Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Sol.


Apat silang Demon God at 'yon ang hindi namin inakala noong sila ay sumugod sa lungsod namin. Ang alam namin ay iisa lang ang Demon God sa bansa ng Roha pero mukhang nagkakamali kami. Mas lumakas na pala ang kapisanan nila dahil sa pagdagdag ng tatlong Demon God! Pero hindi na muling mangyayari ang nangyari sa Mystic Emerald! Lalaban ulit kami hanggang sa kamatayan! Hindi namin hahayaan na saktan nila ang aming Reyna na walang ginawa kundi ang ibuhis ang buhay nito sa amin ng ilang beses. Kaya kung kinakailangan ay gagawin namin ang lahat para kami naman ang prumotekta sa kaniya!

Kahit ilan pa silang Demon God! Hinding-hindi kami makakapayag na maulit ang nangyaring pagbuhis ng buhay ni Reyna Lara sa amin! Hindi na namin kayang makita siyang naghihirap sa kaniyang higaan dahil sa kapabayaan namin! Hinding-hindi na ulit iyon mauulit! Poprotektahan ko siya hanggang sa makakaya ko, poprotektahan ko ang Reyna, ang lungsod, ang mga kakampi ko at lalong-lalo na ang asawa at anak ko! Hinding-hindi ko sila pababayaan muli!

Napalingon ako sa banda kung saan nakatayo ang mga nilalang na siyang gumawa ng karumaldumal na krimen sa amin. Ilang minuto pa ay bigla nalang tumalsik si Arakiel sa malayo at tumama ang likod nito sa isa sa mga puno na kagagawan ng isa ring babaeng anghel, habang kaharap naman ni Zora ngayon ay ang tatlong babae.

Agad kong kinain ang distansiya namin ni Zora at malakas na sinipa ang isang babaeng pilit inaabot si Zora na siyang ikinaungol nito. Inis itong napatingin sa akin pero agad ding ngumisi nang mapagtantong sino ang kaharap niya. Nainis agad ako sa ekspresiyon niya, gayang-gaya niya ang ekspresiyon niya sa araw kung saan malapit niya akong napatay. Kami ng asawa ko.

"Buhay ka pa? Sigurado akong wala na kayong buhay ng asawa mo no'ng umalis ako ah?" Taka nitong saad pero hindi naaalis ang ngisi sa mga labi niya.

"Akala mo ba ganoon nalang kadali? Nagkakamali ka babae, hinding-hindi mo kami matatalo ng gano'n-gano'n lang." Seryoso kong sambit habang nakatingin sa mga mata niya. Isa rin siyang duwende katulad ko, hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng malakas na kapangyarihan pero hinid ito ang oras para alamin pa 'yon. Nandito ako para maghiganti sa ginawa niya sa amin ng asawa ko, nandito kami para ipaghiganti ang kalagayan ni Reyna Lara.

"Madali lang kayong tapusin, duwende. Naubos nga kayo noon diba na walo lang kami ang umatake?" Ngising niya paring sambit pero sa oras na 'to ay sinabayan ko ang kaniyang nakakainis na ngisi.

"Hindi kami kumpleto no'n at nasisiguro ko sa'yo na hindi na ulit pa mangyayari ang kagustuhan niyong makaganti kay Reyna Lara. Hindi na mauulit ang nangyari dahil nandito kami para wakasan ang mga buhay niyo.

Natigilan siya sa sinabi ko pero hindi nawawala ng ngisi sa mga labi niya. Mukhang nakasanayan na niya 'yon, ang mang-inis ng mga kalaban.

Agad akong sumugod sa kaniya at pinalabas ang sandata ko na gawa sa apoy. Ganoon rin ang ginawa niya kaya pareho kaming may espada na hawak gawa sa kapangyarihan namin. Sa akin na gawa sa apoy, sa kaniya na gawa sa tubig. Alam kong mahirap para sa akin ang laban na'to sapagkat mas lamang ang kapangyarihan na meron siya laban sa akin pero hindi ako susuko. Hinding-hindi ako susuko dahil kailangan kong ipaglaban ang tama, kailangan kong ipaglaban ang lungsod namin, kailangan kong ipaglaban ang Reyna at kailangan kong lumaban para sa pamilya ko. Hinding-hindi ko hahayaan na maulit ang pagbubuwis buhay ni Reyna sa amin, kailangan naming mapatunayan sa kaniya na karapat-dapat kaming magsilbi sa kaniya hanggang sa kamatayan.

Hinding-hindi ko sasayangin ang pangalawang buhay na ito, hinding-hindi ko sasayangin ang ibinigay na tiyansa sa akin ng Reyna na makaganti ngayon sa mga kalaban.

Iwinasiwas namin ang mga espada namin at nakikita ko kung paano namamatay ang apoy sa aking espada pero pilit kong pinapalaki ito upang hindi agad ito maapula. Nakikita ko rin na ang tubig na bumabalot sa kaniyang espada ay natutuyo kapag nagkakatama ang kaniyang kapangyarihan sa kapangyarihan ko. Mas nilakasan ko pa ang puwersa at napansin kong ganoon din ang kaniyang ginawa kaya nag-isip pa ako ng paraan para mas lumamang ako sa kaniya. Inatake ko ang bandang leeg niya hanggang sa abala na ang kaniyang mga mata at kamay na sanggain ang mga 'yon. Napansin kong libre na ang kaniyang ibabang parte kaya hindi ako nagdalawang-isip na sipain ng malakas ang tuhod nito na siyang nagtagumpay naman ako kaagad.

Napaluhod ito sa lupa kaya mas binigyan ko pa ito ng malakas na sipa pero nasalo iyon ng kamao niya na siyang ikinatigil ko. Umikot ako sa ere para mabawi ang paa ko sa mahigpit niyang pagkakahawak at lumayo ng ilang distansiya sa kaniya. Malakas talaga siya.

Hinding-hindi ako mapapanatag, kahit babae man siya ay kailangan ko siyang tapusin para hindi na sila makagawa pa ng kasamaan. Hindi na sila dapat pang lumago bilang isang kapisanan!

Ilang segundo ay nabigla nalang ako dahil sa nasa harapan ko na ito habang nakatutok na sa bandang puso ko ang kaniyang espada. Agad akong kinabahan at natakot, ni hindi nakagalaw ang mga paa at kamay ko, ni hindi na makagalaw ang buo kong katawan dahil sa gulat.

Napakabilis niya talaga, ang bilis niyang kumilos. Ni hindi ko mabasa ang mga kilos nito dahil sa angking bilis niya.

Napapikit nalang ako at hinintay na matamaan sa kaniyang atake.

Mukhang mabibigo ko na naman ang Reyna Lara, mukhang mabibigo ko ang pamilya ko. Kahit na lumakas nga ang kapangyarihan ko pero parang hindi ko talaga kayang talunin ang babaeng nasa harapan ko. Masiyado siyang mabilis at malakas.

Ito na ba talaga ang katapusan ng buhay ko? Ito na ba talaga ang huli? Hindi ko na ba makikita ang pamilya ko? Hindi ko na ba sila mayayakap at mahahagkan? Napangiti nalang ako ng mapait sa naisip, mukhang ayos lang ata na hindi na ako mabuhay pa dahil sa pagkabigo ko sa pangalawang beses sa mga mahal ko.

Habang nakapikit ang mga mata, hinihintay kong tumama ang dulo ng espada ng babae kasabay no'n ay ang pagtulo ng mga luha galing sa mga mata ko.

*********



"Asawa ko! Diba sinabi ko naman sa iyo na magiging babae ang anak natin? Bakit ayaw mong maniwala?" Nakangusong turan sa akin ng asawa ko na siyang ikanatawa ko nalang. Alam ko naman sa sarili ko na magiging babae ang panganay namin dahil sa sinabi niya. Niloloko ko lang siya na kunyari ay hindi ako naniniwala na magiging babae ang anak namin. Alam ko naman kasing pasaway itong asawa ko na kahit pagbawalan ko man siyang gamitin ang kapangyarihan niya, gagamitin at gagamitin pa rin niya ito kapag gusto niya.

Kakayahan niyang alamin ang hinaharap. Kapaki-pakinabang talaga ang kapangyarihan niya pero kapag oras na ginamit niya ito ay nawawalan siya ng lakas sa katawan kaya iyon ang ikinakaba ko. Madaling gamitin para sa kaniya ang kapangyarihan niya pero mahirap pagalingin ng madali kapag ang katawan na niya ang naapektuhan.

"Diba sinabi ko na sa iyo na huwag na huwag mo munang gagamitin ang kapangyarihan mo, asawa ko? Alam mo namang delikado para sa kalusugan ang labis na paggamit niyan." Sabi ko rito, tumango lang ito sa akin habang bitbit ang aming munting bituin. Agad akong naluha habang nakatanaw sa maganda nitong mukha, ang kaniyang mga mata ay nagniningning habang nakatingin sa akin na para bang nagtataka kung sino ako. Kuhang-kuha niya ang wangis ng kaniyang Ina na siyang ikinatuwa ko.

Kakapanganak pa lang niya. Hindi masukat ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon habang nakatanaw sa aking mag-ina na ngayo'y malambing na nagtitinginan sa isa't-isa. Tuwang-tuwa ako, na para bang mas lalo kong gustong mabuhay pa ng matagal dahil sa kanila. Sila ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Hinding-hindi ko sila pababayaan at poprotektahan ko ang pamilya na ito sa abot ng makakaya ko.

"Hindi na mauulit mahal, nasasabik lang talaga ako dahil sa kagustuhang magkaanak ng babae. Patawad kung hindi lalaki ang nagi—" Agad ko siyang hinalikan sa labi para hindi na niya matapos ang kaniyang sasabihin. Oo, gusto ko na lalaki ang magiging anak namin para sa hinaharap na kapag wala na ako ay makakayang protektahan ng anak namin ang Inay niya. Pero kahit ano namang ibigay ng may kapal ay tatanggapin ko dahil mahal na mahal ko ang asawa ko.

Ilang araw, buwan at taon ang lumipas at ganoon nalang kadali ang paglaki ng aming anak. Natatakot din kami sa kalagayan namin dahil maraming mga mababangis na nilalang ang gustong kunin ang lupain na siyang pinagtatayuan namin ng mga tirahan. Na pati ang mga kalahi ko ay ganoon rin ang nararamdaman pero wala silang nagawa kundi ang lumaban ng lumaban para mabuhay. Iba't-ibang nilalang ang sumugod dito, taong-lobo, bampira, o di kaya ay mga salamangkero! Pero hindi kami nagpatalo at handa naming ibuhis ang aming mga buhay para lang mailigtas namin ang mga mahal namin.

"Ama!" Sigaw ng aking anak, lumuhod ako para mahagkan siya. Niyakap ko siya ng mahigpit, hinaplos ang kaniyang magandang buhok at hinalikan ang kaniyang noo.

"Kamusta ang paglalaro anak?" Tanong ko na siyang nagpangiti nito.

"Ama, may nakita kaming mga nilalang na may mga puting pakpak hindi malayo dito sa atin. Tumakbo ang mga kaibigan ko pero nagpaiwan ako at inalam kung anong klase silang nilalang. Ama! Mga anghel sila! Nakakalungkot dahil pinarusahan sila ng kanilang pinuno kaya naghahanap sila ngayon ng matitirhan! Tulungan natin sila! At tiyaka Ama, kahit hindi ko pala hawakan ang mga kamay ng kung sino ay nakikita ko pa rin ang nakaraan ng isang nilalang gamit ng aking mga mata!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya nilayo ko siya ng kaunti sa akin.

"A-Anong sabi mo anak? Anghel? May nakita kang mga anghel?" Kinakabahan kong tanong na siyang nagpatango lang sa kaniya. Nakangiti lang siya sa akin kaya hindi niya alam kung anong klaseng takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon pero hindi ko pinahalata sa kaniya. Paano nalang kung nakita siya? Paano nalang kung napahamak ang anak ko? Paano nalang?

"Dito ka lang anak ah? May pupuntahan lang si Ama. Huwag na huwag kang aalis dito, kung pupuwede ay puntahan mo muna ang iyong Ina at tulungan siya sa kaniyang ginagawa." Malumanay kong turan at bago pa siya makapagsalita ay agad akong pumunta sa kagubatan kung saan niya nakita ang mga anghel.

Ilang araw akong nakaabang sa mga kalaban, hinihintay ang pagbabalik ng mga anghel. Delikado sila at malakas kaya hindi ko alam kung ano ang magiging laban ko kapag nakita nila ang mga tirahan namin dito. Wala kaming laban sa kanila!

May ilang araw din na lumipas na patuloy ang mga taong-lobo sa pag-atake sa aming teritoryo hanggang sa dumating ang araw na hindi namin inaasahan na mangyayari sa aming buhay at siyang nagpabago sa aming buhay. Dumating ang nagngangalang Lara kasama ang sugo nitong si Medusa at tinulungan kaming puksain ang mga taong-lobo at pinatay ang kanilang lider. Natuwa kami na may takot dahil sa biglaang pag-iba ng anyo ni Medusa na naging isang Serpentes. Pero napatunayan nila na hindi sila kalaban, na hindi sila masama at mas lalo kaming natuwa at nagalak dahil sa walang pagdadalawang-isip ni Master Lara na bigyan kaming lahat ng pangalan. Doon lahat nagbago ang kapalaran namin, doon nagsimula ang biyaya na natanggap namin.

"Tumakbo na kayo Astrum anak, Luna! Iwan niyo na ako rito!" Sigaw ko sa kanila habang pilit na nilalabanan ang lakas ng babaeng isang duwende rin katulad ko. Malakas siya at hinding-hindi ko siya makakaya kaya alam kong katapusan ko na! Pero kailangan kong ilayo ang mag-ina ko rito!

Nanlaki ang mga mata ko nang itinaas ng babae ang kaniyang espada na gawa sa tubig at iwinasiwas ito sa direksiyon ko na siyang nagpapikit sa akin. Ilang segundo ay wala akong naramdaman kaya dumilat ako at doon nalang bigla gumuho ang mundo ko nang makitang nakaharap na sa akin ngayon si Luna, ang asawa ko habang umuubo ng dugo.

"L-Luna!" Sigaw ko sa kaniya, nakita ko na inaangat ulit ng kalabang babae ang kaniyang espada kaya yumakap ako kaagad sa likuran ni Luna na siyang ikinaigting ng mga panga ko dahil sa patalim na ngayo'y nakasaksak na sa aking likuran. Mas lalo akong nanghina nang maramdaman ang pagdiin ng espada nito na siyang ikinasigaw ko hindi dahil sa sakit! Kundi dahil sa pagtagos nito mula sa katawan ko hanggang sa matamaan din ang katawan ni Luna.

Niyakap ko siya ng mabuti at hinalikan sa pisngi bago kami matumba ng sabay sa lupa.

"A-Asawa ko."

********


Nanlaki ang mga mata ko dahil sa naalala, pinunasan ko ang mga luha at walang anumang sinangga ang espada ng babae gamit ang kamay ko na siyang ikinagulat ko, nagulat din siya dahil sa ginawa ko. Natunaw ang espada niya dahil sa init ng kamay ko na pati ang tubig na bumabalot dito ay biglaang natuyo sa isang iglap.

"A-Anon—?" Gulat na bulong nito pero hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at inabot ang buong lakas na meron ako ngayon.

Hindi pa ako puwedeng mawala sa mundong ito dahil babalik pa ako sa pamilya ko. Babalik pa ako sa asawa at anak ko at hinding-hindi ko hahayaang matalo ako sa laban na'to ngayon. Kailangan ko pang mabuhay, kailangan ko pang harapin ang lahat na dapat kakaharapin. At hindi ko puwedeng biguin ulit si Reyna Lara, kailangan kong patunayan ang sarili ko sa kaniya.

"Mukhang lumakas ka nga pero hindi ko hahayaang mabuhay ka pa. Papatayin ulit kita sa mga kamay ko." Dahil sa ngisi nito ay bumalik lahat-lahat ang galit na nararamdaman ko sa kaniya. Ang pagpatay niya sa asawa ko, at ang pagpatay niya sa akin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niyang iyon, may utak demonyo nga talaga lahat ng miyembro ng mga rebeldeng kapisanan! Kaya kailangan nilang matuto, kailangan nilang mawala at maglaho sa mundong ito. Dapat panatilihing payapa at tahimik ang mundo na ito malayo sa kani-kanilang kamay!

"At hindi ko na hahayaan pang muli na mangyari ang kahapon!" Sigaw ko sa kaniya.

Seryoso ko na ngayong tinignan sa mga mata ang babae habang unti-unti na itong binabalot ng tubig. Ang katawan nito ay biglang lumutang sa ere habang inaalalayan ng kaniyang kapangyarihan pero hindi ako nagpatinag at naghanda nalang sa kung ano ang magiging posible niyang atake. Kailangan kong maging maingat, kailangan kong magmatiyag at suriin ang magiging posibleng atake niya. Hindi ko hahayaan na magtagumpay siya ulit.

Kasabay ng malakas na pagsabog hindi gaano kalayo sa puwesto ko ay ang pagbago ng kaniyang anyo.

Paano? Paanong nangyari iyon? Nagbago ang kaniyang wangis? H-Hindi ko alam na totoo pala na may kakayahang magbagong anyo ang isang duwende?

Ang kaniyang mga mata ay naging kulay asul, ang kaniyang buhok ay naging literal na tubig habang ang katawan nito ay naging mas malaman at nagkaroon ng malalaking braso. Kitang-kita ko kung paano nagkaroon ng hasang ang magkabiling gilid nito sa katawan, mas humaba ang mga tenga nito at nagkaroon din ito ng kaunting pangil. Ang kaniyang balat ay parang unti-unting naging isang balat ng isda. Pinapalibutan din ng parang sawang tubig ang kaniyang buong katawan habang nanatili parin itong nakalutang sa ere.

"Naiad Form!" Sambit nito. Naging kakaibang nilalang siya ngayon! Para siyang naging isang halimaw ng mga duwende sa tubig!

Agad akong naghanda nang umatake ang tubig nitong parang sawa, iniwasan ko ito ng mabuti hanggang sa tinamaan ko ito ng suntok. Umusok ang kamay ko dahil sa nangyari. Tumalon ako ng mataas at binato siya ng malakas na bolang apoy pero agad din niya itong naapula gamit ang kaniyang tubig. Nagpalitan pa kami ng atake habang kaming dalawa ay nakalutang sa ere. Nagsanggaan ang mga kapangyarihan namin na siyang nagdudulot ng mga pagsabog. Sinipa ko siya sa kaniyang tagiliran at ganoon din ang ginawa niya, ang palitan ng mga suntok namin ay parehong hindi kayang patumbahin ang aming mga katawan.

Pagkababa ko ay hindi ko napansin ang lupa na ngayo'y unti-unti na palang nagiging balon ng tubig na siyang ikinaba ko! Wala akong nagawa nang papalapag ako sa butas. Nahulog ako sa ginawa niyang balon na ngayon ko lang din napansin na siyang mas lalong ikinataranta ko!

Hindi ako makahinga! Kahit anong langoy ko ay hindi ko maabot ang itaas bahagi ng balon dahil sa parang may humihila na puwersa sa aking mga paa pababa! Langoy lang ako ng langoy pero hindi ko na talaga kaya dahil sa sobrang pagod na ng katawan ko.

Tulungan mo ako aking kapangyarihan. Bulong ko na lamang habang nakapikit dahil sa kahinaan na ng katawan ko pero ilang segundo ay bigla akong nakahinga ng maayos. Parang lumakas ulit ang katawan ko at mas lalo akong nagtaka dahil sa parang ang lakas-lakas talaga ng pakiramdam ko! Mas gumaan ang pakiramdam ko, mas gumaan ang katawan at ang paghinga ko kaya agad din akong dumilat na siyang ikinamangha ko.

Pinapalibutan na ako ngayon ng kapangyarihan kong apoy habang wala na akong natatanaw na kahit anong tubig sa balon na'to. Ang apoy ang siyang naging ilaw sa madilim na butas na ito at agad inangat ang tingin ko sa ibabaw.

Inapula ng kapangyarihan ko ang buong anyong tubig ng kalaban!

Napatingin ako sa mga kamay ko, humaba ang mga kuko ko pati na rin pala sa mga paa ko. Iba na rin ang balat na meron ako ngayon na para bang balat ng isang kakaibang nilalang! Para balat ng kung anong matigas na hayop! Parang balat ng isang Dragon! Mas lalong tumalas ang pandinig ko at ang mga mata ko, ang katawan ko ay parang mas naging maskulado. Mas lumaki at mas naging matigas!

"Narsoron Form." Bulong ko at agad tumalon ng mataas upang maabot ang ibabaw. Pagkalampas ko ay agad kong nakita ang gulat na ekspresiyon ng babae na siyang ikinangisi ko na lamang.

Minsan ko na ring narinig ang form ng bawat duwende pero hindi ko alam na isa pala itong katotohanan. Akala ko ay isa lamang itong alamat! Pero ngayon ay naniniwala na ako dahil sa kakaiba naming itsura ngayon! Parehas kaming nagbago ng anyo at nagbago ang lakas.

"Kaya mo ring magbago ng a-anyo? Narsoron Form? Halimaw na duwende sa a-apoy!" Bulong ng babae pero hindi ko na siya pinansin pa.

Agad akong gumawa ng napakahaba at malaking latigo na gawa sa napakainit na apoy at agad ipinalupot sa kaniyang buong katawan na ikinasigaw nito dahil sa sobrang sakit ng dulot nito. Nagpumiglas pa ito pero dahil sa higpit ng pagkakapulupot ng latigo ay hindi niya makayang makawala. Ang tubig na parang sawa na kanina pang pumapalibot sa kaniyang katawan ay biglang naglaho dahil sa kalabisang init ng latigo.

"Hindi kita hahayaang mabuhay pa! Tama na ang pagbibigay mo ng sakit sa amin!" Sigaw ko at agad mas idiniin ang pagkakapulupot sa kaniyang latigo. Umusok ang kaniyang buong katawan hanggang sa unti-unting natutunaw ang kaniyang kabuuan. Agad kong ikinalas ang latigo na siyang ikinatumba nito, hindi na rin makilala pa ang kaniyang katawan dahil sa pagkakalusaw.

"Para kay Reyna Lara, para kay Astrum at Luna."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro