Chapter 55
Zora
"She can do it, Zora, don't be afraid. I trust her power and the blood within her. After all, she's my daughter." Hindi ko alam kung dapat ba akong maging kampante dahil sa sinasabi ngayon ng ina ni Reyna Sahaya, hindi ko alam kung paano siya nakulong sa selda kung isa pala siyang Diyosa!
Reyna Sahaya ay isang sirena, na may dugong Diyosa! Isa siyang Hybrid! Kung gano'n, tama nga talaga ako na napakalakas ni Reyna Sahaya at hindi lang siya mahinhin! Sa likuran pala ng mga matatamis niyang ngiti, ay may nakatagong malakas na parte na siyang hindi pa nasisilayan ng karamihan!
"Queen Cena, ayos lang po ba kayo? Matagal na po ang panahon nang huli ko kayong masilayan." Sabat ni Deo na siyang ikinangiti lang ni Reyna Cena.
"I was in a powerful cell, that a God or Goddess can't even escape because of that power. I was just lucky iho, because Sahaya has the power of the ocean, and her blood is not ordinary. His father uses his blood to locked me that time that's why Sahaya tried to open the cell using her blood as well which is very effective." Paliwanag nito, walang ni isa sa amin ni Deo ang gustong magsalita dahil nakatutok lang kami sa magandang mukha ng Reyna, ang dating Reyna ng Herozomia.
Bumalik na ang dati kong lakas dahil sa binigyan ako ng lunas ng dating Reyna. Bumalik ang lakas ng kapangyarihan ko nang gamitin niya ang kapangyarihan niyang tubig para pabalikin ang enerhiya ko na siyang naiwan sa kailalimlaliman ng karagatan. Na para bang kinuha niya ulit ang mga enerhiya na 'yon pabalik at ibinigay ulit sa aking katawan.
At hanggang ngayon ay hawak-hawak ko parin ang kristal, ni hindi ko na ito mabitawan dahil sa natatakot akong baka mawala sa paningin ko. Hindi na rin itinanong sa akin ng dating Reyna Cena kung bakit ko kinuha ang puso ng kastilyo ng mga Dragon ng karagatan.
"Mermaids and Merman's blood are one of the weaknesses of the Gods and Goddesses it is because of the magical poison within their bloods. And they can also easily hypnotized creatures using their beautiful voices and looks that's why I was accidentally captivated by Franklore and made me her wife. I have never fell in love with him, same goes with him. But he used his blood to capture me, and used me to bear a child and use that child to rule the whole ocean in the future. A God and a Mermaid's blood are powerful when they become one, it will give so much power to the child that's why he forced me to bear a child." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sunod na paliwanag ni Reyna Cena na ngayo'y kitang-kita ang galit sa mga mata niya.
Ang batang 'yon ay walang iba kun'di si Reyna Sahaya.
Hindi ko alam kung ano ang nasa utak ng Hari noon at bakit ginamit ang Diyosa na ito na nasa harapan ko. Kitang-kita sa kaniya ang kainosentihan, kagandahan at kabutihang personalidad! Pero anong ginawa ng Hari? Gumawa siya ng kasalanan para lang matumbasan ang kagustuhan niyang akuin ang buong karagatan?
"But I never regretted having Sahaya, she's my treasure and my daughter. That's why I decided to live with Franklore, the King of Herozomia. I tortured and forced myself to love him but I just couldn't, he is too evil. And I am too good to be true for him."
"H-Hindi namin alam na ganiyan na po pala ang naranasan niyo sa kamay ni Haring Franklore. Mabuti na lang rin talaga na hindi ko hinayaan na mabura sa alaala ko ang iyong kabutihan noon Reyna Cena. Na tanging ang hangarin mo lang ay ang tumulong sa kapwa." Ngumiti si Reyna Cena sa litaniya ni Deo na siya ring nagpatango sa akin. Iyon din kasi ang kuwento sa akin ni Reyna Sahaya.
"She's here, my daughter is here." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Reyna Cena at agad humarap sa karagatan. Nakita ko kung paano lumaki ang mga alon hanggang sa may kung anong liwanag na akong nakikita. Natuod ako sa kinakatayuan ko kasabay ng kaba at galak!
Ilang segundo ang lumipas ay bigla na lang may kung anong tumalon mula sa karagatan na siyang ikinamangha ng mga mata ko! Kitang-kita ko kung paano kaganda ang mahabang buntot ni Reyna Sahaya na may bahagharing kulay, mga asul na kabibe na siyang tanging nagtatakip sa kaniyang itaas na pribadong parte, mga nagniningning na mga perlas na kuwintas at parang mga korales na siyang parang korona na nakapatong sa kaniyang ulohan. Hinahangin ang kaniyang mahabang buhok habang ang kaniyang asul na mga mata ay nakatitig na sa aming lahat.
"I knew that she can do it." Rinig kong bulong ni Reyna Cena. Pinanuod namin si Reyna Sahaya na unti-unting nagiging paa ang kaniyang buntot hanggang sa nag-iba na rin ang kaniyang suot sa kaniyang pang-itaas. Ang kaniyang mga korales na korona ay naglaho na rin hanggang sa nawala na rin ang pagliwanag ng kaniyang mga mata.
"Reyna Sahaya!" Sigaw ko at agad tinakbo ang distansiya naming dalawa. Mula sa pagkakalutang niya sa ere ay agad siyang bumaba sa lupa upang salubungin rin ako.
"Reyna Sahaya!" Sigaw ko ulit sa kaniyang pangalan at agad na itong dinambaan ng mahigpit na yakap.
"A-Akala ko mamamatay ako sa kakaisip kung ano na ang nangyari sa'yo sa ilalim ng karagatan! Akala ko napaano ka na sa bansang 'yon!" Bulong ko sa kaniya, naramdaman kong parang humagikhik siya kaya unti-unti akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.
"Ayos lang ako, Zora. Hinayaan ako ni Ama na makaalis, alam kong hindi niya rin ako matitiis kahit alam kong labag sa kalooban niya." Sagot niya sa akin na siyang ikinahinga ko ng malalim. Napalingon si Reyna Sahaya sa likuran ko at agad rumehistro ang matamis sa kaniyang labi. Ramdam ko ang galak nito habang nakatitig sa likuran ko.
Napalingon ako sa likuran at kitang-kita rin ang matatamis na ngiti ni Reyna Cena, ang mga magagandang Reyna, ang magagandang kababaihan at ang magagandang mag-ina.
Napangiti ako nang mabilis tumakbo si Reyna Sahaya habang si Reyna Cena naman ay naghihintay lang na lumapit sa kaniyang anak. Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa nakikita ko, na pati ang puso ko ay napangiti dahil sa nakikita.
Sa wakas, nagkasama na rin sila na walang balakid na pumagitan sa kanilang mag-ina. At nakatakas na sila mula sa mga kamay ng masamang Hari na 'yon. Alam kong mahirap rin ang pinagdaanan nilang mag-ina at masaya ako dahil sa hindi nagsisi si Reyna Cena na nabuhay si Reyna Sahaya. Sa yakap nilang dalawa, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pangungulila nila sa isa't isa. At ramdam na ramdam ko ang matinding tuwa dahil sa wakas ay nagkasama na sila ng tuluyan na walang rehas ang pumipigil sa kanilang pagyayakapan.
"Mom!" Iyak na tawag nito sa kaniyang ina. Niyakap siya ng mahigpit ng Diyosa pabalik at hinagod ang likuran nito na para bang hinehele ang kaniyang anak na siyang nagpangiti sa akin. Alam kong matagal ng hinahangad ni Reyna Sahaya ang makasama ang kaniyang ina, at alam na alam kong gustong-gusto na niya itong mahagkan at mayakap.
Napalingon ako kay Deo na papalapit sa akin. Nginitian niya ako na siyang ikinangiti ko rin sa kaniya. Alam kong mahirap para sa kaniya na tanggapin ang lahat pero alam niya rin sa sarili niya na nangyari na ang dapat mangyari. Lahat kami rito ay sa wakas ay nakatakas sa kamay ng kamatayan, sa bansa na pinamumunuan ng masamang Hari at sa masasamang nilalang na kasapi nito.
"Nagagalak kong makita kang muli, Zora. Masaya ako dahil napagtagumpayan mong hanapin ang kristal, pero hindi ko aakalain na dadalhin mo ito sa ating paglalakbay." Napatingin ako sa tinutukoy niyang kristal na siyang ngayo'y parang kumikislap ng ubeng liwanag. Nakayakap parin sa kristal ang itim na mga ugat na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim.
Hindi ko alam kung bakit hindi gumana sa akin ang kapangyarihang malaman ang nakaraan nang mahawakan ko ito. Hindi ko naramdaman ang kapangyarihan nang haplusin ko ito kaya napagtanto ko na parang si Nyctimus talaga ang hinihintay nito. Ang asawa ko ang siyang dapat nakahawak sa kristal na ito.
"Hindi ko rin aakalain na makakaligtas ako sa kamay ng limang 'yon, Deo. Akala ko ay tuluyan na akong mamamatay at masasama sa pagguho ng kastilyo sa likod ng lagusang pinasukan ko." Sagot ko sa kaniya, tumango ito sa akin.
"Nag-alala ako ng husto Zora, na pati ang katawan ni Panginoong Nyctimus ay parang nagwala na lang na siyang hindi ko malaman ang dahilan. Mabuti na lang ay napigilan ko ito at naikalma ko ang kaniyang katawan." Sa pagkarinig kong 'yon ay agad akong napaharap sa wala paring malay na si Nyctimus. Alala ko itong tinignan ng mabuti at hindi ko alam kung bakit parang ang sakit-sakit na makitang naghihirap siya kung ako man ang nakasaksi sa nangyari sa katawan niya kanina.
"Salamat Deo, salamat dahil hindi mo hinayaan ang katawan niya. Salamat dahil hindi mo siya hinayaang masaktan." Ngiti kong pagpapasalamat.
"Walang anuman, Zora. Alam mo kung gaano ko nirerespeto ang Panginoon." Sagot nito agad sa akin.
Sabay kaming napalingon sa direksiyon ng dalawang Reyna na ngayo'y nakangiti nang nakatingin sa aming dalawa ni Deo.
"Zora, nakilala mo na ang aking ina!" Galak nitong turan sa akin na siyang ikinatango ko, tumingin ako kay Reyna Cena na ngayo'y matamis na ring nakatingin sa akin.
"Kay ganda ninyong pagmasdan, Reyna Sahaya. Napakasaya niyong tignan." Turan ko rito at lumapit ng iilang hakbang papunta sa kanila.
"Reyna Sahaya, hindi ko alam kung paano ako makakapagpasalamat ng malaki pero malaki ang utang na loob ko sa'yo. Malaking-malaki ang utang na loob ko sa'yo Reyna Sahaya sapagkat ikaw ang nagsabi sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Ikaw ang nagbigay sa akin ng babala, at iilang mga salita na siyang nakatulong sa akin ng malaki. Kung hindi dahil sa'yo, siguro ay wala na ako sa mundong 'to." Mahaba kong litaniya na siyang ikinangiti niya ng matamis. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang isa kong kamay kaya agad kong naramdaman kung gaano kalambot ang mga kamay niya.
"Maraming salamat." Mahinhin kong pasasalamat ulit, umiling lang siya sa sinabi ko at pinisil ang aking kamay gamit ang dalawa niyang mga palad.
"Magkaibigan tayo, Zora. Magkaibigan tayong dalawa kaya gagawin ko ang lahat para lang hindi ka mapahamak. Gagawin ko ang lahat para ikaw ay maging ligtas lalo na't alam ko kung gaano kalupit ang Amang Hari." Sagot niya sa akin na siyang nagpatigil sa akin.
"I did the right thing, Zora. I have to save you because I know the feeling when we are in the middle of saving and sacrificing, only our friends and our love ones can help us. I know the right thing, and what my father did is such evil and a mistake... it's a sin." Dagdag pa niya na siyang nagpatango sa akin.
Bilib ako kay Reyna Sahaya dahil kahit kadugo niya ay hindi niya ito nilalabanan kung nasa maling katwiran at posisyon. Hindi siya bumabase lamang sa mga salita, kun'di bumabase rin siya sa katauhan at personalidad. Wala siyang pakialam kahit ama pa niya ang Hari, kung alam niyang tama ay gagawin at rerespetuhin niya. Pero kung alam niyang mali, hindi niya 'yon tinutularan... ilalaban niya talaga kung ano ang dapat gawin upang ang mga mali ay maging tama.
"And what you want to have is the power of that crystal, to save your husband from sadness and to free him from his painful past. And I understand you for that, and I salute you because you did everything for Nyctimus. Kung ganiyan lang kalakas ang damdamin ko noon, sana ay buhay pa ang asawa ko. Kung sana ay ganiyan rin ako kalakas, baka nailigtas ko siya." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na siyang niyakap ng mahigpit. Napansin ko ang hindi paglaho ng matamis na ngiti ng kaniyang ina na siyang ikinangiti ko ulit.
Karapat-dapat si Reyna Sahaya na maging masaya, at nararapat lang ang nakuha niyang tagumpay na matagal niya ng hinahangad. At 'yon ang makasama ulit ang kaniyang ina.
"Reyna Sahaya, gusto ko mang makasama ka pa ng matagal pero kailangan na naming umalis at umuwi pabalik sa nayon namin." Bulong ko, kumalas ako sa yakap at nakitang ngumiti lang siya sa akin at tumango. Tumingin siya kay Deo na ngayo'y niyuko ang ulo para magbigay respeto.
"Dadalhin mo siya, hindi ba?" Tanong sa akin ni Reyna Sahaya, tumango ako bilang tugon.
"Dadalhin ko siya sa nayon namin, Reyna Sahaya. Ipapakilala ko siya kay Lara at sa mga matatalik kong kaibigan." Ngiti kong sambit.
"Then, send my regards to Lara and to your friends. Deo, you will be safe in there, I know their Queen." Ngumiti si Deo sa sinabi ni Reyna Sahaya at tumango. Ilang segundo ay lumayo na siya mula sa amin para puntahan ang walang malay na katawan ng asawa ko.
"Then until next meeting?" Ngumiti ako ng matamis nang humarap ulit sa akin si Reyna Sahaya, tumango ako ulit sa tinuran niya at sabay tingin kay Reyna Cena.
"Hanggang sa muli nating pagkikita, Reyna Sahaya. Hanggang sa muling paglalakbay."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro