Chapter 33
Zora.
"Isang oras lang ang kayang itagal ko dito, Zora. Pero maliban do'n, puwede rin akong maglaho kapag bumalik ulit ang sinag ng araw." Rinig kong turan ni Lara sa utak ko.
Hindi na ako nakapagsalita pa nang pumasok na siya sa katawan ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na tinanggap ang tulong niya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung hindi niya ako tinulungan kanina. Baka wala na ako ngayon kung hindi niya hinarang ang kaluluwa niya sa atake ng lalaki. Hindi na rin ako umangal pa dahil alam naming dalawa na makakabuti ito hindi lang para sa aming dalawa, kundi sa iba pa naming mga kasamahan.
"You can beat him without transforming yourself into Dragon, I know that you don't like your Dragon form anymore that's why we can both handle this with our emerged powers by just kicking his balls out. Kakayanin natin 'tong dalawa, Zora." Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi ni Lara habang seryosong nakatingin sa lalaking nagliliwanag na ulit ang mga kamay. Handa na ulit siyang umatake kaya agad na akong kumilos.
Tumakbo ako ng mabilis na pati ako ay nagulat dahil sa sobrang bilis ng kilos ko. Kasabay no'n ay ang biglaang pagbago ng kapangyarihan ko, ang biglaang pagbago ng enerhiya ko sa katawan na alam kong si Lara ang may kagagawan.
"Y-Your power, it's increasing?" Takang turan ng lalaki pero bago pa siya makaatake ay agad kong pinalupot ang mga braso ko sa mga braso niya at sabay buhat sa katawan nito. Malakas ko itong binalibag sa lupa na siyang ikinaungol nito ng malakas. Sisipain ko na sana ito nang bigla itong mawala sa puwesto niya, naramdaman ko naman kaagad ang presensiya nito sa likuran ko kaya tumalon ako para maiwasan ang binabalak nitong atake.
"Matatalo mo siya, Zora. Gamitin mo lang ang kapangyarihan ko, gamitin mo ang isa pang enerhiya na bumabalot sa katawan mo. I'll silently watch for you, please be guided by my powers." 'Yon na ang huling sinabi ni Lara at hindi na ito nagsalita pa. Naramdaman ko na mas lalong lumakas ang enerhiya na bumabalot sa aking katawan, hindi lang isa sapagkat dalawang magkaibang enerhiya na ang bumabalot sa kapangyarihan ko. Ramdam na ramdam ko na parang kayang-kaya ko ng gawin ang mga imposibleng bagay sa lakas ng kapangyarihan na nararamdaman ko ngayon.
"Fireball!" Sigaw ng lalaki at biglang lumitaw ang malakas na bolang apoy galing sa dalawang kamay nito. Pero bago pa ito tumama sa akin ay agad itong naglaho dahil sa nilabanan ko ito gamit ang mga malalaking ugat. Mas lalo itong naging malakas at tumigas dahil sa pinaghalong kapangyarihan namin ni Lara.
"Guild Incantation: Oizys!" Sigaw niya ulit sa pinagbabawal na mga salita. Pero ngayon, hindi ko na naramdaman ang pananakit ng katawan ko na siyang hindi ko alam kung bakit. Na para bang pinoprotektahan ako ni Lara sa mga ganoong klaseng kapangyarihan, na parang hindi niya ako hinahayaang masaktan sa pangalawang pagkakataon.
Nagtaka siya dahil sa hindi ako naapaektuhan ng atake niya kaya agad na akong sumugod sa kaniya. Agad nagbago ang kamay ko at parang naging isang matulis na ugat. Inatake ko siya ng inatake pero sinasangga niya lang ito ng kaniyang mga kamay kaya kitang-kita ang pagdurugo nito. Tumalon ako ng mataas at itinapat sa kaniya ang isa ko pang kamay, lumiwanag ito kasabay ang paglitaw ng isa pang malaking ugat. Inatake siya nito na parang may sariling utak na siyang iniwasan niya kaagad pero dahil sa likot ng kapangyarihan ko ay hinabol-habol siya nito para matamaan.
"Fireball!" Sigaw nito ulit at inatake ang ugat, kasabay no'n ay ang paglaho nito na parang isang papel na nasunog at naging abo na lamang. Inis na lumingon sa akin ang lalaki at nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likuran. Bago pa ako makaiwas ay agad ko ng naramdaman ang malakas na suntok galing sa kaniya na siyang nagpatalsik sa buo kong katawan sa lupa. Nagdulot iyon ng pag-usok dahil sa pagbagsak ko pero agad rin akong tumayo. Pero naramdaman ko na naman siya sa aking likuran, dahil sa bilis niya ay natamaan na naman niya ako sa malakas niyang suntok na ikinaungol ko ng malakas dahil sa sakit ng epekto nito sa akin.
"Argh!"
Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan nang makatayo ako ulit hanggang sa naramdaman kong humangin ng malakas. Pumikit ako at huminga ng malalim at inisip ang mga bagay na siyang nagdala sa akin sa kadulu-duluhan ng kapangyarihan ko at ng kay Lara. Bigla ko nalang naramdaman ang unti-unting pagkahulog ng mga butil ng tubig galing sa kalangitan hanggang sa lumakas ang pag-ambon nito. Kasabay no'n ay ang pagdilat ng mga mata ko at ang pagliwanag ng buo kong katawan. Nakita ko siyang napaatras dahil sa liwanag kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis itong hinawakan sa leeg nang makalapit ako.
Napadilat siya dahil sa ginawa ko at kitang-kita ko sa mga mata niya ang buong itsura ko ngayon. Napangisi ako dahil sa matagumpay kong pagbabago ng anyo.
"Dragonoid: Divine Dragon." Bulong ko at agad siyang sinakal sa ere at ibinagsak sa lupa ng napakalakas. Tinignan ko ang mga kamay ko na kasing laki na ng ulo ng lalaki, matulis ang mga kuko at magaspang na ang aking balat. Nakita ko sa mga mata niya kanina ang maduming berde na pakpak na nasa likuran ko na ngayon, ang balat kong Dragon, ang mga matutulis kong kuko sa kamay at paa. Ang kakaibang hugis ng aking mga sungay sa magkabilang sentido. Hindi ko masiyadong naklaro pero alam kong katulad nito ang sungay ni Zaporah no'ng makita ko siyang naging isang Dragonoid. Mahaba ang aking malaking berdeng buntot na para bang gusto na nitong hampasin ng malakas ang kalaban. At ang nagliliwanag na mga mata ko, mga mata kong naging isang Dragon na rin dahil sa kakaibang itsura nito.
"I-Isa ka ring Dragon?" Dinig kong utal ng lalaki.
Nakamit ko ang itsurang ito dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Lara na nasa loob ko. Ang paglakas ng kapangyarihan naming dalawa ang siyang dahilan kung bakit nakamit ko ang kapangyarihan ng Dragonoid. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalong lumakas ang kapangyarihan ko dahil sa anyo ko ngayon.
"Ngayon, hindi ka na makakatakas." Seryoso kong sambit at agad lumipad sa direksiyon niya. Nanlaki ang mga mata niya at agad sanang tatakbo pero nahawakan ko na ulit ang leeg nito at inangat sa ere. Nagpupumiglas ito dahil sa kagustuhang makatakas, ni ang sipa niya ay wala ng epekto dahil sa matigas kong balat at ang kaniyang suntok ay hindi na malakas.
"B-Bitawan mo 'ko, b-bakla!" Sigaw nito pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal ko sa kaniya na siyang ikinapula ng mga mata nito. Ang kaniyang labi ay unti-unti ng nagiging ube dahil sa hindi na siya makahinga.
"Dapat lang 'yan sa'yo, salamangkero. Kailangan mong pagbayaran ang kademonyohan na ginawa mo sa mga kakampi ko!" Malakas na sigaw ko hanggang sa napansin kong hindi na siya gumagalaw.
Tinapon ko siya hindi ganoon kalayuan sa ere at agad kinontrol ang mga malalaking ugat. Nagsiunahan ang mga ugat na saksakin ang buong katawan ng lalaki na siyang nagbigay sa akin ng kaginhawaan nang makitang hindi na ito nakaganti pa. Isa-isang sinaksak ang katawan niya ng mga malalaki kong ugat, nagsitalsikan ang kaniyang mga dugo sa iba't-ibang direksiyon na siyang nagpangiwi sa akin ng kaunti.
Patay na siya.
"Akala mo ba gano'n mo nalang ako matatalo?" Gulat akong napalingon sa likuran ko. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin, t-teka.. hindi siya patay?
Maayos na maayos ang katawan niya, ni walang sugat o ni bahid man lang ng dugo sa kaniyang katawan ay wala akong napansin. Anong klaseng kapangyarihan ang kaniyang ginawa?
"Resurrection. Kung nagtataka ka kung bakit buhay pa ako, I casted the forbidden spell like your Queen. But unlike the others who casted it, they got sick. Pero sa posisyon ko, hindi ako natatablan ng sakit. I casted a spell that even different kind of illnesses can't touch me." Seryoso kong nilabanan ang kaniyang mga titig habang nagsasalita ito. Akala ko ayos na, akala ko napagtagumpayan ko na, akala ko tapos na ang lahat ng kadiliman na nangyayari sa lugar na ito.
"Kailangan mo siyang matalo agad Zora, nararamdaman kong unti-unti ng humihina ang kapangyarihan ko. Nauubos na ang oras!" Dinig kong sigaw ni Lara sa utak ko na siyang ikinapikit ko. A-Ang lakas ng boses niya! Muntikan ko ng makalimutan na nasa loob ko pa nga pala si Lara!
"P-Paano ko siya matatalo?" Mahinang bulong ko pero nagulat na lamang ako nang nasa harapan ko na ang kalaban. Pero bago pa niya ako matamaan ng nagliliyab niyang kamao ay agad akong umiwas at pumunta sa likuran niya. Sinipa ko siya ng malakas na siyang ikinasubsob nito sa lupa, tumalon ako ng mataas nang nagbato siya sa akin ng mga malalaking bolang apoy. Iniwasan ko isa-isa pero napapikit nalang ako dahil sa sakit ng matamaan ako isa sa mga iyon.
Agad akong lumipad papunta sa kaniya pero natigilan ako nang maramdaman kong biglang nanghina ang aking katawan. Bumagsak ako sa lupa na naghihingalo dahil sa biglaang pananakit ng buo kong katawan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto.
"L-Lara?" Bulong ko.
"Wala na tayong oras, Zora. Kailangan mong gamitin ang spell ko, 'yon nalang ang last weapon that you can use to defeat him." Kahit hindi ko siya nakikita, nahihimigan ko pa rin ang pagkaseryoso ng boses niya kaya agad akong tumango.
"Use 'deglutition' spell. Use my powerful spell to swallow his power, soul and body. That's the only way to beat his ass off." Kahit nahihirapan ay tumayo ako ng mataas at seryosong tumingin sa mga mata ng lalaki. Kahit nahihirapan, nakayanan kong tumayo. Kailangan kong gawin ang sinabi ni Lara, at naniniwala ako na itong gagawin ko ay siyang makakatalo sa kalaban. Ito lang ang tanging paraan, ito lang!
Kung ang ibig-sabihin ng atake na ito ang paghigop ng buo kong kapangyarihan ay gagawin ko para lang matalo ang lalaki. Kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko, kung hindi man ito umepekto sa kaniya ay wala na akong magagawa. Ito na ang huling kapangyarihan ko! Ramdam ko na ang unti-unting panghihina ng katawan ko dahil sa unti-unti nang nauubos ang oras ni Lara. Kailangan kong gawin ang makakaya ko dahil maraming naniniwala na kakayanin ko!
Pumikit ako ng mariin at pinakiramdam ang paligid. Biglang lumakas ang hangin, lumakas ng lumakas hanggang sa naramdaman ko na parang bumabagyo. Kasabay ng malakas na ulan, ramdam ko na pinapalibutan ako ng dalawang enerhiya ngayon. Ang malakas na hangin, ang malakas na pag-ulan at ang malakas na kapangyarihan galing kay Lara. Nang maramdaman kong may gusto ng kumawala sa katawan ko ay agad akong dumilat at kitang-kita ko kung paano nililipad ang ibang katawan ng mga nilalang hindi kalayuan dahil sa kapangyarihan ko na siyang nagpalakas ng husto sa hangin.
Nilingon ko ang lalaki na ginagawa ang lahat para makalapit sa akin pero hindi niya magawa dahil sa malakas na ulan na siyang humaharang sa kaniya. Ang hangin na pumipigil sa kaniya. Ang dalawang enerhiya na tumutulak sa kaniya papalayo sa akin.
Lumutang ako sa ere dahil sa pagpagaspas ng dalawa kong pakpak, naramdaman ko rin kung paano nanigas ang dalawa kong sungay at ang pamamanhid ng buo kong katawan dahil sa enerhiyang bumabalot sa akin.
Mabagal kong itinapat sa lalaki ang kamay ko at nakita ko kung paano lumabas doon ang pamilyar na malaking itim na usok. Mas lalo kong naramdaman ang paglakas ng kapangyarihan ko habang unti-unti ng kumakalat ang malaking usok.
"Deglutition!" Malakas na sigaw ko at agad umatake sa kaniya ang kapangyarihan ni Lara. Ang spell na siyang ginamit niya upang maging isang ganap na Demon God dahil sa kinakain nito ang katawan, kaluluwa at kapangyarihan ng isang nilalang.
Nalilito ang lalaki kung paano siya makakatakas sapagkat pinapalibutan na siya ng usok hanggang sa isang malakas na sigaw ang nanggaling sa kaniya ang narinig sa buong paligid. Napapikit ako dahil sa hindi ko nakayanang makita ang unti-unting paglamon sa kaniya ng usok hanggang sa parang naglaho nalang ito na parang bula. Kasabay no'n ay ang paghupa ng itim na usok na siyang ikinahinga ko ng malalim.
Agad akong nahulog sa lupa nang makitang wala na ang lalaki, naramdaman ko ang pagbabago ulit ng anyo ko. Ang katawan ko ay hinang-hina na, ang kapangyarihan ko ay halos maubos na dahil sa malakas na atakeng 'yon. Namanhid ang buo kong katawan kasabay ng malalim kong paghinga. Na para akong hinahabol ng kung sino dahil sa hingal ko.
Sa wakas, tapos na. Wala na talaga siya, patay na siya.
Kasabay ng kaginhawaan na nararamdaman ko ngayon ay ang paglitaw ulit ni Lara. Nakangiti na itong nakatingin sa akin na para bang ipinagmamalaki niya ako. Bago pa ako nakapagsalita ay naramdaman ko na ang mahigpit nitong yakap. Naluha ako dahil sa ginawa niya, ramdam na ramdam ko ang malaking suporta niya sa akin. Na kahit sa labanan naming ito ay nagawa niya parin akong tulungan, nagawa pa rin niya akong iligtas sa lalaking 'yon. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka wala na ako ngayon, na baka hindi na ako naabutan pa ng sinag ng araw.
Napalingon ako sa kalangitan nang unti-unti na itong bumabalik sa dati, at unti-unti ko na ring nararamdaman ang pagkalas ng yakap niya sa akin.
"Hihintayin ko kayo sa pagbabalik niyo sa lungsod, Zora. Always remember that even I didn't help you, you made me proud. I know from the head start that you can do it, that you can lead your comrades into the battle with so much courage, strength, brave heart, power and strong mind. I am so proud of you." Bulong nito sa akin na siyang ikinahikbi ko. Umiling lang ako sa sinabi niya dahil alam kong hindi lang ako ang dahilan kung bakit nagtagumpay kami. Hindi lang ako ang dahilan kung bakit natapos ang laban na ito, kundi kaming lahat.
Yumakap ako pabalik sa kaniya ng mahigpit at doon humagulhol sa kaniyang balikat hanggang sa naramdaman ko nalang na unti-unti ng naglalaho ang kaniyang katawan.
"S-Salamat sa pagtitiwala, Lara. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo, aming Reyna." Bulong ko kasabay no'n ay ang paglaho na ng tuluyan ng kaniyang kabuuan at ang pagliwanag na ng buong kapaligiran. Naaninag ko na ang maaliwalas na liwanag galing sa araw habang tinatamaan nito ang nanghihina kong katawan. Tumigil na rin ang malakas na paghangin at pag-ulan, lahat ay maaliwalas na.
"Kailangan ko pang puntahan si Ruthven." Ilang minuto bago ko mapagtanto ay tumayo na ako kahit nahihirapan. Na kahit ang mga binti ko ay parang tinutusok na dahil sa sobrang pagod nito. Ang kamay ko ay hindi ko na masiyadong maigalaw, ang paghinga ko ay parang hindi na normal dahil sa sobrang pagod. Hindi ko na rin makayanang gamutin ang sarili ko dahil sa wala na akong lakas pa na natitira.
Nahihilo ako, bumibigat na rin ang paghinga ko. Mukha na akong matutumba pero nilakasan ko pa rin ang loob ko at tinahak ang daan papasok ng gusali.
"Zora!" Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang malakas na sigaw galing sa pamilyar na boses. Napalingon ako dito at nakitang patakbong papalapit sa akin si Nyctimus. Hindi ko alam pero sa kabila ng pagod na nararamdaman ko ngayon ay naging masigla pa rin ang puso ko nang makita ko siyang nakangiti na ngayon sa akin. Na para bang ang ngiti niya ang siyang gamot sa kapaguran ko ngayon. Na para bang ang ngiti niya ang dahilan kung bakit pinipilit ko pang mas maging matatag sa kabila ng sobrang kawalan ng lakas at enerhiya sa katawan. Dahil sa maaliwalas niyang mukha.
Akmang matutumba na ako dahil sa biglaan kong pagkahilo nang masalo ng mga bisig ni Nyctimus ang katawan ko. Magpapasalamat na sana ako nang buhatin niya ako na para bang ang gaan-gaan ko lang. Nanlaki ang mga mata ko na mapagtantong binubuhat niya ako ngayon. Tumingin ako sa mga mata niya na ngayo'y nagpapakita na ng pag-aalala, at hindi ko alam kung para saan iyon.
"P-Puwede mo na akong bitawan, Nyctimus. Kailangan kong puntahan si Ruthven sa l-loob." Gusto kong mainis dahil sa pagkautal ko pero wala na akong magagawa kung nararamdaman niya ngayon ang kaba ko dahil sa kaniya.
"Ayos ka lang ba? Matutumba ka na kung hindi pa kita nasalo, Zora. Ako na ang pupunta kay Ruthven, magpahinga ka nalang muna dito." Hindi na ako nakaangal pa nang dahan-dahan niya akong ibinaba sa sahig at biglang naglaho sa harapan ko dahil sa mabilis nitong pagtakbo sa loob.
A-Anong ginagawa niya? Bakit niya ginagawa ito ngayon sa akin? Bakit nakikitaan ko siya ng pag-aalala? Gustuhin ko mang isipin na nagugustuhan niya rin ako pero malabong mangyari iyon sapagkat ayaw niyang makipagrelasiyon sa katulad kong tinatawag nilang bakla. Hindi ko alam pero masakit pa rin nang sabihin niya iyon sa akin pero bakit ngayon? Bakit parang alalang-alala siya sa akin? Ano naman sa kaniya kung hindi na ako makatayo pa ng maayos?
Ginagawa niya ba ito dahil sa magkakampi kami? Tama! Iyon ata ang pinakadahilan kung bakit niya ako tinutulungan.
Ilang minuto pa ay nakita ko ang imahe ni Nyctimus habang buhat-buhat nito sa likuran ang isa pang nilalang. Nang makalapit na ito sa puwesto ko ay naaninag ko na si Ruthven na nga ito habang walang malay. Marami itong sugat sa katawan, kitang-kita pa ang ibang sugat na dumudugo at napupunta ito sa katawan ni Nyctimus. Halos wala ng buhay ang mukha nito, para bang ang nipis-nipis na ng katawan nito dahil sa sobrang kahinaan. Nakakaawa siyang tignan sa itsura niya ngayon.
"G-Gagamutin ko siya, Nyctimus. Ibaba mo siya, ako na ang bahala sa mga sugat niya." Sa pagkasabi ko no'n ay bigla niya akong tinignan ng masama. Nagtaka naman ako dahil sa klaseng titig niyang 'yon.
"Gagamutin mo siya? Tignan mo nga ang sarili mo, Zora? Hindi na kaya ng katawan mo ang gumamot pa! Wala ka ng lakas at enerhiya pa! At tiyaka bakit siya ang gagamutin mo? May mga sugat rin ako katulad niya pero bakit 'di mo 'ko inalok na gamutin?" Hindi ko alam kung ano ang pinuputok ng butsi niya at bahagya nalang akong nainis sa malakas niyang pagsigaw. Maganda na sana ang parteng nakakapagsalita na siya ng mahaba pero bakit nakakainis? Hindi niya naman kailangan na sumigaw ah? Malapit lang kami sa isa't-isa! At tiyaka ano? Hindi ko siya inalok na gamutin? Bakit ko naman gagawin 'yon eh ang lakas-lakas ng katawan niya kanina!
"Nyctimus, gagamutin ko siya." Diing sabi ko pero umiling lang ito na parang bata! Ano bang problema niya?
"Huwag na! Kung hindi mo ako gagamutin, huwag mo ring gamutin 'tong gagong 'to. Mabuti ng patas! Sa pag-uwi kami magpapagaling dalawa!" Nahampas ko nalang talaga ang palad ko sa noo ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at bahagya pang kinabahan nang alalayan niya ako sa pagtayo. Na kahit ang pagtapat ng palad niya sa balat ko ay nakakakaba, napakadelikado!
Tinignan ko siya sa mga mata at gano'n rin ang ginawa niya, hindi ko kayang tumingin ng matagal sa mga mata niya kaya lumihis nalang ako ng tingin sa ibang direksiyon.
"Sige, sa pag-uwi niyo nalang kayo magpagamot. Ako na gagamot sa inyong d-dalawa." Maglalakad na sana ako nang hilahin niya ang braso ko kaya agad akong napalapit sa kaniya ng bahagya. Hindi ko alam kung ilang beses na nanlaki ang mga mata ko sa mga hindi inaasahan niyang mga galaw. Ano bang gusto niyang ipahiwatig sa mga kinikilos niya ngayon?
"Ako.. Lang.. Ang.. Gagamutin.. Mo."
Ano daw?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro