Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Laros/Lara.

Ang mundo ay puno ng mga bagay-bagay na hindi natin alam kung magbibigay ba ng saya, lungkot o galit sa atin. Minsan kasi, binibigyan tayo ng mga pagsubok na kailangan nating lagpasan gamit ang iba't-ibang emosyon natin sa buhay. Nakukuha nating sumaya sa bagay na alam nating masama, maging malungkot sa bagay na siyang nagbibigay sa atin ng katotohanan o di kaya galit dahil sa akala nating pagkakatiwalaan, ay hindi naman pala napagkakatiwalaan. It sounds so tiring pero ganoon talaga ang buhay, we have to strive to live.

Nandito ako ngayon sa bahay, kumakain mag-isa. Iniisip kung ano ang gagawin sa sinabi ni Ruthven noong nakaraang linggo. It is still in my mind and anytime na gusto ko siyang kalimutan sa utak ko, mas lalo akong napapaisip kung paano ko sasabihin sa kaniya ang gusto kong sabihin. Parang tattoo ang sinabi niya na hindi na mabura-bura pa, nakakainis dahil baka ako lang ang nagkakaganito. Bakit pa kasi niya sinabi ang mga ganoong klaseng salita? It is giving me mix signals at ayoko no'n! Baka umasa ako! I know na marupok lang akong klaseng tao pero hindi ko kakayanin kapag mas lalong lumalim itong ewan na feelings na'to. I don't know if I like him, sa ilang araw niyang pananatili dito ay parang natutunan ko nalang na makisama.

My mind is telling me to stop but my heart says otherwise.

Nasa kwarto ko si Ruthven at ilang araw na naman siyang hindi lumabas, hindi din naman kasi ako kumibo after he said those words to me. It's kinda lie to me, there's part of me that he was just using my weaknesses so that he can take advantage on me. Baka may balak siya, baka gusto niya akong itumba diba? Hayst, itong pagiging delulu ko talaga ay hindi ko na minsan naiintindihan!

"Master Lara." Napalingon ako sa lalaking pumasok, I smiled to him after his wings disappeared just in instant. He smiled to me at lumapit, he bowed his head and raised it again.

The three Angels decided to become my people, will help me in everything and protect me from the people who wants to hurt me. And they oath that they will also protect the village sapagkat ito na ang magiging tahanan nila. At ang kapalit naman no'n ay ang pagpangalan ko sa kanilang tatlo, they are so strong kaya halos limang araw din akong tulog. Mabuti nalang ay parang nasanay na ang katawan ko kaya hindi na umaabot ng isa o dalawang linggo ang pagpapahinga ng katawan ko.

The Elves made them houses, isa-isa ko silang pinagawan at tuwang-tuwa sila do'n. Gusto nila ng kama na may malambot na foam kaya 'yon din ang ibinigay ko sa kanila. They are so happy kaya wala akong ginawa kundi ngumiti nalang sa kanila no'n, they knew from the beginning that I am kind which is true naman. Nagagawa narin nilang maitago ang kani-kanilang pakpak na siyang mas ikinatuwa nila, it is kinda heavy daw kaya nang mapangalanan sila ay natuwa sila nang makaya nilang itago ang kani-kanilang pakpak.

"Arakiel, how's your day?" I humbly asked.

"Ayos lang Master Lara at sana kayo din." Balik niyang sabi, napabuntong-hininga nalang ako dahil hindi talaga maganda ang araw ko ngayon at bukas at susunod pang bukas kapag lage kong iisipin ang sinabi ni Ruthven.

"Kamusta naman sina Seraphim at Chirubim?" I asked again just to kill the time.

"Nagroronda parin sa itaas at tinitignan kung malaki pa ang lupa na pwede nating gamitin. At nandito ako para sabihin na masiyado pang malaki ang lupain dito, kayang-kaya ninyong bumuo ng isang bansa." Napangiti naman ako sa report niya, I made them as the guards of the sky. Sila ang magiging tagabantay sa itaas at alamin kung meron bang kakaibang nagaganap sa ibang parte ng lupain o di kaya malapit sa Mystic Emerald.

"Mabuti." Sambit ko nalang pero napansin kong parang may gusto pa siyang sabihin sa akin.

"Sabihin mo na, Arakiel." Ngiti kong sambit na siyang ikinagulat niya ng bahagya pero tumango naman siya.

"Gusto ko sanang humingi ng pahintulot kung pupuwede bang magpahinga muna sana ang aking kapatid na si Seraphim sa pagtatrabaho? Ngayon ko lang alam na buntis siya, Master Lara. Magdadalawang-buwan na itong buntis pero hindi niya nasabi dahil sa natatakot itong malaman ng mga Diyos at Diyosa sa itaas." Agad akong napatayo dahil sa sinabi niya. Oh my God! Seraphim is pregnant!

"Call her! Oh my gosh bakit ngayon ko lang 'to nalaman? Pagpahingahin niyo si Seraphim nang hindi mapaano ang bata sa sinapupunan niya! Jusko Arakiel, tawagin mo ang kapatid mo." Napa-panick na ako jusko, buntis pala si amega tapos pinag-work ko pa.

"Bago po ako pumunta dito, sinabihan ko siya na magpahinga muna dahil siya ay buntis at baka sobrang mapagod. At ang bata, hindi puwede itong malaman ng nasa itaas. Isang Diyos ang nakabuntis kay Seraphim, Master Lara." Halos himatayin ako dahil sa ibinunyag ni Arakiel kaya mas lalo akong nataranta. Agad akong lumayo sa lamesa at agad lumabas ng bahay.

Jusko! A God impregnate an Angel? Is that even possible?

"Arakiel, fetch her and bring her to me. Hihintayin ko siya dito sa labas ng bahay ngayon na!" I shouted, he bowed his head before his wings appeared. It flaps until he flew away. Gosh! Ang aga-aga na stress na ako agad! At tiyaka mabuti 'yon dahil may bata na naman akong hihintayin!

"What's with the loud voice, Lara?" Sa boses palang niya ay kilalang-kilala na siya ng puso ko. Hayst, Am I inlove? Hindi puwede! Lumingon ako sa kaniya at matapang siyang hinarap pero halos mabulunan ako dahil sa naka topless lang siyang lumabas ng bahay! Buysit! Ano nalang ang sasabihin ng iba kung makita siyang nakahubad tapos galing pa talaga kami sa loob? Bakit pa kasi ngayon pa niya naisipang lumabas? Nananadya ba talaga 'tong bampira na 'to?

"Magdamit ka Ruthven, ayokong nakikita kang nakahubad sa harapan ng marami." Pinilit kong maging seryoso at halos mautal pa ako sa sinabi ko but he just smirked to me.

"Hindi pa tayo pero napaka-possessive mo na Lara. Hindi mo naman kailangan magselos sa mga nakakakita, sa'yo lang 'to." Hayop! Nakakahiya! Ang lakas pa ng boses ng buysit! Mukhang pakiramdam ko ay namumula na ang buo kong mukha dahil nakaramdam na ako ng init! A-Ano na naman ba 'tong pinagsasabi niya?

"Umayos ka nga Ruthven!" Sigaw ko sa kaniya, at nabigla nalang ako nang may malaking espada nang nakatutok sa kaniyang leeg, dalawang kamay na may matutulis na kuko sa kaniyang bandang puso at isang maliit na kutsilyo na nakatutok sa kaniyang mga mata.

"W-What the fuck?" Usal ni Ruthven nang makitang sina Sol, Medusa at Nyctimus na handa na siyang patayin kahit anong oras.

"Wala kang karapatan para maging siga dito, bampira." Sol uttered.

"Isang maling galaw mo lang, mawawalan ka ng hininga." Medusa seriously mumbled but I still heard it. Nyctimus remained silent as he give Ruthven deadly stares. Kita kong kinabahan ang bampira pero parang isa talaga siyang siraulo, nagawa pa niyang ngumisi sa harapan ng tatlo.

Akmang tatakas na sana siya sa puwesto niya nang may isa pang espadang nakatutok sa kaniyang sentido mula sa likuran nito.

"Alam ko na kung bakit may galit itong tatlo sa'yo, bampira. Masiyadong malaki ang ulo mo." Arakiel butt in while Seraphim and Chirubim are still flying but not that far from the ground.

"Guys, ilayo niyo ang mga sandata niyong 'yan sa kaniya. We are just having a conversation kaya huwag kayo mag-alala." I said, nagdadalawang-isip pa sila kung susundin nila ako pero sa huli ay bumuntong-hininga na lamang sila at lumayo kay Ruthven. Bumaba naman sina Chirubim at Seraphim at agad din nagbigay galang sa akin, they both bowed their heads to me.

"Ruthven, pumasok ka na sa loob. Huwag ka na munang lumabas." He just hissed at naglakad papasok ng bahay.

Tumingin naman ako sa mga lider at kay Chirubim, sinenyasan silang umalis na sa harapan ko. They bowed their heads first before they go. Tumingin ako kay Seraphim at dinala siya sa fountain, umupo ako at ganoon din ang ginawa niya.

"Seraphim, you have to stop working muna lalo na't buntis ka. You have to take care of your baby okay? Lalo na't isang Diyos pala ang Ama ng dinadala mo." Hindi na siya nagulat pa sa nalaman ko dahil for sure Arakiel already remind her, and she just smiled. She is very beautiful, magandang-maganda talaga siya. Ganoon din ang isa niyang kapatid  na babae. We gave to keep it as our big secret dahil hindi ito maliit na sitwasyon lamang! That's baby's dad is a freakin' God!

"Kaya ko pa naman po sana, hindi ko lang maatim na ang lahat ay nagtatrabaho para mapalaki ang lupain habang ako ay nagpapahinga lamang." She is just so kind, she knows how to put herself into the right place kahit hindi siya pinagsasabihan. At ganiyan dapat isa sa mga magagandang katangian ng isang babae! Like me! Chos!

"No, they'll probably understand you dahil buntis ka. It's two months already na pala 'yang tiyan mo so you must be careful of yourself okay? Pahinga ka lang muna sa bahay, if bored then labas-labas. I will forbid you to use your wings muna para hindi maalog si baby okay? Please, just rest." Kahit ayaw niya, for sure napilitan siyang um-oo kaya napailing nalang ako.

"Okay, if you really want to work then bibigyan kita ng light na work. You can help Medusa to check every workers if they are doing good, is that okay? Personal assistant ka muna niya while you are still pregnant." Agad naman lumiwanag ang mukha niya and immediately nodded kaya natawa nalang ako. 'Tong babaeng 'to talaga!

"Salamat Master Lara, gagampanan ko ng maayos ang trabaho ko." She said, I nodded to her and gave her a hug. I touched her belly and smiled.

Probably I'll be the one who will give a name for this baby. And I'm excited!

*******

This day is so busy, rush day! Araw ngayon ng pag-aani ng gulay, bigas at prutas, pagkakatay ng mga karne at ang pagrush ng mga damit para sa trading system. Ibang kababaihan naman ay nakagawa na ng mga alcoholic drinks kaya natuwa naman ako kaagad, agad din naman itinatapos ng ibang taong lobo at duwende ang mga walls. Tiyaka, they are starting to build the base of our very own castle. Nagsisimula na silang itayo ang kastilyo!

They are so busy, lahat seryoso at ayaw padistorbo. Si Medusa ay maayos na tinuturuan si Seraphim na alam kong agad niyang maiintindihan dahil magaling diyan ang ahas. Si Sol na siyang lider sa paggawa ng kastilyo ay napakaseryoso ngayong tinuturuan at gina-guide ang ibang workers. Nyctimus is giving advice and words sa ibang taong lobo na siyang ina-sign niya to guard the surroundings in and outside of the Mystic Emerald. Lastly, Arakiel is giving signals to the others to make sure that it's safe at walang kakaibang nangyayari sa labas o loob ng village.

Pagkatapos ng paggawa ng wall, magiging isa ng town ang Mystic Emerald. And I am planning na simulan na ang pangalawang lungsod. I heard Luna already received the cements, she clearly list all the things that we needed and what we are lacking here in the village. Napansin ko na pinalaki na rin ang kuweba where all the important materials are planted there and I heard Medusa laid two eggs there at hinihintay nalang na mapisa. That's cool! She is having children kahit wala siyang asawa! That's empowerment! We don't need boys sa buhay natin para maging masaya noh!

Pero sinong niloloko ko?

Napansin kong mabilis na bumaba si Arakiel at agad humarap sa akin, he bowed his head first and inhaled deeply.

"May namataan akong grupo ng kalalakihan na may dala-dalang mga armas, Master Lara. Sigurado akong papunta sila dito sa ating lupain." He reported kaya naalerto agad ako. He sounds so serious kaya alam kong hindi ito basta-basta.

"Are they humans?" I asked.

"Hindi, isa silang mga salamangkero. Mga taong natutunang magkaroon ng kapangyarihan gamit ang pagnakaw sa lakas ng mga nilalang." Pwede ba 'yon? They can steal creatures' strength that gives them powers?

"Ihanda ang mga kalalakihan, papasukin ang mga kababaihan sa kani-kanilang tahanan." He nodded at lumipad sa ere, he created light balls and threw it to the sky giving the others a signal.

Ang kanang kamay ko ay binalutan agad ng apoy hanggang sa naging espada ito. Ang kaliwa ko namang kamay ay binalutan ng tubig hanggang sa naging espada rin ito. And after a minute, the leaders of each tribe are now in my front.

"Medusa, bantayan ninyo ni Luna ang mga kababaihan lalong-lalo na ang mga buntis at ang mga bata. Sol, ready your strongest men to be the back liners and prepare their weapons. Nyctimus, prepare your pact and be the front liners. Arakiel, be my right hand and protect me at all cost." They all nodded in unison.

"I'll help." Jesus Ruthven! Lumingon ako sa kaniya but unlike kanina, I can sense that he is dead serious. His stares, bumalik ang dati niyang mga tingin noong una naming pagkikita. It's cold, and deadly. Napansin ko ang mga lider na hindi sila sang-ayon pero nakatingin lang sila sa akin at hinihintay ang magiging pasya ko. I just sigh.

"I'll be your left hand. And I'll protect you at all cost." He added. That's it! I'll let him fight with us pero ngayon lang! Ayokong magkautang na loob sa kaniya!

"Fine!" I finally gave up! He is too gorgeous sa paningin ko kaya hindi ko kayang hindi siya payagan lumaban. I can't resist his fucking charms! Ano ba 'yan!

"Prepare!" I shouted at agad lumabas ang mga taong lobo na pinapangunahan ni Nyctimus, sumunod naman kami agad nina Ruthven at ni Arakiel. Nasa likuran namin ang mga duwende na pinapangunahan ni Sol. Pagkalabas namin ng malaking gate ay agad din naming natanaw ang mga imahe na papalapit sa amin. Kinakabahan man pero kailangan kong iligtas ang magiging lungsod na ito. This is our safe place, at hinding-hindi ko hahayaan na masira ito at mapahamak ang mga tao ko! Hindi ko hahayaan na kunin nila ang pangarap naming malapit ng mabuo!

Hanggang sa matanaw na namin ang kani-kanilang mga mukha na ngayon ay nakangisi ng nakatingin sa amin lalo na ang nangunguna sa kanilang grupo. He is smirking like an idiot, may hiwa sa kaniyang kanang kilay at ang mga nata nitong kulay asul. Malaki ang pangangatawan at matangkad, malakas ang presensiya kaya alam kong hindi biro ang kaniyang pagpunta dito. He has unimaginable blue hair, unexplainable clothes and unpredictable plans. Ano ang pakay niya dito?

"Hmmm, mukhang malaking-malaki ang lupain dito. Tignan mo nga naman, nakapagpatayo na ng malaking nayon." Sabi ng lalaki, siguro he is the leader of his group. I notice no woman on his team, they are all boys and I can say that their auras are no joke.

"Anong kailangan mo? Bakit kayo nandito sa lupain namin?" I asked gently, ayokong ako ang magsisimula ng laban.

"Ano pa nga ba? And patayin kayo." Nagngitngit ang mga ngipin ko sa sinabi niya. What? Kill us?  He just laughed of what he said but none of us laugh with him. Masama lang siya naming tinignan sa mga mata.

"Nakita ng kasamahan ko ang biglaang pag-usbong ng isang nayon malapit dito, hindi ko naman alam na ganito kalaki at karami ang nakatira dito. Siguro, nasa loob ang mga kababaihan at nagtatago noh?" I clenched my fists because of what he said. I don't like the tone of his voice, he is fucking jerk! Mas malala pa siya kay Ruthven!

Hindi ko naman alam na kahit bantay sarado ang nayon namin, may makakalusot parin talagang kalaban. Hmm, hindi nga talaga sila isang biro.

"Ano pa bang hinihintay natin? Sugurin sila!" Sigaw ng lider nila at agad sumugod ang mga lalaki bitbit ang kani-kanilang sandata.

My water and fire swords appeared and ready myself to fight.

"Protect Mystic Emerald!" I shouted and they all scream! Tumakbo ako ng mabilis at agad iwinasiwas ang mga sandata ko na siyang ikinaatras ng ibang kalaban.

Agad kong sinangga ang espada ng isang lalaki at tinulak siya gamit ang mga sandata ko. He fell kaya agad akong nagpalabas ng apoy sa sandata ko.

"Fire ball!" I shouted, nawalan agad siya ng malay after my fire ball hit him. May isa pang lalaking sumugod sa akin but before he hits me, Ruthven kick him hard and punch his neck. Nangisay naman ito kaagad na siyang ikinapikit ko, that's very bad. That's literally hurts!

"Argh!" I grown because of something hit my back. Napaluhod ako kasabay no'n ang pagkawala ng mga sandata ko. Ininda ko ang sakit sa tuhod dahil sa mga maliliit na batong tumama.

"Master Lara!"

"Lara!"

Napalingon ako sa may gawa no'n at ito ang leader nila na ngayo'y nakangisi paring nakatingin sa akin.

"Ikaw ang pinuno nila kaya ikaw ang uunahin ko. Nakakapagtaka lang na ang isang taong lobo ay kaya ng mag-anyong tao, mga duwende na malakas ng lumaban, isang pambihirang bampira, at isang anghel sa iyong kupunan? Mukhang mas maganda kung ako ang magiging pinuno nila diba? Kahit alam kong kakaiba ka rin dahil sa pagkontrol mo sa dalawang elemento, pero hindi no'n matatabunan ang katotohanan na mahina ka parin." He stated, and I'm insulted. The fuck? He is treating me a weak dahil lang napatumba niya ako? Baka hindi niya alam na ako ang pinuno ng lahat? Pinuno ako at ako ang pinakamalakas sa lahat dito!

Dahil sa galit ko, hindi ko namalayan na unti-unti na palang nagbabago ang buong katawan ko. I feel something strange in my body, it's like there's something tickling inside me. Mukhang may nagbabago sa loob at labas ng katawan ko. Sa isang iglap, mas lalong tumalas ang paningin ko at mas lalong tumalas ang pandinig ko. I feel so strong right now, napatingin ako sa kamay ko nang mapansing mahaba at matutulis na ang mga kuko ko. At dahil sa biglaang pagtalas ng mga mata ko ay nakita ko sa mga mata niya ang paghaba ng mga tenga ko, ang pagkaroon ko ng mga pangil at ang pagsulpot ng mahabang berdeng buntot sa likuran ko.

Kita kong nagulat siya sa pagbago ng anyo ko na siyang ikinaatras niya ng kaunti pero alam kong nilalabanan niya ang kaba na nararamdaman niya ngayon. Ngayon, ako naman ang ngumisi sa kaniya.

"K-Kaya mo ring maging taong lobo? Pero bakit kakaiba ang itsura mo?" I don't know but I don't care, I may look like a Werewolf right now but my goal is to kill them all.

"Scared?" I playfully said.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro