Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Zora



"Hindi pa ako nakapunta doon, Zora, kaya mag-iingat ka. If there are really rebel guilds inside of that place, please be careful. Mag-iingat ka." Naaalala kong sabi ni Reyna Sahaya. Napahinga na lang ako ng malalim habang nakatingin sa Hari na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresiyon niya, gano'n na rin ang katabi nitong Reyna. Hindi ko naman mahagilap si Reyna Sahaya kaya alam kong oportunidad ito para sa kaniya upang mabisita ang kaniyang tunay na ina.

Kinakabahan ako. 'Yon ang nararamdaman ko ngayon, at 'yon ang nasa isipan ko.

Nilingon ko ulit ang nagraragasang tubig kung saan unti-unti itong namumuo ng malaking lagusan. Nilibot ko pa ang buong paligid kung saan nasa loob kami ngayon ng isang malaking kuweba.

Pinapalibutan ang buong paligid ng mga naglalakihang mga bato habang nakapalibut rin rito ang mga ubeng kulay na mga ugat. Habang nasa gitna ko naman ang malaking-malaking lagusan na may mga korales pa at iba't ibang klaseng tanim. Kakaiba, nakakamangha at maganda pero alam kong sa likod niyan ay delikadong-delikado para sa akin. At hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag pumasok na ako sa lagusang 'yan kasama ang mga posibleng kikitil sa buhay ko.

Kung hindi pa ako sinabihan ni Reyna Sahaya ay tiyak na mapapahamak talaga ako, hindi ako makakapaghanda kung hindi ako sinabihan na may balak na masama ang mga panauhin na siyang sasama sa akin. Nilingon ko ang limang panauhin at kitang-kita rito ang mga seryoso nilang mga ekspresiyon habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam pero may nararamdaman ako mula sa kanila na para bang uhaw na uhaw sila sa isang bagay.

"Oras na upang ikaw ay maglakbay sa kailalim-laliman ng karagatang ito para matagpuan ang kristal ng karagatan." Makapangyarihang sabi ng Hari kasabay no'n ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako at natatakot dahil sa may kung anong kakaiba sa boses niya.

"Ito ang huling pagkakataon mo para makuha ang iyong gusto, Dragon. Gusto kong tulungan mo ang iyong sarili at pagtagumpayan ang iyong nais. Ngayon, ikaw ay pumasok na sa lagusan at sasamahan ka ng aking mga kanang kamay upang mabatid kung ikaw nga ay tiyak na nakapasok. Mag-iingat ka, nilalang." Mahabang litaniya nito na siyang ikinatingin ko sa limang unti-unti ng lumalapit sa akin.

Sikreto kong ginawang kamao ang mga kamay ko habang nasa likuran ko ito. Alam kong hindi magsisinungaling sa akin si Reyna Sahaya at kung totoo man ang lahat ng 'yon, magaling nga talaga silang magpanggap. Pero hindi ko sila hahayaang magtagumpay, gagawin ko ang lahat para makuha ang kristal ng karagatan! Kung sila ay magiging balakid sa akin, matitikman nila ang bangis ng kapangyarihan ko.

"M-Maraming salamat, Hari ng Herozomia. Malaking karangalan ang pagbigyan ninyo ng pagkakataong makuha ang aking gusto. Huwag kang mag-alala, pagtatagumpayan ko ang aking nais at nang makaalis na rin kami ng aking asawa." Pagkukunyari kong respetong sagot sa Hari, ngumiti lang ito ng tipid at sabay akong tinanguan. Aksidenteng nadako ang tingin ko sa Reyna na katabi niya at nakita kong parang may kung anong kislap sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Pero agad din 'yong naglaho.

"Mga pinagkakatiwalaan kong mga nilalang, oras na para siya ay samahan sa kaniyang pagpasok sa lagusan." Tumango ang limang kanang kamay nito at bago pa ako makasagot ay nasa unahan ko na sila at binibigyan ako ng gabay para sundan sila.

Wala dito si Deo at sa mga oras na 'to ay alam kong unti-unti na silang tumatakas ng asawa ko. Minabuti kong sabihan si Deo na huwag na huwag silang lilingon ulit sa lugar na 'to at huwag na huwag silang magtangkang bumalik ulit dahil hindi na ako sigurado kung magiging ligtas pa ba sila.

"Let's go, you have to get the crystal of the deepest ocean so that you can already get what you want." Kung hindi ako nagkakamali, Ilaya ang pangalan niya. Ang babaeng may puting mahabang buhok na sumasayad na sa mga batong hagdan. Ang asul nitong mga mata ay nakatingin sa akin na para bang sinasabi sa akin na ang bagal-bagal ko sa paglalakad.

"Let him, Ilaya, don't rush him." Napalingon pa ako sa babaeng may itim na mahaba ring buhok. Siya si Jiama, kung naaalala ko pa ng tama, at ang isa pang babae ay nagngangalang Sav, babaeng may maiksing kulay itim na buhok. Si Zamor naman ang lalaking maitim na may puting buhok na siyang hindi ko talaga makakalimutan, at ang isa pa ay is Galdejo. Malalakas sila, alam ko 'yon, hindi ko lang alam kung anong klase silang mga halimaw.

Tumango na lang ako at agad sinundan silang lima, pagkalingon ko sa ilalim ay agad na akong kinabahan nang wala na doon ang Hari at ang iba pa. Nilulukuban na ako ng kaba at takot pero hindi dapat ako magpadala dahil para ito sa kinabukasan ni Nyctimus. Gusto ko siyang makalaya, gustong-gusto ko na siyang makalaya sa nakaraan niya kaya gagawin ko ang lahat ng 'to para maging kumportable na siya sa buhay.

Agad akong natigilan nang nasa harapan ko na ang napakalaking lagusan, mukha lang siyang maliit sa malayo pero kapag nasa malapitan kana ay malulula ka talaga sa sobrang laki.

"Papasok kami ng sabay, sumunod ka na lang." Napalingon ako kay Zamor na hindi lumilingon sa akin pero napansin kong nakakuyom ang mga kamao niya. Bago pa man ako makapagsalita ay agad na silang pumasok ng sabay sa lagusan na siyang ikinaliwanag nito ng kaunti.

"Oras na, oras na para sila ay kalabanin." Bulong ko sa sarili ko at unti-unti ng pumasok. Pagkapasok ko ay para akong hinila ng sandaling liwanag hanggang sa bumungad sa akin ang malawak na malawak na lugar kung saan ay isa itong parang kastilyo!

May itinatago pa silang kastilyo sa lagusan na 'to?

Agad akong naghanda nang may bigla akong naramdaman sa likuran ko, agad akong lumingon rito at sinangga ang malakas na suntok ni Ilaya na ngayo'y nakangisi na sa akin.

Sabi na! Tama nga si Reyna Sahaya! May balak nga talagang masama sa akin! At mabuti na lang ay inaasahan ko na, na mangyayari talaga ang sitwasiyon na 'to!

"Maling-mali ang pagtapak niyo sa bansa namin, Dragon, maling-mali. I thought you're intelligent? How come you believe our King that easily? Hmm, you fell in his trap, gay shit." Ngisi nitong sambit at kitang-kita ang malaki niyang sandata sa kaniyang likuran. Hindi ko alam ang isasagot ko pero agad ko siyang itinulak ng malakas na siyang ikinatalon niya ng malayo.

Nilibot ko ang mga mata ko at napansing nakabantay lang sina Galdejo at Zamor sa lagusan habang nasa likuran na ni Ilaya sina Sav at Jiama.

"Anong laban mo, Dragon? Nasa karagatan ka, at hindi mo kayang makalipad at walang katuturan kung magiging isa kang Dragon. Ngayon, ano na?" Sa mga kababaihan, si Ilaya ang ayaw na ayaw kong makasalamuha. Si Zamor naman sa lalaki. Masiyado silang madaldal, masiyado nilang kinukunsinti ang mga sarili na matataas sila na siyang napakamali.

"Ilaya, let's finish him quick, I want to rest." Dinig kong sabat ni Sav, tumango lang din si Jiama para sa pagsang-ayon sa sinabi ng kasamahan niya.

"Sure, let me handle this then." Agad nagliwanag ang mga mata niya na siyang ikinaatras ko.

Biglang may kung anong mga pulang bulaklak ang namukadkad sa paligid dahil sa pagliwanag ng asul niyang mga mata. Biglang naging mas asul ito na kasingkulay na ng kailalim-laliman ng karagatan at pati ang mga daliri nito ay nagmistulang mga patalim habang naglalabas ng mga dugo!

Anong halimaw ba ang babaeng 'to?

Bago pa ako makapagsalita ay mabilis niya na akong sinugod gamit ang mga matatalim niyang mga kuko, iwas lang ako ng iwas dahil sa mabilis nitong mga pag-atake. Ramdam ko ang gigil niya sa bawat pag-atake niya!

"Bakit parang galit kayong lahat sa akin? Bakit parang ganiyan kayo makaasta?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pag-atake niya, natigil ako ng huminto siya sa pag-atake sabay talon ng mataas papalayo sa akin.

"Kalaban ang turing namin sa mga nagbabalak pumasok sa bansa namin kapag walang permiso. Kaya 'yon ang naging mali ninyo, at ng taksil na Charybdis na 'yon." Ngisi nitong paliwanag na siyang ikinatango ko na lang.

Hindi taksil si Deo, at hindi pagtataksil ang pagtulong sa kapwa.

"Totoo bang... totoo bang nandito ang kristal ng karagatan?" Huling tanong ko, mas lalong lumapad ang ngisi ni Ilaya at gano'n na rin ang iba pa dahil sa tanong ko. Hanggang sa naghalakhakan silang lima na parang mga sinapian ng mga kung anong masasamang demonyo.

"Hindi nagsisinungaling ang Hari sa bandang nandito ang kristal ng karagatan. Ang lugar na ito ay kontrolado ng kapangyarihan ng kristal, at kapag nahawakan mo ang bagay na 'yon ay guguho ang buong lugar na 'to. Ang lugar na 'to, ay siyang libingan ng mga nilalang na hayok na malaman ang nakaraan. Sa oras na hawakan mo ang kristal, malalaman mo nga ang nakaraan pero ang kapalit ay ang buhay mo na siyang hihigupin ng kapangyarihan ng kristal at masasama ka sa pagguho ng lugar na 'to." Paliwanag niya na siyang ikinaba ko. Umigting ang mga panga ko dahil sa sinabi ni Ilaya at sabay kuyom sa mga kamao ko.

Totoong nandito ang kristal, pero kapag kinuha ko naman 'yon ay siya ring pagguho ng buong lugar na 'to. Alam kong hihigupin ng kapangyarihan ng kristal ang kapangyarihan ko, nasabi na 'yon sa akin ni Reyna Sahaya pero hindi ako titigil.

"Why do you want to know the past, poor Dragon? It is already in the past, you shouldn't meddle with it." Sabat ni Jiama, huminga na lang ako ng malalim dahil kapag ipinaliwanag ko pa ang lahat ay wala rin silang maiintindihan. Kapag nagpaliwanag pa ako, hinding-hindi rin nila makukuha ang punto ko dahil wala silang alam.

"Divine Transformation: ..." Kasabay ng pagbigkas ko sa mga katagang 'yon ay bigla na lang naming narinig ang paglakas ng ragasa ng tubig sa labas ng kastilyo na ito. Nakita ko kung paano napaatras ang mga babae habang nakatingin sa akin, na siya ring dahilan kung bakit ako napangisi.

Ito ang unang beses na gagamit ako ng ibang kapangyarihan.

"...Ocean Dragonoid!" Bigla na lang lumiwanag ng asul ang buo kong katawan at pansin ang pagkakatabon nila sa kani-kanilang mga mukha dahil sa sobrang liwanag na dulot ng kapangyarihan ko. Ilang segundo ang lumipas ay naramdaman ko ang biglaang paglakas ng buo kong katawan, enerhiya at mas dumoble ang lakas ng kapangyarihan ko.

"D-Dragonoid? A Dragon that can transform into half-Dragon and half-human?"

Ngumisi ako nang makitang parang natakot ang mga kababaihan dahil sa anyo ko ngayon, at kitang-kita ko sa mga mata nila ang anyong Dragonoid ko.


Mahigpit kong hinawakan ang mahaba at kakaibang sibat na nasa kamay ko habang dinaramdam ang buong paligid.

"A-At isang Dragon sa karagatan? A-Akala ko isa ka lamang ordinaryong Dragon?" Utal na turan ni Ilaya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa buo kong anyo.

"Diba sinabi ko sa inyo, na hindi lang ako ordinaryong Dragon lamang? Kung naaalala niyo, sinabi ko rin kahapon na kaya ko kayong tustahin lahat." Kitang-kita ko ang mga kalalakihan nang bigla silang umabante, seryoso na sila ngayong nakatingin sa akin habang nakakuyom ang mga kamao nila pareho.

Lumiwanag ang mga mata nilang asul habang nakatingin sa akin.

"Kung ganoon, kami ang harapin mo! Kami ang kalabanin mo!" Parang isang kulog ang boses ni Galdejo ng sumigaw siya na halos umuyog ang buong paligid.

"Kating-kati na akong kitilin ang iyong buhay, bakla." Hindi ko nagustuhan ang itinawag sa akin ni Zamor kaya naging seryoso ang mga tingin ko sa kaniya. Kumuyom pa lalo ang isa kong kamao habang mahigpit na mahigpit na ngayong nakahawak ang kamay ko sa sibat.

Bigla na lang sumugod sa akin si Zamor hanggang sa lumiwanag ang buo niyang katawan. Ilang segundo ang lumipas ay naging isa itong malaking halimaw na hindi ko mawari kung anong klaseng nilalang ito. Nandilim ng kaunti ang buong kastilyo dahil sa pagbabagong anyo ng lalaking papalapit sa akin!

Teka, isang kambing? Isang kambing na may buntot ng isda?

Isa siyang malaking nilalang, na halos kaya na ring makipagsanggaan sa laki ng isang Dragon! May mahahabang sungay at may kung anong simbolo sa kaniyang noo habang malakas na humahampas ang buntot niya sa hangin.

Bigla na lang itong umungol na siyang ikinahanda ko, nagliwanag ang parang bituin na hugis sa kaniyang noo hanggang sa bigla na lang itong nagdulot ng malakas na puwersa papunta sa akin. Agad kong hinanda ang sibat ko at ginawa itong panangga sa liwanag niyang atake. Napailing na lang ako dahil sa ginawa nito at agad akong umiwas at tumalon ng mataas.

Tumama ang iba pang atake niya sa mga malalaking bato na siyang ikinauyog ng kaunti ng kastilyo. Seryoso ko ulit tinignan ang halimaw.

Ngayon lang ako nakakita ng ganiyang halimaw pero wala na akong pakialam! Hindi ko hahayaang makitil ang buhay ko sa ganiyang klaseng halimaw lang!

"Tanggapin mo 'to!" Itinaas ko ang sibat at agad kong naramdaman ang malakas na kapangyarihan na bumabalot sa kakaibang sibat na dala ko. Agad akong namangha na parang hinihigop nito ang lakas ng karagatan at kasabay no'n ay ang pag-uyog ng buong paligid. Parang may namumuong kung anong bolang tubig sa dulo ng sibat hanggang sa maramdaman kong handa na ito para sa isang atake.

Lumingon ulit ako kay Zamor na ngayo'y mas lalong lumaki at tumalim ang mga sungay niya para atakihin ako pero bago pa man niya ako maabot ay agad ko ng itinapon ng malakas sa direksiyon niya ang sibat. At nagulantang ako sa sarili kong atake nang makitang mas lumaki at humaba ang sibat!

"Zamor! Umiwas ka!" Sigaw ng kung sino pero hindi ko na inalam dahil nakatutok ako sa sibat na ngayo'y tatamaan na si Zamor. Umungol ito ng malakas pero bago pa niya magawang iwasan ang atake ko ay tumarak na sa noo niya ang aking sibat na siyang ikinahinga ko ng malalim.

K

itang-kita ko kung paano dumanak ang dugo sa sahig galing sa noo ni Zamor na ngayo'y nanghihina na habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin... na parang hindi siya makapaniwala na ganoon lang kadaling natapos ang buhay niya.

"Anong magagawa ng isang malaking kambing sa kapangyarihan ng isang Dragon?"


**********

By the way, credits sa mga right owner ng mga pictures from pinterest PH! Thank you for making these beautiful fantasy pictures and hope for you guys to make more!

And by the way guys, I want you to support my other BL stories and hopefully all of you are always updated every chapter that I am posting. And by the way, this book is almost meeting its end so hopefully I can read your comments and meet you up until the end.

Message from Anastasha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro