Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Nagtataka kong nilibot ang mga mata ko sa kapaligiran, if it is not because of the glowing gold mines ay siguradong napakadilim sa kuweba na'to. Literal na napakaraming ginto akong nakikita, and when I touched it ay mas lalong lumiliwanag. Ang pagkamangha ko talaga ay lampas pa ata sa kalangitan, it is really my first time seeing a gold mine and it is my first time also touching them!

"A river?" Wait, imposible ba 'yon sa loob ng kuweba? It is really looks like a river for me, the cold breeze from the atmosphere and the crystal clear water flows really gave me more goosebumps because of being amazed. Agad ako lumapit at tinignan ang repleksiyon ko and it is still my face. My small face that you can really compare it to japanese cartoons, big round green eyes and small cupid's bow shaped lips that can literally attract men.—Perks of being a half American—I can also see my white and smooth skin na binansagan talaga akong snow white na bakla noon ng mga kaibigan ko. And my long shoulder length darkest of all black hair is like shining because of the water.

Wait, where am I?

I found myself wearing nothing sa paa, walang suot na pang-itaas at tanging manipis na tela lang ang nakabalot sa buong pang-ibaba ko. Agad akong naghanap pero mukhang walang ni kahit anong tela ang naririto.

But one thing that I have to assure myself—

"Kailangan kong lumabas sa kung anong klaseng lugar 'to." Bulong ko kasabay no'n ay biglang pagkaramdam ko ng ginhawa. Parang may kung anong nasa katawan ko ang gustong kumawala pero agad din napalitan ng takot ang aking kabuuan nang may maramdaman akong papalapit sa akin.

Agad nanlaki ang mga mata ko sa takot dahil sa napakalaking ahas ngayon ang nasa harapan ko habang napakapula ng mga mata nitong nakatingin sa akin. Its long snake tongue hissing the hell out of me na parang handang-handa na niya akong kainin ay sobrang nakakatakot. Pero bago pa niya ako lapain ay agad akong tumakbo ng mabilis papalayo sa kaniya!

"Shit! Where the hell am I?" Sigaw ko. Shit ano 'yon? Bakit ang laki? Ahas ba talaga 'yon? Anaconda? Shit bakit ang laki naman ata! Lumingon ako sa likuran at mas lalo akong tinakasan ng kaluluwa nang nakasunod ito sa akin. Pero sa kamalas-malasan ay nadapa ako at agad akong napapikit hindi dahil sa sakit, kundi sa takot na kung ano ang mangyari sa akin kapag hindi agad ako nakatayo.

'Master'

Agad akong tumingala dahil sa boses babae, agad kong hinanap ang boses na 'yon to seek help pero wala naman akong nakita na kahit anong anino o imahe ng isang tao.

'Master, nasa harapan mo 'ko.'

Agad akong tumingin sa harapan at halos ipikit ko ulit ang mga mata ko dahil sa nakakatakot nitong itsura but agad akong nagtaka dahil sa buntot nitong parang sa aso, it is wiggling like it is tamed. Per—wait! Siya ba ang kumakausap sa akin?

'Ako nga po, Master.'

Agad akong napatayo kahit natatakot at tinuro siya na nanginginig.

"Master? Meaning you are not going to eat me? Hindi mo 'ko kakainin?" Sigaw ko sa malaking ahas, her big snake head nodded na siyang ikinaatras ko. Geez, I really hate snakes no'ng nasa bahay pa 'ko. They bit my sister and brother before so I have to bring them in hospital l, halos mamatay ako noon dahil sa kaba. Turns out, wala namang venom ang mga snakes na 'yon but at least diba?

'Ikaw po ang Master ko, tinulungan niyo akong iligtas sa masasamang Serpentes kaya malaki ang aking pasasalamat. Nandito po ako para ialay ang aking sarili para sa susunod ninyong paglalakbay.'

Wait, niligtas ko siya? But I didn't remember anything! But—teka, meaning ang katawan na ito ay may-ari ng iba? Before I went here, this body saved that big gold snake and now claiming me that I was her Master? And meaning no'n, this is not me? Teka bakit kamukha ko ang mukha nitong katawan na'to? Wait, did the real owner of this body just died?

'Akala ko po ay pumanaw na po kayo kaya dinala ko ang katawan ninyo malapit sa ilog na siyang nakakapagpagaling ng mga sugat at lason. Maraming lason at sugat ang tinanggap niyo para lang sagipin ang walang silbi kong buhay.'

Sa pagkakaintindi ko, the real owner of this body died! Sa mga natamo niyang sugat at lason ay sigurong namatay siya but in seconds after, this body is alive pero ibang kaluluwa na ang nasa loob and it's me! And when I died ay napunta ako dito! Wait, nagkapalit kami ng sitwasiyon? At ilog na nakapaggagaling ng sugat at lason? Am I in the fantasy world?

"Kilala mo ba ako kung sino ako, p-para tawagin mong Master?" I just want to make sure kung sino nga ba ako, sa mundong 'to kung tama ang hinala ko. I'm not dumb not to feel so strange inside of this cave and meeting this big gold snake with red eyes? It just answered my question just right at this moment!

'Hindi ko po kayo kilala dahil pumasok lang kayo sa aking tahanan, nakita niyong pinagtutulungan ako ng iba pang Serpentes kaya ako ay inyong tinulungan. Sa mundong ito, mundong Maria ay napakaraming nilalang na ligaw, maraming kaharian na mananakop at bansa na hindi mo maintindihan ang patakaran.'

So I am right, this is in another world. Nasa ibang mundo ako given a second chance to live. But she doesn't know me, hindi niya alam kung saan ako galing.

"Anong pangalan mo, S-Serpentes?" Tanong ko sa kaniya.

'Ako ay walang pangalan, walang ni isa ang nagtangkang magbigay sa akin ng pangalan. Ang mga Serpentes ay isa sa mga malalakas na nilalang sa mundong Maria kaya ang pinakamalakas na nilalang lang ang kayang bigyan kami ng pangalan. Nilalang na may napakalakas na mahika lamang ang kaya kaming bigyan ng pangalan.'

I smiled, tutal tinulungan ko naman siya at handa siyang ibigay ang kaniyang sarili para sa'kin, I can use her to be my ally sa mundong wala akong kaalam-alam. I can use her to be my shield and sword sa mga nilalang na magtatakdang sugurin ako.

"Well, I'll give you name. I saved you and you want to repay that by offering yourself right?" Paninigurado ko, her big snake head nodded.

'Nasa isang salita po ako, Master. Hindi po ako marunong magsinungaling!' Feels like she is really so excited to be given a name.

'Pero kaya po ba ng inyong mahika na bigyan ako ng pangalan, Master?' Why so serious about giving names? Kailangan mo lang naman gumawa ng pangalan and that's it! Bakit parang natatakot siya but at the same time ay excited to be given a name?

I just laughed at lumapit sa kaniya, nawala na ata ang takot ko kanina. Naubos na! I looked at her eyes and smiled, nakita ko sa mga mata niya ang biglaang pag-spark na hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin.

"I'll call you Medusa." I know, she is a snake and Medusa is a snake kind of creature also. This serpent is pure same with Medusa no'ng hindi pa siya naging halimaw. Lahat ng kasamaan naman kasi ay may pinagmulan kaya hindi natin agad sila i-judge. Tignan mo, nakakatakot itsura niya but she is kind pala.

Napaatras ako nang biglang umungol si Medusa kasabay no'n ay ang pagliwanag ng buo niyang katawan. Agad akong napatakip sa mga mata ko hanggang sa humupa ang ilaw na nakakasilaw. Magsasalita na sana ako nang bigla akong nakaramdam ng hilo, hinihintay ko nalang na tumama ang buo kong katawan sa lupa pero may kung sino ang sumalo sa akin.

"Master." Agad akong napadilat at nakita ang buong mukha ng isang babae. She is so beautiful, inggit agad ang sumagi sa utak ko pero agad ko 'yon winaksi at minasdan ang buo niyang mukha. She has this gold eyes, chinita ang peg ni girl kaya mas lalong maganda. Her red lips is also like mine, cupid's bow shaped din. Pero mas maputi ako sa kaniya, mas matangkad at maganda. Hmm!

"T-Teka, Medusa? The Serpentes?" Masaya siyang tumango, agad naman akong tumayo ng maayos at tama ako dahil matangkad pa ako sa kaniya. She looks so different, sa mga braso niya ay pansin mo ang ginintuang pawang balat ng ahas pero makikita mo lang 'yon kapag nasa madilim na part. Kapag natatamaan ng ilaw ay nawawala ang ahas niyang skin. May God! My first ally ay isang ahas! Delikado ako! Baka hindi ako makahanap ng lalaki!

"Tagapaglingkod niyo, Master. Ayos lang po ba kayo? Mukhang napakalaki ng nabawas na lakas at mahika mula sa inyong katawan. Kung hindi niyo po kasi nalalaman, kapag binibigyan niyo ng pangalan ang malakas na nilalang ay ganoon din kalaki at karami ang lakas na makukuha mula sa inyong katawan pero agad din naman iyon babalik kapag kayo'y makakapagpahinga ng maayos." She explained, I just nodded. Kaya pala biglang sumakit ang ulo ko pero agad din naman nawala. Serpentes is one of the strongest creatures here in Maria and that's what she said. So meaning, hindi biro ang mahika at lakas na meron ang katawan ng may-ari nito!

She is wearing gold dress na aabot halos sa lupa, 'yong dress na parang pang sakristan pero hindi long sleeves. Kita ang magkabilang braso niya, she is shining like a Queen.

"Gano'n ba? Well ngayon alam ko na kaya salamat. Ngayon Medusa, you have to guide me kung saan tayo dapat lumabas. Hindi ko alam kung saan ang lugar na'to, I also can't remember everything after I saved you." Turan ko sa kaniya, agad ko namang napansin ang pagkalungkot ng ekspresiyon niya na siyang ipinagtaka ko naman.

"Paumanhin Master, nang dahil sa pagligtas mo sa akin ay hindi ka na masiyadong makaalala. Dahil ata ito sa lason na iyong natamo" Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan sa balikat, ngumiti ako sa kaniya para malaman niya na ayos lang.

"Ayos lang Medusa, huwag mo na alalahanin 'yon. Kung hindi ko 'yon ginawa, baka wala akong kasama para makalabas dito." Ngiti kong turan na siyang ikinaliwanag ng mukha niya kaya natawa nalang ako. I just lied, white lies I guess?

"You can call me Laros, that's my name. And mind you, bakla ako Medusa kaya huwag kang maakit sa kagandahan ko. Iba rin ang kamandag na meron ako, sige ka. But well, I changed my mind. Call me Lara." I said, she angelically laughed that's why I laughed too.

"Okay po Master Laro—Lara." Natawa nalang ako at agad siyang inakbayan. Gosh, nabubuhay talaga pagiging bakla ko kapag may tumatawag sa akin ng Lara!




**********




"Nandito tayo sa gitna ng mundong Maria, napakalayo nito sa maraming bansa at kinakatakutan rin ito dahil sa daming nilalang na malalakas na nandito. Kaya nga ako nagtaka Master Lara dahil napunta kayo dito, at iniligtas pa 'ko." She said. While holding lots of golden mines, kahit napakabigat itong nasa malaking tela na ginawa kong bag ay parang wala lang sa kaniya. Nagkuwento siya tungkol sa kaniya, apat nalang silang Serpentes na natitira dito sa bandang lugar na'to at na-meet ko na ang dalawa. Base sa info ni Medusa, I killed them both and one of the reasons why I still remained standing after giving Medusa's her name ay dahil natalo at nakuha ko ang mahika at lakas ng dalawang Serpentes.

There are four Serpentes, symbolizing the four important life minerals in this land. Diamond, Ruby, Gold and Platinum. I just killed the two Serpentes, the Guardians that symbolizes Diamonds and Ruby that represents fire and water elements. Kaya, kaya ko na daw kumontrol ng apoy at tubig. That's great!

"Hindi naman titigil sa pagdami ang Ruby at Diamonds dahil lang sa napatay niyo ang dalawang Serpentes. Tagabantay lamang sila ng mga mineral, dahil nagagamit ito sa hindi wasto kapag pinabayaan. Ginamit ko ang aking kapangyarihan para makabuo ng dalawang itlog, na siyang pipisa rin sa ilang taon ang lilipas at siyang magiging tagabantay at papalit sa mga nauna." I just nodded of what she said, I just learned a lot of things today.

Hindi parin talaga ako makapaniwala na nasa ibang mundo ako ngayon and having a conversation with this snake girl that I just named, having a strange topic makes me feel so cringe, hindi ako sanay.

"Teka Master Lara, mukhang may ibang nilalang ang nakapasok sa aking tahanan." Agad akong natigil nang huminto si Medusa, nakatingin kami sa dalawang anino and one thing for sure ay anino 'yon ng mga tao katulad ko or I don't know if I am really a human here. Ang alam ko ay bakla lang ako sa mundong Earth.

"Sa mundong ito ba, Medusa, marami rin bang mga nilalang na tao?" Bulong ko sa kaniya, she nodded as a response.

"Marami Master Lara, at sila pa ang mga gahaman sa yaman, kapangyarihan at mahika. May kakayahan din silang gumamit ng mahika katulad ng ibang nilalang." Napa-isip naman ako kaagad. What is my role here in Maria then? Ano ang posisyon ko? Sino ang kinikilalang pamilya ko? Sino ang mga kaibigan ko? Maraming katanungan ang nasa utak ko ngayon kung anong klaseng tao ba ako sa mundong 'to.

Napansin namin na parang mas lumalapit ang anino nila sa puwesto namin kaya agad kaming naghanda. Hindi ko pa alam gamitin ang kapangyarihan ko, hindi ko pa alam kung gaano 'to kalakas o kahina. Ayoko munang i-take risk ang sarili ko, baka madehado ako. Pero nandiyan naman si Medusa, she can control light as she represents the Gold.

"Kailangan natin ng mga ginto, pare. Kailangan natin bumili ng mga maliliit na mga Diwata!" Dinig kong sabi ng isa sa mga lalaki. Maliliit na Diwata? Are they pertaining to Fairies? Geez! Should I expect more worst and extraordinary from this world?

Pero bibili? Napalingon ako kay Medusa at kita ang bahid na galit sa ekspresiyon niya. Looks like ayaw niya sa narinig niya.

Pero how come napunta sila dito? This cave is far from the countries and kingdoms, are they a magic user? They have strong guts to be here na sila lang dalawa at sa pakiramdam ko, they are really strong! At kailan ko pa kayang alamin ang lakas ng mga tao?

Hindi ko na mapigilan kaya agad akong nagpakita mula sa pagkakatago ko, nagulat doon si Medusa pero ngumiti lang ito at gumaya na din sa akin. Mukhang nagulat namin ang dalawang lalaki and yeah, they are really humans. But there is something on their shoes, it looks like a baby black wings. Mukhang sa Perceus na movie? 'Yong anak ni Poseidon na may misyong isauli 'yong kidlat na 'yon kay Zeus?

"Who are you? Why are you here?" Seryoso kong tanong sa kanila, they are both well-built. Malalaki ang mga katawan, halatang they are both under training. Nagtataka lang silang nakatingin sa akin, tinignan ko ang sarili ko na nakasuot na ngayon ng tela na gawa ni Medusa. A white dress. Parehas na kami ng suot ngayon but unlike her, may long sleeves ang sa akin at puti, sa kaniya ay gold. Kaya nagmumukha akong Sakristan dito sa mundong 'to but I do like it, mukha akong babae talaga sa suot kong 'to kapag dito sa mundo ng Maria.

"Bakit may mga babae dito pare, naligaw ba sila?" Agad naman nang-init ang mukha ko dahil sa sinabi ng isa sa kanila, napatingin ako kay Medusa na pinipigilan ang pagngiti. Napailing nalang ako, ito na naman po tayo sa kabaklaan na'to.

"What are you doing here? Kailangan ko pa bang ulit-ulitin ang tanong ko sa inyo mga hangal?" Seryoso kunuhay kong tanong, eh hindi naman kasi ako marunong magseryoso. Sa buong buhay ko sa mundo namin, napaka-happy go lucky ko lang talaga na tao. Dalawang emosyon lang naman ang natutunan kong maramdaman noon eh, saya at lungkot.

"Kayo dapat ang umalis dito, delikado para sa mga babae ang pumarito pero sadyang napakasuwerte nga naman namin. Mukhang may kakainin kami bago mapalitan ang araw ng buwan." Ngising turan ng isang lalaki.

"Umalis kayo sa tahanan ko, ngayon din!" Sigaw ni Medusa. After I gave her a name, I felt like she got so much stronger. I do not know why giving names here is so big deal pero mukhang mas lumalakas ang kapangyarihan nila kapag nabibigyan ng pangalan.

The gold mines in our surroundings suddenly glows at natamaan ang balat ni Medusa na siyang nagpagulat sa dalawang lalaki. Mas lalong naging ginto ang mga mata ng katabi ko hanggang sa her human tongue became a snake's tongue.

"P-Paanon—paanong naging isang katawang tao ang S-Serpentes? Hindi ako nagkakamali, isa kang Serpentes!" Sigaw ng isa.

"Nabigyan ako ng pangalan kaya mas lumakas ang mahika na meron ako. Kaya kung ayaw niy—" Hindi na natapos ni Medusa ang kaniyang sasabihin sana ng biglang umatake ang isa sa kanila na may hawak na punyal. Agad akong naalerto sa biglaan niyang pag-atake but before the weapon hits her, she suddenly turns into a light ball and teleported herself to another place.

"Sinong hangal ang nagbigay ng pangalan sa isang Serpentes! Wala ni sinuman ang nakagawa noon na kahit ang mga Demon God sa lugar na'to ay hindi nagtangka!" Demon God? I think I really have to study this world. Napakarami pang bagay na hindi ko nalalaman na kailangan ko talagang alamin.

Napatingin sa akin ang isang lalaki at gumuhit ang pagtataka sa mukha niya.

"Siya ba ang nagbigay sa'yo ng pangalan?" Turo niya sa akin, pero bigla nalang siyang sinipa ng malakas ni Medusa na siyang ikinapikit ko. I swear to Jesus, that hurts so much. At bago pa siya makagawa ulit ng kahit ano pang kilos ay tumilapon na ito sa isa pang lalaki pero agad din naman silang tumayo, they are strong!

"Tayo na, delikado ang buhay natin dito. T-That's not a woman, lalaki ang taong 'yan." Turo ng isa sa akin. Bakla ako! Gusto kong isigaw 'yon sa kanila pero bigla na lamang silang tumakbo ng mabilis hanggang sa tinulungan silang ilipad ng kani-kanilang mga sapatos na may itim na pakpak.

"Mukhang hindi ligtas ang aking mga ginto dito, Master Lara. Kailangan nating kuhanin ang lahat, at dalhin ito sa kung saan man tayo paparoon." I asked her a while ago if she can go with me, and um-oo naman siya as to repay sa pagligtas ko sa kaniya. She bowed her head and promised me that she will accompany me until the end of my life. Offer her life to save me from the darkness and other creatures living here. That's creepy but, lovely.

"How can we carry all of those gold mines, Medusa? Wala akong maisip na paraan." I asked her. She just smiled at me na siyang ipinagtaka ko. Kanina pa 'to ngiti ng ngiti, sinabi ko na sa kaniya na hindi bibingka ang gusto ko, suman! Suman girl!

"Bawat isang Serpentes ay may kakayahang lamunin ang isang bagay o nilalang na may mahika. At dahil nga na dalawang Serpentes ang iyong nakitil, mas malakas ang kakayahan mong angkinin ang lahat na mahika sa kuwebang 'to. At siguro, hindi lang sa kuweba na 'to." Turan niya, agad kong tinignan ang mga ginto sa paligid and my guts telling me to close my eyes and feel the atmosphere and my energy in my body. 'Yon naman ang nakikita ko sa mga superhero movies eh, so I have to try.

As I closed my eyes, nararamdaman kong humahangin ng malakas at parang lumulutang ako sa ere. Until my mouth spouted words that I am not expecting to come out.

"By the use of Serpentes magic, I command thee, be with me all of the mines here in cave. Permitted by the mother of all Serpentes, I command all the magic be with me!"

And everything went too far, I feel like I got so much stronger and light before I fainted.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro