Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Lara.


We celebrated our success in a fine restaurant in Raja, eat and drink a lot after Zaporah woke up from her sleep. We talk about why Esterno came here and he said he was just a disappointment to his parents because he didn't win sa napakalaki at grandeng laro sa mundo nila kaya siya nakapag-decide to calm his mind and travel into the another world. The other little worlds was invited to play, but this certain mystery girl and her group won it. He can't afford to lose that time because his parents was the daughter and son of the Ancient Knights known for saving their world once, but he failed. He disappointed his parents.

Hindi madaling intindihin ang mga magulang kapag gusto nila kung ano ang nakakabuti sa'yo pero para sa'yo, mas lalo lang pala itong nakakasira ng pangarap mo. Hindi mo maintindihan na kahit anong gawin mong pagpapaganda ng imahe mo ay hindi parin nila matatanggap hanggang wala ka pang napapatunayan sa kanila. It hurts but it is the reality, mukhang pinanganak ka lang kasi para maging investment nila.

Esterno almost cried but Zaporah comforted him immediately. Of course, they are close cousins and minsan lang akong nakakita ng mga magpinsan na close na close sa isa't-isa. I think their Fathers are siblings, pero nasa Mother ni Zaporah ang bloodline ng mga malalakas na lahi ng Dragon. Her Grandfather is the Dragon of Hell but he died, I really want to know more but I think hindi kumportable si Zaporah na pag-usapan ang mga ganoong bagay. Kahit man ako ay hindi talaga ako komportable kapag tungkol sa pamilya, well they are sucks but I still love them though.

Two days after, we decided to go home and travel again. Zaporah and Zora insisted na sumakay kami sa anyong Dragon nila pero agad akong humindi. Zaporah is no joke at baka hindi niya makontrol ulit ang kapangyarihan niya, magiging problema 'yon kung sakali!

"The trees here are dancing, nakadaan na ako dito noon. And I noticed how alive they are, I think this forest has life? I mean they are alive?" Zaporah curiously asked.

"Oo, buhay ang kagubatang 'to. Ako ang nagbabantay dito, ako ay isang Divine Dragon na siyang tagabantay ng bagyo, kidlat at kagubatan." Zaporah smiled like she was so interested. Napailing nalang ako.

"So marami pang Dragons like us in here, right? Gusto ko silang makalaban!" Sigaw nito na parang excited na excited. Napangiwi naman kami doon ni Esterno, disagreeing what she wanted to do to those other Dragons. Bigla ko nalang naalala ang babaeng nagngangalang Oceana, the Water Dragon she said. I can sense na malakas ang babaeng 'yon, hindi ko alam kung magkasinglakas ba talaga ang mga Dragon o may mas pa sa kanila?

"Maraming Dragon pa ang nabubuhay sa mundong 'to, ang iba ay nagkapangalan na at naninirahan sa bawat bansa. Ang iba naman ay naninirahan ng tahimik sa kani-kanilang tahimik na lugar, ni ayaw nilang madisturbo. May iba ring mga Dragon na ayaw na ayaw nila ng mga tao, ayaw nilang magkapangalan, at ayaw na ayaw nilang ginagambala." Paliwanag sa kaniya ni Zora. Paano kaya kung marami silang Dragon na nasa puder ko? Mukhang safe na safe ang lungsod namin kung ganoon diba? Siguro, wala na kaming poproblemahin kapag maraming tagabantay diba? Mukhang mahirap 'yon!

"Well, I want to fight with them. I want to show how strong the second generation Dragon of Avalon."

Days passed ta ganoon pa rin ang kuwentuhan nilang dalawa. Hindi na nga namin namalayan na nasa entrance na kami ng kuweba ni Zora dahil sa kuwento lang sila ng kuwento habang kami naman ni Esterno ay nakikinig lang talaga sa kanila. Eh hindi naman kami maka-relate sa topic nila, they are both Dragons kaya sila ang close when it comes to that topic.

Nakaakyat na kami kaagad gamit ang teleportation power ni Esterno. At ngayon kitang-kita ko na ang pamilyar na gubat na siyang nagpangiti sa akin. Inamoy ko ang pamilyar na hangin habang nakapikit at napangiti. We really came back home!

"You really miss this place ah?" Napatingin ako kay Esterno at tumango. Ngumiti ako habang nakatingin sa bawat puno.

"Sa loob ng kuwebang dinaanan natin ko nakilala si Zaro with his Dragon form. Wala pa siyang pangalan no'n so he can't transform himself into human form yet. I was so scared that time because what if? What if he'll eat me? Devour me like a food?" Napalingon ako kay Zora na kausap pa rin si Zaporah hanggang dito, malayo-layo sila sa puwesto namin kaya hindi nila maririnig ang sinasabi ko.

"At tiyaka dito nabuo ang pagkakaibigan naming dalawa." Ngiti kong dagdag.

"I suddenly miss my idiot friends in Avalon, they were sons of former Queens and Kings of their respective Kingdoms but because of the great war, everything changed. We believe to something that was not true, and experienced betrayals. I witnessed how painful for my Father and Mother seeing their friends killed that's why aside from calming my mind, I also escaped from that reality and travel in another world." I heard him saying, he is now looking at the clear blue sky and smiled sadly. That smile, I was once wearing that kind of smile when I heard my parents doesn't want me to become who I really want to be. It hurts na ang sarili mong pamilya ang may ayaw sa'yo. Napakasakit dahil sa ayaw nilang matanggap ang sarili nilang anak dahil sa pagiging bakla ito.

"Galing din ako sa ibang mundo, Esterno." Agad napalingon sa akin si Esterno na may pagtataka sa kaning ekspresiyon. Napangiti ako at napailing nalang. Hindi ko aakalain na sa katulad niya pa ako magkukuwento pero parehas kasi kami ng naranasan. Parehas kaming may dinadamdam sa mga magulang at parehas kaming takot na baka ma-disappoint lang ang mga magulang namin sa amin. We both grew up not achieving our parents' high expectations that's why we are doing our best to reach that goal and prove to them that we can!

"Narinig mo na ba ang mundo ng mga ordinaryong tao?" Ilang segundo pa siya napaisip bago siya tumango.

"A little world that powers and magics don't exist?" I nodded, he's right.

"I died in their, namatay ako sa mundong 'yon Esterno. At nabuhay akong muli pero dito sa mundong ito ako napunta." Sabi ko sa kaniya, hindi ko mabasa ang ekspresiyon niya pero ngumiti nalang ako ng mapait at tumingin sa kalangitan.

"I died without proving something to my parents. I died useless. Sabi ko sa sarili ko na kapag mabubuhay ako ulit, I won't let myself be my second parents' pet again. I don't want another parents who can't accept their gay child, I don't want another parents who always expect high from their children and I don't want another parents treating their child as their investment. Katulad mo, I always fail them and always keeping them disappointed and there's no such way that I can make them proud." Litaniya ko, I didn't hear him talk kaya lumingon ako sa kaniya. His expression is like he is confuse but I know, lahat naman ata magtataka sa story ko. Pero kiver! Wala na akong pakialam! Basta ayos na ako sa mundong 'to! More boys!

"Tara na, kailangan na nating pumunta sa lungsod namin." Ngiti ko nalang turan at agad tinawag sina Zora at Zaporah. Lumapit naman agad sila sa amin habang nagtatawanan.

Isang oras pa kaming naglakad at agad na naming natanaw ang matayog at malaking kastilyo sa kinakapuwestuhan namin.

"That's huge." Rinig kong bulong ni Esterno.

"Pero hindi katulad ng sa Raja, they have advanced equipment there kaya mas matibay ang kastilyo nila. Kaya kami pumunta doon to make a deal, contract and give the proposal para makabili kami ng mga bagong gamit para sa lungsod namin. Luckily ay success lahat." Ngiti kong sambit.

"Well you deserve it though." Zaporah.

Ngumiti nalang ako patakbong lumapit sa malaking gate namin pero agad din naman akong nagtaka nang walang ni isa ang nagbabantay sa entrance ng gate. Are they resting? Pero salit-salit ang duty nila dito kaya hindi puwedeng walang nagbabantay. Hinay-hinay akong pumasok sa loob, kasabay no'n ay ang pagkalabog ng puso ko sa hindi alam ang dahilan. Parang natatakot ako o ano, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Wala akong naririnig na mga boses, wala akong naririnig na mga sigawan ng mga bata at wala akong naririnig na kahit anong kaluskos. Nagsimulang lumabas ang mga luha ko sa mga mata pero agad ko din iyong pinunasan.

Teka, alam na ba nila na success ang pagpunta namin doon? Are they going to surprise us? Napangiti nalang ako at agad kinalmahan ang sarili, mukhang 'yon na nga ang dahilan. Napailing nalang ako dahil sa naisip ko kanina. Gosh! Kinabahan talaga ako! Mukhang iso-surprise nila kami ni Zora!

Excited akong tuluyang pumasok at sana'y sisigaw na ng malakas nang bigla akong nagulat dahil sa nadatnan.

W-What happen? A-Anong nangyari?

Suddenly a lot of difficult emotions appeared, ranging from profound sadness, emptiness, and despair to shock, numbness, guilt, and regret. I didn't even know that I can feel all of this emotions in one! Sometimes, people feel there’s no point seeking help because it won’t bring the people who has died back. You can feel powerless when you’ve been bereaved. Remind yourself that your own life has a purpose and you can start finding things that will become important to you again. When I died, I always think that what if I am still alive? Am I still going to suffer the pain all over again? The disappointments, discriminations, negative criticisms and failures?

And now, seeing all of my people on the ground covered with so much blood hits me big time. Para akong tinamaan ng malaking bulalakaw na paulit-ulit, para akong sinasaksak pero hindi mamatay-matay dahil pinaparamdam lang sa akin ang sakit! Ang lungkot at ang hapdi sa puso! Their lifeless bodies, it is on the ground.

Nyctimus is lifeless now, he was hugging a little Werewolf. Sol and Luna are hugging each other while their eyes are still open but blood are coming from their mouths and bodies. Medusa with her Serpentes form was stabbed by a long sword, and Arakiel without his wings is as painful as what I am thinking. Anong nangyari sa kanila! L-Lahat ng mga lahi, nakahiga sa lupa na walang mga buhay! Werewolves, Elves even Angels died!

Napaupo ako at agad nagsilabas ang mga luha na kaninang-kanina pa gustong lumabas!

"Argh!" I scream with so much despair! With so much regrets! With so much sadness! With so much anger!

Who did this? Sino ang walang puso ang gumawa nito sa kanilang lahat? Sino? Magbabayad sila! Hinding-hindi ako matatahimik kung hindi ko sila mahahanap! Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa mga kaibigan ko! Hinding-hindi ko sila papatawarin! Kukunin ko ang buhay nilang lahat! Mamamatay sila sa kamay ko! Hahanapin ko silang lahat at pagbabayarin ng malaki!

"O-Oh my Gosh!" Sigaw galing sa likuran ko. It is Zaporah but I didn't look at her. The surroundings are now blurry because of the tears almost covered my two eyes.

"A-Anong nangyari?" Rinig kong sambit ni Zora at nakitang tumakbo siya sa puwesto ni Nyctimus. But Nyctimus is just like a doll with full of blood, he is not breathing anymore and lot of blood dripping from his head!

"Mukhang inatake sila rito lahat! Bago pa ang mga dugo na lumabas sa mga katawan nila!" Sigaw ni Esterno.

Ang utak ko ay nablangko. Hindi na ako makapag-isip ng tama! 'Yong puso ko! Galit na galit ang puso ko! Galit na galit na parang gusto kong hanapin ang gumawa nila nito sa kanila ngayon din! Gusto ko silang hanapin! Gusto ko silang patayin! Ang mga kamay ko, gustong-gusto ng kumitil ng buhay! Gustong-gusto ko na silang hanapin at patayin!

"Ate Lara!" Agad akong napatayo nang may maliit na boses akong narinig at halos manghina ako nang makita ang maliit na si Astrum na tumatakbo ngayon papunta sa akin. Bago pa ako makatayo ay agad niya na akong dinambahan ng mahigpit na yakap. She is crying hard, umiiyak siya ng malakas! I-I don't want to see her crying! Napakabata pa niya para maranasan ang ganitong pangyayari! Napakabata pa niya para mawalan ng mga magulang! I hugged Astrum tight, seconds after ay tumiwalag ako sa yakap niya at agad hinawakan ang magkabilang pisngi nito na ngayo'y pulang-pula na. The precious gem of mine is crying, sinisipon itong umiiyak habang malungkot na malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Parang dinurog ang puso ko dahil sa ekspresiyon na ipinapakita niya. Sumisinghot pa siya dahil sa lakas ng hikbi niya!

"A-Ate Lara, p-pinatay nila si Ina at Ama! Niligtas po nila ako para mabuhay po a-ako! Wala p-po akong nagawa para iligtas silang l-lahat! Mga k-kaibigan ko po, namatay rin po sila. Pinagsasasaksak sila ng mga k-kalaban po!" I gritted my teeth because of what she said. Parang piniga ang puso ko dahil sa maliit niyang boses habang nagsasalita ito na halos hindi ko na maintindihan dahil sa malakas ng hikbi nito. Napakawalanghiya nilang lahat!

"Lara, si Seraphim nandito!" Sigaw ni Zora kaya agad kong binuhat si Astrum at tumayo. Maingat kong dinaanan ang mga patay na katawan at iniwasang matapakan sila. Nagngingitngit ang mga ngipin ko dahil sa galit, ang paningin ko ay nangingitim dahil sa kalabisang galit ko ngayon.

Agad kong dinalo si Zaro na nasa isa sa mga bahay ng mga Elves at nakita si Seraphim doon na umiiyak habang hawak ang tiyan nitong malaki-laki na. Napatingin ito sa akin at iniyuko ang ulo, agad naman akong nanghina dahil sa ginawa niya. A-Anong ginawa ko at parang pinaparusahan ako ng ganito?

"They killed all the people here, Queen Lara. T-They killed all of them! But one thing is for sure, they are after Ruthven. They beat him up before they kidnap his unconscious b-body." Natigilan ako sa sinabi ni Seraphim at agad akong naluha. S-Si Ruthven ko!

"Are you okay Seraphim? W-Wala bang masakit sa'yo? Your baby? Ayos lang ba siya? Wala bang masakit sa'yo?" Sunod-sunod kong tanong. She nodded at me.

"I hide myself and Astrum with me from the enemies, tinago namin ang sarili namin sa kuweba ng mga ginto na nasa likuran ng kastilyo ninyo. They don't know na may kuweba doon kaya doon kami nagtago ni Astrum. Hindi na nila kami nakita at nang maramdaman kong wala na sila ay lumabas kami at agad dinalo ang mga patay na katawan, hoping na may isa pa sa kanila ang buhay. Sol and Luna died, Nyctimus died for saving his pact and Medusa was killed because she was saving the others. Walang nakatakas, Queen Lara. They all killed our c-comrades!" Iyak nitong paliwanag na siyang ikinahina ko na lalo. My leaders, they died saving their comrades.

Ibinaba ko si Astrum at iyak na lumabas ng bahay. Pumunta ako sa harapan ng kastilyo at mula rito ay kitang-kita ko ang lahat na mga patay na katawan. I will save them no matter what! I will save them for the second time! At sisiguraduhin ko na paggising nila ay makakamit nila ang pinakadulo ng kani-kanilang lakas! Kahit manghina man ako pagkatapos, kahit mawalan man ako ng kapangyarihan ay wala akong pakialam! I will save them one more time and we will live happily again!

Tulungan mo ako, kapangyarihan ko.

Pumikit ako ng mariin at dinamdam ang paligid. Nagsisimula ng mag-init ang mga mata ko at ang buo kong katawan at nagsisimula naring magharumintado ang tibok ng puso at utak ko dahil sa malakas na enerhiya na gustong-gusto ng lumabas sa katawan ko. Biglang lumakas ang hangin at kasabay noon ay ang mga nadinig kong pamilyar na mga boses. Unti-unti kong nararamdaman ang pag-angat ng buo kong katawan mula sa lupa na para bang isang papel na sumasabay sa hangin.

Gagawin ko ang lahat para maibalik silang lahat!

*********

Zora.


Nanghina man at nanlambot, hindi ko magawang sumabay sa daloy ng lungkot na nararamdaman ko. Ayokong maging mahina sa harapan ni Lara, isa ako sa mga lakas niya kaya kapag nanghihina siya ay dapat nandito lang ako para maging sandigan niya. Ako ang magiging sandata at panangga niya sa kahit anong delubyo ang darating.

Napalingon ako sa walang-buhay na si Nyctimus, pagkapasok ko palang dito ay siya agad ang hinanap ko at nagbabaka-sakaling buhay pa siya pero kahit sa huli-hulihan niyang hininga ay ang kaligtasan pa rin ng iba ang inuna niya.

Sino ang may gawa nito? Sino ang karumaldumal na gumawa sa mga kakampi namin nito?

Sana panaginip nalang ang lahat! Sana hindi na ito nangyari pa! Sana lahat ay parang kasinungalingan lang! Pero sino ang niloloko ko? Lahat ito ay totoo at ngayon ay galit na galit si Lara.

Nakalutang na ngayon sa ere si Lara habang lumiliwanag ng berde ang buo niyang katawan. Hindi ko alam kung anong gagawin niya pero nandito lang ako para suportahan siya. Alam kong mahal na mahal niya ang lahat ng tao dito at hindi siya makakapayag na hindi makakaganti. Ganiyan ang pagkatao niya, kayang-kaya niyang itaya ang sarili niya para sa mga kaibigan niya.

Habang patagal ng patagal ay mas lalo kong nararamdaman ang malakas na enerhiya na bumabalot sa buo niyang katawan. Mas lalong lumalakas ang kapangyarihan na meron siya dahil sa ginagawa niya ngayon. Nililipad ng hangin ang berde niyang buhok at ang kaniyang suot na puting saya ay sumasabay din sa malakas na hangin. Hanggang sa dinilat na niya ang kaniyang mga berdeng mata at kitang-kita namin dito kung gaano kaliwanag ang mga mata nito.

"RESURRECTION!"

Napanganga ako dahil sa binanggit niyang kataga! Akmang tatakbo ako para lapitan siya pero huli na ang lahat dahil sa tumalsik na ako hindi gaano kalayo mula sa kaniya dahil sa lakas ng kapangyarihan niyang kumawala!

Hindi! Hindi pupuwede!

Isang alamat lang ang spell na iyon pero nagawa niya itong sambitin na walang pagdadalawang-isip! Delikado ang spell na kaniyang sinambit!

"Huwag Lara!" Sigaw ko pero huli na dahil bigla nalang lumiwanag ang buong lungsod! Ang mga katawan ay nagsiliwanagan dahil sa kapangyarihang bumabalot sa kanila ngayon!

"Bubuhayin niya ba ang mga patay? Hindi ba delikado 'yon?" Gulat na tanong ni Esterno, tumango lang ako sa sinabi niya dahil tama siya.

Napakadelikadong-napakadelikado talaga ang ginagawa niya ngayon pero huli na ang lahat dahil sa nagawa na niya ito at inalay na niya ang kapangyarihan niya para mabuhay ang mga patay na katawan!

Pagkatapos ng liwanag ay bigla nalang nahulog si Lara pero bago pa ito bumagsak sa lupa ay nasalo na ito ni Esterno. Napalingon ako sa mga katawan na nasa lupa at nakitang wala na ang mga bahid ng dugo roon. Humihinga na rin sila ng normal kaya agad akong nabunutan ng tinik.

Tinakbo ko ang distansiya namin ni Lara at sinuri kung ayos lang ba siya pero mukha siyang lantang gulay na siyang ikinahina ko. Mahina na ang paghinga nito at ang ang pagtibok ng puso nito ay ganoon rin.

Delikado ito, hindi ko alam pero mukhang mahirap gamutin ang nanghihina niyang katawan.

"It's a forbidden spell and he needs to pay for casting it. And I think his sleeping state will be the payment, we have to wait until he wakes up. Pero matagal, na matagal pa 'yon." Seryosong turan ni Zaporah na siyang ikinaba ko dahil alam kong tama siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro