Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Zora.

Simula no'ng gabi nang malaman kong kayang umalis ni Lara sa kaniyang pisikal na katawan ay gabi-gabi na kaming nagkikita kasama si Arakiel. Iyak nga ng iyak si Arakiel no'n dahil sa pagsisisi niya sa kaniyang sarili pero alam ko namang hindi makakayang magalit ni Lara sa kaniya dahil sa mahal na mahal sila nito. Ilang araw na rin ang lumipas noong umamin ako kay Nyctimus, at kung gaano siya kalamig noon kung makatingin ay dumoble ata ngayon pero hindi na ako lumalapit pa sa kaniya o di kaya lumapit sa iilang distansiya mula sa kaniya kung hindi naman kakailanganin. Napagtanto ko na mukhang masaya naman na ako.

Natuto na ako sa sakit na naramdaman ko at napagtanto ko na hindi naman kasi lahat ng gusto mo ay makukuha mo talaga. Na kahit paghirapan mo pa, kung ayaw nito ay ayaw talaga nito. Ilang araw na rin nang mas naging malapit kami ni Arakiel sa isa't-isa dahil nga mas kumportable daw siya na kapag ako ang kasama niya. Mas alam niya daw ang nararamdaman at iniisip ko kapag kaming dalawa ang nagsasama. Kesyo nakakapagbahagi ako ng problema o hinanakit sa buhay kaya mas gusto niya akong kasama. Minsan nga nakikita ko nalang itong ngumingiti sa akin kapag nagkikita kami kaya hindi ko rin mapigilang hindi ngumiti pabalik dahil sa kabaliwan niya at sa wakas, bumalik na ulit ang dating siya nang makausap niya si Lara.

At dati ngang sabi ni Lara, hindi dapat puwedeng malaman ng iba ang kaanyuhan niya ngayon dahil iniiwasan nito ang lahat na mag-isip pa ng kung anu-ano. Nilalayo nga ni Arakiel ang dalawa niyang kapatid sa gubat hanggang sa makakaya niya kapag sumasapit ang dilim. Lalo na kay Seraphim dahil baka mapaano ang bata, kabuwanan pa naman niya ngayon.

Minsan napapansin ko na parang masama ang tingin sa akin ni Nyctimus kapag nagkakasalubong kami pero hindi ko na iyon pinapansin dahil natural naman sa kaniya ang mga ganoong klaseng tingin. At tiyaka, unti-unti na rin akong nagpapatuloy mula sa pagmamahal ko sa kaniya. Iyong kagustuhan kong magustuhan niya rin pabalik? Hindi ko na inisiip pa iyon at pilit na itong iniiwasan. Mukhang hindi naman para talaga kay Nyctimus ang kagustuhan kong maging anyong-tao, para ito sa kagustuhan kong maging malaya sa halimaw kong anyo.

"Ayos ka lang ba, Zora? Mukhang napakalalim ng iniisip mo ah?" Napalingon ako kay Arakiel pero halos magulantang ako dahil sa sobrang lapit nito sa akin. Pero ang baliw ay tumawa lang at unti-unting nilalayo ang kaniyang mukha. Sinamaan ko naman ito ng tingin at huminga ng malalim.

"Ngayong araw na tayo susugod, Arakiel. Kaya ikaw, dapat hindi ka masaktan. Dapat lahat tayo ay kumpleto paring bumalik." Seryoso kong saad sa kaniya na ikinangiti nalang nito at tumango.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah? Napapansin ko na parang ang saya-saya ni Arakiel kapag ikaw ang kasama niya, Zora. May namamagitan na ba sa inyo?" Halos mabulunan ako dahil biglaang sabi ni Chirubim na siyang ikinatawa ng lahat, maliban kay Nyctimus.

"W-Wala ah! At tiyaka hindi kami puwede noh! L-Lalaki kaming pareho!" Sigaw ko, at agad kinain ang nasa kutsara at nilagok ang tubig.

"Tss! Kahit alam naming hindi ka talaga tunay na lalaki?" Napalingon ako kay Seraphim na ngayo'y nakangising nakakaasar habang nakatingin sa akin. Napanguso naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko naman iyon maitatanggi dahil totoo naman.

"Even though you're a gay, you still look like a woman. Ang ganda kaya ng itsura mo! I really thought you are a girl when I first met you, at akala ko rin na magkapatid kayo ni Lara." Sabi ni Zaporah na sinang-ayunan naman ng iba.

Nandito kami kasi ngayon sa silid-kainan ng kastilyo at kumakain. Lage na kasi kaming nandito dahil nga sa gusto namin na malapit lang kami kay Lara. Ayaw naming lumayo sa kaniya na kahit ang misyon na gagawin namin ay parang hinihila kaming lahat pabalik dahil nga sa ayaw talaga naming iwan dito ang Reyna.

"Ganoon din kami! Noon kasing nawala si Reyna Lara bigla, hinanap talaga siya namin kahit saan. Pero no'ng bumalik siya kasama na si Zora, sabi nalang talaga namin ng asawa ko na baka nga kapatid ni Reyna Lara ito dahil sa halos magkamukha sila. Iyon pala hindi, at tiyaka isa pala siyang malakas na Dragon." Napailing nalang ako dahil sa litaniya ni Sol. Sila pala lahat ay nag-aakalang magkamukha kami ni Lara at magkapatid, natutuwa ako dahil para atang gusto nilang maging magkapatid kami! Pero kahit magkaibigan kami ni Lara, tinuturing ko na rin siyang kapatid dahil sa mga nagawa niyang mabuti hindi lang sa akin kundi sa lahat ng mga nandito. Napakabuti niya kasi kaya maraming nagmamahal sa kaniya.

"Pero hindi ba sumagi sa isip niyo kung ano ang lahi ni Reyna Lara? Matagal ko ng gustong itanong ito sa kaniya noon pa man pero habang tumatagal ay parang nalalaman ko nalang na wala siyang alam sa mundo na'to. Na para bang nagkaroon siya ng tama sa ulo at nakalimutan nalang agad. Hindi naman ata dahil sa lason galing sa Serpentes ang dahilan kasi nga agad din naman iyon nawawala kapag nagagamot ng tubig sa ilog ko noon sa aking kuweba." Mahabang sabi ni Medusa.

Kinuwento niya kasi ang pagligtas ni Lara sa anyong Serpentes pa niya noon. Ibinuwis nito ang buhay niya para lang matulungan si Medusa laban sa masasamang Serpentes na siyang mas lalong nagpahanga sa amin. Ganoon din ang kuwento nina Sol at Luna, iniligtas sila ni Lara sa mga taong-lobo at binigyan ng mga pangalan hanggang sa kalaunan ay sumuko na rin ang mga taong-lobo at inalay ang kani-kanilang buhay na siyang buong puso din itong tinaggap ni Lara. Niligtas din nina Lara at Nyctimus sina Arakiel, Chirubim at Seraphim na walang pagdadalawang-isip kahit na may balak silang sirain ang buong Mystic Emerald sa kagustuhang makuha ang lupain na'to. Hindi rin pinalagpas ni Lara si Ruthven sa araw na kung saan nakita itong sugatan sa kagubatan. Ginamot, pinakain at pinatulog pa sa sarili nitong kwarto kahit na isa itong estranghero para sa kaniya.

"Nagtataka man kami at kuryusado, hindi nalang kami nagtanong dahil baka ayaw niya rin sabihin. Hindi din natin siya mapipilit sabihin kung saan siya nanggaling, ang mahalaga ay iniligtas niya tayo ng ilang beses, binigyan ng pangalan, pinakain at pinatira sa lungsod na'to." Tumango ako sa sinabi ni Sol.

"Maybe he doesn't still have the guts to tell you guys because he was just waiting for the right time. Let's just be patience and trust him, accept who he is and love him more. Hindi siya ang magiging pinuno niyo kung wala lang." Sabat ni Esterno na siyang pinagsang-ayunan naming lahat. Tama siya, hihintayin namin kung ano man ang magiging desisyon ni Lara sa buhay at kung kailan niya ito sasabihin sa amin. Kahit ako, wala naman akong pakialam kung sino at saan siya nanggaling dahil hindi na importante iyon. Sapat na ang mga bagay na nagpatunay na isa siyang mabait at matulungin sa kapwa na kayang-kaya niyang ibuwis ang buhay niya para lang sa aming lahat.

"Change topic. Ngayong araw na tayo susugod kaya dapat na tayong maghanda." Pag-iiba ni Zaporah ng usapan.

"I can use and order my dimensions to bring us all in their land and surprise them with our attacks." Si Esterno.

"Nasisiguro akong kakayanin natin sila, all of your powers was upgraded by Lara." Dagdag ulit ni Zaporah na siyang ikinatango nilang lahat.

"Paano kung hindi tayo magtatagumpay?" Napalingon kaming lahat kay Nyctimus dahil sa biglaang pagsabat nito. Napakunot pa ang noo ng iba dahil sa sinabi nito na para bang may negatibo itong nararamdaman.

"You can smell danger right?" Tanong ni Seraphim, napatingin sa kaniya si Nyctimus at seryoso lang na tumango.

"Hindi naman nawawala ang panganib sa lugar na'to." Walang ganang sagot sa kaniya ni Nyctimus at tumingin sa akin, nakipagsukatan pa ako sa kaniya pero ako na mismo ang lumihis dahil sa nakakalasing niyang mga tingin.

"Kakayanin natin, boy. We have to fight for Lara and can you please stop gathering negative vibes?" Irita na ngayong turan sa kaniya ni Zaporah, hindi na nagsalita pa si Nyctimus at tumahimik nalang.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Nyctimus pero hindi ko na iyon papakialaman pa dahil sa kaniya na iyon. Ang akin lang, hindi namin hahayaang kakainin kami ng takot dahil lang sa malakas ang kalaban. Kakayanin namin dahil galing ang lakas namin kay Lara, naniniwala siya sa amin kaya naniniwala din kami sa kaniya at naniniwala kaming mananalo kami sa labanan na'to. Hindi puwedeng hindi! Kailangan namin makaganti! Kailangan nilang magbayad!

"Let's rest for a while. Aatake tayo sa kanila sa pagsapit ng gabi, at uubusin ang lahat ng mga rebelde sa guild na 'yon." Seryosong turan ni Zaporah na siyang ikinatango naming lahat maliban kay Nyctimus.

"Para sa lungsod na'to! Para kay Reyna Lara!" Sigaw ni Sol.


*******




Malapit na sumapit ang gabi at ngayo'y naghahanda na ang iba para sa magiging laban namin mamaya. Kailangan naming manalo, kailangan naming makaganti. Kailangan naming makuha ang hustisya sa ginawa nila sa mga kakampi namin! Kailangan nilang pagbayarin ang hirap na kinakaharap ngayon ni Lara.

Nandito ako ngayon sa hardin, ang pinakapaborito kong parte dito sa lungsod na ito. Pinapanuod ang pagbaba ng araw sa katimugan at ang paglitaw na ng iilang bituin sa kalangitan. Ang mga huni ng ibon ay unti-unti ng naglalaho habang ang mga paniki naman ngayon ang nagsisiyahan habang nagsisimula ng magsiliparan sa kalangitan.

"Tulad ng inaasahan, nandito ka na naman." Nanigas ako sa kinakatayuan ko dahil sa malamig niyang boses mula sa likuran. Hindi ko siya nilingon dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko kapag nakita ko na naman ng malapitan ang kaniyang mukha. Ayoko na, gusto ko ng magpatuloy sa buhay na hindi siya iniisip pa! Masaya na ako sa kung ano ang nangyayari sa akin ngayon!

"Iniiwasan mo ba ako?" Nagpantig ang mga tenga ko dahil sa sinabi niya at marahas siyang nilingon. Iniiwasan? Naririnig niya ba ang sinasabi niya? Paanong hindi ko siya iiwasan? Gusto niya bang dumikit-dikit ako sa kaniya pagkatapos ng lahat? Gusto niya bang pansinin ko siya matapos ang pag-amin ko sa kaniya? Gusto niya bang maging kumportable ako sa kaniya pagkatapos no'ng sinabi niya? Na ayaw niya akong maging karelasiyon dahil sa lalaki kaming pareho?

Malayong-malayo ang Nyctimus na ito sa Nyctimus na nakilala ko. Ewan ko ba kung maganda bang bagay iyon o hindi. Na nakakapagsalita siya ng mahaba kapag magkasama kami, na mas nagkakaroon siya ng emosyon kapag magkasama kami!

"Ano sa tingin mo Nyctimus? Bakit iniiwasan kita?" Tanong ko pabalik sa kaniya. Tinignan ko ang mga mata niya pero wala akong mabasa doon. Ni lito o kahit na ano ay wala!

"Puwede naman tayo maging kaibigan Zora, na hindi tayo magkarelasyon. Na hindi mo ako nagugustuhan." Inis akong napalihis ng tingin at nadako ang mga mata ko sa madilim na kalangitan at bahagyang natawa dahil sa sinabi niya. Wala ng araw, pero wala ring buwan at tanging ang mga bituin lang ang nagbibigay ng liwanag sa aming dalawa ngayon.

"Sinabi ko bang gusto kong makipag-relasiyon sa'yo, Nyctimus?" Malungkot na sabi ko at unti-unti ulit siyang nilingon, ngayon ay kitang-kita ko na ang kalituhan sa mga mata niya habang nakatingin pa rin sa akin. Ngumiti ako ng mapait at huminga ng malalim.

"Umamin ako sa'yo oo, na gusto kita, na mahal kita pero hindi ibig-sabihin no'n ay gusto kong makipag-relasiyon sa'yo. Hindi ganoon 'yon, Nyctimus. Hindi ganoon 'yon. At madali lang para sabihin iyan sa akin dahil hindi naman ikaw dito ang nagkakagusto! Ako!" Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Ni hindi sumagi sa akin na magkaroon ng relasyon sa kaniya, alam ko ding hindi puwede kasi lalaking-lalaki siya simula pa noon.

"Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit gustong-gusto kong magkaroon ng abilidad na maging anyong-tao? Dahil gusto kong makita ka, dahil gusto kong makita mo ako, dahil gusto kong ibigin ka at dahil gusto ko ring makausap ka tungkol sa nararamdaman ko. Ikaw ang inspirasyon ko para maging malaya sa halimaw kong kaanyuhan! Pero hindi ibig-sabihin no'n ay gusto kitang matali, hindi ibig-sabihin no'n ay gusto kitang makarelasyon. Sapat na sa akin na alam mo ang dahilan ko, sapat na ang dahilan na alam mong mahal kita dahil 'yon lang din naman ang gusto kong mangyari. At huwag mong diktahan ang nararamdaman ko para sa'yo dahil totoo ito at walang halong biro!" Litaniya ko na siyang nagpatigil sa kaniya, hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo galing sa aking mga mata kaya agad ko iyon pinunasan.

Magsasalita na sa ako ulit nang matigilan ako dahil sa mahigpit na yakap mula sa aking likuran. Tumingala pa ako para alamin kung sino at natigilan dahil sa seryosong mukha nito.

"A-Arakiel." Bulong ko sa pangalan niya.

"Aalis na tayo, Zora." Seryosong bulong nito kaya tumango nalang ako at tumingin kay Nyctimus. Hindi ko alam kung para saan 'yang galit na ekspresiyon niya na nakikita ko ngayon pero hindi ko na iyon pinansin pa at nagpadala nalang kay Arakiel. Nilagpasan namin siya na hindi siya nililingon, hindi ko alam pero nasasaktan ako. Hindi ko alam pero masakit sa akin ang mga nangyayari ngayon pero siguro ay makakabuti ito sa aming dalawa, lalong-lalo na sa akin.

"Huwag kang umiyak, Zora. Huwag na huwag kang iiyak." Tumingin ako kay Arakiel na ngayo'y nakangiti na sa akin kaya tumango nalang ako.

Hindi na ako iiyak.

*******

Pagkatapos nang nangyari kanina ay hindi ko na kinibo pa si Nyctimus. Hindi ko pinansin ang mga nagbabadya niyang tingin sa akin mula pa kanina. Nandito kami ngayon sa bukal at nagtitipon na para maghanda.

Lahat kami ay seryoso nang nakatingin sa isa't-isa habang pinapanuod si Esterno na buksan ang portal na sinasabi niya. Biglang lumitaw sa aming harapan ang isang puting pinto at nang pagbukas niya ng pintuan ay agad tumambad sa amin ang loob na siyang parang isang kalawakan. Nakikita namin ang mga bituin, iba't-ibang planeta, mundo at iba pang nasa kalawakan sa loob ng pinto na nasa harapan namin. Namangha ang ilan sa amin dahil sa nakikita. Ito ang tinatawag nilang portal? Kung saan nakakaya ka nitong dalhin sa kung saang lupalop man ang iyong gusto? Dimension?

"Sa pagpasok natin diyan, mapupunta na tayo sa kung nasaan ang kanilang lugar. At sa pagkakataon na iyon ay agad tayong susugod, we won't waste any time and we'll finish all of them immediately until we still can. Understood?" Tumango kami sa sinabi ni Esterno.

"This is for your land, this is for Lara. Gaganti tayong lahat." Diing turan ni Zaporah.

"Tara na!" Sigaw ni Sol at sabay kaming pumasok lahat. Para akong tinangay ng isang hangin pagkapasok namin sa pinto, nakapikit ang mga mata ko dahil sa sobrang liwanag at pakiramdam ko ay parang lumulutang ang paanan ko. Ilang segundo pa ay naramdaman ko na namay naaapakan na ulit ang paa ko, pagkadilat ko ay wala na ring liwanag.

Bumungad sa amin ang malaking gusali, nasa harapan malapit. At kitang-kita ang nakalagay na pangalan sa kanilang kapisanan.

Rose Guild

Kinakabahan man pero agad akong naghanda. Tumingin ako kalangitan at agad namuo doon ang mga malalaking itim na ulap na unti-unting tinatabunan ang maliwanag na buwan at ang mga bituin. Gumawa din ako ng malakas na enerhiya para ihadlang sa kung sino man ang may planong tumakas pagkatapos ng magiging atake namin. Napatingin ako sa mga kasamahan ko na ngayo'y seryoso na ring nakatingin sa gusali, ramdam na ramdam ko ang hindi pamilyar na lakas galing sa kani-kanilang kapangyarihan maliban kina Zaporah at Esterno.

Ramdam na ramdam ko ang mga namumuong galit sa mga kakampi ko ngayon. Kay Arakiel, Nyctimus, Sol at Medusa. Sobra-sobra ang galit na nararamdaman nila ngayon at hindi ko sila masisisi dahil alam ko kung gaano kasakit para sa kanila na makita ang kalagayan ng Reyna, ni Lara.

"Hinding-hindi sila makakatakas." Bulong ni Medusa at ang kasabay noon ay ang pagliwanag ng buo niyang katawan hanggang sa nagpalabas siya ng malaking bolang liwanag sa kaniyang mga kamay at itinutok ito sa gusali. Bulusok itong umatake hanggang sa nagdulot ito ng malaking pagsabog ng gusali. Agad namin narinig ang malalakas na hiyawan galing sa loob, hindi ko alam pero parang musika ito sa mga tenga ko. Na para bang gustong-gusto ko ang mga sigaw nila dahil sa takot at kaba.

"Wind Slicer!" Sigaw ni Arakiel at agad bumulusok ang maraming malalaking espada na gawa sa hangin at tinamaan ulit ang mga gusali nito. Nagbuo naman ito ulit ng malakas na pagsabog at siyang dahilan kung bakit mas kumapal ang usok galing sa loob. Nakita ko kung paano ngumisi si Nyctimus nang makitang nagsisilabasan na ang mga rebelde. Agad itong naging anyong lobo pero mas kakaiba siya ngayon, mas lalong humaba ang kaniyang mga pangil at kuko sa kamay at paa. Mas lalong naging katakot-takot ang itsura niya ngayon na parang hindi ko na siya makilala.

Hindi ko na makita si Nyctimus dahil sa sobrang bilis ng kilos nito, napapansin nalang namin na may natutumba na sa lupa at may nagkakalat na ng mga dugo. May nagsisigawan na rin dahil sa sakit at takot dahil sa ginagawa ngayong pag-atake ni Nyctimus.

"Ubusin sila!" Sigaw ni Sol at bumuo ng mga malalaking bolang apoy at agad itong itinapon sa direksiyon ng mga nagsisitakbuhang mga nilalang.

Kitang-kita ko rin kung paano nagliyab ang buong gusali dahil sa kagagawan ni Zaporah. Sinusunog niya ang gusali gamit lang ang kaniyang mga mata habang si Esterno naman ay umaatake na rin kasama si Nyctimus gamit ang asul nitong apoy. Unti-unti nilang kinikitil ang mga gustong tumakas, may iba pang nagpupumilit na tumakas pero hindi nila magawa dahil sa malakas na enerhiyang nakapalibot sa buong paligid. Kagaya ng enerhiya na ginawa ni Lara noon sa Raja, tanging ang mga nasa loob lang ng bilogang enerhiya na pumapalibot sa lugar na'to ang nakakarinig sa sigawan at hinanakita nila.

Kinontrol ko ang mga ugat ng puno at ipinaatake ito sa mga nanglalaban. May ibang gustong lumaban sa akin pero hindi na nila nakakaya pa dahil sa klaseng enerhiya na nakapalibot sa lugar na ito. Enerhiya ito kung saan kinakain ang lakas ng sino mang gustong umatake sa akin, napapaluhod nalang talaga sila sa panghihina dahil sa kapangyarihan ko. Mas lalo pang dumami ang mga ugat na galing sa lupa at pinag-aatake ang mga kalaban, may iba pang nagpupumiglas pero hindi na rin nila nakakayanan.

"Ayan na sila. Ang mga nagtangkang pumatay sa amin." Rinig kong bulong ni Arakiel at napatingin sa direksiyon ng isang grupo na seryosong nakatingin na sa amin ngayon.

Apat na lalaki, apat na babae. Nakilala ko na ang lima sa kanila noong pinanuod ko ang laban nila ni Lara noon malapit sa Mystic Emerald. Pero ang tatlo, hindi ko pa sila namumukhaan. Pero ramdam na ramdam ko ang kanilang malakas na puwersa, at rinig ko na isa rin silang mga Demon God.

Apat na Demon God sa isang kapisanan huh?





----------

NOTE! (KAPISANAN IS TAGALOG OF GUILD)

Hi everyone! I would like to encourage everyone to read Hidden Series where the plot twists are unpredictable. And hoping that you are supporting this story of mine and always be alerted to my updates.

And I am looking for unique names for my new characters so if you have such names comes up in your mind please comment and I'll be picking it and dedicate a chapter for you. Lovelots! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro