Chapter 9
Laros/Lara.
"Sa wakas, tapos na rin ang kastilyo." Bulong ni Medusa and we both look at the castle, a big and towering height kind of castle. They painted it color green with the touch of black and gold as what I have suggested, ayoko kasing walang green dahil nga this town is known for Mystic Emerald ang green is my favorite color nga diba?
Lahat ata ng mga lahi ay nasa likuran ko, looking at the castle with amaze. I can say that this is strong and durable, hindi agad-agad matutumpag ng kahit anong klaseng kapangyarihan. It was already enchanted by the Elves, Werewolves and Angels. Even Ruthven helped to give power to the castle para mas maging matibay ito.
"Congratulations, Master Lara. Na-achieved na natin ang kastilyo na gustong-gusto mo." Seraphim uttered and everyone here clapped their hands with enjoyment. I smiled triumphantly because at last, nakakamit na namin ng unti-unti ang mga pangarap namin.
I noticed Medusa look at the people who are now celebrating for the another achievement. She smiled sweetly as she raised her glass bottle na ngayon ko lang din napansin. Tumalikod ako at nagulat ako nang may hawak-hawak na ng mga baso ang lahat maliban sa akin na siyang ikinatawa ko nalang.
"Binabati nating lahat ang bagong tagumpay ng buong Mystic Emerald sapagkat lahat tayo ay naghirap para buuin ang matagal na nating pinapangarap na magkaroon ng ligtas at payapang tirahan. Malaki ang pasasalamat natin sa ating pinuno na si Master Lara dahil hindi siya nagdalawang-isip na tulungan tayong lahat dito, binigyan ng tirahan, niligtas sa kasamaan at minahal na parang sariling kadugo. Kaya hindi natin dapat siyang biguin sapagkat siya ay isa na ngayong hihiranging Hari ng kastilyo na nasa harapan nating lahat." Sigaw ni Medusa, gumaya naman sa kaniya ang lahat maliban sa mga lider na ngayo'y nakangiti lang na matamis. And I was so shocked seeing Nyctimus smile for the first time, agad naman akong natuwa kaya natawa nalang ako.
Hari? Reyna? Neither of them as long as I am serving them in a right way and I deserve this. I deserve this love and credits as I worked hard to built this family.
"Para kay Master Lara! Para sa bagong Hari ng ating kastilyo!" Sigaw ni Sol na siyang ikinatawa ko nalang talaga. Hindi na talaga mawala ang pagkabibo niya. Karga niya ngayon si Astrum na taas-taas pa nito ang kamay, she is celebrating with happiness in her eyes and with her smile. Oh I love Astrum! Gosh!
Napalingon ako kay Ruthven na nakangiti sa akin ngayon. I don't know but I think I am falling too, I think I already love him. Sa mga nagdaang araw, hindi siya nagsayang ng oras dahil lagi niyang pinaparamdam sa akin ang pagmamahal niya. He always there everyday and night, comforting and consoling me. Nandiyan siya tuwing araw, nakabantay sa pagtatrabaho ko. Sa gabi naman ay sinasamahan niya ako sa rooftop to watch the stars together. Deserve ko ba talagang mahalin? I'm gay and he knows that pero parang wala lang sa kaniya. Ramdam na ramdam din ng lahat ang kinikilos nito towards me and I don't know if it is a good sign but I think I am ready to take risk.
Wala na ang tahanan namin ni Medusa, we will live inside of the castle. Kumpleto na lahat ang mga gamit doon, mga kwarto at iba pang kakailanganin ko. All of the houses here are also upgraded and renovated dahil napakaraming kagamitan ang natira. Lahat kami ngayon ay masaya, lahat kami ay masayang-masaya dahil hindi na namin namamalayan na nakakabuo na pala kami ng samahan.
"Cheers for the another chapter of our lives!" Sigaw ko na siyang pagsigaw din nilang lahat, ininom nila ang nasa baso na for sure ay mga alcoholic drinks. Napalingon naman ako sa lumapit and it's Astrum, giving me a glass of wine. I smiled at her as I noticed that she is drinking a juice, of course bata pa siya eh.
"I didn't know that you can really succeed for building a castle, Lara. I am so proud of you." Lumingon ako kay Ruthven na siyang ikinaatras ko dahil sa malapit nang magtama ang mga labi namin. He just smirked at me kaya hinampas ko ang braso niya.
"Aww!" Sigaw ng lahat kaya gulat akong napatingin sa kanila, kakaiba ang mga ekspresiyon nila like they are teasing me!
"Mali ang iniisip niyo mga kumag!" Sigaw ko sa kanila na ikinatawa nalang nila. Geez! Nakakahiya! Inis kong tinignan si Ruthven na ngayo'y natatawa lang, napabuntong-hininga nalang ako at ngumiti. How can I not love this guy when he already proved himself everyday and night? Maybe he's right, I should not ask about his past and where he came from. Masaya ako kung ano ang nangyayari sa amin ngayon, masaya ako kung paano ko siya nakilala at masaya ako kung paano kami ka kumportable na sa isa't-isa kapag kami nalang dalawa ang magkasama.
Siguro tama nga talaga siya, I should talk less about his story. Maybe he's right, na baka magbago ang tingin ko sa kaniya kapag nalaman ko kung sino talaga siya. Masaya naman ako eh, kahit wala ako masiyadong alam sa kaniya. Ganoon din naman siya sa akin kaya patas lang. At siguro, hihintayin ko nalang ang tamang panahon na mag-uusap kami ng masinsinan at hihintayin ko nalang na magkukuwento siya kung sino ba talaga siya. I think it's already enough for me knowing he really does love me for not what I have? But for who I am.
"Kiss!" Sigaw ng lahat pero kaagad akong umiling, jusko ang mga nilalang na 'to ay natuto ng mangasar!
"Che! Kayo ang mag-kiss lahat jusko!" Sigaw ko.
*********
Napakalaki ng loob, pagkapasok ko palang ay agad akong nalula dahil kahit dalawang palapag lang ang kastilyo na ito pero napakalaki parin talaga. Grabe ang ceiling sa itaas, hindi talaga ito maabot. Bawat corners talaga ay may maliwanag na chandelier na gawa sa mga mamahaling bato, ang rubie at diamonds! Ang pinakamalaki talagang chandelier ay 'yong nasa pinakatuktok ng ceiling, siya mismo ang nagbibigay ng mas maliwanag na ilaw sa buong kastilyo. Maraming kwarto dito sa ibaba, pero iisa lang ang sa second floor pero napakalaki at malawak daw. Ang trono daw ay inilagay din nila sa pangalawang palapag, marami din akong napansin na mga bulaklak na hindi ako pamilyar and it looks so beautiful! Gosh! Ngayon ko lang 'to nakita and where did they even found these?
"Lahat konkreto, malinis at matibay. Kahit sa loob ay pininturahan nang katulad ng sa labas. We added some touch of marmols here inside at 'yon ang mga kwarto. They are all made of marmols, but unlike yours po sa itaas, ang kwarto niyo ay gawa sa ginto. Ang kwarto naman ni Medusa dito sa unang palapag ay malaki din kesa sa mga ordinaryong rooms but still made of marmol din. There are twenty rooms in here, hindi pa kasama ang sa inyo ni Medusa. Lahat may chandelier na gawa sa rubies and diamonds, lahat may sariling malalaking kumportableng kama." Luna explained. Geez, nakakalula talaga. I didn't expect na ganito ang magiging outcome ng lahat.
"The interior designs of the dining room is also magical, it has the table na may habang sampung metro and I forgot po kung ilang ang chairs doon but all of the furnitures there are all made of durable trees na galing pa sa bansang Roha. May malaking chandelier din but it's made of gold, touch of rubies and diamonds. Lahat ng chandelier po dito ay gawa ng mga kababaihang duwende at taong-lobo." Seraphim added na siyang ikinatuwa ko. She already knows how to speak so formally with the english language huh? And I'm amazed how creative they are now!
This castle cost millions and millions of rubies and diamonds, and hindi pa kasali do'n ang ginto kong kwarto. I think I'll visit it later.
Pansin kong may bawat torch sa kada isang room, a sign na isa itong kwarto. At nakita ko sa report papers kanina na sa likurang bahagi ng kastilyo ang malaking kuweba kung saan inilipat ang mga mamahaling materials. They also made a dungeon kung saan ikukulong ang dapat ikulong, they made it sa kailalim-laliman ng kastilyo that's why, ang base ang inuna nila sa ilalim. Now I know!
"All of the houses outside are now all cemented, mas pinalaki na din ang fountain kung hindi niyo pa napapansin. At ang iba pang natira ay dinagdag para sa magiging sementong daan patungo sa pangalawang lungsod na ngayo'y hinay-hinay na ding sinisimulan." Luna added, I checked the papers and I noticed na maraming na-upgrade. I already noticed na upgraded at renovated na ang ang mga bahay kanina kaya nga mas lalo akong natuwa dahil at least natutunan na din nila ang hindi nagpapahuli sa uso.
They also build a storage house kung saan itatambak ang mga karne ng baboy, manok at ng iba pa. Ganoon din sa gulay at iba pang ingredients. Doon din itatambak ang mga iba't-ibang klaseng inumin. Isa sa mga duwende ang kayang kontrolin ang yelo and that can help all the meats, vegetables and wines to stay fresh and cold. Great idea, bakit ngayon ko lang 'yon naisip?
Tumango ako sa kanila at ngumiti, they really doing their assigned work and I am blessed that they are all intelligent. Natigilan naman ako kaagad nang may maalala.
"I have to go na pala girls, pupuntahan ko lang muna si Ruthven. May usapan kasi kaming dalawa." I uttered but they just smiled playfully na siyang ikinairap ko nalang.
"Are you really sure Master Lara that we will call you a King? Or perhaps, a Queen?" Natawa nalang ako sa pangangasar ni Luna. Well Queen will do, at tiyaka mas gusto kong tinatawag na Reyna kasi alam kong maganda ako, at maganda ang katawan ko. Malakas din ako at may ikabubuga. I think pansin naman ng lahat, my body is different from the guys. I have thin but in a sexy way body, with a long black hair with beautiful green eyes. 'Yon talaga ang asset ko, ang katawan kong pambabae at ang mga mata kong berde.
"Well, sino namang hindi magkakagusto kay Ki—Queen Lara? Sa ganda ba naman ng hulma ng kaniyang katawan at mukha ay nasisiguro akong mapagkakamalan talaga itong tunay na babae. Pero, alam naman namin na isa ka talagang babae Queen, kaya wala kaming problema sa lalaking pipiliin niyong mahalin." Natawa nalang ako sa mga sinasabi nila, hayst buti nalang talaga nandiyan sila to make my day so beautiful. Nagsasawa na rin kasi ako sa pagmumukha nina Sol, Nyctimus at Arakiel na laging nagre-report. Well it's their work pero duh! Nakakaumay pero still, gwapo parin naman sila noh!
"Para kayong mga sira! By the way, I really have to go. Kanina pa ata naghihintay 'yon sa akin." They nodded ang bowed their heads together, I smiled to them and walked out.
Hay nako ka talaga Ruthven!
********
As I walked so elegantly and sophisticatedly, I suddenly remember how my life started here up until to this present day. The memories suddenly popped out like a bubbles na agad-agad ding naglalaho after you saw the beautiful images inside of that bubble. Like it's giving me the past trailers of my life, na para bang ang mga alaala na 'yon ang siyang nagbigay sa akin ng hint para maging malakas ang samahan namin dito sa Mystic Emerald. I'm so blessed to have them, and I can't ask for more.
Agad kong namataan si Ruthven, nakatanaw siya sa kawalan kaya hindi niya ako napapansin but I know that he can smell my presence because of course, he is a Vampire. But until now, I don't believe that he is a hybrid. For me, he is a pure Vampire but it doesn't matter now. As we promised, we will treat each other like we already know ourselves.
"Ruthven!" Tawag ko sa kaniya, agad din naman akong nagtaka nang hindi siya lumingon at patuloy na nakatingin sa kung saan. Is he deaf now?
Mas lumapit pa ako sa kaniya hanggang nasa likuran na niya ako, I followed his sight pero wala naman akong nakikitang kakaiba. Is he dreaming? Anong problema ng isang 'to at parang tulala?
I touched his shoulder that made him jump, nagtaka naman ako sa inasal niya. He immediately smiled at me and hugged me tightly. I felt his heartbeat and it is too fast, ganoon ko na ba talaga siya natakot?
"Oh gosh, don't do that again." He uttered, oh my gosh! Magugulatin ba ang isang 'to? Hindi ko alam 'yon ah? Bakit ba kasi siya nakatulala?
"You're spacing out, Ruthven. Kanina pa kita tinatawag but you are just out of nowhere. Anong problema mo?" Irita kong sabi sa kaniya, he just sighed at kumawala sa yakap na siya rin naman ang nag-insist. I didn't hugged him back, well hindi naman kasi ako easy girl noh! Wow! Hindi easy girl?
"No, I was just thinking things. Sorry my, can I call you Queen?" He said while now smiling playfully, I rolled my eyes still not convince.
"You are thinking so deep Ruthven, alam kong may problema ka. You are talking to a Queen, kaya alam ko kung kailan may problema ang isang nilalang." Parang bata kong sabi sa kaniya na ikinahalakhak niya lang. My gosh! Nagtutunog asawa ako sa mga pinapakawala kong mga salita!
"What? Don't laugh! Hindi nakakatuwa!" Sigaw ko sa kaniya, I was stunned when he suddenly pulled me and kiss me gently. It was just seconds before our lips separated, after that ay lumayo ako ng unti-unti. Nakatingin siya sa mga mata ko na parang nangungusap, I can see my eye color through his eyes and it was glowing a bit. What a gorgeous eyes of mine!
"Huwag ka na magalit, I'll tell you okay? Ayokong nagagalit ang Reyna ko sa akin eh nagpapa-good shot pa naman ako sa'yo. Please don't be mad at me my Queen." Wala na! Para na akong tsokolateng tunaw na tunaw sa mga ganiyan-ganiyan niya! Simpleng pagpapakilig lang 'yun ah pero halos ikamatay ko na dahil sa tuwa at kilig! Buysit na Ruthven talaga! Buwiset na bampira!
"Ano ba kasing problema?" I asked again.
Tumingin pa siya sa palibot bago humarap sa akin ulit. I sense something kahit hindi pa niya sabihin.
"I called you to talk about this, and I don't want the other to panic after knowing this news that I'll report to you." He seriously said, napalunok ako do'n. I don't know kung napalunok ako dahil sa balita niyang parang napakadelikado o di kaya napalunok ako dahil sa kahit seryoso ang boses niya ay natatakam akong halikan ang mga labi niya?
Fuck Laros! I mean Lara! Gusto na namang kumawala ng pagkabading mo oh! Nahawa na ata ako sa pagkamanyak ng isang 'to at parang gustong-gusto ko siyang halikan ngayon! Ni hindi pa naman kami! Ni hindi nga siya nanligaw! Wait, siguro ligaw na 'yong mga araw na lage niya akong sinasamahan noh? Geez! I can't even differentiate those days that he's with me and nights that he is comforting and consoling me! Saan ba doon banda ang panliligaw niya?
"Shoot it."
"Later na ang shooting, Lara. We can do it later in your room." Hinampas ko naman siya kaagad dahil sa kabalastugan ng bibig niya. Ang laki ng pinagbago ng isang 'to! From a serious Vampire to perverted monster! Jusko, mas gugustuhin ko nalang ata ang version niyang hindi siya palasalita! Kailan ba siya titigil sa kagaguhan niya? Huhu!
And the jerk just laugh while caressing the part kung saan ko siya nahampas.
"Be serious, Ruthven! Sayang ang oras ko! I still have to check my room, and the land kung saan itatayo ang second town." Inis na turan ko sa kaniya, he stopped laughing and became serious again. Tignan mo 'to! Napaka-bipolar!
"I don't know if it is just me but I saw a living Dragon near here, Lara. I was roaming around to find a beautiful spot para sa date natin but what I saw is not a venue, but a Dragon." Suddenly the hair on the back of my neck stood up when I heard what he said. Is he telling the truth? Tinignan ko siya ng matagal pero hindi nagbago ang ekspresiyon niya, I swallowed hard.
"S-Seryoso ka ba, Ruthven? Are you not joking?" Hoping he was just kidding but he just shook his head, telling me otherwise.
"I am so sure that was not a joke, I saw with my two eyes how big its body is. Mukhang kasinglaki ata ng kastilyo natin, Lara." I don't know that I have more to fear in my life here. Akala ko 'yon na 'yong laban namin sa mga salamangkero! Meron pa pala akong mas ikakatakot! Imagine, a Dragon the size of our castle? A-Anong laban namin do'n?
"The Dragon is one of the strongest wild monsters in this world, Lara. Nasa pangatlo ang Serpentes at sila ang nasa pangalawa. Nasa kailalim-laliman naman ng dagat ang nangunguna, ang Kraken." He explained.
What will happen if it attack us? Anong magiging laban namin kung bumuga na ng malaking apoy ang Dragon na 'yon at gawin kaming barbecue lahat? A-Anong panlaban namin doon? Ayoko munang ma deads! My beauty needs more exposure sa world na 'to!
"But don't worry Lara, our town is protected by the stronger barriers so I am sure that it can't destroy our place that easily. It takes a lot of time so we still have the chance to kill it or make it as our comrade." Agad akong napaisip sa sinabi niya. Kill it or make it as our comrade? But how? Kung gagawin namin siyang kakampi, anong way? Sa anong paraan para siya ay pumayag na maging isa sa amin?
"I am scared Ruthven. Not for myself, but for the people I love inside of that town. Hindi ko kayang makitang nasasaktan sila, hindi ko kayang makitang masira ang pangarap naming lahat. Ayokong makita na mawalan sila ng buhay sa harapan ko. Tulungan mo ako, Ruthven. Help me please." I am now crying because of fear, I am so scared to lose them all. I already love them so I can't afford to lose them all! I have to make a plan! We have to live!Maraming babies pa ang darating! Lalaki pa si Astrum!
"Huwag kang mag-alala, Lara. I am here. Nandito ako. I'll help you. Tutulungan kita dahil mahal kita. Hindi ko kayang makita kang umiiyak at nasasaktan, hindi ko kayang makita kang naghihinagpis at nawawalan ng pag-asa. I'm here for you to lean on, I'm here to give you strength when you're feeling weak and I'm here to do everything just to keep you safe, my Queen."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro