Prologue
Ang alam ko, masaya kaming nagsigawa ng selebresasiyon sa lupain namin. Masaya at galak kaming kumakain, umiinom at sumasayaw. Not until Oceana appeared na nanghihina, duguan at wala ng puso dahil sa kagagawan ni Evergreen. Ang Reyna ng Villador, ang dating kabiyak ni Ruthven na siyang ngayo'y asawa ko na.
Hindi ko namamalayan na unti-unti ko ng naaampon ang kabuhayan ng mga nilalang rito. Malayong-malayo sa buhay ng isang pagiging ordinaryo kong tao. Hindi ko aakalain na hahantung sa lahat sa sitwasiyon na ito na magiging isa akong makapangyarihan, magiging isang Reyna at Ina ng mga anak ko. Hindi ko alam kung panaginip ba ito o hindi pero sana ay hindi na ako magising pa dahil masaya na ako sa buhay ko ngayon kasama ang mga malalapit sa akin.
Nakatingin ako ngayon sa buong kalangitan habang dinadamdam ang malamig ng simoy ng hangin. Nakakaginhawa pero nakakalungkot rin dahil sa pagkawala ni Oceana. Oo alam kong naging isa siya sa mga hadlang sa amin ni Ruthven pero hindi ko hiniling na humantong siya sa ganoong kamatayan.
She deserve something more, she deserve to live longer.
Napalingon ako sa pinto nang may bumukas no'n at iniluwa ang imahe ni Kyogra na ngayo'y seryosong nakatingin sa akin. Iniyuko niya ang kaniyang ulo bago magsalita.
"Handa na kami, Queen Lara. Buhay man ang kapalit."
Tumango ako sa kaniya.
"I'll kill her with my own powers. I won't forget what she did to my husband Ruthven, to my daughter Ruthvienne and to Oceana. So let me kill her. She's mine."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro