Chapter 12
Lara/Laros.
Kanina ko pa 'tong napapansin si Zora na tulala, hindi ko alam kung nami-miss niya ba ng kuweba niyang 'yon o baka may iba pa siyang iniisip? Pag-uwi kasi namin agad, hindi ko na siya nakausap pa dahil nga sa tadtad ako ng mga tanong ng Ruthven na 'yon at todo deny naman ako kaagad. He is blaming his self daw that's why I disappeared, sana daw ay hindi niya na sinabi sa akin na may nakita siyang Dragon. Psh! Kung hindi niya sinabi ay baka hindi ko malalaman na ganito pala kabait si Zora at tiyaka dagdag sa lakas namin kung may napakalakas na isang kinakatakutan na halimaw.
At ayaw ko kasi munang malaman ng lahat tungkol sa kaniya, ewan ko pero mas makakabuti muna kung walang nakakaalam sa pagiging Dragon niya. Pero I was so surprised nang malamang magkaibigan pala sila ni Medusa noong wala pa silang mga pangalan. Natuwa naman ako siyempre dahil sa wakas ay hindi lang ako ang makakaramdam ng bigat sa kaloob-looban ko dahil sa malaking sikreto. Hello! Baka ma-stress beauty ko! At tiyaka I know that I am a great actress for being so good in acting and lying pero nakaka-stress kasi si Ruthven na lageng tanong ng tanong! Mukhang tanga amp! And I am so tired of lying kaya nga kung kinakailangan ay iniiba ko ang usapan.
Actually I am not really fond of calling him monster dahil nga sa sobrang bait niya. Marami talagang taong hinuhusgahan daw siya, kinakatakutan at laging napag-iiwanan. Kasi naman, ang laki at nakakatakot naman talaga ang itsura niya kaya siguro gustong-gusto niya ng mabigyan ng pangalan dahil para makawala sa anyong Dragon niya.
I am here sa kwarto niya dito sa kastilyo, yep! I gave him one of the rooms here dahil wala lang! Mas gusto kong dito siya nakatira at least may makakausap ako dito. Si Medusa kasi ay lagi ng busy, wala ng oras sa pakikipag-usap sa akin! Hmm! Tatanda talaga siyang mag-isa! Si Ruthven naman, nandito din kwarto niya sa kastilyo pero ayoko siyang kausapin dahil naba-badtrip lang ako!
"Pumunta nga ako dito para makipag-usap, pero ilang minuto ka ng tulala diyan. Ano bang iniisip mo?" I curiously asked, tumingin siya sa akin at ngumiti lang ng matamis. His green short hair makes him more attractive, tiyaka ang body niya ay napaka-feminine like mine. Naaaliw nga din ako minsan dahil magkatulad kami ng kulay ng mga mata, nakakamangha din dahil para siyang babae kung kumilos! Baka bakla din siya diba? Hindi niya lang alam ata. Ang hinhin niya kasi, tapos innocent looking.
"Iniisip ko lang na totoo ba talaga ang lahat nang ito, Lara. Para kasing isang panaginip lang ang lahat, ang maging anyong-tao. Hindi na rin ako natatakot na makipagsalamuha sa iba at tiyaka labis din akong nagagalak dahil sa hindi na ako kinakatakutan kapag nakikita nila ako. Parang isang panaginip ang lahat, at kapag isang panaginip nga lang ito ay ayaw ko ng gumising pa." Ngumiti ako sa kaniya pabalik, ramdam na ramdam ko nga ang saya niya dahil sa the way siyang magsalita ay parang may spark akong nakikita sa mga mata niya. Napakahirap ng pinagdaanan niya, kaya pala ay hindi na siya lumalabas noon kasi nga takot siyang katakutan ng lahat. I am happy that he found his happiness and safe place now. And I think I have to thank Ruthven one of these days for telling me that there's such a creature.
"Gaga ka! This is not a dream but a reality! At tiyaka huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita sa crush mo. Teka nakita mo na ba crush mo? Diba sabi mo mukhang nandito siya?" He told me things like his crush at nandito daw siya. Hindi ko naman kilala kung sino dahil hindi niya naman sinasabi ang pangalan. Mukha kasi siyang nahihiya tiyaka kapag nakikita ko siyang nahihiya, nanlulumo talaga ako dahil sa ang ganda-ganda ng mukha niya!
"Oo nandito siya, pero mukhang hindi niya naman ako nakikita. Siguro may gusto na siyang iba, Lara. Ayaw ko namang pilitin ang sarili ko sa taong wala namang pagtingin sa akin. Siguro, nadala lang talaga ako dahil sa magandang pakikitungo niya sa mga kaibigan niya." Ano ba naman 'to! Susuko agad? Susuka pero hindi susuko jusko! Eh paano ko naman kasi siya tutulungan eh ni isang clue ay wala siyang sinabi. Ni hindi ko nga alam kung babae ba o lalaki ang gusto niya! Tiyaka ayoko naman siyang pangunahan noh! Maganda lang ako pero hindi ako manhid para hindi malaman na minsan ay hindi siya kumportable kapag pinag-uusapan ang mga tungkol sa crush crush na 'yan.
I just sighed and stood up.
"Hindi na kita pipilitin kung hindi mo sasabihin kung sino siya pero kung kaya mo pa naman, lumaban ka. Huwag kang sumuko kaagad, nandito kana oh! Magandang oportunidad 'to for you to confess your feelings. Siyempre hindi niya naman agad 'yon matatanggap dahil baka nga hindi ka pa niya kilala and remember? You are still new here. Baka hindi ka lang niya nakikita dahil sa baka nahihiya rin siya katulad mo. It's better to take risk than doing nothing, Zora. Ikaw rin naman kasi ang magsisisi sa kahuli-hulihan." Makahulugan kong sabi, hayst!
Nagsisi nga ako no'ng hindi ko na-confess 'yong feelings ko sa crush kong lalaki sa mundo ng mga ordinaryong tao! Hanggang sa tingin lang talaga ako tiyaka masaya rin ako kapag ngumingiti siya kahit hindi ako ang dahilan. Masaya ako na masaya siya kapag kasama niya kaibigan niya. Masaya rin ako na kahit alam kong wala akong pag-asa ay nakukuha ko pa ring ngumiti dahil sa isa siya sa mga masayahin at mabait na tao. Tiyaka ayokong sirain 'yong imahe niya, baka kasi asarin siya na may tulad kong nagkakandarapa sa kaniya. Ayokong mawala ang ngiti sa mga labi ng lalaking 'yon eh! Namatay nalang ako na hindi naamin ang gusto kong sabihin sa kaniya! Namatay nalang ako sa mundong 'yon na hindi man lang na amin ang pag-ibig ko sa kaniya.
Pumunta kaya siya sa burol ko?
"Eh ikaw, Lara? Tinanggap mo na ba ang pag-ibig ni Ruthven? Pansin ko talaga na malaki ang pagkakagusto niya sa'yo, baka nga mahal ka na nga no'n diba? Minsan nga tinitignan ako ng masama no'n kapag magkasama tayo. Nakakatuwa dahil nagseselos siya sa akin eh wala naman akong gusto sa'yo. Hindi ako nagkakagusto sa mga maaasim." Sinamaan ko naman siya kaagad dahil sa huli niyang sinabi. Minsan talaga gusto kong tahimik lang siya. Minsan kasi kapag ganito, 'yong mga biro niya ay nakakainis na tatagos talaga sa'yo kahit minsan lang siya magbiro. Natawa siya sa ekspresiyon ko kaya umirap nalang ako.
"We're different, Zora. Nasa stage na ako na gusto at mahal ko din siya but I still don't know kung ano ang pumipigil sa akin to accept his love. I think it is because the deal that we had? 'Yong deal na 'yon ay napakahirap gawin pero masaya naman ako. 'Yong deal na hindi na namin kailangan pang alamin kung ano ang nakaraan namin at kung saan talaga kami galing. I am willing to tell him about my past, my worries, my memories and my curiosity about him but he just can't do the same thing. And I am not comfortable! Pinapakita ko lang sa kaniya na masaya ako kapag kasama ko siya pero nalulungkot sa katotohanan na mahal ko siya pero hindi ko pa siya lubos na kilala. Wala akong napaghahawakan galing sa kaniya na kapag tatanggapin ko ang pag-ibig niya, ay magiging masaya kami." I explained to him.
Napakahirap kasi na mahal mo ang isang tao pero hindi mo siya kilala. It is like falling in love with a stranger, you just know his name but you don't know his true self. You don't know where he came from, what he likes and what he doesn't likes, his parents' names or even friends! Mahirap! Mahirap magtiwala sa lalaking hindi mo naman kilala maliban lang sa pangalan niya. Yes he proved himself that he really loves me, that he cares for me but is it enough? Enough na ba 'yon para tanggapin ko ang pagmamahal niya?
"That's why kilalanin mo muna 'yang gusto mo Zora. Huwag ka munang sumuko, mahalin mo siya hindi lang dahil sa anong nakikita mo lang. Mahalin mo kung saan siya galing, kung ano ang gusto at hindi niya gusto, mahalin mo kung ano ang kaya at hindi niya kayang gawin at mahalin mo kung sino talaga siya. Huwag kang gumaya sa akin na masaya dahil lang sa nandiyan siya. Huwag kang gumaya sa akin na nagagawang maging masaya kahit walang kaalam-alam sa lalaking gusto niya." Litaniya ko. He stood up and gave me a comfortable hug, I smiled and hugged him back. Ngayon nalang ako nagkaroon ng kaibigan na all ears talaga habang nakikinig. I smiled widely and tighten the hug, I suddenly miss hugging my younger siblings. 'Yong yayakapin nalang nila ako bigla kapag nakikita nila akong umiiyak dahil sa mga sermon ng mga magulang namin. They'll tap my back and whispering something that can make me laugh just to kill the sadness that I am feeling.
I miss them so much.
********
"Kailangan na nating makipagsundo sa mga taga Raja, Queen Lara. Mas mapapadali ang lahat ng trabaho natin sa pangalawang lungsod kung magkakaroon tayo ng mga bagong kagamitan." Medusa said. Tama, mas mapapadali kung may isa pang bansa ang makikipag-trade sa amin.
Nandito kami ngayon sa meeting hall ng kastilyo, may mahaba ding lamesa sa pagitan naming lahat na gawa sa matigas na kahoy, mga upuan na gawa rin sa kahoy at sa chandelier na gawa sa ginto na nagbibigay sa amin ngayon ng napakaliwanag na ilaw. Malaki ang space dito at bawat corner ay may mga malalaking vase na naka-display. Walang bintana, just a door. It is to prevent chaos kapag may nakarinig sa kung ano ang pag-uusapan namin dito sa loob.
Kumpleto lahat na mga lider, kasama na rin dito sina Seraphim at Luna tiyaka si Zora. Hindi rin nagpahuli si Ruthven, siyempre eh lagi sa akin nakabunto't 'yan! Napapansin ko nga na minsan masama ang tingin niya kay Zora pero ang Zora ay nakangiti lang kaya mas lalong naaasar si Vampire boy. Napailing nalang ako, alam ko kasing kinikilatis ni Ruthven ng maigi si Zora para malaman kung sino siya o di kaya kung ano ang lahi niya at saan siya galing.
"Mukhang babagal muna ang pagpapatayo ng pangalawang lungsod, Queen Lara. Hindi na sapat ang kagamitan at tiyaka wala pang bagong gamit ang mga taga Roha. Kaya kung maaari, kailangan na talaga natin makipagkasundo sa mga taga Raja." Sol added. Mukhang lacking na kami sa mga gamit ah?
Pero natutuwa ako kahit papaano dahil kina-career na din nila ang pagtawag sa akin ng Queen. Maybe Seraphim told them what should they call me.
"Tell the sewers that please continue making gorgeous clothes and increase its original price. Also please make more wine and hunt lots of boars and other wild animals that can produce great meat. Huwag niyo munang galawin ang sa farm natin, gatasan niyo lang muna ang mga baka at kalabaw na nandoon and then put it on the trading system. And don't worry, maybe next week or two ay ako mismo ang pupunta sa Raja to make a contract with them." Mahabang sabi ko.
"Is it okay to you, Queen? Mapapagod ka at tiyaka kaya naman namin na kami na ang gumawa ng kontrata sa kanila." Looks like Seraphim is concern but I just smiled to her.
"Huwag kayong mag-alala, kaya ko naman at tiyaka gusto ko na ring lumabas-labas muna dahil nakakasawa na rin ang mga mukha niyo dito. And maybe mas malaki ang chance na makipag-trade sila sa atin kapag ang magandang pinuno na ang pupunta diba?" Natatawa kong sabi sa kanila, they just shook their heads while smiling.
"Pero malayo-layo ang Raja kumpara sa Roha, Queen. Tatlong linggo o isang buwan bago ka makapunta doon." Arakiel.
"Nandito naman ako para personal na maghatid sa kaniya." Malamig na turan ni Nyctimus. Kailan ba mababago ang ekspresiyon niyang 'yan? Hindi ba siya nagsasawa?
"Tama, mas mapapadali kung si Nyctimus na ang maghahatid. Mas mapapabilis ang pagdating ni Queen Lara sa Raja." Medusa agreed. Tama, Werewolf is fast so is he.
"No, I am faster. And I'll be with him so let me do the job." Inis ko namang tinignan si Ruthven. Hinding-hindi talaga siya titigil! Hinding-hindi din siya nagpapatalo! Tiyaka anong gagawin niya? Papasanin niya ako sa likuran niya hanggang sa makapunta kami do'n? Nyctimus can do the job dahil pwede naman siyang sakyan!
"May alam ako na daan para makapunta ng mabilis sa Raja." Zora butt in, napatingin naman kaming lahat sa kaniya at mukhang natigilan pa ito dahil sa inakto naming. Napansin ko ang pamumula ng mukha niya at napayuko ng bahagya, ay nahihiya si ate niyo!
"K-Kung gusto niyo lang naman dumaan d-do'n." Maliit na boses na sabi nito. And I suddenly remember his cave! Tama! Sa dulo no'n ay may paraiso akong nakita and he told me one time na isa 'yon sa mga daan kung saan mas mabilis ang pagpunta mo sa Raja! Jackpot!
"Ilang araw ka bago makakapunta sa Raja kapag diyan dadaan?" Medusa asked. Nagpe-pretend din 'yan na para bang bago lang din sila magkakilala but little did they know na kilalang-kilala na pala nila ang isa't-isa noon pa man na wala pa silang pangalan.
"Siguro isang linggo nalang k-kapag si Nyctimus ang sasama. Kung ordinaryong paglalakad, isang linggo at isang araw bago ka makarating sa bansa ng Raja." He explained na siyang ikinalaki ng mga mata ko. That fast? Then that's great!
"So I'll go with Nyctimus para agad kami-"
"No Lara! I'll be the one who will take you in Raja." Object kaagad ni Ruthven! Hay nako!
"Ayos naman ata sa'yo Nyctimus diba? Wala namang problema kung ako ang maghahatid sa kaniya?" Maangas na tanong ni Ruthven pero tinignan lang siya ni Nyctimus na parang bored na bored. Hindi siya sumagot kaya ngumiti nalang si Ruthven as if he just won something so precious.
But I shook my head that made him frowned. I don't want him to occupied my mind when I'm working there at tiyaka ayoko muna siyang makita dahil nakakaumay na ang pagmumukha niya.
"Oh come on, Lara! Please!" He begged but I still shook my head. Akmang magsasalita na sana siya ulit pero tinaasan ko lang ito ng kilay na siyang ikina-pout nalang ng bibig niya. Napansin ko pa ang iba na napangiwi dahil sa inakto nito. Hindi kasi bagay sa kaniya!
"Hindi ka sasama sa akin Ruthven dahil baka kung ano lang ang gagawin mo do'n. Tutal mukhang ayaw mong si Nyctimus ang maghatid sa akin then I think I'll bring Zora with me. Tutal he wants to work, I'll bring him with me in Raja at kasama ko siyang gagawin ang kontrata. And mas alam niya ang daan kaysa sa inyo." Mukhang aangal pa siya but I stopped him by just raising my right eyebrow.
"No complaints, I really hate repeating myself. That's final." And he's down. Nalungkot ang mukha niya na parang natalo sa isang paligsahan. Napailing nalang ako. He looks like a puppy who wants a dog food.
"Medusa just give me the papers that need to be signed for making the contract, Luna give me the papers for the new trading system and Seraphim please give me the list kung anong kakailanganin natin sa lungsod. Ibigay niyo sa akin before the day na aalis kami ni Zora." They all nodded in unison. Pansin ko na namang nakatingin si Ruthven kay Zora na may inis sa ekspresiyon pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang sa pagsasalita.
"Sol, I want you to tell your workers to stop muna sa pagtatrabaho habang hindi pa ako nakakauwi. Nyctimus please strengthen your security at damihan ang pagbabantay sa labas ng lungsod. Arakiel, strengthen the barrier of our town okay? Kaya niyo naman 'yon diba?" They also nodded in unison, I smiled. Napatingin ako kay Ruthven na parang bata na nagtatampo.
"Ruthven." Agad siyang napatingin sa akin na may ngiti sa labi, I think he is expecting na isasama ko siya pero no! Baka hindi ako makapag-concentrate do'n dahil sa kaniya! Hindi dahil sa baka kung anong gawin niyang kabalastugan pero baka kasi hindi ako makapag-concentrate dahil nga sa kikiligin lang ako doon dahil sa kaniya!
"I need you to act as the King while I am not around. And that will be your job, clear?" Kahit napipilitan man ay tumango ito ng hinay-hinay still may lungkot parin sa mukha niya. Napabuntong-hininga nalang ako at lumapit sa kaniya, walang pagdadalawang-isip na hinalikan siya sa labi ng walang pag-aalinlangan sa harapan ng lahat. Mabilis lang 'yon ah pero gulat na gulat si Ruthven sa ginawa ko. Alam niya kasing hindi ako clingy kapag may ibang nanunuod, so I gave him assurance na siya lang kahit sino pang lalaki ang kasama ko. See? Ginawa ko ang bagay na alam niyang hindi ko talaga nakakayang gawin.
Tumikhim pa si Medusa pero ngumiti nalang ako and adjourned the meeting.
*********
Zora.
Napangiti ako nang masaksihan ang paghalik ni Lara kay Ruthven. Mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa at naiintindihan ko kung bakit hindi pa rin sinasagot ni Lara ang lalaki. Tama siya, hindi sapat na kilala mo lang ang pangalan niya. Dapat kilalanin muna ang lahat-lahat bago magdesisyon para walang pagsisisi sa huli. Tama si Lara, hindi muna dapat ako sumuko.
Pagkalabas ko sa kwarto kung saan kami nag-usap-usap ay agad kong napansin ang mukha ng isang nilalang na maaliwalas na nakabantay ngayon sa malaking pintuan. Agad bumilis ang tibok ng puso ko kahit wala pa siyang ginagawa. Kung hindi lang talaga siya ganiyan kung umakto ay baka napag-isipan ko nang makipagkaibigan sa kaniya. Baka noong una palang ay lumapit na ako sa kaniya para makipagkilala ng maayos.
Napalingon siya sa direksiyon ko kaya agad akong kinabahan, kunot noo niya akong tinignan sa mga mata pero tumango lang siya na ikinainit ng mukha ko. Hinintay ko talagang lumabas ang iba at sinadyang nagpahuli, pero agad din akong nadismaya nang hindi man lang siya ulit tumingin sa direksiyon ko.
"Napakalapit mo na pero tila parang ang layo-layo mo paring abutin." Bulong ko. Bagsak ang balikat akong lumabas ng tuluyan sa kastilyo. Gusto kong lumabas para magpahangin, hindi pa naman kasi ako inaantok kahit ang malaking buwan ay gustong-gusto na akong patulugin.
"Saan ka pupunta? Diba nasa loob ang kwarto mo?" Agad akong nagulat dahil sa pamilyar na boses. Hinay-hinay akong lumingon sa likuran at bumulaga sa akin ngayon ang seryoso niyang ekspresiyon. Kinikilatis niya ang buo kong imahe, hinuhula siguro kung saan ako papatungo.
Kinakabahan man dahil sa ekspresiyon niya ngayon, mas matimbang ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Nakakahiya dahil napakalapit niya sa akin kaya agad din naman akong napahakbang ng kaunti. At ngayon ko lang din na napagtanto, ito pala ang nilalang na tinitibok ng puso ko.
Ang lalaking nagpatibok ng halimaw kong puso..
"M-Magpapahangin lang sana ako." Utal kong sabi na ikinapikit ko nalang. Sana hindi niya ako mahalata na gusto ko siya! Na hindi ako kumportable kapag nasa malapit siya!
"Siguraduhin mo lang dahil baka mapaano ka na hindi namin nalalaman." Agad akong natigilan dahil sa sinabi niya. Nag-aalala ba siya sa akin?
"Ayokong matulad ka kay Reyna Lara na bigla nalang nawala na hindi namin nalalaman. Kaya pinag-igihan na namin ang trabaho namin para sa ikabubuti ng lungsod at ng Reyna at nang wala na ding mapahamak ulit. At tiyaka salamat pala dahil niligtas mo ang pinakamamahal naming pinuno at inuwing walang kahit na anong sugat. Paumanhin na din kung ngayon lang ako nakapagpasalamat sa iyo." Namangha ako dahil iyon na ata ang pinakamahabang sinabi niya mula no'ng tumira ako dito.
Nanlumo naman ako dahil sa sinabi niya, hindi lang pala sa akin siya nag-aalala kundi para sa lahat. Ano bang aasahan ko? Pero ayos lang kasi nalaman ko ngayon na mabuti din pala talaga ang puso niya taliwas sa malamig nitong ekspresiyon sa lahat. Ngumiti na lang ako ng matamis sa kaniya at pinong tumango.
"S-Salamat din dahil nalaman kong mabuti ang puso mo, Nyctimus."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro