Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Zora

"S-Sigurado ka ba mahal na dito na 'yon?" Namamangha kong tanong kay Nyctimus habang nakatingin sa napakalawak na karagatan! Kitang-kita ko kung paano ito kuminang sa mga mata ko habang masayang nagtatalunan ang mga kakaibang isda! Amoy na amoy ko ang karagatan at ang maalat na hangin habang ang araw ay nakangiti sa amin.

Ito ang unang beses na nakakita ako ng karagatan, at sa malapitan pa. Ito ang unang beses na nakalapit ako sa asul na karagatan na ito, namamanghang napapatulala dahil sa angking ganda nito.

Isa akong Dragon pero hindi ko kailanman naranasan o naisipan na bumisita sa mga ganitong klaseng lugar. Nawala na rin sa isipan ko ang mga ganitong bagay dahil nga sa abalang-abala ako noon.

"Dito na 'yon mahal, alam na alam kong dito 'yon." Agad niyang sagot sa akin kaya napangiti ako sa kaniya. Ramdam ko rin ang pagkamangha mula sa mga mata niya at halos mapatulala din siya dahil sa angking ganda ng dagat. Hindi ko siya masisisi!

"Ramdam ko ang enerhiya na galing sa Charybdis na 'yon, mula rito, ramdam na ramdam ko siya." Dagdag nito na siyang ikinatango ko.

Isang linggo bago kami nakarating sa isla na ito ay masasabi kong hindi din gano'n kadali ang pinagdaanan namin sa mga araw na 'yon. Lalo na't napakaraming mga mababagsik na hayop ang nakaharang sa amin. Pero manghang-mangha pa rin ako ngayon sa biglaang pagbago ng lakas ng asawa ko. Simula nang maging isa na siyang Demon God, ang lakas at kapangyarihan niya ay dumoble na siyang ikinasaya naming dalawa.

Nakakaya niya ng makontrol ang tubig na hindi na nauubusan agad ng enerhiya. Nakakaya niyang bumuo at palakasin ang kapangyarihan niya. At ang pang-amoy niya, mas lalong humusay na kahit napakalayo ay naamoy niya.

Kahit alam kong isa siyang Alpha, hindi matatabunan no'n na mas kaya kong pigilan ang kapangyarihan niya lalo na't ako ang kaniyang Luna. Kung susuriin ng mabuti, at kung aalamin ng mas malalim, mas malakas ang kakayahan ko kaysa sa asawa ko. Ako ang tagahinto, ako ang tagapigil kapag siya ay nawawalan ng kontrol. Tinatawag ako ng mga taong-lobo na Wolgan Lupus Draconis, o isang Dragon Wolf.

"Kay ganda ng ibabaw ng karagatan, ano kaya ang itsura ng ilalim?" Bulong nito pero rinig ko pa rin na siyang ikinatanong ko rin sa sarili.

Mula nang nagka-isa kami, naramdaman kong nagbago ang takbo ng lakas at enerhiya ko sa katawan. Napansin ko rin ang pagbabago ng kulay ng aking mga mata na para bang nagiging tsokolate na ang kulay mula sa pagiging berde. Napansin ko rin na may puting hibla ang ilan sa mga berde kong buhok na siyang nagpataka sa lahat.

Isa akong Dragon, na kayang maging anyong taong lobo. Ako ang mate niya kaya naging katulad niya ang pagkatao ko. Kaya kong maging isang Dragon, at kaya ko na ring maging isang kakaibang taong lobo. Hindi pa alam ng iba pero mukhang hindi na rin naman kailangan. Ang importante, ay alam na nina Lara at Haring Ruthven ang tungkol sa pagbabago ko.

At nasisiguro ako, na katulad ko rin ang aming anak. Nasisiguro akong lalakas rin siya paglaki lalo na't may biyaya na galing kay Lara.

"Maligayang pagdating sa aming kaharian, Panginoon." Agad akong natigilan nang bigla na lang may kung anong malaking halimaw ang lumitaw sa karagatan habang papalapit ito sa amin. Nanlaki ang mga mata ko sa itsura nito na parang malaking uod! Ni walang mga mata pero napakaraming ngipin na nakapalibot sa kaniyang malaking bibig!

"Charybdis, nagagalak kong makita kang muli." Tugon sa kaniya ni Nyctimus, agad akong napalunok nang malalim nang humarap sa akin ang halimaw. Kahit alam kong halimaw rin ako, hindi ibig sabihin no'n na hindi ako natatakot sa mga halimaw na may kakaibang wangis! Natatakot rin ang halimaw kong puso!

"M-Magandang araw, Charybdis." Utal kong bati sa kaniya. Kung titignan, mas doble ang laki niya sa Dragon kong anyo at nasisiguro kong hindi magandang ideya na nasa isang lugar ang mga gano'ng klaseng halimaw na nasa tunay nilang mga anyo!

"Hmm, ang asawa ng aking Panginoon." Panginoon? Napalingon ako sa asawa ko na ngayo'y nakangiti sa akin ng tipid.

"Nagkaroon kami ng kontrata, kontrata ng mga taong lobo at Charybdis. Sila ang mga kasundo at protektor ng mga lobo na kayang magmanipula ng tubig. Kagaya ni... Ina, isa sa mga pinakamagaling magmanipula ng tubig sa lahi namin." Paliwanag niya na siyang ikinatango ko na lang. Napansin ko kasing parang humina ang boses niya nang banggitin niya ang kaniyang Ina na nasisiguro akong nangungulila ito sa kaniya.

"Galak kong makilala ang nagpapatibok ng puso ng aking Panginoon, nagagalak akong makilala ka. Masaya ako at kaya mong ibuwis iyong buhay para sa iyong asawa. Mukhang magkatulad ang ating gustong mangyari para sa kinabukasan ng aking Panginoon, at ng iyong asawa." Tumango ako sa sinabi niya dahil alam kong tama ang kaniyang sinabi. Hindi ko maitatanggi 'yon sapagkat nagpalakas talaga ako ng husto para kay Nyctimus.

Sa panahong gusto ko pa siya, gustong-gusto ko siyang protektahan pero hindi na nangyari 'yon dahil siya na mismo ang gumawa ng mga bagay na 'yon.

"Gagawin ko ang lahat para sa kaniya, Charybdis, lahat-lahat." Ngiti kong turan at tinignan sa mga mata si Nyctimus. Nakangiti itong nakatingin sa akin kaya hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Ramdam ko kaagad ang init sa palad niya na siyang nagbigay sa akin ng kaginhawaan.

"Paano tayo makakapunta sa ilalim ng karagatan, Charybdis, kung hindi namin kayang huminga sa tubig?" Tanong ng asawa ko na siyang ikinatango ko.

Rinig kong nasa ilalim ng karagatan ang kanilang kaharian, at mukhang isa rin itong bansa na siyang pinamumunuan din ng Hari at ng isang Reyna. Ngayon ko lang din nalaman na may kaharian at bansa rin pala sa ilalim ng karagatan!

"Ako ang magdadala sa inyo doon gamit ang aking kapangyarihan, pero hindi ko alam kung makakaya ko bang dalhin kayong pareho na magkasabay lalo na't hindi ganoon kalakas ang aking enerhiya. Malalakas ang inyong presensiya at kapangyarihan, hindi ko alam kung makakaya ko bang gamitin ang kapangyarihan ko na hindi nanghihina." Napaisip agad ako sa sinabi niya.

"Baka kung anong mangyari sa atin sa gitna ng karagatan, lalo na't kakaiba ang lahi ng iyong asawa, Panginoon. Batid kong isa siyang Dragon na kayang maging isang taong lobo." Dagdag niya. Hindi na ako nabigla nang malaman niya ang tungkol do'n.


"Charybdis, huwag mo na akong tawaging Panginoon. Magkatulad lang tayong nangangailangan ng matiwasay na buhay at kasagutan sa mga tanong." Kahit sa laki ng Charybdis ay napansin ko kung paano ito matigilan sa sinabi ni Nyctimus.

"Pero huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan." Ngayon, ako naman ang natigilan.

"N-Nyctimus." Utal na tawag ko sa kaniya nang maramdaman kong may binabalak siya na hindi ko magugustuhan. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng tipid. Kinabahan agad ako sa klaseng ngiting iginawad niya.

"Gaya ng sabi ni Reyna Lara, aanhin natin ang kapangyarihan natin kung hindi natin gagamitin hindi ba?" Mukhang alam ko na ang gagawin niya!

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay pero parang wala lang sa kaniya ang ginawa ko. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko kung gagawin niya ang gusto niya!

"Bibigyan kita ng pangalan, Charybids." Umungol ng malakas ang halimaw na siyang halos ikapikit ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko!

"M-Mahal, kailangan ba talaga 'yon?" Pagsusumamo ko na siyang ikinangiti niya na lang ng tipid.

"Para sa kasagutan, mahal. Gagawin ko ang lahat, malaman lang ang katotohanan."

"Hindi maaari! Hindi kakayanin ng iyong kapangyarihan ang lakas at enerhiya na meron ako! Hindi natin puwede itaya ang buhay mo sa hindi makabuluhang bagay!" Malakas na sigaw ng halimaw, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ko rin masasabi na hindi makabuluhan ang pagtulong sa kaniya ng asawa ko... dahil para din 'yon sa kaniya. At naiintindihan ko na nag-aalala siya para kay Nyctimus!

Napangiti na lang ako, wala akong magagawa kung gustong tumulong ni Nyctimus. Alam na alam ko ang ugali niya, at alam na alam kong tutulong siya hanggang sa makakaya niya.

Isa ang Charybdis sa mga mababangis na nilalang sa buong Maria, narinig ko na ang mga lahi nila pero ni kailanman ay hindi ko pa sila nakausap maliban na lang ngayon. Malalakas sila dahil isa sila sa mga malalakas na halimaw na kayang gumamit at kontrolin ang tubig. Malakas sila, kagaya naming mga Dragon at Serpentes, lalo na ang mga Typhon at Kraken.

"Hayaan mo na, Charybdis. Malakas ang enerhiya at kapangyarihan niya lalo na't isa na siya ngayong Demon God." Napasinghap ang halimaw na siyang ikinangiti ko na lang ng tipid. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko, alam ko 'yon. At wala na rin akong magagawa kung desisyon ni Nyctimus ang tulungan siya.

"K-Kaya pala kakaiba na ang nararamdaman ko sa iyo." Turan nito kay Nyctimus. Ngumiti sa kaniya ang asawa ko at itinapat ang kaniyang palad. Nagliwanag 'yon ng asul na siyang ikinapikit ko dahil sa ilaw nito.

Unti-unti kong naramdaman ang kakaibang enerhiya na bumabalot sa liwanag na 'yon.

"Humanda ka na, Charybdis, dahil sa gagawin kong 'to ay magiging mas malakas ka at mas madadagdagan ang iyong enerhiya." Hindi nakapagsalita ang halimaw sapagkat mukhang natuod ito sa kaniyang kinalilitawan. Kita ko ang paghampas ng malaki nitong buntot sa dagat na siyang nagbigay ambon sa amin.

"I-Ikaw bahala, Panginoon. Ikaw na ang bahala sa akin, ako'y may tiwala ng malaki sa iyo." Turan sa kaniya ng halimaw.

Mas lalo pang lumiwanag ang palad ni Nyctimus hanggang sa parang lumitaw ang liwanag papunta sa katawan ng Charybdis. Umikot ang liwanag sa buong katawan nito na siyang ikinatigil niya.

"Tatawagin kitang, Deo." Kasabay no'n ay ang biglang pagliwanag ng buong katawan ng Charybdis na siyang ikinapikit ng aking mga mata. Nawalan ako ng balanse kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong matumba sa malambot na kakaibang buhangin. Kasabay pa no'n ay ang kaba, takot at galak na siyang hindi ko inaakala na mararamdaman ko ng sabay-sabay.

"Napakaginhawa sa pakiramdam." Rinig kong galing sa kung sino, agad kong dinilat ang mga mata ko na siyang pagbungad sa akin ng isang lalaki na may matikas na pangangatawan habang walang ni isang suot sa katawan.

Hindi ko alam ang una kong gagawin, kung tatanungin ko ba kung sino siya o tatakpan ang aking mga mata?

"Salamat, Panginoon." Nang makahinga ako ulit ng matiwasay, inobserbahan ko kaagad ang lalaki na siyang may pamilyar na enerhiya at presensiya.

Teka...

"C-Charybdis?" Utal kong tawag sa kaniya, napalingon siya sa akin at ngumiti. Kitang-kita ko kung paano magliwanag ang mga asul niyang mata habang nakatitig sa mga mata ko... hindi ko alam kung anong reaksiyon ang ipinapakita ko ngayon pero parang namamangha ako sa kaniya. Napakagandang lalaki! Taliwas sa itsura ng kaniyang totoong anyo!

Matangkad, hindi ganoon kaputi ang balat pero hindi 'yon nakakawala ng pagkagandang lalaki nito. Ang kaniyang asul na buhok ay siyang mas nagbigay sa kaniya ng kaakit-akit na wangis.

"Ako na ngayon si Deo, mahal na Luna ng nag-iisang Alpha sa mga lahi ng Panginoon." Turan nito, napalingon ako sa direksiyon ni Nyctimus at halos manlaki ang mga mata ko nang makitang babagsak na siya! Bago pa siya bumagsak sa buhangin ay agad na akong tumayo at sinalo ang kaniyang katawan, ngumiti pa siya bago siya mawalan ng malay.

"Sinasabi ko na nga ba, hindi maganda ang bigyan ako ng pangalan sapagkat malaking enerhiya ang mawawala sa kaniya. Na kahit alam kong nagbago na ang enerhiya at lakas niya, hindi maitatanggi na ibang-iba ang enerhiya at lakas na meron ako bilang halimaw." Tinignan ko na lang na may kaunting inis si Deo, ang bago niyang pangalan, na siyang ikinatigil niya.

"Huwag ka ng magsalita ng kung anu-ano pa, Deo. Magpasalamat ka na lang at nakakaya mo ng maging anyong tao, at tiyaka magsuot ka ng sapin sa buong katawan." Seryoso kong turan sa kaniya, wala itong nagawa kundi ang tumango na lamang sa akin. Nagliwanag ang katawan niya hanggang sa nagkaroon na ng suot ang kaniyang buong katawan na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim.

Alam ko sa sarili ko na maganda ang pangangatawan niya, at sanay na ako na makakita ng mga hubad na katawan. Pero hindi maitatanggi no'n na iba na ngayon lalo na't may asawa na ako at anak. Hindi maganda para sa akin ang tumitig ng ibang katawan maliban sa katawan ng aking asawa.

Sinuri ko ang maamong mukha ng aking asawa at hinaplos ang kaniyang mga pisngi. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa buo niyang katawan at mukhang napakalaki nga ng enerhiyang nawala sa kaniya. Unti-unti ko siyang hiniga sa hita ko at hinaplos ang kaniyang buhok para mas maging kumportable ang kaniyang pamamahinga. Unti-unti kong itinapat ang palad ko sa bandang puso niya at nagliwanag 'yon, agad kong napansin ang pagkakakumportable nito sa paghinga.

"Ngayon, dalhin mo na kaming dalawa ng asawa ko sa inyong kaharian upang malaman na namin kung ano nga ang tunay na nangyari sa kaniyang Ina. Batid kong kaya mo na 'tong gawin lalo na't nadagdagan na ang lakas at kapangyarihan na meron ka." Tumango sa akin si Deo na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. Lumuhod siya sa harapan ko at tinignan ako sa mga mata habang ang mga mata nito ay nagliliwanag.

Ito na ang tamang oras para malaman ni Nyctimus ang nangyari sa kaniyang Ina at kung sino nga ba ang pangahas na kumitil sa buhay ng mahal niyang magulang. Malalaman na namin ang nilalang na siyang nagplanong patayin ang Ina ng asawa ko.

"Masusunod, mahal na Luna." 

"Huwag mo 'kong tawagin sa pangalan na 'yan sapagkat mayroon ng nagmamay-ari sa ngalang 'yan. Tawagin mo na lang akong Zora, nirerespeto ko ang pangalan na meron ako katulad ng pagrespeto namin sa aming Reyna, kaya tawagin mo 'kong Zora." Litaniya ko, napansin kong napalunok siya dahil sa seryosong tono na ginamit ko.

"M-Masusunod, Zora. Paumanhin sa aking kahangalan, at tiyaka... hindi na ako makapaghintay na makilala ang inyong minamahal na, Reyna."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro