Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Lara.



"Sus, Vellihal! I want you to be my child's other half in the future okay? Ang guwapong bata!" Gigil kong turan habang karga-karga ko si Vellihal, anak ni Seraphim. Nakangiti lang ang babaita habang nanunuod sa amin nitong anak niya na napapapikit na ang mga mata dahil sa antok. Putak ng putak sina Chirubim at Arakiel dahil ni hindi nila mabuhat ang pamangkin nila dahil sa pihikan ito sa iba. Natawa ako sa nakakaawang mga mukha nila habang frustrated na frustrated kanina.

"Excited na ako para sa'yo, Queen. Mukhang maganda din ang bata, we are expecting na babae ang lalabas diyan." 'Yon din ang gusto kong gender na lumabas katulad ng sinabi ni Seraphim pero hindi ko naman kontrolado ang panahon. Lalaki man o babae, tatanggapin ko 'to ng taos-puso, mamahalin ko 'to at aalagaan ng mabuti. I don't want this child to experience such bad things just because he has no father to be with. Pero gagawin ko ang lahat to make this child happy, gagawin ko ang lahat para lumaki itong marunong umintindi sa mga bagay-bagay.

I will love this child no matter what, gagawin ko ang lahat para lang lumaki itong matalino, malakas at marunong rumespeto.

"Kahit ano Seraphim tatanggapin ko. At tiyaka, alam ko naman na nandiyan kayo to help me. I want all of you to love this child katulad ng mga pagmamahal at suporta ninyo sa'kin. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko sa Ama niya." Mapait kong turan na siyang ikinatigil nito. But she smiled at me sweetly and hug me a bit.

"Huwag kang mag-alala, Queen. Maraming gustong maging Ama ng magiging anak niyo. Ang ganda ng Nanay eh, baka nga ligawan ka ng ibang mga dayo dahil sa ganda niyo." Natatawa lang nitong sambit na siyang ikinailing ko lang. She was trying to lighten up my mood which is effective naman. Kumalas siya sa yakap at nginitian ako.

"Mahirap, Seraphim. Bakla ako, baklang kayang magdalang-tao. Isn't it weird? Baka matakot lang sila at mangdiri, at tiyaka ayos lang naman sa akin na wala na akong magiging boyfriend o asawa! My child is already enough for me to move forward and focus more sa lungsod at sa kaniya." Saad ko na siyang ikinangiti nito.

"Hindi ka lang bakla, Queen. Isa kang Reyna, malaki ang posisyon na meron ka at nirerespeto ka ng lahat. It's Ruthven's fault for leaving you, it is his fault for not coming back."

Hindi ko alam, hindi ko na alam! Nagtiwala ako sa kaniya, naniwala ako sa mga salitang lumabas sa bunganga niya. Pinaniwalaan ko siya! At tiyaka, siguro ito na nga ang mga consequences na kailangan kong harapin sa buhay. Kagustuhan ko naman talaga ang nangyari, na bumalik siya sa Villador. But it is for his own good, not mine. Siya lang naman ang inaalala ko, siya lang!

"Nandito na kami!" Napalingon kami sa likuran at nakangiting pumasok sina Chirubim at Arakiel habang may dala-dalang pagkain. Parang hinaplos ang puso ko nang makita ang iba sa mga pagkain ay siyang cravings ko, they volunteered to buy some food for me and for Seraphim sa kainan nila nina Nyctimus at Zora. Agad din naman kaming natuwa dahil alam namin kung gaano kasarap magluto ang kainan nila do'n.

"Akin na muna si Vellihal, Queen. Kumain ka na muna, ilalagay ko lang siya sa crib. Tutal natulog na ang damulag." Natatawa nitong sambit na siyang ikinatango ko nalang at inabot sa kaniya ng dahan-dahan ang bata. It's gorgeously sleeping while snoring na siyang ikinangiti ko. I am so excited for my baby, kailan kaya ito lalabas? Hindi ko alam pero excited na excited na akong alagaan ang anak kong 'to.

*********

Huminga ako ng malalim habang haplos-haplos ang malaki kong tiyan. Nandito ako ngayon sa kwarto habang nagmumuni-muni. Palakad-lakad ako dahil sa isiping ano kaya ang ipapangalan ko sa bata kung lalabas na siya? Nakaka-excite dahil sa paglabas niya, siya ang pangalawang may royal blooded sa lungsod na'to.

Queens and Kings, Princes and Princesses are considered as royal blooded people here in Maria. At malaking tiyansa na ang anak kong ito ang siyang magpapatakbo ng mga negosyo at ang magiging sunod na magiging pinuno ng lugar na'to. Pero hindi ko alam ah, pero para kasing hindi normal ang laki ng tiyan ko. Masiyado bang malaki ang batang 'to? Masiyado bang busog ang anak kong 'to?

I know na ang bata na nasa sinapupunan ko ay kumukuha rin ng lakas sa enerhiya at kapangyarihan ko and I don't have any problem with that because I really want my child to be strong and healthy. Gusto ko sa'kin siya magmamana! Gusto ko, sa'kin niya makukuha lahat. Ayokong may makitang Ruthven sa itsura niya!

"Anak, dapat sa'kin mo makuha lahat ah? Dapat kamukha kita, dapat same tayo ng powers at tiyaka dapat gwapo o maganda kang bata ah? Of course noh! Ang ganda-ganda ng Nanay mo kaya hindi ako makakapayag na hindi ka lalabas na walang itsura!" Sigaw ko at kalaunan ay natawa nalang. Naramdaman ko pa itong sumipa na siyang mas lalo ko pang ikinatawa ng malakas. Jusko! Mukhang bayolente ata 'to paglaki!

Pumunta ako sa bintana at pinakiramdam ang simoy ng hangin. Na para bang unti-unti na itong yumayakap sa akin at inaalo ako sa mga problemang kinakaharap ko. Teka meron pa ba akong problema? Isa pa ba si Ruthven sa mga problema ko? Kasi hindi ko na alam kung kaya ko pang maghintay, hindi ko alam kung kaya ko pang pakisamahan ang mga pangako niya sa akin. Kaya simula ngayon, hinding-hindi na ako maniniwala sa kaniya, hinding-hindi ko na siya mamahalin pa kung ganito lang din ang sakit ang mararamdaman at makukuha ko galing sa mga pangako niya.

Pababayaan ko na siya kung saan siya masaya. Hindi ko hawak ang buhay niya, alam ko 'yon. Hindi ko hawak ang kagustuhan niya. Kung saan niya gusto, doon siya.

Napatingin ako sa kalangitan nang mapagtantong ang lawak-lawak nga pala nito. Napakaganda ng kulay na parang kakulay ng dagat, ang mga puting ulap na halos takpan na ang kabuuan ng araw at ang mga nagsisiyahang mga ibon habang lumilipad sa himpapawid ay nakakaaliw panuorin. Napakagandang tanawin habang ang iba't-ibang puno ay nagsasayawan at ang mga dahon nito, dahil sa malamig ng ihip ng hangin ngayon. Nakita ko rin kung paano nagtatakbuhan ang mga kahayupan sa gubat habang hinahabol sila ng mga mas malalaki pa sa kanila.

Bigla akong napaisip, kamusta na kaya ang may-ari ng katawan na'to? Kamusta na kaya ang kaluluwa ng katawan na ito? Naliligaw ba siya? Nakabantay lang ba siya sa akin? Pero kung nandito nga siya, alam kong makikita sila nina Arakiel, Seraphim at Chirubim dahil sila ay mga anghel. Malalaman at malalaman nila kung nandidito ang kaluluwa ng may-ari ng katawan na'to.

What if he'll come back? What if he will get his body back? How about me? How about my soul? How about my life? Ipapaubaya ko ba? Sa simula pa lang kasi, hindi na akin ang katawan na'to. Oo magkamukha kami, magkatulad ng katawan at mga mata pero hindi akin 'to. Matagal na 'kong patay, matagal na akong namayapa!

Napahawak ako sa tiyan ko, hindi ko alam pero akin ba 'to? Akin ba ang batang 'to? Physically, it's not mine because this is not my body. But its soulfully mine, spiritually and emotionally. Kaya aakuin ko ito!

Nanliit ang mga mata ko nang may narinig akong parang busina ng sasakyan. As far as I know, there are no any transportations here. It sounds like a horn of an instrument!

Hinagilap ko kung saan pero wala ito sa ibaba, pero nang napaangat ulit ang tingin ko sa kalangitan ay bigla akong nanlamig sa nakita.

Napakarami nila! At hindi ako nagkakamali, isa silang mga anghel! But there's one guy leading them, he is powerfully guiding them down. Even he is too far from me, I can see his whole body and face feature. He has this bronzed skin well-built body with his powerful biceps and other muscles on his thighs. He also boastfully showing his eight hardcore abs while wearing only white mantel to cover up his lower part almost down to his knees. Ang kinulang na tela ay hinahangin kaya hindi ko maiwasang hindi makita ang kaniya. Gladly, he is wearing white undergarment to cover his. Mahihimatay talaga ako kapag makikita ko ang kaniya! Magkakasala ako, promise!

His face is well-sculpted. His seductive brown eyes are now staring at my castle with his brown eyebrows, his thin line cupid-bow shaped lips that made him more gorgeous and his tightened jaws that can make every women aroused just seeing him doing even nothing! His hair is curly and it is not that long but you can bet that he is powerful than those Angels in his back. One of the Angels carrying a big instrument and I realized that the loud sound is from, I guess, from that big kind of flute!

Unti-unti ko ng narinig ang hiyawan mula sa baba kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto. I carefully went down while caressing my belly to make it steady. Baka kasi maalog! Jusko bakla! Mamamatay talaga ako kapag may mangyaring masama sa anak ko!

Nang makalabas ako ay nakita kong ready na lahat ang iba't-ibang lahi habang seryosong nakatingin sa paparating na mga hindi imbitadong bisita. Hanggang sa nagawa nilang makalusot sa malakas naming barrier na siyang ikinagulat ko. Isa 'yon sa mga malalakas na barrier na gawa ko at madali lang nila 'yong napasok? Ganoon sila kalakas?

Pinanuod namin silang bumaba habang ang ulap na sinakyan nila ay biglang naglaho. Kung bibilangin, isang daan mahigit ang bilang nila kasama ang naiiba nilang lalaki. Lahat ng mga anghel ay nakahanda ang mga pakpak, lahat sila ay mga lalaki at walang ni isa sa kanila ang may suot sa itaas bahagi ng katawan nila.

Agad lumapit sa akin ang mga leader ng iba't-ibang lahi, protecting me from any possible harm.

"Nasaan siya, anghel! Nasaan ang Ina ng aking anak!" Malakulog nitong sigaw na siyang ikinapikit ko. Kasabay ng kaniyang sigaw ay ang pagkulog at pagkidlat ng kalangitan kahit wala namang itim na mga ulap. Napahawak ako sa tiyan ko dahil ayokong marinig niya ang gano'ng klaseng sigaw! Ayoko siyang matakot!

"Sino ka ba? At bakit ka nandito sa lugar namin!" Sigaw sa kaniya ni Sol pero malamig lang siya nitong tinignan sa mga mata, lumihis ang mga mata niya na parang may hinahanap sa grupo namin hanggang sa madako ang mga mata niya kay Arakiel at Chirubim.

"Nasaan ang kapatid niyo? Nasaan ang anak namin?" Halos manlaki ang mga mata namin dahil sa napagtanto. Ang lalaking ito ang siyang bumuntis kay Seraphim! Siya ang Ama ni Vellihal! Maliban kina Chirubim at Arakiel, seryoso lang sila ngayong nakatingin sa lalaki. Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa lalaking 'to, napakalakas ng enerhiya niya at ang kapangyarihan nito ay umaapaw sa lakas! I-Isa siyang Diyos!

"Bakit? Anong kailangan mo sa kaniya? Naninirahan na kami ng tahimik dito, Diyos Xerdon. Huwag niyo na kaming gambalain pa ng mga kapatid ko." Seryosong saad sa kaniya ni Arakiel pero umiling lang ito at pilit na hinahanap ang imahe ni Seraphim.

"I-Isa siyang Diyos? May mga Diyos din rito? Akala ko ubos na sila?" Dinig kong bulong ni Zaporah. She told me a story about the 'hiyas' thingy when someone touches it, they became more powerful. Tatawagin silang Titan God and Goddesses but when they'll pass it to another beings, magiging Diyos nalang sila at Diyosa. Sabi niya, someone named Xysoness from their little world took back all the powers from that 'hiyas' to put it all back in the right place and time. To balance the creation and destruction, to balance life and death.

"Huwag mong kalimutan, Zaporah. Magkaiba ang mundo natin sa kanila. Iba ang mga Diyos at Diyosa nila sa atin." I heard Esterno replied to her.

"Huwag niyo akong galitin, isang hangal na anghel! Ipakita niyo siya sa'kin at kukunin ko ang bata! Ayokong sinasayang ang oras ko!" Parang nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya kaya agad kong hinawi ang mga lider para makadaan ako. Napunta sa akin ang mga mata ng lalaking nagngangalang Xerdon. Nanliit ang mga mata nito habang sinusuri ang kabuuan ko na siyang ikinainis ko lalo. I was so insulted on how he looked at me with that arrogant brown eyes!

"R-Reyna Lara." Halos bulong ng lahat.

"Kukunin mo? Sa anong dahilan?" Malamig kong turan sa kaniya pero nagulat ako nang may lumatay na kidlat sa kaniyang palad at itinapat niya ito sa'kin. Pero bago pa ako matamaan, it disappeared. Nagtaka siya dahil sa nangyari, I continuously stared at him with my cold glares.

"Inabandona mo, tapos kukunin mo ulit? Ano sila, laruan? Ganiyan ba ang Diyos na sinasamba ng mga anghel na kasama mo ngayon?" Insulto ko, nakita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata ni Xerdon at tuluyang napawi ang malamig nitong ekspresiyon.

"Sino ka para pagsabihan ng ganiyan ang Diyos ng kidlat?" Sigaw ng isa sa mga anghel, ang anghel na siyang may dala ng malaking instrumento.

"And how dare you shout at our Queen? You are just a mere Angel trying to be strong behind your God's' back!" Sigaw pabalik ni Zaporah na siyang ikinatigil ng anghel.

"Anghel, ipakita mo sa'kin ang kapatid mo." Gigil na ngayong ulit ni Xerdon.

"They have names, Mr. God of Thunder. That's Arakiel, and that's Chirubim. And you won't see Seraphim because we will protect them from you. Wala kang karapatan para maging isang Ama ng bata." Luna butt in.

Xerdon didn't give any care to Luna's opinion but he just looked at me again with his unexplainable expression. Kumunot ang noo ko sa paraan ng pagtingin niya sa'kin.

"Hindi ko alam na magkikita't-magkikita tayo, hampaslupa. Ang Reyna ng lugar na 'to, ang nagbigay ng mga pangalan sa iba't-ibang halimaw at ang nagbuwis ng buhay sa lahat." Hampaslupa? Did he just called me hampaslupa? And what? Bakit parang kilala niya ako? Bakit parang ang tagal niya na akong kilala dahil sa mga lumabas na salita galing sa bibig niya?

"Are you done?" Malamig kong turan, showing him that I am fucking bored. Ayokong matulad sa kaniya ang inaanak ko! Ayokong matulad niya ang magiging anak ni Seraphim!

"Pinoprotektahan niyo ang anak ng isang Diyos? Anong klaseng Reyna ka ba? Isa kang lalaki na nag-anyong babae? At ngayo'y parang nagdadalang tao? Isang bearer? Puno nga ng mga halimaw ang lugar na'to!" Sigaw ng isa pa sa kanila, nagsitawanan ang mga anghel na kasama nila na siyang mas lalo kong ikinainis. Ngumisi lang ang Diyos nila. Tumatawa sila sa hindi nakakatawang joke? The fuck? Ang bababaw!

"Ibigay niyo sa akin ang bata, lahat kayo ay mabubuhay." He is now fucking threatening us and I won't let that happen. Not here, not in my beloved place.

"Kayo ang umalis, wala kayong galang sa Reyna namin." Napalingon kami ngayon kay Zora na nagliliwanag na ang buong katawan na hindi ganoon kaliwanag na berde.

"If you are all here to insult our Queen, you'll feel our wraths. You better get your ass out from this place or we will forcefully drag all of you." Malamig ngayon na turan ni Kyogra habang nagliliwanag ang kabuuan nito ng asul.

"Hmm, looks like mapapasubok ako bago ako umalis ah?" Zaporah. Her body is also glowing with red and now I feel the seriousness from the three of them.

"Mga Dragon?" Bulong ng isa sa mga anghel pero parang hindi sila natinag. Si Xerdon ay seryoso na ngayong nakatingin sa akin habang ang mga lider ay nakaharap na sa kanila at handa ng lumaban.

"Stheno, Euryale. Evacuate all the people here and bring all of them in Mystic Verdurous." I commanded to the two Serpentes, they bowed their heads before leaving.

"Do you think, your Angels can help you? Do you think you can beat us all even we are just few?" Mariing turan ko nang harapin ko si Xerdon na siyang ipinagtaka niya. Pero nang may mapagtanto ay naging mas seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pag-angat ng labi niya, trying to make a smirk.

"Masiyadong malaki ang ulo mo, bakla. Wala ka pa sa kalingkingan ng kapangyarihan ko kaya huwag kang magmagaling na para bang kayang-kaya mo ako." Umiling nalang ako at tinuro ko sina Arakiel at Chirubim habang nakalabas na ang mga pakpak nila. Pinanuod namin kung paano unti-unting naging mga ginto ang kani-kanilang mga pakpak at ang paglitaw ng gintong 'halo' sa ibabaw ng mga ulo nila na siyang ikinasinghap halos lahat ng mga anghel na nasa likuran ni Xerdon.

"P-Paano naging gintong anghel ang mga taksil? Pinatay nila si Diyosa Oviossa pero paano sila naging banal?" Gulat na turan ng isang anghel habang nakaharap sa kasamahan ko.

"Kasi hindi kami ang pumatay, hinding-hindi namin magagawa ang mga pagbintang niyo." Seryosong turan ni Arakiel.

"Hindi ko aakalain na magiging malakas ka sa likod ng naranasan mo noon sa Elysium. At hindi ko aakalain na hindi pala tatalab sa'yo ang babaeng minahal mo noon, si Heraphim tama ba?" Napansin kong natigilan si Arakiel dahil sa sinabi ni Xerdon. Nanliit naman ang mata ko dahil sa hindi malamang dahilan kung ano ang pinupunto nito.

"A-Anong kinalaman niya rito? Patay na siya!" Sigaw ni Arakiel but Xerdon smirked at him.

"Oo namatay siya. Pinatay mo siya hindi ba? Hindi ko aakalain na ang babaeng iyon na akala ko na magpapahina sa'yo ay wala naman palang silbi, binigyan ko pa ng pangalan ang hampaslupa na 'yon."

"Arakiel, calm fucking down." Seryoso ko ngayong turan sa kaniya na akmang susugod na sana siya kay Xerdon. Tumingin siya sa mga mata ko na parang nangungusap pero umiling lang ako sa kaniya. Kung hahayaan niyang kontrolin siya ng galit, delikado siya.

"I-Ikaw ang dahilan kung bakit siya nawala." Bulong na lamang ni Chirubim habang pinipigilan si Arakiel na umatake.

"Tutal malalaman niyo rin naman, sasabihin ko nalang." Natigilan kaming lahat nang umabante ito ng kaunti at tinignan niya sa mga mata sina Arakiel at Chirubim.

"Sinabi ko sa babaeng 'yon na bibigyan ko siya ng kapangyarihan para maprotektahan kayo kapag kayo ay naparusahan na dahil nga sa nawawala ang Diyosa, at alam ng lahat ang mangyayari. Naging iresponsable kayo sa trabaho niyo bilang mga anghel kaya alam kong itatapon kayo sa lupang 'to bilang parusa. Pero dahil sa uto-uto siya, napaniwala ko siya sa mga kasinungalingan ko. Pag-ibig nga naman. At hanggang sa binago ko ang takbo ng kaniyang utak, ang tibok ng kaniyang puso at ang kaniyang pinaniniwalaan kaya wala na siyang nararamdaman sa'yo. Mukhang maayos naman ang paggamit sa kaniya ng lalaking salamangkero na 'yon, muntik na kayong mamatay lahat tama ba?"

"I-Ikaw ang nasa likod ng mga atake na 'yon?" Malamig kong sabat na siyang ikinatingin niya sa akin. Ngumisi siya at parang proud pa na tumango.

"Sabihin nalang natin na kontrolado ko ang isipan ng salamangkero na 'yon, ang babaeng duwende, ang babaeng taong-lobo, ang babaeng bampira, ang lalaking magaling sa espada, ang isang Dragon at si Heraphim. Hindi ko naman alam na sa kabila ng pagkontrol ko sa kanila, nakuha pa nilang kontrolin ang mga kasamahan nila at ang isang 'to." Turo niya kay Kyogra na ngayo'y ang lamig-lamig na nitong nakatingin sa kaniya.

"Mukhang hindi ko sila nakontrol ng maayos, nakawala ang Dragon na'to eh at ang bampirang 'yon na Hari ng isa sa mga bansa rito na hindi ko alam kung bakit hindi pa nila pinatay. Alam niyo? Para kayong laruan na nasa kamay ko, at habang pinapanuod ko kayong lumalaban para sa mga walang kuwentang buhay ninyo ay gumagawa na ako ng paraan para hindi kayo matahimik ulit. Hindi ko naman alam na masisiyahan ako sa panunuod ko sa inyo. Hanggang sa malaman ko na ako ang Ama ng batang dinadala ng babaeng 'yon." Natigilan ang lahat dahil sa rebelesasiyon na narinig namin galing sa kaniya. Nagngitngit ang mga ngipin ko at parang nagdidilim ang paningin ko dahil sa sinabi niya.

Pinaglaruan niya lang kami?

"Bakit mo 'to ginawa sa amin? Wala kaming kasalanan sa'yo!" Matapang na sigaw ni Medusa pero tumawa lang ang Diyos ng kidlat sa kaniya.

"Wala nga pero itong anghel na'to, sino? Arakiel? Malaki ang kasalanan niya sa akin! Pinatay niya ang babaeng mahal ko! Pinatay niya si Oviossa! Siya ang dahilan kung balit wala na ito! Ang plano ko sana ay patayin ang kapatid niya para ipaghiganti ang pagkawala ng mahal ko pero dahil sa naawa ako ay ginahasa ko nalang ito ng ginahasa. Hindi ko naman alam na may mabubuo pala, hindi ba siya nagsumbong sa'yo? Mukhang hindi niya naman 'yon magagawa dahil kung nagsumbong siya, siya mismo ang unang mawawala sa mundong 'to." Litaniya ng buysit na si Xerdon!

"Wala akong kasalanan sa'yo! Hindi ko siya pinatay! At hinding-hindi ko 'yon magagawa sa kaniya!" Sigaw ni Arakiel habang may luha ng tumutulo sa kaniyang mga mata.

Ang inis ko ay umaapaw na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kababuyan ng lalaking 'to! Ang sama-sama niya! Ginawa niya kaming laruan! Ginawa niyang parausan si Seraphim! Nanginginig ang kalamnan ko ngayon dahil sa ginawa niya! Ang galit ko ngayon ay hindi ko na masukat dahil sa kaniya!

"Magbabayad ka." Turan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro