Chapter 7
Kyogra
"This country is full of surprises, they even have Wizards na alam kong sa mundo lang namin ang meron. As far as I remember, me and Kuya are the only Wizards that has connections with Villador." I heard Leera saying, she is looking at me like she is confused as shit. Hindi na ako na nagtaka dahil alam ko kung gaano makapangyarihan ang bansang 'to ruled by the merciless and powerful Goddess, a Queen, Evergreen. Kung hindi rin dahil kay Haring Ruthven ay baka bumagsak ng mag-isa ang bansang 'to. King Ruthven's intelligence brought Villador in peace not until Evergreen decided to become a monstrous woman.
"Expect the unexpected, Leera. This country is different." Maikli kong turan at napatingin sa malaking kamay na nakahawak sa aking kamay. Tinignan ko sa mukha si Esterno na ngayo'y malapad lang na nakangiti habang naglalakad kami papunta kung saan ililigtas namin ang pamilya ni Haring Ruthven.
Bigla akong nakaramdam ng init sa mukha nang maalala ko ang halik kanina ni Esterno. What the shit! I didn't even expect that he'll kiss me in front of these people! Kahit saan talaga ang pagiging barumbado ng lalaking 'to at tiyaka... kanina pa 'yan nakahawak sa akin na akala mo may aagaw talaga.
"How's Avalon?" Napalingon ako kay Helbram nang magtanong siya kay Esterno. Pero malamig lang siyang tinignan nito na siyang ikinangisi ko, Esterno knew how Helbram treated me kaya hindi ko siya masisisi na ganito ang pakikitungo niya sa kapatid ni Leera.
"It's still Avalon." Maikling sagot ni Esterno na gusto kong ikatawa, napansin naman 'yon ni Helbram kaya masama niya akong tinignan but I just smirked at him.
"The place... nagiging gloomy na at malamig." Napalingon ako kay Reyna Lara nang magsalita siya, King Ruthven is beside him and caressing his arm.
"Villador's weather is not as same as the others, Queen Lara. Nagiging ganito ang panahon kapag may paparating na sakuna. Nagiging ganito ang paligid kapag may nagtatangkang sumakop sa bansang 'to." Turan sa kaniya ngayon ni Polyphemus, the Serpentes. The Guardian of the emerald.
"And we are the danger that they need to conquer." Arachne seconded with a grin on her lips.
Kanina pa kami naglalakad at bawat lungsod na nadadaanan namin ay wala kaming nakikita ni kahit isang tao. Ni wala kaming maramdamang presensiya... I wonder kung saan itinago ni Evergreen ang mga tao niya. This is kind of suspicious.
"Nasaan ba si Zaporah?" Takang tanong ko kay Esterno, he looked at me and he just shrugged.
"Hindi ko rin alam eh, ang sabi niya ay pupunta siya sa Mystic Emerald dahil gusto niya ng makita ang mga inaanak niya. Gano'n rin sana ang gagawin ko pero naramdaman ko na may gumagamit ng asul na apoy kaya nagtaka na ako. Kakaunti lang ang may kakayahan na magpalabas ng asul na apoy kaya hindi na ako nagdalawang isip na tignan kung saan galing." He stopped and stared at me like I am the most precious thing he ever had. This kind of stares from him is what I love the most... I feel so secured and safe with those eyes. Na para bang takot siyang mawala ako, na masaktan at... takot na makahanap ng iba. Well I won't do that.
"Luckily, I found you and the others in the eyes of the blue fire." He smiled that made me smile too. I nodded at him at mas lalong hinigpitan ang paghawak ko sa kamay niya. The warmth from his palm is giving me so comfort kaya hindi ako magsasawang hawakan ang mainit niyang kamay gamit ang malalamig kong palad.
"Maghanda!" Agad kaming nagulantang dahil sa malakas na sigaw ni King Ruthven at agad tinignan ang buong kapaligiran. Namuo na naman doon ang panibagong usok, ang hangin ay mas lalong lumamig na siyang nagbigay sa akin ng kaba sa hindi malaman ang dahilan. Tumaas ang balahibo ko sa buong katawan at ramdam kong gano'n rin ang kay Esterno. I saw how the others turned into something serious, there's maybe something wrong.
"May kalaban." Rinig kong bulong ni Esterno kaya naghanda na ako, bumitaw ako sa pagkakahawak ni Esterno na siyang ikinalingon naman nito kaagad sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay na siyang ikinailing nalang nito at ikinangiti. Tsk! Ang landi!
"Is this your friend?" Bigla nalang may lumitaw sa harapan namin na isang babae na may hawak-hawak na isang katawan. She is holding the familiar woman's neck, and I can sense that her body is no longer breathing. It is already a lifeless body!
Hinagis niya sa harapan namin ang kawawang babae na ngayo'y nakadilat pa ang mga mata habang wasak ang puso nito banda. Nanliit ang mga mata ko at inalala kung saan ko siya nakita. They took her heart out from her body, same goes with Oceana before. Those evils!
Narinig ko ang tili ni Leera habang nanlalaki ang matang nakatingin sa babae. Nakaturo pa siya do'n na tila kilala niya ang babae.
"K-Kasama ko siya no'ng pumunta kami sa lupain niyo, Lara. S-She's the one who made Evergreen's spitting image illusion." Turan nito, and now I know. She's that girl.
"Tyra, it is her name." Nieve.
"A-Anong ginawa mo sa kaniya? Magkakampi kayo diba?" Inis na turan ni Reyna Lara. Ayaw na ayaw niya talaga na sinasaktan nila ang sarili nilang kakampi, ayon ang ayaw na ayaw niyang mangyari sa lupain namin kaya kung maaari ay siya ang tatapos ng lahat.
"Oh, ahmm... who are you? By the way what? Kakampi? Of course not!" Demonyong tawa ng babae, she is wearing long sleeved plain black dress that touches the ground that makes her look like a Vampire woman. But she isn't, I can't see any fangs from her teeth and I can smell different aura from her.
"She's with Oceana... the betrayer." Ngisi nitong turang na siyang nagparamdam sa akin ng inis at biglang naalala ang kawawang si Oceana. She died because she can't be with them, she can't follow a demon ruler!
Pero nanatili pa ring nakatitig kay Reyna Lara ang tingin ng babae at bigla nalang itong tumawa ng malakas. Sumasabay sa ihip ng hangin ang mahabang puting buhok niya na katulad ng kulay ng kaniyang balat. She is white like a paper, she looks like a ghost.
"Oh! I know now! You're King Ruthven's other affair! That gay? I wonde..." Nagulat nalang kami bigla nang nasa likuran na nito si King Ruthven habang seryosong nakatingin sa likuran niya. Kahit kami ay natigilan dahil sa nakakatakot nitong mga pulang mata ngayon habang unti-unti ng lumalabas ang mga pangil niya.
Kitang-kita namin kung paano natigilan ang babae, nanlalaki na ngayon ang mga mata niya. She is now trembling and shaking that makes me smirk. Before she could speak, King Ruthven immediately twisted her head that made her breathless. Deserve.
"King Ruthven is really scary." Bulong ni Arachne pero narinig ko pa rin.
"If it's about his lover, he will do everything. Kahit naman ako, gagawin ko rin ang lahat para lang hindi masaktan ang mahal ko." Napangiwi kami ng sabay ni Arachne dahil sa sinabi sa kaniya ni Polyphemus. Bakit ko ba naririnig ang mga usapan nila? Shitty!
"Do you think you can just kill me with that?" Agad kaming napalingon sa ere nang lumilitaw na ito ngayon. Nanliit ang mga mata ko nang makitang may namumuo nang liwanag sa kamay niya. She is shitty alive?
"Who is she?" Kinakabahang tanong ni Queen Lara, napansin ko rin na parang mas lalong naging seryoso ang mukha ni King Ruthven. Mas lalong nagdilim ang kaniyang ekspresiyon habang nakatanaw sa babae ngayon.
"Why King Ruthven? Is it so insulting hearing that you fell in love with that useless faggot Queen while you are mated to Queen Evergreen?" Ngising turan ng babae, nakita ko kung paano naging malungkot ang mukha ni Queen Lara pero alam kong kinokontrol niya ang sarili na hindi maapektuhan. That's our Queen, alam kong kayang-kaya niya at hinding-hindi siya magpapatalo sa mga naririnig niya lang.
"Your Queen is nothing compared to ours, she who changed the destiny just to be mated with our King! But our King's real destiny is Queen Lara! Your Queen is a desperate bitch!" Hindi ko mapigilang sigaw, napalingon sa akin ang babae at ngumisi na naman.
"How can you call him Queen if he's... a man? And hey, Queen Evergreen wants to meet you." Insulto niya, agad nang-init ang ulo ko at agad bumuo ng mahabang espada gamit ang yelo. Tumalon ako ng mataas at agad siyang inatake pero nakita kong naging isa ring mahabang espada ang kaninang liwanag. Pagsangga ng mga sandata namin ay agad 'yon namuo ng malakas na hangin, masama ko siyang tinignan at pinalabas ang mga Dragon kong pakpak.
"A Demon God... how interesting." She murmured, I smirked at her.
"A Demon God Slayer... more interesting."
"Kyogra! Sa likuran mo!" Rinig kong sigaw ni Esterno kaya agad akong lumingon sa likuran at nakitang may isang babae rin na sasaksakin sana ako ng mahaba niyang espada. Nasangga ko 'yon at agad siya tinulak ng malakas. She is wearing the same dress with the other one but the difference is... she has short black hair like Arachne's and her eyes are flowing red. While the other one is blue. They both have paper-like skin color.
Napaatras nalang ako nang biglang pumaharap sa akin ang isang lalaki. He stared at me that made me stopped, a-ang tingin niya. His stares are familiar, bakit ngayon ko lang napansin?
"Z-Zachariuss." Tawa ko sa pangalan niya.
*******
Third Person
"Z-Zachariuss." Utal na tawag ni Kyogra kay Zachariuss, tumango lang sa kaniya ang lalaki at biglang sinugod ang babaeng bagong dumating.
"If I am not mistaken, those are Demon God Slayers. The short hair woman is Layla and the other one is Lentta. They are sisters." Sabi ni Nieve. Napalingon sa kaniya si Leera dahil sa pagtataka.
"You know them?"
"No, I can read their minds." Hindi alam ni Leera kung magugulat ba siya o hindi pero tumango nalang ito. Kakayahan rin ni Leera bumasa ng isip ng iba gamit ang ibang espirito na nasa katawan niya. Hindi na rin nakakapagtaka kung maraming may kayang gawin iyon sapagkat halos lahat ng mga bagay ay napag-aaralan na.
"King Ruthven, we have to save your family. Kayang-kaya na nilang patumbahin ang mga 'yan." Napalingon sila kay Arachne na seryoso ng nakatingin sa Hari. Lumingon sa kaniya si Lara dahil sa sinabi nito.
"No, we can't just leave them here!" Diing turan ni Lara pero tinignan lang siya ng seryoso ni Arachne na siyang ikinaatras niya ng kaunti. Dahil ito ang unang beses na nakita niyang naging seryoso ang ekspresiyon nito.
"Stop glaring at him like that, Arachne." Seryosong turan ni Ruthven na siyang ikinayuko na lamang ni Arachne pero nagsalita pa rin siya.
"Zachariuss is there, Queen Lara. Kapag sinabi kong kaya niya, kakayanin niya. He is our leader, he is the strongest among us all. He's experienced, knowledgeable and more skillful so I know that they can do it. Malakas rin naman ang lalaking 'yon..." Turo ni Arachne kay Kyogra na siyang ikinatigil ni Lara.
"Kuya Ruthven, she is right. If Tita and Tito are really in danger, we have to help them as soon as possible." Seryoso na ring turan ni Leera, tumingin si Ruthven sa pinsan niya at kay Helbram na seryoso lang na tumango sa kaniya.
"B-Babe." Nag-aalalang sambit ni Ruthven sa asawa niya, huminga lang ng malalim si Lara at tumango. Tumingin siya sa itaas habang ang apat ay naglalaban sa ere.
"Fine, let's go. Let's save your family, Ruthven. I trust their them."
"I'll stay here with them." Lumingon sila kay Esterno na nakangiti lang sa kanila.
"What? Mas maganda kung marami tayo pupunt..."
"I'll stay here." Natigilan si Arachne sa pagsasalita dahil sa seryoso na ngayong ekspresiyon ni Esterno.
"My boyfriend needs me more." Dagdag pa nito.
Mukhang wala na talagang pag-asa, leader. Mahal na mahal nila isa't-isa eh. Sa isipan ni Arachne na napailing nalang at ngumiti.
"Teleport us, Typhoeus. Dalhin mo kami kung nasaan ang pamilya ni Haring Ruthven. Use your power this time." Tumango si Typhoeus sa utos ni Arachne, lumingon pa sila sa leader nila na hindi nagpapaawat sa mga Demon God Slayers.
"Kakayanin ni leader 'yan. Siya pa ba?" Pananalig ni Arachne, napatango nalang ang tatlo at ngumiti. Kasabay no'n ay ang paglaho ng lahat maliban kay Esterno na ngayo'y nakangisi na.
"Mukhang mapapalaban ulit ako ah?" Bulong nito at tinignan si Kyogra na ngayo'y kinakalaban ang babae.
"Akala mo ba kakayanin mo kami? Mamamatay ka dito hanggang sa kakainin ko ang lakas at kaluluwa mo." Turan ng kaharap ni Zachariuss pero seryoso niya lang tinignan ang babaeng may maiksing buhok. Biglang nagliwanag ng pula ang espada ng babae hanggang sa may namuo do'n na malaking-malaking bolang apoy. Napaatras si Zachariuss dahil sa init na naramdaman niya.
Hindi ko maramdaman ang enerhiya niya. Sino siya? Sa isipan ni Layla.
"Yah!" Sigaw ni Layla at ibinato kay Zachariuss ang malaking bolang apoy. Tinignan niya lang ito ng seryoso, bago pa siya matamaan ay bigla na lamang itong naglaho na parang bula. Nagtaka naman ang babae pero bago pa siya makapagsalita ay may malakas na suntok ng tumama sa tiyan niya na siyang ikinasuka ng babae ng dugo. Tumalsik siya sa isa sa mga gusali na siyang dahilan kung bakit umusok ng malaki.
"Argh!" Nanliit ang mga mata ni Zachariuss na makitang si Esterno ang may gawa no'n. Nakaramdam siya ng irita dahil do'n pero hindi nalang siya nagpadala at tumingin na lang kay Kyogra na ngayo'y mukhang nahihirapan sa kaniyang kalaban.
"Demon God is nothing compared to us. Manghihina ka pero kami, hindi. Mauubos ang kapangyarihan at lakas mo, kami hindi. Kaya humanda ka!" Ngising turan ng babae at agad namuo ang malakas na enerhiya sa espada ng babae, lumiwanag iyon ng asul hanggang sa napansin niyang biglang namuo do'n ang unti-unting paglaki ng bolang tubig. Naramdaman nito kung gaano ito kainit na puwedeng ikapaso ng buo niyang katawan pero naghanda lang si Kyogra.
"Do you think you can beat me, huh?" Ngising turan sa kaniya ni Kyogra, ngumiti nalang ng mapakla si Lentta at agad ibinato sa kaniya ang malaking bolang tubig. Gumawa ng malaking yelo na kalasag si Kyogra at doon tumama ang bolang tubig, pero nagtaka at nanlaki ang mga mata niya nang natunaw ang yelo na 'yon na alam niyang hindi ito basta-basta... natutunaw lang.
Bago pa siya makpagsalita ay bigla nalang lumitaw sa harapan niya ang babae at sinuntok siya ng malakas sa mukha na siyang ikinabulusok niya sa lupa. Napaungol pa ito sa sakit at akmang susunod pa sa kaniya ang babae ay ang siyang paglitaw ni Zachariuss.
"Ohh." Tuwang reaksiyon ni Lentta kay Zachariuss.
"Huwag ka ng makialam, lalaki! Sasayangin mo lang ang lakas mo!" Natatawang sigaw sa kaniya ni Layla pero nakangisi lang sa kaniya si Esterno. Sa oras na'to, alam ni Layla na hindi rin bihira ang kapangyarihan ng bagong lalaking nasa harapan niya ngayon. Ramdam na ramdam niya ang umaapaw na lakas ng lalaki.
"Huwag kang mag-alala sa akin, ayaw na ayaw pa naman ng jowa ko na may nag-aalala na iba sa'kin. Selosa kasi 'yon." Ngiting turan ni Esterno na siyang ikinangiwi ng babae.
"Humanda ka!" Sigaw ni Layla at namuo na naman ang bolang gawa sa apoy pero bago 'yon ay nagulat nalang ang babae na unti-unting nagiging asul ang apoy. Napangisi do'n si Esterno at kasabay no'n ay ang pagtunaw ng kaniyang mahabang espada na siyang ikinaba niya.
"Hmm, wala ka ng espada... paano ba 'yan? Diyan ka pa naman kumukuha ng lakas." Asar ni Esterno na siyang ikinatahimik ni Layla.
"Kinakain niyo ang lakas, kapangyarihan at kaluluwa ng isang Demon God pero sa espada niyo na 'yan napupunta. Kaya pala maigi niyong nilalayo ang sandata niyo kapag umaatake kami." Doon na kinabahan lalo si Layla dahil sa tamang hinala ni Esterno.
Paano niya nalaman? Sa isipan ng babae, napansin ni Esterno ang paglunok ng babae kaya natawa ito.
"Mukhang nanghihina ka na ah? Tignan mo espada mo, nalulusaw na sa apoy ko. Nagtataka ka ba kung paano ko nalaman? Ahm... pinag-aralan ko kasi mundo niyo. Alam mo na, dito na kasi ako titira kasama magiging asawa ko." Agad binitawan ng babae ang espada at galit na hinarap si Esterno.
Hindi siya mula sa mundong 'to. Sa isipan ni Layla habang nagngingitngit na ang mga ngipin nito. Hindi siya makapaniwala na nalaman niya ang sikreto ng mga Demon God Slayers.
"Magbabayad ka!" Akmang susugod na sana si Layla nang bigla siyang matigilan, nanlaki ang mga mata niya dahil sa panibagong mukha na ngayo'y nakangising nakatingin sa kaniya. Bigla nalang itong sumuka ng dugo dahil sa halimaw na kamay ng bagong dating na ngayo'y nakasaksak na sa kaniyang dibdib... kung nasaan ang puso niya.
Nanghihina siyang napatingin sa mga pulang mga mata ng babaeng ngayo'y nakangisi sa kaniya. Kasabay no'n ay ang takot dahil sa lakas na bumabalot sa katawan nito.
"Ako na ang maniningil sa utang ng pinsan ko, ah? Matulog ka na muna!" Ngising asong turan ngayon ni Zaporah at hinugot ang puso nito. Umawas do'n ang maraming dugo na siyang ikinamutla nito, sinipa siya ng malakas ni Zaporah na siyang ikinabulusok nito sa lupa bago dinurog ang puso ng wala ng buhay na si Layla.
"L-Layla?" Takang tawag ni Lentta sa kapatid niya nang may kakaiba itong naramdaman... hinanap niya ito hanggang sa masilayan ang katawan nito. Nanlaki ang mga mata ng babae nang makitang wala ng buhay ang kapatid niya na siyang ikinahina nito.
"Layla!" Malakas niyang sigaw, agad niya itong nilapitan gamit ang mabilis niyang kilos. Napanganga siya dahil sa hindi makapaniwalang wala ng buhay ang kapatid niya, unti-unting umagos ang luha niya na siyang mas lalong ikinahina niya. Nabitawan niya ang kaniyang espada at nanghihinang niyakap ang kaniyang kapatid.
"Layla!"
"Kyogra!" Sigaw ng bagong dating na sina Sol at Arakiel, inalalayan nila si Kyogra na nanghihinang nakangiting nakatingin sa kanila.
"You made it guys." Ngumiti ang dalawang lalaki at tumango, mas lalong lumapad ang ngiti ni Kyogra nang makita sa likuran nila si Heraphim na nakangiti ng matamis sa kaniya. Habang tahimik lang silang pinapanuod ni Zachariuss.
"Friends." Bulong nito, huminga ito ng malalim bago siya bumaba sa lupa... sabay pinaglaho ang kaniyang mga pakpak at napalingon sa puwesto nila Esterno.
"P-Patayin niyo na rin ako." Hindi man halata ay nagulat doon si Esterno dahil sa sinabi ni Lentta. Nanghihina itong nakatingin sa kanilang dalawa ni Zaporah habang hindi tumitigil ang pag-iyak.
"Patayin niyo na ako!" Sigaw ulit nito.
"A-Akala ko, kapag ginawa ko 'to ay makakalaya na kami. A-Akala ko mabubuhay na kami ulit nang matiwasay ng kapatid ko! Mali ako, naniwala ako sa kaniya! N-Naniwala ako sa kaniya." Magsasalita pa sana si Esterno nang bigla na lamang nabiyak ang lupa na siyang ikinagulat nina Zaporah at Esterno.
Palaki ng palaki ang biyak ng lupa hanggang sa matanaw ng lahat ang pag-usok nito. Nakita rin nila kung paano naglalagablab ang ilalim hanggang sa may mapansin silang kakaiba.
Ilang segundo ay lumitaw ang mga kakaiba at nakakatakot na mga halimaw sa lupa at parang pilit na hinihila ang katawan ng wala ng buhay ni Layla. Natigilan do'n si Lentta nang makita iyon pero maya-maya'y nanghihina na lamang itong napangiti at niyakap ang kapatid... hanggang sa unti-unti na silang hinihila ng mga halimaw sa ilalim ng lupa. Nasaksihan din nila kung paano sumara ang lupa na para bang isa itong pintuan hanggang tanging ang luha na lamang ni Lentta ang huling nasilayan ng magpinsan.
"The fuck?" Hindi makapaniwalang mura ni Zaporah habang nakatingin sa lalaking napakaseryosong nakatingin sa puwesto kung saan nilamon ang magkapatid.
"She can live, you idiot!" Sigaw ni Zaporah pero natigilan siya ng seryosong-seryoso lang siyang sinulyapan ni Zachariuss. Hindi ito nagsalita sapagkat naglakad nalang ito sa direksiyon kung saan matatagpuan sina Ruthven at Lara. Napataas ang kilay ni Zaporah dahil alam niyang isa rin 'yong Dragon.
"Who is he?" Takang tanong ni Zaporah kay Esterno pero nagbikit-balikat lang ito sa kaniya. Nang may mapagtanto si Esterno ay nanlaki ang mga mata niya at nilingon kung saan tumilapon kanina si Kyogra, pero natigilan rin ito nang makitang nakangiti sa kaniya ang maaliwalas na mukha ni Kyogra. Napahinga siya ng malalim at napangiti rin ng matamis.
"Kaya gustong-gusto mo ring bumalik eh." Natatawa siyang lumingon kay Zaporah na nakangising nakatingin sa kaniya.
"Buntisin mo na." Dagdag pa ni Zaporah na siyang nagpangisi kay Esterno.
"Hintay ka lang pinsan, ikaw ang unang makakaalam kapag buntis na siya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro