Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Zora.





Hindi ko alam na may mga tao din pala na kayang ibuwis ang buhay para lang sa mga minamahal nito. Na kaya din pala nilang ibuwis ang kanilang buhay para sa ikabubuti ng mga kaibigan nito. Ngayon ko lang nasaksihan kung paano kalaki ang epekto ng isang pagmamahal sa bawat isa sa atin. Ang pagmamahal, ito ang bagay na hinding-hindi pisikal na makukuha ng kahit na sino sa bawat isa sa atin dahil nasa loob-looban ito ng ating kaluluwa, puso at isip. Mga taong kayang unahin ang kapakanan ng iba kaysa sa kanilang sarili, dahil sa labis na pagmamahal.

Pagkatapos halos ibuwis ni Lara ang kaniyang buhay, lahat ng mga namatay ay muling nabuhay. Muling nagkaroon ng hininga at mas lalong lumakas ang kanilang katawan at kapangyarihan. Pero nang malaman nila ang lahat-lahat ng bagay, lahat sila ay nagluksa at nalungkot dahil sa sinapit ng kanilang Reyna. Ang aming Reyna. Napakasakit panuorin na mahimbing lang itong natutulog ngayon sa kaniyang mamahalin at kumportableng higaan habang binabantayan ng mga manggagamot. Pilit nila itong tinutulungan upang agad itong magising sa kaniyang matagal nang pagtulog pero ganoon parin ang lagay nito.

"We have to make them pay. Esterno, let's help Lara before we go home." Rinig kong saad ni Zaporah habang nagmamakaawa ang mga mata nitong nakatingin sa kaniyang pinsan.

"That's my plan all along, I want to help him. Bago tayo umuwi, let's help him find and kill all the beings who attempt killing his comrades. If it is not because of Lara's power, these people around us are already in the deepest ground." Si Esterno.

"Tutulong kami, hindi kami makakapayag na hindi kami makakaganti sa kanilang lahat." Napalingon kaming lahat kay Medusa habang ang ekspresiyon nito ay napakaseryoso, mga titig niya ay napakalamig.

Nagkakilala na silang lahat, pinakilala ko sila kay Esterno at Zaporah at gulat din silang nalaman kung saan sila galing. Napangiti nalang ako ng mapait.

Lahat malungkot at lahat nagluluksa dahil sa sinapit ni Lara. Lahat ay hindi makatulog dahil habang ang Reyna ay mahimbing na natutulog, kami namang lahat ay kung anu-ano na ang iniisip dahil sa mga posibleng pwedeng mangyari. Nakita ko kung paano sila umiyak, paano tumulo ang mga luha nila nang malamang iniligtas ulit sila ni Lara sa pangalawang pagkakataon. Naghihinayang na naghihinagpis silang lahat dahil hindi sila makapaniwala na magagawang ibuhis ni Lara ang kaniyang buhay para lang sa kanila. Pero naiintindihan ko naman si Lara at doon pa ako lalo mas bumilib sa kaniya. Gagawin niya ang lahat para lang hindi mapahamak ang mga nasa paligid niya, ayaw nitong may masaktan dahil sa kaniya.

Naalala ko noong siya lang mag-isa ang pumunta sa loob ng kuweba ko para lang hanapin at kausapin ako. Nakita ko ang determinasyon sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa mga halimaw kong mata no'ng oras na iyon. Siya ay magiting at matapang, kahit natatakot ay lumalaban parin siya para sa mga kaibigan at sa mga taong nagmamahal sa kaniya. Siya ay tunay na dakila dahil sa kaniyang pusong ginto, kahit na hindi siya muna nag-iisip bago umaksyon ay napagtanto ko na alam niya rin naman ang kaniyang ginagawa. Alam ko na kahit wala siyang plano bago umaksyon, para din naman ito sa mga taong sumusuporta sa kaniya.

"I won't ever forget their faces, sila din ang sumugod dito noon. Ang rebel guild ng bansang Roha." Sabi Luna habang nasa tabi niya naman si Sol na may mga butil pa ng luha ang kaniyang mga pisngi. Patunay na kahit mga lalaki ay lumuluha rin.

Napalingon naman ako kay Nyctimus na ngayo'y malamig lang na nakatitig sa kaniyang paligid. Ramdam ko ang galit sa kaniyang mga mata na para bang gustong-gusto niya ng gumanti. Ganoon din ang nakita kong ekspresiyon kay Arakiel na ngayo'y kumpleto na ang kaniyang mga pakpak. Nasa tabi naman nito sina Seraphim at Chirubim na malungkot din habang nakahawak si Chirubim sa malaking tiyan ng kaniyang kapatid.

"Apat silang malalakas na Demon God, hindi namin alam kung sino ang tatlo na iba pa pero malalakas din silang lahat! Kasama ang apat na malalakas na babae! Ganoon lang kaliit ang kanilang bilang pero nakaya nila k-kaming patayin! Mali ako, a-akala ko magiging kakampi natin si H-Heraphim. Kung hindi ko sana pinairal ang damdamin ko ay baka hindi umabot sa puntong ibinuwis ng Reyna ang buhay niya para sa atin. Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko na pinapasok ko si Heraphim dito! Kasalanan ko kung bakit naghihirap ang Reyna natin!" Sigaw ni Arakiel na mukhang nanghihina dahil sa mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Ilang beses na namin siyang sinabihan na wala ng magagawa ang paninisi niya sa kaniyang sarili dahil nangyari na ang lahat. Wala siyang kasalanan, gusto niya lang din naman malaman kung ano ang iniisip ng babaeng nagpatibok ng puso niya kung bakit ito naging kalaban niya.

Lahat kami ay hindi nakayanan ang lahat, ni hindi rin ako makapaniwala na sa maliit na oras ay nagawang kitilin ng mga kalaban ang mga kakampi namin. Hindi parin ako makapaniwala na sa pag-uwi namin ay madadatnan namin ang ganoong karumaldumal na eksena. Ang mga dugo sa bawat sulok, ang mga walang labang mga bata na nakahiga sa lupa at ang mga patay na katawan na walang ibang ginawa kundi iligtas rin ang kani-kanilang sarili.

Dalawang araw na ang lumipas nang mangyari ang madugong eksena, ang pagbuhis ni Lara para mabuhay sila at ang pagluluksa ng lahat.

"Tutulong kami, tutulong ako at ang pinsan ko. We don't have to rely anymore with the others who can't fully fight and you don't have to blame yourselves because the damage has been already done. All of you, the leaders are enough. Alam kong lumakas kayo dahil sa ginawang pag-cast ng forbidden spell ni Lara kaya you'll experience such incredible things. Kung hindi niyo pa nalalaman, isa na rin siyang ganap na Demon God dito sa mundo niyo kaya ganoon niya katapang binanggit ang spell na 'yon para lang mailigtas kayo." Sabi ni Zaporah. May ilan ay nasurpresa pero agad din iyon napalitan ng pagkalungkot dahil nga sa sinapit ni Lara. Sinisisi nila ang kani-kanilang sarili dahil sa kapabayaan 'kuno' nilang lahat.

"Paano mo nasasabing kaya natin sila? Nagawa nga nila kaming kitilin na kay dami na namin! Ano nalang kung tayo-tayo na lang ang susugod?" Si Sol.

"You can trust us, Lara trusted us when we destroyed together the rebel guild of the country of Raja. And you can rely on me, I am strong. I'mma Hellfire Dragon from Avalon, the second generation of our bloodline." Sagot ni Zaporah kay Sol na siyang ikinasinghap ng iba. Hindi sila makapaniwala, tumingin lang sila sa akin na para bang nagtatanong kung totoo ba. Ngumiti lang ako sa kanila ng tipid at tumango.

"A D-Dragon? At tinumba niyo ang rebel guild ng Raja" Dinig kong bulong ni Seraphim.

"At isa pa, dalawa kaming Dragon na tutulong sa inyo. Malalakas kami kaya alam na alam naming kayang-kaya natin silang kalabanin at patayin na tayo lang ang kikilos." Dagdag pa ni Zaporah. Ngayon ay napatingin naman ang lahat kay Esterno, inaakalang siya ang tinutukoy ni Zaporah pero umiling lang si Esterno at natawa.

"Hindi ako Dragon! Itong kaibigan niyo!" Turo sa akin ni Esterno na siyang ikinalaki ng mga mata ko.

"E-Esterno!" Pabulong kong sigaw sa kaniya na ikinataka lang niya. Nang may mapagtanto ay unti-unting nanlaki ang mga mata niya at hinarap ang mga kaibigan ko.

"H-Hindi niyo alam na isang Dragon si Zora?" Takang tanong nito na ikinanganga ng mga kaibigan ko habang nakatingin sa akin. Gulat ang kani-kanilang ekspresiyon, maliban nalang kay Medusa na tumatango-tango lang.

"Alam mo 'to Medusa?" Tanong ni Arakiel sa kaniya, tumango naman si Medusa habang seryoso parin ang mga mata nito.

"Kaibigan ko siya noon pa no'ng wala pa kaming mga pangalan. Hindi ipinapasabi ni Reyna Lara ang tunay niyang katauhan dahil sa baka magulat kayo at matakot." Paliwanag ni Medusa na siyang malungkot kong ikinatango. Napansin ko naman ang mapanuring tingin ni Nyctimus, nahiya naman ako kaagad sa tingin niya kaya lumihis nalang ako sa iba.

"We are shock but not scared of course!" Sigaw ni Luna.

"Kung dalawa ang Dragon sa kupunan natin, puwedeng-puwede natin silang talunin. Hindi na natin kailangan pang isama ang iba na hindi naman ganoon lumalaban. Hindi na natin kailangan ibuwis pa ang buhay ng iba, tayo ang lalaban. Tayo ang haharap." Suhestiyon ni Chirubim na ikinatango ng lahat.

"Still, I can't still believe that Zora is a Dragon. What kind of Dragon are you, Zora?" Tanong ni Luna kaya ang mga mata ng lahat ay sa akin na nakatutok.

"Divine Dragon." Maiksing sagot ko sa kaniya na siyang nagpamangha sa iba.

"Isang Dragon na tagabantay ng kagubatan, at bagyo." Bulong ni Seraphim, tumango ako doon sa sinabi niya.

"Gigil nila kaming pinagpapatay dahil sa gusto nilang makaganti kay Reyna Lara. Ginawa namin ang lahat at hindi sinabi ang lokasyon ninyo Zora para mailigtas siya sa kapahamakan. Ibinuwis namin ang buhay namin dahil alam na alam namin na mas importante ang buhay ng Reyna. Kaya naming lumaban hanggang sa makakaya namin, kayang-kaya naming lumaban para sa lungsod na'to hanggang sa kamatayan." Ngumiti ako sa sinabi ni Arakiel. Nagsisimula ng uminit ang mga mata ko dahil sa nagbabadiyang mga luha. Kung naririnig lang ito ni Lara ay baka tuwang-tuwa na iyon dahil sa sinabi ni Arakiel. Ibinuwis nila ang buhay nila para iligtas si Lara, ang Reyna ng lahat.

"Ang hindi lang namin alam ay ang pagdukot nila kay Ruthven. He was beaten before they kidnapped him, it is strange because they didn't kill him." Turan ni Medusa na siyang ipinagtaka ko rin. Anong meron kay Ruthven bakit hindi siya kinitil ng mga kalaban? At pinili itong dukutin sa kung saan man na lugar sila ngayon?

"Alam kong may kakaiba kay Ruthven pero hindi ko na pinansin dahil mababaliw lang ako sa kakaisip kung ano iyon. Ang atin lang, ipagdasal nalang muna natin si Reyna Lara para sa mabilis niyang paggaling. Ang mga trabaho, kailangan muna nating ihinto dahil sa kinakaharap natin ngayon. Hintayin nalang muna nating magising ang Reyna Lara. At hindi gugustuhin ni Reyna na malamang may kakaiba sa sitwasiyon ngayon ni Ruthven kaya hanggang sa kaya natin, ililigtas natin si Ruthven." Tumango ang lahat sa sinabi ni Sol.

"We have to make a plan before we will attack. I can use my power to open a dimension at dalhin tayo sa lugar kung saan nandoon ang mga kalaban. We'll attack them surprisingly!" Tumango ako sa sinabi ni Esterno.

"We have to be strong for Lara, for your Queen. You have to fight for your Queen and land." Sabi sa kanila ni Zaporah.

"Bakit gusto niyong tumulong sa amin?" Sa wakas ay nagsalita na rin si Nyctimus habang seryosong nakatingin sa dalawang dayo. Ngumiti lang si Zaporah sa kaniya at huminga ng malalim bago nagsalita.

"Well, tinulungan niya akong bumalik sa anyong tao ko. Hindi ko kasi nakokontrol ang kapangyarihan ko kapag nagiging isang Dragon ako. Nag-aanyong Dragon ako kapag nati-trigger ang galit ko so hopefully hindi 'yon mangyari. And I already found my cousin here na nagrebelde sa mga magulang niya kaya napunta dito, which is I really expected that he will be my last mission. But I think, this will be my last mission. Lara's wish will be my last mission and that is to kill the people who attempted killing you all. Don't worry, without turning myself into Dragon, I still have my Dragonoid form that can powerfully fight." Ngiting pagpapaliwanag ni Zaporah sa kaniya, si Esterno ay napakamot nalang sa batok dahil sa sinabi ng pinsan niya habang si Nyctimus naman na nagtanong kanina ay ngayo'y tumango-tango nalang. Lahat ay sang-ayon at kumbinsido.

"Gusto kong ipaghiganti ang kalagayan ngayon ni Reyna Lara, kung hindi dahil sa kanila ay hindi sana mapupunta sa puntong ito na naghihirap at nagluluksa tayong lahat dahil sa lagay niya. Nakakapanghina ang kaniyang mahimbing na mukha, alam nating naghihirap ang buo niyang katawan dahil sa kawalan ng maraming kapangyarihan at enerhiya." Si Arakiel.

Kahit ako ay gusto kong maghiganti sa mga kalaban. Nang dahil sa kanila ay malungkot ang lahat dahil sa sinapit ni Lara. Nang dahil sa mga kalaban na iyon ay nagdusa ang lahat!

Handa akong ibuwis ulit ang buhay ko para kay Lara. Siya lang ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal bilang kaibigan. Na kaya ko pang tanggapin ang sarili ko, na kaya ko pang makita ang mundo maliban sa kuweba, na kaya ko pang mahalin ang mga taong gusto kong mahalin.

"Hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng ganiyan, Arakiel. Kaming lahat ay gusto ring maghiganti. Tayong lahat ay gustong-gustong patayin ang mga kalaban na 'yon kaya sisiguraduhin kong walang matitira sa kanila. Sisiguraduhin natin na magbabayad sila!" Seryosong sambit ni Medusa kasabay no'n ay ang pagliwanag bigla ng kaniyang gintong balat-ahas.

Lahat ay may kapalit. Lahat ay magbabayad. Lahat ay mapaparusahan.

********

Kakagaling ko lang sa kwarto ni Lara at nanlulumong bumisita sa nanghihina nitong katawan. Hindi tumitigil ang mga manggagamot na pagalingin si Lara pero parang habang tumatagal ay mas lalong humihimbing ang kaniyang pagtulog. Na para bang unti-unting hinihila ang kaniyang kaluluwa sa kailalimlaliman ng impyerno dahil sa nakakatakot nitong kalagayan.

Nandito ako ngayon sa hardin ng Mystic Emerald, malaki ito kumpara sa mga ordinaryong hardin lamang. Pinagawa talaga ito at pinaayos ni Lara dahil paborito niyang pinapanuod ang mga nagsasayawang bulaklak habang ang mga ibon ay nagsisi-awitan. Maganda tumambay dito, nakakalimutan mo ng sandali ang mga problemang kinakaharap mo dahil sa ganda at kulay ng bawat bulaklak dito.

Hindi ko mawaring isipin na kapag nawala si Lara, ano na ang mangyayari sa amin? Ano na ang mangyayari sa mga mamamayan na naninirahan dito? Magiging masaya at magiliw pa ba? Magiging kumportable at ligtas pa ba? Napakarami kong iniisip at ang lahat ng mga iyon ang unti-unting nagpapahina sa puso ko.

"Zora." Agad akong natigilan dahil sa pamilyar na malalim at malamig niyang boses. Nagbigay agad ito ng init sa aking puso kasabay ng init ng liwanag ng araw na para bang nasa akin lang ito nakatapat. Unti-unti ko siyang nilingon hanggang sa makita ko na ang kabuuan niya. Mahahalata mo talaga na hindi rin maganda ang tulog niya, mahahalatang nanghihina rin siya dahil sa sinapit ng Reyna at alam kong mahirap din para sa kaniya ang lahat-lahat na nangyari.

"N-Nyctimus." Tawag ko pabalik sa kaniyang pangalan. Lumapit siya sa akin na siyang nagbigay sa akin ng kaba habang tinitignan ang mapanuri parin niyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng lahat lalo na si Nyctimus nang malaman na isa akong Dragon. Hindi ko alam kung tanggap ba nila ako o hindi, hindi ko alam kung ganoon pa rin ba ang magiging turing nila sa akin pagkatapos nilang malaman kung ano at sino talaga ako.

"Paborito mo na talaga ang lugar na'to." Walang gana niyang sambit pero ngumiti pa rin ako at tumango.

"Nakasanayan ko na rin dahil sa gusto rin ni Lara ang hardin na'to." Sabi ko sa maliit na boses.

"Hindi ako makapaniwala na isa kang Dragon. Bakit hindi mo kaagad sinabi sa amin? A-Akala ko magkapatid kayo ni Reyna Lara." Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya, hindi ko alam na nakikita niya ako bilang kapatid ni Lara at wala namang problema sa akin 'yon. Pero hindi ko aakalain na ganoon ang iniisip niya, na magkapatid kami.

"Simula nang dumating ka rito, nagdududa na ako sa'yo. Hindi namin alam kung saan galing si Reyna Lara, kung ano ang lahi na meron siya kaya no'ng umuwi siya matapos ng ilang araw na pagkawala niya ay may kasama na itong isa pa na katulad-katulad niyang gumalaw, ng katawan, at ng mga mata. Kaya akala ko ay kapatid ka niya." Saad niya sa akin. Hindi pa rin talaga ako nasasanay na kapag nagsasalita siya ng mahaba sa harapan ko. Hindi siya ganoon sa iba, tahimik lang siya at seryosong inoobserbahan ang lahat. Ang mga malalamig niyang mata ay nakatitig lang lahat sa amin na para bang sinusuri.

Ngumiti ako ng mapait sa kaniya at napatingin sa kalangitan. Kung wala lang si Lara sa masamang sitwasiyon niya ngayon ay baka matamis na akong nakangiti habang pinupuri ng pinupuri ang kagandahan ng kalangitan at ng araw. Ang kapaligiran at ang mga mamamayan.

"Si Ruthven ang nakakita sa akin noong una, plano ko na talagang magpakita noon para maakit si Lara na puntahan ako at mabigyan ng pangalan. Dahil sa mga naririnig ko galing rito, si Lara ay biniyayaan ng malakas na kapangyarihan kaya alam kong makakaya niya akong itakas sa tunay kong anyo. Nyctimus, hindi ko gusto ang pagiging itsurang Dragon ko, sa kagustuhan kong makita at mahalin din pabalik ng nagpapatibok ng puso ko ay ginusto kong maging anyong-tao. At si Lara lang ang magiging susi no'n, kapag nabigyan niya ako ng pangalan ay magkakaroon ako ng abilidad na maging anyong-tao katulad niyo." Paliwanag ko sa kaniya, nilingon ko siya at mataman lang itong nakatingin sa akin. Yumuko ako at nilaro ang bato sa aking paanan.

"Kung iniisip mong ginagamit ko si Lara ay nagkakamali ka. Pinangako ko sa sarili ko na sinuman ang makakapagbigay sa akin ng pangalan ay iaalay ko ang sarili ko sa kaniya. Ako ang magiging sandata at panangga nito sa lahat ng bagay o sitwasiyon. Nakakatuwa nga dahil sa kahit takot na takot si Lara ay sinubok niya parin akong puntahan, lakas-loob na hinarap at binigyan ng pangalan. Sabi niya na kapag magiging kakampi kami ay magiging malakas ang lungsod na ito at magiging mapayapa ang pamumuhay ng mga kaibigan niya, magiging kumportable at ligtas ang buhay niyo." Dagdag ko at tumingin ulit sa kaniya. Hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresiyon ngayon. Binalaan nga ako ni Lara noon na kapag babasahin ko ang ekspresiyon niya ay dapat manatili lang akong nakatitig sa kaniyang mga mata pero mukhang tama talaga ang Reyna, mahirap na mahirap talaga siyang basahin dahil sa galing nitong magtago ng emosyon. Hindi ko rin naman kayang tumingin sa kaniya ng matagal dahil naiilang ako.

Natahimik kaming dalawa pagkatapos kong magsalita, nakatingin lang kami sa isa't-isa na parang naghihintay sa kung sino ang magsisimulang magsalita ulit.

Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya, kasabay no'n ay ang pagkalabog ng puso ko dahil sa takot at kaba sa posibleng mangyari. Napapikit pa ako ng mariin at tumingin ulit sa kaniyang mga mata na may namumuong determinasyon. Lakas-loob ko siyang hinarap at nginitian.

"Gusto kita, Nyctimus." At sa unang beses, sa unang beses ay nakita ko kung paano nagulat ang kaniyang mukha. Unang beses kong nakita at nabasa ang ekspresiyon niya sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ba sa pag-amin ko o baka dahil sa lalaki ang umamin sa kaniya?

Patawad Lara kung sa mismong sitwasiyon na ito ako umamin kay Nyctimus. Hindi ko na kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Wala akong gustong babae at hindi ko rin balak magkagusto sa katulad nila. Siguro tama nga si Lara, na isa akong tinatawag na 'bakla' kung kaniyang sambitin. Lalaki ang gusto ko at si Nyctimus lang 'yon, wala ng iba pa.

Hinintay ko siyang magsalita. Nakabawi na ito sa gulat at seryoso na ulit ang ekspresiyon niya. Pero ngayon, mas lalo itong naging seryoso at mas lalong naging malamig. Mas kinabahan pa ako lalo at natakot pero alam ko namang hindi naman din ito magiging madali para sa akin dahil sa mga posibleng mangyari pagkatapos niyang narinig ang pag-amin ko sa kaniya.

"Hindi tayo puwede, Zora. Ayokong ikaw ang maging kasintahan ko. Lalaki ka, lalaki ako."

At doon na napawi ang ngiting nakakurba sa aking mga labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro