Chapter 51
Lara
Napakaginhawa ng pakiramdam ko... sobrang napakagaan ng nararamdaman ko habang ang buong katawan ko ay binabalot ng kakaibang lakas at kapangyarihan. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko na para bang may kung ano sa loob ng katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang lamig na nakabalot sa silid na 'to na parang yumayakap sa akin at kasabay no'n ay ang pag-iinit ng mga mata ko habang nakatingin sa babaeng may mga asul na mata na parang gulat na gulat na nakatingin sa akin.
This feeling is familiar, this feeling is what I am longing. Finally, I already got my body back!
"Anak!" Napalingon ako sa gilid at nakita si Mama, napangiti ako sa kaniya gano'n na rin kay Papa. Hinay-hinay silang tumayo habang kumikislap ang mga matang nakatingin sa akin. Parang hinaplos ang puso ko dahil sa mga pag-aalala nila na siyang hindi ko naranasan sa tunay kong pamilya. Mga pag-aalalang kailanman ay hindi ko natikman sa totoo kong mga kadugo. Sila lang... sila lang ang nagparamdam nito sa akin.
Naaalala ko na ang lahat, naaalala ko na ang mga bagay-bagay na matagal ko ng kinalimutan. Naaalala ko na kung sino talaga ako, kung ano ako, at kung saan ako nanggagaling. Naaalala ko na ang lahat, naaalala ko na ang tunay kong pagkatao, ang tunay kong pamilya, ang tunay kong misyon at ang mga nagawa ko noon.
"Mama, Papa." Bulong ko na siyang agad nilang narinig, nasaksihan ko kung paano kumislap ang kani-kanilang mga mata dahil do'n. Ramdam ko ang kanilang takot, alala, panginginig at ang saya. Hanggang sa makita ko ang mga luha na ngayo'y unti-unti ng tumutulo galing sa kani-kanilang mga mata.
Nakabalik na ako sa katawan ko! Nakabalik na ako sa tunay kong katawan!
But I was stunned when I realized something.
Hinay-hinay akong lumingon sa gilid ko at nakitang nakahandusay ang walang malay na si Lethius. Namumutla at unti-unting nawawala ang kulay nito. Hinang-hina ang buo niyang katawan dahil siguro ay nanghihina ng sobra ang kaniyang kaluluwa. Hindi kinaya ng katawan niya ang tatlong kaluluwa na nasa loob niya, kaya gano'n na lang kung itanggi ng katawan niya ang kaluluwa ko at kung hindi ako nagkakamali ay gano'n rin kay Oviossa kaya hindi na ito nakapagsalita pa.
Hinay-hinay kong itinapat ang palad ko kay Lethius at agad naramdaman ang pagdaloy ng malakas na enerhiya mula sa katawan ko hanggang sa dumaloy ito papunta sa palad ko. Nagliwanag iyon ng berde habang ang liwanag na 'yon ay unti-unting binabalot ang kabuuan ni Lethius.
Ilang segundo ang nakalipas ay agad kong napansin ang paghinga niya ng normal, bumalik na sa dati ang kaniyang kulay at hindi na siya namumutla. Bumalik na ang natural na kulay ng kaniyang labi at pisngi, at ramdam ko ring unti-unti na ring bumabalik pabalik sa kaniya ang mga enerhiya.
"Salamat Lethius, salamat sa pagtulong mo sa akin. Salamat sa pagpapahiram mo ng katawan ko, salamat." Bulong ko, lumuhod ako sa gilid ng katawan nito at hinaplos ang kaniyang buhok.
I can still feel Oviossa's soul within him so there are still two souls inside his body. But the difference is, Oviossa's soul was offered and sacrificed, Lethius' soul is the origin.
Tinignan ko ang babae na ngayo'y nakatayo ng nakaharap sa akin na para bang kanina pa niya ako pinapanuod sa mga ginagawa ko. Tumayo ako at hinarap siya, binigyan ko siya ng ngiti nang napagtantong siya ang umalalay sa akin papunta rito. Ginamit niya ang kapangyarihan niyang teleportasiyon para agad kaming makarating rito.
"Salamat sa tulong mo." Maiksi kong pagpapasalamat sa kaniya, bahagya pa siyang natuod sa kaniyang kinakatayuan at ngumiti na lamang ito ng tipid.
Lumingon ako sa likuran kung saan wala na ang malaking kristal, tinignan ko ang mga kamay ko na siyang parang mas dumoble ata ang pagputi na pati ang mga hita ko ay halos kasing puti na ng niyebe. Bahagya pa akong natigilan nang tanging ang napakahabang berdeng buhok ko lang pala ang siyang nagtatakip sa hubo't hubad kong katawan. Napapikit na lang ako hanggang sa maramdaman kong parang may kung ano ng yumayakap sa kabuuan ko.
When I opened my eyes, I saw myself wearing a white robe like I was a great God of Maria. Wearing such cloth well-defined the beauteousness of myself, the whiteness of my skin made me glowed more and my physique that made me almost look like a girl with a green arm band in my left arm.
"Mama, Papa." Agad akong tumakbo sa direksiyon nina Mama at Papa at agad nila akong dinambaan ng yakap nang makalapit ako. Ramdam ko ang pagkakahigpit ng pagkakayakap sa akin ni Mama habang kaming dalawa naman ang yakap-yakap ni Papa.
I immediately felt the kisses of my father from my head and the tears from my mother on my shoulder. I smiled sweetly and hugged them tightly, like I don't want to let them go!
Kilala ko na ulit ang sarili ko, kilalang-kilala ko na kung sino ako. Alam ko kung ano ako, at alam na alam ko kung ano ang kaya kong gawin. Nabawi ko na hindi lang ang aking tunay na katawan, kun'di ang aking alaala na rin at ang kapangyarihan.
And I'm beyond thankful that my body didn't reject my new memories away, they are still in my mind! And especially, my feelings. I am grateful because my feelings are still there, with the same emotions!
"Alalang-alala kami sa'yo anak! Akala namin hindi mo na kami makikilala! Akala namin ay mabibigo ang katawan mo na ampunin ang mga bagong mong alaala!" Hagulhol na sabi ni Mama na siyang dahilan kung bakit tumulo ang luha sa aking mga mata na siyang alam kong kanina pang nagbabadiya.
Seeing her cry made me hurt so much.
"Pinag-alala mo kami anak." Sabi na rin ni Papa. I cried like a baby between their hugs, I feel like I really want them to baby me and take care of me more. I want them to treat me like I am their real son! But I can't be selfish, I don't have the right to demand knowing that we're not blood related! They have children!
Wait! Speaking of!
Si Hugo!
"Ma, Pa! Si Hugo! Kailangan ko siyang puntahan! Kailangan niya tulong ko!" Agad kong sigaw, kumalas ako sa yakap nila at tinignan ang magagandang asul nilang mga mata. Nakita ko rin kung paano sila natigilan na parang may napagtanto rin silang dalawa.
"S-Si Hugo, si Hugo mahal! Nasa panganib ang anak natin!" Sigaw ni Mama, agad akong humarap sa babaeng nakatulala lang habang pinapanuod kami.
"Dalhin mo ang Hari at Reyna kung nasa'n si Hugo!" Sigaw ko rito na siyang ikinalapit niya agad sa amin na may taranta. Isang segundo ay agad na siyang nasa harapan namin, hinawakan niya kaagad ang kamay ni Mama at Papa habang ako ay dumistansiya sa kanila ng kaunti.
"A-Anak! Ikaw?" Parang tarantang tanong ni Mama na siyang nagpangiti sa akin.
"I can go there by myself, Mama." I said, assuring her that I can take care of myself. Mama and Papa nodded because of what I said, I know that they already knew how capable I am... and how strong the energy and power I have.
"Tayo na po, mahal na Hari at Reyna." Magalang na sambit ng babae na siyang ikinatango ko. Pumikit ang babae hanggang sa bigla na lang silang nawala sa harapan ko na siyang ikinahinga ko ng malalim.
Lumingon ako kung nasa'n si Lethius at agad itong dinaluhan. Hinawakan ko ang kaniyang batok para makaupo siya't makasandal siya sa balikat ko. Agad kong hinanda ang binti niya hanggang sa unti-unti ko na siyang binuhat.
So this is how heavy I am when Ruthven carrying me every night, huh?
"You have to rest, Lethius, you still have many things to do in this little world." I whispered in his ears and then smiled a bit.
I am not Laros, I am not Lara. Those aren't my names.
Mama and Papa gave that 'Laros' name to me when we were still in the little world of ordinary people. And in the same little world, I was the one who gave myself that 'Lara' name to show the people in that place for who I am and what gender I prefer. Those names aren't mine, those names are just for cover ups... to cover me, and to cover my memories.
I suddenly felt my eyes are like burning and one second after, light came out and ate us. Until I saw myself surrounded by some familiar faces and welcomed by an unfamiliar room.
"Anak! Dito mo ilagay ang Diyos Lethius." Lumingon ako kay Papa at nakitang may nakahandang malaking kama. Agad akong lumapit doon at hinay-hinay na inilapag ang katawan ni Lethius, huminga muna ako ng malalim bago ko idinistansiya ang sarili ko sa katawan nitong walang malay.
He is recovering, and just like me, I know he is also fighting. I know I have faults here, I know I became so selfish in a short period of time but I regretted it so much. If I just listened to him, he won't be like this like a dead fruit. If I just listened to him, he won't experience this near-death.
Agad akong napatingin sa kabilang kama at nakitang may tatlong babae na hindi pamilyar na mga mukha habang pinagtutulungan ang katawan ni Hugo na gamutin. May isang lalaki naman na nasa tabi nito na may pulang buhok at mga mata habang nag-aalalang nakatingin kay Hugo, na para bang siya lang ang nakikita niya. Ramdam ko ang kaba nito, dinig na dinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa takot.
"Tumabi kayong lahat diyan." Seryoso ko ng sambit na siyang ikinatingin sa akin ng tatlong babaeng manggagamot. Nagtataka silang nakatingin sa akin at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Agad akong nakaramdam ng inis dahil sa ginawa nila kaya malamig ko silang nilapitan.
"Alis, ako ang gagamot... sa... kaniya." Diing sambit ko na siyang agad nilang ikinaatras na kahit nandoon parin ang mga panunuyang tingin.
"Mga manggagamot, hayaan niyo ang anak namin ang gumamot sa Prinsipe. Puwede na kayong umalis." Tila parang nagulat ang tatlo sa sinabi ni Papa na siyang dahilan kung bakit agad silang yumuko sa akin ng sabay. Pero hindi nagbago ang mga tingin ko sa kanila at patuloy lang ang panlalamig kahit alam kong gusto nilang humingi ng kapatawaran.
"Alis." Malamig kong utos, wala silang nagawa at agad na silang lumayas sa harapan ko habang ang lalaking may pula naman ngayon na mga mata at buhok ay seryoso na ring nakatingin sa akin.
"Ikaw, sino ka? At bakit nandiyan ka sa tabi ni Hugo?" Seryoso kong tanong, mukha siyang natigilan sa tanong ko na pati ang Hari at Reyna ay naging kuryusado rin sa narinig nila.
"A-Ako si Haroyo, k-kaibigan ng Prinsipe... matalik na kaibigan." Utal nitong sagot at agad umiwas ng tingin. Nanliit ang mga mata ko dahil sa isinagot niya pero huminga na lang ako ng malalim.
"Iho, umalis ka na muna sa tabi ng anak namin dahil gagamuti..."
"Ma, hayaan niyo siyang manatili diyan. Hayaan niyo si Hugo na tabihan ng isang matalik na kaibigan. Wala ng ganiyang kaibigan ngayon, kaya masuwerte si Hugo dahil may isa siyang matalik na kaibigan na katulad niya. Na handang magbantay at mag-alaga." Litaniya ko na parang ikinagulat ng lahat. Napalingon naman ako sa babae na kanina pa namin kasama, yumuko siya nang magtama ang mga mata namin kaya agad napalitan ng ngiti ang pagkakaseryoso ng ekspresiyon ko.
"Let's be thankful Ma, Pa... because if it is not because of him, and her, we are already dead by now." Ngiting sambit ko. Lumingon ulit ako kay Haroyo, ang lalaking may pulang buhok at napansin ang paghawak niya sa kamay ni Hugo. Sikreto akong ngumiti at nilapitan ang katawan ni Hugo na ngayo'y walang malay pero ramdam na ramdam ko ang panghihina ng buo niyang katawan.
Nagiging maputla na ang labi niya, ang katawan nito ay nagiging iba na rin ang kulay habang nanginginig ang kabuuan nito. Hirap na hirap rin itong makahinga na parang habol-habol niya ang hangin. Agad akong naawa at nakonsensiya dahil sa ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon.
"Thank you for saving me, Hugo, thank you. Kung hindi dahil sa pagligtas mo sa akin, hindi ko alam kung nasa'n na ako ngayon. Kaya ngayon, hayaan mo akong iligtas ka." Litaniya ko at agad itinapat ang dalawang palad sa kaniya, at katulad ng kanina ay agad kong naramdaman ang pagdaloy ng enerhiya. Nagliwanag ang mga kamay ko ng kulay berde na liwanag at ramdam ko ang parang pagkakaginhawa ng puso ko dahil doon.
"Therapueo." Bulong ko at agad kinain ng liwanag ang buong katawan ni Hugo na siyang nagpangiti sa akin. Napalingon ako ng saglit kay Lethius dahil alam kong marami ring enerhiya ang nawala sa kaniya, katulad din ng kay Hugo.
Hinarap ko ulit si Hugo at nakitang nasa normal na ang paghinga niya, unti-unti na ring bumabalik sa dati ang kulay ng kaniyang katawan at labi na siyang ikinangiti ko ng matamis. Kasabay no'n ay ang paghinto ng liwanag... pero hindi pa do'n natatapos ang lahat.
"Guild Incantation: Demon God Art." Bulong ko pero sa oras na 'to, hindi na nanggaling sa kamay ko ang liwanag kun'di sa sarili na nitong katawan.
"A-Anak! Isang makapangyarihan ang inkantasiyon na binanggit mo! Baka mapaano ka!" Bago pa ako makaharap kay Mama, nadako ang tingin ko kay Haroyo na kitang-kita rin sa mga mata niya ang gulat dahil sa narinig niyang inkantasiyon.
"A-Ang inkantasiyon na ginamit mo, isang inkantasiyon 'yon para maging isang Demon God ang isang n-nilalang." Turan ni Haroyo na siyang nagpangiti sa akin at nagpatango.
Tumingin ako kay Mama at kay Papa, nag-aalala sila sa akin pero bakas sa kanilang labi ang matamis na ngiti na siyang humaplos sa puso ko. Bilang ganti, nginitian ko rin sila ng matamis pabalik.
Gusto ko silang suklian sa mga mabubuting nagawa nila sa akin noon hanggang ngayon. Gusto kong suklian ang mga sakripisyo na ginawa nila para sa akin. Gusto kong maramdaman nila na mahalaga sila sa akin.
I am not Laros, I am not Lara... I am Lathum, the God of Demon Gods and a Daemonicus... the highest form of Demon God.
******
Sinong POV ba ang gusto niyong isusunod? Comment here at kung sino ang pinakamaraming may gusto kay Lara, Zora o Ruthvan ba ay siyang gagawan ko ng POV.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro