Chapter 10
Laros/Lara.
I stared into nothingness, wondering how much longer I could protect my loved ones. Can I handle it? Can I protect them all? Can I be strong in front of them? What if I can't? What if it gets to the point where I really can't be strong in front of them? I sighed, I am now overthinking things after knowing na may paparating na naman na delubyo.
From here in the window, I am watching how the day is just so ordinary where the sun is smiling at me. Along with the wind, the flowers and trees seems love to dance and get along with the tweets of the birds assuming it's a beautiful song. Not until that Dragon thingy occupied my mind the whole fuckin' day!
What is the feeling of being a bird?
Is it good to be a bird? Flying freely thinking and doing nothing but just to eat and fly? Or is it good to be a flower instead? Waiting for the right time I'll die because of being dry but still looking beautiful? Or is it good to be a tree? Waiting for the others to take my life and use it for something useful? I am so damn confuse! Stress na stress talaga ang beauty ko dahil sa nalaman! What if it attack us without us knowing at wala kaming paraan para mapuksa 'yon? I think making the Dragon to be with us is so impossible to happen! Napakalabo!
"You're thinking too much, my Queen." Napalingon ako kay Ruthven na ngayo'y nag-aalala ng nakatingin sa akin. I could see the worry in his eyes as he looked at me.
"Hindi ko maiwasan Ruthven, lalo na't Dragon ang pinag-uusapan. Jusko, iniisip ko palang ay natatakot nako. I didn't know how it looks like!" I uttered.
We are here now in my room in the castle and they are right because the equipment here is almost all made of gold. The walls, floor and even the chandelier are all made of gold! Nakakamangha nga eh pero hindi ako sanay. But I think I'll use to it pagtagal.
Well, I was thinking things nang pumasok siya sa loob without knocking. I already know that it was him kahit nakatalikod ako, I even heard him calling my name but I didn't give a care because of that damn Dragon! Syempre malaki 'yon! Dragon nga eh! Hindi ko lang talaga alam kung paano gagawa ng paraan para maging kakampi siya namin!
"We can make a plan and he certainly doesn't look that dangerous. If he is, then Nyctimus could sense it." Tama siya, ni walang report sa akin ang taong-lobo na 'yon na may kakaiba na pala sa paligid. Pero wala ring report si Arakiel na siya ang tagabantay sa itaas, hindi niya ba nakikita ang Dragon na 'yon?
"Ano ba kasi itsura niya?" I curiously asked. He sighed.
"The feet and hands are big, the wings are also huge but they are not made of fire. I guess he is not a Fire Dragon, his body is big and looks strong, parang hindi madaling saktan at masugatan. There are also large thorns on his back that give him protection so that he cannot be easily attacked. His face is monstrous, has sharp long teeth, with green devil snake eyes and his scale color is like a dirty green with the touch of brown color." He described. Jesus! Monstrous? With devil green snake eyes? Big foot? Huge wings? He is literally big!
Napabuntong-hininga nalang ako at napahiga sa malambot na kama, it has a comfortable water bed foam na siyang ikinaaliw ko dahil it is very relaxing sa likuran ko. I can sleep comfortably and at peace! Pero walang peace muna ngayon dahil sa malaking problemang iniisip ko! Yes, very malaking problema!
"I'm tired, Ruthven. Can you go out muna? Matutulog lang ako and I'll discuss with you kapag may naisip na akong plano how to take down the Dragon. Tama ka, siguro hindi naman ito delikado dahil hindi pa naman naaamoy ni Nyctimus. Pero hindi na natin hihintayin pa na umabot sa punto na 'yon." I seriously said, he nodded and stood up. He smiled sweetly to me.
"Rest well, my Queen. Aalis na ako, tawagin mo nalang ako kapag gusto mo na akong makita." I rolled my eyes of what he said. Hindi niya talaga kaya na hindi lagyan ng kabalastugan ang mga salita na lumalabas sa bibig niya! Unti-unti na talaga akong nasasanay na nag-iba na nga talaga siya.
He went out na siyang ikinabuntong-hininga ko. I was just lying to him that I'll go to sleep but I can't! Obviously ay dahil sa Dragon na pinag-uusapan namin. Of what I've heard, the Dragon is probably not a fire type. Its scales' color is dirty green with the touch of brown. If I am not mistaken, it's a nature type of Dragon that loves to live in nature. Dahil kung isa talaga siyang Fire Dragon, pwede naman siyang tumira kung saan maraming nakikitang lava na hindi siya nadidisturbo. Underground or volcanoes maybe? Sino bang Fire Dragon ang hindi gugustuhin ang makatabi palagi ang apoy?
I am hoping that he is not dangerous, dahil kapag isa siya sa katatakutan namin then I have no choice but to kill it. If hindi siya madadala sa magandang usapan, I'll take over and swallow him with my great power. I think I can do that, right?
Nagmadali akong magbihis ng komportableng damit, I wore a newly made of Amahiya clothes where it wraps my upper body and head to hide my long hair. It is a printed kind of clothes that made of Elves reveals the nature of our spirit guides. Well that's their beliefs, the others are different. In my lower, I just wore a square blankets para mas mabilis isuot at sa paghubad. Wala namang manyak dito maliban nalang sa bampira na 'yon!
Bumaba ako to sneak out and I almost cursed na may bantay palang mga Werewolf sa malaking pintuan but what is the use of my power if I can't escape from here that easily? Para naman akong preso nito na gustong tumakas! But I just can't tell them kung saan ako pupunta, not now at least. Ayoko silang mapahamak sa gagawin ko, ayokong malaman nila na pupuntahan ko 'yong Dragon na 'yon to have a talk! As if I can talk to that wild monster without being scared!
"Aoratos." I whispered. Kasabay noon ang pagiging invisible ng buo kong katawan na siyang ikinangiti ko ng malala. I learned this to those Magicians na nilamon ng kapangyarihan ko, it's like I learned magic spells without actually learning it. How magical isn't it? Para bang kusa ko siyang naiisip hanggang sa nababanggit ko nalang.
Nakalabas ako kaagad ng kastilyo na walang kahirap-hirap na may ngiti sa mga labi ko. It is not that I don't trust them, I just don't want them to get involve again.
Kitang-kita ko kung gaano ka busy ang lahat sa pagtatrabaho. All of the workers are doing their assigned task, may iilan din akong nakikitang napapagod na pero kinakaya parin. Napangiti nalang ako, they are all hardworking! Nakita ko si Nyctimus na gina-guide ang ibang taong-lobo kung saan dapat ang bantayan, si Arakiel naman na nakaalalay ngayon kay Seraphim na binubuhat ang mga papeles na hindi naman ganoon kabigat. Si Medusa ay striktang nakatingin sa mga papeles niya sa lamesa na nakalagay halos sa gitna ng fountain. Natawa nalang ako dahil inip na inip na si Ruthven habang nakapayong siya sa babae. Pft! Kita ang inis sa buong mukha niya, ano kaya ang sinabi sa kaniya ni Medusa? Nagawa niya pa itong pagpayungin siya na halatang ayaw na ayaw ng kumag? Natawa nalang ako.
I think Sol is in the other land kung saan itatayo ang pangalawang lungsod. Of course, he is the leader of the workers who build houses and buildings.
"I'll visit the other land, I heard na mabilis ang pagtatrabaho do'n. I'll check if pwede na ba nating pagtayuan ng mga establisyemento. Kayo na muna bahala rito, I have to go." I am so amaze how Luna doing her best for the Mystic Emerald, nakakaaliw ang katalinuhan niya. But until now, I still don't know what she can do or her power is.
Ilang minuto ay nakalabas na ako ng tuluyan sa Mystic Emerald, nakita ko pa sa bandang puwesto ko ngayon ang pagtatrabaho sa isa pang lungsod. They working so fast, siguro a month or two ay agad nang matatapos ang pangalawang lungsod. I can't wait that to happen!
Tumakbo ako papalayo sa lungsod, nang makitang malayo-layo na ako ay agad akong tumigil at huminga ng malalim. As far as I know, malapit-lapit lang din daw sa Mystic Emerald ang nasabing halimaw na sinasabi ni Ruthven. I hope it's true, I hope hindi nagsisinungaling si Ruthven dahil baka masapak ko talaga siya kapag nagsasabi lang siya ng kagaguhan!
********
It's been an hour pero hindi ko parin nahahagilap ang Dragon na sinasabi ni Ruthven! Meron ba talaga? Tangina kapag ako talaga niloko lang no'n ah! Papaalisin ko talaga siya sa lungsod! Pero teka, kaya ko ba? Kaya ko bang mawala siya sa piling ko? Awow! Nagbabading-badingan na naman ang kaluluwa ko!
Akmang uupo na sana ako nang may napansin akong kuweba hindi gaano kalayo sa kinapupuwestuhan ko. Pinasingkit ko pa mga mata ko para makita talaga kung ano ito but I am right! It is a cave, hindi kaya diyan nagtatago ang Dragon?
Kahit natatakot, lumapit ako ng lumapit hanggang sa nasa naharapan na ako nito. Napakalaking kuweba nga naman! Bakit walang nakapagsabi sa akin na may malaki palang kuweba dito? Tantiya ko ay hindi nga gaano ito kalayo pero, malayo-layo na rin ang nilakad ko! Ano ba ang definition nila ng malayo? Nag-expect ako na malapit na malapit lang talaga dito pero isang oras na ata ang lumipas!
"Papasok ba ako?" Bulong ko sa sarili ko at sabay napalunok. Is it a good idea na ako lang ang pumunta dito? Sana pala sinama ko nalang ang isa sa mga lider ko eh! Oh di kaya si Ruthven tutal siya naman talaga ang nakakaalam simula palang! Buysit! Hindi man lang talaga ako nakapag-isip ng maayos! Eh sa gusto ko ngang huwag silang abalahin! Ayokong mag-panic sila dahil nga sa Dragon na ang pinag-uusapan at mukhang nakatira nga siya dito!
"Bahala na!" I mumbled and a fire appeared in my right palm na siyang ginawa ko bilang ilaw. Pumasok ako sa napakadilim na kuweba na may lakas na loob. Saan ko yata nakuha ang malakas na loob kong 'to? Kahit takot na takot talaga ay mas pinili kong pumasok! I noticed na may mga marka ng mga kuko ang bawat walls pati ang mga malalaki na bato sa gilid. Napalunok tuloy ako dahil sa sobrang takot na baka dukutin ako ng malaking kamay nito!
What if I'll go home na? Baka kasi kainin ako bigla ng Dragon na hindi ko nalalaman! Nakakatakot! Ay ewan! Bahala na, kung ano mang mangyari sa akin dito ay 'yon na ata ang oras ko. Tutal na kaya na nilang magpatayo ng lungsod do'n sa lupain namin, kaya, kaya na nila ang mga sarili nila. Pero joke lang! Gusto kong mabuhay no! Ayokong madeds at iwan ang mga beautiful bones ko dito with the Dragon. Hayst, sana pala hindi na ako nakipagkita kay Ruthven. Isa palang bad news sasabihin! Akala ko naman kasi ay manliligaw o di kaya mag-aaya ng date. Psh, bad news na bad news amp!
Stress na hinawakan ko ang ulo ko na kung saan covered ng printed na tela, I just love this outfit. Hindi ko alam kung paano nila 'to ginawa.
Hinay-hinay lang akong naglalakad. Nanginginig na talaga mga binti ko dahil sa mga lumilipad na mga nilalang sa itaas. Kung nasa human world lang talaga ako, mapagkakamalan kong mga paniki lang 'yon pero hello? Nasa ibang mundo ako! Baka nga mga nangangain 'yon ng maganda at sexy na katawan eh!
Ilang saglit ay bigla nalang akong nakarinig ng malakas na malakas na palahaw galing sa hindi ko alam kung anong klaseng nilalang 'yon. Natumba ako dahil sa takot at gulat, I was flabbergasted because of the loud roar! Sobrang lakas na halos ikabingi ko na talaga dahil sa napakalapit lang nito, the fire in my palm ay namatay but gumawa ulit ako ng mas malaking apoy and it almost lightens the whole surroundings but I regret it.
Fuck! Fuck! I fucking regret it!
"Wah!" Napakalakas na sigaw ko dahil sa nakikita ko ngayon! If it's not because of the light of my fire? Hinding-hindi ko makikita ang napakalaki at nakakatakot na mukha na nasa harapan ko ngayon. It has monstrous face! Nakakatakot! Sobrang nakakatakot! 'Yong m-mukha niya ay parang skin ng crocodile! His nose holes ay sinlaki na ata ng ulo ko and his eyes! His devil green snake eyes! Geez! Totoo nga! Totoo ang sinabi ni Ruthven na may Dragon! I am now seeing a fucking monstrous Dragon!
Katapusan ko na ba? Am I really going to die here? Shet!
"Wah!" Sigaw ko ulit, hindi ako makaatras dahil sa seryoso nitong mga matang nakatingin sa akin. Maling hakbang ko lang talaga ay alam kong kakainin na niya ako ng buo. Kung tutuusin ay parang isa lang akong candy na kaya niyang lunukin agad dahil sa sobrang laki ng bibig niya. Even its mouth is close, kitang-kita ko parin ang mga ngipin niyang mahahaba at matutulis! It is fucking scary! I wanna run! Gusto kong tumakbo! Pero hindi ko kayang humakbang, my feet is stuck!
Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako at isa-isa nalang lumitaw ang mga alaala na kasama ang pamilya ko, my Mom and Dad at ang mga kapatid ko. Mga memories namin na magkasama kahit saling pusa lang ako, 'yong araw na nakagat ng ahas ang brother ko at ang mga araw na kung saan humahagulhol ako sa iyak dahil sa palagi akong pinapagalitan ng mga magulang namin. Time na mag-isa lang ako while my parents busy doing their businesses and making money, tiyaka mga time na kinakamusta lang ako kapag ayos ba ang pagkakabantay ko sa mga kapatid ko. And a memory came out, mga time na sinusundan ko ng palihim ang crush na crush ko na siyang naging memorable sa akin. Masaya na ako kapag nakikita ko siyang nakangiti kahit hindi ako ang dahilan, siyempre mahirap dahil bakla ako at straight guy siya. Agad ding nagpop-out 'yong time na nagkita kami ni Medusa, ang araw kung saan pinangalanan ko ang lahat ng duwende at taong-lobo, ang pagligtas ko sa mga anghel at ang mga halik ni Ruthven. Naalala ko rin bigla ang pagkabuo ng lungsod namin, paglakas ng samahan namin at ang pagse-celebrate namin dahil sa bagong achievement and that was the castle.
Ganitong-ganito din ang naramdaman ko nang mawalan ako ng buhay sa mundo ng mga ordinaryong tao. It was painful, 'yong tipong patay kana pero naririnig mo parin ang iyak ng mga kapatid mo? 'Yong naririnig mo ang mga salitang hindi mo ma-e-expect na lalabas sa mga bunganga ng mga magulang ko. That they regret for not loving me as their own..
Nasa huli na talaga ang pagsisisi noh?
"Huwag kang umiyak, hindi naman kita sasaktan." Agad akong nagulat dahil sa biglaang pagsalita nito, he is not moving his mouth but I guess he is talking using his mind. Can he read my mind too? I hope not. Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko sa mgkabilang pisngi at huminga ng malalim.
"Y-You talk through mind?" He nodded his big head na siyang ikinaatras ko, I heard he laugh.
"Hindi naman kita kakainin eh kaya huwag kang matakot at umiyak. Hindi ako kumakain ng mga maaasim. Ang Dragon na'to, hindi kumakain ng mga hindi masarap." Aba gago to ah!
I awkwardly chuckled, I can't still believe that, that Dragon is now talking to me. Its voice is a he, lalaki ang Dragon na 'to!
"Biro lang. Pero sa totoo lang, matagal na kitang hinihintay na pumunta dito. Matagal na akong naghihintay dito para mabisita mo, Lara." I was shocked when he already knows my name, and at the same time ay confused dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Taka ko siyang tinignan pero napalihis din kaagad ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tignan sa malapitan talaga. He is scary kahit napaka-approachable niyang halimaw. He sounds friendly naman.
"A-Anong ibig mong sabihin na matagal ka ng naghihintay?" I gently asked. He nodded again nang tumingin ako saglit and I am not really use to it.
"Galing dito ay rinig na rinig ko ang pangalan mo at ang kakayahan mo. Malakas ka at nakaya mong pangalanan ang mga malalakas na nilalang at halimaw katulad ng isang anghel at Serpentes. Katulad ng Serpentes, nakaya niya ng maging anyong tao pagkatapos mo siyang pangalanan kaya agad akong gumawa ng paraan para maging katulad niya. Lumabas ako para magpakita at nagdarasal na mapangalanan ng kung sinumang nilalang pero natatakot lang sila sa akin. Lara, walang nagtatangkang pangalanan ako maliban sa rason na natatakot sila. Walang nagtatangka dahil malakas ang enerhiyang mababawasan sa isang nilalang kapag ginawa nila 'yon, o 'di kaya ay hahantung sila sa kamatayan. Alam mong pangalawa ang lahi namin sa pinakamalakas na halimaw sa mundong 'to, Lara." He explained, I am still confused and still not getting his point. I remained silent and wanted to hear more from him, kaya nilabanan ko ang takot ko habang nakatingin sa kaniya.
"Tulad nito, takot ka sa akin dahil sa itsura ko kahit alam kong nilalabanan mo lang ang kaba sa dibdib mo. Kaya ang rason kung bakit ako naghihintay sa'yo ay baka ikaw na nga ang tamang nilalang na magpapangalan sa akin. At ito na rin ang tamang oras na kaya ko na ring maging anyong tao na hindi kinakatakutan ng lahat." He sounds so excited but I can still differentiate his excitement voice from his sad voice.
"P-Pero nanggaling na din sa'yo na puwede akong mamatay sapagkat malakas ang kapangyarihan mo. What if ako ang madeds? Edi hindi ko na nahalikan ulit 'yong bampira na 'yon!" Hindi ko napigilang sigaw sa kaniya but he just laugh. Shoot! Did I just said that?
"Alam kong kaya mo, napangalanan mo nga ang tatlong anghel na pumapangalawa sa pinakamalakas na nilalang sa mundong Maria eh. Tatlo ah? Tapos pinangalanan mo pa 'yong Serpentes na si Medusa na pumapangatlo sa amin." He's right but I don't know if I can do it. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang pangalanan. Is this the way na pwede siyang maging kakampi namin? Kapag nagawa ko 'yon, magiging mas malakas ang kupunan namin! Is this the only way? Ayoko rin naman siyang patayin, ayoko rin namang lamunin siya ng kapangyarihan ko.
But what if I can't make it? What if I'll die giving him a name? What if he'll vacuum all the powers and strength inside my body?
I sighed deeply at matapang na hinarap ang Dragon. I don't have a choice but to take risk! It's for my comrades' good! I want to save them! I want them to feel safe and secured!
"If I'll name you, can you be my comrade? Mangangako ka bang maging kakampi ko at gagawin mo ang lahat para iligtas ako kapalit ng pagpapangalan ko sa'yo? But if I'll die giving you a name, c-can you promise me to bring my whole body to my place? I-I want them to see my face before they bury me. And please if I die, don't hurt my friends. I am doing this because of them to be safe and secured." Matapang kong sabi. He nodded his big head for the third times again.
"Sa pagpapangalan mo pa lang sa akin ay sa'yo na mapupunta ang katapatan ko. Magiging utang na loob ko ito at gagawin ko rin ang lahat para lang maging ligtas ka. Utang ko ang magiging panibagong buhay ko, Lara. At huwag kang masiyadong mag-alala, mabubuhay ka dahil alam kong malakas ka. Mabubuhay ka, Lara." Makahulugan niyang sabi kaya napangiti ako, I am now confident that he can be my comrade. I am now confident that he won't hurt my friends if I'll die.
"Why do you want to learn how to transform into a human being by the way? Bakit gustong-gusto mong maging anyong-tao? Malakas ka sa anyong 'to, malakas na malakas. Alam ko din namang mas lalakas ka pa kapag ibabahagi ko sa'yo ang kapangyarihan ko. But why do you want to choose to be lowkey instead? Ayaw mo na bang matawag na isang Dragon and to be praised?" I curiously asked. I don't know but I think I saw his lips curved into a smile.
"Hindi sa ayaw ko na maging isang Dragon, kaya ko pa namang bumalik sa dati kong anyo dahil isa na 'yon sa kapangyarihan namin na bumalik sa dati kapag napangalanan na kami. Pero gusto kong makita ang taong gusto ko sa pagiging anyong-tao, Lara. Katulad mo, gusto ko na ring mahalikan ang taong nagpatibok nitong halimaw kong puso. Pero magagawa ko lang 'yon kapag nasa anyong normal ako." I smiled.
Anything will be done when it comes to love. We poured everything just to be with the person we love. His love is unmeasurable.
I extended my left hand to him and it glowed so brightly, until I gradually felt my body starting to weaken. I hope I won't die doing this, because I still want to see the morning sun again. I still want to sniff the nature's air and my friends' food. I still want to see my friends' smile again. And I still want to feel his kisses again...
And everything just went black.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro