Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 57

Kyogra






"The Queen is here! The Queen is back!" Napatayo ako sa sigaw ni Euryale na halos marinig na sa buong paligid. Napalingon ako kay Esterno na natutulog parin hanggang ngayon, napangiti na lang ako dahil sa maamo niyang mukha. Inayos ko ng kaunti ang unan bago hinarap ulit si Esterno.

"Apoy, wake up. Queen Lara is back." I softly mumbled, he just groaned that made me smiled more.

Mukhang pagod na pagod siya sa trabaho niya kanina. Hindi ko alam kung anong ginawa nila do'n sa Mystic Nature, may mga kung ano daw silang itinayo do'n kaya siya pagod na pagod.

Unti-unti akong umalis sa kama para hindi siya magising. Ayokong gisingin ang pagod na lalaking 'to.

Agad akong nagbihis ng puting damit at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko na kung paano magkagulo ang mga nilalang dahil sa pagdating ni Queen Lara.

Did she already get his real body?

Agad akong pumunta sa nagkakaguluhan at nakitang nandoon nga si Queen Lara pero bakit parang naging itim ang buhok niya?

"Babe!" Lahat kami ay napalingon sa sigaw na 'yon ay napailing na lang ako nang makita si King Ruthven na tumatakbo na ngayon ng mabilis. Agad kaming nagsiyukuan at lumuhod lahat dahil sa presensiya niya, ilang segundo ay nakita na lang namin siyang nakayakap kay Queen Lara.

It's been a month since he left and I know how the King misses his Queen. He's always grumpy like he is starting to hate the little world because of not seeing his lover. He is always waiting in the fountain every night, talking to the moon and air. We all witnessed how he became so soft because of disappearance of our Queen. And we all witnessed how he suffered because of sadness.

Edi naramdaman niya rin ang naramdaman ni Queen Lara noon?

Mas lumapit pa ako at nanlaki ang mga mata nang makitang may isa pang Queen Lara ang paparating sa puwesto namin.

"What is happening?" Napalingon ako kay Luna na ngayo'y bitbit si Baby Azacro, katabi naman nito si Stheno na bitbit ang anak ni Zora na si Ozarus.

"There are two Queen Lara?" Seraphim with her son, Vellihal. Katabi naman nito ay sina Heraphim, Chirubim at si Arakiel.

"You're hugging the wrong me, Ruthven." Lahat kami ay napatingin sa bagong dating at halos mamangha kami dahil sa sobrang kaputian ng katawan nito na para bang nagliliwanag sa mga mata namin ang kutis ng katawan niya! Ang kaniyang buhok ay halos sumayad na sa lupa dahil sa sobrang haba nito at para ring nagniningning ang kulay ng buhok nito!

He is the real Queen. The power within him might be the same compared to the other Lara but I know that he is the real Queen Lara. The softness of his voice and the elegance when he walked.

"Fuck." Bulong ni King Ruthven at lumayo sa isa pang Lara na kunot noo itong tinignan mula ulo hanggang paa.

The energy within him is the same. Kung paano namin nakilala si Queen Lara sa katawan na 'yan ay gano'n parin ang enerhiya na ipinaparamdam niya sa amin. Gano'n parin ang lakas na meron siya at gano'n parin ang itsura niya. Ang kakaiba lang ay ang pagiging itim ng mahaba nitong buhok, ang kaniyang berdeng mga mata ay naging itim na rin ang kulay at parang naging matigas siya kung tignan.

"Dude, I am Lethius. Lara's brother." Lahat kami nagsinghapan dahil sa matigas na pagkakasabi ni Lethius no'n. Right! I remember him now! Lethis is his name! The real owner of that body!

"Kapatid? Magkapatid kayo? Like totoong kapatid?" Euryale clarified, Lethius nodded. As far as I remember, he is a God. He is the God of Imitating Powers. He's strong, he can imitate powers and of course he is not just an ordinary God!

"Yeah, biologically, he is my brother. He is also a God, like me." Hindi ko alam pero mas lalo akong namangha at na-excite sa sinabi ni Lethius kaya halos lahat kami ay napatulala sa nakangiting mukha ngayon ni Queen Lara. Napakaaliwalas ng mukha niya at makikita mo talaga sa kaniya na bagay na bagay talaga ang titulo niya sa buhay.

A God, and a Queen.

His skin is just like the snow, his natural red lips is captivating and his beauty is trying to catch all of our eyes. He became more beautiful, he looks like a real woman now!

Pinanuod namin si Queen Lara na lapitan si Ruthven na parang natulala dahil sa ganda ngayon ng Reyna. Na para bang ginagawang spotlight ng araw ang sinag niya para maipakita sa amin kung gaano kaganda ang isang Queen Lara! He is a shitty God indeed!

"How are you, my King?" Ngiting tanong ni Queen Lara na siyang nagpatuod kay Haring Ruthven at bago pa siya makapagsalita ay agad na siyang niyakap ng Reyna.

After an hour, Queen Lara set a meeting for all of us his right hands. All of us are still in culture shock because of the revelations she unravel.

Lethius is his brother, and he also told us that he is the God of Demon Gods, and he is also a Daemonicus, the highest form of Demon God! The one who created the first Dragon, the first Serpentes and also the first Kraken! He is so strong that I can't even shitty imagine how wide and huge his powers are! He is a God, and a Daemonicus and the creator of our ancestors! He told us about his journey of getting his body, how cold and beautiful the country of Litrayad is, how he met his adoptive parents again and how he met the other Ruthven named Hugo.

Pinakilala niya ulit sa amin ng maayos kung sino si Lethius, ang nakababata niyang kapatid. At si Oviossa, ang pinakamatanda sa kanila na Diyosa na siya ring usa sa mga tumulong sa kaniya na malaman ang katotohanan. Hindi ko alam kung paano ko ikakasiya lahat sa utak ko dahil sa nalaman, hindi ko rin alam kung makakatulog pa ba ako dahil sa isiping napakalakas pala talaga ng Reyna namin. Lahat kami ay nalaman kung sino talaga siya! Lahat kami ay parang naging tanga dahil sa pagkakatulala sa sinabi ni Queen Lara!

Ipinakilala niya rin sa amin si Aurora, isang diwata. Ngayon lang ako nakakita ng diwata, at alam ko na napakalaki ng responsibilidad nila sa maliit na mundong 'to base na rin sa narinig ko tungkol sa kanila. Maganda siya, napakaputi rin na para bang pinaglihi sa kulay ng maliwanag na buwan. Ramdam na ramdam ko rin ang lakas na nasa loob niya, ang malakas rin niyang kapangyarihan ay nag-uumapaw na para bang katumbas niya na ang lakas ng isang Demon God!

Paglipas ng isang araw ay nakarating na rin si Zora habang bitbit ng isang lalaki si Nyctimus na walang malay. Agad dinala ang katawan ni Nyctimus na ngayo'y isa na pa lang Demon God. Nawalan siya ng malay dahil sa pagbigay niya ng pangalan sa lalaking nagpakilalang Deo, ang halimaw na Charybdis! Hindi ko alam kung ano ang itsura ng ganoong halimaw pero ang sabi ni Zora ay mas nakakatakot pa sa wangis ng isang Dragon!

I already saw how monstrous and terrifying Typhoeus' form is, a Typhon, and it is not so pleasing in the eyes... and thinking that Charybdis is also a shitty monster living in the deepest ocean, I don't know if I can handle myself seeing him transform.

Natatakot rin ako kahit isa rin akong halimaw!

"Goddess Oviossa, i-is alive?" Napatingin ako kay Heraphim, seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa madilim na ngayong kalangitan. Katabi niya si Seraphim at Chirubim, habang wala naman si Arakiel sa tabi.

"All this time, she's alive! And she's the Queen's o-older sister." Seraphim seconded that made me narrowed my eyes.

What are they talking about?

"Why? Is there something wrong?" I curiously asked. They faced me like it was a question that doesn't need to be asked.

"She's the reason why we're here, Kyogra. Siya ang rason kung bakit umalis ako sa Elysium. Siya ang rason kung bakit pinatalsik sina Arakiel, Chirubim at Seraphim." Natigilan ako sa sinabi ni Heraphim, seryoso itong nakatingin sa mga mata ko na para bang ako ang may kasalanan! Huminga na lang ako ng malalim at tumingin sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin.

"Queen Lara already told us that Goddess Oviossa saved Lethius, she sacrificed herself to resurrect Lethius' body but it wasn't enough and that's the time where Queen Lara's soul injected in his body as well. Sa pagkakaintindi ko, Goddess Oviossa is alread dead and her soul is still in Lethius' body. Hindi sinabi kung may pisikal pa ba itong katawan." Mahabang sabi ko at pinanuod kung paano parang nahulog ang isang bituin na siyang mas lalong nagpaganda sa kalangitan.

"At nangyari na ang lahat, Heraphim. Nandito na kayo, masaya na kayo kaya huwag niyo ng sisihin ang sarili niyo at ang nakaraan."

"Hindi madali 'yon, Kyogra. Hindi magiging madali 'yon lalo na't siya ang dahilan kung bakit kami naparusahan at naghirap ng ilang buwan. Akala namin kung napa'no siya, akala namin kung ano na ang nangyari sa kaniya. Kami ang sinisi sa pagkawala niya, kami ang pinarusahan." Dinig ko mula kay Chirubim na siyang nagpahinga na lang ulit sa akin ng malalim. Lumingon ako sa kaniya at kay Seraphim na parehong malungkot na nakatingin sa kalangitan.

"Bakit? Hindi ba kayo masaya sa lugar na 'to ngayon?" Mukha silang natigilan sa tanong ko. Seryoso ko silang tinignan isa-isa na siyang ikinatuod nila't ikinalunok ng malalim.

"Kung hindi rin dahil sa Diyosa na 'yon ay hindi niyo makikilala ang mga kaibigan natin ngayon. Hindi natin makikilala ang isa't isa at hindi kayo magiging masaya. Ikaw Seraphim, gusto mo bang laging nagtatago habang alam mong kasalanan ang pagdadalang tao galing sa isang Diyos?"

"Huwag mong idamay si Vellihal, Kyogra!" Diing turan sa akin ni Heraphim pero nilabanan ko lang ang mga titig niya.

"Heraphim, alam mo sa sarili mo na hindi rin kayo magiging masaya ni Arakiel kung hindi dahil sa Diyosa niyo. Hindi rin sana magiging masaya si Chirubim. At tiyaka hindi magiging ganito kasaya si Seraphim, hindi siya magiging malaya sa parusa kung hindi dahil sa Diyosa ninyo. Hindi kayo makakagalaw ng malaya at payapa." Sagot ko kay Heraphim na siyang nagpatigil sa kanilang lahat.

I'm mad, and I know I didn't experience what they experienced so I also understand them but what's the point right? What's the shitty point if they are just going to continue blaming the Goddess?

"Anong pinupunto niyo? Teka nga, hindi ba kayo masaya rito? Napipilitan lang ba kayo?" They were stiffened.

"Alam niyo kung gaano kabait si Queen Lara at alam niyo kung paano niya ibinuwis ang buhay niya para lang maging ligtas tayong lahat at para maging masaya sa kung ano man ang meron tayo ngayon. Hindi niyo ba 'yon nakita at naiintindihan? There is no point of blaming that Goddess because she has reasons too and that's saving his brother, saving Lethius. Their brother, our Queen's brother. At kung ako 'yon, gagawin ko rin ang nararapat para lang mailigtas ang kapatid ko." Huminga ako ng marahas at tumayo sa pagkakaupo. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.

I was just relaxing here in the Garden of Eden but they just killed the shitty mood!

"Maging masaya kayo kasi buhay pa kayo. And thank you for that Goddess, and thank you for her brother, Lethius. And thank you for Queen Lara. They are the reasons why all of you, all of us, are still alive." Hindi ko na nakayanan at umalis na ako sa harapan nila.

Ang ayaw ko ay parang hindi nila naa-appreciate ang ginawa ni Queen Lara na walang ibang ginawa kun'di ang iligtas at pasiyahin kaming lahat. Marami ng beses niyang itinaya ang sarili niya para lang maging malaya kami, at siya ang dahilan kung bakit kami nagkaroon ng ganitong lakas.

"You're mad. Is it because of them?" Natigilan ako nang may biglang lumabas na isang anino mula kung saan. Nanliit ang mga mata ko nang makita kung sino ito.

"Zachariuss. Why are you here?" Takang tanong ko sa kaniya. He just shrugged.

"I'm waiting for my lover." He shortly said that made me nodded.

Ang kanina'y init ng ulo ko ay nawala dahil sa sinabi niyang 'yon.

Masaya ako para sa kaniya, masayang-masaya.

"I'm happy for you, Zachariuss, I'm happy for you. Please don't hurt him, don't hurt Prince Ruthvann." Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko na siyang nagpangiti na lang sa akin. Napansin ko pa kung paano magtagis ang mga panga niya na siyang ikinahinga ko ng malalim.

He deserves to be happy even though he can't remember anything.

"Just like you did to me, Kyogra?" Natigilan ako sa sinabi niya at unti-unting nanlaki ang mga mata ko!

Anong sabi niya?

"Just like you did to me, years ago? On how you left me, leaving me without telling the reason?"

Naaalala niya na?

Hindi ko alam pero bigla na lang nanginig ang mga labi ko dahil sa sinabi niya. Biglang nanghina ang tuhod ko dahil sa narinig mula sa kaniya! Parang bumalik lahat sa utak ko ang nangyari! Parang bumalik ang sakit na siyang naramdaman ko no'ng iniwan ko siya ng walang pasabi! Ang pag-tatalo namin ni Ina at Ama dahil sa ayaw nila kay Zachariuss, at ang pag-iyak ko nang piliin ko ang desisyon na iwan siya.

"I won't be like you, Kyogra. Never."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro