Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Ang alam ko, I was doing shopping. Buy all of the stuffs that my Mother needed, new white pillows, white curtains, flavored juices in packs, coffees and breads, different biscuits and she even told me to buy peanuts. I asked her why she needed these stuffs na kabibili lang ni Dad and she just smiled at me while arranging lots of flowers sa sala.

In the middle of the street, narinig ko lahat ng sigawan ng maraming tao. I was confused nang makitang dinumog ng lahat ang hindi nakikilalang tao na nakahandusay ngayon sa kalsada. Maririnig mo ang busina ng maraming kotse dahil sa epekto nito sa lahat, kahit nga ang malaking truck na nakasagasa sa taong nakahandusay ay pilit na gustong tumakas pero pinalilibutan na ito ngayon ng mga pulis.

Palapit ako ng palapit hanggang sa makita ko ang taong nakahiga, naliligo sa kaniyang sariling dugo habang nakadilat pa ang mga mata. Lahat ay biglang naging blangko, nang makita ko kung sino ang nakahandusay.

Me.

Nilibot ko ang tingin ko sa kapaligiran and seems like nobody can see me, nor feel me. They are just passing by, umiiwas pa ako pero tumatagos lang sila sa akin.

Next thing I knew, nasa hospital na ako at napakaraming nurses at doctors ang tumutulong para lang i-revive ako, perks of being the eldest son of the richest business tycoon of the country. But later on, I was announced comatose but few hours after ay nag straight line na ang sa machine. I'm dead, I died.




Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, it's mix emotions. Takot, lungkot, saya, sakit at pagkabigo.




Dito nalang nga ba ako?





Napatakip ako sa mga mata ko nang masilaw ako sa napakaliwanag na ilaw hanggang sa parang binuhat ang buo kong katawan na parang isang papel lang, I can't move at ang tanging magagawa ko lang ay sumabay sa hangin na bumubuhat sa kabuuan ko. I smiled, is this really the end of my life? Journey? Ni hindi ko pa nakilala ang lalaki para sa akin, ni hindi ko pa napatunayan sa pamilya ko na kahit bakla ako ay kaya ko silang buhayin at bilhan ng malaking bahay, na kaya ko rin silang patayuan ng mansyon! Ni hindi ko pa naamin ang nararamdaman ko sa lalaking, sa lalaking nagpatibok ng puso ko!




Hope to see myself in next life. Babawi ako next life! In my next journey if God will let me live again, I'll do all the things na hindi ko nagawa. In my next life, babawi ako. Babawing babawi ako!






And everything went so fast and I found myself lying on the ground, inside of the cave. Sa loob ng kweba kung saan napakaraming nagliliwanag na ginto!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro