Chapter 42
Kyogra.
"We have to go." Saad ko sa mga kasamahan ko habang nasa labasan na kami ng lungsod ng Mystic Emerald. They all nodded to me, well except to that Werewolf.
Hinatid kami dito ng lahat, Queen Lara gave some words to encourage us.
Day by day, I just noticed that he is slowly changing and I don't know why. It is because of that Vampire King who leave him? And didn't come back? Alam kong may malaking parte sa kaniya ang nawasak, may parte sa kaniya na masiyadong nasaktan and even he was smiling everyday to us ay hindi maipagkakait na nasasaktan siya dahil sa lalaking 'yon.
That's why I hate commitment then after all the memories you've shared, they are just going to leave you. And that's fuck up. Magaling lang sila sa una pero wala na silang silbi kapag nagtagal.
I knew Ruthven for a long time, he is the Vampire King of Villador and the most responsible guy I have ever met. He even let wild creatures to live in his country even we are dangerous. Ilang taon siyang nanilbihan sa bansa pero ni kahit anong reklamo ay wala akong narinig. Not until I met Queen Lara, not until I heard their shitty love story. I respect our Queen the most because I witnessed how good he is, how responsible he is to each member of this place. And I still don't know how to repay her when she let me live here na kahit isa ako sa mga kalaban no'n. Kuhang-kuha niya ang bilib ko, kuhang-kuha niya ang tiwala ko that's why I won't ever disappoint him.
"Why did you cut your hair short, Kyogra? Mas bagay sa'yo ang mahabang buhok ah?" Walang gana kong tinignan si Stheno having this curious eyes when she saw my new haircut. Nah, I just want to make it short because it so hot. Hindi naman ako katulad nina Queen Lara at Zora na masiyadong feminine, I prefer being boyish kind of being but I know my gender preference.
"It's hot. I have to cut it." I shortly said. Napatingin ako sa mga sulat para sa mga bansa na kailangan naming puntahan. I made it disappeared para hindi magusot, it is important to keep it safe dahil nasa kamay ko ang pagbabago ng lungsod na'to.
"Baka nagmo-move on kana kay Esterno ah?" Napailing nalang ako sa pagsabat ni Euryale. These Serpentes kinda irritates me, hindi ko alam kung bakit pinasama pa ito ni Queen Lara.
"Let's go." Seryoso kong turan, napalingon ako kay Zora na may nakakalokong ngiti sa mga labi niya. I just rolled my eyes to him na siyang ikinahagikhik nito. Hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin niya, he really loves to tease me everytime we are together! Mabuti nalang nakukuhang maging patience nitong si Nyctimus sa asawa niya, well that's shitty love. Baliw na baliw rin kasi kaya ganiyan nalang kung makaasta, under sa asawa.
**********
"It is pleasure to meet you again, Zora. The Divine Dragon from Mystic Emerald! I heard you already built two more towns right?" The Queen of Raja said while talking to Zora. I personally don't know her but Zora told us that she is a Vampire like her King next to her. They are already old, maraming taon na silang namumuhay but they are still giving us young vibes. Parang hindi sila tumanda, are they Demon Gods? I heard Demon Gods ay hindi agad tumatanda, and I am one of the examples. I live one hundred ten years already and Zora is the same too. Hindi nga ako makapaniwala na magkasing-edad lang pala kami.
"Magandang araw Reyna Dianara at Haring Draculos, nagagalak ko kayong makita muli. Paumanhin dahil kami ang tumulak para ihatid sa inyo ang kasulatan tungkol sa bagong proyekto ng aming lungsod. Hindi na po kasi namin hinayaang maglakbay si Reyna Lara sapagkat nagdadalang tao ito." I saw how shocked that Queen Dianara is when she heard Zora. Kahit sino naman talaga ay magugulat dahil kakaunti nalang ang mga nilalang na lalaki na kayang magdalang-tao sa sinapupunan nila.
"Oh my gosh! Are you serious? Then let me send your town lots of gift! By the way, tungkol saan ba ang proyekto na'to? And why Lara needs our approval?" Hindi ko na pinasalita pa si Zora at agad kong inabot ang sulat sa Reyna. Bahagya pa itong napatingin sa akin pero malamig ko lang siyang tinapunan ng tingin.
"I heard about the Roha incident, Zora. Kamusta kayo?" Napalingon kaming lahat sa Hari nang magsalita ito. Ngumiti sa kaniya si Zora bago magsalita.
"Inatake kami ng mga rebelde galing sa Roha pero agad din namin iyon nasolusyunan. Nito lang din namin nalaman na minamanipula pala sila ng isang Diyos kaya maraming nadamay na mga inosente, nagpakita siya no'ng nakaraang buwan. Pero ayos na ang lahat Haring Draculos, nasa maayos na kalagayan ng lahat ng mga lungsod namin." Zora stated.
"Ano? May nagpakita sa inyong Diyos? Teka, matagal-tagal na ang panahon nang mabalitaan kong may bumaba na Diyos galing sa Elysium." Turan nito but I didn't bother to listen to their conversations. Mas lalo lang akong mababagot.
A week and almost three days bago kami makapunta sa bansa na'to. Yes, it was my first time to be here and I can say that, that their country is also pretty big and advanced. A lot of things was seen here, huge buildings and other food stalls. I somehow realized that Reyna Lara got some ideas from this country kaya gano'n din ang ginawa niya sa lungsod ng Mystic Chartreuse. Pero ang Academy na gusto niyang ipatayo is too much to handle, dahil ba ito sa paglakas ng kapangyarihan niya kaya nagkaroon siya ng mas malawak na pag-iisip? We all know that he swallowed that God's powers so Queen Lara's power and energy was more upgraded! Kaya hindi imposible 'yon, and I sensed how powerful his aura is nitong nakaraang mga linggo! He is also intellectually powerful!
He can be considered as the newest God!
"So your Queen is planning to implement education? Gosh! Walang problema sa'min 'yon and I actually love the idea! Count us in, mabuti nang maraming nilalang sa bansa namin ang matututo sa pakikipaglaban at matututo pa para madagdagan ang kanilang kaalaman dito sa mundong 'to. We'll sign this immediately so you don't have to worry for this, and about the task and missions? You're open for it na? Kasi hindi kami mag-aatubiling humingi ng tulong sa inyo sa mga mahihirap na bagay na hindi namin kayang gawin, and we all witnessed how powerful Lara is. So no problem, I'll immediately announce it to everyone." Maligayang nagpasalamat si Zora kay Reyna Dianara at kahit hindi man ako magsalita ay natuwa rin ako dahil sa wakas ay maayos ang pakikipagpalitan namin ng salita dito sa bansa nila.
"Just tell us when will you open the Academy para agad kaming makapagpadala ng mga estudyante sa inyo. And by the way, send our regards kay Lara okay?" Tumango sina Zora at ang dalawang Serpentes habang nanatili lang na nakatingin sa kanila ang mga malalamig naming mata ni Nyctimus.
Natapos ang pakikipagsosyo namin sa kanila sa mahigit dalawang araw lang. Tiring but it's fun. I think it is because of the peaceful atmosphere of their country is? Maganda rin kapag gabi, they are always having night parties at the bars and each corner of this place. May kung ano pang mga maliliwanag ang lumilitaw sa kalangitan and I think it was firework displays.
Nag-stay pa kami ng isang araw to make ourselves relaxed. Eat a lot of food with our gold coins. Malaki ang kantidad ng mga coins na dala namin dahil lahat ay ginto, may mga rubies and diamonds din na malalaki rin ang presyo. We went to bars, restaurants and we even stayed in one of their grandest hotels here in Raja kaya sulit naman ang pag-stay sa Raja.
"Mabuti nalang hindi masiyado malayo ang Raja sa Roha noh? Nakakapagod pala." I heard Stheno.
"Masanay ka na, ganiyan ang trabaho natin." Euryale replied to her na siyang ikinailing ko nalang. They are talking like silang dalawa lang ang nandito.
"Ayos lang 'yan, masasanay rin kayo. Si Nyctimus nga ay araw-araw binabantayan ang Mystic Emerald noon eh." Tumango-tango ang dalawang Serpentes sa sinabi ni Zora habang ang taong-lobo ay walang ni anong ekspresiyon na ipinakita. Basta ay nakatingin lang siya kay Zora, teka hindi ba siya nauumay? Is he really that obsessed to my friend?
Ilang araw ulit kaming naglakbay and the negative vibes are slowly entering my system nang palapit nang palapit na kami sa Roha. Hindi ko alam pero ayaw na ayaw ko ng bumalik sana sa lugar na'to but I just can't disappoint Queen Lara. She trusted me for this, she trusted us kaya kahit alam ng mga kasamahan ko ang nakaraan ko rito ay hindi na sila nag-open up pa. I think they don't want me to feel bad or uncomfortable. Kahit ako ay ayokong maramdaman ang mga 'yon, I just want to live normally away from the bad things that triggers my past again.
Kitang-kita na namin ngayon ang malalaking kastilyo. Ang maganda dito sa Roha ay tatlong malalaking kastilyo ang makikita, hindi man sila gano'n ka advance sa mga kagamitan pero makikita mo kung gaano kaaliwalas ang kanilang lugar. It's just that, Contro made us believe that we are the one who can rule the whole world kapag lumakas kaming lahat. I know the God of thunder controlled him and the others pero hindi ko maiwasang hindi magalit dahil sa ginawang pagpatay nila sa mga magulang ko. It's shitty hurtful pero wala na akong magagawa, tanging ang mga alaala nalang nila ang naiwang nakaukit sa isipan at puso ko.
"Galing po kami sa Mystic Emerald at nandito po kami para sana ipahayag sa inyo ang bagong proyekto ng aming Reyna." Inabot ko ang sulat sa nag-iisang royal blooded na Reyna ng Roha. She happily accept it with a sweet smile on her lips. Kahit gano'n ay mapapansin ang lungkot sa kaniyang ekspresiyon dahil sa pagkamatay ng kaniyang kabiyak noong nakaraang linggo lang. Her secretary told us that he died because of the illness at huli na ng malaman nila.
Wala silang anak at sila rin ang unang naging Hari at Reyna ng bansang Roha. They are too old but still gano'n parin ang kanilang mga mukha, they look so young. I heard she is a Mermaid and her husband is a Mage. Nagkakilala sila sa malayong lugar dahil sa hilig ng kaniyang asawa na maglakbay and they both decided to build a home, until it became a country.
"Kami na po ang nagdala dahil marami ding ginagawa ang Reyna namin, gusto niya sana personal na ibigay ang sulat pero dahil sa nagdadalang-tao siya ay hindi na siya namin isinama pa. Si Luna ay buntis rin po, Reyna Sahaya, kaya hindi rin siya nakasama. Sana paunlakan niyo po ang aming mensahe galing sa aming Reyna." Zora respectfully said to the Queen of Roha. She is very beautiful, I can say that. She has this glowing aura that no one can have because of her extraordinary physique. Balitang-balita noon na ang mga sirena ay mas maganda kumpara sa iba pang mga lahi. Lahat sila ay may ipinagmamalaking wangis, they are naturally born with a perfect face. Pumapangalawa sila sa ganda ng Diyos at Diyosa. At tiyaka katulad ni Reyna Dianara, bahagya siyang nagulat nang malaman niyang buntis si Queen Lara but she just smiled again.
"I understand, Zora. They must be busy too. And please, send my regards to your Queen and Luna and I'll gladly send them gifts to congratulate them with their babies. By the way, I am so thankful to you guys that you defeated the rebel guild of this country. I am beyond thankful for executing them, hindi ko alam kung paano sila lumago sa bansang 'to pero nagpapasalamat ako ng marami sa pagpuksa niyo sa kanila. After my husband died, walang oras na hindi ko iniisip kung paano ko pamumunuan ulit ang bansang 'to but thankfully, the miracle brought this baby inside my belly. Ngayon ko lang din nalaman at mabuti nalang ay wala ng pasaway na mga guilds dito na ikaka-depress namin ng baby." Agad natuwa ang mga babaeng kasama ko dahil sa nalamang buntis ito. I'm glad that she is pregnant, at least may makakasama siya sa mga darating pa na taon.
Ni hindi man lang ako naapektuhan sa sinabi niya about the shitty rebels from that guild. I think it is because of her sweet voice, na parang everytime ay kaya niyang magpatawad kahit malaki ang kasalanan nito sa kaniya. Gano'n na gano'n si Queen Lara sa'kin, and I heard na ganoon rin siya sa iba before me.
"Congratulations, Reyna Sahaya!" Palakpakan ng mga nilalang sa loob ng meeting hall. Zora pinched Nyctimus na ikinapikit nito dahil sa sakit and suddenly he clapped his hands together with us. Napailing nalang ako.
She is too kind, feminine and at the same time ay respectful sa mga mababang nilalang na nakaharap sa kaniya. Kaya hindi ko alam kung paano nagawang pagtaksilan ni Contro ang ganitong klaseng babae! She is too fragile to handle, she is too precious! This is the first time I am feeling this way towards other creature.
She immediately read the letter and I saw how her face slowly lightened. Nanlaki ang mga mata niyang napatingin pabalik sa aming lahat.
"It's fantastic! Maraming kabataan ang matututo kapag gano'n! Walang problema ito sa'kin kaya kung kinakailangan ay gusto kong makausap ang Reyna ninyo. I want to talk to him about this project, about this implementation. I was so happy before that the trading system between our lands are successful at hindi ko alam na mas magiging successful pa ang both parties kapag nangyari ito! And this another project about Mystic Emerald accepting tasks and missions? Magiging helpful ito lalo na't alam naming malalakas kayo! May mga bagay din talaga kasing hindi namin kayang gawin kaya this could be one of the ways para ma-lessen ang problems namin!" Maligaya niyang turan na siyang ikinatuwa ni Zora.
"Actually Queen Sahaya, the Academy is ready. We are just here to send informations to you and to other countries to let the young generations learned more about the world's literature and how to control and handle powers. Hearing your thoughts are pleasuring our ears, and we will be happy to see you in our castle one of these days to have discussions." Napatingin sa akin si Reyna Sahaya nang magsalita ako, I don't know but I just want to share my insights because soon ay magiging Dean ako ng Academy na 'yon.
She smiled at me and grab my right hand, nagulat ako do'n ng bahagya but kumalma nalang ako when she shake our hands together.
"You must be the soonest Dean of the Academy, Kyogra right? The Ice Dragon, and a Demon God." I bowed my head.
"Nasa letter ang pangalan mo and your background, nalaman kong ikaw dahil sa personality mo. But well, I like your personality so no offense." Masaya nitong sambit na siyang ikinatango ko nalang nang iangat ko ang ulo ko.
Ilang oras pa kaming nag-usap hanggang sa naisipan na naming tumulak sa susunod na bansa. Nagpaalam pa kami ng mabuti kay Reyna Sahaya habang walang tigil na pagngiti ang kaniyang iginagawad sa amin. She is just so sweet and I am hoping for more success for her country!
"Nandito na tayo." I said and the four castles surprised us all. It was so huge, mas malaki sa kastilyo sa lupain namin. Pinapalibutan ito ng malalaking mga golden walls and I can see from here how busy they are inside. Ang Villador ay may walong lungsod kaya mas malaki ito kumpara sa Raja at Roha. This place is huge, spacious and honestly, gorgeous kind of place.
It's good to be back in Villador.
"Grabe, alam kong malaking bansa ang Villador pero hindi ko inakalang ganito kasobrang laki!" Stheno excitingly said.
"Dito nakita ni Ate Medusa ang first love niya no'n eh!" Napalingon si Stheno kay Euryale at pati kami nina Zora ay ganoon din ang ginawa. Medusa's first love? Is from here? I didn't know that! Ang babaeng 'yon na walang ginawa kundi ang magtrabaho lang ng magtrabaho ay may first love?
"Sinabi niya rin 'yon sa'yo?" Nakangiting tanong ni Zora na siyang ikinanuot ng noo ko. So ako lang pala ang walang alam?
"Oo naman! Ang sweet nga ng kuwento niya! The guy saved her from the people who wanted to hurt her!" Euryale giggled.
"Ang daya! Hindi ko narinig 'yon ah?" Reklamo ni Stheno na ikinaikot ng mga mata ko. Psh! Ako nga ni walang alam tungkol kay Medusa siya pa kaya na kakalabas palang niya sa itlog!
"Focus ka kasi kay Kuya Arakiel!"
"I sensed a Demon God." Natigilan kaming lahat at sabay napalingon sa biglaang paglitaw ng isang babae habang nakangisi sa aming lahat. Mukha siyang tanga sa pagngisi niyang ganiyan but of course, I didn't tell her that.
She has a violet long hair abot sa baywang niya ang haba, she is slim and fierce looking because of the dark colors she is wearing. Violet din ang kulay ng mga mata niya na para bang siyang gugunaw sa amin kung magtatagal ang tingin namin sa kaniya.
Agad naging seryoso ang ekspresiyon ko dahil sa enerhiyang bumabalot sa kabuuan niya. She is not an ordinary.
"Sino ka?" Tanong ni Zora pero hindi sumagot ang babae sapagkat tumingin lang siya sa'kin. Kinilabutan ako sa ngisi niya pero nilabanan ko ang mga kakaibang paninitig ng mga mata niya. I sensed so much power within her but I know that I can handle it.
Ngayon nalang ulit ako kinabahan dahil sa presensiya ng babaeng 'to. She is no good for us!
"You have to be thankful because I still have errands to deal with, Demon God." Turan nito sa'kin at agad siyang naglaho sa harapan namin.
Shitty! I know their race, I know their bloodlines. Hindi ako nagkakamali, if she can sense Demon Gods then hindi ako nagkakamali!
"Bakit parang ikaw lang ang nakikita niya, Kyogra?" Takang tanong sa'kin ni Zora kaya seryoso ko siyang tinignan sa mga mata. Natigilan siya do'n pero nakuha niya paring kumalma.
"Because I am her target." I seriously said.
That woman, she is a Demon God Slayer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro