Chapter 35
Lara.
It was so good watching the clear sky where all the birds are flying with joy under the light of the sun. The air is refreshing, the view is still breathtaking. It's already an hour when I woke up in a deep sleep and thinking the things I've done when my physical body was asleep. I remember all the moments, the chaos, the resurrections of my people, my projection as the soul and the success of the battle in Roha. It seems like it happened just yesterday, na para bang kahapon lang lahat nangyari.
Napalingon ako kay Ruthven, comfortably sleeping on another bed right next to mine. His face is just like a baby when its asleep, his body's position is like he is inside of the coffin while his hands are on top of his stomach.
I heard everything, rinig ko ang lahat.
Ruthven is a King, he is a King from other country. I don't know but I was not happy because of him being irresponsible to his beloved country. Paano niya nagawang iwan ang bansa niya para manatili dito ng matagal? How dare he? Kaya pala ayaw niya sabihin dahil sa napakalaki ng responsibilidad niya? Tinakbuhan niya ang trabaho niya kaya natatakot siyang sabihin sa akin because I am a Queen of myself and knowing him as a King is insulting! Nagpakahirap ako para makamit ang title na'to tapos tinakbuhan niya lang ang kaniya? What the effin fuck?
Lumingon ako sa human sized mirror feeling irritated and watched how my body got whitened because of almost a month sleeping on my bed inside of the castle. I noticed na parang mas humaba ang buhok kong berde, ang katawan ko na parang mas naging slim at ang mga mata ko na parang mas lalong naging maliwanag ang pagkakulay berde. Umikot pa ako acting like a Barbie princess and smiled playfully. Bakla talaga!
"Pero sa kabila ng lahat, masaya ako. They proved to me that even without me, they can defeat the chaos, beat the evil doers." Ngiti kong turan habang nakatingin sa malaking bintana. Tumingin ako sa mukha ni Ruthven at napabuntong-hininga, lumapit ako sa katawan niya at tinapat ang kanang palad ko. I feel the sudden energy flowing from my veins to his direction and saw how my palm glowed. Gumapang sa katawan niya ang berdeng liwanag at nakita ko kung paano mas naging normal ang paghinga ni Ruthven na siyang ikinangiti ko. After a minute, the light faded and the energy is no longer felt by me.
"Gumising ka na, mag-uusap pa tayo." Ngiting sabi ko at hinalikan siya ng marahan sa labi ng ilang segundo at lumabas na.
Paglabas ko ng kwarto, everything are so fine. I miss having this physical body, I miss having interaction with my people and I suddenly miss talking to the leaders. Ano kayang ginagawa nila ngayon? I bet masusurpresa sila knowing na nagising na ang magandang dilag mula sa mahabang pagkakatulog!
I felt my body got stronger and I think it is because of the spell that Zora used when he defeated that Mage. He used deglutition that swallows power, body and soul but it directly went in me. Sa akin napunta ang kaluluwa ng lalaking 'yon, hindi kay Zora. But I know that even without my help, Zora can win his battle. He has the courage and brave heart, I know he'll win.
Kahit tulog ang pisikal na katawan ko, my soul is widely awake. Rinig na rinig at kitang-kita ko ang lahat ng mga hinaing nila, ang mga pagtatalo at ang pagkakaisa. I feel ecstatic when they managed to control themselves, put down all their doubts and made one solution to stop overthinking things. I feel so proud when I witnessed it all inside of this castle.
Pagkalabas ko ng kastilyo ay siyang agad bumungad sa akin ang lahat ng mga lahi. The luminous and serene atmosphere are already sufficient to make me feel at home, again.
"R-Reyna Lara?" Ngumiti ako ng matamis when someone called me until all of their eyes are already on me. Nag-unahan silang tumakbo and leave their work temporarily na siyang ikinatawa ko nalang. Nagsisigawan ang lahat dahil sa tuwa, may nakita pa akong umiiyak habang ang iba naman ay nanlalaki ang mga mata habang nagbabadiya doon ang mga luha. I feel so cared, even though they still have bigger fishes to fry, they leave it just for me. Even they're pooped, they still wanted to see me.
"Reyna Lara!" Napalingon ako sa mga leaders ngayon na nasa harapan ko na. Sina Arakiel, Sol, Nyctimus, Zora at si Medusa. Sabay silang lumuhod sa akin at nag-bow at ganoon na rin ang ginawa ng iba pa. Ngumiti ako sa kanila ng matamis, ganoon pa rin nila ako ka respetado.
"Rise, my people." Me.
Tumayo na silang lahat na may mga galak sa kani-kanilang mga mukha. They are all happy to see me again with my fully recovered body, they are all crying in joy that almost made me cry for some reasons!
"Lahat na nandidito ay nagagalak sa inyong pagbabalik! Lahat ng mga nandito ay malaki ang pasasalamat dahil sa napakalaking sakripisyo na inyong ginawa para sa aming lahat! Nagpapasalamat ulit kami ng napakalaki sa aming pangalawang buhay. Karapat-dapat po kaming parusahan dahil sa aming kapabayaan, Reyna Lara. Tatanggapin namin ang kahit anong hatol ninyo upang mapagbayaran namin ang aming mga kasalanan." Ngumiti lang ako ng matamis kay Medusa at sabay umiling. Hinding-hindi ko 'yon magagawa sa kanila dahil sila mismo ang nagpatunay na karapat-dapat silang mabuhay muli.
"I am not a selfish, Medusa. I know that all of you deserve to live again so who am I to take all of your happiness and freedom?" Litaniya ko na siyang ikinatigil niya, I saw a glimpse of tears from her eyes that made my heart touched. I hate seeing people crying, it is like I am the one who made them cry.
"P-Pero hinayaan po naming atakihin ang lungsod, Reyna Lara. At tiyaka, halos mawala ka na sa amin dahil sa kapabayaan naming lahat." Umiling ako ulit sa sinabi ni Sol.
"Hindi natin ginusto mangyari ang lahat. The destiny has purpose why it happened. So all of you don't have to worry, ang importante ay maayos na ang lahat." Ngiting turan ko na siyang ikinangiti rin ni Sol pabalik. Tumingin ako kay Nyctimus na seryoso lang na nakatingin sa akin, I just smiled at him na siyang ikinayuko nito. Hmm! Akala nila hindi ko nakita ang halikan nilang dalawa ni Zora! I know it was private but I was so curious that's why I followed Nyctimus and there! Their love life has already progress!
"Lara, maraming salamat sa malaking tulong mo." Tumango ako kay Zora. He is smiling sweetly to me, I know how happy he is right now and I can't just take it away from him. I am so proud of this bakla!
"R-Reyna Lara, maraming salamat dahil kahit sa likod ng kasalanan k-ko ay napatawad mo pa rin ako." Lumapit ako kay Arakiel nang marinig ang mga salitang 'yon sa kaniya. He is still blaming himself, hayst. I already assured him that it was just okay because he was just in love, and it is not his fault for bringing that woman here. I know he was tricked and in that way, he already proved that he is no longer affected of that woman.
"Diba sinabi ko na sa'yo na ayos na ang lahat? Kalimutan mo na ang nakaraan, Arakiel. I already forgave you, everyone does so please move on and move forward." Bulong ko sa kaniya and I tap his right shoulder at napalingon sa iba pa.
Chirubim and Seraphim are now crying, I just laughed a bit and lumapit sa kanila. I caressed Seraphim's bump and I know that one of these days ay manganganak na siya. Ngumiti ako sa tiyan nito at tumingin sa mga mata ni Seraphim.
"You have to rest, Seraphim. Malapit nang lumabas ang bata." Ngiti kong saad nito, natigilan nalang ako nang yakapin niya ako ng mahigpit na siyang ikinahinga ko nalang ng malalim at mas ngumiti pa ng malapad. Chirubim hugged me too, and I felt someone on my feet kaya hinay-hinay akong kumalas sa yakap nilang dalawa at napatingin sa batang babaeng umiiyak na ngayon.
"Astrum, why are you crying?" Mahinang tanong ko rito but she was just crying and sniffing my legs.
"She was just happy to see you again, Queen. She promised that she will grew stronger, enough to protect you from enemies." Napalingon ako kay Luna when she uttered those words na siyang parang hinaplos ang puso ko. Natawa ako kay Astrum at binuhat ito.
"Don't cry na baby Astrum ah? You'll promise that you will grow stronger and protect me okay? Aasahan ko 'yan ah?" She cutely nodded to me while wiping her tears off, she smiled at me a bit that made my heart fluttered again. She is just so cute!
"Lara." Napalingon ako sa magpinsan, they are happily smiling at me. I nodded to them, I know how huge their distribution in that battle and I am so thankful that they didn't leave my comrades alone.
"Maraming salamat sa inyo Esterno, Zaporah. Maraming salamat sa pagtulong sa kanila."
"Ano ka ba? Para namang hindi tayo friends niyan! At tiyaka may bayad 'yon noh! We will stay here na matagal dahil sa ganda ng lungsod mo as the payment! And hello! Babalik pa ako sa Raja, I still have to bar-hopping!" Natawa ang halos lahat sa amin dahil sa energetic niyang boses. Umiling nalang ako dahil sa kagagahan ng babaeng 'to.
"Ginawa rin lang namin kung ano ang tama, Lara. And helping all of you here is the most memorable I've experienced in your little world." I thanked Esterno for saying those, I just found another true friends.
Esterno is calling someone from his back and an unfamiliar face went out. Nanatili sa kaniya ang mga mata ko thinking kung saan ko siya nakita o nagkita na nga ba talaga kami. Natigilan ako nang lumapit sa akin si Astrum and she suddenly touched my palm. At bigla akong nagulat dahil sa mga memories from that guy appeared in my mind! Singhap akong napatingin ulit sa mukha ng nakangiting si Astrum, she just answered my questions!
"He is a Dragon like Zaporah and Zora, wala siyang pangalan but he is a Demon God. Contro used the forbidden spell to turned him one of the Demon Gods." Tumango ako sa pagpapakilala ni Esterno sa lalaki na kasingtangkad ko lang rin. Kahit panglalaki ang gupit niya ay makikitaan mo na ang katawan nito ay kasing slim lang rin namin ni Zora. He has feminine body and face, at mas maputi pa siya kaysa sa akin! Gosh, another bading?
The Mage leader of the Rose Guild, the rebel guild gave him the power of the Demon God using the forbidden spell. But he rejected the name that was given to him even though it can provide him more power. And he is an Ice Dragon. I saw his past, how he was controlled by his comrade and how his parents was killed by that fuck. But his power is no joke, he's strong.
"N-Nice to finally meet the Queen of this town. And now I know why they protected you that much." Turan nito sa akin na siyang ikinaangat ng isa kong kilay.
"Sorry Lara, ganiyan lang talaga siya magsalita. His ice power and cold personality affect his attitude that's why he has that kind of tone." Esterno explained na siyang ikinatango ko nalang. I know.
"Do you want a name then?" Natigilan siya dahil sa sinabi ko, his eyes literally widened na siyang ikinahagikhik ko nalang. His face turned red that makes him cute but I know that he is like me, katulad siya namin ni Zora kaya mas lalo akong natuwa. Tatlo na kaming bakla rito!
"I-It will be my honor to have a name from the respected Queen of this town. I heard you know how to make beautiful names." I just chuckled of what he said. Am I? Do I give beautiful names?
"Kaya niyo na po ba, Reyna Lara?" Tumango lang ako kay Sol.
"I regained my powers back, and giving him name is not a big deal now." I uttered.
"But he is a Dragon, Queen. Unlike Zora, mas malaki ang lakas na mawawala sa'yo kapag binigyan mo siya ng pangalan dahil sa malakas na nitong kapangyarihan. At tiyaka isa siyang Demon God kaya mas lalong made-drain ang energy mo." Ngumiti ako sa concern ni Seraphim but I just smiled again and gave them assurance that I can really do it. My power was multiplied swallowing that Mage's power, I know that I can do it without experiencing difficulties.
"That's better then, did he promised na kakampi siya sa atin?" Mausisa kong tanong. Umabante ang bading habang taas-noo niya akong hinarap. Kahit malamig na malamig ang titig niya, na mas malamig pa kay Nyctimus, kitang-kita ko pa rin ang kagustuhan niyang mapangalanan.
"I promise! I'll do my best to protect this town, my soon to be comrades and the Queen." Tumango ako sa sinabi niya. It's enough for me.
"Then, your name will be.. Kyogra." Suddenly his body glowed when I gave him name kaya napapikit ang lahat maliban sa akin. I was just smiling while watching his body absorbing some of my energies but I didn't feel anything. Hindi humina ang katawan ko, ni ang lakas ko ay ganoon pa rin. Babalik rin ang lakas ko kung may nakuhanan man but I know I am stronger than before.
After that blinding light, the image of Kyogra kneeling in front of me was seen. He is bowing his head while his right hand is on the ground and the other one is on his knee.
"Rise, Kyogra. You're now part of our family." Nakita ko parang nag-stiff ang body niya na siyang ikinahagikhik ko nalang. Pero hindi ko nakaligtaan ang luha niya na tumulo sa lupa kaya agad akong lumapit sa kaniya and tap his shoulders.
"We will be your new family, we will shelter you and feed you. We will give you home and safe space." Bulong ko.
Hinarap ko ulit ang mga tao ko at kitang-kita sa mga mata nila ang pag-aalala na baka mahilo ako sa ginawa kong pagbigay ng pangalan kay Kyogra. I just smiled to them that made them sighed deeply at ngumiti na lamang.
"Everyone! Ipagdiriwang natin mamayang gabi ang pagkapanalo nating lahat at ang pagbati sa mga bagong miyembro ng ating pamilya! Aasahan ko ang masasarap na pagkain at alak sa ating selebrasiyon!" Sigaw ko na siyang ikinasigaw din ng lahat.
Ito ang magiging bagong simula ng aming buhay.
******
Zora.
"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ko kay Kyogra habang nakatulala ito sa kawalan. Napatingin siya sa akin gamit ang mga malalamig niyang mata. Kung hindi ko lang alam na ganito na siya noon pa ay baka natakot na ako sa klase ng paninitig niya. At tiyaka nagagalak ako dahil tinanggap siya ni Lara, tinanggap siya ng lahat sa kabila ng marahas na naranasan niya sa kamay ng mga taga Roha.
"Yeah, I'm okay. It's just that, I am not expecting this to happen." Turan nito pabalik na siyang ikinangiti ko habang nakatingin sa kalangitan na unti-unti ng nilalamon ng kadiliman.
"Mabait si Lara, ang Reyna. Hindi man halata pero lahat ng bagay na meron kami ay siya ang nagpuna. Binigyan niya kami ng mga pangalan, tirahan, makakain at tiyaka kalayaan. Siya ang tipong nilalang na gagawin ang lahat para mailigtas lang niya ang malalapit sa puso nito. At ilang beses niya na 'yong ginawa sa aming lahat, ilang beses niya ng sinakripisyo ang buhay niya para sa amin kaya masuwerte ka. Hindi man namin alam ang pinagdaanan mo no'ng nasa kamay ka pa ni Contro pero buburahin naming lahat ang sakit na naranasan mo." Ngiti kong sambit sa kaniya.
Nagkuwentuhan pa kami ng ilang minuto hanggang hindi na nga namin namalayan na mag-iisang oras na pala. Masarap siya kausap, mukha lang siyang hindi nakikihalubilo pero kapag nakilala mo na siya ng tuluyan ay gaganahan kang makasama siya. Kinuwento ko pa 'yong una naming pagkikita ni Lara na halos tawa lang kami ng tawa, kinuwento ko rin sa kaniya kung ano ang pamumuhay dito at tiyaka kung ano ang gustong mangyari ni Lara sa lugar na 'to.
"I have to change now Zora, Medusa gave me some clothes to wear for later. And it's so nice to talk with someone that I can open up to, at tiyaka mukhang nagsisimula ng umingay sa fountain. See you!" Tumango nalang ako sa pagpapaalam niya at ngumiti. Nang mawala na ito ng tuluyan ay napatingin ako sa kalangitan. Napakaliwanag ng buwan ngayon na pati ang bituin ay mas lalong nagningning!
Nandito kasi ako sa hardin kung saan naging paborito ko na talagang parte ng lungsod na 'to. Maliban sa napakalaki ng espasyo dito, dito kasing banda mas nakikita ang ganda ng kalangitan. Nakita ko dito si Kyogra kanina kaya napag-isipan kong lapitan siya.
"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Bakit ko nga ba nakalimutan na ito nga pala ang paborito mong tambayan?" Napangiti ako dahil sa pamilyar na boses. Hindi ko mapigilang ngumiti ng ngumiti dahil sa isipang kami na ni Nyctimus.
Bago pa ako makaharap sa kaniya ay naramdaman ko na lamang ang mahigpit nitong yakap mula sa aking likuran. Agad kong naramdaman ang init ng yakap niya na siyang nagbigay sa akin ng kaginhawaan. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig niya, na hindi ako masasaktan kapag yakap-yakap niya ako at para bang tuwing ginagawa niya ito ay palagi kong nararamdaman ang labis niyang pagmamahal. Sa kaniya ko lang ito naramdaman, sa kaniya ko lang naramdaman ang kakaibang init ng puso ko.
Ilang segundong ganoon ang sitwasiyon naming dalawa habang nasa gitna ng kawalan.
"Alam mo bang naging pangarap ko ang sitwasiyon na 'to, Nyctimus? No'ng isa pa lang akong Dragon, pinangarap kong maging anyong tao para mayakap mo ng ganito habang nakatanaw sa kalangitan na parang tayo lang ang tinatamaan ng liwanag ng araw at ng buwan. Na parang tayo lang ang nasa lugar na 'to habang magkayakap at magkahawak-kamay. Ngayon, hindi ako makapaniwala na naging totoo ang lahat ng pangarap ko. Salamat sa'yo, Nyctimus." Bulong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa buwan. Ramdam ko na ngayon ang mainit na hininga niya sa leeg ko, ang tungki ng ilong niya na halos dumikit na sa batok ko.
Kahit gano'n, kinikilig pa rin ako. Kinikilig ako sa mga ganoong galaw niya lang. Na kahit sa paninitig lang niya ay halos mangisay na ako sa sobrang kilig! Ang malalim niyang boses na para bang isang musika na siyang nagbibigay sa akin ng saya.
"Gusto kita.. hindi.. mahal na kita, Zora. Kung natatakot ka parin dahil sa mga nasabi ko no'n sa'yo, hayaan mong burahin ko 'yon lahat sa pamamagitan na labis kong pagmamahal sa'yo. Hayaan mo 'kong mahalin ka ng sobra Zora sapagkat ikaw ang gusto kong nakatakda para sa'kin. Ikaw ang kabiyak ng taong lobo na'to kaya hayaan mong mahalin at protektahan kita." Natigilan ako dahil sa litaniya niya na siyang parang hinaplos ang puso ko. Parang may kung anong dumaan sa lalamunan ko dahil sa narinig ko sa kaniya na siyang ikinatulo ng kanina pang nagbabadiyang luha sa'king mga mata.
Mahal ko nga talaga siya. At hindi ako nagsisi na bigyan siya ng pagkakataon.
Napahagikhik nalang ako at hinarap siya. Binigyan ko siya ng saglit na halik at nginitian ng nakakaloko.
"Alam mo? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis na sa akin ka lang nagsasalita ng ganiyang kahaba. Bibig mo Nyctimus wala ng preno!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro