Chapter 2
Laros/Lara.
I am still thinking kung paano nga ba ako magso-survive sa mundong 'to kung kaunti lang ang nalalaman ko. Ang kaalaman ni Medusa ay hindi din naman ganoon kalawak kahit ilang dekada na siyang nabubuhay sa Maria. Nakakulong lang din naman kasi siya sa kuweba, tasked to guard the precious gold mines together with the other Serpentes. It was a Demon God who created her, sabi niya ay napakalakas nito na klaseng nilalang.
Demon Gods ang itinatawag sa mga nilalang na napakalakas ng mahika, kahit anong klaseng nilalang ka basta malakas ka ay tatanghalin kang isang Demon God. One of the requirements para maging isang Demon God ka, ay makatanggap ka ng libo-libong kaluluwa na galing sa kahit anong nilalang na napaslang mo. Lalakas ka pa lalo hanggang sa ipapatawag ka sa konseho ng mga Demon God para binyagan.
Nakalabas na pala kami ng kuweba at ngayon ay kasalukuyang nagpapahinga sa ilalim ng malaking puno. After the magic incantation a while ago ay naramdaman ko na parang mas naging magaan ang buo kong katawan. At nabigla nga ako dahil sa sinabi ni Medusa kanina na pati ang mga Rubies at Diamonds ay nahigop rin ng mahika na meron ako.
"Ang lugar na ito ba Medusa ay malayong-malayo sa mga bansa? Mukhang tantiya ko talaga ay puro mga puno at ilog lang ang nakikita ko." All trees and rivers are amazing, malinaw at naiinom talaga. At lahat talaga ng mga puno dito ay mga fruit bearing, matatamis at nakakasagana ng katawan. Hindi ka na lugi dito kapag mahilig ka talaga sa mga prutas na tao. Luckily, I am one of them.
"Malayong-malayo tayo sa mga bansa, Master Lara. Pero kung maglalakbay tayo, ang unang bansa na mararating natin ay ang bansa ng Roha. Pero dalawang buwan pa ata bago makarating sa bansa na 'yon." Agad naman akong nanlumo, ang layo-layo naman pala ng mga bansa dito. Mukhang tatanda ako ng maaga kapag maglalakad ako ng maglalakad, pero mukhang hindi naman ako napapagod at itong kasama ko.
"Sa buong buhay mo ba, Medusa ay nakarating ka na sa isa sa mga bansa dito?" Tumango naman siya habang nakangiti, tumingala siya sa kalangitan. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang biglaang pagtulo ng luha niya kaya nagtaka ako. Why is she crying? Is there something wrong about my question?
"Nakarating na ako noon sa isa sa mga bansa ng Maria. Nakilala ko din ang minsang nagpatibok ng puso kong ginintuan, pero nagtaksil lamang siya at ang kaniyang habol lang sa akin ay ang aking mga ginto." Bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya. I pity her.
May mga tao talaga na akala natin ay in love talaga sa atin pero hindi pala, may hidden agenda palang tinatago at sa hulihan na aatake. It is so sad dahil sa mundo namin, napakaraming ganoong klaseng tao na gagamitin ka lang talaga nila para sa sarili nilang interes. They are taking advantage of your love and use it to collect some benefits from you. Lalo na kung bakla ka? Huwag ka na talagang mag expect na may straight na magseseryoso sa'yo dahil kahit hindi pera ang habol? Sex naman!
After minutes of resting, we found ourselves walking again. Sabay naming namataan na may parang nagsisiyahan not until na papalapit kami.
"They are under attack, Medusa!" Sigaw ko. Agad akong tumakbo sa malaking gulo at kitang-kita ko kung paano nagpapalitan ng atake ang mga teka, duwende? I think they are! It is because of their long ears pero mukha rin kasing iba. Pero kasing tangkad lang nila ang mga ordinaryong tao. I think I must expect a lot from this, hindi talaga ordinaryo ang mundong 'to.
They are protecting their fellow Elves against sa mga— is that Werewolves?
"Dalian natin Medusa!" Tumango ito, agad naman akong nagulat dahil sa bilis niya at agad hinablot ang likurang bahagi ng isang taong lobo. She kicked it so hard at agad itong tumilapon. She really kick so hard, ayoko talaga siyang galitin. Dahil sa liwanag ng araw, hindi nakikita ang balat niyang ahas kaya she can move freely.
Sumugod sa kaniya ang isa pang taong lobo pero bago pa niya isaksak ang mga matutulis niyang kuko ay agad akong tumalon ng mataas at sinipa siya sa mukha. Malakas na ungol agad ang narinig namin lahat dahil sa ginawa kong 'yon, wait did I kicked that dog so hard too? Tinignan ko ang taong lobo at kitang hindi na ito nakatayo, agad kong itinapat ang kanang kamay ko sa kaniya.
"Deglutition!" Sigaw ko, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang salita na 'yon pero agad lumiwanag ng itim ang buong kanang kamay ko at parang may malaking usok ang lumabas dito at sinakop ng buo ang katawan ng taong lobo. Narinig ko ang palahaw ng iba pang mga taong lobo nang makitang nawala na ang buong presensiya at katawan nito. Teka anong ginawa ko? Did my magic swallow the Werewolf?
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa katawan pero agad din naman bumalik sa dati. Napalingon ako sa ibang mga taong lobo na ngayon ay umaatras na.
"Iiwanan niyo ang mga residente dito o gagawin ko ang ginawa ko sa kaibigan niyo?" I know they understand what I've said, kita ko ang pagdadalawang-isip ng isa sa kanila na mukha lider nila. Mukhang ayaw talaga nilang tumigil, what's with these Elves ba at parang gustong-gusto nilang atakihin?
"Alis!" Sigaw ni Medusa at nabigla nalang ako nang bigla nalang naging anyong Serpentes ang buo nitong katawan. Sa laki ba naman nito, sino bang hindi matatakot? Pati ang mga duwende ay nagsitaguan sa kani-kanilang munting mga kubo. Nagsi-ungolan ang mga lobo habang tumakbo na papalayo, Medusa turns into her human form again and looked at me apologetically. I just smiled at her at tumingin sa mga duwende na nakataas ang kani-kanilang mga sandata sa amin.
"Calm down, we are here to help. Hindi namin kayo sasaktan." I said, assuring them that we won't harm them.
"Paano kami makakasiguro na hindi mo kami sasaktan? Kitang-kita ng mga mata namin ang pagkain ng iyong mahika sa isang taong lobo! Puwede mo rin iyon gawin sa aming lahat!" Sigaw ng isang lalaki, he is good-looking for a creature. He is also well-built, katawan niyang maikokompara mo din sa mga lalaking nakatagpo namin sa kuweba. He is tall, dark and masculine. His long ears makes him more attractive, mukhang hobby ko na ata ang mag-describe ng isang tao—nilalang?
"T-Tapos, may dakilang Serpentes ka pang kasama! Ang tagabantay ng mga importanteng minerales! Kaya niya kaming patayin sa isang iglap lamang!" Sigaw ng isang babae, I think they are couple and they are the leader of their tribe. Tinignan ko ang mga bahay na gawa nila, it's small but it's indigenously beautiful.
"Isa akong tagabantay ni Master Lara, iniligtas niya ako sa kapwa kong mga Serpentes na nagtangkang kitilin ang aking buhay. At nangakong Iaalay ko ang sarili ko para iligtas siya sa mga masasamang nilalang kapalit sa kaniyang mabuting ginawa. Nakakasiguro akong hindi masamang nilalang si Master Lara, siya ay napakabait at napakalakas. Binigyan niya rin ako ng pangalan." Turan ni Medusa na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ng mga duwende, they are Elves but they do have towering heights. Kakaiba!
"Maniwala kayo. Tinulungan ko kayo dahil sa iyon ang tama. Dehado kayo at kung wala kami, posibleng isa o marami sa inyo ang masasaktan." Segunda ko. Kitang-kita sa kanila ang pagdadalawang-isip, hindi ko rin naman sila masisisi. I am just nobody after all.
"Paniwalaan natin sila, Ama at Ina. Nagsasabi ang Serpentes ng katotohanan, nakita ko sa kaniyang nakaraan ang lahat ng nangyari." Napalingon kami sa batang babae na ngayo'y nakangiti sa akin, at kay Medusa. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang magkabilang pisngi ko, she smiled at me. She is so adorable, I think she is just six kung ikokompara ang taon dito at ang taon sa mundo ko noon.
"Kuya, o Ate? Puwede mo ba kaming bigyan ng mga pangalan sapagkat lahat kami ay nangangailangan ng sapat na lakas? Para hindi na kami apihin pa ng mga lobo?" Ngiting sabi niya, I smiled at her at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Tumingin ako sa mga kasamahan niya at nginiti-an silang lahat.
"Master Lara, hindi kakayanin ng lakas at mahika mo kung lahat sila ay bibigyan mo ng pangalan." Sabi sa akin ni Medusa habang ang mga mata nito ay nangungusap na nakatingin sa akin.
"Aanhin ko naman ang lakas at mahika ko Medusa kung hindi ako tutulong sa mga nangangailangan hindi ba? Siguro, ito ata ang misyon ko sa mundong 'to. At para maniwala sila, tutulungan natin sila." Ngiti kong sagot sa kaniya. I guess, my mission is to help all the creatures to be happy, to give them hope and home.
Tumingin ako sa mga duwende.
"Ang lugar na ba ito ay sagana sa matitibay na kahoy? Masasarap na pagkain? At tela?" Tanong ko sa kanila, umabante ang lalaking nagsalita kanina. Tumango ito.
"Ang parte ng kagubatang ito ay masagana sa mga prutas at gulay, kaya din namin kumuha ng mga karne ng mga tupa at baboy. Ang kasamahan kong mga babae ay marunong magtahi gamit ang iba't ibang tela galing sa iba't ibang materyales. Ang mga kahoy din dito ay matitibay na kahit malakas na mahika ay hindi kayang patumbahin!" Agad naman akong ngumiti sa sinabi ng lalaki, tumingin ulit ako sa batang babae na kaniya palang anak. Hinawakan ko ang kaniyang ulo at hinaplos 'yon. I just remember my sister and brother just right at this moment, I miss them so much.
"Papangalanan ko kayong lahat pero sa paggising ko, una ay gusto kong may sarili akong tahanan, matibay at malaki. May sariling paliguan, hapag-kainan at malaking tulugan. Ganoon din kay Medusa dahil siya ay itinuturing kong malapit sa akin. Magkaiba ang tahanan na pagpapahingahan namin, maliwanag ba? Pangalawa, paglilingkuran ninyo ako sapagkat ako ang magbibigay ng karagdagang lakas sa inyong katawan. Hindi niyo ako kailangan sambahin, ako ay inyong tutulungan lamang sa gusto kong mangyari at ako ay inyong poprotektahan sa kahit anong sakunang mangyari. Kayo ay aasahan ko sa lahat ng bagay." Kailangan kong manigurado, kailangan ko ng malaking alyansa dahil sa pagdating ng panahon ay maraming puwede nilalang ang magtatangkang atakihin ako dahil sa kakayahan na meron ako galing sa mga Serpentes.
"Simple lang ang hiling ko at ang kapalit noon ay magkakaroon kayo ng sarili niyong mga pangalan." Ngiti kong sabi, agad nagsitalunan ang iba nitong kasama sa tuwa kaya agad din akong nagalak. Maliit na bagay lang naman ang nagpapasaya sa akin at sa mundong 'to, gusto kong tuparin ang mga gusto ko na hindi ko natupad sa mundo ko noon.
"Master Lara." Tawag sa akin mi Medusa pero tumango lang ako sa kaniya to assure her that I will be okay. I wanted a house for me to sleep comfortably, at dahil ito rin ang pangarap ko noon pa na magkabahay. And alam ko din na mauubos ang lakas ko at mahika kaya after naming them, I'll rest for the rest of the time hanggang sa bumalik ulit ang lakas at mahika ko.
After seconds, they are forming a line at nasa unahan ang mag-Ama, nasa likuran naman nito ang Ina na nagsalita rin kanina. I touched the child's hands at smiled at her.
"Starting today, you will be Astrum. Ikaw ang bituin ng iyong Ama at Ina, ikaw ay si Astrum. You will grow stronger, and beautiful." Biglang nagliwanag ang buo niyang katawan na siyang ikinamangha ng iba pa nitong kasamahan.
"Mukhang isa kang Demon God, napakalakas ng iyong mahika. Diba mga duwende?" Hindi ko na pinansin ang sinabi ng isa sa kanila at tumingin na sa mag-asawa.
"Ikaw si Sol, ikaw ang liwanag sa araw para sa mga ka-tribo mo. Ikaw ang nagbibigay ng pag-asa at kasiguraduhan sa kaligtasan sa iyong mga kasapi. Ikaw ay magiting, ikaw ay si Sol." Katulad ng kaniyang anak, lumiwanag din ang buo nitong katawan kaya tumingin naman ako sa asawa niyang babae. She is waiting while smiling, she is beautiful too. She has this long curly hair hanggang sa baywang, she is tanned and tall. Lahat ata na mga duwende na'to ay magkakulay lang ng mga mata, asul.
"Ikaw ay si Luna, ang liwanag sa gabi. Ikaw ang magdadala ng liwanag sa mga kasamahan mo tuwing lilipas ang araw. Ikaw ay isang magandang ehemplo, ikaw ay kasing ganda ng buwan." Ngiti kong sabi at agad din nagliwanag ang buo niyang katawan, they glow with the touch of white light. I just smiled, nakakaramdam na ako ng panghihina, looks like ang tatlong pinangalanan ko ay malalakas kaya agad ding na-drain ang beauty ko.
Minutes after I named them, they all glow. After that, I fainted. Whole darkness ate my mind, I feel like I'm lifeless.
*********
As I opened my eyes, a not familiar ceiling surprised me. The lights are almost blinding, is that a chandelier? Umupo ako sa kinahihigaan ko and I just noticed that it is foam bed, kaya pala napaka-komportable kong matulog!
Even I am asleep, my ears and mind are alive. I can hear their murmurs, laughter and stories. They are beyond thankful to me after I named them all that's why I smiled thinking of that. It feels like ang kaluluwa ko ay buhay na buhay at binabantayan ang katawan ko. Sinuri ko ang buong bahay and it's quite big for a house, they really made me a home to rest in, the chandeliers made of a concrete wood na maganda talaga ang pagkakadisenyo. The light in it is beautiful, I think it is made of fireflies bulb light. It is spacious, maluwag at malaki. And it is just my personal room I think.
I stood up and wore the Elves made slipper, pagkalabas ko ay nalula ako sa laki ng kabuuan ng bahay. I was on second floor, at kitang-kita ang mahabang lamesa na siyang hapag-kainan sa ibaba, a glass vase on top of it with green flowers. I love green flowers! Mukhang tiglilima ang upuan kada side ng lamesa, and tig-i-isa kada dulo. They are all made of wood cement I think, they are really assuring me that everything here inside are all durable. Kaharap ko ang mas malaking wooden chandelier kaysa sa kwarto na siyang nagbibigay ng ilaw sa dining part ng bahay. Dalawang hagdan ang makikita at nasa magkabilang side ko ito, and my room is nasa gitna talaga ng second floor kaya pagkalabas na pagkalabas ko talaga, sampong lakad ata sa tantiya ko ay makikita ko na ang ibaba.
"Master Lara! Gising na si Master Lara!" Sigaw ng pamilyar na boses, it's Sol! He looks so fine! Mas lalo ata siyang gumwapo, his masculinity ay mas naging well-define. My magic really upgraded his features, I also sensed that he got stronger!
Agad naman akong nabigla nang pumasok ang lahat na mga duwende, they are all upgraded! Mapa physique man o lakas at mahika, they got so much stronger! Nakita ko si Astrum na kumakaway sa akin, she is still small but became more beautiful! Gano'n din si Luna, mas lalong sumexy! Hmm, hindi man ganiyan katawan ko but alam ko naman na maganda din physique ko. I am not an athlete sa mundo ko, and mukhang ganoon din naman dito sa mundong 'to. I think, bakla rin ang may-ari ng katawan na ito. Napailing nalang ako.
Mukhang marami nga talaga sila, I proudly named them all. Mukhang thirty plus ata ang bilang nila, I just waved at them and they smiled at isa-isang lumuhod and bowed their heads. I smiled, this is the first time I am feeling this way. Feeling to be loved. 'Yong napaka-importante ko talaga para sa kanila? At 'yon talaga ang hinahanap-hanap ko noon pa man, and hoping ito na nga ang hinahanap ko.
"Rise my people." They all stood up after what I've said. Nakita ko si Medusa na nasa harapan na rin habang nakangiti sa akin ng matamis, agad akong bumaba ng second floor. All of their eyes are looking at me, na para bang isa akong gamit na hindi dapat masira. They are amazingly looking at me, that sparkles in their eyes are something that I can't look so long. They are all good looking, adorable!
"Ilang araw akong nagpahinga?" Tanong ko kay Medusa. Nag-bow pa siya sa akin bago magsalita. My gash! Feel na feel ko talaga ang pagiging Master eh no?
"Isang linggo po kayong tulog, Master Lara." Hmm, tagal-tagal din pala. Kaya parang nabalik lahat ng lakas at mahika ko. And within a week ay agad nilang nagawa ang gusto ko.
Tumingin ako kay Sol at ngumiti.
"Ang daling nagawa ah? Maganda, malaki at kumportable. Salamat." I said, he bowed his head and umiling. After that he smiled.
"Kami po dapat ang nagpapasalamat, Master Lara. Ang tahanan na ito at ang tahanan ni Medusa ay hindi sapat sa inyong malaking tulong na ibinigay sa amin. At humihingi rin ako ng kapatawaran dahil sa pagkaubos ng inyong mahika at lakas sa pagpapangalan sa amin." Umiling ako bilang sagot. He is too respectful, he is so well. Bagay talaga sa kaniya ang maging lider ng isang tribo.
"Handa akong tumulong basta kinakailangan. Handa akong ibigay ang lakas ko sa mga nilalang na walang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng kanilang kasapi. And you deserve it all!" Ngiti kong sabi na siyang ikinasigaw ng lahat sa tuwa.
Astrum suddenly held my hand at dinala ako sa labas, agad din naman ako namangha dahil sa ang laki nga talaga ng bahay na ginawa nila para sa akin. Katabi nito ang bahay para kay Medusa, malaki rin pero mas malaki talaga ang pagkakagawa ang sa akin. Napansin kong marami naring tahanan ang nakatayo, they are all hardworking when it comes to making something.
Nagmistulang village ang paligid dahil magkadikit-dikit ang mga bahay ng mga duwende maliban sa amin. Kung titignan, sa magkabilang gilid ko ay may mga bahay at nasa gitna talaga nakapuwesto ang bahay ko, kaunting espasyo ay ang bahay ni Medusa.
"Kilala po kaming mga duwende sa mabilisang gumawa ng kahit anong maliit o malaking bagay. Dahil sa kapangyarihan namin, madaling natatapos ang mga gawain Ate Lara." Natigilan at pawang nagulat ako sa pagtawag sa akin ni Astrum, akmang lulungkot na sana ang mukha niya pero agad kong hinawakan ang magkabilang balikat niya. I won't let her feel that sadness. Hindi ko na namalayan na may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko.
I smiled.
"Ngayon ko lang nagustuhan na may tumawag sa akin na Ate, Astrum. Thank you, you made me feel so love and happy."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro