Chapter 7
Third Person.
Gulat ang lahat na nakatingin kay Lara na pati ang mga kasapi nito ay ganoon din. Kita nila kung paano humaba ang mga tenga nito na katulad na katulad sa mga taong-lobo, ang mga kuko nito ay ganoon din at naging matutulis ang kaniyang mga kuko. Nasaksihan din nila kung paano lumitaw ang isang buntot na kulay berde na siyang ipinagtaka ng lahat. Alam nila na siya ay naging isang taong-lobo pero bakit kakaiba ang kulay ng buntot nito?
Ang lider ng mga salamangkero ay kinabahan dahil sa kakaibang anyo ng pinuno ng mga halimaw, pinuno kung saan pinagkaisa ang iba't-ibang lahi sa iisang lupain. Minsan na siyang nakarinig ng ganito pero hindi niya alam na totoo pala. Hindi ito isang biro lamang, kundi isa itong kasaysayan na nangyayari ngayon.
"Scared?" Nakakatakot na sabi nito at hindi napigilan ng lider ng mga salamangkero ang mapalunok dahil sa kakaibang ngisi nito. Ang mga mata nitong berde ay ngayon ay kumikinang at ramdam nito ng pagbago ng kaniyang presensiya. Mas lalo itong lumakas, pakiramdam niya ay mas dumoble ang lakas nito.
Pero ang lider ng mga salamangkero ay hindi takot, sapagkat nilabanan niya ang kakaibang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung ito ba ay isang takot o kaba pero isa lang ang kaniyang iniisip, ang patayin silang lahat at angkinin ang lupain.
"Nasisiguro akong isang Demon God si Master Lara, tignan mo diba? Nag-anyong taong-lobo ang kaniyang kabuuan at alam naman natin na isa sa mga kapangyarihan ng Demon God ay ang gayahin ang kapangyarihan ng isang nilalang kapag nilunok ng kapangyarihan nito ang kanilang kapangyarihan o di kaya ang kabuuan." Biglang turan ni Sol, ang duwende. Napalingon sa kaniya ang iba pa, sina Nyctimus, Arakiel at si Ruthven.
"Naalala ko no'ng nilamon ng kapangyarihan ni Master Lara ang kabuuang ng Ama mo pareng Nyctimus. Doon niya yata nakuha ang kapangyarihan ng iyong Ama at nakaya niyang maging isang anyong taong-lobo." Sabi pa ni Sol, hindi nagsalita si Nyctimus sapagkat alam na niya na 'yon ang dahilan kung bakit nakaya ng kanilang pinuno na maging isang katulad nila. Wala na sa kaniya ang pagkamatay ng kaniyang Ama sapagkat para sa kaniya ay isa itong iresponsableng nilalang na walang kakayahang pamunuan ang kanilang lahi.
"Grabe ang pagbago ng lakas ni Master Lara, mas lalo itong nakakatakot." Sabi ng isa sa mga taong-lobo na siyang ikinatango ng halos lahat pero patuloy parin sa pakikipaglaban sa iba pang mga salamangkero.
Agad sumugod si Nyctimus nang mapansin niyang may susugod na patago sa kanilang pinuno, agad niyang pinalabas ang kaniyang espada na gawa sa tubig at sinaksak agad sa puso ang lalaking salamangkero. Tumalon naman sa likuran ni Nyctimus si Sol at agad nagpakawala ng malaking bolang apoy sa isang lalaking susugod din sa pinuno nila, bago pa nito masaksak ang kanilang pinuno ay agad itong natumba at nangisay dahil sa epekto ng kaniyang apoy. Hindi nagpahuli si Arakiel at agad inatake ang dalawang lalaking tumalon para atakihin siya, nagpalabas ito ng mga apoy pero agad din iyon naglaho dahil agad niyang ginamit ang kaniyang kapangyarihan para umatake. Nilabas ni Arakiel ang kaniyang dalawang espada na gawa sa liwanag at itinapon ito sa direksiyon ng dalawang kalaban, hindi na nila natuloy ang pag-atake nang matamaan sila sa tiyan at nawalan na ng buhay.
Habang si Ruthven naman ay isa-isang binabali ang mga ulo ng kalaban, napakabilis niya at halos hindi na siya makita ng mga kalaban. Nakakamangha ang kaniyang abilidad at halos hindi na talaga siya makita dahil sa bilis nitong kumilos. Hindi rin biro ang lakas ng kaniyang katawan, nagagawa niyang atakihin ang mga kalaban na walang kahirap-hirap na hindi ginagamitan ng kapangyarihan. Suntok o sipa, napakalakas ng epekto nito sa matatamaan.
Hindi na nagdalawang-isip pa si Lara at agad sinugod ang lider ng mga salamangkero. Nagpakawala siya ng maraming suntok na siyang agad namang iniwasan ng lalaki, tumalon pa ito ng mataas at pumatong sa isang puno. Inis namang napatingin sa kaniya si Lara at agad tumakbo ng mabilis at hinabol ang lider. Nagpakawala ng kakaibang kapangyarihan si Lara, apoy na kulay berde na siyang ikinagulat ng lider. Dahil sa gulat, hindi niya ito naiwasan at agad humiyaw sa sakit dahil sa napakainit nitong epekto sa kaniya. Agad niyang pinagaling ang sugat at masamang tinignan si Lara.
"Walang-hiya ka." Bulong ng lider at siya naman ngayon ang sumugod. Nagpakawala siya ng mga suntok pero nasasalo lang 'yon ni Lara gamit ang mga palad nito, kahit sipain pa ng malakas ng lalaki si Lara ay nakakaya parin nitong umiwas dahil sa angking bilis nito. Mas lalong nainis ang lider, nagpalabas siya ng malaking apoy at agad binato sa direksiyon ni Lara pero walang kahirap-hirap niya itong iniwasan.
"Ice arrow!" Sigaw ng lider ng mga salamangkero at agad bumulaga kay Lara ang mga palaso na gawa sa yelo. Isa-isa niya itong iniwasan pero natamaan parin siya, nadaplisan ito sa pisngi pero agad din itong gumaling na siyang mas lalong ikinainis ng lider.
"Physis!" Sigaw ng lider at biglang gumalaw at humaba ang mga sanga ng mga puno. Naging matulis ito at inatake si Lara. Napapikit na lamang si Lara dahil sa biglaang pag-atake ng mga puno pero ilang segundo ang lumipas ay siyang pinagtaka niya dahil walang tumama sa katawan niya.
"Ruthven?" Bulong ni Lara habang pinapanuod ang mga pag-atake ni Ruthven sa mga mahahabang sanga na pilit umaatake sa kanila. Parang napakadali lang sa bampira ang pagbali sa mga sanga nito, parang walang kahirap-hirap ang ginagawa nitong pagputol sa bawat sangang gustong maabot at saktan si Lara.
"Ignis!" Sigaw ni Sol at tinamaan ang mga sanga. Kumalat ito sa katawan ng isang puno hanggang sa naging uling na kahoy ang mga ito.
"Megacyma!" Sigaw din ni Nyctimus at siyang paglitaw ng malaking alon na siyang tumama sa iba pang puno. Pilit nitong inilulunod ang mga sanga hanggang sa hindi na nito makayanan pang gumalaw dahil sa malakas na enerhiya nitong siyang tumitigil sa kanila para umatake. May iba ding salamangkerong nalunod dahil sa malaking alon pero agad din iyon nawala nang tumama ito sa malakas na 'barrier' na nakapalibut sa buong nayon.
Mabilis na kumilos si Lara at agad inatake ang lider, hindi ito inalintala ang ibang atake galing sa kasamahan nito dahil nakaprotekta sa kaniya si Arakiel na ngayon ay pinapagaspas ang kaniyang pakpak para bumuo ng malakas na enerhiya galing sa hangin. Lahat ng atake na gustong tumama kay Lara ay naglalaho dahil sa hangin na kumukontrol sa bilis at bigat ng mga atake. Sinuntok ng malakas ni Lara ang lider na ikinatumba nito at nahulog galing sa puno, hindi ito nag-aksaya ng oras at agad dinaganan gamit ang siko nito na ikinaluwa ng lider ng mga salamangkero ng dugo.
Akmang kakalmutin na nito ang mukha nang may sumulpot na isang babae at agad nagpakawala ng malaking apoy sa kaniya. Hindi iyon napansin at naiwasan ni Lara kaya agad siya nitong natamaan, pumalahaw ng iyak si Lara dahil sa hapdi ng dulot ng apoy nito pero nilalabanan niya ang sakit para lang hindi siya maging kawawa tignan.
Nag-igting naman ang mga panga ng mga lider nang makitang nasaktan ang kanilang pinuno lalo na si Ruthven na ngayon ay lumiliwanag na ang kaniyang mga mata na pula.
"Kami ang harapin niyo." Napalingon ang lahat sa sinabi ng babae, kasabay noon ang pagdating ng tatlo pang babae. Nagpasalamat ang lider nila dahil sa saktong pagdating nito, kung hindi dahil sa kanila ay baka wala na itong buhay.
"You're all girl, how can you so sure that you can defeat us?" Sabi ni Ruthven na ikinatigil ng isang babae, napalingon siya sa puwesto ni Ruthven at ngumisi. Kita ng lahat kung paano naging mas pula ang mga mata nito at ang paglitaw ng kaniyang mga pangil.
Bampira? Sa isipan ni Lara habang nakatingin sa babaeng nakatingin kay Ruthven pero ang lalaki ay nakangisi na ngayon pabalik sa babaeng katulad niyang bampira.
Tumalon ng mataas si Sol at akmang aatake na sana sa isa sa mga salamangkero pero may isang babaeng humarang sa kaniya at ngumisi. Katulad niya, mahahaba din ang kaniyang tenga at ganoon din ang kulay ng mga mata nito kagaya sa kanilang lahi.
"An Elf?" Bulong ni Lara, mukhang alam na niya ang iba pang lahi sa bagong dating na mga babae.
"Psh, huwag kayong makialam mga babae." Malamig na turan ni Nyctimus na siyang ikinatawa ng isa pang babae. Napakunot ang noo ng lalaki habang nakatingin sa babaeng parang baliw dahil sa tawa ito ng tawa. Naaamoy ni Nyctimus ang kabuuan nito at hindi siya nagkakamali, isa din itong taong-lobo.
"Mukhang matutuwa akong kalabanin ang isang 'to, Master Contro." Tatawa paring turan ng babaeng taong-lobo, napailing nalang ang lider nila na nagngangalang Contro at hinay-hinay na tumayo.
"Ayos ka lang ba, Master?" Tanong ng babaeng nagligtas sa kaniya, ang umatake kay Lara.
"Ayos lang ako, salamat sa'yo Heraphim." Pagpapasalamat nito sa babae, sa kabilang gilid naman ay tulala lang na nakatingin si Arakiel sa babae na ngayo'y seryoso ng nakatingin din sa kaniya.
"H-Heraphim? May p-pangalan ka na?" Hindi napigilang tanong ni Arakiel sa kaniya, hindi siya pinansin nito sapagkat nakatuon lang ang kaniyang mga mata sa pinuno nila, kay Lara.
"Hinding-hindi namin hahayaang saktan niyo ang pinuno namin." Seryoso nitong turan na siyang nagpangisi kay Lara, agad nagliwanag ang kaniyang buong katawan ng berde at lahat ng sakit at hapdi ay biglang naglaho.
"So it is okay for you to hurt my comrades? At sakupin ang lupaing pinangarap naming buuin?" Ngising turan ni Lara, sa ngisi na iyon ay uminit ang ulo ng mga kababaihan na parang hindi nila gusto si Lara. Ramdam na ramdam 'yon ni Lara kaya natatawa nalang siyang napaisip.
Women really hate gays when it comes to men. Sa isipan nito.
"Bumalik na kayo sa lugar kung saan kayo nanggaling kung ayaw niyong masaktan. Bibigyan namin kayo ng pagkakataon na lumisan sa lupain namin." Sabi ni Sol pero ngumisi lang sa kaniya ang babaeng kaharap niya.
"Walang ibang umuutos kay Draza kundi ang kaniyang pinuno lamang." Walang pakialam si Sol sa pangalan ng babaeng katulad niyang duwende kahit ilang beses pa nitong gustong banggitin, pero ang kaniya lang ay gusto niyang maging payapa ang lugar na ito. Sa taon-taon nilang paglalaban ng kaniyang mga kalahi sa mga nilalang na gusto silang patayin, ay natutunan nilang maging magpakumbaba at walang iniisip pang iba kundi ang katahimikan lamang ng kanilang buhay. Gusto nilang makamit ang payapang pamumuhay at laking pasasalamat nila na dumating sa buhay nila ang kanilang pinuno.
"Ignis!" Biglang sigaw ni Heraphim, ang isa ring anghel. Pero agad pumaharap si Arakiel at sinangga ang atake nito na siyang tatama sana kay Lara.
"H-Hindi ko alam na nandito ka rin. P-Paano ka napunta dito at nabigyan ng pangalan?" Kuryos na tanong ni Arakiel sa babae pero hindi siya nito pinakinggan at agad siya nitong pinaulanan ng suntok at sipa. Sabay pang lumabas ang kani-kanilang pakpak at naglaban sa ere.
"Ang Contro na'to, ay hindi bihira. He even named those strong creatures like what I did to my comrades." Bulong ni Lara, hindi niya napansin na papalapit na ang isang salamangkero sa kaniya pero bago pa ito makagawa ng anumang kilos ay agad na itong sinipa ng malakas ni Ruthven na ikinatalon sa gulat ni Lara. Taka siyang napatingin dito at sa lalaking sinipa niya ng malakas na ngayo'y wala ng malay.
"You okay?" Alalang tanong ni Ruthven, tumango naman si Lara pero napasigaw ito nang tumalsik ang lalaki dahil sa malakas na suntok ng isang babae. Ang babaeng bampira. Inis niya itong tinignan sa mga mata at akmang aatakihin nang mabigla na naman ito dahil sa pagsulpot ni Ruthven sa harapan niya.
"You really love to scare me huh?" Bulong ni Lara, narinig iyon ni Ruthven pero hindi niya na ito pinansin pa. Pokus siyang nakatingin sa babaeng nakangising nakatingin sa kaniya. Hindi na nag-aksaya ng oras si Ruthven at agad sinugod ang babae, sinuntok niya ito ng malakas pero nasangga naman iyon ng babae pero halatang nasaktan ito dahil sa lakas.
"Hmm, isang taong-lobo. Hi, ako nga pala si Nera. Katulad mo ay pina—" Hindi na natapos ng babae ang kaniyang sasabihin sana nang bigla nalang umatake si Nyctimus. Hindi niya gusto ang matinis nitong boses, naiirita siya kaya agad niya itong sinuntok ng malakas kahit babae pa ito. Nainis naman ang babaeng taong-lobo na si Nera at biglang nag-anyong halimaw, ganoon din si Nyctimus. Nagpalitan sila ng suntok, kalmot at sipa, hanggang sa halos hindi na sila makita pa dahil sa bilis ng kilos nilang dalawa sa pakikipaglaban.
Napalingon si Lara sa mga nakahandusay na mga kalaban, nakita niya ring marami ring nasaktan sa kakampi niya pero hindi naman ito nawalan ng buhay. Alam niyang malalakas ito dahil sa ensayo na ibinigay sa kanila, at malakas din ang kapangyarihan na nakuha nila galing sa kaniya kaya sigurado siyang kayang-kaya nilang lumaban.
Nagulat din siya kanina nang maging isang taong-lobo siya, narinig niya kanina kay Sol na baka ito ang naging resulta nang lamunin ng kapangyarihan niya ang isang taong-lobo noon kaya nakakaya niyang maging katulad nila. Napalingon ulit siya sa mga salamangkero na bangkay na ngayon kaya agad siyang may naisip.
Pinakiramdam niya ang buo niyang katawan hanggang sa may nararamdaman siyang kakaibang enerhiya na gustong kumawala. Napalingon sa kaniya ang lahat dahil sa paglutang nito sa ere habang ang mga mata nito ay nakapikit. May iilang sumugod pero hindi nila ito malapitan dahil sa malakas na puwersa na umaatake sa kanila galing sa kapangyarihan ni Lara.
Ilang segundo nang maramdaman ni Lara na parang gusto na talagang kumawala ng pambihirang lakas sa kaniyang katawan kaya napadilat siya at ibinigkas ang pamilyar na salita.
"Deglutition!" Sigaw nito at may kumawala na parang itim na usok galing sa kaniyang katawan at agad itong kumalat. Natigil ang lahat sa pakikipaglaban at napapikit dahil sa kakaibang amoy ng usok. Agad lumipad ng mataas si Arakiel para makaiwas sa usok, si Nyctimus naman ay gumawa ng water barrier para makaiwas din, si Sol naman ay gumawa ng kaniyang sariling usok kung saan kaya niyang huminga doon na hindi nasasaktan at si Ruthven naman ay pumatong sa isa sa mga puno kung saan hindi abot ng kapangyarihan ni Lara.
Kumalat ang buong usok at nilamon ang mga patay na katawan ng mga salamangkero, habang ang mga natitira nitong mga kakampi ay nawawalan na ng hininga dahil sa kakaibang usok na pumapasok na sa kani-kanilang sistema hanggang sa lamunin na sila lahat. Ang kakampi naman ni Lara ay natutunan ding gumawa ng mga barrier kaya hindi sila nasaktan ng kapangyarihan nito. Ang mga kalaban na kababaihan naman ay kaniya-kaniyang paggawa ng kani-kanilang barrier para mailigtas ang kanilang pinuno.
Ilang segundo ay agad naglaho ang malaking usok, kasabay noon ang pagkawala ng mga salamangkero. Naiwan na lamang ang mga babae at kanilang pinuno na ngayo'y gulat na gulat.
Agad naramdaman ni Lara ang hindi pamilyar na lakas na siyang sumapi sa kaniyang katawan, parang isang pagkain na inalay sa kaniya na siyang ikinabusog niya ng labis. Pakiramdam niya ay mas lumakas pa siya, pakiramdam niya parang kaya niya ng lumaban ng mag-isa dahil sa mga nakuhang kapangyarihan galing sa kalaban.
Napansin ni Ruthven na nanghihina na ang mga kababaihan maliban sa babaeng bampirang katulad niya pero makikita sa ekspresiyon ng mga ito na kayang-kaya at gustong-gusto pa nilang lumaban. Pero ang mga kasamahan niya ay nanghihina na, sina Sol at Nyctimus na malalim na ang paghinga habang si Arakiel naman ay nakaupo na sa lupa habang ang mga pakpak nito ay parang wala ng lakas para lumipad.
*******
Laros/Lara.
My leaders are now out of air, napakalalim na ng paghinga nila while Ruthven ay parang wala man lang galos o di kaya paghihirap sa paghinga. I can say that those women are strong, kayang-kaya nilang tapatan ang lakas ng mga kalalakihan.
After my power swallowed those bodies, I suddenly felt the increasing power inside my body. I look at their leader who is now madly looking at me. Habang ang mga kababaihan na kakampi niya ay nasa harap niya, ready to protect him at all cost.
"Anong ginawa mo sa mga kasamahan ko?" Their leader shouted, I just smirked. Kanina, napaka jerk niya tapos ngayon ay para na siyang tuta begging na mabigyan ng pagkain? Ayan ang napapala sa mga taong walang ibang ginawa kundi saktan ang iba na wala namang kasalanan! Gustong angkinin ang mga bagay na alam nitong may nagmamay-ari na!
"My power ate them, their powers, energies and their bodies. You wanted to kill us? Then let me do it first and viola!" I replied, mas lalo kong naramdaman ang tensyon ng mga babae habang masama silang nakatingin sa akin. Girls, ako lang 'to!
Sa inaasahan, those girls attacked me. Sabay-sabay silang umatake, akmang susugod na rin ang mga leaders ko ng biglang nagkaroon ng lightwall sa harapan namin na ikinatigil ng mga babae. Kahit ang mga kakampi ko ay natigilan din dahil sa init ng liwanag na ngayo'y unti-unti ng naglalaho.
"Hayaan niyong ako ang tumapos nito, Master Lara. Mukhang madali na lamang ito dahil sila ay nanghihina na, ano pa ba ang laban nila? Marami pa tayo, ni hindi man lang nabawasan ang kupunan natin habang lima na lamang silang natitira. Mukhang mali sila ng sasakupin." Napalingon kaming lahat sa bagong dating na si Medusa, she is walking slowly but at the same time, observing the enemies like it is her prey. That's my girl! Grabe gumawa ng eksena itong babaitang 'to! Natalo pa beauty ko sa entrance niyang mala red carpet fashion events ang datingan!
Seryosong napatingin sa kaniya ang lima, pilit na inoobserbahan at sinusuri kung anong klase itong nilalang.
Malakas ang dating ni Medusa at nagulat ako dahil sa kitang-kita ngayon ang ginintuang kulay ng kaniyang balat na ahas. She smirked towards them na ikinalunok ng lider, siguro alam niya na kung anong klaseng nilalang si Medusa.
"I-Isang Serpentes?" Gulat na utal na sabi ng lider nila, nanlaki din ang mga mata ng kababaihan dahil sa napagtanto. Serpentes is one of the strongest creatures sa mundo ng Maria, and I think they already knew it. And I am still curious kung sinong Demon God ang gumawa kay Medusa.
"May isang minuto kayo para umalis at iligtas ang mga sarili niyo habang mabait pa ang pakikitungo ko sa inyo. Alam niyo namang hindi magandang galitin ang mga Serpentes hindi ba? Kaya ngayon, kung gusto niyo pang mabuhay, umalis na kayo sa lupaing ito at huwag na huwag nang babalik pa. Naiintindihan niyo ba?" Parang asong tumango-tango ang lider nila habang ang mga kababaihan nitong kasama ay wala ng nagawa at kaagad silang tumakbo papaalis na siyang ikinanganga ko nalang.
Sana pala sinama ko na kanina pa si Medusa, edi hindi na sana napagod beauty ko. Hayst.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro