Chapter 38
Lara
While following Hugo, I can't still stop thinking how wide, huge and cold Litrayad is. This country can kill you if you are not into their season. Sobrang lamig, sobra-sobrang lamig! Huwag ka na lang talaga pumunta dito kung hindi mo kakayanin.
There's no sun but it's broad daylight, the sky is clear blue while it's snowing. I can also see different figurines made of snow, different structure of igloos and of course, the different creatures that are loving the country. Kung titignan, mukhang masaya naman sila sa paninirahan nila dito at mukhang mahal na mahal nila ang bansa nila. May mga iba ring bisita na parang namamangha dahil sa pag-ulan ng niyebe na siyang nararamdaman ko rin ngayon.
Ni kailanman, hindi ko naranasan makakita ng snow o maka-experience man lang ng ganito sa mundo ng mga ordinaryong tao. At tiyaka, mainit sa lugar na 'yon at tanging ang ulan lang ang nagbibigay dahilan kung bakit nagkakaroon din ng malamig na klima.
"I sense something different from that guy, Lara. Huwag kang magpakampante." Dinig kong turan ni Lethius sa utak ko, alam ko naman 'yon at tiyaka hindi naman ako kampante dahil alam ko ang ginagawa ko. Kung may gagawin siyang masama, hindi ako aatras, lalaban ako.
And I think he's not like that, I am so comfortable with him na kahit ngayon lang kami nagkakilala ay magaan na agad ang loob ko sa kaniya. Mukhang hindi naman siya masama, kitang-kita ko sa mga ngiti niyang ibinibigay sa amin.
Ilang minuto na kaming naglalakad at unti-unti ko ng nakikita ang kastilyo nila! Malaki at sobrang taas ng kastilyo! Hindi ko alam pero manghang-mangha ako dahil sa ganda ng pagkakatayo nito!
"Your castle is huge, that's beautiful." Hindi ko mapigilang puri sa kastilyo. Huminto si Hugo na siyang ikinahinto ko rin, humarap siya sa akin at binigyan ako ng ngiti.
"Matagal-tagal na 'yang nakatayo, Lara, mula pa sa mga ninuno namin." Agad akong tumango sa sinabi niya at napatingin ulit sa kastilyo na hindi na ganoon kalayo sa kinakatayuan namin.
"At salamat sa pagpupuri sa kastilyo, Lara. At tiyaka, mukhang mas maganda naman ata ang kastilyo sa bansa ninyo, diba? Kung pagbabasehan ang iyong ganda, siguro magaganda din ang mga istraktura ng mga gusali sa inyong bansa." Litaniya nito na siyang ikinangiti ko na lang rin.
Of course, my nation is not yet a country, limang lungsod pa lang ang napapatayo pero malapit na malapit na itong maging bansa. And I am actually excited because I will be able to give my friends and the other creatures a safe haven, and of course, additional knowledge. By implementing education, I know that creatures will be lighten up more and will be more skillful in terms of or related to literacy. Magsisikap ako para lahat ng mga nasa puder ko ay magiging mautak hindi lang sa pakikipaglaban, kun'di, sa larangan ng edukasiyon at pakikipagkapuwa.
"Oo naman, Hugo, maganda sa bansa namin. Kung gusto mo, bumista ka at nang maipakilala kita sa mga kaibigan ko." Ngiti kong turan, lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko na siyang ikinailing ko na lang. Napakadaling pasiyahin si Hugo, hindi katulad ni Ruthven na ang hirap pasayahin!
"Don't talk too much, Lara, we can't tell who he is and what are his intentions to you." I secretly nodded, of course I know that too but I am just being vocal because I don't want to pretend, that I am suspecting him. Baka kasi mahalata niya na parang may kung ano talagang nararamdaman si Lethius sa kaniya. Kapag kasi may kakaibang nararamdaman si Lethius, nag-iiba rin ang takbo ng pagtibok ng puso ko. Nagtatalo ang utak at puso ko dahil sa mga sinasabi niya kaya minamabuti ko na lang na sundin si Lethius.
Ilang minuto pa ang nakalipas hanggang sa nakatulala na akong nakatingala sa napakalaking kastilyo na nasa harapan ko. Ito na ata ang pinakamalaking kastilyo na nakita ko sa buong buhay ko rito sa Maria! Napalunok ako dahil parang naiisip ko na kapag natumba ang ganitong kalaking kastilyo, siyempre, hindi na ako mabubuhay!
"Pasok na tayo, Lara." Ngiting aya sa akin ni Hugo, agad akong tumango.
He entered first before me, I was suddenly confused when I saw the Knights bowing their heads towards Hugo! At mas lalo pa akong nagtaka nang makita ang mga serbedora sa loob na niyuyuko nila ang ulo nila kapag nadadaanan nila si Hugo!
What's going on?
Kahit nagtataka, itinapak ko ang mga paa ko sa loob ng kastilyo. Kasabay no'n ay ang pagkabigla at pagkagulat dahil sa biglaang kirot na naramdaman ko sa puso ko! Hindi ito klaseng kirot na parang may kung anong kumukurot sa dibdib ko, kirot siya na parang may kung anong nararamdamang pangungulila!
"I'm sure, Lara, I'm sure... that your body, is here." Bulong ni Lethius na siyang mas lalo kong ikinatigil! Parang nanaas ang mga balahibo ko dahil sa nararamdaman ko ngayon!
Tama si Lethius, ramdam ko ang pamilyar na kapangyarihan at enerhiya mula sa loob. At kung hindi ako nagkakamali, kumirot ang puso ko dahil sa pangungulila ng kaluluwa ko sa totoo kong katawan! Nandito nga ang katawan ko! Ang tunay kong katawan! Nandito sa Litrayad, nandito sa kastilyo nila!
Makikita at makukuha ko na ang katawan at alaala ko!
"Lara, dito!" Kahit kinakabahan, and at the same time, nae-engganyo, sinundan ko si Hugo na ngayo'y malapad ang ngiting nakatingin sa akin. Tumango ako habang naglalakad habang ang lahat ng mga kawal at iba pang mga serbedora ay nakangiting nakatingin sa akin.
"Bakit nila iniyuyuko ang mga ulo nila sa'yo, Hugo? Ang mga kawal, at tiyaka ang mga babaeng 'to?" Turan ko sa kaniya habang pinanuod ang mga kababaihan na iyuko ang kani-kanilang mga ulo.
"Nirerespeto lang nila ako, Lara. Gaya ng pagrespeto ko sa kanila." Tumabi ako sa kaniya para makita ang mukha nito. Tumingin siya sa akin na parang nagustuhan ang pagtabi ko.
May ideya ako kung ano siya, pero hindi ko na lang muna inisip dahil nga sa pakiramdam ko ngayon! Atat na atat na akong makita ang katawan ko! Atat na atat na akong makabalik sa totoo kong katawan!
Habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko!
"May ipapakilala sana ako sa'yo, Lara, kung ayos lang sa'yo." Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya pero wala na akong nagawa nang hawakan niya ang kamay ko at dinala sa isa sa mga silid ng kastilyo. I was about to complain when suddenly, strong presences welcomed me inside!
Familiar presences!
"Mahal na Reyna, Mahal na Hari, may bisita kayo! May bisita tayo." Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Hugo nang humarap sa akin ang dalawang imahe na siyang nagpatigil sa oras at mundo ko.
Suddenly, my world and time stopped. Hanggang sa parang nag-slow motion ang mga nasa paligid kasabay no'n ang matinding pagtibok ng puso ko! Biglang naging blangko ang utak ko, nanindig ang mga balahibo habang natuod sa kinakatayuan ko. Napaatras ako at biglang nanghina dahil sa mga nakangiti nilang mukha habang nakatingin sa akin! Tumibok pa ng mabilis ang puso ko na parang sasabog na, kasabay no'n ay ang panginginig ng mga labi't mga tuhod ko! Nang hindi ko na nabalanse ang bigat ng katawan ko dahil sa matinding pagkagulat ay napaupo na ako sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon, ang maging masaya ba, galak, lungkot, galit, poot o ang pangungulila!
Suddenly, tears fell.
"M-Mama, Papa." Bulong ko habang tulalang nakatingin sa kanilang mga wangis na ngayo'y nakangiti sa akin. Hindi ko pa rin mapigilang hindi manginig dahil sa nakikita ko ngayon!
They're here! Nandito sila!
"Laros, anak." Mas lalo akong naiyak at rinig na rinig sa buong silid ang paghikbi ko dahil sa boses ni Papa! Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Hugo na ngayo'y nakangiting nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak dahil sa ngiti nito, na para bang siyang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong pagkakakumportable.
"J-Just who are you?" I softly asked while crying so hard! He just smiled at me and then suddenly, he kneel in front of me and then caressed my face. I suddenly felt a warmth, warmth that I am not expecting to like it!
"Lara, are they really your parents?" Tanong ni Lethius sa utak ko, tumango ako ng kaunti habang nakatitig sa mga mata ni Hugo.
"Anak ako ng kinikilala mong ina at ama, Lara. Anak ako ng pinakamamahal mong mga magulang sa mundo ng mga ordinaryong tao." I was stunned! Lumingon ulit ako sa mga magulang ko na ngayo'y nanlulumo habang nakatingin sa akin. My mother is hugging my father's arm tightly while sobbing, on the other side, my father is caressing her palm to relax her... na siyang ginagawa nila noon sa mundo ng mga ordinaryong tao.
"H-Hindi ko maintindihan, Hugo, hindi ko maintindihan." Utal kong turan sa kaniya, ngumiti siya ng malapad sa akin hanggang sa tinulungan niya akong makatayo. Nakatingin lang ako sa mga mata niya, habang binabantayan ang mga kilos nito.
"Laros." Lumingon ako kay Papa, naramdaman ko ang pagbitaw sa akin ni Hugo kaya agad akong lumapit kay Papa at binigyan siya ng mahigpit na yakap!
"Papa!" Sigaw ko, malakas na sigaw ko, habang malakas na umiiyak sa dibdib niya. When he hugged me back, I suddenly felt the familiar warmth from him that made me cried more! Nanginginig ang mga kamay kong nakayakap kay Papa, at mas lalo akong naiyak nang haplusin niya ang ulo ko!
"Ang Laros namin."
I miss him! I miss him so much! Sila ni Mama! Miss na miss ko sila!
"L-Laros." Dinig kong tawag rin ni Mama sa akin, agad ko din siyang niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang magaang kamay nito habang maingat na hinahaplos ang likuran ko. Naramdaman ko na rin ang mga kamay ni Papa na ngayo'y nakayakap na rin sa akin.
"Ang tagal naming naghintay, ang tagal ka naming hinintay para kunin mo ang iyong alaala, Laros anak. Ang tagal naming hinintay ang pagdating mo." Natigilan ako sa sinabi ni Mama kaya dahan-dahan akong kumalas sa kaniya. Agad kong nakita sa mga mata nito ang tuwa habang nakatingin sa akin, pansin ko ang mga luhang nagbabadiya sa kaniyang mga mata katulad na rin ng kay Papa nang lumingon ako sa kaniya.
"Alam naming hindi ka pa rin makapaniwala, pero ngayon, hayaan mo kaming humingi ng kapatawaran dahil sa pagturing namin sa'yo noong nasa mundo pa tayo ng mga ordinaryong tao." Agad akong umiling dahil sa sinabi ni Papa.
"N-No, that's okay. Walang problema! Ang importante, nandito kayo ngayon at n-nagkita tayong tatlo!" Taranta kong sabi habang hawak ang kamay nilang dalawa ni Mama. Ngumiti siya sa akin ng matipid, gano'n rin ang ginawa ni Mama.
"Laros, ang laki-laki mo na." Mama softly uttered that made me more weak! I miss her voice! Mga boses nila! Miss na miss ko sila! Sobrang miss!
"Hindi namin aakalain na mas lalaki kang malakas, at maganda, Laros." Dagdag pa ni Mama na siyang ikinahina ko lalo! How I love her voice while complimenting me! Hindi ko alam pero noon ko pa pinapangarap na sabihan ng mga magagandang salita galing sa kanila!
"Laros, narito ka para kunin ang iyong totoong katawan hindi ba? Ang iyong alaala?" Napalingon ako kay Hugo na hindi nagsasawang ngumiti sa akin.
"H-How did you know that, Hugo? H-Hindi ko kailanman nabanggit 'yon sa'yo." Pagtataka kong tanong, naramdaman kong bumitiw si Mama sa pagkakahawak ko kaya taranta akong napaharap ulit sa kaniya. Naramdaman niya 'yon kaya napangiti ito, hanggang sa natigilan ako nang punasan ni Mama ang mga natuyong luha sa magkabilang pisngi ko gamit ang malambot niyang mga palad.
"Anak, siya ang tagabantay ng katawan mo. Siya ang nagbabantay sa tunay na katawan mo, kaya alam niya ang rason kung bakit ka nandidito. Matagal na naming hinihintay ang pagkakataon na babalik ka sa amin, at kunin ang nararapat sa'yo." Natigilan ako sa sinabi ni Mama, tumingin ako kay Papa na nakangiting tumatango-tango sa akin.
"At gaya ng sabi niya, siya ay anak namin, ang totoong anak namin. Siya rin ang nag-alaga sa katawan mo, nagpunas, at nag-aruga habang wala itong malay." I stiffened, and realize, that this day is meant to be happen. I know, that I am not their son, I know that they are not my real family.
Their physiques are really far from mine, ni wala akong nakuhang pagkakatulad sa kanila. Father's eyes are now blue, Mama as well, katulad na katulad ng kay Hugo. Their natural black hair are naturally glowing like crystals, their pearl skin, the greek faces, and also their presences are not related to mine. Hugo, got them all. The real son.
"Matapos mong mamatay sa mundo ng mga ordinaryong tao, isang Diyosa ang kumuha sa kaluluwa mo at sinabihan kaming siya na ang bahala sa'yo. Tapos na ang misyon namin bilang mga tagabantay mo, Laros, anak. Ang misyon namin, na pasikreto kang protektahan sa mga gustong umatake sa'yo. Pagkawala mo, bumalik na rin kami ng Mama mo sa Maria, kasama ang mga kapatid mo, ang mga kapatid ni Hugo."
My sister! My brother!
"N-Nasa'n sila? Nasa'n sila ngayon?" Halos sigaw kong tanong, ngumiti sila sa akin ng sabay. Gano'n rin si Hugo.
"Natutulog, Laros, at alam kong magagalak sila na makita ka." Sabi ni Mama, napatingin ako kay Hugo na maaliwalas ang mukhang nakatitig sa akin.
He already knew who I am, he already knew my name! Kilala niya na ako bago siya lumapit, at kilalang-kilala niya na ako bago siya magpakilala! At kung Reyna si Mama at Hari naman si Papa, ibig-sabihin ay Prinsipe si Hugo! That's explain why all the Knights and Maidservants are bowing their heads and paying respect to him! Isa siyang Royalty, isa siyang Prinsipe!
Huminga ako ng malalim at pinoproseso pa ang mga nangyayari ngayon! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon sa akin!
"Please, please tell me more about me. Tell me about me, when I still have my memories with me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro