Chapter 8
Laros/Lara.
"Isa na pong ganap na lungsod ang nayon na ito Master Lara, at sinisimulan na din ang pangalawang nayon sa katabi nitong lupain. Inaayos na namin ni Medusa ang mga papeles para mapirmahan niyo na ito gamit ng inyong dugo." Seraphim reported, I smiled at her and look at her belly. Hindi pa naman ito gano'n kalaki but you can notice how her body changed every month.
It's been a month after that war against that Magicians and the leader's other creatures. After Medusa threatened them, they didn't go back here and made a chaos again. Ikinatuwa ko naman 'yon syempre, I don't want my people to suffer pain anymore and I want them to feel safe sa pamumuno ko. Ayoko silang biguin, ayokong maranasan nila ang walang tahanan, walang pamilya o di kaya ayokong maranasan nila na walang nagmamahal sa kanila.
"Malapit na ding matapos ang kastilyo, ilang araw nalang din at ito ay matatapos na." She added.
"Salamat, you can now rest. And be careful sa mga dinadaanan mo, I don't want you to stress yourself lalo na sa batang dinadala mo. Remember, hindi bihira ang batang nasa sinapupunan mo. It's a God's child, and her mother is a strong Angel." I sincerely said to her, she just smiled to me sweetly and bowed her head. She excused herself so that she can continue her work, another baby to wait!
Si Astrum kasi feeling ko ay madaling lumalaki pero nakikita po rin naman minsan na sumasali sa mga pambatang laro. Mas lalong dumami ang lahi dahil sa mga biglaang panganganak ng mga taong-lobo at duwende. Mas lalo naman akong natuwa doon dahil alam kong mas rarami kami at magiging malakas ang kupunan namin.
"Master." Napalingon ako kay Arakiel na ngayo'y parang pagod na sa kakaronda, he bowed his head before he speak.
"Walang kakaiba, lahat ay nasa maayos Master." He uttered.
"Sige na, sabihin mo kay Chirubim na magpahinga na at ikaw din. Rest din naman pag may time Arakiel, hindi ko naman kayo pine-pressure sa pagtatrabaho." Litaniya ko na ikinangiti lang niya, pero kitang-kita ko na may kakaiba sa mga mata niya. Agad akong napaisip kung ano ang dahilan kung bakit biglaang nagbago ang kaniyang enerhiya. He is not like this before, there is always determination in his eyes when he is reporting to me pero after that little war. He changed. Nagbago siya. I wonder why?
"Kailangan kong magtrabaho, Master. Hindi puwedeng wala akong ginagawa, gusto kong ibabad ang sarili ko para makalimutan ang mga isiping dapat ng ibaon na sa kailalim-laliman ng lupa." Matalinghaga niyang sabi pero I'm no dumb, I know what he meant.
"Arakiel, anong problema? May problema ba?" I asked, he is hesitating to talk about it but I just smiled.
"Alam ko kung kailan kayo lahat may problema, at alam kong alam ninyo na ayaw na ayaw kong may nagsisikreto sa akin. Paano ko kayo matutulungan kung hindi niyo sinasabi sa akin ang mga bagay na bumabagabag sa inyo? Paano ko kayo matutulungan sa mga problema na kinakaharap ninyo kung hindi niyo sinasabi sa akin?" Diba? I am their Master and I want them to know na I am here to help them no matter what dahil isa na sa mga pinangakuan namin na I'll help them as long as they will help me too.
"Ayoko nang dumagdag pa sa mga problema niyo Master, masiyado na kayong maraming iniisip." I tap his shoulders twice and make him feel that it is okay to share his problems with me. What is the use of my power if I can't even help my own comrade sa mga personal nilang problema? I know I shouldn't meddle with their personal privacies but I have to if it's affecting their work.
I just stared at him and seconds after, he loss. He sighed deeply and look at the sky.
"Heraphim." Natigilan ako dahil sa pamilyar na pangalan na binanggit niya, If I am not mistaken, that name is owned by that woman. That Angel na nakalaban niya. Heraphim, it's a beautiful name and she is the strongest among the three women. She was the one who threw fireball at me and made my beauty stress. Ang init kaya no'n!
"What's with her? Do you know her?" I gently asked, he nodded like a puppy so I sighed. That's why I noticed that time that he was just avoiding that woman's attacks and never fought back. She must be special.
"Kilalang-kilala ko siya, ang nag-iisang babaeng nagpatibok ng puso ko Master. Siya ang babaeng tumuring sa akin na hindi ako isang makasalanan na anghel, siya lang ang naniwala sa akin at sa mga kapatid ko na wala kaming ginawang masama. Pero dumating ang araw na bigla siyang nawala, bigla siyang naglaho sa kalangitan. Sa paniniwala ko noon at hanggang ngayon ay ako ang dahilan kung bakit siya naglaho, siguro ay pinarusahan siya dahil sa paniniwalang hindi kami ang may gawa ng kasalanan. Lahat ng mga anghel maliban kay H-Heraphim ay kami ang sinisisi sa kasalanang hindi naman namin ginawa." He explained, so I'm right? That woman is special for him and it was his special someone, I don't know if that woman treated him the same. The question here is, is that woman treated Arakiel as his special someone? O baka si Arakiel lang ang nag-aakala?
"That's why you were shocked nang makita mo siya noon at may sarili ng pangalan?" He nodded again.
"Teka ano bang kasalanan 'yan at grabe ang parusang pinataw sa inyo? You were banned to enter the heaven again because of that right? So what kind of sin is that? Ano ba ang nangyari at bakit kayo ang sinisisi ng lahat even the Gods and Goddesses accused the three of you?" I curiously asked. Masiyado bang malaki? Na talagang hindi na sila tinanggap pa sa langit at itinapon na sa lupa?
"Isa sa mga Diyosa ang biglang nawala at kaming tatlo ng mga kapatid ko ang naatasan para bantayan siya. Ni kahit anong isang bagay ay wala kaming ibang nakita para matunton siya. Hanggang sa nakita nalang daw ang kaniyang kasuotan na nakalutang na sa ilog, walang katawan pang nakita. Ang ilog na 'yon ay nakamamatay at wala ni sinuman ang nakaligtas kapag lumangoy ka sa anyong-tubig na 'yon. At sinisi kami dahil kami daw ang may kagagawan ng lahat, ni hindi man lang daw namin nagampanan ang trabaho namin. At kami daw ang pumatay sa kaniya dahil pinabayaan namin siya." T-That's ridiculous! Accusing them without an evidence? And they were fucking insisting that the three of them really killed the Goddess, because of them being irresponsible not guarding her the whole time? The fuck?
"Thank you for sharing, Arakiel. T-That was a painful past, for sure napamahal na din sa inyo ang Diyosa na 'yon kaya masakit din na masisi sa pagkamatay ng minamahal niyong Diyosa." Tumango siya sa sinabi ko. I don't know but I just suddenly hug him tight, I want him to feel that I am still here willing to give love and protection. Walang malisya! Hindi ako malandi na babae! Charz!
"Do what you want, Arakiel. If you want to pursue that woman, I'll let you but you have to be careful. I am here to support you no matter what." I whispered to him, kumalas na ako sa yakap and I saw his eyes wanted to release those tears but he is fighting not to. He is trying to be brave knowing that he is hurt.
"Hindi na kailangan, Master Lara. Ayokong ipagpilit ang sarili ko sa babaeng hindi ko naman alam kung mahal ba ako o hindi. Ayokong ipagpilit ang sarili ko sa kaniya lalo na't isa siya sa mga kalaban natin. At hindi ko naman na kasalanan kung hindi siya nagpaliwanag noong nagkita kami. Napakahaba ng oras na 'yon para ipaliwanag ang sarili niya pero hindi niya ginawa. Naghintay ako sa wala. Hinanap ko siya ng matagal pero sa paghahanap na pala na iyon, ay wala palang patutunguhan." He sadly said, he is kinda true dahil bakit pa ba nga natin ifo-force 'yong sarili natin sa taong walang kasiguraduhan? Ni hindi nga naman pala nagbigay ng assurance ang babae edi mas lalong walang saysay kung maghihintay talaga si Arakiel sa kaniya.
Love nga naman, hope not to experience that kind of love.
*********
"They are from the Rose Guild, galing sa bansa ng Roha. There are two guilds every country na siyang pinamumunuan ng mga malalakas na nilalang na siyang ngayon ko lang din nalaman. Sa balitang nakalap ko sa pagpunta sa Roha, the Rose Guild is against sa mga paniniwala ng Hari at Reyna ng Roha. Ayaw nila sa pamamaraan ng pamumuno ng mga ito sa kanilang bansa so they were also entitled as the Guild of Rebels. Kahit ganoon sila ay takot parin ang halos lahat sa kanila dahil sa lakas ng kanilang grupo kaya hindi sila pinaparusahan ng nakakataas." Luna explained, we are now here in my house at exactly in the dining area having a serious discussions. I gathered them for serious matter reports.
Wait? Guilds? Mayroon palang gano'n dito? When I was in human world, may nababasa ako sa mga manga o napapanood sa anime na ang guild ay isang org kung saan they accept mission to earn money. They also do businesses so that they can gain popularity and made their name stronger than their powers. Ewan ko nalang kung same ba dito at tiyaka masarap kasi pakinggan kapag kinakatakutan ang pangalan mo, at mas lalong masarap pakinggan kapag ang mga inferiors ay sumasamba sa'yo. That's how life works even in politics. Psh!
They are rebels and trying to escape from their country? Ang mga nilalang na 'yon na nakalaban namin, they are planning to take over our place because they are already neglected. Or pinili talaga nilang maging neglected kasi alam naman nilang kaya nilang mamuhay na sila lang?
"Takot ba ang Hari at Reyna sa guild na 'yon?" Sol asked. The leaders are here together with Luna and Seraphim. Si Ruthven naman ay maagang natulog pagkatapos niyang kumain, ilang araw na pero gusto ko ng matulog dito. I was just avoiding issues, baka akalain nila na may pagtingin ako sa lalaking 'yon eh wala naman! Hmp!
"I heard na kada bansa, may isang Demon God o dalawa if I am not mistaken. Pero sa kaso sa bansa ng Roha, they just have one at wala ito sa Hari at Reyna o sa mga anak man lang nila." Luna replied, so she means?
"Yes, tama kayo ng hinala. Their Demon God is no other than, that Contro guy." No doubt, kaya pala hindi siya ganoon kadaling talunin. He is strong, he already swallowed five thousand plus souls for sure na siyang nagbigay sa kaniya ng malakas na kapangyarihan, at kaya din siya naging Demon God. See? He even named an Elf, Werewolf, a Vampire and an Angel.
"The other guild of Roha is also strong pero naghihintay lang sila ng utos sa kataas-taasan. They just followed their commands, at ang misyon lang ng mga Hari at Reyna ang sinusunod nila." I nodded, hmm.
"Pwede din tayong bumuo ng guild diba?" Tanong ni Arakiel.
"Yes we can, pero kailangan nating magpatayo ng isang bansa bago tayo bumuo ng guild. Ang guilds kasi ay parang isang organisasyon kung saan they are oath to protect the country." Luna replied to him na siyang ikinatango-tango naman nito.
"Madali nalang ang lahat dahil napalago na natin ang produkto, may mga inumin na din tayong ibinebenta sa bansa nila at malalaking karne galing sa atin kaya siguro hindi na gano'n kahirap gawing bansa itong lupain natin. Sinisimulan na ding buuin ang pangalawang lungsod, matagal-tagal pa itong mabubuo pero kayang-kaya nating padaliin ito kapag makikipag-trade tayo sa iba pang bansa gamit ang kanilang mas matitibay na kagamitan." Sabat ni Seraphim and she is right, I think one country is not enough for us to become more successful country soon. Kailangan mas makilala kami, mas mapalago ang mga produkto at mas palakasin ang grupo.
"Walang problema papunta sa ibang bansa, nandiyan naman ang mga taong-lobo para tumulong. Ang atin lang, mas maganda kung maraming dadalo at haharap sa ibang bansa para mas malaman natin ang pasikot-sikot nila. At para din mas malaman natin kung ano ang kailangan nila, kung ano ang kulang sa kanila o kung ano ang mabenta sa kanila." Tumango ako sa sinabi ni Medusa, siguro nga dapat maraming pumunta doon para madali lang alamin ang lahat-lahat. Sang-ayon naman si Nyctimus at tumango-tango pa, hayst but still napakaseryoso niya paring tignan. Hindi ko pa siya nakitang ngumiti!
"Ano bang mas malapit na bansa sa Roha? Wala ba silang kapitbahay na bansa?" Tanong ko sa kanila.
"Meron Master Lara, 'yon ay ang bansa ng Raja. Rinig ko noon ay iisa lang ang bansa nila pero napag-isipan nilang hatiin ito sa dalawa dahil sa sobrang laki ng lupain at sa hindi pagkakaunawaan ng mga pinuno nila. Tinatawag na Rahaya ang bansa na 'yon noon no'ng hindi pa nahahati sa dalawa ang mga bansa." Sol replied so I nodded.
Kung ganoon, mas rarami ang magiging customers kapag may isa pang bansa pa kaming pagkukuhanan ng mga kagamitan pero sana katulad sila ng Roha na agad na nakipagkasunduan.
*********
Looking at the starry night is awe-inspiring, the stars are glowing like it's a street lights in our human world because of the strange formations. The wind is so cold as I sat down here on the rooftop looking at the biggest moon I've ever seen. The moonlight seems to be hitting only me like I am having a concert on the stage where the lights were only facing me. I know it will be cold here so I went here with my Werewolf-made jacket on and not so thick Elf-made gloves.
It's been an hour after we discussed things in the dining area.
I was thingking, kamusta na kaya ang human world? Kamusta na ang pamilya ko? My brother and sister? Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko? Kamusta na ang mga taong nilait-lait ako? Are they still alive and kicking? Nagbago na kaya ang mga magulang ko because of my death? I doubt. But I hope so, I hope they treat my siblings better. 'Yon lang naman ang ikinakatakot ko, na baka tratuhin nila ang mga kapatid ko ng masama. Ayoko silang napapahamak, ayoko silang nasasaktan at ayoko silang nakikitang umiiyak. Mahal na mahal ko sila, kung may pagkakataon lang sana na makita sila kahit isang araw lang ay tatanggapin ko kaagad at sasabihin na ayos lang ako at huwag na silang mag-alala pa. Their Ate is good, may nagmamahal na din sa akin dito at kaya akong protektahan.
"It's cold here Lara, wala ka pa bang planong pumasok?" Napalingon ako sa bagong dating, Ruthven. His yawning? Akala ko ba mas active silang mga bampira sa gabi? Psh! At ano na naman 'tong suot niya! Nakapantalon lang, ni walang suot sa itaas bahagi ng katawan!
"Sabihin mo 'yan sa sarili mo, bampira. You're only wearing pants, nothing else." I just said at tumingin ulit sa kalangitan. I don't know but I am feeling something strange towards him. Sa isipan ko, parang may gusto ako sa kaniya but my heart telling me otherwise. Ang isipan ko ata ang tumitibok sa kaniya at hindi ang puso! Pwede ba 'yon? Geez!
I feel his presence next to me, he sat down. I think hindi naman tinatablan ng lamig ang mga bampira, of course they are already used to it.
Tumingin ako sa kaniya, sa pagkatingin ko ay agad akong namangha nang makita ang mukha niyang natatamaan ng ilaw galing sa buwan. His physique is not really joke, kung ipagkokompara ang mga kalalakihan dito ay nangunguna si Arakiel at sunod si Ruthven sa kaguwapuhan. His pointed nose is something that you cannot just ignore, that perfectly sculptured jaws and eyebrows, his natural red cupid's bow-like lips is seductive but at the same time, enchanting. His eyes, it's natural black but I know it change to red when he showcasing his powers. Gosh! I just remember myself kissing the hell out of him! T-That was my first kiss, and I don't think mauulit pa 'yon. Ayoko ng ulitin, hindi ko kayang isipin araw-araw na nahuhulog ako sa estranghero paring bampira na'to.
"You're looking at me like I am your subject in your investigation. What's on your mind, Lara? Care to share?" He mumbled, that was a soft and not so loud voice but it affects me a lot. Shit! Napakarupok ko talaga na pagkabading! Bakit ganito lage ang mga bading? Having a soft heart is not really easy shit! Agad-agad kaming nakukuha sa tingin, sa sweet na gestures at sa kahit simpleng mga salita lang ay malaking epekto na! Kaya kami naloloko eh!
"I just want to know if when will you tell me where you came from? Is it hard for you to trust me and my comrades? Ilang buwan na ah?" I gently asked, iniwas ko kaagad ang mga tingin ko sa kaniya at tumingin sa ibaba kung saan tanaw na tanaw ko ang mga bahay ng bawat nilalang. Isang bayan na'to katulad ng sa amin sa human world, malaki at maespasyo na. Sa likuran ko kasi ay ang kastilyo na pinagawa ko, it's literally huge na parang aabot na sa langit. Malapit na din itong matapos, ang sa tuktok nalang at ang magiging kulay nito.
"If I'll tell you, do you think that I can still be here with you?" Nagulat naman ako sa sagot niya. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at nanatiling nakatingin sa ibaba.
"Kapag sinabi ko ba sa'yo ang lahat, hahayaan mo pa rin ba akong manatili dito?" Ngayon, tumingin na ako sa kaniya at kita ko sa mga mata niya ang kakaibang emosyon. It looks like he is sad, hindi ako nagkakamali! Parang malungkot siya! His eyes, hindi nagsisinungaling ang mga mata!
"Nanatili akong tahimik dahil sa gusto kong maging normal lang muna, gusto ko munang magpahinga sa mga malalaking responsibilidad. Gusto kong walang ibang-iniisip kundi ang sarili ko lang muna, and that, I found you here. Sa paglalakbay na 'yon, I encountered a lot of wild creatures but it was all worth it after I found this safe place. After I met you, Lara." The way he uttered my name, it's saccharine. It almost stopped the beating of my heart because of his mellifluous voice.
"Please, just think that I am one of your comrades. Think that I am one of your protectors. I don't want to change your perception if you'll found out who I really am. Please Lara, let me protect you in this way. It may sounds impossible but I am starting to fall for you." Huh? A-Anong sinabi niya?
"I can love you in this way, 'yong wala kang masiyadong nalalaman. 'Yong iniisip mo lang ay ang kapakanan ng lungsod na'to. Please continue being this way, and trust me. Trust me because I am your comrade, not your enemy. I-I'm in love with you, I don't care if you're a man. For me you're a girl, your body, mind and heart. And hoping someday that you'll treat me not just one of your comrades but your lover."
The fuck?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro