Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Laros/Lara.

Lahat ng mga natutulog ay nabulabog dahil sa dali² naming pagbukas ng malaking gate papasok sa loob. Lahat sila ay takang-taka sa mga bitbit ng kasama ko, ang iba naman ay parang may gulat sa kani-kanilang mga ekspresiyon dahil sa nasasaksihan. I don't know how strong Nyctimus is after I named him but damn, nakaya niyang buhatin ang tatlong mga anghel na wala ng mga malay dahil sa mga natamo nilang sugat sa katawan at kani-kanilang mga pakpak.

"Lahat ng mga manggagamot, gamutin ang mga panauhin. Nyctimus, put them down in one of the elves' available house at papuntahin ang mga manggagamot doon." He nodded to me kaya agad din akong tumango, kumilos din naman kaagad ang iba pa at agad dinalo ang mga anghel sa isa sa mga bahay ng mga duwende na wala pang nakatira. All the healers run and make their move, isa-isa ko silang nakitang pumasok sa bahay at namangha naman ako ng saglit nang makita kong napakarami na nilang manggagamot.

"Anong nangyari Master Lara?" Napalingon ako kay Medusa, kasama na nito sina Sol at Luna na pawang bagong gising lamang dahil sa pagkasingkit ng kani-kanilang mga mata. Sol even yawned habang nakatingin sa kung saan pumapasok ang mga healers.

"May tatlong anghel ang nagtangkang sirain ang village natin but we stopped them immediately ni Nyctimus. Thanks to his senses, agad niyang nalaman kung saan nanggagaling ang kani-kanilang presensiya. They said, kanila dapat ang lupa na ito at sila ang nauna. Do you know some informations about this Sol? Luna?" Litaniya ko.

"As far as I remember Master Lara, tatlong anghel lamang ang pabalik-balik sa lupain na ito at palaging inaangkin pero nagagawa din namin silang linlangin. Wala na rin pa akong ibang narinig mula sa kanila, I just noticed that everytime they checked this land ay lagi silang may mga tamong sugat." Napatango ako sa sinabi ni Luna at agad napatingin sa bahay kung saan sila ipinasok. The healer must be healing them now, sa dami ba naman nila ay alam kong magagawa nilang gamutin ang mga sugat ng mga anghel na 'yon.

"Master Lara, malalakas ang mga anghel na 'yon sapagkat sa pagkakaalam ko ay sugo sila ng mga Diyos at Diyosa. Pero dahil sa nakagawa sila ng mali ay pinarusahan sila at mas lalo silang paparusahan kapag bumabalik sila sa kalangitan." Napalingon naman ako kay Sol at napakunot ang noo.

"Where did you get that information, mahal?" Luna asked na siyang ikinataas ng isang kilay ko, sana all mahal! Itong mga 'to! Madaling araw tapat, namumulabog ng pagka single ang mga buysit!

"Nakita sila ni Astrum mahal, ginamit niya ang kapangyarihan niyang malaman ang nakaraan at nakita niya doon kung paano pinarusahan ang tatlo dahil sa paggawa nila ng malaking kasalanan. Pero hindi naman daw siya nakita, agad din siyang tumakbo na hindi napapansin." Halos sumigaw ako sa dahil sa sinabi ni Sol.

"What? Astrum saw them? Paano kung may nangyaring masama sa anak niyo? Paano kung nakita siya ng mga anghel? Bakit niyo siya hinayaang mag-isa?" I screamed. Mukhang nagulat pa sila sa sigaw ko at agad napayuko nang mapagtantong galit ako. I can't imagine Astrum being taken by those devilish angels at saktan! Hinding-hindi ko makakayang panuorin kapag si Astrum ay ginawang bihag para lang makuha ang lupain na'to!

"P-Paumanhin Master Lara, siya ay naglalaro kasama ang kaniyang mga kaibigan noon pero nang may mapansin siya ay tumiwalag siya dito para alamin kung ano ito. Kahit kaming magulang po ni Astrum ay pinagalitan siya at sinabihan na hindi na ulitin pa ang ginawa niyang 'yon." I sighed deeply and nodded, Luna seems scared but I just smiled sincerely. Magmumukha akong tanga sa ginagawa ko!

"J-Just be careful both of you, lalong-lalo na para kay Astrum. I don't want her to be hurt not because she is still a child, but she is a great asset to us. Hindi sa ginagamit ko ang kakayahan niya pero, importante ang ginagampanan niya bilang isang nilalang na kayang alamin ang nakaraan." And I don't want her to be hurt, It was like seeing my brother and sister are hurt because of me being irresponsible.

"Patawad po." Luna apologized.

"No, ako dapat ang manghingi ng sorry dahil nasigawan ko kayo. Ayoko lang na may masaktan sa inyo dahil sa kapabayaan ko, ayokong makitang nasasaktan kayo dahil sa pagiging iresponsable ko." They immediately shook their heads na pati si Medusa ay umiling-iling din.

"You are responsible and kind, Master Lara! Kami lang talaga ang pabaya! Paumanhin po kung naramdaman niyo po 'yon dahil sa amin, hinding-hindi na po mauulit. Malaki po ang naitulong niyo sa amin at utang namin ang mga buhay namin sa iyo, pasensya na po." Luna uttered.

"Tama siya Master Lara." Medusa seconded.

"Patawad po!" Hayst Sol.

"Isn't it too early to make a drama scene?" Lahat kami ay napalingon kay Ruthven, his cold stares is now giving us chills. I am not still comfortable with him knowing he is a Vampire, gwapo siya oo pero baka kagatin niya leeg ko at sipsipin ang labi ay este dugo ko. I cannot afford to leave this creatures that early, ayokong mamatay na virgin!

"Ang aga mo ding sumabat." Sol replied, I chuckled. Ito talagang si Sol, gusto ko pagkabibo niya. He is not scared to Ruthven at all, he is standing still and countering that Vampire's deadly stares. He's just a great leader then, fearing no one.

"We have to check the Angels, Master Lara. Excuse us." Luna bowed her head and grab Sol's hand. Iniyuko pa ni Sol ang kaniyang ulo at tumingin ulit pabalik kay Ruthven na nakatingin parin sa kaniya.

"Master Lara, tutal hindi na ako makatulog ay kailangan ko na rin umalis para maasikaso ang iba pang papeles. Isang linggo na at kailangan na nating suwelduhan ang mga tao natin dito kaya kailangan ng ayusin ang kanilang kakailanganin para makuha ang suweldo." I nodded and smiled, she bowed her head and excused herself until she disappeared to my sights. She is just so responsible woman, I'm proud dahil agad din niyang na-adopt ang pagiging sekretarya.

Napalingon ako kay Ruthven na ngayon ay nakatingin na sa akin, he seems so well already at parang hindi niya na kailangan pa ng assistance from us. Namumuro na siyang damuho siya sa libreng bahay at pagkain!

"Aalis ka na ba? Do I have to escort you outside?" I innocently said, he didn't smirk or smile or showed any emotions. Nakatingin lang siya sa akin na parang inoobserbahan ng mabuti, well I can't do the same dahil tapos ko na siyang i-check no'ng wala pa siyang malay. Malaya kong pinagnasaan ang katawan niyang may benda, ang mukha niyang maganda at ang buo niya pagkatao! Chariz! Over na 'yon.

"Kung may kailangan ka, just call me or my people para ma-assist ka." I just said nalang at akmang aalis na nang maramdaman kong nakatingin parin siya sa akin mula sa likuran. I don't know pero hindi ko siya kayang iwan dito, it's midnight at mahamog at hindi ko alam kung ayos na ba siya o hindi! My gash! Ano ba 'tong nangyayari sa akin? My heart is working but my heart isn't. May ganoon ba? Hayst!

Lumingon ulit ako at nakitang pirmi lang siyang nakatingin sa akin, napabuntong-hininga na lamang ako at lumapit sa kaniya. I don't know kung saan ko kinuha ang lakas na loob ko pero but an idea came out.

"Kapag hindi ka magsasalita, hahalikan kita." Sa pagkasabi kong 'yon, agad kong nakita ang pagkagulat sa mga mata niya pero sandali lang iyon at agad bumalik sa dati niyang ekspresiyon. He is so good when it comes to hiding emotions! Saan ba niya 'yon natutunan?

Hindi parin siya nagsalita kaya mas lumapit pa ako sa kaniya to scare him but it seems parang wala lang sa kaniya. Mas kinakabahan ako sa ginagawa ko pero I have to be brave, if he is playing with this kind of game then deal! I'll play with him! Bakla ako! I mean trans! Kaya kong gawin ang mga bagay na labag sa kalooban ko para lang mapatunayan na hindi ako takot!

Mas lumapit pa ako hanggang sa iilang distansiya nalang ang layo namin, but he is fucking brave! Parang wala lang sa kaniya ang ginagawa ko ngayon! 

"You can't do it, Lara. You're a coward." He finally said but it's insulting! He is testing my patience at mas lalong uminit ang ulo ko nang makitang unti-unting kumukurba ang ngisi sa labi niya!

Coward pala ah!

'Yong oras, parang bumagal. 'Yong hangin ay parang mas lumamig, ang paligid ay tumahimik at parang ang liwanag ng buwan ay nakatutok lang sa aming dalawa. Kasabay ng kaunting panginginig ng buo kong katawan ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang magtapat ang mga labi naming dalawa.

This is my first time kissing someone sa labi at first time kong makaramdam nang ganitong klaseng emosyon when our lips both met. It feels heaven, I don't know if I am just being overreacting but it really feels heaven. Parang tumigil na bigla ang takbo ng oras habang ang mga labi namin ay sumasabay sa ritmo ng sipol ng hangin. When his lips moved, sumabay ako kaagad at hindi na pinansin pa ang paligid. His lips is so soft, and the way he control his lips is so captivating. It feels like he is treating me so special sa bawat galaw ng labi niya.

This is wrong.

Agad ko siyang nilayo mula sa akin at nakita ko kung paano pagkadisgusto niya sa ginawa kong pagtulak. Biglang naging tigre ang mga mata niya wanting for more or I don't know if it's just me. Ayokong mag-assume, I'm gay at sa lugar na ito ay hindi uso ang 'trans' na word. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid and I am fucking shocked nang makitang hindi sila gumagalaw. Sol and Luna are having a conversation not far from the house's door kung nasaan ginagamot ang mga anghel, pero hindi gumagalaw ang mga labi nila. Ang iba pang duwende at taong lobo ay mistulang naging estatwa! Ang mga dahong nahuhulog galing sa mga puno ay nahinto sa ere! What the fuck just happened?

"I can stop the time, Lara. For a minute. 'Yong halikan natin ay hindi umabot ng isang minuto, anong gagawin mo sa pagbibitin sa akin?" After he said those words ay biglang bumalik ang lahat sa dati, they are not frozen anymore. Gumagalaw na sila! So the time just literally stopped? Hindi ko guni-guni 'yon?

Tumingin ako kay Ruthven and he is now smirking to me, I guess he is really okay now huh? Napailing nalang ako, I have to erase that moment from my brain. Delete that file from my mind and put it in the trash bin. It was just a mere mistake! Wala lang 'yon.

"It was just a game right? And I made you talked before I kissed you. So you lost." Am I being a childish here? Eh ano naman kung ayaw niyang magsalita diba? Ano namang makukuha ko kung magsalita man siya o hindi? Eh sa napaka-creepy niya kanina! He is just looking at me coldly at pati nga si Sol ay tinignan niya ng masama! What is wrong with him ba kasi?

"Fucking game? Psh!" He sounds irritated, ano bang problema niya?

********

"They are still asleep, Master Lara. But we can assure you that they are already fully healed." Tumango ako kay Luna, 'yon lang ang gusto kong marinig. I nodded to her, a gesture that she need to excuse herself so that I can have my alone time with this Angels.

They are literally Angels, napakaamo ng mga mukha, parang hindi makabasag pinggan. If I didn't stop them, if I didn't notice them, ano nalang ang mangyayari sa mga kasamahan ko dito? Hinding-hindi ko makakayang makita silang masaktan dahil sa kapabayaan ko bilang kanilang Master. May mga bata pa, hindi ko sila pwedeng pabayaan.

"You're awake." I murmured pagkatapos kong makita kung paano idilat ng unti-unti ng lalaki ang kaniyang mga mata. He is fucking handsome, wala nga talagang panget sa mundong 'to!

He has a perfect features of an Angel, a perfect sculptured jaw, a pointed nose, a natural red cupid's bow-like lips, a natural pink cheeks and has golden eyes. His pure black hair makes him more attractive, he looks mabait dahil sa inosente niyang mukha na siyang maloloko ka talaga kung hindi mo siya kilala. He is a Devil in disguise of an Angel!

"Nasaan kami?" Pangahas niyang tanong, galit siyang tumayo at akmang ibubuka niya ang mga pakpak niya nang matigilan siya dahil sa nakita niya sa kaniyang gilid. His friends or I don't know kung kaanu-ano niya. Those women sleep so beautifully and comfortably, they look so innocent too at kagaya niya ay ganoon din ang kulay ng kani-kanilang mga buhok. Same features sa mukha, magkapatid ba sila?

"Seems like matagal na nang makatulog sila ng mahimbing, tama ba? You also sleep so innocent and comfortably, mukhang masarap matulog kapag magaan sa katawan ang hinihigaan tama ba?" Mukhang at ease na siya, huminahon na kasi ang paghinga niya. He sat down and looked at my eyes.

"Sino ka ba talaga?" He asked, hindi na siya jerk sa pagtatanong kaya ngumiti ako. Pwede naman pala siyang makausap nang hindi nagsisigawan o di kaya ginagamitan ng galit na boses. Puwede naman pala siyang huminahon.

"I'm Lara, Master of this village na inaangkin niyo. You almost ruined my people's dream to have a safe home, a safe place dahil lang sa kagustuhan niyong angkinin ang lupaing ito. This land is now owned by me, anghel. The three of you can't do anything about it." I mockingly said, huminga siya ng malalim at humiga bigla sa kama. Nagtaka naman ako, tumaas ang kilay ko and I try to sneak peak sa katawan niya na walang benda and hell! Ang ganda ng katawan niya bullshit! Parang gusto kong maglaway dahil sa ginagawa niyang 'yan! Nilagay pa niya ang dalawa niyang kamay sa uluhan niya to make those as his pillows kaya nakikita ko ang hindi gaano mabuhok niyang kili-kili! Nagwa-wild na ang kabaklaan ko sa loob!

Is it okay to drool sa katawan ng isang anghel? Hindi ba ako maba-bad luck nito?

"Patawad, gusto lang talaga naming gumawa ng tirahan at ang lupain na'to ang magandang pagsimulan. Malalaki at matitibay ang puno, sagana sa prutas at gulay at tiyaka sa mga kahayupang karne. Perpekto para makapagsimula ng tahimik at masaganang buhay." He said with those monotone voice. Nakinig lang ako sa kaniya, to make him feel that I am just here willing to listen.

"Pinarusahan kami ng mga kapatid ko dahil sa salang hindi naman namin ginawa. Sinisi kami sa kasalanang hinding-hindi namin kailan magagawa. Pinagdamutan ng hustisya, pinagtulungan pang saktan ang walang kalaban-laban naming mga katawan at kapangyarihan. Marami sila, tatlo lang kami. At ang nakakasakit pa do'n, nanuod lang at walang ginawa ang mga Diyos at Diyosa." He sounds so sad, sincere pero hindi ko masasabing totoo ba ang sinasabi niya. Baka nagpe-pretend lang siya mahirap na, I have to make sure na hindi siya nagsisinungaling.

Napatingin sa akin ang lalaki, he just smiled weakly.

"Kung hindi ka naniniwala, nasa sa'yo na 'yan. Pero ito ang palatandaan na nagsasabi kami ng totoo, hindi kami pwedeng magsinungaling." Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya, what does he mean that they can't lie?

"Hinding-hindi puwedeng magsinungaling ang mga anghel dahil buhay ang kapalit kapag ginawa namin 'yon." Nagulat ako sa sinabi niya, t-that's bad!

"Nagsasabi po siya ng totoo, Ate Lara." Napalingon kami sa pinto kung saan nakatayo ng mabuti ang magandang si Astrum habang nakangiti ng matamis. I smiled at her so sweetly too at sinenyasan na lumapit. Kita sa peripheral vision ko na nakatingin din ang lalaki kay Astrum na may ngiti sa labi.

"Nagsasabi po siya ng totoo, bawal silang magsinungaling Ate Lara. Kaya maniwala po kayo sa mga sinabi niya po." Agad akong ngumiti at niyakap siya ng mahigpit. Kinarga ko siya sa bisig ko at tumingin sa lalaki.

"She is Astrum, an elf who can see the past. Nakuwento na niya na pinarusahan kayo, but I didn't know na hindi kayo mismo ang may sala." He nodded.

Tumingin ako kay Astrum at naglungkut-lungkutan.

"Huwag ka ulit gumawa ng ikapapahamak mo, Astrum ah? Sabi ng Ama mo na nawala ka daw bigla dahil pinuntahan mo ang mga Angels para alamin kung ano ang nangyari sa kanila." She nodded ang kiss my cheeks, she is so cute! Lalong-lalo na ang mataba niyang pisngi!

"Opo Ate, sorry po. 'Di na po mauulit, susunod na po ako sa inyo ni Ama at Ina." Natuwa naman ako sa sinabi niya at niyakap siya ulit. Geez, kung nandito lang ang mga kapatid ko baka nagkasundo na sila nitong makulit na'to. I miss them!

*******

Pumunta ako sa mismong tahanan ko at nakita kong seryosong nakatingin sa kawala si Ruthven habang nakaupo sa kama. Ano na naman bang problema ng isang 'to? Nang mapansin niya ako ay umayos siya ng upo at huminga ng malalim.

"Are you okay?" I asked, he just nodded kaya tumango nalang din ako. Kailangan ko lang kunin 'yong natira kong isang damit, maganda kasi iyon at mas kumportable. Hindi mainit sa katawan, napakapreskong gamitin.

Akmang lalabas na nang magsalita siya.

"Can I stay here? Ng m-matagal?" Ngumiti nalang ako sa kaniya, he stuttered but he's still trying to be cold. Nakaka-cool ba 'yon? Hay nako tong si Ruthven talaga!

"Of course, ano pa?" I asked back. He sighed so deeply na siyang ipinagtaka ko, ngayon ko lang siyang nakitang nagkakaganito. After I found out that he can literally stop the time in a minute, I panic dahil puwede niya kaming patayin lahat in a minute.

Pero hindi ko nakayanan ang sunod niyang sinabi.

"Can I really stay here? Ng matagal? I just want to protect you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro