Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Lara.

"We have to go, please do what you can to protect this town while I am not around. Aasahan kita Ruthven because I trust you. Huwag kang pasaway." Seryoso kong sabi, ngumiti lang ito pero kitang-kita ko ang pagkadisgusto niya sa desisyon ko. Tumango lang siya at ilang segundo ay bigla nalang niya akong hinalikan sa labi. Of course nagulat ako pero napailing nalang dahil sa pagkagago niya. Ang dami-daming nakatingin dahil lahat sila ay gusto akong ihatid sa labas tapos makikita nila ang ginawang paghalik nitong walang hiyang bampira na'to? May mga bata pa! Jusko umiinit na naman ulo ko!

"Mag-iingat kayo do'n, Reyna Lara. Nasa inyo ang pagpapala ng kataas-taasang nilalang." I nodded of what Medusa said. Hawak ko na ngayon ang mga papeles na siyang pinatrabaho ko sa kanila at nakita ko naman na mukhang 'yon ang mga importanteng bagay na kailangan naming punan.

"Sigurado ba kayo na hindi niyo na kami isasama?" Ruthven butt in but I immediately shook my head that makes him more frown.

"Mukhang pabigat ka lang sa kanila, bampira." Rinig kong sabi ni Arakiel na siyang ikinatango ko. Tama naman kasi siya, baka nga hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko dahil sa kaniya. Makulit pa naman ang isang 'to at kailangang bantayan ng bantayan na parang bata!

"Anong pabigat? Eh sa atin dito ay ako ang pinakamalakas. Psh!" Nailing nalang talaga ako at tinignan na lamang si Zora na walang sawang nakangiti.

Nakasuot ako ngayon na parang isang dress na kulay puti na sumasayad sa lupa, hinahayaan ko lang na madumihan ang sa ilalim dahil maganda naman siya tignan. It's full with one-fourth sleeve white dress habang si Zora naman ay nakasuot lang ng square blanket na kulay puti din habang sa itaas nito ay isang puting simpleng t-shirt na naka-insert lang. Nakalugay ang buhok niya katulad ko kaya mukha talaga kaming mga babae sa mga itsura namin ngayon. Mukha kaming magkapatid tignan dahil nga sa parehas kami ng kulay ng mga mata!

Pansin ko na nakangiti lang sa akin sina Sol at Luna habang hawak ng magkabilang kamay nila ang nakangiting si Astrum. Tinanguan ko sila at nginitian pabalik.

"Magpaalam na kayo kay Reyna Lara dahil sila ay aalis na." Medusa commanded, all of the species bowed their heads and bid their goodbyes. I smiled to them and wave my hand.

"Protect the town at all cost, protect the Mystic Emerald." Sambit ko na ikinatango ng mg lider. I noticed Nyctimus smiled a bit but it faded away after he saw me watching him. Pinanliitan ko pa siya ng mata pero ang lalaki ay nag-aaktong walang ginawa. Napailing nalang ako at tinignan si Zora, I nodded at him at tiyaka gumayak na.

This will be a hell kind of trip!

"Bye baby! I'll miss you!" Dinig ko pang sigaw ni Ruthven na siyang ikinangiti ko na lang. I didn't looked back, I really want to but I can't. Baka magbago ang isip ko at manatili nalang.

"Mahal na mahal ka talaga ni Ruthven, Lara. Hindi siya nahihiyang gawin ang lahat basta lang maiparamdam niya sa'yo ang pagmamahal niya." Napatingin ako kay Zora, he is smiling nonstop so I smiled back at him.

"Ikaw nga rin eh, mukhang may progress ka na. Kailan mo sasabihin na si Nyctimus pala ang gusto mo? Akala ko babae gusto mong bruha ka!" Agad naman siyang nahiya pero natawa nalang din.

Nang makalayo na kami ay tumingin ako ng huling beses. Nasa kanila ang buhay at kaligtasan ng lungsod, sana ay walang delubyo ang dumating. Labag man sa akin na iwan ang lungsod pero para rin ito sa kapakanan nila. Sana walang mangyaring masama habang wala pa ako kasi hindi ko pa alam kung kailan kami makakabalik. Sana walang mangyaring masama. Sana wala.

********

Pagkapasok namin ng kuweba ay agad bumalik sa akin ang mga memories na kaharap ko si Zora sa anyong Dragon niya. He was scary that time that ready to feast my whole body but because he talked with those kind of voice ay agad nagbago ang paningin ko sa kaniya. He was just a creature who wants to be freed from his monstrous form and explore the whole world without being scared. Natutuwa ako dahil nagagawa na niyang makipaghalubilo sa lahat kahit minsan ay nahihiya parin siya. I know it will take time but he can do it.

Nang maabot na namin ang pinakadulo ay siyang pagbulaga sa amin ng napakagandang tanawin. Nandoon parin ang ilog na gustong-gusto ko ng hawakan dahil sa klarong kulay nito. Kahit dito sa kinakapuwestuhan namin ay masasabi kong malinaw na malinaw talaga ang tubig ng ilog na 'yon. Marami ring puno na parang nagsasayawan dahil ata sa ihip ng hangin sa ibaba. Parang kakaiba ang araw nila dito, mukhang nakangiti sa amin na para bang inaanyayahan kaming dumalo.

Ang kuweba na pala ito ay nasa tuktok na bahagi kaya kapag nasa ibaba na kami ay magmumukhang bundok itong kinakatayuan namin.

"Sumakay ka sa likuran ko, Lara. Ito ang mas madaling paraan para makababa tayo." Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang akong nakaramdam ng malakas na hangin kasabay noon ang malakas na kapangyarihan na bumabalot sa kaniya. Nagliwanag ang buong katawan niya ng berde na siyang ikinapikit ng mga mata ko.

Moments after I noticed na parang naglaho na ang liwanag ay dumilat ako na siyang ikinagulat ko naman kaagad. The fuck?

"D-Dragon." Bulong ko nang makita ko ang kabuuan ni Zora na ngayo'y anyong Dragon na. He is really big at kitang-kita ko na ngayon ang itsura niya, he was so scary too look at and his spikes on his back is so scary like those are big knives! Ang hahaba ng pangil niya, mga kuko at ang dulo ng kamay ng kaniyang malaking pakpak na ngayo'y pumapagaspas na. His dirty green color with touch of brown makes him more superior to look at! Akala ko nga his power and responsibility are related to earthland power, but he was a Divine Dragon who protects nature from typhoons or other storms.

"Sumakay ka na Lara." Tumingin pa ako sa paligid ko dahil baka may makakita sa kaniya but when I noticed there's nothing suspicious ay agad akong sumakay sa likuran nito. Hinay-hinay pa akong umakyat dahil baka masugatan ang skin ko at tiyaka his scales are like rock! Nang maabot ko ang likuran niya ay nagulat talaga ako mga bakla! Dahil 'yong mga spikes niya sa likod ay literal na kasingtangkad talaga ng height ko!

"Kumapit ng mabuti, bababa na tayo." I nodded as if he can see me when I am on his back. I just can't speak because I was literally speechless! My gosh! What I am riding now is a fucking Dragon! Malaking-malaking Dragon! Nakakatakot man pero wala akong magawa! This world is full of surprises kaya hindi na ako magtataka na may mas pa sa Dragon! Jesus! Hindi ko pinangarap no'ng bata pa ako na makasakay ng Dragon! It was a pony that I want to ride!

Nang bumababa na talaga kami ay pumikit nalang talaga ako at dinamdam nalang ang simoy ng hangin. Dinig na dinig ko pa nga ang pagaspas ng pakpak niya habang lumilipad at ang malakas nitong paghinga. Natatakot man pero kailangan ko 'tong gawin para sa mga kasamahan ko at tiyaka masasanay din ako noh! Hindi muna ngayon pero alam kong masasanay din ako! Nakaharap ko nga si Medusa na isang malaking ahas noon eh!

Ilang minuto ang lumipas ay agad kaming nakababa, tumalon ako mula sa likuran ni Zora bago siya nagbago ng anyo. Kagaya ng kanina ay nagliwanag ang buo niyang katawan at ngayon ay bumalik na sa dati ang anyo niya. Ngumiti lang siya sa akin at gano'n rin ginawa ko, kinabahan talaga ako do'n sa pagiging Dragon niya!

My eyes roamed around and what I can see is beauty of this forest. Clean and green, nature na nature at makikita mo talaga na masiyado itong inaalagaan.

"Seems like you take care of this forest too well ah?" Ngiti kong sambit but he just shook his head that made me confused. Edi sino pala ang nag-aalaga ng forest na'to? Kung titignan ay para talaga siyang alagang-alaga, makikita mo kahit saan ang iba't-ibang klaseng puno at mga bulaklak. Ni wala ngang mga dahon na nahuhulog galing sa mga puno, ni wala din akong nakikitang basura sa paligid.

"Ito talaga ang ganda ng kagubatang ito, walang nagmamay-ari at tanging ang sarili lamang ng kagubatan ang siyang nag-aalaga sa kaniyang sarili. Buhay ang kagubatan na ito, Lara." Agad naman akong nagulat dahil sa sinabi niya at inilibot uli ang tingin. Those flowers are dancing without the wind's strength, and I noticed that all the trees are kinda breathing!

"Kaibigan ko ang kagubatan na ito at ang kagubatan ng tinayuan ninyo ng lungsod. Ang dalawang kagubatan na siyang napili ko para protektahan at bantayan. Pero namatay ang kagubatan kung saan tayo nakatira ngayon noong nagsimulang pag-agawan ng iba't-ibang lahi ang lupain. Dahil ito sa angking taba ng lupa, mayaman sa mga karne at malaki talaga ang espasyo ng kagubatan na iyon kaya pinag-aagawan." He explained, I just nodded at namamangha. It's sounds creepy but I find it interesting. And yeah, this forest is kinda alive because all the trees and flowers are like breathing on their own. That's why lots of birds are kinda humming na para bang masaya silang kumakanta. They are also dancing because of their as if song that they sang!

"Didiretsuhin lang natin ang daan na ito at agad din nating mararating ang bansa ng Raja. Kaya tara na para makarating tayo agad at nang makauwi na din tayo." Nginisihan ko lang siya na para bang nang-aasar, tinignan naman niya ako na para bang nagtataka.

"Gusto mo lang ata makita agad si Nyctimus eh! Wala pang isang araw pero miss na miss mo na!" Asar ko sa kaniya kaya natawa nalang siya ng kaunti.

"Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang itsura niya. Kahit napakaseryoso niyang tignan ay gwapo parin siya tignan. At tiyaka nalaman ko rin na mabuti ang puso niya, gagawin niya ang lahat para lang maging ligtas ang lahat na nakatira sa lungsod." I nodded, that's true. Ganoon lang 'yon pero mabuti ang puso niya. Boring man siya para sa akin dahil nga hindi palasalita ay mahal ko 'yon dahil lahat ng utos ko ay agad niyang sinusunod. Lahat ng sasabihin ko ay agad niyang gagawin kaya hindi ako nagkamali na bigyan siya at ang kaniyang lahi ng matitirhan, pangalan at pagmamahal. They deserve second chance to continue living.

"Ikaw ba, Lara? Nami-miss mo na ba si Ruthven?" Natawa nalang ako at inirapan siya.

"Ano ka ba Zora, nauumay na nga ako sa pagmumukha ng isang 'yon kaya pinili ko talagang ako na ang kumilos sa trabahong ito. Maliban pa doon, may gusto akong malaman." Biglang naging seryoso ang ekspresiyon.

"A-Ano 'yon Lara? May problema ba? May nangyari ba sa loob ng Mystic Emerald na hindi namin nalalaman?" Sunod na sunod nitong tanong kaya tumango naman ako.

"Hindi ko alam kung mabuti o masama ang sinabi ng babaeng 'yon pero hindi ko gusto ang pagbibigay niya ng rason. Do you know the Water Dragon, Zora? She was there and introduced her name, nandoon siya sa mga oras na hindi niyo nalalaman maliban kay Seraphim at Chirubim. Pero si Seraphim at ako lang ang nakaalam sa sinabi ng babaeng iyon." Nagulat siya sa sinabi ko pero agad din niyang binawi at ngumiti. Nagtaka man sa kaniya pero hinintay ko siyang magsalita.

"Isa lang naman ang Dragon ng Tubig, ang tagabantay ng dagat pero hindi ko alam na katulad ko ay may pangalan na din siya. Mabuting Dragon iyon, pero hindi ko na alam kung nasaan siya at hindi ko alam kung mabuti ba siya hanggang ngayon o baka nagbago na ang ugali niya pagkatapos niyang magkapangalan." I nodded of what he said. Sinabi naman ng babaeng 'yon na hindi siya kalaban and she was just helping us to make an alliance with their country. And what's confusing me is, they don't know me but they willing to make a deal with us. Their King is always watching me daw na siyang ikinaba ko talaga. How powerful their King could be? Na nakakaya niya akong tignan kahit hindi ko siya napapansin at nang hindi ko nalalaman?

Kinuwento ko lahat sa kaniya habang naglalakbay kami. Kahit nga si Zora ay nagtataka dahil wala naman siyang kakaibang napapansin noong lumalabas-labas pa siya bilang isang Dragon. Binatukan ko nga ang bruha kasi paano niya malalaman eh nasa kay Nyctimus lang ang atensyon niya! Ang bakla ay natawa lang at napakamot sa ulo. Bruhang 'to!

Lumipas na ang gabi pero patuloy parin kami sa paglalakad but this time ay naghahanap kami ng matutulugan. We are looking for a safe space to sleep with at tiyaka mabuti nalang ay puwede kaming kumuha ng mga prutas sa iba't-ibang puno na nadadaanan namin. And all of them are so sweet! I don't know their names but I am sure that they aren't human world's fruits.

"Dito tayo! Maliwanag sa bandang 'to, malambot ang lupa at tiyaka hindi naman masakit sa katawan ang mga damo." Hayst! How did I forget that this is a trip so we have to bring things for like this! Sinabi ko nga kay Zora na mag-anyong Dragon siya ulit para makapunta agad sa destinasyon but he disagreed dahil hindi normal na makita ang mga Dragon sa mga lugar na hindi nila alam. A lot of people may compete just to name a Dragon and make it as their alliance. They might kill each other which is he doesn't want to happen.

But killing here is legal.

Umupo ako kaagad sa damuhan and I feel like something crack on my back na siyang ikinahiga ko nalang talaga. Looks like my back is already tired and wanted a good rest.

Napatingin ako sa buwan, it is glowing yellow but it is still beautiful dahil sa mga bituin na malapit dito. Kasabay ng hindi gaano kalakasan na hangin ay ang masarap na tinig ng mga insekto. It's not irritating unlike sa mundo namin, dito, it is like they are doing a choir song.

"Tulog ka lang Lara, babantayan kita dito." Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nasa mataba ng sanga na nakaupo.

"Aren't you going to sleep?" I softly asked. My eyes really wanted to sleep na talaga and seconds after ay hindi ko na nakayanan at nakatulog na ako na hindi na hinintay pa ang sagot ni Zora.

*********

Zora.

"Mahirap makatulog ang mga Dragon sa gabi, Lara. Sa tirik na araw ang gusto naming oras para matulog." Sabi ko nalang, nagtaka naman ako dahil sa wala na akong nakuhang sagot pero napangiti din agad dahil sa natutulog na nitong imahe. Mukhang pagod na pagod na nga ito.

Sumasabay sa hangin ang mahaba niyang buhok, pati ang bestida niyang suot ay ganoon din. Napatingin nalang ako sa dilaw na malaking buwan na siyang nagbibigay sa amin ngayon ng liwanag.

Hindi nakakasawang tignan ang buwan na ito habang ako ay nagpapahinga. Lage akong tumatambay dito dahil ito lang ang lugar kung saan ako kumportable. Minsan lang din binibisita ng mga tao kaya mas kumportable ako dito noon. Dito lang din na lugar na walang makakakita sa anyong Dragon ko at walang matatakot.

Akmang bababa na sana ako nang may namataan akong dalawang pigura na para bang hinay-hinay silang lumalapit sa direksiyon namin. Mahirap akong makita dahil nasa itaas ako ng puno at halos matabunan na ng mga dahon. Kitang-kita ko kung paano sila kumilos ng mabilis nang makitang nag-iisa lang si Lara sa ibaba. Hindi sila kakampi! At anong ginagawa nila dito sa ganitong oras?

Tinapat ko ang kamay ko kay Lara at naglikha iyon ng isang barrier para protektahan siya. Hindi iyon nakikita ng kahit na sino, ako lamang ang may kayang makita ang iba sa mga kapangyarihan ko.

"Isang magandang dalaga? T-Teka, isang lalaki? Ngunit ang itsura niya ay kasingganda ng isang babae? Katawan, mukha at kutis. Ito na ba ang Dragon na nakatira dito?" Napakunot ang noo ko dahil sa lalaki nitong boses, kitang-kita ko na ngayon ang kani-kanilang wangis at ni hindi ko pa sila nakita kahit isang beses. At paano nila nalaman na may nakatira ditong Dragon? Sa pagkakaalam ko, hindi nila ako nakikita dahil sa sinasabihan ako ng kagubatang ito bago ako mahuli.

"Ibenta na natin ito! Mukhang malaki ang makukuha natin ginto kapag ibebenta natin ito sa kapisanan ng mga rebelde! Walang duda, ang Dragon nga ito!" Diing sabi ng isa pa nitong kasama na lalaki. Akala nila si Lara ang tinutukoy nila pero nagkakamali sila.

Ang Raja ay may kapisanan din ng mga rebelde?

"Nakakatakot ang guild na 'yon ng mga rebelde, napakalakas! Tiyaka, puwedeng-puwede ka nilang patayin kung gugustuhin nila!" Sagot sa kaniya ng kasama niya. Naghihintay lang ako ng tamang oras para bumaba.

"Hindi naman sila gagawa ng ikakapahamak ng guild nila. Alam mo naman na ang Hari natin at Reyna ay napakastrikto sa mga bagay-bagay. Kaya hindi naman ata tayo papatayin dahil lang sa nagbenta tayo sa kanila ng isang Dragon. At tiyaka, diba kailangan nila ng kakampi para maging mas malakas ang guild nila? Baka mabayaran tayo ng malaki sa isang 'to, mukhang malakas na Dragon 'to eh." Akmang lalapit na sana ang isang lalaki ay agad na akong tumalon mula sa sanga na siyang ikinagulat nilang dalawa.

"Putangina!" Sabay nilang sigaw.

"Aalis kayong dalawa at iiwan ang lalaking ito o masasaktan kayo sa mga kamay ko?" Seryoso kong sambit, nagkatingin pa silang dalawa na parang may napagtanto hanggang sa napahagikhik sila. Nababaliw na ba sila?

"Mukhang sinuswerte tayo ah? Dalawang mga magagandang lalaki ang mabebenta natin! Mukhang ikaw ang tagabantay ng Dragon!" Tatawa-tawang sabi ng isa at agad nagpalabas ng espada mula sa kaniyang likuran. Ang kaniyang sandata ay biglang naging isang pulang apoy. Ganoon din ang kasama niya, ngumisi ito at kinuha ang isang latigo mula sa kaniyang likuran at naging isa rin itong apoy.

Mukhang mga salamangkero ang dalawang ito kaya agad akong naghanda. Pero nabigla na lamang ako na may isang pigurang humarang sa akin na halos ikatalon ko talaga sa gulat.

"L-Lara?" Takang tawag ko sa pangalan niya, tumingin siya sa akin at ngumiti. Tumingin siya pabalik sa mga lalaki na parang mas lalong natakam sa kaniya ngayon.

"Mga panget kayo, akala niyo hindi ko naririnig mga sinabi niyo? Like what the fuck? You are going to sell me? Sa mga rebelde pa? Eww! And what? I am a Dragon?" Napailing nalang ako dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Lara. Mukha ngang hindi niya na kailangan pa ng tulong galing sa akin. Malakas si Lara, malakas na malakas kaya hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong klaseng nilalang siya. Kung saang lahi siya nanggagaling. Pero nasisiguro akong galing siya sa malalakas na lahi!

"Tama na ang satsat, sumama nalang kayo sa amin nang hindi na kayo masaktan pa." Pero nagulat nalang kami dahil sa mabilis na kilos ni Lara na kahit ang dalawa ay hindi nila ito inaasahan. Bago pa makaiwas ang lalaking nakahawak ng espada ay nasuntok na ito ng malakas ni Lara sa tiyan na siyang ikinaluhod nito. Sunod ay bigla nalang nasa likuran si Lara sa likod ng isa pa at sinipa ito ng napakalakas.

"Water Explosion!" Sigaw ni Lara at biglang lumitaw ang malakas na nagraragasang tubig at parang isang bula na sumabog sa kinahihigaan ng dalawang lalaki na ngayo'y nanghihina. Wala namang natamaang puno na siyang ikinapasalamat ko, sensitibo kasi sila sa mga ganitong atake.

"Ang ayaw na ayaw ko talaga ay 'yong minamanyak ako kapag natutulog! Nagmumukha kayong si Ruthven!" Sigaw nito habang nakaharap sa dalawang lalaki na ngayo'y wala ng malay. Ni hindi man lang nila nagawang umatake gamit ang mga apoy nilang sandata.

Bigla ko nalang naalala ang sinabi ng isang lalaki na strikto daw ang Hari at Reyna ng bansang Raja. Kaya mukhang hindi talaga magiging madali para sa amin na makipagkasundo sa kanila. Mukhang kailangan naming maging matatag dahil hindi magiging madali ang pagdadaanan namin kapag nakarating na kami sa bansa nila. Mukhang mapapasubok kami ni Lara.

Pero kilala ko si Lara. Matapang siya at kakayanin niya para sa kapakanan ng lungsod at ng mga kaibigan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro