Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Zora.

Hindi ko parin makalimutan ang pag-uusap naming dalawa ni Nyctimus. Mas lalo akong hindi nakatulog no'n dahil sa kinausap niya ako. 'Yong kilig ko talaga ay abot langit, 'yong ngiti ko ngayon ay halos abot na nito ang tenga ko at 'yong saya na nararamdaman ko ay hindi ko talaga maipaliwanag.

Si Nyctimus ang siyang nagpatibok ng halimaw kong puso. Kapag lumalabas ako sa kuweba, nakikita ko siyang nagroronda. Pinangarap kong makausap siya, maging kaibigan at hindi ko din naman aakalain na aabot sa punto na titibok rin pala sa kaniyang ang puso kong ito. Kapag lumalabas talaga ako, siya agad ang hinahanap ng mga mata ko.

Malamig palagi ang kaniyang ekspresyon, hindi ko naman aakalain na kakausapin niya ako. Sa ilang taon kong pamumuhay sa mundong ito ay ngayon lang talaga ako nakaramdam ng labis na tuwa dahil sa wakas ay nakakaya ko na siyang lapitan o di kaya kausapin. Nakakamangha dahil hindi naman pala siya maldito, ganoon lang talaga pala siya makipag-usap sa kahit na sino. May mabuti siyang puso at ramdam ko 'yon kahit isang beses palang kaming nakapag-usap. Tiyaka sinisiguro niya rin ang kaligtasan ng lahat kaya mas lalo ko siyang nagustuhan.

"Kamusta ka na, Zora?" Napalingon ako sa aking likuran na siyang nagpangiti sa akin ng matamis.

"Maayos na maayos na, Medusa. Nagagalak akong makita ka at makausap ulit." Masayang sabi ko sa kaniya. Ilang taon bago kami magkita ulit at nakapag-usap. Pagdating ko dito ay hindi kami binigyan ng ilang oras na makipagkuwentuhan dahil nga sa napakaabala niya sa kaniyang trabaho. Kanang kamay kasi siya ni Lara kaya alam ko kung gaano kabigat ang trabaho niya dito sa Mystic Emerald.

Nandito pala kami ngayon sa malaking hardin ng lungsod, maraming bulaklak dito na iba-iba ang klase at kulay. Mababango din at napakaganda, tila sumasayaw ngayon dahil sa ihip ng hangin.

"Pasensiya na kung ngayon lang ako nagkaroon ng oras para kausapin ka. Alam mo naman ang trabaho ko ay hindi madali, ayoko rin naman kasing mapagod ang Reyna natin dito." Napatango ako sa sinabi niya. Napakasuwerte ni Lara dahil napakaraming nagmamahal sa kaniya. Tiyaka mabait lang talaga iyon dahil hindi siya nagdadalawang-isip na bigyan ng mga pangalan ang mga nangangailangan ng karagdagang lakas at proteksiyon. Nakakatuwa dahil mahal na mahal rin sila ni Lara, ibinuwis niya talaga ang buhay niya para lang hindi sila masaktan. Matapang niya nga akong hinarap sa kuweba na walang ibang kasama kundi ang sarili niya lamang.

"Alam ko naman iyon at tiyaka marami rin kasing iniisip si Lara kaya hindi muna siya dapat magtrabaho. Sinabihan ko nga siya na kung ayos lang ba talaga sa kaniya na siya ang gagawa ng kontrata sa bansa ng Raja. Ngumiti lang at sabi na kayang-kaya niya naman." Napailing si Medusa sa sinabi ko sabay ngumiti. Hindi ko alam na ganito kaganda ang isang Serpentes kapag naging isang anyong-tao. Narinig ko rin ay malapit nang mapusa ang dalawang itlog na siyang gagawin niyang tagabantay ng kuweba ng mga ginto at mga diyamante.

"Alam kong may problema ding pinagdadaanan ang Reyna pero hinahayaan ko nalang dahil alam ko namang kaya niya 'yon lagpasan. Siya pa ba? Nakaya ka nga niyang puntahan sa kuweba mo kahit siya lang mag-isa. Tiyaka alam mo? Nagulat talaga ako nang maamoy ang pamilyar na presensiya mo. Sa tagal-tagal na hindi tayo nagkita pero alam na alam ko parin kung sino ka kahit mag-anyong tao ka pa." Litaniya niya, ngumiti ako.

"Ako nga rin eh, kilalang-kilala ko pa rin 'yang presensiya mo. Nagagalak talaga ako na magkasama tayo sa iisang lungsod." Masayang sabi ko sa kaniya.

Pansin ko ang pagliliwanag ng balat niya, kumorba agad doon ang gintong balat-ahas niya. Namangha ako dahil sa ang ganda nito tignan, nakakasilaw pero napakaganda kung silayan.

"Gusto ko mang makipag-usap pa ng matagal sa'yo Zora pero kailangan ko ng magtrabaho ulit. Gagawin ko pa 'yong pinapagawang mga papeles ni Reyna Lara kaya mauna na muna ako ah? Tiyaka usap ulit tayo ng matagal kapag wala ng tatrabahuin." Tumango ako.

"Sige, ayos lang ako dito. Baka papasok na rin ako maya-maya sa kwarto. Tiyaka aasahan ko 'yan ah? Marami ka pang ikukuwento sa akin." Ngiti kong sabi, agad din naman siyang nagpaalam kaya tinanguan ko nalang siya hanggang sa hindi na siya mahagilap pa ng mga mata ko.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa araw, hindi naman ito masakit sa mata dahil hindi naman ito gaano kainit. Hanggang ngayon nga ay naninibago pa ako sa katawan ko, mukha kasing katawan ng pambabae. Nakita ko kasi 'yong sarili ko sa salamin, siguro dalawang oras talaga akong nakatingin sa sarili ko sa salamin dahil hindi ako makapaniwala sa itsura ko. Mukha kasi akong babae sa itsura at katawan ko pero ayos naman.

Baka magustuhan ako ni Nyctimus kapag magmumukha akong babae.

"Mag-isa ka lang?" Agad akong natigilan dahil sa boses na iyon. Sa boses palang niya, alam kong magiging abnormal na naman ang tibok ng puso ko kaya agad akong huminga ng malalim at kinontrol ang kilig sa kaloob-looban ko. Nang nakontrol ko na ang sarili ko ay hinay-hinay akong lumingon sa likuran na siyang pagbulaga sa akin ng malamig niyang ekspresiyon. Kahit sa boses niya, presensiya at kapangyarihan ay alam na alam kong si Nyctimus ito. Siya lang naman ang nagpapabaliw sa sistema ko ng ganito.

"A-Ah oo, pero kanina nandito si Medusa para kausapin ako." Sabi ko at pinipilit na ngumiti. Tumango lang siya at lumihis ng tingin. Teka anong gagawin ko? Kakausapin ko ba siya? Pero baka ayaw niya? Matipid siyang magsalita kaya baka hindi niya gustong nakikipagkuwentuhan. At tiyaka hindi naman ako sigurado kung gusto niya ako kausapin.

Ilang segundo na ang lumipas kaya kinapalan ko na ang mukha ko at tumikhim. Tumingin siya ulit sa akin at naghihintay kung ano ang sasabihin ko.

"A-ano, ahmm anong klase bang pinuno si Lara?" Ano namang klaseng tanong iyon? Syempre alam ko kung anong klaseng nilalang si Lara pero wala na kasi akong ibang maisip na tanong. At tiyaka si Lara lang naman ang alam kong magugustuhan niyang marinig dahil nga sa pinuno namin iyon.

"Si Reyna Lara? Hmm, siya ang pumatay sa Ama ko." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. H-Hindi ko alam iyon at tiyaka bakit naman magagawa ni Lara iyon eh diba kakampi sila? Napansin niya atang nagulat ako kaya napangiti nalang siya ng kaunti. N-Ngumiti siya? Teka ngumiti ulit siya? Hindi 'yon gaano kalapad pero halos gibain na niya ang sistema ko dahil sa kilig. Unang beses kong nakita siyang ngumiti ay iyong kausap niya sa isang araw si Lara. Baka nga may gusto siya kay Lara pero tatanggapin ko naman ang pagkatalo ko kapag ganoon. Pero alam ko na si Ruthven ang gusto at mahal ni Lara, at tiyaka alam naman nila lahat iyon.

Tumikhim siya at bumalik sa dati ang ekspresiyon niya.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko naman sinisisi si Reyna Lara dahil bagay lang naman iyon sa aking Ama. Iresponsable siyang lider kaya mas mabuti kung hindi na siya mabuhay pa. Napakadami kong napagdaanang hirap at sakit sa kamay niya kaya nagpapasalamat ako kay Reyna Lara. Hindi ako nagsisi na isuko ang mga sarili namin sa kaniya, dahil siya na ngayon ang buhay namin at gagawin namin ang lahat para maprotektahan lang siya." Napangiti ako dahil sa narinig ko na naman siyang nagsalita ng mahaba. Masarap pakinggan ang boses niya, lalaking-lalaki. Kitang-kita ang saya sa mga mata niya ngayon kahit hindi siya ngumingiti. Sino bang hindi magmamahal kay Lara? Napakabait at napakamatulungin niya sa kapwa niya kahit hindi pa niya ito kilala. Gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng mga kaibigan niya.

"Alam mo? Mas g-gwapo ka kapag ngumiti. Hindi naman sa sinasabi kong p-pangit ka kapag hindi ka ngumingiti pero mas maganda kung may ngiti sa mga labi mo." Hindi ko na talaga natigilan ang bibig ko. Nakakahiya! Kainin mo na ako lupa!

Napansin ko pang mukha siyang nagulat pero napailing nalang ito at tiyaka tumingin sa kalangitan.

"Ikaw palang ang nagsabi sa akin na guwapo ako, Zora." Agad uminit ang mukha ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Sinambit niya ang pangalan ko! Sinambit niya! Kitang-kita ko ngayon ang bukol sa kaniyang lalamunan at napalunok ako ng bahagya dahil sa paggalaw nito dahil sa paglunok niya.

"T-Totoo naman kasi." Nahihiyang bulong ko at yumuko ng kaunti. Nakakahiya ka na Zora!

"Sige alis na ako, kailangan ko pang bantayan ang paligid." Turan nito. Tumango muna ito sa akin bago umalis na siyang ikinangiti ko nalang.

Hindi ko akalain na unti-unti ko na siyang nakikilala.

Nyctimus, mas lalo mong ginagawang baliw ang puso ko. Mas lalo pa akong nahuhulog sa'yo lalo na't sa mga ngiti mo.

*********

Laros/Lara.

"Please let me be with you! I can't think normally when other guy is with you!" Kanina pa talaga ako naiinis sa lalaking 'to. Kanina pa siyang nagngangawa-ngawa sa akin na siya nalang daw ang isama ko. Na kesyo mas malakas siya, kesyo mas maalaga siya at gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan ako at kesyo siya naman daw ang lalaki para sa akin kaya I don't have to choose Zora nalang daw. Kanina pa ako irap ng irap dito sa lamesa, kumakain kasi ako at ang bastos na lalaking 'to ay dumating at nagsimulang mag-rant!

"Ikaw kapag may ginawa kang masama kay Zora, lilintikan ka talaga sa akin! Napakabait no'ng tao tapos pag-iisipan mo ng masama! Eh mas masama ka pang tignan kaysa sa kaniya!" Sigaw ko at padabog na kinain ang nasa kutsara. Kailangan ba titigil ang lalaking 'to?

"I'm doing nothing! I just want to be with you!" Sus! Ewan ko ba pero kung may nakilala akong lalaking ganito sa mundo ng mga ordinaryong tao ay baka naglupasay na ako sa kilig dahil sa ginagawa niyang 'to. But we are here in fantasy world! Everything that relates to superpowers are all impossible in human world, but here? Kahit sa ugali nga ay hindi ko maisip na may ganito pala!

"Ruthven ano ba? I already kissed you in front of them but you are still doubting me?" Diin kong sabi nang malunok ko na ang pagkain. He pouted. Ayan na naman siya sa mga ganiyan niya! Akala niya naman uubra sa akin 'yan!

"But it was too fast! You didn't even give me an opportunity to kiss you back! I want a kiss with tongue, baby!" Jusko Lord! Ano nalang ba ang ipapakain ko sa isang 'to na maging normal naman kahit isang beses sa isang araw? Ang sarap talagang supalpalin 'tong bibig niya promise! Ewan ko ba kung normal pa ba 'to! Nagmumukha akong nanay dahil sa kaniya! He is like a kid who wants a breastfeeding!

"Alam mo Ruthven, kapag ako napuno hindi na ako magdadalawang-isip na ibalik ka kung saan ka galing. Can you behave kahit isang beses lang sa isang araw? Puwede bang maging seryoso ka naman?" He stopped of what I have said. Hmm, looks like he doesn't want this topic to go furthermore. Napapansin kong ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan kung saan siya galing.

"And don't be jealous of Zora! Kung napapansin mo, mas babae pa 'yon kaysa sa akin kung gumalaw! So for sure he is a trans! I mean gay!" I said. Diniin ko talaga ang 'gay' word para maintindihan niya. Minsan kasi mukhang wala siyang utak at tenga! Napansin ko naman ang pagliwanag ng mukha niya kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Bipolar amp!

"Okay! Then I'll worry no more! Actually I already sensed that he was a gay but I still have to confirm it. Then there you are, you answered my curiousity." He said with a playful smile, napailing nalang ako at binigay sa kaniya ang plato. Kumain naman din siya sa nasobrang pagkain, he loves doing that. Gusto niya na ang kinakain niya ay nanggaling sa plato ko o di kaya mas gusto niyang kumain kapag may sobra ako. That's how he loves me, and it is kinda scary. I still don't know his past or where he came from that's why I still have to look for the right day and right time to tell him that I also love him. I can't still take risk as of now, I have to protect my heart.

Lumabas ako ng kastilyo, I didn't wait for Ruthven dahil umay na umay na talaga ako sa pagmumukha niya. I heard him shouted but I just walk away giving him no care.

Pumunta ako sa garden but I stopped when I saw Nyctimus talking to Zora. Nanliit ang mga mata ko nang parang kumportable si Nyctimus sa kaniyang kausap. Minsan ko lang din 'yan nakikitang nakikpag-usap sa iba kaya himala itong nakikita ko. And oh my gosh! Did he just smile?

"He is really gay like me." Nasabi ko nalang. I just realized that Zora's crush is Nyctimus. Look! His face is red like a tomato while they are talking. Nahihiya pa siya minsan tapos bigla siyang magugulat tiyaka ngumingiti ng matamis. Zora really likes him, walang duda. Mukha nga siyang tanga tignan ngayon oh!

Nang umalis si Nyctimus ay kita ko pang natulala si Zora na siyang ikinahagikhik ko nalang. Hayst, luma-lovelife na ang ate niyong bakla! Jusko! Dalawa na kami dito na ka-federation! Haha!

Bilib rin naman ako kay Zora! Si Nyctimus pa talaga ang nagustuhan na laging malamig ang ekspresiyon no'n! Hindi masiyado palasalita kaya I find him boring! Tipid na tipid! Para bang dapat pang bayaran ang laway niya para lang makapagsalita! Hay nako!

But I am happy for Zora, at least diba? Gumagawa na siya ng paraan para mapalapit kay Nyctimus. Sana naman tanggapin ng taong-lobo na 'yon ang pag-ibig ni bakla para happy ang all! Pero sigurado kasi akong straight pa sa ruler 'yon eh! Hayst, goodluck nalang talaga kay Zora. Kahit ako nga, hindi ko din ine-expect na gano'n si Ruthven so hoping sa progress nila.

"Queen." Napalingon ako sa gilid ko kung saan nanggaling ang boses. Chirubim is there with Seraphim, both of them are smiling. Napansin ko rin na lumalaki na ang tiyan ni Seraphim kaya mas lalo akong na-e-excite dahil sa may bago na naman kaming baby dito.

They bowed their heads before they speak.

"May bisita ka." Nagtaka naman agad ako dahil sa sinabi ni Seraphim. Bisita? Eh wala naman akong inaasahang bisita at tiyaka wala rin naman akong kakilala maliban sa kanilang lahat dito. Sinong bisita ang tinutukoy nila?

"Nasa loob na po ito ng kastilyo. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi naman po siya delikado pero kapag gumawa siya ng kakaiba ay gagawin namin ang lahat para hindi na siya makabalik pa sa kanila." Ang harsh naman netong si Chirubim kaya natawa nalang ako.

"Ang harsh no'n! Titignan ko nalang kung sino dahil wala rin naman akong kakilala maliban sa inyo kaya nagtataka ako kung bakit may bumisita sa akin dito. Sige samahan niyo na ako sa loob." Turan ko na ikinatango nilang dalawa.

Ang fresh ng hangin ngayon at tiyaka napaka-perpekto ng panahon. Hindi naman kasi ganoon kainit ang araw kaya hindi masakit sa balat kapag tumatama ang liwanag nito sa'kin.

Everytime na nadadaanan ko ang mga nagtatrabaho ay yumuyuko sila to pay respect kaya ngumingiti lang ako sa kanila. Tinanguan ko rin si Nyctimus nang namataan ko itong nakatingin sa akin. He did the same way and bowed his head. Ilang minuto ay nasa harapan na kami ng kastilyo, agad akong pumasok kasabay ang dalawang babaeng anghel.

"Nasa meeting hall siya, Queen Lara." Chirubim said that made me nodded immediately. Nang nasa harapan na ako ng pintuan ng meeting hall ay kaagad kong binuksan ito at agad bumungad sa akin ang nakatalikod na matangkad na babae.

Her hair is blue! At sa tantiya ko ay magkasingtangkad kami. Magkasinghaba rin ang mga buhok namin at ang kutis namin ay nasisiguro kong magkatulad din.

When she faced me ay agad akong namangha dahil sa ganda niya. I am expecting na lahat talaga na naninirahan dito sa mundong 'to ay may itsura. O baka naman kasi timing lang na lahat na nakikita ko ay magaganda at guwapo. She has the face of a Goddess! Her face is small with a pair of blue eyes. Her natural red cheeks made her more beautiful that matches her natural pink small lips. Parang twenty-one lang ang waist line nito dahil sa ang sexy! For sure kung nandito si Ruthven baka magkagusto 'yon sa babaeng nasa harapan ko. She is not familiar though and I don't know why is she here. And her aura, it is strong.

Napansin ko na may tattoo siya sa kaniyang right legs, malapit sa tuhod and it's kinda attractive. It's a blue dragon tattoo.

"I didn't know that your Queen is a gay?" Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o hindi. Takang-taka kasi ang boses niya, mukhang hindi naman siya nang-aasar kaya ngumiti nalang ako.

"Welcome to my castle but before we'll talk, do you want some coffee or just wine instead?" I gently asked. Hindi din naman kasi barako ang boses ko, it's kinda feminine but you can still sense that I'm a gay.

"Coffee will do." Ngiti naman nitong sagot, sinenyasan ko si Chirubim to make it kaya yumuko ito bago umalis.

"Maupo ka." Turan ko, she nodded and she sat down on one of the chairs. Umupo naman ako sa pinakadulo ng lamesa kung saan nag-iisa lang ang upuan just to look like a sophisticated Queen habang nasa gilid ko naman si Seraphim na nakatayo. Sinenyasan ko naman agad ito na umupo baka kasi mapano ang bata. She bowed her head before sitting down with me.

"I didn't expect a stranger will visit me here in my castle. By the way, I am their Queen. Queen Lara. And this girl with me, is Seraphim." Pagpapakilala ko. Napaka-harmless niya kung tignan but I know she is just no ordinary kind of creature. She has a blue dragon tattoo, I heard na kasali sa guild ang may tattoo. So, of course I know that she is from a guild. Pero saang bansa? I doubt she's from Roha.

"I am so sorry for being rude a while ago, Queen Lara. And my honor and pleasure to finally meet you, I'm Oceana. A Water Dragon." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagpapakilala niya, napatingin pa ako kay Seraphim na ngayon ay seryoso na. S-She is a Dragon? That explains her strong aura! Kung sino man ang nagbigay ng pangalan sa kaniya, he or she must be so strong. Alam ng lahat na ang Dragon ay pumapangalawa sa malalakas na halimaw sa mundong 'to! She is really not an ordinary!

"S-So what brings you here? And where you came from?" I asked at pilit na hindi mautal but at the same time I was amaze. Hindi lang pala si Zora ang mukhang nakatakas sa pagiging anyong Dragon.

"I am an ally Queen Lara so don't feel like nervous. I'll go to the straight point, nandito ako para sabihing gusto ng pinuno namin na maging magka-alyansa ang bansa namin sa magiging bansa niyo. Pero hihintayin niya muna daw na maging isa na kayong ganap na malakas na bansa. It sounds so fast but my King knows you, and he found your place so interesting that's why he wanted to make an alliance with you." At sino namang hangal ang gagawa no'n kung hindi pa niya ako nakikilala ng lubos? At tiyaka bakit naman ako papayag eh hindi ko naman din kilala ang Hari nila? Ni hindi ko nga siya nakita! Sound interesting pero mukhang hindi ko na muna tatanggapin 'yang offer nila. At tiyaka, malayo pa para maging bansa ang lugar namin dahil wala pa kaming saktong kagamitan.

"Making an alliance is great, Queen Lara. Our country is strong and willing to fight with you. Kahit ako, hindi ko alam kung bakit ito ginagawa ng Hari namin at kung ano ang nakain niya dahil ni hindi man lang siya nagsasabi sa amin. Ni hindi nga siya lumalabas ng kastilyo kaya how did he find your place so interesting?" Aba'y nagtataka rin naman ako no! Siya nga na kakampi eh nagtataka, ano nalang ako na hindi ko sila kilala?

Nakarating na si Chirubim dala-dala ang kape at ibinigay ito kay Oceana. She drink it and stood up after, smiling sweetly to us after thanking Chirubim for the coffee.

"I'll come back here if this place is already a country. Trust me Queen, it's better to have an alliance to fight with you. This place is dangerous, pinag-aagawan ang lupaing ito ng kahit na sino dahil sa ganda ng lupa at mga puno rito. Kaya hindi na ako magtataka na hindi lang ang mga salamangkero na galing sa Roha ang aatake dito." H-How did she know that? At anong ibig niyang sabihin?

Magsasalita pa sana ako pero agad itong nagsalita ulit.

"Paalam sa inyo, hanggang sa muli Queen Lara." Huli niyang sabi hanggang sa maglaho na siya gamit ang kapangyarihan niyang tubig. She can teleport using her power who can obviously control water? Gaano ba talaga kalakas ang mga Dragon?

"Seraphim, ihanda na ang mga papeles dahil bukas na bukas din ay pupunta na ako kaagad sa Raja para makipagsundo. Kailangan na nating maging isang bansa para mas mapalakas ang kupunan natin." At nang malaman ko na kung sino ang Hari nila na gustong-gusto kaming maging kaalyansa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro