Chapter 56
Lara
"Ma, Pa, kailangan ko ng umuwi. Kailangan ko ng uwian ang asawa ko, I'm sure na nag-aalala na 'yon sa'kin lalo na't nararamdaman niya rin ang mga emosyon ko. Mag-iisip na 'yon ng kung anu-ano. Napakahirap kasing pakisamahan ng lalaking 'yon kapag nagagalit, ang tagal magpasuyo." Natatawa kong turan na siyang ikinahagikhik ng mga magulang ko. Napapailing naman si Hugo habang nasa likuran nito si Haroyo na ngayo'y nakatingin lang talaga sa kapatid ko na para bang binabantayan niya ang bawat kilos niya.
I know he has feelings towards Hugo, my brother, and I know that he is willing to do everything just to protect and take care of him. He will do everything just to make sure that Hugo is safe and secured. It was like he was my brother's bodyguard, a closest friend, and hmm... boyfriend?
Alam ba niya na may gusto si Haroyo sa kaniya? Para sa akin kasi, halatang-halata ang mga kinikilos niya at sigurado akong may pagtingin siya kay Hugo.
"Nako, kailangan mo na palang umuwi anak. Alam kong nakakalungkot dahil mawawalay ka na sa amin pero alam namin na malaki ang responsibilidad mo dahil isa kang kinikilalang Reyna ng iyong nayon." Ngumiti ako sa sinabi ni Papa, at least naiintindihan niya ako. Tanggap niya na ako, at alam kong una pa lang, ay tanggap na nila ako.
Napalingon ako kay Lethius na ngayo'y nasa likuran ko, nakangiti siya sa akin. Napapansin ko na ang buhok niya ay unti-unti nagiging itim ang kulay, mukha 'yon talaga ang tunay niyang kulay. Naging berde lamang ang buhok niya dahil sa halos pag-aako ng kaluluwa ko sa katawan niya.
Halos kunin ng kaluluwa ko ang katawan niya kaya mabuti na lang talaga ay naagapan. Mabuti na lang ay agad akong bumalik sa tunay kong katawan dahil kapag hindi, mamamatay siya, mamamatay si Lethius na siyang hindi dapat mangyari. Maglalaho ang kaluluwa niya na siyang hindi dapat puwede.
It was like, I almost took over his body because of the hunger of my soul.
"Anak, if you have time, bisita ka ulit. At kung may oras rin kami, gusto namin bumisita sa inyong nayon para makilala na rin ang asawa ng anak namin. At tiyaka, nang makita rin namin ang mga pamangkin nitong sina Soroto at Selena." I looked at my little siblings, they are smiling sweetly at me and I know that deep inside, they are hurting because I am finally going home. I smiled at them sweetly and knelt down, I motioned them to come near me.
Agad silang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Doon na sila bumigay hanggang sa marinig na naming lahat dito sa kwarto ko ang pag-iyak nila. Hinagod ko ang kani-kanilang mga likod at isa-isa silang hinalikan sa kani-kanilang mga noo.
"Kuya!" Sigaw nilang dalawa na siyang parang may kung anong kumurot sa puso ko.
"Huwag kayong mag-alala, bibisita ako, o di kaya ay kayo ang bumisita. You are always welcome to my nation, okay?" Iyak parin sila ng iyak na siyang ikinahinga ko ng malalim at niyakap pa sila ng mahigpit.
Kung hindi lang sana malungkot ang nararamdaman ngayon ni Ruthven ay baka nagtagal pa ako dito, pero unti-unti ko na kasing nararamdaman ang lungkot niya at kapag ganito ay baka mabaliw siya.
It was not Lethius, it was my soul that he mated. My soul was mated to him that's why, even my soul is in another body, he can still feel my emotions... ang same goes with me as well.
"M-Mami-miss ka namin Kuya!"
"I know Selena, kaya bisita kayo ah? Kayo ni Kuya Hugo niyo at ni Soroto. Sina Papa at Mama rin, okay?" Bulong ko sa kaniya, maamo itong tumango sa akin na siyang ikinangiti ko.
"Bibisita ako kaagad sa inyo Kuya, gagawa ako ng paraan para makasama ka ulit." Napatingin ako kay Soroto habang nakatingin na siya sa akin ngayon ng nagpapaawa. Ngumiti ako sa kaniya at hinaplos ang buhok niya.
He looks like Hugo, habang tumatagal, nagiging Hugo ang mukha niya.
Hmm, mukhang dadami ang kamukha ng asawa ko ah?
"Lathum... I mean Lara, kailangan na nating umalis." Natigilan ako dahil sa pagtawag sa akin ni Lethius. Huminga ako ng malalim dahil alam kong naninibago ako dahil sa tunay kong pangalan, pero gusto ko sana ay ang Lara na pangalan ang gusto kong dalhin hanggang sa pagkamatay ko. Sa pangalan na 'yon ko nakilala ang mga kaibigan ko, sa pangalan na 'yon ko nakita kung paano ako minahal nila at paano ako naging isang Reyna. Maraming nangyari sa pangalan na Lara kaya hindi ko ito ipagpapalit, kahit nakasalalay man ang tunay kong pangalan.
"Maraming salamat sa inyong lahat, sa inyong tulong na ibinigay ng taos puso. Salamat dahil hindi kayo nagdalawang-isip na tulungan kaming dalawa ni Lara, hindi kayong nagdalawang-isip na ibigay ang proteksiyon na kailangan niya at ang katotohanan para sa aming dalawa." Litaniya ni Lethius na siyang nagpangiti kina Papa at Mama.
"Walang anuman Diyos Lethius, karangalan namin na tulungan ka at ang tinuturing na naming anak na si Lara. At karapat-dapat lang kayong proteksiyonan lalo na't importante ang buhay niyo sa mundo ng Maria." Si Papa na siyang kinasang-ayunan ni Mama.
Tumayo na ako na siyang nagpatingala sa dalawa kong kapatid. Umatras sila ng kaunti at tumakbo sila sa direksiyon ni Hugo na may mga luha pa sa kani-kanilang pisngi. Napatingin ako kay Hugo na ngayo'y nakangiti na sa akin.
"Parang kailan lang ay nagugustuhan pa kita, ngayon ay naging kapatid na kita." Natatawa nitong turan na siyang ikinailing ko na lang. Napatingin ako sa direksiyon ni Haroyo at napansin ko ang pag-igting ng mga panga niya na siyang ikinailing ko na lang.
"Hugo, alam na alam mo na may nagmamahal sa'yo maliban kina Mama, Papa at sa mga kapatid natin. Bakit hindi mo subukan tumingin sa paligid nang makita mo kung sino pa ang nagmamahal sa'yo ng tunay?" Mukhang natigilan si Hugo sa sinabi ko at gano'n rin si Haroyo na siyang ikinahagikhik ko.
Halata masiyado ang dalawa sa mga ikinikilos nila, mukhang alam na ata ni Hugo na may gusto sa kaniya si Haroyo ah?
Umatras ako ng kaunti at tumabi kay Lethius habang ang mga mata ko ay nanatiling nakatingin sa pamilya ko... sa kinalakihang pamilya ng isang Lara. Binigyan ko sila ng ngiti, ngiting alam kong hindi nila makakalimutan at ngiting matamis na siyang kanilang hahanap-hanapin.
Mahal ko sila. Mahal na mahal.
"Hanggang sa muli nating pagkikita, hanggang sa muli nating pagsasama. Hihintayin ko kayo sa aking nayon, hihintayin ko ang inyong pagbisita, hihintayin ko kayong lahat sa aming tahanan." Nakangiting litaniya ko na siyang ikinangiti't ikinatango nilang lahat maliban kay Haroyo na parang hindi alam ang gagawin habang nakatingin parin kay Hugo.
Tumingin ako kay Lethius na ngayo'y nakatingin na rin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
I will miss them, I will miss this room and I will miss this castle. I will miss Litrayad.
After an hour we decided to bid our last goodbyes to my family, to the other beings who helped us and also to the knight who did their best just to protect the Royals. We also bid goodbyes to the Snow Guild who took over just to imprisoned all the bandits and especially their leader. They played their role so well, they protected Hugo and the other beings inside the Litrayad.
Nakangiti akong nakatanaw sa bansa ng Litrayad habang kitang-kita ng mga mata ko ang pagpapaalam nina Mama at Papa, nina Soroto at Selena at lalo na si Hugo. Kumakaway sila sa amin ni Lethius kaya gano'n rin ang ginawa ko habang ang katabi ko naman ay nakangiti lang na pinagmamasdan ang mga nilalang.
"T-Teka po! Teka! Sasama po ako!" Natigilan kami ni Lethius nang may isang babaeng sumisigaw habang lumilipad ngayon papunta sa amin. Sina Mama at Papa ay natigilan rin sa pagkaway pero kalaunan ay ngumiti na lang sila habang nakatanaw rin sa babaeng papalapit na sa amin.
"S-Sasama po ako." Turan pa niya nang makababa siya sa lupa. Nagmamakaawa itong nakatingin sa amin ni Lethius, kitang-kita sa mga mata niya ang tapang at determinasyon.
"Diwata! Ikaw ang babaeng niligtas ko tama?" Ngiti kong tanong na siyang ikinangiti ng babae at ikinatango.
"Ako nga po, at g-gusto ko po sanang sumama sa inyong paglalakbay, gusto ko pong mapalayo sa Litrayad dahil sa hindi ko na po nakayanan ang nangyari kahapon. Alam ko pong napamahal na sa akin ang bansa pero kailangan ko pong maging ligtas lalo na't, ako na lamang ang natitirang diwata na kayang kontrolin ang elemento ng tubig at yelo. Sawa na po ako sa mga babala ng mga nilalang na walang ibang ginusto kun'di ang akuin ang buhay ko." Nagtaka ako sa itinuran niya kaya napalingon ako kay Lethius na seryoso lang na nakatingin sa babae.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Lethius na siyang ikinatango ko. Hindi ko rin kasi naiintindihan ang sinabi niya.
What's with her reaction while telling us that she is now the only one remaining Fairy that can control the elements of ice and water?
"Ang mga diwata na nasa Litrayad ay ang mga diwatang kayang kontrolin ang liwanag. Marami sila at kaya nilang ipagpatuloy ang kanilang lahi habang ako, ako na lang ang natitira at ang misyon ko ay paramihin ang aking lahi sapagkat kailangan kami sa mundo ng Maria." Sagot nito na siyang nagpatigil sa aming dalawa ni Lethius na hanggang ngayon ay hindi parin namin maintindihan ang pinupunto niya.
Huminga siya ng malalim nang makita ang reaksiyon naming dalawa. Napalingon pa ako sa likuran kung saan kitang-kita ko pa sina Mama at Papa na seryoso na ngayong nakatingin sa amin. Alam kong tinatanong nila ang isa't isa kung bakit bigla na lang lumapit sa amin ang diwatang ito at bakit kami natatagalan ngayon.
"Ako na lang ang tagabantay ng karagatan, ako na lang ang natitirang diwata ng karagatan at ng yelo. Kapag nawala ako sa mundong 'to, mawawala ang dagat o kahit na anong anyong tubig at mawawalan ng malamig na klima ang mundong 'to. Mawawalan din ng lugar kung saan pinagkukuhanan ng lakas ang yelo." Sagot niya na siyang ikinalaki ng mga mata ko, hindi ko alam pero ngayon ko lang nalaman ang bagay na 'to!
I don't remember creating Fairies. I only created Dragons, Serpentes and Krakens. Other Daemonicus might created them and the other wild creatures and monsters. As far as I remember, Fairy is not on my list!
"Ibig sabihin, maraming mamamatay sa karagatan o ibang nilalang na pinagkukuhanan ng lakas ang nga anyong tubig at maraming mamamatay sa mga lugar na ang tanging lamig ang siyang bumubuhay sa kanila. Kaya gusto kong sumama sa inyo, kung inyo akong bibigyan ng pagkakataon. Ramdam kong hindi ako ligtas sa bansang 'to lalo na't ako na lamang ang natatanging diwata na nagbabantay sa karagatan at lamig ng klima." If she is really telling the truth, her power might be strong and wide that even she's here, she can still guard the ocean, ice lands, and also the cold weather. She might be really important!
Tumingin ako kay Lethius na ngayo'y nakatingin na rin sa akin.
"Kung totoo ang sinasabi niya, katulad ng mga diwatang may kakayahang kontrolin ang liwanag, kapag namatay at naubos sila ay mawawalan din ng liwanag ang mundong 'to." Lethius uttered that made me think and after seconds, I nodded. Yes, Fairies holds the most important role in this world!
"Malakas po kayo, nararamdaman ko 'yon. At ang tanging paraan para maging ligtas ako, ay sumama sa inyo kung saan man kayo pupunta. Kahit saan, basta kasama ko lang kayo, ayos lang sa akin. Magiging ligtas ang buhay ko basta kasama ko kayo. Sige na po, sana po mapagbigyan niyo ang hiling ko. Hindi rin po ako magiging pabigat, mag-aaral rin po ako sa pakikipaglaban!" I suddenly felt pity towards her especially I know the feeling of being scared when it comes to death and protecting or valuing someone.
And I think she really deserves to live longer, aside from being the only Fairy of water and ice, she deserves to explore the world and make memories together with the beings that she can rely on. And with that kind of attitude, that she is desperate to be with us just to save the legacy of the Fairies that can control water and ice, she's fit being in Mystic Emerald.
And I can't just let her die knowing that she holds the most important role in this little world.
"Do you have a name?" I asked her, she smiled sadly and shook her head. I smiled and touched her shoulder that made her stiffened and stunned a bit.
"Then I will give you one." Mukha siyang nagulat dahil sa sinabi ko, kasabay no'n ay ang pagningning ng mga asul niyang mata habang nakatingin sa akin.
"H-Hindi ko po alam kung a-anong sasabihin..." Utal nitong sambit.
"You don't have to, just accept the name that I will give you, okay? And yes, we will let you to be with us. You'll come with us, and you will live in my nation with my friends." I stated that made her stopped like she didn't expect it from me. I smiled, widely.
"You will serve me as your new Queen, you'll live with us so you have to give your faith and loyalty to me. Can you do that?" Mukha siyang natigilan sa sinabi ko at parang nalito, alam kong nagtataka dahil sa sinabi kong ako ang Reyna. Magsasalita na sana ako para klaruhin nang matigilan ako sa matamis niyang ngiti.
"Opo, gagawin ko 'yon, mahal na Reyna." Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa pagtawag niya sa akin na parang may kumiliti doon. Napangiti ako ng matamis.
"Then, I will call you, Aurora."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro