Chapter 16
Lara.
Pagkatapos ng mainit na komosyon sa kainan kanina ay agad na kaming umalis ni Zora pagkatapos ibigay ang pagkain. Mabuti nalang ay mabait at madaling kausap ang manager ng restaurant kanina na siyang nagpakilala din naman ng mabuti.
Hanggang ngayon talaga ay naiinis parin talaga ako kapag naiisip ko 'yong mukha ng babae at lalaki kanina. Nakakainis to the point na gusto ko na silang ipalamon sa kapangyarihan ko but I can't do it in here. At tiyaka, kasali sila sa guild. I heard that they are from here, the rebel one kaya kinabahan ako but I didn't let it control me because I also know how powerful I am because of my power. But still, I can't just stand still because I don't know them, and I don't know what they can do.
Naglalakad kami ngayon ni Zora papunta sa kastilyo and at the same time ay nag-e-explore kami sa mga iba't-ibang gusali na nakatayo dito. Napakadami at ang mga tao talaga dito ay punong-puno. I can't blame them, this country is full of surprises dahil katulad na katulad ang lugar na'to sa human world places. They are all advance here!
"I think pumunta muna tayo sa park nila dito? I am still hungry Zora at hindi ko gustong napuputol ang kain ko." I said to him while pouting, he just rolled his eyes. Aba!
Alam ko naman kasing kinakabahan siya kanina but I can't help but to fight back! They are fighting in my front at anong aasahan nila sa akin? Na manunuod rin tulad ng mga nandoon na walang ginawa? Jusko! Ang nagawa lang nila kanina ay makichismis! Kung sana tinulungan nalang nila ako na awatin ang mga buysit na mga 'yon!
"Kuya!" Tawag ko sa lalaking lalagpasan na sana ako. I don't know him but I just want to ask, he stopped and looked at me with confuse expression.
"May alam ba kayo na park malapit dito? Like hindi gaano pinupuntahan ng mga turista?" I gently asked, he smiled and nodded. He pinpoint somewhere that I don't know kung saan 'yon banda but it shows na may daan malapit sa tinuturo niya.
"Merong park sa daan na 'yan hindi malayo mula dito, it was abandoned park a year ago dahil daw sa crime na nangyari. Pero binuksan na at pwede ng puntahan, pero karamihan talaga ay hindi na pinupuntahan ang lugar na 'yon dahil sa malas daw nitong ibinibigay sa mga gustong pumunta do'n." He explained. Malas? Hmm pero wala na akong paki. Gusto ko 'yong walang tao at walang makakadisturbo and I think it's a good thing to be in there. Makakapagbigay sa akin 'yon ng peace!
"Oh salamat!" I joyfully thanked him. He just nodded his head again and disappeared in my sight. Wow, he just used his power!
"Narinig mo 'yon Zora? I think that's the perfect place para makain ko ng tahimik at payapa ang pagkain ko. Tara na!" Sigaw ko sa kaniya.
"Ang lakas mong kumain, Lara. Hindi ba sumasakit tiyan mo? Marami-rami na nakain mo kanina bago ka pa madisturbo sa pagkain mo." This time, ako naman nag-roll ng eyes sa kaniya but he just chuckled.
"If I am hungry, I have to eat a lot. Ayokong tinitipid ang sarili ko na alam ko naman na makakaya kong bilhin. Tiyaka, tara na!" Hila ko sa kaniya at agad tinungo ang daan.
May building pa namang nakikita sa daan pero unti-unti ng kumonti ang mga tao hanggang sa wala na nang malagpasan na namin ang pinakahuling building. After the cemented way ay mapapansing damo na ang kasunod. Pagkatingin ko sa harapan ay bumulaga sa akin ang isang lugar na nasisiguro akong isang parke. Kitang-kita ko ang fountain mula sa kinakatayuan ko and I think it is not functioning. Wala kasing tubig na rumaragasa doon.
Ito na ata 'yon.
Agad akong pumunta sa park and it gives me a creepy vibe dahil wala talaga siyang katao-tao. It's empty and really an abandoned place if you'll notice. Hindi naman siya panget sa paningin, it's still beautiful dahil it has still its green grass, flowers everywhere and trees. Nag-iisang fountain, ito ata ang spot na siyang binabalik-balikan ng mga tourist noon and but because of the crime na sinabi ng lalaki kanina ay hindi na dinagdagan pa ang mga magagandang bagay.
The fountain is huge, hindi ko inaasahan 'yon sa paglapit ko. It has no water inside of the fountain, it's dry but still clean. Mukhang alagang-alaga ito kahit hindi na binibisita ng mga turista dahil sa takot na malasin sila.
"Kumain ka na Lara. Para agad tayong makapunta sa kastilyo ng Hari at Reyna." Tumango ako sa sinabi niya.
"Alam mo, mag chill ka lang at relax. Kung nagugutom ka, you can come here sa tabi ko at sabayan mo 'ko." I just said to him before sitting down on the grass. It is not that spiky and itchy kaya kumportable naman siyang upuan.
I readied the food, open the plastic container and slowly eating using the disposable fork and spoon. Sinenyasan ko pa si Zora na kumain but he just smiled and let me eat alone.
"Ay! Zora please buy me a water! I didn't bring any and I forgot to buy kanina. Hindi naman ito malayo kaya pasuyo nalang bakla!" Sigaw ko sa kaniya. Kinuha ko ang maliit na ginto na kasinglaki ng piso at ibinato ito sa kaniya.
"Pero hindi kita puwedeng iwan dito, Lara. Delikado at baka totoo ang sinabi ng lalaki kanina." Napailing lang ako.
"Huwag kang mag-alala, malas mismo ang matatakot sa akin. Sige na! Dalian mo! Madali ko lang 'tong matatapos kainin kaya I m expecting you to be here before I'm finish." Wala na siyang nagawa kaya tumango na lamang ito at umalis.
Seconds after, I burped after I swallowed the meat. I look at the blue sky and it's beautiful, there's no cloud but the heat of the sun is not painful on skin. At tiyaka, natatabunan din kaunti ang balat ko sa malaking puno sa likuran ko. I just want to be touched by the sun, its rays feels like warmth. Its light symbolizing hope and another tomorrow.
"Mukhang timing ata na mag-isa ka dito ah? Lakas ng loob natin na bumisita dito mag-isa bakla ah? Sa wakas, makakaganti na rin ako sa'yong bakla ka. Tignan natin kung saan pupulutin 'yang tapang mo kapag wala ka ng hininga." I heard a manly voice from my behind but I didn't give it a care because I am busy eating the last piece of the meat and swallowed it carefully. And burp again.
Tumayo ako at tumingin sa likuran and a group of men surprised me. Mukhang sampu ata sila and I notice that a familiar knife tattoo carved on their skin, same tattoos but in different parts of the body.
Napatingin ako sa pamilyar na lalaki. The guy in the restaurant, the guy who pushed the poorly boy.
"Mukhang marami dinala mo ah? Ganoon ka ba talaga ka threatened? And do you think I'm dumb? I know you'll follow me so I ask a guy where I can find a park na walang katao-tao. Hindi ko naman alam na meron pa lang lugar dito na walang tao, na katulad nitong abandonadong parke na'to na siyang kukumpleto sa plano ko. Mukhang umaayon ang panahon sa akin ah? Kumagat ka eh." The guy is so confused because of what I've said but I just smirked at him that makes him frown. Tumawa pa ako ng kaunti para asarin siya and I know it will trigger him more.
"Do you think I am stupid not to notice that you're following me in everywhere I go? Akala mo ba isa akong tanga para hindi isipin na hindi ka gaganti sa akin after I humiliated you in front of all the people in there? Hindi ako bobo, maganda lang ako pero hindi ako bobo." I playfully said to him.
"Wala akong pakialam kung anong sinasabi mo pero hindi ka na makakaalis pa ng buhay dito. Saan mo napupulot 'yang lakas na loob mong 'yan, bakla? Kahit alam mong delikado na ang buhay mo? Hindi mo ba alam na malas ang lugar na'to? At kami ang malas mo!" Natatawa nitong sabi pero nahihimigan ko ang inis sa boses niya.
To be honest, I am nervous but I can't just show it to them. I don't know if my plan will work but my life is in danger now. Sinadya kong utusan si Zora dahil ayoko siyang isali sa gulong pinasok ko kanina. Ayoko siyang mapahamak dahil lang sa akin, I know he is strong but I can do this all alone.
"Kasali kami sa isang guild sa bansang 'to, at ang guild na 'yon ay kinakatakutan ng lahat. Kung hindi mo pa naririnig ang guild namin, hayaan mong ipakilala ko sa'yo ang pangalan nito." He said.
I can sense that their auras are no joke but I think I can still handle it. I think I can defeat them if I'll use 'deglutition' to them and that makes them dead.
"Guild Fire." Mahinang sabi nito, tama lang para marinig ng dalawa kong tenga. Guild Fire ah?
Their smell, they aren't Magicians. They are beyond something else.
"Guild Fire? Sound rebel to me." Maiksi kong sabi.
"Napakatalas talaga ng dila mong bakla ka! Ngayon, hayaan mo kaming kainin ang puso ng mahinang katawan mong 'yan." Napaatras ako ng kaunti dahil sa pagbago ng boses nito. Tumingin ito sa mga kasama niya at nagulat ako dahil sa pagliwanag ng kani-kanilang mga katawan. Hindi ito nakakasilaw kaya binuksan ko lang talaga ang mga mata ko. I can't take risk closing my eyes dahil hindi ko alam kung ano ang kaya nilang gawin at baka atakihin nila agad ako na hindi ko napapansin.
Nang mawala ang liwanag ay agad kong nakita ang mga bago nilang itsura ngayon.
Seconds after I observe their appearance, I noticed how their powers increased. They have white nine tails, their eyes became bloodlust red and their ears lengthen. Their natural black hair became white just like the moon's color and their body became more well-built and stronger. They don't have that long fangs but still they had their long nails and I can tell that those are so pointy that can possibly cut a single tree.
"W-What are you?" Tanong ko sa kaniya na hindi ko man lang namalayan na lumabas sa bibig ko.
Hindi nagsasalita ang mga kasama niya bagkus ay seryoso lang itong nakatingin sa akin. Masama ang tingin nila sa akin pero nakikita ko na gustong-gusto na nila akong atakihin. Some of them are drooling, ang laway nila ay tumutulo na sa damuhan and I can tell that they look so monstrous now! Like ew! Ang saliva!
"Kumiho." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa biglaang pag-atake nilang lahat. Agad akong umiwas nang kakalmutin na sana ako ng isa sa kanila, I also managed to jump vertically high and kick the butt of one of his comrade na ikinasubsob nito sa damuhan. They are ten, and I am just alone but I think I can handle this.
Tumakbo ako ng mabilis at agad tumalon and throw a water knife sa isa sa mga Kumiho. Hindi iyon naiwasan kaya nagtamo ito ng sugat sa binti. Nagpalabas din ako ng apoy na siyang ibinato ko sa isa sa kanila pero naiwasan niya iyon at mas hinabol ako. Iniwasan ko ang mabilis na sipa ng lalaking kinaiinisan ko at agad siyang sinipa ng malakas sa tiyan nang makakita ako ng tiyempo. Napaluhod siya kaya hindi agad ako nag-aksaya ng oras at sinipa pa ng malakas ang mukha niya.
Nagpalabas ako ng tubig at unti-unti itong nagiging espada. Ganoon rin sa isa kong kamay, namumuo ang tubig doon at naging isang espada rin. Ang mga Kumiho ay hindi rin nagpahuli, mas pinahaba pa nila ang kanilang mga kuko na siyang nagmumukha na rin ngayon mahaba na kutsilyo. Gosh! They are fucking stressing my beauty!
Sumugod ako at ganoon din sila. Iwinasiwas ko ang espada ko at nasangga naman ng dalawa sa kanila ang atake ko, tumalon ako ng mataas nang hahagipin na sana ako ng isa. Tumalon din ng mataas ang isa sa kanila but I managed to stab his right leg before he can reach me.
"Hindi mo kami kakayanin, mag-isa ka lang." Turan ng isa sa kanila pero ngumisi lang ako at agad nagbago ng anyo. The water swords disappeared after I became a Werewolf.
Nabigla sila sa anyo ko ngayon, I am now a green Werewolf. Like them, my nails lengthen na parang mga kutsilyo and I can tell that it's sharp and pointy. My sharp fangs is now showing like it is proud to be seen. I feel something on my back and I think it's my tail, my green fur skin is now very visible to them which made them so confused. Parang mas luminaw ang paningin ko, ang pandinig ko naman ay mas lalo atang nag-widen dahil kahit ang tibok ng puso nila ay naririnig ko mula sa kinakapuwestuhan ko. I think my senses will strengthen if nagiging taong-lobo ako.
"A-Anong klase kang halimaw? Mukha kang taong-lobo pero bakit ganiyan ang kulay mo?" Tanong ng isa pero hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad sumugod. Hindi 'yon napansin ng isa sa kanila kaya agad ko itong sinuntok ng malakas, napaluhod ito kaya agad ko itong sinaksak gamit ang mga mahahaba kong kuko. Tumakbo ako ng mabilis para makapunta sa isa pa at agad sinaksak ang likod nito. Ni hindi na ito nakaganti pa dahil agad itong natumba sa damuhan.
"Water Cannon!" Sigaw ko at agad lumitaw ang malaking bolang tubig at bumulusok ito sa puwesto ng tatlo sa kanila. Hindi ito nakakilos dahil sa sugat nila sa kani-kanilang binti at hanggang sa natamaan sila ng kapangyarihan ko na siyang dahilan sa pagsabog. Nawalan sila ng malay at tadtad ng sugat ang kani-kanilang katawan, hinay-hinay kong tinignan ang natitira pang lima na ngayo'y nagdadalawang-isip kung aatake pa sila.
"Kung gusto niyong matulad sa kanila, ali kayo rito." Ngisi kong sabi. Napaatras ang lima lalo na 'yong lalaking kinaiinisan ko kaya natawa nalang ako.
"Ang ingay mo kanina ah? Bakit parang wala na atang lumalabas diyan sa bunganga mo? Mukhang natatakot ka na noh? Rinig na rinig ko mula dito ang pagbigat at pagbilis ng tibok ng puso mo eh." Asar kong sabi.
Hindi siya nakapagsalita at inis niya lang akong tinignan sa mga mata. Nagliwanag ulit ang mga katawan nila so I know they're turning into human form again. At hindi nga ako nagkamali dahil kitang-kita ko na ngayon ang nanghihina na nilang mga katawang tao.
"Babalikan ka namin! At sisiguraduhin kong mamamatay ka sa mga kamay ko!" He shouted and disappeared using their teleporting power. Napailing nalang ako at agad bumalik sa dati kong anyo.
"Gosh! Na-stress ako don ah!" Sigaw ko.
"Ahh!" Gulat kong sigaw nang may matapakan ako, ang mga patay na katawan ay nandidito pa nga pala! Napaisip ako sandali at tumango nalang, I feel like I am floating right now na para bang hinay-hinay umaangat ang katawan ko mula sa lupa and the heat energy is now forming inside of my body that wanted to release itself. Same feeling when my power swallowed all the Magicians.
"Deglutition!" Agad nilamon ng malaking usok ang limang katawan ng mga kalalakihan. Umangat ang mga katawan nila hanggang sa tuluyan na itong nilamon ng kapangyarihan ko at ni kahit bakas ng dugo ay wala itong iniwan sa lupa. Nang tuluyan na nitong nilamon ang lahat, agad akong tumapak sa lupa at huminga ng malalim. Nakaramdam ako ng ginhawa at parang may nadagdag din na lakas sa katawan ko.
Gosh, mukha akong tumakbo sa marathon ah? Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin dito lalo na't hinayaan kong makatakas ang lima pa. Magsusumbong at magsusumbong 'yon sa mga kakampi nila lalo na sa leader nila and I don't know what they can do. Those Kumihos are strong and fast, faster than the normal Werewolf I can say. Hindi ko alam kung ano pa ang mga nilalang na nandito sa Raja pero nasisiguro kong hindi rin sila bihira. Kung hindi ako nag-anyong lobo kanina, siguro ay mapapatay nila ako!
"Lara!" Sigaw ng kung sino and it's Zora. I smiled at him at kitang parang hinihingal siya. He is now holding my water bottle at may mga silver coins din siyang dala-dala and it's a lot! Siguro sinuklian siya ng binilhan niya, kung ako pa ang bumili ay baka hindi ko na tinanggap ang sukli.
"A-Akala ko ba malapit lang? Bakit ang layo naman pala?" Natawa nalang ako at hinawakan ang braso niya.
"Ay akala ko kasi alam mo kung saan ang malapit na puwedeng pagbilhan kaya sinabi kong may malapit lang diyan. Teka bakla ka! Hinihingal ka ah? Tinakbo mo ba?" Natatawa kong asar sa kaniya, he just frowned at me that makes me laugh more. He's really innocent and pretty bakla like me!
"Teka, anong nangyari? Parang pagod na pagod ka ata?" Takang tanong niya. Halata ba?
"S-Siyempre pagod sa pagkain noh! Akin na nga 'yang tubig, kanina pa ako inuuhaw eh!"
Napailing nalang ito at agad binigay sa akin ang water bottle. And it's super refreshing pag-inom ko palang sa tubig, it is still cold kaya sobrang sarap. Mukha talaga akong tumakbo ng Marathon bakla! Grabeng pagod ang naramdaman ko!
Pagkatapos kong ininom ang tubig ay tumingin ako kay Zora na nakataas ang isang kilay ngayon. Natawa naman ako kaagad dahil baka akala niya aasarin ko siya.
"Marami pa bang mga nilalang sa mundong 'to, Zora?" Out of nowhere kong tanong. He is confused because of my question but he just sighed and nodded.
"Maraming-marami. May iilan din na hindi galing sa mundong 'to." Puwede pala 'yon?
"Narinig ko na may nilalang na kayang pumasok sa iba't-ibang mundo, Lara. At ang mga ganoong klaseng nilalang ay delikado dahil baka pwede kang mapahamak sa malakas na kakayahan nila. Pero isa lang 'yong alamat at wala pa namang nakikitang nilalang ang may ganoong klaseng kapangyarihan. Wala pang napapatunayan." He explained and I just nodded. A specie that can travel in different worlds? That can open dimensions?
Bigla akong napaisip.
Is it possible?
"Narinig mo na ba ang mundo ng mga ordinaryong tao?" I asked, tumingin siya sa akin at ngumiti. He nodded na siyang nagpakaba sa akin. He knows a lot.
"Sa malaking sandaigdigan, binubuo ito ng dalawang malalaking mundo. Ang Gampenun at Goriath. Ang Gampenun ay binubuo ng limang maliliit na mundo, ang Avalon, Verdugal, Meretia, Sentinyel at Dakyunt. Wala akong ibang alam sa mga mundong iyon, narinig ko lang ang mga pangalan nila sa mga dumadaan sa kuweba. Sa mundong Goriath naman ay binubuo ng tatlong maliliit na mundo at iyon ang Maria, Merida at Maraya. Nasa mundong Maria tayo at ang mundo ng mga orindaryong tao ay nasa mundo ng Maraya. Kung may kakayahan man akong maglakbay sa iba't-ibang mundo ay sisiguraduhin ko talagang bibisitahin ang mundo ng mga Specialists, sa Gampenun. Marami din daw kasing malalakas na nilalang doon, nagkalat ang mga Diyos at Diyosa."
So what if I become the most powerful? What if I'll be possessed by that kind of power? Babalik ba ako sa mundong 'yon? Babalik ba ako sa pamilya ko? I just miss my siblings, nothing more! Gusto ko silang makita at mayakap!
"Hoping for that power." Nasabi ko nalang.
------------------
NOTE:
IF YOU ARE FAMILIAR WITH THOSE WORLDS, THEN LET ME EXPLAIN. THIS STORY IS SOMEHOW CONNECTED TO HIDDEN SERIES BUT YOU CAN STILL READ THIS WITHOUT READING THE HIDDEN STORIES. BUT WHAT I CAN JUST SAY IS, BETTER TO READ THOSE BOOKS SO THAT YOU CAN HAVE KNOWLEDGE ABOUT THE PRESENT WHICH IS, THIS STORY. THAT'S ALL, GOD BLESS!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro