Chapter 34
Lara
Pagkagising ko ay agad akong bumangon sa higaan dahil sa naalala. Nilibot ko ang tingin ko at napansing nasa kuwarto ako. I was stunned a bit when I felt something heavy on my thighs and I was stopped that it was my husband's arms, peacefully sleeping while his head resting on my bed. Nakaupo lang siya at mukhang binabantayan ako magdamag, napangiti ako ng matamis nang maaliwalas ang mukha nitong natutulog.
Ang guwapo talaga ng asawa ko!
I slowly caressed his hair to feel him, the warmth from him is giving me so much comfort and love and the way he breaths deeply is making me crazy! And because of his beauteousness, I am falling deeper!
Before, I couldn't handle him being a cantankerous because he is too hard to read especially his gestures. I remember that he was so arrogant and jerk before when I first met him! And I couldn't still believe that he is my mate, he is my husband, he is my love of my life and he is the father of my twins. I didn't expect that we will end up like this, loving each other and embracing each other's flaws and memories. I smiled when I remember all those things from the past, the pain, sorrow, sadness and of course the happiest moments of our lives that brought us here and made our bond more stronger.
"Hey." Natigilan ako sa paghaplos sa buhok niya nang nagising siya. Ngumiti ako sa kaniya at ngayon, ang pisngi niya naman ang hinaplos ko.
"Nagising ba kita?" Mahina kong tanong habang maingat na nilalakbay ng kamay ko ang mukha niya hanggang sa labi niya.
"I-Is that you, Lara?" I smiled sweetly and nodded. Mukhang nakausap na nga nila si Lethius at mukhang alam na nilang lahat ang sikretong matagal ko ng tinatago.
I don't have the guts to tell them about my secret by myself. That's why I asked Lethius instead and gladly, he agreed. Lethius is a good man actually, he is willing to help and he also wants to help. After we talked, we agreed that I have to find my body as soon as possible so that I can already live with my body with no problems anymore.
"A-Are you now okay? Wife, tell me are you feeling good now?" Umayos siya ng upo habang nakatitig ang mga nangungusap niyang mga mata sa akin. Napangiti ako dahil sa nag-aalala niyang mukha at sa kasabay na oras, ay nalulungkot ng kaunti dahil sa pinag-alala ko siya... sila.
"Ayos na ako, Ruthven. Huwag kang mag-alala, maayos na maayos na ako." Sagot ko kaagad sa kaniya na siyang ikinatango niya ng malalim. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papalapit sa akin. Napansin kong hinubad niya muna ang sapin niya sa paa bago siya tumabi sa akin sa paghiga.
Agad kong sinandal ang ulo ko sa braso niya habang nakayakap ng mahigpit ang kamay ko sa malaking katawan niya. Naramdaman ko ang labi niya na humalik sa ulo ko na siyang ikinapikit ko kaagad dahil sa init no'n.
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal galing sa kaniya lalo na't hindi rin nagsisinungaling ang init ng kaniyang katawan. Napangiti ako nang yakapin niya rin ako pabalik gamit ang isa pa niyang kamay.
"I thought I'm gonna lose you, my Queen." He whispered that made me smiled more.
"Don't worry, I won't. Kailangan ko lang talagang sabihin sa inyo ang matagal ko ng tinatago. Mabigat kasi sa puso na mayroon pa akong tinatagong sikreto, Ruthven." Saad ko sa kaniya. Hindi ko makita ang mukha niya pero alam kong alalang-alala talaga siya sa akin.
"At tiyaka, kailangan ko ng hanapin ang totoong katawan ko, Ruthven. Kailangan ko ng makabalik sa katawan ko." I added that made him stiffened.
"Y-Yes, I heard it from Lethius. That you are going to find your real body in one of the coldest countries in this little world... alone." Umupo ako sa kama nang marinig ang malungkot niyang boses at hindi nga ako nagkakamali dahil parang iiyak na siya! Nagbabadiya na ang mga luha sa kaniyang mga mata na siyang ikinakurot ng puso ko.
I immediately caressed his cheeks when tears are slowly falling from his eyes. I smiled at him sweetly. I want to make him understand that I have to do this and I need to get my real body back.
"Huwag ka ng umiyak asawa ko, babalik at babalik rin naman ako pagkatapos. At hindi ako nag-iisa, kasama ko sina Oviossa at Lethius." Sabi ko sa kaniya.
"O-Oviossa? Who's that?" Hindi ba nasabi ni Lethius sa kanila kung sino si Oviossa?
"Si Oviossa ay kapatid ni Lethius, siya ang nagdala sa kaluluwa ko sa katawan na 'to nang mamatay ang katawan ko sa mundo ng mga ordinaryong tao. She was performing a spell to revive Lethius, she offered and sacrificed her soul but it wasn't enough so that she looked for another, and she found my soul." I explained that made him stunned, I smiled at him and gave him a peck on his lips.
"I am not alone, they are inside me that will guide me to right paths. Trust me on this okay?" I softly uttered, he sighed deeply and he suddenly hugged me tightly that made me smiled.
"You take care, my wife. I can't afford to lose you again, not this time. Please come back as soon as possible, okay? We're gonna wait, me and our twins." He whispered that made me nodded.
Ilang oras kaming nasa gano'ng sitwasiyon hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ulit ako na nasa bisig ni Ruthven.
Pagkagising ko pa lang sa sunod na araw ay agad bumungad sa akin ang mainit na sinag ng araw na siyang nagpagising sa kabuuan ko. Nasa tabi ko pa rin si Ruthven habang nakayakap ang kamay niya sa katawan ko. Napangiti ako sa imaheng nakikita ko, at kahit gusto ko man ulit siyang hagkan ay hindi ko na ginawa dahil sa pagod nitong itsura.
Tumayo na ako ng dahan-dahan sa kama habang unti-unting inaalis ang braso niya, hinanda ko na ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay agad yumuko sa akin ang mga nilalang na nadadaanan ko. Ngumiti ako sa kanila at tumango rin.
"Reyna Lara!" Agad akong napalingon sa likuran at nakita sina Zora at Medusa na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila ng matamis.
"Kamusta na pakiramdam niyo?" Tanong ni Medusa habang may hawak na mga pagkain.
"Ayos na 'ko, Medusa." Tipid kong sagot, napatingin naman ako kay Zora na parang ang lungkot ng mga mata. Huminga ako ng malalim.
"Ayos na nga ako, okay? At kailangan ko na ring maghanda... kailangan ko ng maghanda dahil hahanapin ko pa ang tunay kong katawan." Paninigurado ko sa kanila na siyang agad nilang ikinatango.
"Gulat na gulat kami Lara, hindi ko alam pero akala ko mawawala ka na talaga sa amin ng tuluyan!" Umiling ako sa sinabi ni Zora at hinawakan ang magkabilang balikat nito.
"Hindi ako mawawala, hahanapin ko lang ang totoo kong katawan. At tiyaka, hindi ko kayo iiwan dahil kayo na ang pamilya ko." Sagot ko rin rito na siyang ikinahinga nila ng malalim pareho. Napailing na lang ako habang nakangiti ang mga labi ko.
"Queen Lara!" Sabay kaming lumingon sa tumawag sa pangalan ko at natigilan nang makita si Mama Roselia habang bitbit si Eulalia. Nasa likuran naman nito si Papa Vandam habang hawak naman si Eulyseer. Ngumiti ako sa kanila at lumapit hanggang sa nakita ko na ang mga anak ko sa malapitan.
Agad akong natuwa dahil parang ngumiti sila nang makita nila ang mukha ko. Agad akong nanggigil at hinawakan ang kani-kanilang mga maliliit na kamay.
"Ayos ka na ba?" Tanong sa akin ni Papa Vandam, agad akong tumango sa tanong nito.
"Maayos na ako, Papa Vandam. Maghahanda na rin kasi ako para sa paglalakbay na gagawin ko." Sagot ko rito na siyang ikinatango niya.
"Sigurado ka ba anak na ikaw lang ang pupunta? Hindi ka ba talaga magpapasama?" Napatingin naman ako sa nag-aalalang mukha ni Mama Roselia, ngumiti lang ako sa kaniya at umiling.
"Mas maganda kung kumpleto kayong lahat na nandito, Mama. Hindi natin alam ang panahon at baka may kalaban na gustong lumusob sa nayon natin. Mas maiging nandito kayong lahat para protektahan ang minamahal nating mga lupain." Mahabang saad ko sa kaniya.
"At tiyaka Mama, Papa, kayo na ang bahala sa mga anak ko. Mukhang pagod na pagod ang asawa ko dahil sa nangyari at alam kong hindi siya sasang-ayon na ako lang ang maglalakbay. Pasaway 'yon kaya kayo na rin bahala magsabi sa kaniya na umalis na ako." I added that made them both nodded. Mas kilala nila si Ruthven kaya alam kong makikinig sa kaniya ang asawa ko kapag sinabi nilang huwag na siyang sumunod sa akin kapag umalis na ako.
"T-Teka, ngayon ka na ba aalis?" Tanong ni Mama Roselia. Ngumiti ako sa kaniya at sabay tango.
"Ayoko nang patagalin pa ang misyon na 'to, Mama. Kating-kati na akong makabalik sa tunay kong katawan."
Wala silang magawa kundi ang tumango na lang. Sa isipan ko, para rin naman ito hindi lang para sa akin kundi para na rin sa kanila. Hindi ko gustong iharap ang sarili ko na nasa katawan na 'to na hindi ko naman pagmamay-ari. Kaya kung maaari, kailangan kong gumawa agad ng paraan para makuha ko na ang totoo kong katawan kung saang bansa man ang sinasabi nina Oviossa at Lethius.
I bid my goodbyes to them especially to my babies, and I am preventing myself to see Ruthven's face for the last time because I know that I will miss him even more when I leave for the important adventure.
After minutes, I found myself in the Garden of Eden while watching the clear sky. The cold wind is hugging my whole body and I can see the flowers and trees that are dancing smoothly under the bird's songs. I smiled sweetly when I realized that, I already reached so far. Malayo na ang narating ko! I suddenly remembered those moments when I first met Medusa, the Elves, Werewolves, Ruthven, the Angels and my other friends that made my life complete. They put more color into my life that I will never ever forget! And of course, I won't never ever regret meeting them.
"Lara." Napalingon ako sa likuran ko at nakitang nakangiti sa akin si Zora, kasama naman nito ang seryosong si Nyctimus. Yumuko silang dalawa sa akin na siyang ikinangiti ko sa kanilang dalawa. I am happy because they are still both in love, they are happy and they made it. Lalo na kay Zora, na pinangarap lang si Nyctimus na ngayo'y kaniyang-kaniya na.
I am so happy for him!
"Hey, how's my Baby Ozarus?" I asked, Zora smiled at me. Lumapit siya sa akin at nabigla ako nang niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi agad ako nakagalaw pero wala akong nagawa kundi ang yumakap na lang rin sa kaniya pabalik.
"Maraming salamat, Lara. Kung hindi dahil sa'yo, wala kami ngayon sa lugar na 'to. Kung hindi dahil sa'yo, hindi namin makikilala ang mga nilalang na siyang bumuo sa pagkatao namin. Maraming salamat Lara, maraming salamat sa lahat ng sakripisyo na ginawa mo sa amin. Hinding-hindi namin makakalimutan lahat ng mga tulong na ginawa mo para lang maging ligtas kami." Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang marinig ko 'yon mula kay Zora.
"H-Hey, stop that. Don't make me cry, bakla ka!" I whispered. Kumalas siya sa yakap at nginitian ako. Ngayon ko lang rin napansin na may dala silang mga backpack, at agad kong napagtanto na may lakad din pala sila. May gagawin rin pala silang misyon na alam kong importante na importante para kay Nyctimus.
"Aalis na kami, Lara. Kailangan na naming gawin ang misyon na 'to sa lalong madaling panahon." Tumango ako sa sinabi ni Lara. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at nginitian siya ng matamis.
"Mag-iingat kayo." Turan ko rito, ngumiti rin siya sa akin at napansin kong naluluha na rin siya. Lumingon ako kay Nyctimus at sinenyasang lumapit sa akin. Iniyuko niya muna ang ulo niya bago tuluyang lumapit sa akin.
I smiled sweety at him.
"Protektahan mo si Zora hanggang sa makakaya mo, Nyctimus. Ikaw ang asawa, ikaw ang may malaking responsibilidad. Protektahan mo siya at ang sarili mo lalo na't may naghihintay sa inyo rito. Maaasahan ba kita?" Litaniya ko sa kaniya, tumingin siya sa mga mata ko at seryosong tumango.
Lumayo ako ng kaunti sa kanila at sabay na itinapat kay Nyctimus ang palad ko na siyang ikinalito nila ng pareho ni Zora.
"Accept my gift, Nyctimus. A thank you gift because you protected not just your husband, but all the beings here in our nation when I was gone. Thank you for helping them, thank you for being responsible when I was in a deep sleep. And thank you for accepting me, trusting me and loving me as your Queen of this nation." I stated that made him stunned for a bit. I smiled when my palm glowed with green light, it is almost blinding but the three of us here can handle the light of my power.
And it is not that late for me to thank him and the others for being responsible.
"Guild Incantation: Demon God Art." Pagkasambit ko no'n ay bigla na lang nagliwanag ang buong katawan ni Nyctimus na siyang ikinabigla ni Zora. Napangiti na lang ako nang unti-unti nang naglalaho ang liwanag, at ramdam ko rin ang biglang pagbabago ng enerhiya at kapangyarihan na nasa katawan ni Nyctimus.
"R-Reyna Lara." Hindi makapaniwalang tawag sa akin ni Nyctimus.
"Isa ka ng ganap na Demon God, Nyctimus. Ang kapangyarihan at ang pagdoble ng enerhiya na nararamdaman mo ay siyang simula ng bago mong yugto bilang isang katulad ko... na Demon God. At gusto kong gamitin mo 'yan para mas lalo mo pang maprotektahan ang mga nasa paligid mo, lalo na ang iyong anak at asawa." Litaniya ko na siyang nagpatango sa kaniya kaagad, nagulat ako ng lumuhod ito sa akin at niyuko pa lalo ang ulo. Pag-angat niya ng kaniyang ulo ay nakita ko kung paano nagliwanag ang mga kape niyang mga mata.
"Hindi ko po kayo bibiguin, mahal na Reyna Lara. Hinding-hindi ko sasayangin ang inyong regalong ibinigay sa akin." Natuwa naman agad ako dahil sa sinabi niya at tiyaka, ito na ata ang pinakamahabang sinabi niya na narinig ko.
"You are now the Demon God of the Werewolves, that responsibility will bring you to the top where you can fight well, where you can use your power more skillfully and masterfully. Take that power, and protect our people, Nyctimus." I stated.
"Maraming salamat, Lara. H-Hindi ko inaakala na mangyayari 'to!" Tuwang turan ni Zora na siyang nagpangiti sa akin.
"Mahal ko kayo kaya responsibilidad ko kayong lahat. Gagawin ko ang lahat na kahit ang lakas at kapangyarihan ko ang kapalit." Sagot ko rito na siyang ikinangiti nila ng matamis.
After that moment, they decided to start their adventure. While me is smiling like an idiot for no reasons. I am just happy, knowing that my people still accepted me even I am in a wrong body.
Natigilan ako nang bigla na lang dumilim ang kapaligiran, agad akong kinabahan dahil sa nangyayari! Pero nang maramdaman ko ang pamilyar na presensiya ay kumalma ako at nagpatianod na lang sa kadiliman.
"Lara." Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang pamilyar na babae. Ang boses niya, hinding-hindi ko 'yon makakalimutan. Napakadilim ng kapaligiran at tanging ang gintong liwanag na bumabalot sa babaeng papalapit sa akin ang siyang nagbibigay liwanag sa aming dalawa.
This is so familiar.
"O-Oviossa." Bulong kong tawag sa pangalan niya. Nang mas makita ko pa ang itsura niya ay natigilan ako dahil sa maaliwalas nitong mukha, natigilan ulit ako sa pangalawang pagkakataon dahil sa ganda ng kaniyang wangis at kung gaano kaliwanag ang kabuuan nito. Her ethereal beauty cannot be measured, and I think she is the most beautiful woman I've ever seen in my entire life, and next in her line is the Queen of Roha.
"Nagagalak akong malaman na nagkausap na kayo ng aking kapatid. At batid ko'y alam mo na ang katotohanan tungkol sa katauhan mo." Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Alam niya na, Ate." Sabay kaming napalingon sa bagong dating na siyang kawangis na kawangis ko. Nagliliwanag ang kabuuan nito ng berde, napangiti ako dahil sa pinapalibutan ako ng mga Diyos. The God of Imitating Powers and the Goddess of Reincarnation. These powerful beings are willing to help me with my problem, they are wholeheartedly willing to help me to find my real body.
"Mabuti at kung gano'n, Lethius. Oras na para hanapin natin ang kaniyang katawan na siyang dinala ko sa bansang iyon." Tumango ako sa sinabi ni Oviossa.
"Handa na ako." Sagot ko.
"Makikita ang katawan mo sa bansa ng Litrayad, bansa kung saan hindi natatamaan ng araw. Malamig sa lugar na 'yon, at hindi natin alam kung gaano kadelikado ang lugar na 'yon para sa'yo. Pero hindi ka namin pababayaan, narito kami para tulungan at gabayan ka." Litaniya ulit ni Oviossa na siyang nagpangiti sa akin.
"Alam ko naman 'yon, Oviossa. Alam kong nandiyan kayo para sa akin. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit niyo ako tinutulungan maliban na lang na sa gusto na ring makabalik ni Lethius sa katawan nito." Pagtataka kong sambit. Mas lalo lang akong nagtaka dahil sa pagngiti lang nilang dalawa.
"You won't understand if we'll elucidate things if you are not yet in your real body, Lara. We have to find your body first before explaining all the things you wanted to hear." Sagot sa akin ni Lethius. Hindi na ako nagsalita pa dahil alam kong para din sa akin ang sinasabi nila. Kung tama nga sila na hindi ko maiintindihan ang lahat kapag wala pa ako sa totoo kong katawan, siguro ay mabuti kung hanapin ko muna ang katawan ko para maintindihan ang lahat.
"Kapag nasa loob ka na ng totoo mong katawan, babalik rin lahat ng mga alaalang nawala sa'yo."
What? Memories? The memories I had was when I was in the world of ordinary people! Hindi ko naman nakalimutan ang lahat na nangyari sa akin doon mula pagkabata!
Pero teka—
Bigla kong naalala ang sinabi ni Oviossa sa akin! Na hindi talaga ako galing sa mundong 'yon! At sabi ni Lethius, na dito talaga ako naninirahan sa mundong 'to!
Is it possible that I really forgot some parts of me?
"Kailangan mo ng ihanda ng sarili mo, Lara. Dahil kapag nakuha mo na ang totoo mong katawan, babalik lahat ang mga alaala na nawala sa'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro