Chapter 49
Zora
"Zamor!" Sigaw ng apat na siyang ikinangisi ko. Lumutang ako para tignan ang lahat at agad kong itinapat ang kamay ko kung nasa'n ang katawang kambing ni Zamor, gumalaw ang sibat ko at mas lalong dumiin ang pagkakasaksak sa kaniyang noo hanggang sa tumagos na ang aking sibat sa lupa. Minanipula ko ang sibat kaya agad itong bumalik sa pagkakahawak ko habang naiwang tulala ang apat dahil sa nasaksihan.
Nanlalaki ang mga mata ng mga kababaihan habang tumakbo naman si Galdejo kay Zamor na ngayo'y unti-unti ng nagliliwanag ang buong katawan, hanggang sa unti-unti na itong naglalaho sa aming harapan.
"Walang hiya ka!" Sigaw sa akin ni Ilaya na siyang ikinailing ko lang.
"Kayo ang walang hiya, babae, lalo na't sumasamba kayo sa isang Hari na walang ginawa kun'di saktan ang sarili niyang mga tauhan! Hindi ko alam kung papaano niyo nakakayang mabuhay habang pinapanuod ang mga kapwa niyong nilalang na pinaparusahan dahil lang sa pagiging mabait lang nila sa kapwa." Seryoso kong litaniya na siyang ikinagulat ni Ilaya, habang ang dalawa pang babae ay walang reaksiyon nang marinig nila iyon sa akin.
"Siya ang bumuhay sa amin, siya ang nagbigay ng pangalan kaya bakit hindi siya namin susundin, hangal? Isang kasalanan ang hindi sundin ang utos ng Hari lalo na't alam naming siya ang pinakamakapangyarihan sa Herozomia! You don't have the right to question our loyalty to our King!" Sigaw ni Ilaya sa akin pero ngumisi lang ako sa kaniya. Agad nagngitngit ang mga ngipin niya habang nakatingin sa akin at pansin kong nandidilim na ang ekspresiyon niya habang nakaharap sa akin.
Alam kong malakas sila, pero nawawala ang mga 'yon dahil sa minamanipula sila ng kani-kanilang mga emosyon. Dapat alam nila sa sarili nila na hindi magandang magpaapekto sa sariling emosyon, lalo na't ito ang nagiging balakid sa lahat ng bagay kapag nakikipaglaban.
"Magbabayad ka sa ginawa mong pagpatay kay Zamor!" Sigaw ni Galdejo pero mas nauna pang umatake sa akin si Ilaya gamit ang malaking patalim na parang patalim ng isang kamatayan. Agad akong naghanda at halos matamaan ako ng atake niya dahil sa bilis no'n at mabuti na lang ay parang may sariling utak ang sibat na dala ko at sinangga ang malakas na atake na 'yon. Umatras si Ilaya habang seryoso at galit na nakatingin sa mga mata ko habang pinapanuod ang itsura niyang unti-unting nagbabago.
Sinugod niya na naman ako at iwinasiwas ang kirat niyang hawak. Madali ko 'yong inilagan at inatake siya gamit ang sibat ko. Pero dahil sa bilis din ng kilos niya ay madali lang niyang naiilagan 'yon. Sinipa ko siya ng malakas at gano'n din ang ginawa niya kaya nagkasangga ang mga paa namin. Naglabas 'yon ng malakas na enerhiya na siyang ikinaatras naming pareho.
Bigla na lang akong nakaramdam ng dagdag lakas mula sa kaniya at ramdam kong parang naging doble ang lakas ng kapangyarihan niya.
Ang kaninang mga dugo na nasa kamay niya ay unti-unting hinigop ng patalim niyang sandata hanggang sa nawala ang malabalahibo niyang sungay na pula ay biglang naglaho at napalitan ng puting bulaklak. Ang kanina'y damit niyang halos hapit na hapit sa kaniya ay biglang naging isang mahabang roba na siyang mas lalong nagdepina sa itsura niyang kakaiba. Ang kanina'y namumulang mga mata ay ngayo'y naging pares na ng mga gintong kulay habang nakatingin siya sa kaniyang sandata na umuusok pa ng kulay asul dahil sa lakas ng enerhiya na bumabalot rito.
"Hindi ko hahayaang makatakas ka rito, Dragon. Magkamatayan man." Diing turan niya na siyang ikinaseryoso ko na rin.
"Scythe of Life!" Agad akong umiwas nang biglang lumaki ang sandata niyang karit at agad ako nitong inatake na para ring may sariling utak! Tumiwalag ito sa pagkakahawak ni Ilaya at agad akong nilusob!
Tumalon ako ng mataas at umiwas na halos ikatama ng patalim sa leeg ko. Kinabahan ako do'n at hiningal na tinignan si Ilaya.
"I will not let you do all the work alone, Ilaya. It's not fair." Pagkasangga ko ulit sa malaking karit ni Ilaya ay napalingon ako sa babaeng may maitim na mahabang buhok habang seryoso rin itong nakatingin sa akin. Unti-unti na ring nagbabago ang itsura niya na siyang ikinatigil ko at mas lalo akong nakaramdam ng malakas na enerhiya mula sa kaniya!
Itinapon niya ang bagay na nakatabon sa ulo niya habang inaayos ang isang kirat ring sandata niya. Kakaiba ang kasuotan na ipinapakita niya ngayon at parang gawa sa makapangyarihang bagay! Mas humaba ang itim nitong buhok na siyang ikinatigil ko at may kung anong lumilipad na gintong kulay sa ere habang nakapalibot sa kaniyang kirat. Ang asul na mga mata nito kanina ay bigla na lang ring nagbago at naging gintong pares na kulay!
"Scythe of Death!" Sigaw nito at halos manlaki ang mga mata ko nang bigla ring lumaki ang sandata nito na siyang nagpalukob sa kabuuan ko ng sobrang kaba at takot. Agad akong tumalon ng mataas nang maiwasan ko ang hindi inaasahang malaking atake ni Ilaya, pumatong ako ro'n para ibalanse ang sarili ko.
Yumuko ako kaagad nang halos hagilapin ako ng sandata ni Jiama, agad nagsanggaan ang malalaking kirat na siyang ikinatalon ko ulit ng mataas. Itinaas ko ang sibat at naramdaman ang biglaang pagdoble ulit ng lakas nito, hanggang sa napansin kong unti-unti rin itong lumaki. Nilingon ko ang mga malalaking kirat na nasa harapan ko at walang pagdadalawang-isip na itinapon ang sibat sa direksiyon ng dalawang sandata galing sa dalawang babae.
Nagdulot 'yon ng matinis na ingay hanggang sa mapansin kong may kung anong usok ang lumalabas mula sa patalim naming tatlo. Naglabas rin 'yon ng malakas na enerhiya na siyang dahilan kung bakit lumakas ang daloy ng hangin na nakapalibot sa amin.
"You can't defeat the twin Charybdis, poor guy, they are the powerful Charybdis here in Herozomia." Nilingon ko ang babaeng nagngangalang Sav dahil sa sinabi niya. Mas lalong naging seryoso ang tingin ko dahil sa sinabi niya na parang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya.
Kambal sina Jiama at Ilaya? Hindi sila magkamukha pero tama nga si Sav, kambal nga talaga sila dahil sa magkatulad ang enerhiya nilang dalawa. Kanina ko pa 'yon napapansin. At magkatulad rin ang bigat ng kani-kanilang kapangyarihan na pati ang kanilang sandata ay magkatulad na magkatulad dahil sa umaapaw na kapangyarihan mula roon.
"Mga kamatayan ang kaharap mo, hangal, hindi mo sila kakayanin. Ngayon, alam kong katapusan mo na kaya pagbabayaran mo ang pagpatay sa kasamahan namin!" Rinig kong sabat ni Galdejo na siyang ikinangisi ko na lang. Mukha silang nagulat at maya-maya'y nainsulto dahil sa pagngisi ko sa kanila.
"Kamatayan ba kamo? Sige, ihaharap ko sila mismo sa isang tunay na kamatayan." Ngisi kong sambit at bigla na lang nagliwanag ang buo kong katawan na siyang ikinasilaw nilang lahat.
"Divine Transformation: Death Dragonoid." Mahina kong bulong at kasabay no'n ay ang malakas na puwersa na siyang nagpatumba sa dalawang malalaking kirat. Agad kong nakita ang gulat sa mga mata nila habang ang sandata ng mga kababaihan ay bumalik sa kani-kanilang dating laki at anyo.
"Sinabi ko na sa inyo, ibang nilalang ang kaharap niyo." Ngising sambit ko, agad kong napansin ang pag-atras nilang lahat na siyang ikinailing ko na lang. Sa pagkakaalam ko, itong kapangyarihan ni Zachariuss ay isa sa mga pinakamalakas na kapangyarihang Dragon. Isa ito sa mga kinakatakutan ng ibang Dragon noong kapanahunan pa lang ng mga magulang ko.
"P-Papaanong... papaano mo nakakayang mag-anyong ibang Dragon?" Sigaw ni Sav na siyang ikinangisi ko.
Kitang-kita ko sa kanila ang panibagong itsura ko, ramdam ko ang kakaibang lakas na mas trumiple pa sa lakas ng isang Dragon ng karagatan. Kitang-kita sa kani-kanilang mga mata ang takot habang nanginginig na nakatingin sa akin ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng mga puso nila na siyang halos ikahagikhik ko.
May mga makakapal na usok ang lumitaw sa buong paligid na siyang ikinangisi ko pa lalo habang unti-unti nitong pinapalibutan ang buong kastilyo.
"Simple, kasi nga, kakaiba ako." Sagot ko sa kaniya.
"Hindi mo kami mapapatay!" Sigaw ni Ilaya at bigla na lang nagliwanag ang buo nitong katawan. Gano'n rin ang kay Jiama na sumabay ang katawan sa pagliwanag hanggang sa ilang segundo ang lumipas ay may narinig na akong malalakas na ungol.
Hanggang sa makita ko na ang tunay nilang anyo na kagayang-kagaya ng kay Deo. Mga malalaking Charybdis habang nakakamatay itong nakatingin sa akin. Hindi man lang ako nakaramdam ng takot at kaba dahil sa itsura nila, hindi ko alam kung bakit pero mukhang konektado ito sa emosyon na meron si Zachariuss. Mukhang hindi lang ang kapangyarihan ang nagagaya at naaampon ko mula sa kanila, kun'di ang mga emosyon na rin.
Mukhang magandang ideya na ang kapangyarihan ng lalaking iyon ang aking ginaya ngayon.
"Death Arise!" Parang kulog ang boses ko dahil sa pagbigkas ko sa mga katagang iyon hanggang sa maramdaman ko na lang ang iba't ibang enerhiya na nagmumula sa likuran ko. Kasabay nang pagpagaspas ng mga pakpak ko ay siyang paglitaw ng mga naglalakihang halimaw mula sa likuran ko, napangisi ako dahil sa mga kaluluwa ito ng mga halimaw na pinaslang dito mismo sa loob ng kastilto
Umungol ng malakas ang dalawang Charybdis na siyang ikinailing ko na lang.
"Sav! Tumulong tayo!" Rinig kong sigaw ni Galdejo habang seryoso lang akong nakatingin sa kaniya. Susugod na sana siya sa akin nang harangin ng isang kaluluwang Charybdis ang katawan nito, may iba pang mga halimaw ang tumulong sa Charybdis hanggang sa makita kong pinagtutulungan na si Galdejo.
"S-Sav! Jiama! Ilaya! T-Tulong!" Sigaw ni Galdejo pero hindi makagalaw ang kambal na halimaw dahil sa pinipigilan rin sila ng malalaki pang mga kaluluwa ng mga halimaw.
"Galdejo!" Rinig kong sigaw ni Sav at nakitang nasa sirena na itong anyo habang makulay na kumikinang ang malaki't mahabang buntot nito. May dala-dala itong pana at palaso, pinipilit na atakihin ang mga kaluluwa na siyang hindi niya kayang patamaan dahil sa kaba at takot na niyang ngayong nararamdaman.
"Ako ang tunay na kamatayan, mga nilalang, ako! At tignan niyo ang mga kaluluwang ito na siyang alam kong kayo rin ang pumaslang! Ang mga kawawang nilalang na walang ibang ginawa kun'di alamin ang nakaraan para makalaya sa kalungkutan! Tignan niyo ang kani-kanilang mga galit! At damdamin niyo ang kani-kanilang paghihiganti dahil sa kamaliang ginawa ninyo! Damdamin niyo ang kani-kanilang hinagpis!" Dumagundong ang malakas na demonyo kong boses sa loob ng kastilyo habang ang mga kalaban ay pinipilit nila ang kani-kanilang sariling makatakas sa mga kaluluwang walang ibang hinangad kun'di ang kapalit ng buhay nila.
Ginagawa nila ngayon ang lahat para makatakas at makipaglaban pero dahil sa lakas na meron ang mga kaluluwa ay nahihirapan sila.
Sila ang may gawa nito, sila ang nagpahamak sa sarili nila. Kung naging matapang lang silang lahat, kayang-kaya nilang baguhin ang buhay ng bansang 'to at kayang-kaya rin nilang patalsikin ang Hari. Wala ito sa pagbibigay niya ng pangalan sa mga tauhan niya para lang sila ay sumunod, kun'di nasa sarili kung gugustuhin ba nilang mabuhay ng matiwasay at payapa!
Katulad ni Lara, kaya niyang ibuwis ang buhay niya at alam niya ang tama at mali kaya mahal siya lahat ng mga nilalang at nirerespeto.
Naghalo-halo ang mga malalakas na ungol ng mga kaluluwa at ng kambal na Charybdis habang hindi ko na marinig ang mga boses nina Galdejo at Sav na siyang ikinahinga ko ng malalim. Hanggang sa makita na lang ng dalawa kong mga mata ang pagbali ng mga kaluluwa sa mga ulo ng kambal na siyang ikinapikit ko na lamang dahil sa ayokong masaksihan ang ganoong klaseng sitwasiyon.
Kasalanan nila. Kasalanan nila kung bakit humantong sila sa ganito.
"Tama na 'yan." Lahat ng mga kaluluwa ay natigil dahil sa utos ko pero nabigla ako nang sumugod sila sa akin. Para silang mga uhaw na halimaw, parang gusto nilang ibuntong lahat ang galit nila sa nabubuhay na mga nilalang na nakikita nila.
Ginamit ko ang galit nila, ginamit ko ang kahinaan nila kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganito sila kaagresibo na kahit sa tumawag sa kanila ay kaya nilang atakihin.
"Patawad mga nilalang."
Huminga na lang ako ng malalim at malakas na pumitik sa ere na siyang agad na nagpalaho sa lahat ng mga kaluluwa na parang naging mga usok.
Agad kong namataan ang mga wala ng buhay na sina Galdejo at Sav na ngayo'y unti-unti na ring naglalaho ang kani-kanilang mga katawan. Habang sina Jiama at Ilaya ay nanatiling nakahandusay ang malalaki nilang katawan na wala na ngayong mga ulo.
"Kung sana ay pinili niyo ang tamang desisyon at daan, hindi sana hahantong sa ganito ang mga buhay ninyo." Bulong ko at kasabay no'n ay ang pagliwanag ng buo kong katawan. Tinignan ko ang mga kamay ko at nakitang nasa anyong tao na ulit ako, bumaba ako mula sa pagkakalutang at napaluhod.
"Masiyadong maraming enerhiya ang nawala sa katawan ko, pero kailangan ko pa ring hanapin ang kristal ng karagatan dito." Bulong ko sa sarili habang unti-unting hinahabol ang hangin.
Nilibot ko ang tingin at nakitang bumalik na sa dati ang kastilyo. Wala na ang mga kakaibang bulaklak, wala na rin ang mga lumilipad na mga gintong nilalang at wala na rin ang mga usok.
"Kaunti na lang, mahal, malalaman na natin kung sino ang kumitil sa buhay ng iyong ina."
********
By the way, credits sa mga right owner ng mga pictures from pinterest ph! Thank you for making these beautiful fantasy pictures and hope for you guys to make more!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro