Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Zora.


"Sige umalis ka na, hanapin mo si Ruthven at iligtas. Ako na ang bahala rito, ako na ang bahala sa kaniya." Agad akong tumango sa sinabi ni Medusa at hindi na nagsalita pa. Tumakbo ako ng mabilis at iniwasan lahat ng iba pang mga atake. Kinontrol ko pa ang mga ugat para hindi makalapit ang iba sa akin.

Kailangan kong iligtas si Ruthven, iyon ang ibinilin sa akin ni Lara kaya kailangan ko siyang hanapin. Kailangan kong alamin kung bakit dinukot ito at hindi pinatay, pero hindi ko alam kung nabubuhay pa nga ba si Ruthven. Kinakabahan ako habang iniisip na baka wala na ito at tanging ang walang buhay na lamang na katawan ang maabutan ko.

Matapang kong tinahak ang daan para makapasok sa kanilang gusali. Habang mabilis na tumatakbo ay hindi ko maiwasan na mangamba dahil sa takot na baka hindi ko kakayanin ang misyon na'to. Abala ang lahat ng mga kakampi ko sa pakikipaglaban at hindi ko alam kung kaya pa nila. Kinakabahan din ako para sa kanila lalo na kay Nyctimus at Arakiel. Sila talaga ang iniisip ko sa hindi malaman ang dahilan. Hindi ko alam kung bakit ang mga mukha nila ang rumerehistro sa utak ko.

Hindi ko alam kung kakayanin ni Arakiel sapagkat ang minsan ng nagpatibok ng puso niya ang siyang mismong kaharap nito. Hindi ko alam kung paano niya magagawang mapagtagumpayan ang laban niya sapagkat mukhang may kaunti pang nararamdaman si Arakiel para sa babaeng iyon. Habang si Nyctimus, hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga ikinikilos niya. Masiyado siyang seryoso, hindi ko alam pero mukhang hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kaniya!

"Yah!" Sigaw galing sa lalaki sa hindi kalayuan mula sa kinakatayuan ko. Patakbo itong lumapit sa akin habang hawak nito ang espada na gawa sa apoy. Umiwas ako nang ibato niya ito sa akin pero akmang aatake na ako ay bigla nalang lumitaw pa ang tatlong lalaki na ngayo'y nakangisi ng nakatingin sa akin. Agad kumunot ang noo ko dahil sa mga ekspresiyon ng kani-kanilang mga mukha na para bang may kakaiba pa silang balak sa akin.

"Huwag ka ng maglaban pa, sumuko ka na at baka hayaan ka pa naming mabuhay. Pero sasama ka sa aming apat kung saka-sakali, baka kasi nakalimutan mo na ang pakiramdam ng langit." Hindi ko alam pero parang kakaiba ang dating ng sinabi ng isang lalaki sa akin. Nakangisi ito sa akin habang dinilaan ang ibabang labi niya.

"Huwag ka ng magdalawang-isip pa, bakla. Magiging masaya naman ang buhay mo kung kami magiging kasama mo eh. Ayaw mo no'n? Apat ang lalaking matitikman mo?" Agad akong napangiwi sa sinabi ng isa pang lalaki habang nagtawanan ang iba pa nitong kasamahan.

"Hinding-hindi ako sasama sa mga katulad niyo!" Sigaw ko at akmang susugod na nang biglang may humawak sa bewang ko na siyang ikinatigil ko. Inis kong nilingon ang lalaking nagbato sa akin kanina ng espadang apoy, nakangisi itong nakatingin sa mga mata ko at nagulat ako dahil sa biglaang pagdila niya sa aking pisngi! Agad akong sumigaw ng malakas at nagpumiglas pero ni hindi ako makawala sa higpit na pagkakayakap niya! Malakas siya at hindi ko alam kung anong gagawin ko habang nakayakap na siya sa akin ng mahigpit. Ang mga kamay ko ay nasa likuran ko na at nararamdaman ko na ang umbok na nasa harapan niya kaya agad akong napapikit dahil sa inis.

"Masarap kami, bakla. Hindi ka na lugi." Agad akong napadilat nang maramdamang papalapit na ang iba pa sa akin. Mas nanlaki ang mga mata ko nang hawakan ng isa sa kanila ang panga ko at hinarap sa kaniyang mukha. Amoy na amoy ko na ngayon ang hininga niya dahil sa lapit ng mukha nito. Agad kong binaling sa ibang direksiyon ang mukha ko dahil sa sagwa ng posisyon namin. Ang isa naman sa kanila ay bastos na hinaplos ang isa kong braso habang ang isa naman ay marahas na hinahaplos ang binti ko. Hindi ako makagalaw, hindi ko maisipa ang mga paa ko dahil sa parang may kumukontrol doon. Ni hindi rin ako makasuntok dahil sa lalaking nasa likuran habang hawak-hawak niya na ngayon ang mga kamay ko.

"Mga walang-hiya kayo! Bitawan niyo ako!" Sigaw ko pero nagtawanan lang sila na para bang wala silang pakialam sa iba pang naglalaban sa kapaligiran. Na para bang ang mga mata nila ay nakatuon lang sa akin. Binitawan ng lalaki ang panga ko at sinimulang haplusin ang mga pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang mga kalyo sa kaniyang mga palad, ang katigasan ng kaniyang mga panuntok at ang magaspang niyang mga daliri.

"Maganda ka naman, puwede na." Natatawang sambit ng isa sa kanila, napapikit na lamang ako at handa na sanang maging isang Dragon nang marinig ko ang mga ungol nila. Napadilat ako at nagtaka nang makitang nakahandusay na sila sa lupa habang hawak-hawak nila ang kani-kanilang mga panga na ngayo'y nagdurugo na. Agad kong pinakiramdaman ang mga kamay at paa ko at napalingon sa lalaking seryoso na ngayong nakatingin sa mga lalaki.

Ramdam na ramdam ko ang lamig ng mga titig niya habang siya ay hinihingal. Kasabay no'n ay ang pagtibok ng puso ko sa hindi malaman ang dahilan. Kitang-kita ang pawis sa kaniyang noo at buong katawan, ang damit nito ay halos gutay-gutay na dahil ata sa pakikipaglaban niya sa babaeng katulad niya rin ng lahi. Kitang-kita ko na ngayon ang tiyan niyang matigas, ang malalaki nitong dibdib at ang istraktura ng kaniyang mga tadiyang. Tumingin ito sa mga mata ko at hindi ako nagkakamali sa nakita ko, nakita ko ang pag-aalala niya.

Pag-aalala ni Nyctimus.

Bago pa ako makapagsalita ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako nakapagsalita ng matapos ang pagyakap niya sa akin ng ilang segundo lamang. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya at mas lalong nalito dahil sa inasal niya. Anong ibig sabihin ng yakap na iyon?

Gusto ko na sanang magpatuloy sa buhay na hindi na siya ang iniibig ko pero bakit parang bumalik lahat nang maramdaman ko ang yakap niya? Nalilito man sa ginawa niya ay hindi na lamang akong nagsalita at tinignan siya sa mga mata.

"Ako na bahala dito, iligtas mo na ang bampirang 'yon. Ako na bahala sa mga gagong 'to, Zora." Tumango ako sa sinabi niya gamit ang malalim na tono nito na para bang nahihirapan siyang magsalita. Nginitian ko siya ng matamis at hinarap ang apat na lalaki na ngayo'y unti-unti ng tumatayo. Pero bago pa sila makaganti ay agad kong pinalabas ang malalaking ugat galing sa ilalim ng lupa at ipinulupot sa kani-kanilang mga katawan.

Nilingon ko ulit si Nyctimus.

"I-Ikaw na bahala sa kanila, Nyctimus. Kailangan ko ng pumaroon, at tiyaka, m-mag-iingat ka." Tumango siya sa sinabi ko, nginitian niya ako na siyang nagpatalbug sa aking puso. Hindi na ito normal, hindi na ito tama para sa akin na gustong magpatuloy sa buhay na hindi na siya ang iniibig ng damdamin ko! Mali 'to!

Hindi na ako nagsalita pa at tinalikuran na siya. Kahit nakatalikod ay ramdam na ramdam ko parin ang mga paninitig nito sa akin na tumatakbo na papalayo sa kaniya. Malakas ang pintig ng puso ko habang tinatahak ulit ang daan habang iniisip si Nyctimus. Ngayon, hindi ko alam kung bakit niya ako niyakap. Naramdaman ko ang pag-aalala niya, naramdaman ko na parang nag-iingat siya habang nakayakap ang kaniyang katawan sa akin. Ramdam ko na para bang, na para bang gusto niya rin ako! Pero hindi ko alam kung tama ba ang instinto ko pero ayokong umasa dahil napakahirap magdusa!

Malapit na ako sa pintuan pero natigilan ako dahil sa biglaang pagharang sa akin ng isang pamilyar na mukha. Ito 'yong Demon God na salamangkero, ang gustong makaganti kay Lara!

"Who are you? And it's like you're planning to go inside huh?" Seryoso nitong turan sa akin, nilabanan ko ang seryoso niyang mga titig at hindi nagpatalo. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng enerhiya niya, ang kapangyarihan niya. Hindi ganito ang lakas niya no'ng makita ko siya sa kagubatan. Hindi ganito ang postura niya, ang enerhiya niya ng makita ko siyang nilalabanan si Lara.

"Saan si Ruthven? Pakawalan mo siya." Diing sabi ko sa kaniya.

"Sino? 'Yong bampira ba na akala ng mga taga Mystic Emerald ay isa siya sa kanila?" Agad akong nagtaka dahil sa sinabi niya pabalik sa akin. Akala namin na kakampi namin? Anong ibig niyang sabihin do'n?

"Looks like you don't know nothing because of your confused expression. At tiyaka, sino ka ba? Bakit ka nandito para sa lalaking 'yon?" Hindi ko siya sinagot sapagkat inatake ko ito ng mabilis. Tumalon ako ng mataas at binigyan siya ng malakas na sipa pero sinangga niya lang iyon ng walang kahirap-hirap. Tumalon ako ulit pero papalayo na sa kaniya, parang wala lang sa kaniya ang malakas kong sipa.

"Mukhang kakampi ka nga nila, hindi ko alam kung sino ka pero hindi ko gusto ang pagpunta mo dito. I have to teach you a lesson." Seryoso nitong sambit, naghanda ako kaagad sa mga posibleng magiging atake niya para sa akin.

"Guild Incantation: Oizys!" Nagulat ako sa sinambit niya.

Agad akong napaluhod dahil sa biglaang pagkirot ng buo kong katawan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa parang biglang nanghina ang enerhiya sa buo kong katawan at parang hinihigop ng sakit ang siyang lakas ng kapangyarihan ko! Hirap kong inangat ang mukha ko sa lalaki na ngayo'y papalapit na sa akin ngayon, marahas niyang hinawakan ang aking panga at hinarap sa kaniya. Nakatingin siya ng seryoso sa mga mata ko na para bang sinusuri niya ako ng mabuti.

"Magkamukha kayo ng letseng bakla na 'yon! Kaya pala parang kilala kita, are you his brother? Your skinny, with feminine body and face, I bet you are like him. Mga bakla!" Sigaw nito sa akin. Sinampal niya ako ng malakas kaya nabaling sa ibang direksiyon ang mukha ko.

Napaungol nalang ako sa sakit dahil sa hapdi ng pisngi ko, sumabay ito sa biglaang pagkirot ulit ng buo kong katawan.

"Isang pagkakamali na kayo ay lumusob dito. Akala ba ninyo ay ako pa rin ang lalaking minsan nang natalo ng bakla na 'yon? Kung hindi dahil sa kaniya, buhay pa sana ang mga kaibigan ko pero anong ginawa niya? He killed them!" Sigaw nito na siyang nagpailing sa akin. Kahit hirap ay hinarap ko siya gamit ang mga matatapang kong tingin.

"I-Ikaw ang gumawa ng sarili mong pagdudusa! Kung h-hindi niyo nilusob ang kanilang l-lungsod, buhay pa sana ang mga sinasabi mong kaibigan!" Hirap kong sigaw na siyang ikinaigting ng mga panga niya. Hindi niya nagustuhan ang lumabas na mga salita galing sa bibig ko pero wala akong pakialam! Kailangan niyang matuto, ang pagdudusa na nararamdaman niya ngayon ay kulang na kulang pa kompara sa sinapit ni Lara ngayon!

"Ilang araw bago ako mas lumakas, napagtanto ko na kaya kong gamitin ang lakas ng mga kakampi ko. Na kaya kong hiramin ang lakas at enerhiya ng kani-kanilang katawan. At tanging iilan lang ang nakakagawa no'n, iilan lang ang nakapag-aral ng gano'ng klaseng kapangyarihan." Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niyo pero hindi ko gusto kung saan ito patungo.

"I saw your comrades, and they are alive so I guess your fucking Queen used one of the forbidden spells too. The resurrection spell. That's why, I forcefully learned how to use forbidden spells and that leads me to Guild Incantation." Nanatili lang ako sa puwesto ko habang seryoso ang gusto niyang ipahiwatig. Nanakit parin ang katawan ko, na parang gusto ng gumuho ng mga laman sa loob ng katawan ko. Ang aking mga buto na unti-unti na ring bumibigay dahil sa walang katapusang kirot na pinaparamdam niya sa akin.

"Guild Incantation is one of the most powerful forbidden spells. And you are experiencing now the wrath of that incantation. This kind of incantation is actually unexplainable but I somehow learn some. It turns out that this incantation can turn one being directly to be a Demon God even without collecting souls." Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Inkantasiyon na kayang gawin ang isang nilalang na maging isang Demon God? Na kahit hindi kumukolekta ng mga kaluluwa? Gano'n iyon kalakas?

"I turned three of my comrades to be a Demon God like me. They got stronger, they became more powerful. And now, I will use this power to kill that motherfucking gay Queen!" Kasabay ng sakit at kirot na nararamdaman ko ngayon ay ang kaba at takot. Hindi ko napansin na puwede palang ipagsabay ang mga emosyon na ito sa literal na sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi niya puwedeng gawin iyon kay Lara! Hindi puwede! Delikado ang buhay ngayon ni Lara at kapag nalaman niya ang kalagayan nito ay magtatagumpay siya sa kaniyang mga plano. Alam kong napakalakas na ni Lara pero nang dahil sa kapangyarihan ng lalaking ito ngayon, maliit lang ang tiyansa na baka manalo ang kaibigan ko.

Minsan ko ng narinig ang kapangyarihan ng Guild Incantation, mahirap ito pag-aralan dahil sa kakaibang lakas na kailangan mong ipundar. Ito ang isa sa mga pinakamalakas na ipinagbabawal na mga kapangyarihan at kapag isa sa mga nilalang ang makayang gawin ito, magiging katapusan na ng mundong 'to kapag hindi ito gagamitin sa tama.

Pero sa kasamaang palad, nalaman at napag-aralan ng lalaking 'to sa loob lamang ng ilang araw. Sigurado akong dumoble ang lakas niya, hindi siya ganito kalakas nang makita ko siya!

"D-Divine Roots!" Hirap na sigaw ko sa kabila ng labis na pananakit ng katawan ko. Nakita ko kung paano nagsilabasan ang mga naglalakihang mga ugat galing sa lupa. Hindi katulad kanina, ang mga ugat na ito ngayon ay sobrang laki at matitigas ang bawat galamay nito, may mga malalaki ring tinik na nakapalibot sa katawan ng ugat na siyang magpapahamak sa buhay ng isang nilalang kapag niyakap sila nito.

Hindi ko nakitaan ng takot ang lalaki sapagkat nakatingin lang sa akin ito ng seryoso habang nagngingitngit ang mga ngipin niya sa hindi ko malaman ang dahilan. Ganoon na ba talaga niya kinasusuklaman si Lara? Siya ang nauna! Ginawa lang ni Lara ang nakabubuti sa kaniyang lungsod at mga kaibigan. Hindi ko masisisi si Lara dahil tama ang ginawa niya na protektahan ang lungsod at ang mga bumubuo nito!

"Nakakaya mo pa talagang gumalaw kahit napakasakit na ng buo mong katawan? Nakakaya mo pa ring gumamit ng kapangyarihan kahit alam mong nanghihina ka na? You really want to die huh?" Inis nitong turan pero hindi ako nagpatinag at mas nilabanan pa ang mga titig niya sa akin. Hinding-hindi niya ako madadala sa mga ganiyan niya! Hinding-hindi ako magpapatalo, hinding-hindi ako susuko! Kailangan ako ni Ruthven, kailangan ako ni Lara at kailangan ako ng mga kaibigan ko!

"Gagawin ko ang lahat para mapagtagumpayan ang laban na ito. Binibigyan kita ng pagkakataon, kailangan mo ng sumuko, lalaki. Huwag mong hayaan ang sarili mo na kainin ng walang kuwenta mong galit!" Sigaw ko sa kaniya pero bigla lang siyang tumawa ng malakas na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

"Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang mga salitang 'yan. Walang kuwenta? At anong karapatan mo para sabihin 'yan? And don't you remember? You are fucking weak right now that I can easily kill you in just one snap!" Sigaw nito. Napalingon ako sa paligid nang mapansing hindi na pala gumagalaw ang mga malalaking ugat na siyang pinagtaka ko. Nakahinto ito sa ere! Tumingin ulit ako sa lalaki, ang masamang salamangkero na ngayo'y parang natutuwa sa kaniyang nakikita sa ekspresiyon ko.

"Wala ka ng magagawa, bakla. Ikaw dapat ang sumuko at hayaan na lamunin ng kapangyarihan ko ang buong katawan mo. Hindi mo 'ko kakayanin, lalong-lalo na sa mahina mong enerhiya at kapangyarihan." Diing saad nito.

Agad akong namilipit sa sakit ng maramdamang sumasakit ulit ang buo kong katawan. Ngayon, para ng tinutusok ng karayom ang buo kong kalamnan lalong-lalo na sa bandang puso ko. Ang mga braso at binti ko ay parang pinagsusuntok dahil sa parang kung anong puwersa ang tumatama sa akin. Hindi ko napansin na may luha ng nagbabadiya sa aking mga mata habang hirap na nakatingin sa lalaki. Hindi ako makagalaw! Hindi ko na maigalaw ang binti at braso ko, ni hindi ko na rin maigalaw ang mga labi ko dahil sa sobrang pananakit na ng buo kong katawan.

"Katapusan mo na!" Sigaw nito na siyang nagpapikit na lamang sa akin nang magliwanag ang mga kamay nito.

Hanggang dito nalang ba?

"A-Ano?" Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko nang hindi tumama ang atake ng lalaki. Nagtaka rin ako nang hindi na nananakit ang buo kong katawan. A-Anong nangyari?

Nilibot ko ang mga mata ko dahil sa pagtataka at gulat akong napatingin sa isang katawan na nakaharang sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na mahabang berde nitong buhok na sumasabay sa daloy ng malakas na hangin dulot ng isang atake mula sa lalaki.

Napalingon ako sa ere nang makitang nagdidilim ang kalangitan. Ang araw ay biglang kinain ng malaking pulang buwan, ang mga ulap ay naging itim at tanging pulang liwanag siyang yumayakap sa buong kapaligiran ngayon. Biglang gumabi?

Agad kong tinignan muli ang katawan niya na ngayo'y nakaharang pa rin sa akin.

"A-Anong nangyari? Bakit biglang huminto ang atake ko? Bakit hindi ka natamaan?" Takang tanong ng lalaki habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi niya nakikita ang isa pang nilalang na ngayo'y nakangiti ng nakatingin sa akin.

"L-Lara!" Bulong ko na siyang ikinatango lang nito, lumapit ang katawan nito sa akin na para bang lumulutang ito sa ere. Biglang parang may bumara sa lalamunan ko nang makita ang matiwasay nitong wangis habang nakangiti ng matamis sa akin. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko dapat ipaalam sa lalaking kalaban ko na nandito ang kaluluwa ni Lara na siyang tumulong sa akin para hindi tumama ang atake niya.

"P-Paano?" Mahina kong bulong habang nakatingin ang mga mata ko sa kalaban. Nagpanggap akong hindi nakikita si Lara, para rin ito sa ikabubuti niya.

"Just pretend that I am not here and listen to me, I don't know why I am here but I think it is because of the moon ate the sun. Nandito ako ngayon dahil sa biglaang paggabi na siyang oras na nagbibigay sa akin ng tiyansa para makalabas sa katawan ko. Zora, you have to use my power. I can lend it to you! Hindi ko alam pero nagawa kong gamitin ang kapangyarihan ko kahit nasa anyong kaluluwa ako." Gusto ko mang magulat sa sinabi niya pero nanatili akong seryosong nakatingin sa lalaki na ngayo'y galit ng nakatingin sa akin.

"H-Hindi ko alam kung paano ko gagamitin ang kapangyarihan mo, Lara!" Diing bulong ko pero ngumiti lang ito sa akin.

"Ang oras ko ay limitado lang. If the moon will disappear, I am too. Hindi ko alam kung gaano katagal mananatili ang buwan sa katawan ng araw pero bago pa mangyari 'yon, dapat patay na ang lalaking 'yan. That's the only way to defeat him, to merge our powers." Sabi niya. Hindi na ako nakapagsalita pa at napansin nalang ang pagbuntong hininga nito at agad naglaho pero kasabay no'n ay ang paglaki ng mga mata ko nang may maramdaman ako na kakaiba sa katawan ko.

Huwag mong sabihing...

"Ito lang ang paraan na alam ko, ang sumanib sa katawan mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro