Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 60

Silver



Hindi ko mapigilan hindi lumabas ng lungsod na kinakatulugan ko habang tulog na ang lahat dahil sa madaling-araw na ngayon. Rinig na rinig ko na ang mga tahulan ng mga mababangis na aso sa labas ng malalaking dingding na nakapalibot sa buong lungsod na 'to. Ang mga pagpagaspas ng mga pakpak ng mga paniki at ang mga tinig ng mga insekto ang siyang mas lalong nagbibigay sa akin ng ideya na puwede rin pala talagang maging payapa ang isang lugar. Na puwede rin palang maging ganito katahimik kahit hindi nasasaktan.

Sa bansang Glamorossa ko naranasan lahat ng mga sakit, lahat ng mga pang-aabuso ay naranasan ko na sa bansang 'yon at wala akong magawa dahil wala akong kalabanlaban sa Hari nila. Wala rin akong kalabanlaban sa mga nilalang doon na ang lalakas ng mga abilidad at kapangyarihan.

Malalakas ang mga Hybrids kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko na lumaban dahil alam kong matatalo at masasaktan lang ako. Mamamatay ako kapag lalaban ako kaya nanatili na lang akong sunod-sunuran sa Hari, at sa iba pa.

Biglang yumakap sa akin ang malamig na hangin nang makalabas ako ng lungsod at bumulaga sa akin ang mga puno na nakapalibot pala sa lugar na 'to. Hindi ko napansin ito kahapon na ang labas pala ng lugar na 'to ay mga naglalakihang mga puno, sariwa pa ang hangin at kumportable ang lugar. Na kahit napakadilim ay hindi mo mararamdaman ang takot.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti at agad tumalon ng mataas, at pumatong sa isa sa mga matitibay na sanga ng isang malaking puno at tumingala sa kalangitan na napakaraming nagniningning na mga bituin. Ramdam ko na ang unti-unting pagbabago ng buhay ko, ramdam ko na parang mabubuhay na ako ng payapa habang nakatira sa nayon na 'to kahit hindi pa ito ganap na bansa.

"Sino ka?" Natigilan ako sa kinakatayuan ko sa sanga nang marinig ang malamig na boses na 'yon. Ewan ko pero parang may kung ano sa malamig na boses niya na siyang dapat ko ikaingat. Kasabay nang lamig ng boses na 'yon ay ang pagkatibok ng mabilis ng puso ko dahil sa kaba sa hindi malaman ang dahilan.

Unti-unti akong lumingon sa ibaba at biglang sumalubong sa akin ang mga mapupula nitong mga mata. Nanliit ang mga mata ko dahil ni hindi ko siya nakita sa loob ng nayon ni kahit isang beses. Ngayon ko lang siya nakita, hindi talaga siya pamilyar sa akin.

Nakilala ko na kasi ang mga lumigtas sa akin, sina Zachariuss, Polyphemus, Typhoeus at si Prinsipe Ruthvann. Nagulat talaga ako dahil sa taksil na si Zachariuss ay isa pala sa mga nagligtas sa buhay ko kaya napag-isipan ko na hindi ko sila papakialaman sa mga kinakaharap nilang problema ngayon. At mas nagulat ako dahil kasama rin nila si Prinsipe Ruthvann na siya daw ang may pinakamalaking ambag sa misyon na ginawa nila.

Kaya nasasaktan ako para kay Prinsipe Ruthvann, at hindi ko rin masisi si Zachariuss dahil nagmamahal lang siya at mahal niya parin ang dating kasintahan niya.

Ayaw kong mangialam.

"Ikaw, sino ka?" Tanong ko pabalik sa kaniya habang nakatitig lang ako sa kaniya sa ilalim ng puno. Ang itim niyang buhok ay nililipad ng malamig na hangin habang malamig lang itong nakatingin rin sa akin pabalik. Ang kutis niya ay nasisiguro akong kasingputi ng niyebe ang kulay, at nasisiguro akong mas matangkad pa siya sa akin. Ang mukha niya na parang nililok ng kung sinong napakagaling na manlililok. Ang kaniyang matangos na ilong na mas nagbigay ng itsura sa kaniyang mukha, at ang mapupula niyang labi at pisngi na siyang parang nag-iimbita sa akin na haplusin ang mga 'yon.

Teka, bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya?

"I asked you first idiot, but you answered me a question too. Are you stupid?" Napangiwi ako sa tinuran niya sa akin kaya huminga ako ng malalim at tumalon mula sa sanga at hinarap siya.

Tama nga ako, mas matangkad siya kaysa sa akin. At may... ugali.

"Ako si Silver, ikaw sino ka? Hindi ka taga rito." Seryoso kong turan sa kaniya na siyang ikinangisi niya naman ngayon. Napaatras ako dahil sa ginawa niya dahil hindi ko 'yon inasahan. Pero bakit gano'n? Kahit nakakatakot ang presensiya na ipinapakita at ipinaparamdam niya sa akin ay parang hindi ako natatablan? Hindi siya... nakakatakot.

"No one would dare to ask my name, especially a weak creature like you." Sagot niya sa akin na siyang ikinangiti ko na lang ng matamis. Natigilan siya doon at napalitan ng inis ang ngisi niya. Akala niya ba masasaktan ako sa insulto niyang 'yon?

"Bakit ka ngumiti? Walang nakakatawa sa sinabi ko." Turan niya na siyang ikinailing ko na lang. Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko na siyang ikinatingin ko roon.

Sinusubukan niyang higpitan pero parang wala lang sa akin dahil alam kong mas masakit ang emosyonal na sakit kaysa sa pisikal. At alam ko na kung paano ayusin ang sarili ko kapag nakakaengkuwentro ako ng ganito.

Dahil naibigay na lahat ng bansang Glamorossa ang ibat't ibang sakit na siyang hindi ko inaakalang malalampasan at malalayuan ko, hindi ko aakalain na makakawala pa ako sa mga kamay nila... hindi ko inakala na mabubuhay pa ako at mabibigyan ng pangalawang buhay.

Kaya minsan ay naiisip ko na, bakit pa nga ba ako natatakot sa kamatayan? Eh halos lahat ng mga naranasan ko sa mundong 'yon ay puro sakit na halos ikamatay ko na rin pisikal.

"Hindi ko alam kung anong kailangan mo sa nayon na 'to at nandito ka't nagmamatiyag pero sasabihin ko na sa'yo agad, hindi mo sila kakayanin." Mahinang turan ko at unti-unting tinignan ang kaniyang mata na ngayo'y malamig na malamig na talaga ngayong nakatingin sa akin.

"Hindi mo ako mapapangunahan dahil baguhan ka lang dito." Mukhang matagal na nga talaga siyang nagmamatiyag sa nayon na 'to, mukhang ang dami niya ng nalalaman kaysa sa akin kaya mukhang wala rin akong mapapala sa kaniya.

"Wala kang pangalan." Mas lalo siyang natigilan dahil sa sinabi ko. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko na siyang ikinapikit ko ng kaunti dahil sa kaunting kirot.

"Kaya hindi mo m-masabi ang pangalan mo, kasi wala kang pangalan. Walang nagbigay sa'yo ng pangalan para maging malakas ang enerhiya't kapangyarihan mo." Pagpapatuloy kong sabi sa kaniya, marahas itong huminga ng malalim at binitawan ang kamay ko.

"Umalis ka na, baka mapaano ka pa sa labas." Natigilan ako sa sinabi niya, hindi ko alam pero masurpresa talaga ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko alam kung ano talaga ang pinupunto niya.

"I-Ikaw?" Utal kong tanong, umaasa na may makukuhang tamang sagot sa kaniya.

"Dito lang ako, habang wala pang gising sa kanila, dito lang ako. Babantayan ko ang nayon, babantayan ko kayo." Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig pero umiling na lang ako at tinalikuran siya.

Nakakakaba man ang presensiya na meron siya, nararamdaman ko ang kabutihang puso ng lalaking 'yon.

Dumating ang umagang hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pagkalabas ko pa lang ng bahay na siyang ibinigay sa akin ng Hari ay agad bumungad sa akin ang mga nilalang na may kaniya-kaniya ng mga trabaho. Kaniya-kaniya na silang abala sa kani-kanilang mga ginagawa habang ibang taong lobo naman ay isinasakay na ang kani-kanilang mga kasintahan.

"Silver!" Napalingon ako kung saan nanggaling ang malakas na sigaw na 'yon at natigilan ako nang kumakaway sa akin ang magandang babae na si Zaporah. Nililipad ang mahabang pula niyang buhok habang nakangiting nakatingin sa akin. Ngumiti rin ako ng tipid hanggang sa hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya.

"Hey, do you have something to do right at this moment? If wala, samahan mo naman ako!" Nagagalak niyang turan sa akin. Kahit nakakahiya ay nanatili na lang ang mga mata kong nakatingin sa pula niyang mga mata.

"W-Wala naman akong gagawin, at hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin. S-Saan ba tayo pupunta?" Sagot ko naman agad sa kaniya na siyang mas lalong ikinaliwanag ng mukha niya.

Sa pagkakatanda ko, isa siyang Specialist at hindi siya galing sa maliit na mundong 'to. Narinig ko na ang lahi na 'yon at sa mundo ng Avalon ang mga ganoong lahi nila. Magkatulad sila ng amoy ni Esterno at may nakapagsabi sa akin na magpinsan daw silang dalawa.

"Great! Then come with me! Punta tayo sa bar! I mean, my bar!" Bago pa man ako makapagsalita ay agad niyang hinawakan ang kamay ko na siyang agad ikinainit ng mga pisngi ko. Alam kong hindi ito dahil sa init ng panahon kun'di dahil ito sa init na nararamdaman ko mula sa pagkakahawak ni Zaporah sa akin.

Iyon ang unang beses na hindi ako pinandidirian ng mga nilalang, ito pa lang ang isang beses na may humawak sa kamay ko. Katulad na lang ng ginawa ni Polyphemus, na siyang unang beses kong natanggap na isang mahigpit na yakap.

Ilang minuto naming nilakad ang daan hanggang sa maabot na namin ang lungsod na siyang hindi ko pa alam kung ano ang pangalan. Malaki, at maraming gusali ang mga narito. Namamangha akong nakatanaw sa mga gusaling hindi ganoon karami ang mga mababasagin na salamin at istraktura! Hindi ko alam pero mas gusto ko ang mga bagay na siyang hindi nakadepende sa kapangyarihan ko, katulad na lang sa Glamorossa na halos lahat na ata ng mga istraktura ng mga gusali ay galing sa kapangyarihan at lakas na meron ako!

"This is the town of Mystic Chartreuse, you can see all the department stores, restaurants and also other buildings that sells products from this place. Pasalamat ka I brought you here, para naman makalabas ka rin ng Emerald!" Parang kinikilig niyang sabi na siyang ikinatuwa ko. Mukhang tama nga ang sinabi niya, tamang-tama talaga ang pagsama ko sa kaniya dahil nasaksihan ko kung paano kaganda ang isa sa mga lungsod nila.

Malapit na raw itong maging isang ganap na bansa, lalo na't dalawang lungsod na lang ang kulang. Sariwa ang hangin dito kahit na maraming nakatayong gusali, dahil ata 'yon sa mga malalaking puno na nakapalibot sa buong nayon.

"Halika, that's my bar! Regalo ni Lara, ang Reyna ng nayon." Natigilan ako sa sinabi ni Zaporah at napatingin sa malaking gusali na nasa harapan ko. May nakita akong karatula na may nakalagay na 'Bar Mistika' at may pangalan pa doon na nakalagay. Ang pangalan ni Zaporah. Hindi man ganoon karami ang babasagin na mga bagay sa gusali pero masasabi kong napakaganda ng pagkakagawa ng gusali na nasa harapan ko.

"Mukhang malapit kayo ng Reyna ah?" Tanong ko sa kaniya habang sinusundan ko siya papasok. Ilang hakbang palang ay agad nang bumungad sa akin ang napakalaking loob nito!

Malaki ang espasiyo, maraming upuan na gawa sa matitibay na kahoy at mga lamesa akong nakikita na alam kong gawa sa mga matitibay na marmol. May isa rin akong nakitang puwesto kung saan may nakaharang na parang pahabang lamesa para lang ata sa nagtitinda ng mga iba't ibang inumin na nasa likuran nito. Na para bang nasa istante ng mga libro ang mga alak.

"Of course! We are close friends, and he loves to socialize with his people. Kaya nga nirerespeto siya ng lahat dahil sa sobrang bait niya. Don't you know? He risked his life to save this nation, and he also sacrificed his life to resurrect all of the dead when a rebel guild attacked this nation and kill almost half of the population that lives here." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig mula kay Zaporah habang ang paiba-ibang kulay ng mga ilaw ay tumatama na ngayon sa mga mata ko.

Para ng gabi sa loob dahil sa mga iba't ibang ilaw, at ang paligid ay parang nang-aakit!

"Ate Zaporah! Iinom kami!" Napalingon kami ng sabay sa limang nilalang na papasok. Ramdam ko ang kani-kanilang mga malalakas na presensiya. Tumingin pa sila sa akin bago kay Zaporah.

"Sige, umupo lang kayo diyan! Wala pa waitress ko, ako muna magse-serve sa inyo ah? Okay lang ba?" Agad namang naghiyawan ang limang lalaki dahil sa matamis na pagkakasabi no'n ni Zaporah na siyang ikinailing ko na lang dahil sa tuwa.

"Mga miyembro sila ng mga guilds do'n sa Mystic Nature, lungsod kung saan makikita mo ang iba't ibang mga guilds. Rinig ko, may dalawa ng guild ang nandoon at isang Guild House." Tatango-tango ako sa sinabi ni Zaporah at inuunti-unting pinoproseso ang lahat para hindi ko makalimutan.

"Alam mo na ang Guild House diba? They are special guilds na binuo ng isang Hari o di kaya ay Reyna, o puwede rin naman ng isang Prinsipe o Prinsesa. Kung saan nandoon lahat ang mga malalakas, ang pinagkakatiwalaan nila at ang siyang mga handang miyembro para iligtas ang siyang bumuo sa guild sa kung ano mang sakuna ang dumating." Dagdag ni Zaporah na siyang ikinalingon ko sa mga mas bata pa ata sa akin.


"Suki na 'yan sila dito, naghihintay na lang ng pasukan sa Mystic Verdurous."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro