Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Kyogra.




"Hindi ba parang sobra ata ang ginawa natin sa kanila? Mukhang hindi maganda ang ginawa natin kay Ruthven at sa mga kasamahan nito. Isa pa rin siyang Hari sa lugar na'to, nirerespeto at makapangyarihan sa bansang 'to." I irritatedly looked at Zora when I heard those unbelievable words from him. Ano ba 'tong baklang 'to? Naririnig niya ba ang sarili niya? Naririnig niya ba ang sinasabi niya?

Nang makita ko si Ruthven na masaya kasama ang anak niya, hindi lang ang mundo ko ang gumuho dahil do'n. Kung nandito si Queen Lara ay alam kong gano'n rin ang mararamdaman niya! Masiyadong mabait si Queen Lara and he doesn't even deserve this shit! Hindi niya deserve na lokohin ng lalaking 'yon! Hindi niya deserve na iwan sa ere at hindi nalang binalikan! Oo I am affected it is because I saw how our Queen suffered every night because of his broken heart. He smiles sweetly, laugh with us but we all know how painful the situation for him is. Dina-divert niya lang ang isipan niya sa ibang bagay para hindi siya mas masaktan!

"Kung bibigyan ako ng pagkakataon Zora ay gagawin ko ulit ang bagay na 'yon. Queen Lara doesn't deserve to be hurt! He doesn't deserve to be treated like this!" Sigaw ko na siyang ikinatigil niya. He sighed deeply and nodded like he understand me.

"Huwag mo siyang sigawan, Kyogra." Napailing nalang ako sa sinabi ni Nyctimus at lumihis ng tingin. Stheno and Euryale are just watching us, I know na hindi nila ginusto ang ginawa nila at napilitan lang sila dahil sa akin. But they chose to take the risk just to support me.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba si Lara sa nangyari ngayon, hindi ko alam kung kailangan pa ba niyang malaman ang nakita natin ngayon?" Rinig kong turan ulit ni Zora na siyang nagpabuntong-hininga sa akin ng malalim.

"Queen Lara is too precious to be hurt, he is like a fragile glass that need to be secured and protected. Pero hindi matatapos ang sakit ng puso niya kung patuloy siyang maniniwala na babalik pa sa kaniya ang bampira na 'yon. He needs to know, Zora. Kahit masakit ang katotohanan, kailangan niya paring tanggapin dahil hindi siya nararapat pakainin ng mga kasinungalingan." I meaningfully said that made him stopped again.

"Kyogra is right, Zora. We have to tell the Queen about this." Euryale seconded, Stheno agreed while nodding her head.

Nandito kami ngayon sa Zapdis, one of the towns here in Villador. We even saw their Academy and I can say that it was more huge compared to the Academy of Mystic Verdurous. But their place is not as peaceful as ours, that's our advantage.

We went here to have a final look for their Academy, hindi naman siya gano'n kaganda pero malaking-malaki lang talaga siya. Maraming estudyante kaming nadaanan, talking about their subjects, bragging about their stunning outputs that needed to be passed by those deadlines and about their upcoming trainings.

"Huwag kayong maingay baka marinig kayo." Stheno.

I sighed.


*******




"Maganda rin naman talaga kasi dito and I know na may mas malaki pang plano si Reyna Lara sa mga lungsod natin. Tignan niyo ah? Ang Mystic Verdurous ay sobrang laki ng lupain na 'yon but it is for the Academy only, I heard din na may itatayo pa siya do'n na related sa school. Sa Mystic Chartreuse naman ay ang lugar where all the necessities that we needed in personal lives, houses or even for our health ay makikita sa lungsod na 'yon. Food, wines, clothes and furnitures, name them! Tiyaka sa main town natin where we live, the Mystic Emerald ay para naman sa private lives natin. Queen Lara is slowly organizing things kaya we don't have to worry about her managing the towns." Stheno stated na siyang ikinatango namin. Tama naman siya, may plano si Queen Lara para sa ikabubuti ng mga lungsod at namin.

If he needs help, then we are here to give it to him. We are willing to help at tiyaka, hindi rin naman namin hahayaan na mapagod siya.

Watching the clear sky where all the birds are flying freely without chains and problems with them is like a nice view that I have to treasure forever. The trees here in Greenland Park is giving us the peaceful space for us to be relaxed after those shitty encounters. The flow of the water from the huge beautiful, spectacular and well-sculpted fountain is a good view to calm ourselves with these heavy hearts.

How come Ruthven is still happy? Paano niya nagawang maging masaya habang si Queen Lara ay naghihirap dahil sa kaniya? Kung sabihin ko bang buntis si Queen Lara ay maniniwala kaya siya? Magbabago kaya ang pananaw at desisyon niya? Babalik kaya siya? Deserve niya bang malaman ang lahat? But I think no, hindi niya deserve malaman na may anak siya kay Queen Lara. Tama na ang sakit na dinanas niya sa bampirang 'yon, tama na ang mga hinanakit na naranasan ni Queen Lara mula sa kaniya.

"Isn't it beautiful here, visitors?" Napalingon kaming lahat dahil sa pamilyar na babae na lumitaw. Agad lumapit sa akin ang mga kaibigan ko habang seryoso itong nakatingin sa nakangisi na ngayong babae. It is still the same way, her smirk irritates the shitty out of me!

"Base on your reactions, I guess you already know my race." Ngisi pa rin nitong turan. Sumasabay sa daloy ng hangin ang kaniyang mahabang ubeng buhok habang ang mga mata niya ay nagliliwanag na. Her energy is slowly showing, and her power is kinda increasing .

"Hindi ka namin hahayaang saktan si Kyogra!" Sigaw ni Zora na siyang ikinatawa lang ng babae. Even her laugh is irritating, parang natural na sa amin ang isumpa ang mga kagaya nila! Who wouldn't right?

"Oh! Bakit? Mapipigilan niyo ba ako? And by the way, I need the power of that Demon God. As.. Soon.. As.. Possible.." I gritted my teeth when I heard the words from her while pointing her finger to me. Bakit? Ano bang akala niya? Na madali lang niya akong matatalo?

I know that Demon God Slayers can have our powers when they devour our energy. Mas magiging malakas sila kapag nakuha nila ang enerhiya galing sa katawan namin. That's why a lot of them wanted to execute lots of Demon Gods, so that they'll become more powerful beings! Pero hindi ko hahayaan mangyari 'yon, hindi ko siya hahayaang makuha ang gusto niya. I'm done enough with this shit! Ang dami ko ng problema tapos dadagdag pa siya? She is not that special para pagtuunan ko ng pansin!

"Bakit ba hindi tayo nauubusan ng kalaban sa buhay? Ang dami nating problemang kinaharap, nagsasawa na ako." I heard Zora's complaint. Hindi lang naman siya ang nagtataka kung bakit gano'n nalang palage ang takbo ng buhay niya, gano'n din naman sa'kin! Hindi ko alam kung pinaglihi ba 'ko sa sama ng loob o malas! This is too much, too much!

Agad kaming nagulat nang bigla siyang umatake sa puwesto namin, her hands are now glowing with a violet light pero bago pa niya matamaan ang isa sa amin ay agad siyang natigilan. She can't move her body and I don't know kung anong nangyayari sa kaniya. It is not me, and it is also not from my friends!

Anong nangyayari?

"Umalis na kayo!" Nagtaka ako ng sumigaw ang kalabang babae, parang hindi siya ang may-ari ng boses nang sumigaw siya. Nag-iba ang boses niya, ang emosyon niya at ang enerhiya ng katawan niya na siyang nagdala sa amin ng pagtataka. What the shitty is happening? Is she possessed? Is she controlled by someone?

"Ayshti! Umalis na kayo!" Agad akong nagulat nang marinig ang dati kong pangalan sa bibig ng babae. Nanliit ang mata ko nang parang pamilyar ang boses niya sa'kin ng tinawag niya ako sa pangalan ko. T-Teka!

Isang nilalang lang ang tinatawag ako sa dati kong pangalan gamit ang gano'ng tono! Hindi ako nagkakamali! I know that voice! I know that tone! But how? Paano siya nabuhay? At nasa katawan ng ibang nilalang?

"H-Heraphim?" Takang tawag ko sa kaniya confirming kung siya nga ba talaga ang babaeng kaibigan ko. She nodded at me na siyang halos ikinaluha ko, I cried when I received the informations before that Arakiel killed her but I can't blame them because she was the bait para palabasin si Queen Lara noon. And I know that like me, she was also controlled by Contro and by that God of thunder. Pero hindi ko na ini-open-up pa sa lahat tungkol sa kaniya, I just don't want her to be hurt again. I want her to be at peace!

"Umalis na k-kayo hanggang sa nakakaya ko pang pigilan ang katawan niya! This woman is crazy! She loves to kill Demon Gods, she loves to kill us!" She shouted na siyang ikinahina ko. Oh gosh! My p-poor Heraphim!

"Race? Your race? Teka I am confused!" Stheno shouted pero hindi ko siya pinansin.

"Paanong nangyaring nasa katawan k-ka niya? Teka buhay ka? Akala ko ba patay ka na? I have lots of shitty questions Heraphim so please answer me! Please control that fucking body as long as you can!" I shouted back at her.

Heraphim is the only friend I had when I was in Contro's control. Siya lang ang nakakaintindi sa'kin and everytime na may pinag-uusapan kaming dalawa, both of our heads are aching and someone's voice forcefully getting inside of our minds para tumigil kami sa pakikipag-usap. Unlike the others, Heraphim is the only one who knows what is wrong and right among us. Before, I thought she was just pretending that she was controlled by Contro but when God of thunder revealed himself, ang Diyos pala na 'yon ang siyang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo ni Heraphim. While Contro's voice is the reason why my head is aching too na akala ko na kami ng kaibigan ko ang minamaltrato niya ng gano'n!

She died fighting for the wrong guild that's why I secretly mourned for her death. And still thinking if I really deserve this third life!

"As you know, isa rin akong Demon God kagaya m-mo and I secretly learned to cast a forbidden spell that can make me an immortal Angel to get back what's mine, change my destiny and to get revenge. But suddenly this woman a-appeared in Roha, nasa proseso na ang katawan ko para mabuhay ulit when she suddenly devoured my energy. That's why, I followed her here with this soul p-projection inside of her body. Kaya nang makita kita, agad akong sumapi sa kaniya dahil alam kong maaamoy ka niya. This Demon Slayer is a threat, she is s-strong kaya umalis ka na." She explained to me pero agad natumba ang katawan nito sa lupa na siyang ikinaatras ko dahil sa sobrang lakas ng hangin ang dulot nito.

"Hindi ko alam kung magsasalita pa ako pero Kyogra, huwag kang lalapit sa kaniya. Hindi na siya si Heraphim, bumalik na siya sa dati." Napalingon ako kay Zora na seryoso na ngayong nakatingin sa babaeng sinaniban ni Heraphim.

Alam kong hindi tanggap ni Zora itong nangyayari but I know that he is slowly accepting the fact that Heraphim is still alive. I know na malaki ang kasalanan namin sa Mystic Emerald but I know that Heraphim will make it right, alam kong babawi siya at naniniwala akong wala siyang kasalanan.

"I heard that name before, I think siya ang past lover ni Kuya Arakiel." Turan ni Stheno na siyang ikinatango ko. I already know about their past story at alam kong mahal na mahal ni Arakiel si Heraphim pero ginawa lang niya rin noon kung ano ang tama. But I also knew that Heraphim loves him so much, madalas siyang nagkukuwento sa lalaking minamahal niya no'n na ginawa niya talaga ang lahat para sa kagustuhang iligtas ito kung sakaling paparusahan sila ng mga kapatid niya. She even believe that God's lies, just for Arakiel.

"Maghanda kayo." Dinig naming sabi ni Nyctimus habang seryosong-seryoso na 'tong nakatingin sa babaeng unti-unti ng humaharap sa'min.

"This fucking soul is making this hard, I have to get rid all of you as soon as possible before I'll deal with her." Seryoso na niya ngayong turan.

"Nasa'n ang katawan niya?" Malamig kong tanong but she just smirked at me.

"Why didn't you ask her when you still have the time, Demon God?" She mockingly said. Agad nang-init ang ulo ko kaya hindi ko na sinayang ang oras pa. I suddenly attack her with my ice fists and throw punches but she just fastly avoided it na para bang nababasa niya ang galaw ko. Hindi ako tumigil hanggang sa hindi siya matamaan pero dahil sa liksi niya ay naiiwasan niya lahat ng mga atake ko. I wonder kung gaano na kadami ang enerhiyang hinigop niya mula sa mga Demon Gods na siyang ikinakilos niya ng ganito kabilis?

"You are too slow." Bulong nito nang makarating siya sa likuran ko, nanlaki ng bahagya ang mga mata ko at agad na lamang akong tumilapon sa direksiyon ng puno. But someone catched my body before I could hit myself to that big tree.

"Thank you, Zora." I thanked, he just nodded and suddenly his body glowed so much light. Hanggang sa nakita namin ang bagong itsura ngayon, he transform into a Dragonoid.

"Ako ang harapin mo!" Sigaw ni Zora at agad nagpalabas ng maraming malalaking ugat na siyang ikinaatras ng babae pero ngumisi lang ito at pumatong lang doon. Patakbo siyang lumapit sa puwesto ni Zora pero bumabagal ang kilos niya dahil rin sa bilis ng pag-atake ng mga ugat galing sa lupa.

"Ayos ka lang?" Sabay na sabi nina Stheno at Euryale na siyang ikinatango ko nalang.

"Help Zora girls, I am fine here." Turan ko na siyang ikinatango nilang pareho.

"Wala ni isa sa inyo ang kayang kontrolin ang apoy but I can still fight with my bare hands. Kuya Arakiel taught me how to fight with no powers at tiyaka I want to help not because sinabi mo. Gusto kong tumulong para sa lover ni Kuya Arakiel." Stheno stated na siyang ipinagtaka ko.

"Na kahit hindi ko siya kilala ay alam kong she deserves to live again and this time, with Kuya Arakiel." She added.

"I thought you like him?" Euryale confusingly asked but Stheno just smiled sweetly.

"I just like him but I don't love him." Turan nito at tumakbo papunta sa direksiyon ni Zora. Napailing si Euryale habang nakangiti at tumakbo na rin.

Those girls irritates me the most but hindi ko aakalain na darating ang oras na pasasalamatan ko sila ng malaki.

"Masakit ba ang sipa niya?" Inis naman akong napalingon kay Nyctimus na walang ekspresiyon na nakatingin sa akin. Inikutan ko lang siya ng mata at tumayo na, pero aaminin ko, malakas talaga ang sipang 'yon.

"Don't you want to help your lover? I mean your husban— I mean wife?" He just shook his head at tumingin sa direksiyon nina Zora.

"Malakas si Zora, kaya niya 'yan. Hindi ko rin naman siya hahayaang masaktan kung alam kong agrabyado na siya." I just nodded pero until now ay hindi ko pa rin alam kung ano ang nakita ni Zora sa kaniya. He is not that special, and he is not even that good-looking kung ako ang magsasabi. But I think love really hits you hard and it will suddenly break your principles and standards in life.

Sa kalagitnaan ng laban nila ay nagulat nalang kami na may biglang lumitaw na isang lalaki habang may hawak na dalawang espada. Akmang tutulong na sana kami ni Nyctimus nang mapansing hindi sina Zora ang puntirya niya, it was the Demon God Slayer. Nakita ko kung paano napaatras ang babae habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa estrangherong lalaki. I saw how terrified the woman is because of the man's presence while fighting her. Hindi naiwasang hindi matigilan nina Zora lumaban kaya nahinto sila sa pag-atake, ang lalaki naman ay patuloy na pinag-aatake ang lalaki.

"Who is he?" I whispered at kasabay no'n ay ang pagtarak ng dalawang espada ng lalaki sa puso ng babae. Agad itong bumagsak sa lupa habang naliligo sa sarili nitong dugo. Wala na itong buhay, gano'n lang ka simple niyang tinapos ang laban.

I saw Heraphim's soul appeared but before I could talk to her, she faded with a smile on her face. Bumulong pa siya bago siya nawala and I can clearly hear her voice inside of my ears na mukhang tanging ako lang ang nakakarinig.

"Find me, Aysht— no, I'll find you Kyogra." She whispered to me that I almost cried pero agad akong nagtaka dahil sa lalaking estranghero. Natigilan sina Stheno at Euryale nang unti-unting lumapit sa kanila ang lalaki. He has a good face feature and I can say that this man is also a powerful kind of being. Madali lang niyang tinapos ang Demon God Slayer! Hindi ako makapaniwala na nakaya niyang gawin 'yon sa loob ng ilang minuto lang!

He has this towering height, has a natural black hair and a well-sculpted face by the Gods. Has black natural eyes, natural red cheeks and small lips. His jaws are captivating like it's kinda seducing all the women without his notice. He is wearing nothing on his top that's why malaya naming nakikita ang kabuuan ng malaking tansong kulay na balat ng katawan niya. With a broad chest and almost the widest shoulders I've ever seen, hardcore abs on his stomach and those shitty biceps and triceps. He was just wearing his black jeans and simple slippers.

"Hindi kayo ang babaeng Serpentes na hinahanap ko." Rinig kong turan ng lalaki after defining him, napagdesisyunan kong lumapit sa kaniya na siyang ikinalingon niya sa akin. Sinuri niya ako ng mabuti na siyang ikinainis ko naman agad pero nawala rin ang inis kong 'yon dahil sa pagngiti niya. The shit? What was that?

"Mag-iingat ka, maraming Demon God Slayers na nagkakalat sa bansang 'to. Malakas ang enerhiya sa katawan mo kaya ikaw ang puntirya ng babaeng 'yan." He said to me, after seconds he stared at the Demon God Slayer's lifeless body.

"How did you know that I am a Demon God?" Nanliit ang mga mata ko nang matigilan siya sa tanong ko, tumingin siya ulit sa akin habang may seryosong mga mata.

"Siyempre alam ko, isa rin akong Demon God Slayer." Agad akong napaatras dahil sa sinabi niya, pati ang mga kasamahan ko ay gano'n rin ang ginawa. Ngumiti lang ang lalaki dahil sa ginawa namin na siyang ipinagtaka ko, what's wrong with him?

"Wala akong nararamdamang peligro sa kaniya." Nyctimus. Yeah, I can sense that too na hindi siya mukhang kalaban. Nakangiti lang siya lage sa amin.

"Hindi naman kasi lahat na Demon God Slayer ay masama, oo pumatay ako ng katulad niyo pero hindi sa dahilan para kunin ang enerhiya nila. Pinatay ko sila dahil sa kasamaang ginawa nila sa mundong 'to. At tiyaka, hindi nagiging masama ang Demon God Slayer kung wala pa itong pangalan." What?

Anong ibig niyang sabihin ro'n?

Mukhang nakita niya ang pagkalito sa amin kaya huminga siya ng malalim at tinignan kami isa-isa.

"Ang Demon God Slayer ay nagiging hayok sa kapangyarihan kapag nagawa na nilang pangalanan ang sarili nila. Nagiging masama sila kapag meron na silang mga sariling pangalan pero sa kaso ko, ay iba. Marami na rin akong napatay na masasamang Demon God pero hindi ko gustong pangalanan ang sarili ko dahil sa ayokong matulad sa iba na naging masama. Ayokong magkaroon ng pangalan, ayokong maging demonyo dahil lang sa kapangyarihan." Point taken. So that's the life rules of Demon God Slayers?

"Wait, anong sinabi mo kanina? Na hindi kami ang Serpentes na babaeng hinahanap mo? Anong ibig mong sabihin do'n?" Stheno curiously asked kaya sa kaniya naman napatingin ang lalaki. He smiled but this time, malungkot ang mga ngiting 'yon.

"Isa siyang Serpentes pero hindi ko alam kung anong bato o mineral ang sinisimbolo niya pero hinding-hindi ko makakalimutan ang ginintuan niyang balat at mga mata. Matagal ko na siyang hinahanap dahil sa kagustuhan kong makilala pa siya, siya 'yong babaeng pumukaw sa puso ko kahit isa palang siya no'ng anyong halimaw. Iniligtas ko siya no'n sa mga umaatake sa kaniya, pero bago pa ako nakapagpaalam ay bigla nalang siyang naglaho. Hindi siya taga rito, alam ko 'yon kaya naghintay ako ng matagal dito at nagbabakasakaling babalik siya." Litaniya niya na siyang ikinatigil ko, his story is kinda familiar.

"Is he talking about Ate Medusa?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro