Chapter 37
Lara
Ramdam na ramdam ko parin ang lamig ng klima sa buong lugar na halos manginig na ako sa kakalakad habang tanaw na tanaw ang mga kakaibang mga gusali dito sa kanilang bansa. Hindi ko alam kung paano nila ito ginawa pero kung titignan, parang mga tinaob na malalaking mangkok ang mga gusali rito. If I am not mistaken, it's igloo, a circular house made of blocks of hard snow. Mukhang matitibay ang pagkakagawa, ni mga apoy sa labas ay wala akong nakikita dahil mukhang sanay na sanay na silang lahat sa klima rito.
"Binibisita ang lugar na 'to ng ibang mga lahi, kung titignan mo, ang mga nilalang na may suot na mga makakapal na damit ang siyang mga bisita rito." Napalingon ako sa mga nilalang na sinasabi ni Lethius, at tama siya, dahil may mga nilalang na nakasuot ng mga makakapal na damit tulad ko hindi gaya ng iba ay ang ninipis lang ng mga damit.
"Saan ba natin hahanapin ang katawan ko? Hindi ko maramdaman ang kapangyarihan na nasa katawan ko Lethius." Bulong ko, sabay lingon sa paligid, baka kasi may makarinig sa akin.
It's great, knowing that this country is open for all creatures and wild monsters. And to think, they already have the ability to transform into human forms. And I can sense lots of strong presences here, energies and powers.
"Mukhang sa lugar na ata na 'to ang ayaw na ayaw na puntahan ng mga nilalang na kayang kontrolin ang apoy." I whispered that made Lethius chuckled. He's in my mind that's why it's kinda weird hearing his voices and laughs within me. Para akong baliw na nakikipag-usap sa sarili ko, jusko!
"You're right, this is the place where all the fire wielder creatures won't bother to be in here. This damn country is their kryptonite." I nodded because of what he said, looks like he is having a great time talking to me! And here I am, still feeling the same thing while whispering something to myself.
Kakaloka!
"I think I have to eat first, Lethius. I am starting to feel hungry." I whispered once again, hindi na nagsalita pa si Lethius kaya agad na akong pumasok sa isa sa mga gusali kung saan nakita kong may mga lumalabas na customers na may dala-dalang pagkain. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ng pumasok doon at hinayaan ang sarili kong libutin ng tingin ang loob.
As far as I remember, in human world, I watched televisions about the north pole's events where all the igloos are really made of hard snow and they are building it to prevent from polar bear attacks if they having a camping in ice lands. But to think, ginagamit din pala nila ang mga igloos for concrete buildings like resto, departments stores and etcetera.
"Maganda pala sa loob." Bulong ko habang nililibot ang tingin. Malaki, maaliwalas at malapad ang loob na hindi ko aakalain ganito ang itsura ng loob. Igloos in human world are small, pero dito ay ang lalaki at ang tatangkad! Looks like they are also advance, and they have advance technologies in here.
"Hello po! Dine in po ba?" Napalingon ako sa hindi gano'n katangkad na babae habang nakangiti sa akin. She's holding something on her hand, I infer, it's a menu of this restaurant. And I was mesmerized because of her beauty and at the same time, stunned, because of her beautiful wings!
A Fairy wings!
"H-Hi, you're gorgeous!" Hindi ko napigilang sabi, mas lalong lumapad ang ngiti ng babae at biglang namula dahil sa sinabi ko.
"Marami na pong nagsabi niyan sa akin." Napangiti na lang din ako sa sinabi niya.
"Please, dine in." Turan ko na lang pagkatapos, inabot niya sa akin ang menu na dala-dala niya. Hindi ko alam pero gulat na gulat talaga ako dahil ngayon lang ako nakakita ng Fairy! At dito pa talaga!
As far as I remember when I was in human world, Fairies embrace a wild beauty, they aren't overly-tidy and their style is exuberant, rather than tailored. Fairies appear fragile but can be strong and protective about their family. Fairy clothing is old-fashioned and romantic but looking at her, it's already modernized. Long blue skirts, blue lace and blue ribbons, a Shakespearean aesthetic kind of get up.
For sure, she's an Ice Fairy.
"Please follow me po." Tumango ako sa sinabi niya at sinundan siya nang magsimula na siyang maglakad. While she's leading the way, I can resist thinking how beautiful she is while serving the other creatures here. Fairies are beautiful, 'yon ang napansin ko nang makita ko pa ang iba niyang kalahi. Their ears are long, and their hair are ponytailed with snowflake hairpins on it.
"Dito po, and please tap the bell on the table if you're already ready to order." Ngiting turan sa akin ng babae, agad naman akong tumango sa sinabi niya.
Isang oras ako do'n sa resto habang tinatanaw ang buong loob. Nang tapos na akong kumain ay agad na akong lumabas dahil sa kailangan ko ng gawin ang misyon ko. Kailangan ko na talaga kasing mahanap ang katawan ko para agad nang makabalik si Lethius sa katawan niya at ng makuha ko na rin ang mga alaala ko. Mahirap talaga kapag wala akong masiyadong alam lalo na't parang may kulang sa pagkatao ko.
"Nararamdaman mo na ba ang enerhiya galing sa katawan ko, Lethius?" Tanong ko sa kaniya. Kanina pa kasi ito hindi kumikibo, at alam ko namang nag-a-adjust 'yan dahil baka kung anong sabihin ng mga nilalang sa'kin dito.
Baka sabihin nila na may sira ang utak ko. But well, this little world is extraordinary so it's already given that there are two or more souls in one body.
"Hindi ko pa nararamdaman, Lara. Hindi ko rin alam kung saan tayo magsisimulang maghanap." Turan nito, napahinga ako ng malalim dahil sa tama nga ang sinabi niya. We don't know where to start, looking for my body... we don't have any clue and we can't sense my body's energy! Na para bang may nag-seal sa enerhiya ko!
"Mukhang nasa loob ng napakamakapangyarihang lugar ang katawan mo, Lara. Mahihirapan tayo hanapin ang katawan mo." Dagdag nito na siyang agad ko namang ikinaba.
Sabi ni Oviossa, posibleng sa bansa na 'to niya itinago ang katawan ko at wala ng iba. Pero sana nga ay dito, marami din daw kasing bansa na may ganitong klaseng klima.
"We won't give up, Lethius, of course! We have to find that body so you can already take over and have your body back! Ano na lang ang gagawin nating dalawa kung hindi ko makita ang katawan ko?" Reklamo ko sa kaniya, narinig ko pa itong napahagikhik!
Aba't natutuwa pa talaga siya sa nangyayari ngayon?
"Yeah, yeah. I know that, Lara. You don't have to remind me, and mind you, I am the one who's helping you. And you are the one who needs help." Sabi ko nga! Tsk!
Huminga na lang ako ng malalim, ngayon, hindi namin alam kung saan kami magsisimula! Kung saang lugar kami unang maghahanap! Ang laki ng bansang 'to, tapos ang ginaw pa! Mabuti na lang malakas ang resistensiya ko sa klima dahil sa kapangyarihan at enerhiya na meron ang katawan ni Lethius. Kung hindi dahil sa akin, hindi magiging ganito kalakas ang kapangyarihan at enerhiya ng katawang 'to!
"How about, their castle?" I uttered, napaisip ako sa sarili kong sinabi.
"I think that's too far from here but you're right, we can start finding your body in their castle. If Oviossa is just awake, we don't have problem anymore. But she is still weakly sleeping, she is drained." Dinig kong turan ni Lethius na siyang ikinatango ko na lang. Mukhang kami muna ni Lethius ang magtutulungan, mukhang hinang-hina nga talaga ang kaluluwa ni Oviossa dahil sa pakikipagkita at pakikipag-usap niya sa akin, unconsciously.
Lumingon-lingon ako sa paligid kung sino puwede kong mapagtanungan. Pero mukhang wala namang pakialam ang mga nilalang dito, lahat nakasimangot halos dahil sa lamig ng klima. Hindi ata na nila nakakayanan ang lamig.
"Hi." Napalingon ako sa likuran ko, halos kumunot ang noo ko dahil sa nakangiti nitong labi habang nakatitig sa mukha ko. He was like amazed, or mesmerized for I don't know the reason is. But what I am stunned for is that his face! His familiar face!
Kamukha niya si Ruthven! Kamukhang-kamukha niya si Ruthven!
Teka, hindi ko agad naramdaman ang presensiya niya ah?
"H-Hello?" Patanong kong sagot sa kaniya, mas lalo akong nagtaka dahil sa nahihiya nitong itsura habang nakatingin na sa lupa.
"A-Are you okay?" Tanong ko. Gosh! Kamukhang-kamukha niya talaga ang asawa ko! Pero ang pinagkaiba lang nila, his eyes are blue... my husband's are black, pero nagiging pula ito kapag ginagamit niya ang kapangyarihan niya. Teka, ano bang nangyayari? Ito na ba ang sinasabi nila sa buong mundo na may isa o dalawa kang kamukha? Just like me, and Lethius?
"A-Ah, gusto ko lang sana sabihin sa'yo na ang ganda mo." Natigilan ako sa sinabi niya at parang tumaba ang puso ko sa narinig ko. I always heard those compliments from my nation, pero ibang-iba talaga kapag sa ibang nilalang nanggagaling.
Maganda nga ba talaga ako? Minsan kasi hindi ako naniniwala lalo na't bakla ako, at tiyaka, minsan na lang sa mga lalaki ang mga ganiyan ka-vocal sa mga katulad ko.
His towering height makes him more attractive, katulad ng sa asawa ko. Magkasingtangkad lang ata sila kung tutuusin, pero parang mas malaki ang katawan ng lalaking nasa harapan ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magkatulad sila ng asawa ko ng mukha! Ibang-iba nga lang ang presensiya at enerhiya nila pero alam kong may kakaiba sa lalaking 'to. Hindi ko maamoy ang enerhiya niya, hindi ko din siya agad naramdaman no'ng lumapit siya sa akin.
Who's this guy?
"A-Ahm, thank you. But I'm gay." Naghintay ako sa ire-react niya pero walang nagbago sa reaksiyon niya na para paring nagliliwanag ang mukha niya habang nakatitig sa akin. He suddenly caressed his nape, yeah, he's shy.
"A-Alam ko, ahm, ngayon lang kasi ako nakakita ng magandang lalaki. At tiyaka, babaeng-babae ka kung tignan." Ngumiti na lang ako ng matamis dahil sa tinuran niya sa akin habang nahihiya. I can't imagine Ruthven being like this, being timid while talking to me and telling how beautiful I am! Unlike him, Ruthven is naughty and vocal.... pasaway at seryoso.
Napailing na lang ako sa naisip.
"Lara, may asawa ka na, huwag kang kiligin." I secretly rolled my eyes and didn't bother to talk back with Lethius. Psh, alam ko naman 'yon! Hindi ko lang talaga maiwasang hindi ma-amaze sa lalaking kaharap ko na parang carbon copy ni Ruthven! His blue eyes are actually mesmerizing, catchy and captivating at samahan mo pa ang pagiging mahiyain niya.
He's cute though.
My green long hair suddenly flipped because of the blew of the wind, I closed my eyes a bit to prevent some snowflakes that are trying to attack my eyes. When I fully opened my eyes, I saw how the guy reacted like he saw something precious.
"Mukhang natutuwa ka sa kaniya, Lara. Dapat na bang kabahan si Ruthven?" Hindi ko parin siya pinansin dahil baka kung pansinin ko siya, mahalata ako ng kaharap ko.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko na lang sa kaniya, nahihiya itong napalunok na siyang ikinangiti ko. He's so cute! Hindi ko alam pero kumportable ako na kausap siya, kumportable ako sa kaniya kahit kakakilala pa lang namin ngayon.
"Ako si Hugo, Hugo, magandang Binibini." Natigilan ako sa itinawag niya sa akin na siyang ikinailing ko na lang at ikinangiti pa lalo. Inabot ko sa kaniya ang kamay ko na siyang ikinatigil niya, tinignan niya 'yon na parang nagdadalawang-isip.
"Ako si Lara, Lara ang pangalan ko. It's nice to meet you, Hugo." Ngiti kong pagpapakilala sa kaniya, nahihiya niyang tinanggap ang kamay ko at sabay kaming nagkamay. His hand is soft, just like his personality.
Maingat kong binawi ang kamay ko pagkatapos ng ilang segundo, at tinignan ng malalim sa mga mata si Hugo.
"By the way, okay lang ba kung magtanong ako, Hugo?" Mahina kong tanong, napaigtad siya at agad na tumango.
"O-Oo naman, Lara. Ano 'yon at nang makatulong ako?" Ngumiti ako sa sinagot niya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Alam mo ba ang daan papunta ng kastilyo ng Litrayad? May kailangan lang kasi akong gawin eh." Halos bulong kong sabi sa kaniya. Nagulat siya ng kaunti pero kalauna'y binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
"Alam ko ang daan, Lara! Alam na alam, samahan na kita papunta do'n."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro