Mahal ko siya, at 'yon lang ang alam ko. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayanin na mawala siya sa piling ko. Hindi ko kakayanin na mapahamak siya. Mahal na mahal ko si Nyctimus, at hindi ko kailanman isusuko ang pag-ibig ko na 'to. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang nararamdaman ko sa kaniya sa mga bagay na alam kong walang katuturan. Mahal ko siya, mahal na mahal.

Sa paraan niyang paghalik ay parang wala akong ibang naririnig kundi ang tibok ng mga puso namin at ang tunog ng aming halikan. Nakahawak ang mga kamay niya sa bewang ko para suportahan ang katawan ko sa pagbigay. Sa mga halik niyang 'to ay parang wala na akong naiisip pa kundi ang sarili lang namin, wala na kaming pakialam sa paligid kung ano man ang kanilang isipin. Basta hawak ko lang ang kamay ni Nyctimus, wala na akong pakialam kung ayaw ng mundo sa akin.

"Mahal kita, Zora. Mahal na mahal." Turan niya nang matigil ang halikan naming dalawa. Kitang-kita ko ang parang panghihina ng kaniyang mga mata habang maingat nitong hinaplos ang aking pisngi.

Nginitian ko siya ng matamis at binigay ko pa siya ng sandaling halik.

"Mahal na mahal rin kita, Nyctimus. Mahal na mahal, mahal ko kayo ng magiging anak natin." Sagot ko, lumuhod siya ulit sa harapan ko at ngiti niyang inilapit ang kaniyang tenga sa aking tiyan. Para bang pinapakinggan ang tibok ng puso ng anak namin.

"Maghihintay kami sa paglabas mo, anak. Huwag pahirapan ang iyong Ina, ah? Alagaan mo siya, ayos ba?" Hinaplos ko ang buhok ni Nyctimus at ganoon rin ang ginawa niya sa aking tiyan. Nagulat kami ng parang may sumipa doon, nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa akin na siyang ikinahagikhik ko nalang.

"Mukhang narinig ka niya mahal, sumipa sayo eh." Natatawa kong sambit na siyang ikinangiti niya ng matamis. Tumingin ulit siya sa tiyan ko at maingat itong hinaplos gamit ng kaniyang dalawang maiinit na palad.

"Ayos, mukhang magkakasundo talaga tayo anak. Ayaw natin umiyak ang mahal natin diba? Kaya paglaki mo, aalagaan mo siya ng mabuti."

Sa gitna ng liwanag galing sa buwan, ay ako at si Nyctimus habang kinakausap ang aming anak. Nakakatuwang isipin dahil hindi ko alam na mapupunta kami sa ganitong sitwasiyon. Noon gusto ko lang siya, ngayon ay asawa na at siya ring Ama ng magiging anak namin.

"Teka mahal, kailan mo planong bisitahin ang mga Charybdis?" Natigilan siya ng bahagya pero ngumiti naman din kalaunan.

"Isasama kita sa lugar nila, mahal. Sabay nating tutuklasin kung sino ba talaga ang pumatay sa aking Ina." Saad niya na siyang ikinahinga ko nalang ng malalim. Ngumiti na lamang ako.

"Pumasok na nga lang tayo sa loob mahal, isasara mo pa ang kainan." Sabi ko, tumango ito at tumayo sabay hawak sa isa ko pang kamay. Mariin ko lang na hinawakan ang bulaklak na binigay niya habang ang mga mata namin ay nakatitig lang sa isa't-isa.

"Paglabas ng anak natin, sundan kaagad natin nang hindi siya malungkot. Baka kasi gusto niya ng kalaro, diba mahal?" Napailing nalang ako sa sinabi niya.

"Mga paraan mo talaga mahal puro bulok."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro