Chapter 24
Zora.
Ganoon pala kapag nasaktan ka, ganoon pala ang pakiramdam kapag hindi naibalik ang labis na pagkagusto mo sa isang nilalang. Ganoon pala kasakit kapag hindi ka gusto ng gusto mo, ganoon pala kasakit na matapos ng pagpapalakas ng loob mo ay hindi pala ito masusuklian ng magandang resulta. Masakit, hindi halos makatulog, tulala at wala sa tamang pag-iisip, iyon ang nangyari sa akin pagkatapos kong umamin. Masakit na masakit pero alam ko namang may malaki talagang posibilidad na hindi niya matatanggap ang pagkakagusto ko sa kaniya, na hindi niya matatanggap ang pagmamahal ko sa kaniya dahil nga sa lalaking tunay si Nyctimus. Lalaki siya at babae ang kaniyang gusto kaya hindi niya rin naman kasalanan na hindi niya masuklian ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kaniya.
"Nasabi ko na sa kaniya, Lara. Nasabi ko na sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko sa kaniya pero hindi ganoon ang pagtingin niya sa akin." Malungkot kong turan kay Lara na ganoon parin ang sitwasiyon, mahimbing na natutulog sa kaniyang higaan. Pansin kong pumapayat na din ang kaniyang katawan kaya mas lalo akong natakot sa posibleng mangyari. Takot na baka mawala siya sa amin, takot na mawala ang isa sa mga nilalang na nagbigay sa akin ng pag-asa para maging masaya. Nilalang na siyang nagbigay sa akin ng pagmamahal bilang kaibigan, ang una kong naging tunay na kaibigan.
"Alam na rin nila na isa akong Dragon, Lara. Kaya hindi na natin kailangan pang itago sa kanila ang lahat-lahat." Dagdag ko pa. Hindi ko namalayan na may tumulo ng mga luha galing sa aking mga mata kaya agad ko iyong pinunasan. Ngumiti ako ng mapait at hinawakan ang kaniyang kamay, hinaplos iyon na siyang naramdaman ko kaagad ang lamig ng kaniyang temperatura. Lantang gulay ang buo nitong katawan, mahinang humihinga at walang kakulay-kulay ang kaniyang labi.
Kanina pa ako rito habang kinakausap si Lara, pahinga ngayon ng mga manggagamot kaya agad din akong pumunta rito at binisita siya. Naiiyak talaga ako kapag nakikita ko siyang maaliwalas at mahimbing na natutulog sa kaniyang higaan, nakangiti pa ng kaunti ang labi nito pero pansin ko rin ang paghihirap ng kaniyang buong katawan.
"Is she now okay?" Napalingon naman ako sa likuran at nakita ang nag-aalalang si Zaporah. Ngumiti ako sa kaniya ng mapait at umiling sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kailan pa magigising si Lara, hindi ko alam kung magiging maayos pa ba ang kaniyang kalagayan. Nagsisimula na akong matakot, nagsisimula na akong mangamba.
Lumapit siya sa higaan ni Lara at katulad ng ginawa ko kanina, hinawakan niya ang kamay nito at hinaplos.
"In a short span of time, we made a bond together and that is how it made me so much happy. In Avalon, in my world, I don't have any close friends except Esterno. Dito ko lang naramdaman ang magkaroon ng close friends with you guys that is why I am sort of thankful." Sabi nito habang nakatingin sa mukha ni Lara. Ngumiti siya ng matamis sa kabila ng kaniyang malungkot na ekspresiyon.
"That is why we decided to help him to find the killers before we'll go home. For the last time, I'll use my power just to help him and all of you here. Bilib nga ako dahil handang-handang lumaban ang mga kaibigan mo para sa kanilang Reyna. Mukhang maayos silang itinuring ni Lara kaya ganoon sila kadesperadong gumanti." Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Kung alam mo lang kung gaano kami kaswerte na siya ang naging Reyna dito. Kung alam mo lang kung gaano niya kamahal ang lungsod na'to at ang mga nilalang na tumutulong at nagmamahal sa kaniya. Napakabait niya sobra, Zaporah. Maalalahanin at sobrang mapagmahal kaya ganoon nalang din siya kadesperadong iligtas at buhayin ang lahat kahit alam niyang delikadong-delikado ito para sa kaniya. Hindi namin alam kung anong nagawa naming mabuti at bakit kami binigyan ng isang katulad niya." Litaniya ko habang nakadako na ngayon ang mga mata ko sa magandang mukha ni Lara. Kahit namumutla siya ay hindi nawawala ang ganda ng kaniyang wangis, ang kaniyang mahabang berdeng buhok at ang pambabae nitong balat. Mukha siyang babae talaga.
Narinig kong humagikhik si Zaporah at hinaplos ngayon ang buhok ni Lara.
"I know he is like that, ni hindi nga siya nagdalawang-isip na tanggapin ako at kaibiganin ako eh. He has a good and soft heart but at the same time, braveness. Bilib ako sa pagmamahal niya para sa mga naniniwala sa kaniya, bilib ako sa magandang ugali ni Lara. He deserves to be loved, he deserves to get the justice that he want." Sabi niya habang patuloy ang paghaplos nito sa buhok ni Lara. Pinapanuod ko lang kung paano haplusin ng maganda at maputing kamay ni Zaporah ang buhok ni Lara habang ang ibang hibla ng buhok nito ay sumasabay sa bawat paggalaw ng kamay nito.
"My Mother, Athena, used to do this to me. Caressing my hair while I am feeling weak and sad, softly touching my hands and cheeks just to make me at ease which is very effective. Seeing him like this, one thing comes up in my mind and that is I really want to touch his hair and hands the way my Mother did it to me. To make him at ease and safe." Dagdag niya. Parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi nito, nakangiti pa rin ito habang nakatingin kay Lara. Nililipad ng kaunti ang mahabang pulang buhok ni Zaporah ng hangin mula sa bintana, ganoon din ang kaniyang mahabang puting saya na galing pa kay Luna. Napakaganda niya, hindi mahahalata sa kaniya na hayok siya sa pakikipaglaban. Masaya ako dahil kahit saglit palang kaming magkakasama ay naramdaman na niya ang mga bagay na iyon kay Lara.
"Alam kong gigising siya, alam kong lumalaban siya ngayon kaya hindi ako titigil magdasal para sa ikabubuti ng kaligtasan niya." Tumango ako. Kahit ako, hindi ako titigil hanggang sa hindi siya magising, gagawin ko ang lahat para lang bumalik sa amin ang Reyna. Hindi kami titigil lahat nang hindi namin nakikita ang mga kalaban at mapatay silang lahat. Pagbabayaran nila ang mga ginawa nilang karumaldumal sa mga kakampi namin. Nang dahil sa kanila, nasa ganitong sitwasiyon si Lara, nang dahil sa kanila ay hinang-hina itong nakahiga ngayon sa kaniyang higaan.
"Gigising siya, Zaporah. Alam kong gigising siya dahil hindi niya hahayaang masaktan kaming lahat. Malakas siya kaya alam kong hindi siya susuko agad, kailangan niyang gumising dahil kailangan na kailangan namin siya."
*******
Kakatapos ko lang kumain sa silid kainan ng kastilyo kasama ang mga lider ng bawat lahi, nandoon din sina Zaporah at Esterno. Nag-usap kami tungkol sa magiging plano bago kami gumawa ng aksiyon at napagdesisyunan namin na kaming walo lang ang pupunta. Sina Medusa, Arakiel, Sol, Nyctimus, Zaporah, Esterno at ako. Hindi na namin ibubuhis pa ang buhay ng iba, gagawan din namin ng paraan upang hindi agad-agad makapasok ang mga kalaban sa loob ng lungsod na ito.
Pitong araw na ang lumipas at abala ang lahat sa pagtatrabaho. Medusa, ang sekretarya ni Lara ay nakapagdesisyon na ipagpatuloy ang 'trading system' sa Raja. Ipinagliban muna ang sa bansang Roha dahil delikado para sa kanila nina Luna at sa iba pang trabahador na pumaroon. Kailangan muna naming tapusin ang mga rebelde bago sila puwedeng bumalik sa Roha. Sumang-ayon naman ang lahat para na rin masimulan na ulit ang pangalawang lungsod na siyang pinapangarap ni Lara.
"Hindi dapat tayo palaging umaasa kay Lara, dapat maging malakas din tayo. Patunayan natin na karapat-dapat tayo para maging isang lider sa kaniya." Naaalala kong sabi ni Medusa sa amin
Nandito ako ngayon sa labas ng lungsod, nasa itaas ng isang matibay na sanga ng napakatangkad na puno habang pinapanuod ang nga itim na ulap na kumikilos para iwasan ang liwanag ng malaking buwan. Lahat ng mga ibon ngayon ay tulog kaya ang mga maliliit na paniki ang siyang lumilipad-lipad sa lahat ng sulok ng lugar na ito. Malamig ang hangin ang yumayakap sa akin ngayon habang tanaw na tanaw ko ang kabuuan ng buong lungsod ng Mystic Emerald. Ang ilaw ng bawat bahay, ang malaki at magandang bukal at ang napakatayog na kastilyo. Wala ng tao sa labas, lahat ay nasa bahay na nila at mahimbing nang natutulog.
Ito ang oras kung saan hindi ako nakakatulog, tanging ang sinag ng araw lang ang nagbibigay sa akin ng antok kaya noong nasa anyong Dragon ako ay palagi akong tulog kapag araw. Minsan lang ako lumalabas hindi katulad ng gabi na siyang nagbibigay sa akin ng mas malakas na enerhiya para makagala.
"Bakit gising ka pa?" Napatingin ako sa ilalim at halos mahulog talaga ako sa kinauupuan kong sanga dahil sa nakikita ng dalawa kong mga mata ngayon. T-Totoo ba itong nakikita ko? Hindi ba ako namamalikmata lang?
Agad akong tumalon papunta sa lupa para siguraduhin ang nakikita ko, ilang segundo ay nagulat akong tinignan siya sa mga mata. Biglang bumuhos ang mga luha galing sa mga mata ko at agad ko siyang dinambaan ng mahigpit na yakap. Ilang segundo iyon tumagal at pagkatapos ay lumihis na siya sa pagkakayakap ko! H-Hindi ako makapaniwala! Nasa harapan ko siya ngayon!
Hinawakan ko kaagad ang mga kamay niya at nanlalaki parin ang mga mata kong nakatitig sa mga mata niya. T-Totoo nga! Nasa harapan ko siya ngayon habang nakangiti! Nasa harapan ko siya at nayayakap ko! Nasa harapan ko siya at nakakausap!
"Huwag ka ngang umiyak! Ang pangit-pangit mong umiyak!" Sigaw niya na siyang mas lalong nagpahikbi sa akin. Ngayon ay siya naman ang yumakap sa akin at inalo, hinaplos ang likuran ko na para bang nag-iingat siya sa bawat galaw niya. Hindi ko na nagawang yumakap pabalik dahil kumalas na ito sa akin.
"L-Lara." Galak kong tawag sa pangalan niya na siyang ikinatango niya. Nakangiti ito sa akin na siyang parang hinaplos ang puso ko. M-Magaling na siya!
"Kamusta ka na? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Alala niyang tanong sa akin, no'ng una ay hindi ko pa naintindihan ang gusto niyang ipahiwatig pero naalala ko naman kaagad no'ng araw na sinabi ko pala sa kaniya ang pag-amin ko kay Nyctimus.
"A-Ayos lang ako Lara, kailangan kong maging maayos. At tiyaka, alam na ba nila na gising ka na? Alam na ba nila na mabuti na ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? May kakaiba ka bang nararamdaman ngayon pagkatapos mong magising?" Sunod-sunod kong tanong na siyang ikinahalakhak niya lang. Napakunot naman ang noo ko sa reaksiyon niya. Hay nako talaga itong si Lara kahit kailan ay parang baliw pero masaya ako dahil maayos na siya! Masaya ako dahil sa wakas ay gising na siya! Masaya ako na nakikita ko na siyang tumatawa! Sa wakas!
"Zora, hindi pa ako gising." Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ako ba ay niloloko nito?
"Ano ba Lara, seryoso ako!" Sigaw ko sa kaniya pero umiling lang ito na siyang mas lalo kong ipinagtaka.
"Itong nakikita mo ngayon ay isang parang aparisyon lang, Zora. Sabihin nalang nating, kaluluwa ako ng katawan ko." Agad akong nagulat sa sinabi niya at unti-unting napawi ang aking ngiti, ilang segundo ay napalitan ang saya ko ng kaba at takot. Ang kaninang saya na naramdaman ko ay biglang naglaho at napalitan ng kaba at takot. Tama ba ang naririnig ko galing sa kaniya? P-Patay na ba siya?
"Zora, lahat ng mga sinasabi niyo sa akin habang natutulog ang katawan ko ay naririnig ko. Kahit tulog ang pisikal kong anyo, gising na gising ang diwa ko. Rinig na rinig ko ang mga pinagsasabi niyo, lahat ng hinanakit niyo at ang mga naging plano niyo. Nandoon ako sa Hall habang nag-uusap kayo, nandoon ako sa dining area habang nag-uusap kayo at masaya ako na ginagawa niyo ang lahat ng iyon para sa ikabubuti ng lungsod na ito. At tiyaka, sa gabi lang ako nakakaalis ng katawan ko Zora at sa tuwing lumalabas ako ng kastilyo ay sa labas ng lungsod ako napupunta. Hindi ko kayang makatapak sa loob ng lungsod maliban nalang sa loob ng kastilyo at rito." Mahabang paliwanag nito na siyang agad ko rin namang naintindihan pero hindi pa rin ako makapaniwala na nakakausap ko siya habang ang totoo niyang katawan ay nasa loob ng kaniyang kwarto! T-Totoo ba talaga ang nangyayari ngayon?
"T-Teka, totoo ba ang sinasabi mo? Hindi ba ako nananaginip? Baka tulog lang ako at nasa panaginip kita!" Turan ko pero agad akong nagulat dahil sa malakas niyang sampal na siyang ikina-ungol ko ng mahina. Masama ko naman siyang tinignan dahil sa ginawa niya! Para saan naman iyon? Ang sakit!
"See? You are not dreaming because you are hurt! Bakla ka!" Sigaw nito sa akin.
"Pero paano mo ako nahahawakan? Paano kita nagawang yakapin? Paano mo ako nagawang sampalin kung kaluluwa ka nalang?" Kuryus kong tanong sa kaniya. Nakakapagtaka lang kasi!
"I also don't know why I can touch you, I don't know why you can touch me too. Ngayon ko lang rin nalaman and I just realize now na ikaw lang din ang nakakakita sa akin. Sol went here, Nyctimus and Medusa went here last night to watch the moonlight. They can't also see me nor touch me dahil tumatagos lang ang kaluluwa ko sa kanila. I think it is the bond that we made when we went to Raja, Zora. I think that is the reason why you can see and touch me now." Giliw nitong turan. Malayong-malayo ang itsura niya sa itsura ng pisikal nitong katawan. Parang hindi siya nagdudusa sa lagay niya ngayon. Bumalik ang sigla ng katawan niya hindi kagaya ng manipis na niyang pisikal na anyo sa kwarto niya.
"K-Kailan ka magigising, Lara? Nanghihina na ang tibok ng puso mo at unti-unti na ring nanghihina ang buong pisikal mong katawan! Kailangan mo ng gumising!" Mahinang sigaw ko sa kaniya pero ngumiti lang ito sa akin.
"Huwag kang mag-alala, Zora. I'll wake up soon but I don't know when but I can assure you that I'll be okay. I am strong Zora so you don't have to worry, all of you shouldn't worry. Ang akin lang, you have to be careful because I can't be with you to your next battle. I know it stresses you out dahil kagagaling lang natin sa laban sa Raja but you are here again and planning to execute a battle with them. Sorry if I can fight with you guys, but I am proud because you are thinking of me and of this land. Mag-iingat lang kayo, mag-ingat kayo ng mabuti." Ang mga salita niya ay sapat na sapat na para maginhawaan ang puso at isip ko. Ayos na sa akin na malaman na lumalaban din siya, na kinakaya rin niya ang sitwasiyon ngayon. Ngumiti akong tumango sa kaniya at yumuko.
"Maghihintay kami sa pagbalik mo, Reyna Lara." Magalang kong sabi at hinarap ulit siya. Ang kaluluwa niya ay napakaliwanag, na para bang umiilaw ang kaniyang kabuuan. Mas lalo siya gumanda dahil doon, mas lalo ko pa siyang hinangaan hindi lang dahil sa kaniyang wangis kundi sa kaniyang tapang at determinasyon.
"Huwag mong ipaalam sa iba na nakikita mo ako, Zora. Ayoko silang mag-isip pa ng kung anu-ano, you're enough. And one more thing, Zora—" Lumapit siya kaunti at tinignan ako sa mga mata. Kitang-kita ko ang emosyon ng mga mata niya na para bang nagmamakaawa.
"Save my man, save my Ruthven. I know it is not good to make a request to you knowing you are having a hard time with your love life but please, you are the only one I can tell this. Find him, and save him."
"Ano ka ba Lara! Gagawin ko ang lahat at ililigtas namin siya kahit hindi mo man hilingin. Gagawin namin ang lahat para lang maging kumpleto ulit kami!" Matapang kong sabi sa kaniya na ikinangiti nito ng matamis.
"Salamat Zora, alam kong maaasahan ka talaga. And sorry because I put you in this kind of situation, again." Umiling ako kaagad dahil sa sinabi niya, magsasalita na sana ako nang magsalita ulit siya.
"As long as I want to talk with you any longer, but I have to go. I just have an hour every night, to leave my body. Goodbye Zora, let's meet again tomorrow night." Ngumiti na lamang ako at tumango habang pinapanuod ang kaniyang kaluluwa na unti-unti ng naglalaho. Hanggang sa parang tinangay na ng hangin ang kaniyang kabuuan.
Mabuti at lumalaban din siya.
"Nakikita mo rin pala siya?" Halos mapatalon ako dahil sa gulat at napatingin sa lalaking nasa likuran ko na ngayon. Nakalabas ang kaniyang mga magagandang puting pakpak habang walang suot na pang-itaas, nakasuot lang ito ng itim na maong sa ilalim at nakapaa.
"A-Arakiel? Anong ibig mong sabihin na nakikita ko rin siya? Nakikita mo siya? Nakikita mo si Lara?" Tumango siya sa mga tanong ko kasabay no'n ay ang paglaho ng kaniyang mga pakpak. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.
"Oo Zora, nakikita ko siya. Baka nakakalimutan mong isa akong anghel? Trabaho namin na ihatid ang mga mabubuting kaluluwa sa itaas pero nang dahil nga sa nangyari sa amin ng mga kapatid ko ay nawala na ang responsibilid na iyon sa amin. Pero nakakakita pa rin ako ng mga ligaw na kaluluwa. Kahit si Seraphim at Chirubim ay ganoon rin pero hindi pa nila nakikita si Reyna Lara dahil ni hindi pa sila lumalabas ng lungsod." Litaniya niya.
"Bakit hindi ka nagpakita kung ganoon? Akala tuloy ni Lara na walang ibang nakakakita sa kaniya." Takang tanong ko sa kaniya. Bago niya ako sinagot ay tumingin muna siya sa kalangitan kaya napatingin din ako doon. Wala na ang mga itim na ulap, nakikita ko nalang ngayon ay ang mga maliliwanag na bituin kasama ang maliwanag na malaking buwan.
"Nahihiya ako sa kaniya, Zora. Nahihiya ako kay Reyna Lara dahil sa alam naman ng lahat na ako ang may kasalanan. Kahit hindi kayo nagsasalita ay alam kong sinisisi ninyo ako sa lahat ng mga nangyari. Nagtiwala ako kay Heraphim pero 'yon na pala ang delubyo na hindi namin inaasahan. Nagsisisi ako bakit pa ako umaasa na sasama siya sa akin at mamahalin ako pabalik. Hiyang-hiya ako sa lahat, lalong-lalo na kay Reyna Lara. Na para bang bumalik ang lahat ng mga alaala na pinarusahan kami dahil sa pagiging iresponsable ko! Hiyang-hiya ako! Wala na akong mukhang maihaharap pa kay Reyna Lara!" Agad ko siyang nilingon dahil sa sinabi niya, kinunotan ko siya ng noo pero hindi parin siya tumitingin sa akin. Kitang-kita ko ang mga ugat sa leeg niya na unti-unti ng humuhupa dahil sa malalakas nitong pagsigaw. Ang mga panga nitong umiigting dahil sa galit at poot.
"Ni kahit isang beses ay hindi sumagi sa isip ko na sisihin ka sa lahat nang nangyari, Arakiel. Ginusto ni Reyna Lara ang iligtas kayo at alam na alam niyo iyan at tiyaka hindi mo rin naman ginusto ang lahat nang nangyari dahil nagmahal ka lang! Iniligtas kayo ni Lara dahil sa mahal niya kayong lahat at hindi niya makakaya kung hindi kayo mabubuhay. Iniligtas niya kayo dahil iyon ang gusto niya! At paano mo naman nasasabi na sinisisi ka ng lahat, Arakiel? Mahal ka nila dahil magkaibigan kayo, mahal ka namin dahil kakampi ka namin kaya huwag mong isipin na sinisisi ka namin! Hindi 'yon totoo!" Sigaw ko sa kaniya pabalik. Tumingin siya sa mga mata ko at nakita ko kung paano namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Ewan ko ba pero agad akong nanghina dahil sa emosyon na lumalabas sa kaniya. Nanlalambot ang mga tuhod ko kapag may nakikita akong naghihirap at umiiyak!
Hanggang sa lumuha na siya ng tuluyan. Natigilan ako doon dahil sa paghikbi niya, ilang segundo lang ang dumaan ay agad ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Ramdam kong natigilan siya sa ginawa ko pero ilang segundo ay napangiti nalang din ako nang maramdaman ko nalang ang mga bisig niya na nakayakap na rin sa akin.
"Nandito lang ako, Arakiel. Nandito lang kaming lahat kaya huwag mong isarili ang nararamdaman mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro