Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

Zora





Ilang minuto akong lumilipad habang hawak ang puso ng kastilyo. Habang sinusundan ako ng mga malalaking biyak ng bawat dingding ng pasilyo at ang paggiba ng mga malalaking bato. Nakakakaba, pero kailangan ko itong gawin para mailigtas hindi lang ang sarili ko kun'di ang aking asawa rin at si Oceana.

Hindi parin ako makapaniwala na makikita ko si Oceana sa huling pagkakataon. Hindi ko inakalang nakakulong siya dito ng dalawang taon nang mawala ang kaniyang pisikal na katawan sa nayon namin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon habang papalayo kay Oceana, at lalong hindi ko alam kung tama nga bang iniwan ko ang kaniyang kaluluwa doon ng mag-isa!

Napakasakit makita ang huling ngiti ni Oceana.

Pero 'yon ang sabi niya, makakawala siya sa lugar na 'to kung kukunin ko ang kristal. Makakalaya siya kapag ang kastilyo na ito na siyang tirahan pala ng mga Dragon ng karagatan ay magigiba! Makakalaya na siya sa kalungkutan at pagod kapag wala na ang kastilyo na 'to.

Ang lagusan na 'yon ang siya palang daan upang makatawid sa kastilyo ng mga Dragon ng karagatan!

"Kaunting hintay na lang, Nyctimus, makukuha na natin ang kasagutan na matagal mo ng hinahangad." Bulong ko habang bitbit na maigi ang kristal na ngayo'y unti-unti na namang nagliliwanag. Huminga ako ng malalim at kitang-kita ko kung paano lumabas ang malaking usok sa malaki at halimaw kong ilong. Rinig na rinig ko ang bawat pagaspas ng malalaki kong pakpak at rinig na rinig ko rin ang malalakas na halimaw na ungol ko para makahinga ng maayos.

Wala akong ibang pagpipilian kun'di ang gamitin ang huling lakas ko at maging isang Dragon ng karagatan. Kung hindi ko 'to gagawin, tuluyan nang babagsak ang katawan ko dahil sa panghihina. Tanging ang anyo lang na 'to ang siyang magbibigay sa akin ng lakas, at siyang magbibigay sa akin ng kapangyarihan at enerhiya upang makahinga ng matagal sa kalalimlaliman na karagatang 'to.

Agad tumibok ng mabilis ang puso ko nang masilayan na ng mga mata ko ang malaking lagusan na ngayo'y unti-unti na ring nagliliwanag. Habang papalapit ako ng papalapit ay siya ring pagliwanag ng pagliwanag ng lagusan. Napalingon ako sa likuran ko at halos atakihin ang halimaw na puso ko dahil sa malapit na malapit na pala sa akin ang paggiba ng mga kastilyo! Kitang-kita ko na ang malalaking usok galing sa mga nagkukumpulan ng mga malalaking bato galing sa itaas ng kastilyo!

"Argh!" Malakas na ungol ko at mas binilisan ang kilos para makapunta sa lagusan at hanggang sa agad kong inabot ito upang makapunta sa kabilang panig ng lagusang 'to.

Bago pa man ako mapasama sa pagguho ng kastilyo sa likuran ko ay siya ng pagkapasok ko sa loob ng lagusan at agad kinain ng liwanag ang malaking katawan ko ng saglit.

Dalawang segundo bago ako niluwa ng lagusan sa pamilyar na kuweba na siyang ikinaungol ko ng malakas. Pero natigilan ako nang may mga nilalang pala na naghihintay sa akin sa labas at kitang-kita ang mga seryoso nitong mga mata habang nakatingin sa akin. Naghahanda sila pero ramdam na ramdam ko ngayon ang kani-kanilang kaba habang nakatanaw sa halimaw kong anyo.

"Hindi ko aakalain na matatalo mo ang mga kanang-kamay ko, nilalang. At hindi ko aakalain na makukuha mo ng gano'n kadali ang puso ng kastilyo." Biglang umabante ang Hari ng Herozomia na siyang agad ikinaigting ng mga panga ko. Halos madurog ko ang kristal ng kastilyo dahil sa galit na nararamdaman ko sa kaniya.

Sinungaling siya! Sinungaling na Hari! At isa siyang masamang nilalang, at isang masamang ama!

"Ngayon, sisiguraduhin kong hindi ka makakatakas sa lugar na 'to. Hindi man sa kastilyo na 'yon ang magiging libingan mo, pero tatatak sa kuwebang 'to ang kamatayan mo!" Malakas na sigaw ng Hari at bigla na lang sumugod ang mga nilalang na hindi ko mabilang sa rami! Napaatras ako dahil sa alam ko sa sarili ko na wala na akong lakas at hindi na kakayanin ng kapangyarihan ko. At kapag nagtagal pa ako rito, hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako at baka maging totoo ang sinabi ng Hari!

"Subukan niyong lumapit sa kaniya! Ako ang makakalaban ninyo!" Lahat napatingin sa sumigaw at gano'n rin ako, nakita ko ang napakagandang babae na ngayo'y papalapit sa akin habang lumulutang sa ere. Ang kaniyang magagandang asul na mga mata na kasingkulay ng karagatan at ang kaniyang mahabang itim na buhok na siyang inaalon ng hangin ay siyang mas lalong nagbigay sa kaniya ng kagandahan.

Reyna Sahaya!

"Anong ginagawa mo diyan, Sahaya? Kailangan maparusahan ng nilalang na 'yan dahil sa pagtapak niya rito sa bansa natin ng walang pahintulot! At kinitil niya rin ang mga kanang kamay kong mga nilalang!" Malakas na sigaw ng Hari habang natigil sa pag-atake ang mga nilalang. Ramdam ko ang pagdadalawang-isip nila nang nasa harapan ko na si Reyna Sahaya habang seryoso na 'tong nakatingin sa lahat.

"Bansa mo, Ama. Bansa mo! This is your country, and I don't belong here because I am not as merciless as you! And I don't care about them, they deserve to die! They deserve to meet their end!" Sigaw ng malakas ni Reyna Sahaya na siyang nagpatigil sa Hari at parang hindi makapaniwala sa sinabi ng kaniyang anak.

"Huwag mo akong idamay sa kalupitan mo dahil hinding-hindi ako kagaya mo! Hinding-hindi ako tutulad sa'yo dahil isa kang masamang Hari! Do you hear me, Father? I am not like you, and I don't want to be your daughter anymore!" Sigaw niya ulit na siyang nagpasinghap sa lahat.

Hinahabol ko na ang paghinga ko nang maramdamang parang hinihigop na ang enerhiya ko. Mukhang napakaraming enerhiya na ang nawala sa katawan ko!

Lumingon sa akin si Reyna Sahaya at pagod niya akong nginitian. Tinignan niya ang buo kong katawan hanggang sa inabot niya ang malaking nguso ko.

"You look like Oceana, my bestfriend." Bulong niya na siyang ikinatigil ko.

"But I know she's already dead, and her soul is now guiding me. Zora, I'm so proud of you and you made me realize that I don't have to follow my merciless father. That I have to live my own life." Kitang-kita ko ang pagbabadiya ng mga luha sa mga mata niya na siyang parang ikinakirot ng puso ko. Gusto kong sabihin sa kaniya na nagkita kami ni Oceana, gusto kong sabihin sa kaniya na nangangamusta siya pero hindi ko magawa dahil sa wala na akong lakas at wala na akong sapat na enerhiya sa katawan!

Galit akong umungol ng malakas at kitang-kita ko ang takot na nagsisimulang rumehistro sa ekspresiyon ng mga nilalang.

"Now go, Zora, you have to go! Ramdam na ramdam ko na ang paghihina ng katawan mo kaya kailangan mo ng umalis! Naghihintay si Deo sa lupa, siya na bahala sa inyo. Ako na ang bahala rito, pipigilan ko sila." Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero wala na akong nagawa pa kun'di ang tumango sa sinabi niya. Ngumiti ulit ito sa huling pagkakataon bago lumingon sa mga tauhan ng kaniyang ama.

"Traydor ka, Sahaya! Traydor ka sa bansa!" Malakas na sigaw ng kaniyang ama pero natigilan ang lahat nang ngumiti lang ang kaniyang anak sa Hari.

"Baka nakakalimutan mo ama kung sino ang unang nagtraydor sa atin? Kung sino ang nagbigay sa akin ng sakit at lungkot, ang siyang nagnakaw sa kasiyahan at kalayaan ko!" Natigil ang Hari at kasabay no'n ay ang pagpagaspas ulit ng malalaki kong pakpak, naghahanda sa paglipad.

"You killed my husband who did nothing but to love me, you imprisoned my mother who gave everything to help all the beings here and you took my freedom and wedded yourself to another woman to make me feel useless. Now, who betrayed first my father?" Dinig kong sigaw ni Reyna Sahaya, kasabay no'n ay ang paglutang ko sa ere dahil sa malalakas nang pagpagaspas ng aking mga pakpak.

Hindi makapagsalita ang Hari dahil sa gulat sa sinabi ni Reyna Sahaya na rinig na rinig ang sakit sa tono at bawat salitang binibitawan nito sa kaniya.

"Ngayon, hindi ko hahayaan na pati ang kaibigan ko ay ipapahamak mo. Hindi ko kayo hahayaan na kunin rin ang kaniyang kasiyahan!" Bigla na lang dumagundong ang malakas na boses ni Reyna Sahaya sa buong kuweba at nagulat na lang ang lahat dahil sa may bigla na lang may rumagasa ng malakas na tubig sa loob.

"Umalis ka na Zora, iligtas mo ang sarili mo habang kaya ko pang pigilan silang lahat!" Kasabay no'n ay ang malakas na alon na siyang tumama sa kanilang lahat at siya ring paglipad ko ng mabilis sa ere at agad umalis sa kuweba.

"Habulin ang Dragon at patayin!" Rinig kong sigaw ng Hari.

"Hindi kita hahayaan! Mamamatay muna ako bago mo siya mapatay!" Parang may kung anong tumarak sa puso ko dahil sa sinabi ni Reyna Sahaya at hindi ko na namalayan na may tumulo ng luha galing sa mga Dragon kong mata. Mahigpit kong hinawakan ang kristal ng kastilyo habang mabilis na lumilipad papalabas ng kanilang kastilyo.

Napapalingon ako sa paligid dahil sa hindi nagiging tama ang takbo ng karagatan sa labas ng proteksiyon ng kastilyo. Parang nagwawala ang karagatan dahil sa alam kong lahat ng mga nilalang ay ginagamit nila ang kani-kanilang kapangyarihan para malabanan ang lakas ni Reyna Sahaya!

Nang makita ang pinakalabas na ng kastilyo ay agad kong sinuong ng mabilis ang proteksiyon na nakapalibot sa buong lugar na siyang dahilan kung bakit hindi nakikita ang pinakaloob ng bansang 'to. Pinikit ko ang mga mata ko nang tumagos na ang malaki kong katawan sa proteksiyon at agad natigil nang makita na ang tunay na kulay ng karagatan.

Pati rito ay gano'n din, na para bang nagwawala ang agos ng karagatan dahil sa daming nagmamanipula nito.

Lumingon ulit ako sa pinanggalingan ko at sa inaasahan ay bumulaga sa akin ang parang walang buhay na lugar dahil sa madilim nitong mga pasilyo.

Huminga ako ng malalim, at bahagyang kinabahan dahil sa posibleng mangyari kay Reyna Sahaya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil alam kong nasa piligro ang Reyna, nasa panganib siya at alam ko sa mga oras na 'to ay kayang-kaya siyang patayin ng sarili niyang ama!

Nabigla ako nang bigla na lang may malaking usok akong nakita mula sa bansa nila na siyang hinay-hinay na lumalabas sa proteksiyon! Kinabahan ako bigla dahil sa nakikita ko ngayon at parang pakiramdam ko ay may mga gumuhong gusali sa bansa ng Herozomia!

Kailangan kong bumalik! Kailangan kong tulungan si Reyna Sahaya!

Akmang babalik na sana ako nang may parang malakas na enerhiya na humila sa buo kong katawan na siyang ikinalaki ng mga mata ko. Hindi na ako nakakilos pa dahil parang may kung anong nakayakap sa aking kapangyarihan na alam kong hindi nagmumula sa akin! Agad akong kinabahan at nilukuban ng takot dahil sa ang bilis ng pangyayari! Hindi ko mapigilan ang malakas na kapangyarihang humihila sa akin ngayon paitaas!

Ilang segundo ay bigla ko na lang natanaw ngayon ang liwanag mula sa malaking araw na siyang ikinalito ko na ngayon!

"Zora!" Rinig kong sigaw mula sa kung sino nang makaahon ang katawan ko sa dagat. Napansin kong parang unti-unti nang bumabalik sa dati ang anyo ko.

"D-Deo." Nahihirapan kong tawag sa pangalan niya nang makitang minamanipula niya ang tubig para iahon ako mula sa kalaliman ng dagat! Siya ang naghila sa akin mula roon!

"Deo!" Nang mapagtanto ko ang ginawa niya. Maingat niya akong inilapag sa lupa na siyang agad kong ikinalibot ng tingin sa paligid at nakitang mahimbing parin natutulog si Nyctimus sa ilalim ng malaking puno.

"Deo! Si Reyna Sahaya! Nanganganib ang buhay niya! Tinulungan niya akong tumakas!" Sigaw ko sa kaniya pero malungkot niya lang akong tinignan sa mga mata na siyang agad kong ikinataranta!

"Zora, mahigpit niyang ibinilin na hindi sumunod sa kaniya sa dagat. Siya rin ang tumulong sa amin ni Panginoong Nyctimus para makatakas at kapag daw naramdaman ko na ang presensiya mo na nasa labas na ng bansa ay agad kang hihilain para makalayo sa lugar na 'yon." Sagot nito sa akin na siyang ikinatigil ko, parang may kung anong kirot sa puso ko dahil sa narinig mula kay Deo.

Reyna Sahaya!

"Huwag kang mag-alala, kakayanin ng anak ko ang kaniyang ama kung 'yon ang ipinag-aalala mo." Nanlaki ang mga mata kong napalingon sa isang babaeng papalapit sa akin. Nakasuot siya ng asul na roba na siyang tumatakip sa kabuuan ng katawan niya! Ang kaniyang pamilyar na mga asul na mga mata, ang maputing kutis nito at ang mahaba niyang itim na kulot na buhok na nadadala ng hangin ang siyang nagbigay sa akin ng palaisipan.

Tinawag niyang anak si Reyna Sahaya, at may kung anong pagkakatulad ang kanilang itsura! Napakaganda niya! Alam kong napakaganda na ni Reyna Sahaya pero hindi ko aakalain na ganito kaganda ang babae at parang hindi mula sa mundong 'to ang kagandahan na meron siya!

"I-Ikaw po ang ina ni Reyna Sahaya?" Utal kong tanong na may bahid na pagkakagulat. Ngumiti siya sa akin at tumango na siyang mas lalong nagpahanga sa akin dahil sa sobrang ganda ng kaniyang ngiti! Napakabata niya tignan!

"She has her father's royal blood, she has the blood of the strongest merman so you don't have to worry. She's a fighter, a great fighter." Para akong natuod sa sinabi niya na halatang hindi ito kinakabahan sa kung nasa'n man ang anak niya ngayon!


"And I trust her, and I know she can do it. She saved me, Deo and your husband. I trust my daughter... I trust her because she also have my blood. She has the blood of a Goddess of Ocean within her."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro